StephanieMabilis naman na napalingon dito bigla si Ate Myra dahil sa pag dabog na ginawa nito. Ako naman ay lihim na lang napapadasal na sana ay pabayaan na lang niya ito at nakita naman niyang nag bibiro lamang yung tao. Pero sino ba ang lulukuhin ko e si Samantha nga pala yan na walang pinapalampas lalo na pag dating sa mga ganyan. "Ano ulit yung tinawag mo sa girlfriend ko!!?" galit na tanong dito ni Samantha. Nagulat naman ako sa sinabi nito na girlfriend daw niya ako. Lakas maka girlfriend ah parang totoo din. Pero potek bakit dito pa niya sinabi ang bagay na yan. Patay talaga ako nito sa parents ko pag nag tanong ang mga yun about sa girlfriend ko na kasama ko dito sa restaurant. Tangina lang talaga. Ano na naman ba ang pumasok sa kukuti gg babaeng ito? Pag ako talaga naphamak sa pinag gagawa niyang yan talaga naman. Nanlalaki naman ang mata na binalingan ako ni Ate Myra na ngayon ay ang laki ng ngiti sa akin at nandoon din ang mapanuksi nitong ngisi sa akin. Kaya naman ini
StephanieNaabutan ko na lang ito na pasakay na sa kanyang kotse. Mukhang bad trip na bad trip talaga ito. Sabagay kanina pa naman yan bad trip eh. Pero ngayon ay nag walk out na talaga ito. Ano na naman kaya ang dahilan niya this time?Nang makapasok na ito sa kanyang kotse ay mabilis na binuksan ko na rin ang pinto at pumasok na rin sa loob. Baka iwanan pa ako nito dito ng wala sa oras. Okay lang naman sa akin yun sana. Pero naisip ko naman na bayad nga pala niya ang buong isang araw ko baka mamaya ay mag sumbong pa ito kay Pres tapos pa tauhin na naman ako sa booth sa susunod na araw sayang naman. Matapos makapasok na ako sa loob ay mabilis naman na pina andar na nito ang kanyang kotse at walang babala na binilisan na nito ang patakbo. Halos ma subsob naman ako dahil sa bigla na lang nitong pag preno ng makita na nag red light na. Masama ang tingin na binalingan ko naman ito. Pero dapat pala hindi ko na lang ginawa. Kasi mas masama pala ang tingin nito sa akin. Kaya binawi ko na
StephanieNag park naman na ito kaagad at lumabas na muli sa kanyang kotse. Kaya naman kinuha ko na lang ang take out na food nito saka sumunod na dito. Mukhang dito na lang sa kanyang condo balak niyang kumain. Mabuti na lang at hinintay naman muna ako nito saka ulit siya nag lakad. Pag pasok namin sa elevator ay tahimik pa rin kaming dalawa. wala din naman kasi dapat pang pag usapan eh. tsaka naiilang ako dito sa totoo lang. Sanay naman akong tahimik at mas gusto ko pa nga ang tahimik kaysa mag salita ito tapos puro galit at inis lang naman ang marinig ko sa kanya mas maganda na ganyan na lang siya. Nakita ko na sa 30th floor ang pinindot nito pero tahimik pa rin naman ako. Hanggang makarating kami sa unit nito. Nang makapasok na kami sa loob ay kinuha na niya sa akin ang mga dala kong pagkain at pinaupo na lang muna niya ako sa may couch na nandito sa sala. Naupo naman ako habang ito ay pumunta sa may kusina siguro yun. Mukha nga dala naman nito yung mga paper bag na may laman
StephanieMatapos namin kumain ay ako na ang nag insist dito na ako na ang mag hugas ng mga pinag kainan namin. Kunti lang naman ito e. At saka baka hindi din naman siya sanay. Halata naman dito eh. Nag paalam naman ito na mag bibihis lang daw siya saglit na tinanguan ko lang naman. Medyo na iilang din naman kasi ako sa suot nito na crop top na litaw na litaw ang pusod nito. Takaw pansin kasi ang napaka liit nitong bewang na ang flat din na halos wala man lang bilbil at ang kinis pa. Siguro kung pag sa salikupin ko ang aking mga daliri sa bewang nito ay mag pa pang abot ang mga ito sa liit ng kanyang bewang. Hayst parang hindi tuloy ito kumakain e. Iniisip ko lang malakas naman siya kumain e. Saan kaya niya nilalagay banda ang kanyang nga kinain? Wala naman siya yung parang bulsa na meron sa unggoy na makikita na lumalaki sa may leeg nito banda kapag kumakain sila. Ah basta ang gusto ko lang sabihin ay sexy siya yun talaga yun. Nang maka alis na ito dito sa may kusina ay inilagay
Stephanie Wala na akong nagawa pa kung hindi ang sumunod na lang sa mga nais nitong gawin sa akin. Kung ano man ang laro na gusto mong laruin pag bibigyan kita. Total ikaw naman ang may gusto nito eh. Sino ba naman ako na ta tanggi pa diba. Pero hindi ko na idadamay pa ang aking puso. Ibang usapan na yun. Nang maka upo akong muli ay naka yakap itong muli sa akin habnag naka sandal na naman ang ulo nito sa balikat ko. Parang naka akbay na tuly ako dito ngayon. "Stephanie, Nung natulog ka kila Jade may nangyari ba sa inyong dalawa? Anong mga pinag gagawa niya sayo? Bakit mo siya hinalikan at bakit ka sumama sa kanya ng araw na yun?" Sunod sunod na tanong nito sa akin na wala naman akong balak na sagutin. Bakit kailangan pa niyang malaman ang bagay na yun. Sa aming dalawa na lang ni Jade yun no. Tsaka ayaw ko siyang madamay pa sa kung ano ang mga pina plano na naman nitong si Samantha. Tama ng ako na lang ang pag balakan nila ng masama at huwag na yung tao. Wala naman yung kasalanan
Stephanie Nang nakatayo na ako ay mabilis din na tumayo na si Samantha sa kanyang kinauupuan. Mabuti na nga lang at hindi na ito kumandong pang muli sa akin eh. malamang na tumilapon ito dahil sa sobrang inis at galit na nararamdaman ko ngayon. Patawarin na lang talaga ako ni god kung maka panakit ako ng babae na katulad nito ng wala sa oras. Sumusobra na kasi e. Napaka liit na talaga ang tingin ko sa kanya sa totoo lang at hindi ko na ma sikmura pa na makita ito ngayon. As in ngayon talaga. Kasi nag di dilim ang paningin ko dito. Kaya kapag nag patuloy pa ito ng pangungulit sa akin ay malamang na ma sampal ko na siya. "Saan ka pu punta Stephanie? Please mag usap naman tayo o. Please naman Stephanie." pag mamakaawa na nito sa akin. Pero wala na akong balak pa na kausapin siya at mag tagal pa dito. Dahil alam ko sa sarili ko na malapit na akong sumabog at ayaw ko na mangyari yun."Don't touch me. Namumuhi ako sayo. Please din lang pabayaan mo na akong maka alis dito dahil kung manan
A/N hindi ko na sana la lagyan ng pov si Samantha. Naiinis kasi ako sa kanya e. SamanthaNang maka alis si Stephanie sa condo ko ay doon na nag simula akong umiyak. Sobrang nasasaktan ako sa nangyayari na ito. Oo alam ko na ako ang may kasalanan kung Bakit ganito na ang treat niya sa akin ngayon at hindi ko naman siya masisisi siya kung bakit naging ganito na ito sa akin. Tigmak ang luha na napa salampak na lang ako sa sahig dahil hindi ko na kaya pa ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Bakit nga ba naging ganito na kami ni Stephanie? Si Stephanie ang pinaka masayang nangyari sa buhay ko. Mahal na mahal ko ito. Oo mahal na mahal ko siya pro bakit? Bakit nakuha ko pa rin na lukuhin ito? Gaguhin,? Sobrang nag sisisi na ako nang araw din na yun sa gym. Kung Hindi lang talaga ako natakot sa kung ano ang sa sabihin ng iba sa aming dalawa e di sana hindi kami ganito ngayon. Hindi ito namumuhi sa akin Paano nga ba nag simula ang lahat? Nag pupuyos ang loob ko sa galit dito kay Stephanie
SamanthaNang matapos kaming mag meryenda ay umuwe na rin naman ako. Hindi na rin ako pumayag sa gusto ni James na mag Mall muna kami. Manood daw ng sine. Kung hindi ko lang kilala na iba ang balak nito at manood nga lang sana ng sine ay talagang sa sama ako. Lalo pa nga at showing na yung inaabangan ko. Nang maka uwe na ako ng bahay ay agad na akong dumiritso sa aking room. Total busog naman na ako ay hindi na rin ako kakain ng dinner. Mas gusto ko na mag kulong na muna sa kwarto at mag plano kung paano ang gagawin ko dito kay Nerd para mapalapit ako sa kanya. Ayaw ko naman na maging plastic dito at bigla na lang ako maging mabait sa kanya. Baka mag taka pa yun at ang worst ay baka mag hinala pa siya na may niluluto ako na plano para dito. Nag pahinga na muna ako saglit bago ko naisipan na mag shower na. Medyo inaantok na rin kasi ako eh. Nagawa ko naman na ang mga pa assignment sa amin eh. Kaya wala naman na akong iba pang gagawin. Matapos kong maka ligo ay nag blower na rin ako
StephanieOn the way na kami ngayon ni Samantha papunta sa bahay nila Avril. Kalalabas lang kasi nito ng hospital kung saan ay na baril ito. Yun palang time na hindi ko na ito ma contact ay na kidnap pala ito. Mabuti na nga lang at buhay ito kahit na ang dami nitong tama. Sakto naman na nasa Netherlands kami ni Samantha noon ng mag paramdam na nga ito sa akin na nasa hospital nga daw ito kasi nga na kidnap siya. Kaya nga ngayon ko pa lang ito makikita paano naman ay pinigilan ako nito na pumasyal sa kanya sa hospital. Nakaka video call ko lang siya. Hindi ko nga malaman dito kung bakit ayaw niya na sabihin sa akin kung saan na hospital ito naka confined e. Di ko naman na siya pinilit pa. Hindi ko tuloy masabi din sa kanya na may asawa na ako at ito nga ay kasama ko na ngayon upang personal na ipakilala sa kanya. Sana lang ay huwag silang mag away na dalawa. hahahaNakarating na kami sa bahay ng mga ito at mabilis naman na pinapasok kami ng guard nila. Mukhang may mga tao na rin pa
SamanthaKatatapos lang ng kasal namin ni Stephanie at nandito nga kami sa pag aari nilang bahay dito sa Netherlands kung saan kami ikinasal nito. Kinakabahan ako syempre first night namin ito as a married couple, Pero mas lamang na excited ako kasi naman my god matagal ko ng hinihintay na mag initiate si Stephanie na may mangyari sa amin noon pa lang na mag jowa pa kami nito pero hanggang kiss lang ang ginagawa nito kahit na puro pang aakit na nga ang ginagawa ko sa kanya. Nag tapat din ito sa akin nung gabi ng first daye namin na isa daw siyang intersex at ok lang naman sa akin yun. Mas mahal ko siya at lahat ng yun ay kaya kong tanggapin at nasabi din niya sa akin na kaya daw niya akong ma buntis kaya naman mas lalong maganda kasi hindi na namin kailangan pa na mag pa IVF. Kanina pa din ako tapos maligo at itong si Stephanie ay kanina ko pa rin hinihintay na matapos siya sa kanyang pag ligo. Mukhang wala na yata itong plano pang lumabas ah. Paubos na rin ang wine na kanina ko p
StephanieNasa hapag kainan na kami at magkatabi kami ngayon ni Samantha. Sa totoo lang ay hindi pa naman niya ako formal na naipapakilala sa parents nito. At hindi ko din alam kung girlfriend ko na ba ito ulit. Wala din kasi kaming napag usapan sa bagay na yan e. Ang buong akala ko nga ay ngayon nito ma e explain sa akin ang lahat. Hindi ko naman alam na mas uunahin pala nito na ipakilala ako sa kanyang mga magulang. Masaya ako sa totoo lang. Kasi ibang level na kasi yung makilala mo ang magulang ng mahal mo. Pero parang ang bilis naman kasi sa totoo lang talaga. Hayst bahala na nga si Samantha sa mga trip niyang yan. Kung ito ang gusto niya why not naman diba. Maya lang ay nag salita na ang parents ni Samantha. "Ano ang balak nyo ngayon ni Stephanie anak?" tanong ni Tita. "Yun nga Mom balak ko sana na ipakilala ngayon ang girlfriend ko pero mukhang kilala nyo naman na at naguguluhan lang kami ni Stephanie po. Ano po ang ginagawa ng parents niya dito at bakit parang matagal nyo n
StephanieNandito na ako sa condo ni Samantha at halos hindi ako makahinga ng makita ko ang itsura nito kanina pag bukas niya ng pinto. Bakit ba napaka ganda ng babae na ito? Hayst napapa sana all na lang talaga ako . Halos hindi ko naman malayo ang tingin ko sa kanya na ngayon ay sure ko na nag e star pa. Habang ito naman ay todo ang ngiti sa akin at alam ko na inaakit na naman ako nito. Hindi naman na niya kailangan na akitin pa ako kasi akit na akit na talaga ako sa kanya. Baka hindi kami matuloy sa date namin kapag hindi la rin siya tumigil s ginagawa niyang yan sa akin. "Hindi pa ba tayo aalis Samantha?" tanong ko naman dito. Gusto ko lang e divert ang attention ko sa ibang bagay. Baka kasi hindi na ako makapag pigil pa e. "Bakit excited kana ba hmmm sa date natin?" naka ngisi naman na sagot nito sa akin. Hayst bakit ba ganito na naman po siya? parang sinapian ng kalandian sa katawan niya ngayon. "Medyo lang naman." alanganin na sagot ko naman dito. Nakita ko na lang na na
StephanieUwian na. Balak pa sana na ihatid ako pauwe ni Samantha pero di na ako pumayag pa. Kailangan din na mag pahinga nito at saka dyahe naman kung ako pa ang ihahatid niya. Payag pa ako kung ako ang mag hahatid sa kanya sa condo niya. Mabuti na lang at hindi na ito nag pumilit pa at sinabi ko na kailangan na mag beauty rest namin pareho para sa date namin mamaya. Mabuti na nga lang at pumayag ito eh. Nang makarating na ako sa bahay ay agad na akong dumiritso sa kwarto ko at gusto ko ng ihiga ang aking katawan. Tsaka gusto ko na makapag pahinga ako ngayon dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin namin mamaya no Samantha. Siya kasi ang nag aaya ng date kaya siya ang nakakaalam kung ano ba ang gagawin namin. Nag pa akyat na lang ako ng meryenda kay Manang at gaya ng dati yung favorite na pansit canton with egg ang ni request ko na meryenda. Medyo matagal na rin kasi na hindi ako nakakakain nito e. Nag text na rin ako dito na naka uwe na ako sa bahay. Alam kong nag da drive pa ri
StephanieKanina pa nakaalis si Samantha at kanina pa rin panay ang tinginan sa akin ng mga classmates ko. Alam ko na gusto na akong lapitan ng mga ito at mag tanong kaya lang wala makapag lakas ng loob. Sa sagutin ko naman lahat ng tanong nila sa akin e.Pero nag tataka din ako kasi hanggang ngayon ay wala pa din si Avril. Naka ilang message na ako dito pero hindi pa rin siya nag re reply sa akin. Maging sa messenger ay nag message na rin ako sa kanya pero di pa niya ito na re read. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari dito. Mula pa ito kahapon nung mag uwian na. Hindi na rin ito nag message sa akin. Medyo kinakabahan na rin ako sa tao na yun.Pero hanggang ngayon ay wala pa rin si Ms. Jane siya kasi ang first subject namin ngayon e. Pero mukhang hindi rin ito papasok. Kasi never naman na late ang isang yun eh Hanggang sa natapos ang first period namin na walang Avril at Ms. Jane ang dumating. Wala din naman sinabi kung bakit wala ito. Hanggang sa mag lunch ay wala pa rin akong
StephanieHalos hindi naman ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon sa aking harapan. Ito si Samantha kasama ang kanyang mga kaibigan ay hinarana ako. Oo feeling ako e. Syempre ako sino pa ba naman ang ibang my girl na tinutukoy nitong si Samantha? e ako lamang naman. Alangan na may iba pa? Ang lakas tuloy ng kabog ng dibdib ko putek na yan hindi ko maiwasan ang hindi kiligin sa pinag gagawa nito ngayon. As in dito pa talaga sa oval nito ginawa yun? Ang ibig bang sabihin nito ay ready na siya? Ready na siyang ipaalam na ako ay mahal niya? Ayaw ko mag assume pero kasi hindi ko maiwasan e. Nakita ko na nag lakad na ito palapit sa akin matapos nitong ibigay ang guitara sa kaibigan niya. Bakit ang hot niya ngayon tignan? Malaki ang ngiti na lumapit ito sa akin. "Nagustuhan mo ba ang ginawa ko Cupcakes ko?" tanong nito sa akin pagka lapit palang niya. Gusto ko sana na sabihin na hindi ko lang nagustuhan. gustong gusto ko. Pero kailangan na mag pakipot pa. Baka mamaya ay sabihin naman
SamanthaNakangiti na nag hiwalay na kami ng labi nito. Tama na ang live show namin ni Stephanie ko. Masyado na silang sinu swerte sa kanilang mga pinapanood. Maya lang ay lumapit si Trish sa akin at iniabot nito sa akin ang bouquet ng white roses na binili ko kanina bago pumasok. Saka ko naman ini abot ito sa babaeng mahal ko na ngayon ay namumula na naman ang mukha. . Hayst ang bilis talaga pakiligin nito eh. Feeling ko naman ay ang pogi ko ngayon. hahaha"Para sa babaeng mahal na mahal ko" sabi ko pa dito. Nahihiya naman na inabot nito sa akin yun. "Nag abala kapa" nasabi na lang niya. "Walang abala sa akin basta para sa iyo. Gagawin ko yun. Sabay tayo mag lunch mamaya ha. Sunduin kita sa room mo. Wait mo ako doon ha. hmmm" sabi ko pa sa kanya. "Okay lang ba sa mga friends mo na kasabay mo ako mag lunch? Baka may masabi sila about sayo?" Nag aalala naman na sagot nito. "Okay na okay sa kanila yun. Kita mo nga o at naka support sila sa akin hindi mo nga lang sinagot yung banner
SamanthaKausap ko ngayon ang mga kaibigan ko. Nag pa plano kami kung ano ang gagawin upang maniwala si Stephanie na tunay ang nararamdaman kong pag ibig sa kanya at ito ay hindi dahil lang sa pustahan na yan. Nakausap ko na rin si James at humingi na ito ng tawad sa akin. Hindi na daw niya uulitin pa ang ginawa niya doon sa gym. As if naman na kahit ulitin pa niya yun ay bugbog sarado din lang naman ang aabutin niya kay Stephanie ko e. Maya lang ay bigla na lang naka isip ako na alam kong mapapansin na ako nito ni Stephanie. Alam ko naman kasi na ang nasa isip nito ay hindi totoo ang pagmamahal ko sa kanya. Agad na sinabi ko sa mga ito ang plano ko na agad naman nilang sinang ayunan. Maganda daw yun at sure na kikiligin si Stephanie pag ginawa ko ang bagay na yun. Pero Hindi lang naman ako ang gagawa nito e. Kasama ko sila para hindi lang ako ang mag mu mukhang tanga nito. Nang ma sure na namin na yun nga ang gagawin namin ay nag simula na rin na planuhin namin ng mas maayos ang