JasmineHalos mag i isang taon na rin kami ni baby loves ko at masasabi ko na sa nakalipas na mga buwan na magka sintahan kami ay marami ng tampuhan at selosan na nangyari pero hanggang doon lang yun kasi hindi ako pumapayag na hindi kami mag kaayos bago mag hiwalay na dalawa. Kahit na makaranas pa ako dito ng kung ano anong masasakit na salita ay okay lang sa akin yun dahil alam ko naman na dala lang yun ng kanyang selos kaya hinahayaan ko lang ito. Pag alam naman niya na may kasalanan talaga sya ay humihingi naman ito ng sorry sa akin. Per dapat at tanggapin ko na kaagad kasi pag nag inarte at nag pasuyo pa ako ay malamang na ako na ang susuyo dito pag nag tagal. Alam na alam ko na ang ugali nito eh. Pero nitong nakalipas na buwan ay halos hindi na kami nito nakakapag usap na dalawa. Pansin ko lang na masyado itong busy at halos wala na rin itong oras sa akin. Halata ko rin na parang iniiwasan na niya ako. Kaya nga halos isang buwan na rin na sobrang miss ko na ito. At halos mag
JasmineNagising na lang ako sa katok ng kasambahay namin. "Ma'am Jasmine, Kakain na po. Pinapagising na po kayo ng Daddy nyo at mag la lunch na daw po." Katok ni Manang sa akin. Inot inot naman na bumangon ako at binuksan ang pinto. Nnadoon p rin naka tayo si Manang at mukhang hi hintayin pa ako na bumaba. Kaya nag sabi na lang ako dito. "Mamang paki sabi kila Daddy na bababa na ako." Nasabi ko na Lang dito. Tumango naman na ito kaagad sa akin pero nahalata ko sa kilos ni manang na parang nag aalangan pa ito na bumaba at mukhang may gusto pa sana siyang sabihin sa akin pero sinarili na lang naman nito yun. Alam ko naman ang sasabihin nito eh. Bakit parang ang lungkot ko ngayon. Hindi kasi ito sanay na hindi ako lively sa kanila. Sino ba naman ang matutuwa nyan kung nakatulugan mo na lang ang sama ng loob. Malapit sa akin ang mga kasambahay namin at kahit minsan ay hindi ko sila itinuring na trabahador lang namin. Kung minsan nga lalo na pag mag isa lang akong kumakain. Niyayaya k
AthenaNaiinis na binaba ko na ang tawag. Ang kulit kulit naman kasi nitong si Jasmine na ito. Hayst hindi man lang makaramdam ito na iniiwasan ko na siya. Sa totoo lang gusto ko na talagang makipag hiwalay dito. Kumukuha lamang ako ng tyempo. Akala ko noon na ito na ang mamahalin ko habang buhay. Pero nagkamali ako sa akala ko na yun. Lalo na pag naiisip ko ang bagay na mga pinag gagawa ko noon para dito. Lalo na yung nakipag sabwatan pa ako kay Dad para lamang makausap ko ito at bumalik ito sa akin. Lahat ng yun ay ikina hihiya ko na ngayon na nagawa ko para dito. Wala na akong nararamdaman dito ngayon. Ni hindi na nga ito sumasagi ngayon sa utak ko eh. Na hindi naman nangyayari sa akin noon. Kasi bago matulog ito ang laman ng isip ko at pagka gising ito pa rin. Kaya nga kung anong oras na kami nakakatulog na dalawa nito dahil sa pag kwe kwentuhan lamang namin ng kung ano ano. Atleast sa ganun man lang na paraan ay parang kasama ko na rin siya. Pero biglang nag bago ang lahat ng
AthenaKulang isang oras lang ay tapos na akong mag linis sa bahay ko. Okay na rin naman ito. Aakyat na ulit ako sa kwarto ko at kailangan ko na mag beauty rest. Baka kasi aobrang haggard ko mamaya sa date namin ni Andrew. Nakakahiya naman dito. Always pa naman itong looking fresh tapos ang ka date niya ay parang bilasa ng isda. Hindi pwede yun no. Nang ma e lock ko na ang pinto ay umakyat na ako. Matutulog pa muna ako. Mag a alarm na lang siguro ako ng mga bandang 4 para makapag ayos ayos na rin ako. Nakakahiya din naman kung pag a antayin ko pa ito. Mamaya nyan mainis na lang ito bigla at hindi na matuloy ang date namin. Sa totoo lang ay alam ko na maraming nag kakagusto dito. Lalo na pag nag da date kami nito ay kitang kita ko sa mga mata ng mga babae na nakakasalubong namin ang inggit sa akin. Syempre ako naman ay sobrang proud na proud ako na ito ang boyfriend ko. Manghinayang na lang ang tangi nilang magagawa kasi ako ang napili nito. Kaya nga todo kapit ko dito pag lumalaba
Jasmine"Ano gala tayo mamaya? wala naman tayo pareho na gagawin eh." Pag aaya ko pa rin kay Tamara. Sana naman pumayag na ito. Kailangan ko talaga na umalis ngayon dito sa bahay ng hindi ko masyado naiisip si Athena. At ng hindi ako nag mo mukmok dito. Tapos kung ano ano na lang na negative ang naiisip ko about dito.Kahit ba na parang pinapahiwatig na rin ng mga ginagawa nito sa akin ay ayaw ko pangunahan ito. Umaasa pa rin ako na kahit katiting na pag asa ay wala iting ginagawa na kababalaghan. Kilala ko naman ito na mag sasabi sa akin kung ayaw na niya o gusto pa eh. Kaya nga gusto ko na mag unwind muna pansamantala. Maya lang ay nag salita na rin itong si Tam ara. "May problema kaba at ganyan ka ngayon na gustong gusto mo na ma masyal tayo?" May oag dududa na tanong nito sa akin. Mabuti na nga lang at hindi sa messenger ko ito kinuntak. Dahil sure ako na makikita nito ang lungkot sa aking mga mata. Na hindi ko kayang itago ngayon. "Wala gusto ko lang gumala no. Wala kasing m
JasmineNang matapos na ako makapag bihis ay nag mamadali na akong bumaba. Nag chat na kasi si Tamara na paalis na raw siya sa kanilang bahay. Kaya naman nag mamadali na ako ngayon. Baka kasi mas mauna pa ito sa akin ay lagot ako dito. Nang makababa na ako ay sakto na kabababa rin nila Mom kasama si Dad. Mukhang bagong gising din lang ang mga ito. Medyo mapula pa ang mata nila eh. Agad na akong lumapit sa kanila sabay nagpaalam na rin sa mga ito. "Mom, Dad. Pasyal lang po kami ni Tamara sa mall ha." Paalam ko sa mga ito. "Okay, mag iingat ha. Huwag masyadong mag papagabi. Isama mo naman minsan dito sa bahay si Tamara at matagal ko ng hindi nakikita ang bata na yun. E kumusta mo na rin pala kami sa kanya " Bilin pa nila sa akin. Tumango naman ako sa mga ito at paalis na sana ng mag salita na naman si Dad. "Jasmine anak mag uwe kana ng babae ha. Hmm" Natatawa na bilin naman nito na agad naka tanggap ng kurot mula kay Mom. Sumimangot lang naman ako kay Dad at tuluyan ng umalis ng ba
JasminePanay lang ang pigil ko ngayon sa aking sarili na huwag sumabog. Dahil sa halos tinatadtad na ngayon ng pinong pino ang puso ko. Paano kitang kita ng dalawa kong mata ang pag hahalikan ng mga ito. Take note nandito pa lang kami sa may restaurant ha. How about more kung silang dalawa na lang. Ano na lang kaya ang ginagawa nilang dalawa. Ito namang si Tamara ay naka kuyom na rin ang mga kamao nito at nag cle clench na rin ang mga ngipin nito sa pinipigilan na galit din nito. Maya lang ay natapos na rin kumain ang mga ito. Samantalang ang in order namin ay hanggang ngayon ay hindi pa rin nababawasan kahit kunti. Sino ba naman nasa matinong pag iisip ang makakakain pa sa lagay na ito. Nang makalabas na sila ng restaurant ay mabilis na tumayo na kami ni Tamara. "Ano su sundan pa ba natin sila?" tanong kaagad nito sa akin. "Hindi ko alam Tamara. Hindi ko alam." Nanghihinang sabi ko dito. Parang gusto ko na ngayong bumigay at ilabas lahat ng bigat at sakit ng nasa dibdib kp ngayo
JasminePag sakay ko ng kotse ko ay agad na humabol sa akin si Tamara at panay ang katok sa bintana ng kotse ko. "Jasmine buksan mo ito. Please ako na ang mag hahatid sayo sa bahay nyo. Hindi kita pwede na basta na lang pabayaan na mag drive na ganyan ang lagay mo. Please Jasmine." Nag aalala na sabi nito sa akin habang panay pa rin ang katok sa bintana. Bahagya ko lang binaba ang bintana ng kotse ko. Tama lang na marinig nito ang sasabihin ko. Ayaw ko na madamay pa sya at maabala pa sa akin. At ayaw ko lalong maramdaman ang awa sa sarili ko. Gusto ko mapag isa upang mailabas ko lahat ng bigat at sakit na dinadala ko ngayon. "Tamara please gusto ko mapag isam Okay lang ako kaya ko ang sarili ko. Kung wala kang tiwala sa akin ay pwede mo naman akong sundan hanggang sa bahay eh. Pero please lang gusto kong mapag isa Tamara. Sana maintindihan mo ako."Pakiusap ko dito. Mukhang naintindihan naman nito ang ibig kong sabihin kaya namam n hinayaan na ako nito. Mabilis din na sumakay ito s
JasmineNagising nalang ako sa naramdaman kong sakit sa aking pisngi sinampal na pala ako ng mahal kong asawa sa hindi ko malamang dahilan. "Gumising ka dyan bwisit ka.!!" Sigaw nito sa akin na galit na galit. Pupungas pungas naman na nag mulat ako ng aking mga mata habang hawak ang nasaktan kong pisngi. "Sino yun ha? Sino yung babae mong iyon!!!?? Mag sabi ka sa akin ng totoo na bwisit ka.!!!" Galit na galit na tanong nito sa akin at naka kuyom pa talaga ang kamay nito na magkamali lang ako ng sagot ay masasapak na ako nito. Nagtataka naman ang mukha ko na tinignan ito. Di ko kasi alam kung ano na naman ang binibintang nito sa akin. Hello natutulog lang ako ng mapayapa dito sa tabi nya tapos gigisingin na lang niya ako ng sampal at pag bintangan na may babae daw ako."Baby loves ko ano na naman po ba yang binibintang mo sa akin? Di ko kailanman magagawang mambabae pa. Kayo lang ng mga anak natin ay sobrang sapat na sapat na sa akin. Alam mo namang mahal na mahal ko kayo ng mga a
AthenaHalos ilang buwan na rin mula ng mangyari ang bagay na yun at ngayon nga ay balak ko na puntahan itong si Jasmine sa kanila. Masama daw kasi ang pakiramdam nito. Nag paulan naman kasi kahapon. Kaya nga balak ko na bisitahin ito sa bahay nila. Baka kasi walang nag aasikaso dito eh. Hindi pa rin kami nag kakabalikan hanggang ngayon. Pero okay na rin yun hindi naman dapat mina madali ang lahat ng bagay eh. Basta ang mahalaga sa akin ay nag ka ayos na kaming dalawa. Sa ngayon ay nanliligaw pa rin ako sa kanya. Gusto ko patunayan dito na tapat ang pag ibig ko dito na minsan ay dinungisan ko. Oo nga pala. Nasabi ko na rin kila Daddy ang nangyari. Gaya ng mga kaibigan ko ay todo din ang galit nito sa akin. Maging si Mommy ay nanghinayang sa relasyon namin ni Jasmine. Sobrang boto naman kasi ang mga ito kay Jasmine dahil napaka bait daw na bata. Nagpa investigate pala itong si Daddy about kay Jasmine at yun nga nalaman nito ang mga ginagawa niya. Lalo na ang mga pa scholar nito sa
AthenaNag bilin ako sa teacher ng first subject ni Jasmine na kung pwede ay pa puntahin ito sa aking office at may ipapagawa kako ako dito. Mabuti na lang at hindi na ito nag ask pa ng kung ano ano. Kailangan na gawin ko kasi ito upang mapa punta ko dito ng walang kahirap hirap itong si Jasmine. Alam ko na alam nito na walang magagawa kung mag mamatigas siya eh. Nag luto kasi ako ng breakfast namin na dalawa. Gumising pa talaga ako ng sobrang aga kanina para lang ma e handa ko lahat ng pagkain na ito. Talagang pinag butihan kong maigi ang pag luluto nito. Gusto ko kasi na daanin ito sa pag kain. Alam ko na weakness nito ang pagkain eh. At syempre pati na rin ako no. Kaya nga gumawa pa ako ng cake sa kanya oara sa peace offering ko dito eh. Sinabi naman ng informant ko na kinain naman daw nito ng umuwe ito ng linggo. Kaya nga napanatag na rin ako na hindi na sundan pa kung saan pumunta ito pati na yung unggoy na babae dahil umuwe na rin naman pala si Jasmine sa kanila. Kaya nga hi
JasminePapunta na kami ngayon sa may canteen ni Tamara. Hanggang ngayon ay inis pa rin ito sa akin. Paano sinabi ko na pag nag ask sa akin si Ms. Angel kung ako ba nag nag luto ng adobo na dala ko ay hindi ako mag sinungaling dito. Kaya yan sya tuloy parang naluging bakla. Paliko na kami ng hallway ng maka sabay namin ang mga dragon na Professor pero ang ga ganda ng mga ito ha. "Hello po Ms." Bati namin ni Tamara sa mga ito. Habang ito naman ay naka tingin na ngayon kay Ms. Angel na bigla na lang nawala ang pag kaka nguso nito. Palalitan na yun ng malaking ngiti. Samantalang si Athena naman ay naka tingin sa akin na malaki rin ang ngiti nito. Lalo na at kitang kita nito ang hawak ko na lunch box ngayon. Ngumiti lang naman ako ng kimi sa mga ito. "Pupunta na rin ba kayo sa Canteen Jasmine, Tamara?" Tanong sa amin ni Ms. Jane. "Opo Ma'am Jane." Nahihiya na sagot ko naman dito. Kahit na ba kaibigan ito ni Athena at ilang beses na rin ako naka punta sa kanila ay nahihiya at na e ila
Jasmine"Sorry pero hindi ako pwede mamaya na makisabay sayo eh. Ayaw ko lang na may masabi ang iba. Mamaya mahalata pa nila yung about sa atin na wala naman ng katutuhanan ngayon." Pag tanggi ko sa pag aaya nito. Kahit na na te temp na ako na pa unlakan ang alok nito. Yung fave na adobo na kasi yun eh. Ayaw ko pa naman na nag sasayang ng pag kain. Tapos hindi naman sa ano pa ha. Masarap kasi talaga mag luto ito ng adobo eh. Kaya nga unti unti na nito na titibag ang pader na ginawa ko para sa aming dalawa. Nakita ko ang lungkot na bumadha sa mukha nito pero hindi na sya nag pilit pa. "Kunin mo na lang yung niluto ko. Please lang sana naman ay kainin mo yan. Kahit sa ganito man lang na paraan ay maka bawi ako sayo. Alam ko na ang dami ko ng pag kukulang sayo at ito nga gumawa pa ako ng ika sisira ko sayo. Hindi na ako mag sasabi pa na patawarin mo ako kasi alam ko na hindi mo pa kaya na ibigay yan sa akin ngayon. Pero seryoso ako Jasmine na handa akong gawin ang lahat bumalik ka lan
JasmineAgad na nitong tinago ang phone ko. Nilagay pa nga niya sa kanyang bulsa eh. Parang takot na takot na makuha ko kaagad sa kanya yun eh. Wala naman akong ka chat at nag Fqcebook lang ang ginawa ko. Wala din naman akong ma ka chat na iba at itong si Tamara ay malamang na nag ka klase na sila ni Sir doon. Hindi na tuloy ako naka pag klase dito kay sir ngayon dahil sa kagagawan nitong si Athena. Balak lang pala ako nitong ayain na kumain ay gumawa pa ito ng excuse kay Sir. Napaka ano talaga ng matanda na ito. "Ma'am, Ano po ba ang gagawin ko at bakit pina punta nyo pa ako dito? Bukod sa pakainin ako ng breakfast na hindi naman na dapat pa? Hindi na tuloy ako naka pakinig kay Sir eh." Nasabi ko ditoGusto ko na rin kasi simulan ang kung anuman ang ipapagawa nito sa akin. Nang maka alis na rin ako kaagad dito sa office niya. Dahil habang tumatagal na kasama ko siya ay unti unti na natitibag nito ang ginawa kong pader para sa aming dalawa at hindi ko na nagugustuhan pa yun. Kasi s
JasmineHalos di naman makapaniwala itong si Tamara na tunay na si Maya ang na e take home ko nung sabado. Nag hinala pa nga ito sa akin na baka daw may nangyari na sa amin nitong si Maya. Pero hindi naman ako basta basta pumapatol kung kanino na lang. Kahit ba sabihin pa na ang ganda at sexy nito ay hindi naman ako ganun klase ng tao. Kahit na medyo tinaasan din siya ng little Jasmine ko ay hindi naman ako nag patalo at ang isip ko pa rin ang pinagawa ko at hindi ang ulo ko sa baba. Marami pa kaming napag kwentuhan ni Tamara at hindi nga halos namin napansin na ang dami na palang estudyante dito sa room. Kung hindi pa nga lang nag salita di Sir ay baka wala pa kaming plano na tumigil nitong si Tamara. Hindi nga din namin napansin na dumating na si Sir eh. Mabuti na nga lang at mabait ito hindi kami sinita. After namin na mabati ito ay umupo na ulit kami. Mag papatuloy pa sana kami ng kwentuhan nitong si Tamara ng mag salita si Sir na ikina tigil ko. "Ah Ms. Cordova, Pinapatawag k
JasmineNang manawa na ako kaka bilang ng mga dumadaan sa harap ng bahay namin ay naisipan ko na muli na pumasok sa kwarto ko. Balak ko na matulog na lang muli. Total wala naman akong gagawin ngayon at wala din ako balak na pumunta sa mall. Wala din naman ako maaabutan doon sa office at linggo ngayon. Pahinga din nila. Nang makapasok na ako ng room ko ay naisipan ko na tignan ang aking phone. Halos mapuno naman ito ng mga messages na galing kay Tamara at may mga calls pa ito na hindi ko nasagot. Nag silent kasi ako ng phone ko kaya hindi ko alam kung may mga message at tawag ako. Hindi ko din naman kasi pinag aksayahan pa ng panahon na buksan ito. Puro tanong lang ito kung nasaan ako at bakit hindi naman pala ako umuwe sa bahay kagabi at lumabas pa pala ako. Tinanong din niya kung saan ako natulog. Hayst paano kaya nito nalaman na hindi ako nag stay sa bahay kagabi? Siguro ay dahil kay Ms. Angela. Malamang na tinawagan ito ni Athena at nag tanong ito dito. Lalo pa nga ta kasama ko
JasminePag pasok ko pa lang sa loob ng bahay ay sinalubong naman na ako kaagad ni Manang tasing. Hayst mukhang mas excited pa ang mga ito dahil balitang balita na kaagad sa kanila na may girlfriend na pala ako at napaka ganda daw nito. Ano ba naman itong mga ito oh. " Ma'am Jasmine may cake po na binigay dito kanina yung magandang babae na girlfriend nyo daw po. Kaya naman pala wala man lang dating sa inyo ang mga nag ga gandahan na babae dyan yun naman pala ay walang panama ang mga yun sa girlfriend mo Ma'am. Nakita namin kanina ang sexy kausap ng guard. Swerte mo na doon Ma'am Jasmine mukhang mabait pa. May kasalanan daw po siya sa inyo kaya naka lagay doon sa cake na sorry. Ang sweet po nya Ma'am." Kinikilig na sabi nito sa akin. Kita ko rin na kinilig din ang ibang kasambahay namin at nag kukurutan pa nga na parang mga tanga. Hindi ko tuloy alam kung ano ang e re react ko sa mga ito. Hindi naman mukhang mga marites ang mga ito e no. Hindi halata. "Nasaan na po yung cake Manang