JasmineKinabukasanPupungas pungas na nagising ako. Medyo masakit pa nga ang ulo ko. Dahil mukhang napa sobra na yata ang tulog ko. Mabilis na tinignan ko naman ang aking phone upang alamin kung ang reply na si baby loves sa chat ko sa kanya kanina pagka dating ko dito sa bahay. Pag open ko ng phone ko ay bigla na lang nanlamig ang buo kung katawan sa mga nabasa kong message buhat sa love of my life ko. Agad ko naman tinignan kung anong oras na. Pero mas lalo lang nanlaki ang aking mga mata dahil sa kaalaman na umaga na pala. Talagang mag wawala ang baby loves ko na yun. Kung bakit ba naman kasi hindi man lang ako nag paalam dito na mag idlip muna ako saglit. At bakit ba naman kasi hindi man lang ako nagising kagabi? Yan tuloy na praning na naman ito. Kung ano ano na kaagad ang nasa isip niya. At talagang nambabae pa talaga ang hinala nito na ginawa ko. Hindi man lang ba sumagi sa isip niya na baka nakatulog na ako kaya hindi na ako naka pag paalam pa dito. Hindi yung ganyan na n
JasminePagdating ko sa taas ay ibinaba ko muna ang dala kong tray na punong puno ng niluto ko na breakfast namin ngayon. Agad ko naman na binuksan ng dahan dahan ang room nito at dahan dahan din na pumasok ako sa loob nun. Dala ko na rin papasok ang pagkain at pansamantala muna na inilapag yun sa may table dito sa loob ng kwarto niya. Nakita ko na mahimbing na natutulog pa rin ito. Hindi ko pa rin naman binubuksan ang ilaw dahil baka bigla na langitong magising ay samain na naman ako sa kanya. Naupo lang muna ako sa may gilid ng kama niya at nag kasya na lang na panoorin ito habang natutulog. Ang amo talaga ng mukha niya na parang sa isang anghel. Gusto ko pa nga sana na haplosin ang maamo nitong mukha ay hindi ko ginawa. Todo ang pag pipigil ko sa aking sarili. May kasalanan pa ako dito kaya dapat at behave lang muna ako pansamantala. Saka na ako mag take advantage sa kanya pag okay na kami. Hehehe kiss lang naman yin no. Normal lang naman sa mag couple ang nag hahalikan di ba? Y
JasmineAfter ko makapag luto ng lunch namin ay sakto naman na bumaba na si baby loves mula sa taas at naka paligo na nga ito. Hayst ang sexy nya talaga. Wala ka talagang ma e pu pula dito o kahit anong ma e pintas sa kanyang physical na kaanyuan. Huwag nyo ng isali ang ugali at yun naman ang kapintas pintas dito. Huwag nyo akong isumbong sa kanya ha. Manageable naman na ang ugali nito. Dahil sa haba ba naman ng pasensya ko ay hindi ko ito masasabayan. Mabilis na lumapit na ito sa akin at hinalikan naman ako nito sa pisngi ko na ikinatuwa ko naman. Mukhang okay na kasi kami dahil ito na ang unang bumati sa akin eh. Pero bago naman ito umalis sa tabi ko at naupo ay bumulong pa muna siya." Sara mo yang bibig mo at baka mapasukan pa yan ng langaw. Alam ko na sobrang hot ko kaya hindi mo na kailangan pa na ipangalandakan yun sa akin." Nakangisi na sabi nito at mabilis ng umalis sa harapan ko. Naiiling naman na pinag patuloy ko na lang ang aking ginagawa. naupo naman na ito at mukhang h
JasmineLunesMaaga akong nagising at balak ko na sunduin si Baby loves. Gusto ko kasi na sabay na kaming pumasok ngayon. Syempre no gusto ko rin maramdaman yung feelings ng kasabay mo pumasok sa school ang mahal mo tapos sabay din kayo pauwe. Naiisip ko pa lang ang bagay na yun ay halos hindi na ako makatulog kagabi. Although medyo late na nga kami nakatulog ni baby loves kasi nga nag harutan muna kami over the phone. Pero hindi ko sinabi sa kanya kagabi ang plano ko ngayon. Kasi nga gusto ko na e surprise ito. Yung pag open niya ng door makikita na niya kaagad ang maganda kong mukha na nakangiti sa kanya. Tsaka siya aalalayan pasakay ng sasakyan niya. Oo sa sa sakyan niya. Hindi naman kasi pwede sa akin at alam ko na baka may makahalata sa aming dalawa na magkasama mag karoon oa ng issue na sobrang iniiwasan ng baby loves ko. Maging ako din naman. Ang balak ko ay naka sunod lang ako sa kotse niya at pag malapit na kami sa gate ng university ay pauunahin ko na muna siya at mag pa
JasmineNang matapos ako nitong halikan ay pinalayo na niya ako kaagad na para bang may nakakahawa akong sakit. "Alam ko naman na yan ang dahilan mo kung bakit ka nandito sa bahay eh. Mga diskarte mo Jasmine masyado ng luma. Masyado ka rin kasing halata eh. Oh sige na pumunta kana sa kotse mo at sumunod kana kaagad sa akin. Huwag ka na muna mag day dream dyan at pareho na tayong ma late nito. Anong oras na " Sabi ng mqlditang matanda. Napakamot na lang ako ng aking ulo na kahit bitin na bitin ay napilitan na lang akong sunod sa gusto niya. Baka kasi mag wala pa ito pag hindi pa ako kumilos eh. Nag mamadali naman na akong sumakay ng kotse at pinaandar na rin yun pasunod sa kanya. Napapangiti na lang ako sa mga pinag gagawa naming dalawa. Pero masaya ang puso ko kasi nga ay ito ako ngayon hinahatid na mula sa kanyang trabaho ang babaeng mahal kp at soon ay magiging asawa ko na rin. Syempre hindi ko na pakakawalan pa ang katulad nito no. Tanga na lang ako kung hahayaan ko pa na mawal
JasmineNang maramdaman yata ni baby loves na may nabuhay siya sa katawan ko ay mabilis na itong humiwalay sa akin ng yakap at nag mamadaling tumayo mula sa kanyang kinauupuan na couch at nag tungo na ito sa kanyang table. Maya lang ay nagsalita na ito pero hindi naman siya tumitingin sa akin. Maging ako man ay nahihiya dahil sa nangyari. Bakit masisisi nyo ba ako kung maging ganito ang reaction ng katawan ko sa kanya. Siya lang naman ang may kakayahan na gisingin ang natutulog kong si little Jasmine ng walang ka effort effort eh. Feeling ko rin ay todo na ang pula ng aking mukha. Para pa nga itong na ngapal sa tingin ko eh. Hindi man ito humarap sa akin ay alam ko na ganun din ang kanyang nararamdaman ngayon. Mabilis naman na kinuha ko mula sa aking bag ang ginawa kong tuna sandwich kanina sa bahay. Alam ko kasi na hindi ito masyadong kumakain ng breakfast eh. Ayaw ko naman na nag e skip ito sa pagkain kaya ginawan ko na lang siya ng ganyan. Kumuha na rin tuloy ako ng mug at nag
JasmineMatapos ang classes namin ng dalawang subject ay lunch na namin. Hindi ko ngayon alam kung mag sasabay ba kaming dalawa ni baby loves na kakain o sa mga kaibigan nya ito sa sabay. Gusto ko sana ayain ito na sa labas na lang kami mag lunch. Parang lunch date na rin namin kung baga. Pero tingin ko mukhang hindi ito papayag sa gusto ko. Pero mag ta try pa rin ako na baka sakali na maaya ko ito malay nyo naman sinapian ito ng kabaitan eh di kasabay ko siya kumain diba. Nag excuse muna ako kay Tamara na sa saglit lang ako ng cr at kako ay tinatawag ako ni kalikasan pero balak kong tawagan si Athena. Naka ilang ring pa ang phone nito bago niya sinagot. "Hello." Sagot nito sa kabilang linya. Mabilis naman na sumagot ako dito. "Baby loves ko. Pwede na sa labas na lang tayo kumain?" pAg aaya ko sa kanya. Sana naman pumayag siya. Nakarinig pa ako ng ilang buntong hininga nito bago siya sumagit. "Jasmine alam mo naman na hindi pwede yang gusto mo eh. Akala ko ba nag kaintindihan na
JasmineNandito na ako sa may pintuan ng room ni Baby loves. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pumapasok o kumakatok man lanh. Nag dadalawang isip kasi ako eh. Baka kasi pag pasok ko na ganyan ay may mga gamit na lumilipad na ito. Or baka mamaya ay yung kamay na nito ang lumilipad papunta sa maganda kong mukha . Ang sakit pa naman nito manampal. U ugong talaga ang tenga mo sa lakas nun. Kaya nga hanggat maaari ay ayaw ko na galitin ito eh. Pero wala naman magagawa ang takot ko at hindi rin mag babago ang lagay namin na dalawa kung hindi ko lakasan ang loob ko. Ako din lang naman ang talo sa aming dalawa eh. Maya lang ay kumatok na ako. "Ma'am Athena si Jasmine po ito. Pwede po ba akong pumasok.?" Hingi ko ng permeso dito habang kumakatok pa rin sa pinto nito. Kailangan na tawagin ko siya ngayon na Ma'am at baka mamaya ay may makarinig sa akin tapos baby loves tawag ko dito. Patay talaga ako nito sa kanya. Baka imbis na wala kaming away ay umaatikabo na away ang mangyari sa a
JasmineNagising nalang ako sa naramdaman kong sakit sa aking pisngi sinampal na pala ako ng mahal kong asawa sa hindi ko malamang dahilan. "Gumising ka dyan bwisit ka.!!" Sigaw nito sa akin na galit na galit. Pupungas pungas naman na nag mulat ako ng aking mga mata habang hawak ang nasaktan kong pisngi. "Sino yun ha? Sino yung babae mong iyon!!!?? Mag sabi ka sa akin ng totoo na bwisit ka.!!!" Galit na galit na tanong nito sa akin at naka kuyom pa talaga ang kamay nito na magkamali lang ako ng sagot ay masasapak na ako nito. Nagtataka naman ang mukha ko na tinignan ito. Di ko kasi alam kung ano na naman ang binibintang nito sa akin. Hello natutulog lang ako ng mapayapa dito sa tabi nya tapos gigisingin na lang niya ako ng sampal at pag bintangan na may babae daw ako."Baby loves ko ano na naman po ba yang binibintang mo sa akin? Di ko kailanman magagawang mambabae pa. Kayo lang ng mga anak natin ay sobrang sapat na sapat na sa akin. Alam mo namang mahal na mahal ko kayo ng mga a
AthenaHalos ilang buwan na rin mula ng mangyari ang bagay na yun at ngayon nga ay balak ko na puntahan itong si Jasmine sa kanila. Masama daw kasi ang pakiramdam nito. Nag paulan naman kasi kahapon. Kaya nga balak ko na bisitahin ito sa bahay nila. Baka kasi walang nag aasikaso dito eh. Hindi pa rin kami nag kakabalikan hanggang ngayon. Pero okay na rin yun hindi naman dapat mina madali ang lahat ng bagay eh. Basta ang mahalaga sa akin ay nag ka ayos na kaming dalawa. Sa ngayon ay nanliligaw pa rin ako sa kanya. Gusto ko patunayan dito na tapat ang pag ibig ko dito na minsan ay dinungisan ko. Oo nga pala. Nasabi ko na rin kila Daddy ang nangyari. Gaya ng mga kaibigan ko ay todo din ang galit nito sa akin. Maging si Mommy ay nanghinayang sa relasyon namin ni Jasmine. Sobrang boto naman kasi ang mga ito kay Jasmine dahil napaka bait daw na bata. Nagpa investigate pala itong si Daddy about kay Jasmine at yun nga nalaman nito ang mga ginagawa niya. Lalo na ang mga pa scholar nito sa
AthenaNag bilin ako sa teacher ng first subject ni Jasmine na kung pwede ay pa puntahin ito sa aking office at may ipapagawa kako ako dito. Mabuti na lang at hindi na ito nag ask pa ng kung ano ano. Kailangan na gawin ko kasi ito upang mapa punta ko dito ng walang kahirap hirap itong si Jasmine. Alam ko na alam nito na walang magagawa kung mag mamatigas siya eh. Nag luto kasi ako ng breakfast namin na dalawa. Gumising pa talaga ako ng sobrang aga kanina para lang ma e handa ko lahat ng pagkain na ito. Talagang pinag butihan kong maigi ang pag luluto nito. Gusto ko kasi na daanin ito sa pag kain. Alam ko na weakness nito ang pagkain eh. At syempre pati na rin ako no. Kaya nga gumawa pa ako ng cake sa kanya oara sa peace offering ko dito eh. Sinabi naman ng informant ko na kinain naman daw nito ng umuwe ito ng linggo. Kaya nga napanatag na rin ako na hindi na sundan pa kung saan pumunta ito pati na yung unggoy na babae dahil umuwe na rin naman pala si Jasmine sa kanila. Kaya nga hi
JasminePapunta na kami ngayon sa may canteen ni Tamara. Hanggang ngayon ay inis pa rin ito sa akin. Paano sinabi ko na pag nag ask sa akin si Ms. Angel kung ako ba nag nag luto ng adobo na dala ko ay hindi ako mag sinungaling dito. Kaya yan sya tuloy parang naluging bakla. Paliko na kami ng hallway ng maka sabay namin ang mga dragon na Professor pero ang ga ganda ng mga ito ha. "Hello po Ms." Bati namin ni Tamara sa mga ito. Habang ito naman ay naka tingin na ngayon kay Ms. Angel na bigla na lang nawala ang pag kaka nguso nito. Palalitan na yun ng malaking ngiti. Samantalang si Athena naman ay naka tingin sa akin na malaki rin ang ngiti nito. Lalo na at kitang kita nito ang hawak ko na lunch box ngayon. Ngumiti lang naman ako ng kimi sa mga ito. "Pupunta na rin ba kayo sa Canteen Jasmine, Tamara?" Tanong sa amin ni Ms. Jane. "Opo Ma'am Jane." Nahihiya na sagot ko naman dito. Kahit na ba kaibigan ito ni Athena at ilang beses na rin ako naka punta sa kanila ay nahihiya at na e ila
Jasmine"Sorry pero hindi ako pwede mamaya na makisabay sayo eh. Ayaw ko lang na may masabi ang iba. Mamaya mahalata pa nila yung about sa atin na wala naman ng katutuhanan ngayon." Pag tanggi ko sa pag aaya nito. Kahit na na te temp na ako na pa unlakan ang alok nito. Yung fave na adobo na kasi yun eh. Ayaw ko pa naman na nag sasayang ng pag kain. Tapos hindi naman sa ano pa ha. Masarap kasi talaga mag luto ito ng adobo eh. Kaya nga unti unti na nito na titibag ang pader na ginawa ko para sa aming dalawa. Nakita ko ang lungkot na bumadha sa mukha nito pero hindi na sya nag pilit pa. "Kunin mo na lang yung niluto ko. Please lang sana naman ay kainin mo yan. Kahit sa ganito man lang na paraan ay maka bawi ako sayo. Alam ko na ang dami ko ng pag kukulang sayo at ito nga gumawa pa ako ng ika sisira ko sayo. Hindi na ako mag sasabi pa na patawarin mo ako kasi alam ko na hindi mo pa kaya na ibigay yan sa akin ngayon. Pero seryoso ako Jasmine na handa akong gawin ang lahat bumalik ka lan
JasmineAgad na nitong tinago ang phone ko. Nilagay pa nga niya sa kanyang bulsa eh. Parang takot na takot na makuha ko kaagad sa kanya yun eh. Wala naman akong ka chat at nag Fqcebook lang ang ginawa ko. Wala din naman akong ma ka chat na iba at itong si Tamara ay malamang na nag ka klase na sila ni Sir doon. Hindi na tuloy ako naka pag klase dito kay sir ngayon dahil sa kagagawan nitong si Athena. Balak lang pala ako nitong ayain na kumain ay gumawa pa ito ng excuse kay Sir. Napaka ano talaga ng matanda na ito. "Ma'am, Ano po ba ang gagawin ko at bakit pina punta nyo pa ako dito? Bukod sa pakainin ako ng breakfast na hindi naman na dapat pa? Hindi na tuloy ako naka pakinig kay Sir eh." Nasabi ko ditoGusto ko na rin kasi simulan ang kung anuman ang ipapagawa nito sa akin. Nang maka alis na rin ako kaagad dito sa office niya. Dahil habang tumatagal na kasama ko siya ay unti unti na natitibag nito ang ginawa kong pader para sa aming dalawa at hindi ko na nagugustuhan pa yun. Kasi s
JasmineHalos di naman makapaniwala itong si Tamara na tunay na si Maya ang na e take home ko nung sabado. Nag hinala pa nga ito sa akin na baka daw may nangyari na sa amin nitong si Maya. Pero hindi naman ako basta basta pumapatol kung kanino na lang. Kahit ba sabihin pa na ang ganda at sexy nito ay hindi naman ako ganun klase ng tao. Kahit na medyo tinaasan din siya ng little Jasmine ko ay hindi naman ako nag patalo at ang isip ko pa rin ang pinagawa ko at hindi ang ulo ko sa baba. Marami pa kaming napag kwentuhan ni Tamara at hindi nga halos namin napansin na ang dami na palang estudyante dito sa room. Kung hindi pa nga lang nag salita di Sir ay baka wala pa kaming plano na tumigil nitong si Tamara. Hindi nga din namin napansin na dumating na si Sir eh. Mabuti na nga lang at mabait ito hindi kami sinita. After namin na mabati ito ay umupo na ulit kami. Mag papatuloy pa sana kami ng kwentuhan nitong si Tamara ng mag salita si Sir na ikina tigil ko. "Ah Ms. Cordova, Pinapatawag k
JasmineNang manawa na ako kaka bilang ng mga dumadaan sa harap ng bahay namin ay naisipan ko na muli na pumasok sa kwarto ko. Balak ko na matulog na lang muli. Total wala naman akong gagawin ngayon at wala din ako balak na pumunta sa mall. Wala din naman ako maaabutan doon sa office at linggo ngayon. Pahinga din nila. Nang makapasok na ako ng room ko ay naisipan ko na tignan ang aking phone. Halos mapuno naman ito ng mga messages na galing kay Tamara at may mga calls pa ito na hindi ko nasagot. Nag silent kasi ako ng phone ko kaya hindi ko alam kung may mga message at tawag ako. Hindi ko din naman kasi pinag aksayahan pa ng panahon na buksan ito. Puro tanong lang ito kung nasaan ako at bakit hindi naman pala ako umuwe sa bahay kagabi at lumabas pa pala ako. Tinanong din niya kung saan ako natulog. Hayst paano kaya nito nalaman na hindi ako nag stay sa bahay kagabi? Siguro ay dahil kay Ms. Angela. Malamang na tinawagan ito ni Athena at nag tanong ito dito. Lalo pa nga ta kasama ko
JasminePag pasok ko pa lang sa loob ng bahay ay sinalubong naman na ako kaagad ni Manang tasing. Hayst mukhang mas excited pa ang mga ito dahil balitang balita na kaagad sa kanila na may girlfriend na pala ako at napaka ganda daw nito. Ano ba naman itong mga ito oh. " Ma'am Jasmine may cake po na binigay dito kanina yung magandang babae na girlfriend nyo daw po. Kaya naman pala wala man lang dating sa inyo ang mga nag ga gandahan na babae dyan yun naman pala ay walang panama ang mga yun sa girlfriend mo Ma'am. Nakita namin kanina ang sexy kausap ng guard. Swerte mo na doon Ma'am Jasmine mukhang mabait pa. May kasalanan daw po siya sa inyo kaya naka lagay doon sa cake na sorry. Ang sweet po nya Ma'am." Kinikilig na sabi nito sa akin. Kita ko rin na kinilig din ang ibang kasambahay namin at nag kukurutan pa nga na parang mga tanga. Hindi ko tuloy alam kung ano ang e re react ko sa mga ito. Hindi naman mukhang mga marites ang mga ito e no. Hindi halata. "Nasaan na po yung cake Manang