StephanieFoundation week na namin next week at ngayon nga ay nag me meeting na ang mga mga officer ng bawat department kung anong Booth ang gagawin nila at mga pakulo nitong darating na foundation week. At dahil busy din naman sa pag prepare ang ibang mga Prof namin ay halos hindi na kami na si sipot sa klase kung hindi puro pa assignment na lang or hindi naman kaya ay gumawa ng activity at ipapasa na lang sa kanila after ng classes namin. Kaya naman halos wala din kami masyadong ginagawa ngayon kung hindi ang mag daldalan na lang at mag online games. Maya lang ay nag patawag na ng meeting ang president ng department namin at pag uusapan na nga daw ang plano para next week. Kaya naman naka excuse kami para sa last subject namin. Pumunta na kami sa Audio Visual Hall kung saan doon ang napili na pag dausan ng meeting. Nag pahuli naman na kami ni Avril na dumating. Paano naman kasi ay nandoonna naman ang mga alipores ni Samantha at may balak na naman yata na gawin sa akin pero dahil
StephanieFoundation week na at ako ngayon ay nandito sa booth namin na naka upo at naka simangot. Sino ba naman kasi ang gaganahan pag ganito diba? Imbis na nag e enjoy ako ngayon sa pag e ikot sa mga booth ng ibang department ako ito naka tunganga habang nag hi hintay ng costumer. Shit feeling ko tuloy parang isa akong bayaran na babae nito eh. Pag talaga walang Costumer kami ngayong araw na ito. Sinasabi ko talaga sa mga pasimuno nito. Ang dami naman kasi na pwede dyan e. Kung bakit na naman kasi ako pa ang napili. kainisMaya lang ay dumating na si Avril at ang laki ng pag kaka ngiti nito ng makita ako. alam kong nang iinis lang yan eh. Pag ako talaga naka tayo dito ma sa sapak ko ito. "Ano tinatawa tawa mo dyan? may nakakatawa ba?'" masungit na tanong ko dito. Mas lalo lang naman itong natawa dahil sa pag su sungit ko sa kanya. "Wag kang kumunot at para kang bilasang isda dyan na naka simangot. Dapat matuwa ka pa nga at ako ang unang unang costumer mo ngayon. Hehehe hindi ka
StephanieNakaka tatlo pa lang ako na nahahalikan ng bigla na lang tumigil na para bang may dumating na kung ano. Naka talikod kasi ako sa pila kaya hindi ko alam kung ano o sino ang dumating at bakit bigla na lang natahimik ang lahat. Nang matapos ko na ang aking ginagawa. Ay lumingon na ako sa pila at bigla na lang akong natigilan ng makita ko si Samantha na ang sama na naman ng tingin nito Hindi lang sa akin. Maging sa mga naka pila na estudyante dito ngayon sa aming booth. Ano ba ang ginagawa ng isang ito dito? Bakit hindi na lang doon sa booth nila siya pumunta at dumayo pa talaga ito dito para lang samaan ng tingin ang mga naka pila na estudyante dito sa amin. Hindi ko naman ito pinansin at tinawag na yung susunod na mag papa kiss and hug. Pero bago pa maka lapit sa akin si baby girl ay mas nauna na si Samantha na maka lapit sa akin at binalingan pa nito ang cashier namin at nag bigay dito ng napaka kapal na tag iisang libo. Siguro nasa 100k yun kung titignan mo. Naka bundle
StephanieNang makapasok na ako sa loob ng kotse niya ay nag mamadali na rin naman ito na umikot sa may driver seat. Maya lang ay naka pasok na rin ito sa loob ng kotse. Nakita ko na may kina kalkal ito sa kanyang bag at ng makita nito yun ay inilabas na niya. Isang panyo at alcohol lang naman pala. Akala ko kung ano ng deadly weapon ang ilalabas nito at may balak na siyang dito pa lang sa kotse niya ako gawan ng masama. Todo alerto ko pa tuloy. Mahirap na at baka maunahan pa ako nito. Mahal ko pa ang buhay ko at gusto ko pang magkaroon ng mga anak. Siguro tama na yung Anim. Kaya naman siguro e labas lahat yun ng mapapangasawa ko e. Mabuti nga at binawasan ko na eh. Dati pangarap ko talaga ay mga labing dalawa na anak. Pero nung maka panood ako ng documentary about sa panganganak at kung gaano ito kahirap ay binawasan ko na ngayon.Tama lang naman yun eh. Ayaw ko din na iisa lang ang anak dahil alam ko kung gaano ka lungkot pag mag isa ka lang. Yun bang gusto mo na mag laro pero d
StephanieMabilis na inagaw ko naman na dito ang panyo mula sa kanya. Ako na lang ang mag pupunas ng mukha ko at baka mabalatan na ang pisngi ko sa tindi ng pag kuskos nito sa mukha ko. Tapos la lagyan pa niya ng alcohol. Mabuti na nga lang at hindi na ito nakipag talo pa sa akin ng kunin ko sa kanya ang panyo. Mabilis din na binato nito sa akin yung alcohol. At dahil nabigla ako ay hindi ko nasalo yun. Nasapol tuloy ang mukha ko. Napaka ano talaga nito. Inis na pinulot ko na lang sa lapag yun. Nahulog na kasi eh. Tsaka sinamaan ko ito ng tingin. Akala nya ha. Hindi na tama ang ginagawa niya. Baka masapak ko na ito ng tuluyan. "Mabuti nga yan sayo. Napaka landi mo kasi. " sabi pa nito at talagang inirapan na naman ako ng bonggang bongga. Gusto ko sana matawa sa sinabi nito na napaka landi ko daw. Wow ha ako pa talaga ang sinabihan niya. Baka ang sarili niya dyn kamo ang malandi. Pero hindi na lang ako umimik at ayaw ko na makipag talo pa dito. Alam ko naman na ako din lang naman
StephaniePero hindi din naman ako nag patalonat sinabi ko pa rin sa kanya na baka namali lang siya ng dinig. "Baka namali ka lang ng dinig. Hindi ka yata nag lilinis ng tenga mo eh kaya kung ano ano na ang naririnig mo sa akin. Tapos ganyan ikaw pa ang may gana na magali." hindi nag iisip na nasabi ko dito. Potek na yan baka mas lalo ko lang yata pinalala ang setwasyon . Bakit naman kasi sa dami ng pwede ko na idahilan sa kanya ay yun pa talaga ang naisip ko. Potek na bibig kasi ito eh. Bakit naman kasi yun pa ang lumabas sa bwisit na bibig na ito e. Ayan tuloy nararamdaman ko na ang dark awra nito at parang gusto ko na lang mag laho ngayon sa kanyang harapan. Kainis ka talaga Stephanie. Ikaw ang gumagawa ng sarili mong hukay na pag lilibingan sayo. Naman kasi eh. Hindi na talaga kita kayang ipag tanggol sa katangahan na ginawa mo. Ngayon mas lalo lang nagalit sa akin yung monster sa tabi na hindi ko na magawa pang tignan sa ngayon. Hindi ko kayang salubungin ang nangangalit nito
StephanieNang maka upo na ito ay umupo na rin naman ako sa kanyang tapat banda. Hindi naman ito nag sa salita kaya naka tingin din lang ako sa paligid. Nakita ko naman na kinawayan ako ng mga kakilala ko dito at ngumiti naman ako sa kanila ng pabalik na siya naman ikina kunot ng noo ng isang ito. Hayst bakit ba lahat na lang yata ay pinag iinitan nito? Grabi siya ha. Kanina pa siya ganyan as in talaga. Nakakatakot na kasama kapag ganito na pabago bago ang mood. Mayroon siguro ito kaya ganyan siya. Pero sa loob ng 3 months na nakasama ko ito kahit paano ay alam ko na kapag naka kunot noo na yan at masama na ang tingin sa akin ay may Hindi siya na gugustuhan. Kaya nag tatanong ako dito kung ano ang nagawa kong kasalanan sa kanya na palagi naman na sinasabi nito sa akin na wala daw. Pero sa huli kapag hindi na niya matiisan ay sa sabihin na nito na nag se selos siya at yun sasabihin din niya kung bakit. Hanggang sa e explain ko naman dito na wala lang yun. Na kakilala ko lang yun at
StephanieMabilis naman na napalingon dito bigla si Ate Myra dahil sa pag dabog na ginawa nito. Ako naman ay lihim na lang napapadasal na sana ay pabayaan na lang niya ito at nakita naman niyang nag bibiro lamang yung tao. Pero sino ba ang lulukuhin ko e si Samantha nga pala yan na walang pinapalampas lalo na pag dating sa mga ganyan. "Ano ulit yung tinawag mo sa girlfriend ko!!?" galit na tanong dito ni Samantha. Nagulat naman ako sa sinabi nito na girlfriend daw niya ako. Lakas maka girlfriend ah parang totoo din. Pero potek bakit dito pa niya sinabi ang bagay na yan. Patay talaga ako nito sa parents ko pag nag tanong ang mga yun about sa girlfriend ko na kasama ko dito sa restaurant. Tangina lang talaga. Ano na naman ba ang pumasok sa kukuti gg babaeng ito? Pag ako talaga naphamak sa pinag gagawa niyang yan talaga naman. Nanlalaki naman ang mata na binalingan ako ni Ate Myra na ngayon ay ang laki ng ngiti sa akin at nandoon din ang mapanuksi nitong ngisi sa akin. Kaya naman ini