AvrilNilapitan ko ulit ito at pinunasan ng damit ko ang ilang bakas pa ng luha sa pisngi at mata nito. Napapikit nalang ako dahil sa katangahan na nagawa ko. Pinaka ayaw ko na nakikita ito na ganito. Mas ako ang nasasaktan. Sobrang na ko konsensya talaga ako sa aking nagawa dito. Maling mali nga naman kasi ako sa bagay na iyon. May asawa na ako kaya dapat nagsasabi ako dito ng mga gagawin ko. Hindi ko dapat e compare kung ano ang ginagawa nito dapat gawin ko rin dahil may isip naman ako para malaman kung tama o mali ang mga gagawin ko. Maya lang ay narinig ko na lang ang biglang pagtunog ng tiyan nito. Nagtatakang napatingin naman ako dito."Kumain ka na po ba?" Tanong ko naman agad dito na medyo naka kunot pa ang aking noo.Inirapan lang naman ako nito " sino naman kaya ang gaganahang kumain kung ganyang di na nga kita ma contact tapos nambabae ka lang naman pala." Sagot agad nito saka tingin ulit sa akin ng masama.Napakamot na lang ako sa aking ulo at hinila na ito pa puntang k
JaneMagaan ang pakiramdam na nagising ako. Ang ganda kasi ng panaginip ko. Agad ko naman ginala ang aking mata at tinignan ang katabi ko. Pero biglang nangunot ang aking noo ng mapansin na wala na ito sa kanyang higaan. Don't tell me umalis nanaman sya?Dahil kung oo ay itatali ko na talaga siya dito sa bahay. Inuubos nya na masyado ang pasensya ko ha. Pasalamat nga siya sa akin kagabi at ang pag bato ko lang ng phone nya ang nangyari sa kanya. Dahil kung hindi ay puputulan ko na talaga sya. Pero mautak din ito dahil niyakap ako kagabi. Alam ko naman kung bakit para nga naman hindi ko siya masampal. Nag iisip din pala ito minsan. Inis na bumangon na ako sa aking kama at nag tungo na sa cr upang gawin ang aking daily routine. After ko sa cr ay lumabas na ako ng kwarto at tuloy tuloy na bumaba na.Agad naman akong sinalubong ng isang mabangong amoy na nanggagaling sa may kusina. Parang alam ko na kung nasaan ang aking magaling na asawa ah. Napapangiting lumakad na ako at agad dumir
JaneNandito ako ngayon sa isang restaurant hinihintay na dumating si Noli. Nagtext ako dito kagabi na kailangan naming mag usap. Gusto ko na kasing makipag break na dito dahil alam ko na sa sarili ko kung sino ba talaga ang taong mahal ko. Kaya bago pa tuluyan na mawala sa akin si Avril ay kailangan ko na talagang gumawa ng paraan upang tuluyan nang makawala dito. At para na rin makapag simula na kami ni Avril. Dahil ayaw ko umamin kay Avril na may sabit pa ako. Dahil lolokohin ko lang ang aking sarili kung ipipilit ko pa rin na ito ang mahal ko na sa totoo naman ay si Del Carmen talaga. Oo na inaamin ko na. Na si Avril ang mahal ko at sa akin lang sya. Di ko papayagan na may sisingit pang mga uhugin dyan sa aming dalawa. Dahil pag ang akin ay akin lang. Di naman sa nagiging possessive ako ha pero pagdating kasi kay Avril ay di ko maiwasang maging ganun. Ang dami naman kasing mga babaeng nag papa pansin dito. Kaya nga palagi akong nagseselos sa mga babaeng lumalapit dito. Sa totoo
JanePagkagaling ko sa restaurant ay dumiretso na muna ako sa Mall. Need ko kasi na bumili ng cellphone ni Avril at palitan na rin itong may basag ko ng phone.Kaya nga di ko sya maka musta ngayon sa bahay ay dahil wala itong ginagamit na cellphone. Diba nga kasi ay nasira na ito ng binato ko iyon sa mukha nya kagabi. Agad na akong dumiretso sa bilihan ng phone at tumingin ng pwedeng mabili. Nag pa dagdag na rin ako ng sim card at balak ko na palitan na rin ang sim nito para di na sya ma contact pa ng mga humaharot dito.Lalong lalo na iyong bansot na Julian na yon. Pag nakita ko talaga ang malanding babae na yun ay kakalbuhin ko na talaga siya. Kapal ng mukha nya ha. Bwisit sya. Binalaan ko na ito noon na layuan nya na ang asawa ko. Pero anong ginawa nito, niyaya niya pa talaga itong gumala may pa tampo tampo pa kuno siyang nalalaman. Eh kung hinampas ko sa pader yung pag mumukha nyang bansot sya. Huwag lang talaga magpapakita sa akin ang bruha na yun dahila manghihiram na talaga
AvrilNandito ako sa kwarto ko at nag papahinga saglit. Iniisip ko kung ano ang magandang approach ang gagawin ko. Balak ko na kasing magsabi ng nararamdaman ko sa asawa ko. Pati mag papaalam na rin ako dito na liligawan ko na sya. Dapat kasi talaga noon ko pa ito sinimulan. Kung kailan naman na ilang buwan nalang at matatapos na ang isang taon ay saka naman ako nagkaroon ng lakas ng loob na magtapat dito.Habang naka tulala lang ako na nakatingin sa kawalan ay naka rinig na lang ako ng katok. Agad naman akong tumayo upang alamin kung ano ang kailangan ni Jane. Inayos ko muna ang aking sarili bago nag mamadali na binuksan ko ang pinto. "Ano po yun Ma'am?" Magalang na tanong ko dito. Pansin ko naman agad na naka pan lakad ito. Mukhang may pupuntahan ata ang mahal ko ah. "Mag papaalam sana ako sa iyo na aalis lang ako saglit at may kakausapin lang ako." Nakangiting paalam nito sa akin. Di ko naman maiwasang di matigilan at mapa tanga na lang dito. Pilit pina process sa utak ko kun
AvrilNang makita ko syang nag lalakad na papasok dito sa may garden ay agad na akong tumayo at dala ang bouquet ng flowers na pina delivered ko kanina dito sa bahay at nilapitan ko na ito sabay abot ko dito ng bulaklak. " Pasensya ka na kung dito lang ang nakayanan ko na mag dinner date tayo. Ayaw ko lang kasi na baka may makakita sa atin na taga campus at baka ma chismis pa tayo. Tapos makakarinig ako ng hindi maganda ng about sa atin ay baka magkaroon pa ako ng kaaway." Paliwanag ko agad dito habang inaalalayan itong maupo. "Anong ibig sabihin nito Avril? Bakit may ganitong pakulo ka? May kailangan kaba kaya naghanda kapa ng ganito?" Kunot noong tanong agad nito sa akin nang nakaupo na siya. "Pwede bang maya ko na lang sagutin ang mga tanong mong iyan at e enjoy na lang muna natin ang pagkain habang mainit pa." Sagot ko naman agad dito. Hay kinakabahan talaga ako. Paano ba ako magsisimula na magtapat dito? Ang hirap naman po kasi talaga. Baka kasi di nito magustuhan ang sasabi
JaneHalos di ako makapaniwala sa mga pinag tapat sa akin ni Avril ngayon. Imagine mahal na pala ako nito matagal na pero ngayon lang sya nag lakas ng loob na umamin sa akin. Sabagay di ko naman sya masisisi dahil may boyfriend pa ako noon. Tsaka baka takot din ito na mag tapat agad. Lalo oa nga at hindi kagandahan ang pakikitungo ko sa kanya. Akala ko ay crush lang ako nito. Pero mahal na pala niya ako. Di ko naman maiwasang matuwa sa mga pinag tapat nito. Magkapareho lang pala ang aming nararamdaman para sa isat isa. Di ko na pala kailangan na paibigin pa ito. Dahil nga diba mahal nya na ako. Hay buti na lang talaga at di ko na kailangan na mag hirap pa. Papatunayan ko na lang sa iyo kung paano magmahal ang isang Jane San Gabriel. Para mas lalo pa ako nitong mahalin at hindi siya magsisisi na ako ang minahal nito. Dahil gagawin ko din ang lahat para dito. "Paano mo ako liligawan nyan e asawa mo na nga ako." Tanong ko naman sa kanya. "Kahit naman asawa kita et arrange marriage
AvrilKinabukasanWala na akong katabi sa kama ng ako ay magising. Agad ko naman ginala ang aking paningin at baka sa may cr lang siya. Ngunit wala man lang akong maramdaman kung may tao ba doon o wala.Saan kaya nagpunta si Jane? Ang aga namang umalis ng isang iyon? Napipilitan naman na tumayo na ako. Tsaka dumiretso sa may cr upang gawin ang aking daily routine. After ko sa cr ay tuluyan na akong bumaba. Ang aga naman na umalis ni Jane, baka may dadaanan pa siguro ito bago pumasok sa school. Hindi man lang ako hinintay na magising eh. Balak ko pa sana na isabay na ito pagpasok ko. Malungkot naman na bumaba na ako ng bahay. Nang makababa na ako ng hagdan ay agad na akong dumiretso sa may kitchen. May time pa naman ako na magluto at kumain bago umalis. Nagulat na lang ako pag pasok ko sa kusina. Paano naabutan ko doon ang asawa ko na busy sa kanyang pag luluto. Himala ng mga himala. First time ko sya na makitang maagang nagising para magluto lamang. Di ko naman maiwasan na hindi
Avril"Mommy si Mama po kanina sa grocery may nginitian na magandang babae po doon." Dinig kong sumbong agad ng anak ko kay babe pagdating pa lang namin dito sa bahay pagkagaling namin mag groceries."Tapos po kinausap pa po sya kanina. Dinig ko nga rin na kinukuha yung cellphone number ni Mama." Dagdag pang sumbong nito kay babe. Bigla naman akong kinabahan at namutla sa mga pinag sasabi ng magaling at sumbungera kong anak sa dragon niyang ina. Patay ako nito. Ginantihan ko lang naman ng ngiti yung babae kanina. Alangan naman kasi na isnabin o kaya ay simangutan ko ito diba. Naging friendly lang naman ako. Pero bakit parang kasalanan ko pa ang nangyari. At ano raw binigay ko ung cp number ko doon. Hello di ko gawain yun no at saka mahal ko ang asawa at mga anak ko para lang ipagpalit sa babae. Tsaka dyosa kaya na may lahing dragon ang asawa ko kaya bakit pa ako maghahanap ng maganda lang. Dahan dahan naman na pumasok na ako sa loob ng bahay namin. Naramdaman ko na lang ang pag
AvrilNakalabas na ako sa hispital. Halos 2 weeks din na hindi ako naka pasok. Mabuti na nga lang at may program sa school kaya naman halos wala din kaming pasok nun. Nandito na ako sa room namin ng first subject. Kanina pa ako maagang dumating. Sabay nga pala kaming pumasok ni Babe. Ito ngayon ang nag drive ng kotse ko. Yun na lang daw ang gamitin namin kaya pumayag na kaagad ako. Ayaw kasi nito na mag gagalaw na muna ako. Kung maaarin nga ay ayaw pa nitong pumasok ako ngayon eh. Pero hindi naman pwede yun dahil baka mag failed na ako sa mga subject ko dahil sa absent ko. At bumaba na naman ang grades ko nito malamang. Hindi na muna ako tumambay sa office ni Babe kasi nga ay nandoon ngayon si Dean at kausap ito. Nag tataka daw kasi ito at ilang linggo rin kasing hindi ito pumasok. Tsaka nag sabi oala dito si Babe na mag re resign na siya nung hindi pa ako nagigising. Napag usapan naman namin ang bagay na yun at sinabi ko dito na hindi nito kailangan na mag resign kasi naiintindih
AvrilNagising ako na sobrang sakit ng ulo ko pati na rin ang lalamunan ko parang ilang linggo ako na hindi uminom. Gusto ko sana na imulat ang aking mga mata ay hindi ko magawa. Para bang bigat na bigat ito na halos hindi ko maigalaw pa. Kaya ang tangi ko na lang nagawa ay ang igalaw ang aking mga kamay. Pero parang mabigat din ito. Mag sasalita na lang sana ako pero parang ungol lang ang lumabas doon. Maya lang ay bigla na lang ako nakarinig ng parang mga nag uusap sa tabi ko. Base sa mga boses ng mga ito ay si Jane at ang kanyang mga kaibigan ang mga yon. "Ano naman kaya ang ginagawa nila sa kwarto namin ni Jane?" tanong ko sa isip ko. Nag try ulit ako na mag salita para pukawin ang presensya ni Jane. Pero ungol lang ulit ang lumabas sa aking bibig. Maya lang ay may biglang lumapit sa akin at hinawakan ako sa kamay. Alam ko na kung sino ito. "Babe gising kanaba? Babe!?" pakikipag usap sa akin ni Jane. Gusto ko sana itong sagutin pero ungol lang ang lumabas sa aking bibig. "Gi
JaneHalos mahigit isang araw ng tulog si Avril. Mula kasi ng maoperahan ito ay hindi pa rin siya nagigising kaya naman todo ang kaba na aking nararamdaman. May ilang beses din na nag flat line ito kaya nga hindi pa rin ako natutulog hanggang ngayon. Kaya naman mukha na akong bumabatak sa itsura ko. Nakiusap na rin ang aking mga magulang na kung maari ay mag pahinga naman daw ako at baka ako naman ang magkasakit. Pero hindi ako pumayag. Paano na lang kung magising si Avril tapos hindi ako ang mamulatan nito. Ano na lang ang iisipin nya. Tsaka gusto ko na nasa tabi lang ako ng asawa ko. Mag papahinga lang ako pag na sure ko na na okay na okay na siya at pag nagising na rin ito. Baka daw kasi dahil sa pag kaka bugbog nito at palo sa kanyang ulo ay magka internal hemorrhage ito. Na sana huwag naman po mangyari. Hindi na rin ako masyado na kumakain. Siguro nag subo lang ako kanina ng mga 3 kotsara dahil wala talaga ako sa mood at walang lasa oara sa akin ang kinakain ko. Kung hindi ng
JaneKanina pa ako hindi mapakali dito sa pinag tataguan namin. Gustong gusto ko na kasing pumasok sa loob upang harapin ang mga dumukot kay Avril. Pero alam ko na mas mapapahamak lang si Avril pag ginawa ko iyon. Tinignan ko naman ang mga kasama ko na same din lang ang expression ng sa akin na gusto na ngang sumugod lalo na si Tito na kanina pa pinipigilan ni Tita. "Mag hintay na lang po tayo dito Dahil mas makakabuti kung ang mga tauhan ko at mga scout ranger ang pumasok sa loob. Baka maka abala lang tayo sa kanila at sya pang maging dahilan upang mabolilyaso pa ito." Sabi naman sa amin ni Camela. Tama naman din ito baka maka sama lang kami sa diskarte ng mga ito. Nag uusap kasi sila kung paano makakapasok doon ng walang nakakapansin. At nalaman ko na rin kung sino ang mastermind ng kagaguhan na ito. Shit ka Noli hinding hindi kita mapapatawad pag may nangyari na masama kay Avril. Gagamitin ko ang lahat ng connection pati na rin ang pera ko upang mabulok ka sa bilangguan at mas
AvrilKanina pa ako nag hihintay sa pag dating ng tinatawag nilang boss. Curious din kasi ako kung sino ba ito at bakit parang ang laki naman ng galit nito sa akin. Kahit naman kasi anong isip ang gawin ko ay wala talaga akong maisip na pwedeng gumawa nito sa akin. At saka sobrang nag aalala na ako sa mahal ko. Alam ko na panay na ang iyak nito ngayon. Maisip ko pa lang ang mukha nito na hilam sa luha ay parang pinipiga na ang puso ko sa sakit na nararamdaman nito. Sana naman okay lang ito. Oo dapat sarili ko ang isipin ko pero kasi hindi ko maiwasang mag alala dito. Ramdam ko rin kasi na alam na ng mga ito na nawawala ako. At alam ko din na nakita na ni Jane ang nangyari sa akin. Malamang na makita naman siguro nito ang sa sakyan ko na naka balagbag lang doon sa may kalsada papasok sa subdivision nito. Yun ay kung hindi kinuha ng mga kidnapper ang kotse ko. Sana naman ay hindi. Taimtim din lang na nag darasal ako na sana ay huwag akong pabayaan ni god. Alam ko na hindi ko pa naga
JanePara akong nauupos na kandila matapos ko mapanood ang video sa dash cam ni Avril. My god ano na ang ginawa nila sa asawa ko. Hindi ko na alam pa ang aking gagawin. Sobrang natatakot na ako ngayon para sa kalagayan nito. Kung sino man ang may gawa nito sa kanya. Lintik lang talaga lalo na yung nakita ko na pag palo nila sa ulo nito. Kitang kita ng mga mata ko kung gaano kalakas yun paano na lang kung nagkaroon ng internal damage sa utak nito? Hinding hindi ko talaga mapapatawad kung sino man ang nasa likod ng kalokuhan na ito. Kahit para akong nawawalan ng lakas ay pinilit ko ang aking sarili hindi pwede na magpadala ako sa nangyari dapat ngayon pa lang ay mag isip na ako ng paraan. Gumawa na ng pwedeng hakbang at hindi ang mag hintay lang ako dito at sila ang mag manipulate sa akin. Agad kong tinawagan ang aking mga kaibigan. Mas higit kailangan ko ang mga ito dahil alam ko ma matutulungan nila ako sa nangyari na ito. Lalong lalo na itong si Camela na maraming connection pag da
JaneAlam ko na nag tatampo sa akin si Avril ramdam ko yun kaya lang ay hindi ko pinansin at pinatulan ito dahil ayaw ko na humaba pa ang usapan namin tungkol don at pag simulan pa ng away namin. Pinaka iiwasan ko pa naman na mag away kami. Dahil pag nag simula ng bumuka ang aking bibig ay diri diritso na ito at baka kung ano pa g masasakit na salita ang masabi ko dito tapos pag sisihan ko naman pag ako ay nahimasmasan na. Kaya kung maaari ay ako na lang ang iiwas. Mabuti na nga lang at hindi naman na ito nangulit pa. Hayst Hindi naman kasi ito nag iisip eh. Kung ano ang gusto yun na lang. May asawa ito kaya dapat isa alang alang din nito ang nararamdaman ko. Oo gusto ko na rin naman na ipag malaki siya at yung hindi kami nag tatago na dalawa. Pero kasi hindi pa nga ito tapos sa kanyang pag aaral. Okay lang sana kung hindi ako doon nag tuturo wala naman sanang problema yun. Tsaka anong gagawin ko kung halimbawa man na tumigil na ako sa pag tuturo? Nandito na lang ako sa bahay? Mag h
AvrilKatatapos lang ng last subject ko sa hapon at ngayon nga ay nandito na ako sa may parking lot at balak ko ng umuwe na. Mas mauuna ako kay Jane dahil may isang subject pa ito ngayong araw na ito. Tsaka nag usap na rin kami na hindi ko na siya hihintayin pa. Sumangayon na lang ako dito at gusto ko na rin naman ng mauna ng makauwe. Kanina pa kasi kaiba ng pakiramdam ko kaya gusto ko na pansamantala ay umidlip muna. Nakasakay na ako ngayon sa aking kotse at binabagtas na ang kahabaan ng highway. Mabuti na nga lang at hindi naman ma traffic kaya tingin ko ay mabilis lang akong makakauwe nito. Paliko na sana ako sa may kanto ng subdivision ng bigla na lang may humarang sa kotse ko na mga armado na mga kalalakihan. Kung bibilangin ko siguro sila ay mga nasa apat ang mga ito na ngayon nga ay nakatutok dito sa sasakyan ko ang kanilang mga dalang baril. Mabilis naman na hininto ko ang aking kotse at kinakabahan na binuksan ko na lang ang aking kotse. Wala din lang naman akong laban p