JasmineIlang Linggo na lang at magbabakasyon na sa wakas makakapagpahinga na rin ako sa mga pambwibwisit sa akin ni Ma'am Athena. Ibang klase talaga ito. Kung hindi mahaba ang pasensya mo ay talagang mapapatulan mo ito. Lalo na pag lumalabas ang pagka maldita nito na wala sa lugar. Ang sarap lang bigwasan. Pero syempre hindi ko gagawin yun. Mahal ko pa kaya ang buhay ko. Tsaka baka kung papalarin maging ina pa ito ng magiging anak ko. Kailangan ko na rin kasi mag recharge at malapit na akong maubos dahil sa inis ko dito. Balak ko kasi na mag bakasyon muna kahit isang buwan lang kila lola sa Mindoro na mi miss ko na rin kasi sila eh. Medyo matagal na rin kasi ang huling punta ko doon. Tapos sila naman matagal na rin na hindi nakabisita dito sa Manila dahil sa dami na rin ng kanilang mga ginagawa. At isa pa, matatanda na rin kasi ang mga ito kaya hindi na advisable pa ang mag byahe pa sila palagi. Matagal na nga akong pinapaki usapan nila Lola na bisitahin ko naman daw sila minsan
Jasmine Katatapos lang ng finals at nakasisiguro naman ako na di ko na kailangan pa na mangamba kung pasado ba ako o need ko pang mag remedial kasi sigurado naman na ako na naipasa ko lahat ng subjects, nagreview kaya ako. Hindi lang kasi halata sa itsura ko at masyado kasi akong cute eh. hahaha walang connect basta gusto ko lang sabihin na cute ako bakit ba. Nag aral kaya akong mabuti kaya okay lang kahit hindi na ako pumasok next week para masigurado lang kung pasado ba ako o hindi. Baka nga kasali na naman ako na Dean's Lister eh. Na hindi naman na nakakapagtaka pa. Perks of being matalino na sobrang cute. Hahaha kapal ng face. Nag lalakad na ako patungo ng parking lot at balak ko ng umuwi na sana ng maka salubong ko pa ang anak ni satanas. Mukhang may pabaon pa yata siya sa akin bago ako maka pag vacation ah.Wala talagang pinapalampas ang isang ito. Parang hindi Professor eh. "Mukhang good mood ka yata ngayon ha Cordova? Ganda ng ngiti natin ah. Matanong nga lang kita. Saa
Jasmine Kinabukasan maaga pa lang ay gising na ako. Nagtataka nga sa akin ang mga kasambahay namin at gising na agad ako ng ganitong oras. Kadalasan kasi pag ganitong weekend ay tulog pa ako at mga bandang 10am pa ako bumababa para mag brunch. Kahit nga sila Mommy tulog pa. Di ko na lang pinansin ang mga nagtataka nilang tingin sa akin. "Manang pa handa na lang po ng breakfast at maaga po akong aalis ngayon." Bilin ko sa cook namin at umakyat na ulit para maligo na. Kailangan ko na mag madali. Ayaw ko naman na ma late ako ng punta sa bahay ni Ma'am Athena. Baka kasi pag na late pa ako ay madagdagan pa ang aking punishment sa kanya. Pambihira talaga. Taas kamay na talaga ako sa kanya. Siya lang ang kilala kong sobrang bully na teacher. Tanda na eh parang bata pa kung kumilos. May pa ganti ganti pang nalalaman. Ano siya batang paslit na masama ang loob pag hindi nakaganti? Nagmamadali na akong naligo at nagbihis na lang ako ng pambahay. Hindi ko naman na need pa na mag pa p
Jasmine "Kung ano ano pang dahilan ang mga pinagsasabi mo.!!!. Di mo na lang aminin na late kana talaga nagising.!!! At bakit parang sa tubo pa lang ng pananalita mo ay parang ako pa ang sinisisi mo na di ka kaagad nakapasok dito.!!!!" Patuloy niyang litanya sa akin na galit na galit. Pag di ako nakapagpigil dito ay hahalikan ko na talaga ito at ng tumahimik naman ang bunganga nito. Nakaka kulili sa tenga ang ingay nya. Mabuti sana kung may ginagawa kaming milagro at ganyan siya makasigaw. Shit baka parang musika pa iyon sa aking pandinig. Lalo pa at amoy na amoy ko pa naman ngayon ang kanyang mabangong hininga na siyang tumatama sa aking mukha na samahan mo na rin ng konting laway na sumasama sa tuwing sisigaw ito. Sobrang lapit niya kasi at di ko namalayan na nakatitig na lang ako ngayon sa kanyang mamula mulang lips na panay pa rin ang bukas sara nito. Di ko na nga alam kung ano pa ang mga sinasabi nito ngayon. Basta naka titig lang ako sa nakakatakam nyang mga labi na par
Jasmine Binalingan ko si Ma'am Athena na salubong ang kilay sa akin ngayon. Pero hindi ako natatakot sa kanya. Mas lamang ang inis ko dito kaysa ang matakot. Ikaw kaya ang magutom diyan tapos wala pang pakialam ang sanhi ng pagkagutom mo. "Saan ka pupunta? Di ka pa tapos maglinis ay aalis kana agad? Tatakasan mo pa talaga ako ha!??" Salubong ang kilay na tanong niya sa akin. Di ko siya pinansin at sinimulan ko ng paandarin ang aking kotse. Na aasar pa rin ako sa kanya. Bahala siya dyan. Magalit na siya kung magalit basta aalis na ako. Pinag bigyan ko na nga siya na maglinis ako ng bahay niya tapos ganito lang ang aabutin ko sa kanya. Mahal ko pa rin ang aking sarili at hindi ako magpapaka gutom lang dito sa kanya. Kaya uuwi na talaga ako. Bahala na siya kung magalit man sa akin o hindi. "Uuwi na po ako." Matigas kong sagot dito na di tumitingin sa kanya. Asar na asar na talaga ako sa kanya. Nakakapuno na siya. Kahit na crush na crush ko siya ay di na makatarungan ang mga p
Athena Bigla akong napatigil sa pagkain pagkarinig ko sa sinabi ni Cordova tungkol sa akin. Agad namang namula ang aking mukha at pareho na kaming tahimik dito at walang gustong bumasag ng katahimikan. Mukhang ngayon pa lang yata nag sink in dito kay Cordova ang kanyang mga sinabi kanina. Di ko naman maiwasan na lalong lumakas ang kabog sa dibdib ko dahil sa mga sinabi nito. So she finds me attractive pala ha kaya siya palaging tulala pag kaharap ako. I didn't see it coming na ganyan na pala ang effect ko sa kanya. Parang biglang gumaan ang aking pakiramdam na knowing si Cordova ay may gusto sa akin. "So, you find me attractive pala ha?" Tanong ko dito with a seductive voice sabay ihip ko sa kanyang tenga na mas lalo yata nitong ikinapula ng mukha nya. Para na nga itong kamatis sa sobrang pula niya. "Ikaw ha Cordova crush mo pala ako, pero inaaway mo naman ako." Simangot ko naman na sabi dito at mas lalo ko pang nilapit ang mukha ko sa kanya. Ang sarap kasi nitong e
Jasmine Nagsimula ko ng hugasan ang aming mga pinagkainan namin ni baby loves. Di ko maiwasang mapangiti habang nag huhugas ng plato. Ang cute lang kasi ng reaction nito kanina habang nag co confess ako dito ng nararamdaman ko about sa kanya. Alam kong naisahan ko siya doon kanina. Akala niya ay palalampasin ko na lang ang mga pangaakit na ginagawa nito sa akin kanina. Hahaha kung alam lang niya na humahanap lang ako ng tyempo para makapag sabi dito na liligawan ko siya. Ano siya ngayon eh di tulala lang na pinapanood ako nito habang nag uurong ng plato. Di pa rin kasi ito tumatayo hanggang ngayon sa kanyang kinauupuan. After ko makapag hugas ay lumapit na ako dito sabay nakaw ko ng halik sa kanyang pisngi at biglang layo bago mabilis ang lakad paakyat sa kanyang kwarto. Mahirap na at baka makaganti ito agad at masapak na ako nito ng di oras. "Arghhh!!! Bwisit ka talaga Cordova!!!! Manyak!!!" Dinig kong malakas na sigaw nito ng makabawi na siguro sa pagkabigla. Napapan
JasmineNaiiling na umalis nalang ako sa bahay nito. Parang bata talaga ito kumilos ngayon nakakapanibago. Ano kayang nakain nito at papakainin ko ulit non para palagi na lang siyang ganyan na hindi masyadong nakakatakot. Pag kasi nagsasalubong na ang dalawa nitong kilay ay nanginginig na ako sa takot. Alam ko kasi na galit na galit na ito pag ganun. Pero kung yung mga paisa isang taas lang ng kilay ay tingin ko kasi doon ay mild pa lang ang galit niya. Kung baga di pa naka full charge. Napapangiti na lang ako habang nag da drive pauwe. Sulit na sulit ngayon ang pagod ko ah. Imagine di lang ako naka halik at nakayakap sa kanya. Ang higit sa lahat ay pwede na ako magsimulang manligaw dito. May permission na akong ipakita dito ang nararamdaman ko para sa kanya. Akalain mo iyon. Bilib din ako kanina sa sarili ko na nasabi ko ng ganun lang kadali ang mga iyon kay baby loves kanina. Ni hindi man lang ako na bulol nung mag confess ako dito ng feelings ko. I'm so proud of myself. Haha
JasmineNagising nalang ako sa naramdaman kong sakit sa aking pisngi sinampal na pala ako ng mahal kong asawa sa hindi ko malamang dahilan. "Gumising ka dyan bwisit ka.!!" Sigaw nito sa akin na galit na galit. Pupungas pungas naman na nag mulat ako ng aking mga mata habang hawak ang nasaktan kong pisngi. "Sino yun ha? Sino yung babae mong iyon!!!?? Mag sabi ka sa akin ng totoo na bwisit ka.!!!" Galit na galit na tanong nito sa akin at naka kuyom pa talaga ang kamay nito na magkamali lang ako ng sagot ay masasapak na ako nito. Nagtataka naman ang mukha ko na tinignan ito. Di ko kasi alam kung ano na naman ang binibintang nito sa akin. Hello natutulog lang ako ng mapayapa dito sa tabi nya tapos gigisingin na lang niya ako ng sampal at pag bintangan na may babae daw ako."Baby loves ko ano na naman po ba yang binibintang mo sa akin? Di ko kailanman magagawang mambabae pa. Kayo lang ng mga anak natin ay sobrang sapat na sapat na sa akin. Alam mo namang mahal na mahal ko kayo ng mga a
AthenaHalos ilang buwan na rin mula ng mangyari ang bagay na yun at ngayon nga ay balak ko na puntahan itong si Jasmine sa kanila. Masama daw kasi ang pakiramdam nito. Nag paulan naman kasi kahapon. Kaya nga balak ko na bisitahin ito sa bahay nila. Baka kasi walang nag aasikaso dito eh. Hindi pa rin kami nag kakabalikan hanggang ngayon. Pero okay na rin yun hindi naman dapat mina madali ang lahat ng bagay eh. Basta ang mahalaga sa akin ay nag ka ayos na kaming dalawa. Sa ngayon ay nanliligaw pa rin ako sa kanya. Gusto ko patunayan dito na tapat ang pag ibig ko dito na minsan ay dinungisan ko. Oo nga pala. Nasabi ko na rin kila Daddy ang nangyari. Gaya ng mga kaibigan ko ay todo din ang galit nito sa akin. Maging si Mommy ay nanghinayang sa relasyon namin ni Jasmine. Sobrang boto naman kasi ang mga ito kay Jasmine dahil napaka bait daw na bata. Nagpa investigate pala itong si Daddy about kay Jasmine at yun nga nalaman nito ang mga ginagawa niya. Lalo na ang mga pa scholar nito sa
AthenaNag bilin ako sa teacher ng first subject ni Jasmine na kung pwede ay pa puntahin ito sa aking office at may ipapagawa kako ako dito. Mabuti na lang at hindi na ito nag ask pa ng kung ano ano. Kailangan na gawin ko kasi ito upang mapa punta ko dito ng walang kahirap hirap itong si Jasmine. Alam ko na alam nito na walang magagawa kung mag mamatigas siya eh. Nag luto kasi ako ng breakfast namin na dalawa. Gumising pa talaga ako ng sobrang aga kanina para lang ma e handa ko lahat ng pagkain na ito. Talagang pinag butihan kong maigi ang pag luluto nito. Gusto ko kasi na daanin ito sa pag kain. Alam ko na weakness nito ang pagkain eh. At syempre pati na rin ako no. Kaya nga gumawa pa ako ng cake sa kanya oara sa peace offering ko dito eh. Sinabi naman ng informant ko na kinain naman daw nito ng umuwe ito ng linggo. Kaya nga napanatag na rin ako na hindi na sundan pa kung saan pumunta ito pati na yung unggoy na babae dahil umuwe na rin naman pala si Jasmine sa kanila. Kaya nga hi
JasminePapunta na kami ngayon sa may canteen ni Tamara. Hanggang ngayon ay inis pa rin ito sa akin. Paano sinabi ko na pag nag ask sa akin si Ms. Angel kung ako ba nag nag luto ng adobo na dala ko ay hindi ako mag sinungaling dito. Kaya yan sya tuloy parang naluging bakla. Paliko na kami ng hallway ng maka sabay namin ang mga dragon na Professor pero ang ga ganda ng mga ito ha. "Hello po Ms." Bati namin ni Tamara sa mga ito. Habang ito naman ay naka tingin na ngayon kay Ms. Angel na bigla na lang nawala ang pag kaka nguso nito. Palalitan na yun ng malaking ngiti. Samantalang si Athena naman ay naka tingin sa akin na malaki rin ang ngiti nito. Lalo na at kitang kita nito ang hawak ko na lunch box ngayon. Ngumiti lang naman ako ng kimi sa mga ito. "Pupunta na rin ba kayo sa Canteen Jasmine, Tamara?" Tanong sa amin ni Ms. Jane. "Opo Ma'am Jane." Nahihiya na sagot ko naman dito. Kahit na ba kaibigan ito ni Athena at ilang beses na rin ako naka punta sa kanila ay nahihiya at na e ila
Jasmine"Sorry pero hindi ako pwede mamaya na makisabay sayo eh. Ayaw ko lang na may masabi ang iba. Mamaya mahalata pa nila yung about sa atin na wala naman ng katutuhanan ngayon." Pag tanggi ko sa pag aaya nito. Kahit na na te temp na ako na pa unlakan ang alok nito. Yung fave na adobo na kasi yun eh. Ayaw ko pa naman na nag sasayang ng pag kain. Tapos hindi naman sa ano pa ha. Masarap kasi talaga mag luto ito ng adobo eh. Kaya nga unti unti na nito na titibag ang pader na ginawa ko para sa aming dalawa. Nakita ko ang lungkot na bumadha sa mukha nito pero hindi na sya nag pilit pa. "Kunin mo na lang yung niluto ko. Please lang sana naman ay kainin mo yan. Kahit sa ganito man lang na paraan ay maka bawi ako sayo. Alam ko na ang dami ko ng pag kukulang sayo at ito nga gumawa pa ako ng ika sisira ko sayo. Hindi na ako mag sasabi pa na patawarin mo ako kasi alam ko na hindi mo pa kaya na ibigay yan sa akin ngayon. Pero seryoso ako Jasmine na handa akong gawin ang lahat bumalik ka lan
JasmineAgad na nitong tinago ang phone ko. Nilagay pa nga niya sa kanyang bulsa eh. Parang takot na takot na makuha ko kaagad sa kanya yun eh. Wala naman akong ka chat at nag Fqcebook lang ang ginawa ko. Wala din naman akong ma ka chat na iba at itong si Tamara ay malamang na nag ka klase na sila ni Sir doon. Hindi na tuloy ako naka pag klase dito kay sir ngayon dahil sa kagagawan nitong si Athena. Balak lang pala ako nitong ayain na kumain ay gumawa pa ito ng excuse kay Sir. Napaka ano talaga ng matanda na ito. "Ma'am, Ano po ba ang gagawin ko at bakit pina punta nyo pa ako dito? Bukod sa pakainin ako ng breakfast na hindi naman na dapat pa? Hindi na tuloy ako naka pakinig kay Sir eh." Nasabi ko ditoGusto ko na rin kasi simulan ang kung anuman ang ipapagawa nito sa akin. Nang maka alis na rin ako kaagad dito sa office niya. Dahil habang tumatagal na kasama ko siya ay unti unti na natitibag nito ang ginawa kong pader para sa aming dalawa at hindi ko na nagugustuhan pa yun. Kasi s
JasmineHalos di naman makapaniwala itong si Tamara na tunay na si Maya ang na e take home ko nung sabado. Nag hinala pa nga ito sa akin na baka daw may nangyari na sa amin nitong si Maya. Pero hindi naman ako basta basta pumapatol kung kanino na lang. Kahit ba sabihin pa na ang ganda at sexy nito ay hindi naman ako ganun klase ng tao. Kahit na medyo tinaasan din siya ng little Jasmine ko ay hindi naman ako nag patalo at ang isip ko pa rin ang pinagawa ko at hindi ang ulo ko sa baba. Marami pa kaming napag kwentuhan ni Tamara at hindi nga halos namin napansin na ang dami na palang estudyante dito sa room. Kung hindi pa nga lang nag salita di Sir ay baka wala pa kaming plano na tumigil nitong si Tamara. Hindi nga din namin napansin na dumating na si Sir eh. Mabuti na nga lang at mabait ito hindi kami sinita. After namin na mabati ito ay umupo na ulit kami. Mag papatuloy pa sana kami ng kwentuhan nitong si Tamara ng mag salita si Sir na ikina tigil ko. "Ah Ms. Cordova, Pinapatawag k
JasmineNang manawa na ako kaka bilang ng mga dumadaan sa harap ng bahay namin ay naisipan ko na muli na pumasok sa kwarto ko. Balak ko na matulog na lang muli. Total wala naman akong gagawin ngayon at wala din ako balak na pumunta sa mall. Wala din naman ako maaabutan doon sa office at linggo ngayon. Pahinga din nila. Nang makapasok na ako ng room ko ay naisipan ko na tignan ang aking phone. Halos mapuno naman ito ng mga messages na galing kay Tamara at may mga calls pa ito na hindi ko nasagot. Nag silent kasi ako ng phone ko kaya hindi ko alam kung may mga message at tawag ako. Hindi ko din naman kasi pinag aksayahan pa ng panahon na buksan ito. Puro tanong lang ito kung nasaan ako at bakit hindi naman pala ako umuwe sa bahay kagabi at lumabas pa pala ako. Tinanong din niya kung saan ako natulog. Hayst paano kaya nito nalaman na hindi ako nag stay sa bahay kagabi? Siguro ay dahil kay Ms. Angela. Malamang na tinawagan ito ni Athena at nag tanong ito dito. Lalo pa nga ta kasama ko
JasminePag pasok ko pa lang sa loob ng bahay ay sinalubong naman na ako kaagad ni Manang tasing. Hayst mukhang mas excited pa ang mga ito dahil balitang balita na kaagad sa kanila na may girlfriend na pala ako at napaka ganda daw nito. Ano ba naman itong mga ito oh. " Ma'am Jasmine may cake po na binigay dito kanina yung magandang babae na girlfriend nyo daw po. Kaya naman pala wala man lang dating sa inyo ang mga nag ga gandahan na babae dyan yun naman pala ay walang panama ang mga yun sa girlfriend mo Ma'am. Nakita namin kanina ang sexy kausap ng guard. Swerte mo na doon Ma'am Jasmine mukhang mabait pa. May kasalanan daw po siya sa inyo kaya naka lagay doon sa cake na sorry. Ang sweet po nya Ma'am." Kinikilig na sabi nito sa akin. Kita ko rin na kinilig din ang ibang kasambahay namin at nag kukurutan pa nga na parang mga tanga. Hindi ko tuloy alam kung ano ang e re react ko sa mga ito. Hindi naman mukhang mga marites ang mga ito e no. Hindi halata. "Nasaan na po yung cake Manang