Nag-asaran naman kami pagkatapos noon bago ako bumaba para magluto na nang tanghalian namin. Sinigang na lang ang lulutuin ko dahil ayon ang gusto ko ngayon, saktong naghahalo ako ng luto ko ng biglang may yumakap sa’kin, natigilan pa ako sandali pero naging ayos rin naman ako. Mukhang kailangan ko na masanay sa ganito dahil love language ata ng asawa ko ang physical touch.“Ang bango mahal,” komento niya habang nakapatong pa ang baba sa balikat ko, kumuha naman ako ng sandok para ipatikim sa kaniya ang sabaw.“Oh tikman mo,” sabi ko at lumingon sa kaniya.“Hala baka maging kambal pa anak natin,” sabi niya kaya napakunot ang noo ko, na-gets ko naman ang sinabi niya nung nakita ko ‘yung pagpipigil niya ng tawa kay
Napatawa akong muli dahil sa naisip ko, wala akong tatay. Simula ng isilang ako sa mundong ‘to ay wala na akong tatay, kaya wala akong kikilalaning tatay. Tawa lang ako ng tawa na parang baliw, napatigil lang ako ng hawakan ni Hendrix ang kamay ko.“No, wala akong tatay Ma,” sabi ko naman habang nakangiti kahit unti-unti na namumuo ang luha sa mga mata ko.“Anak, pakinggan mo muna ang tatay mo,” kalmadong sabi ni Mama at tinanguan ako pero umiling ako.“Hindi, kumain na tayo para makauwi na rin kami agad. Tama na 'yang joke mo Ma,” sabi ko naman at sumubo pa ako ng pagkain.Sobrang tahimik sa lamesa, kutsara at tinidor lang ang maririnig, nararamdaman ko naman na tinitingnan nila ako. Hindi
Nagising ako ng maramdaman na tila ba ay gusto akong gisingin ng araw dahil sa mismong mukha ko nakatapat ang sinag, pinilit ko na lang 'wag mag-isip ng hindi maganda para hindi agad masira ang araw ko. Nag-inat ako at doon ko nakita na nakapatong ang kamay ni Hendrix sa may tiyan ko kahit na nakadapa siya, doon ko lang rin napansin na may umbok na ang tiyan ko, mukhang nagpapakita na si baby.Malapit na pala mag-four months si baby at malapit na rin malaman ang gender niya. Kinurot ko naman ng pasimple si Hendrix para magising siya dahil pareho kami may pasok ngayon, hindi niya pa ako pinansin nung una at kumunot lang ang noo pero noong kurutin ko ang ilong niya ay doon naman siya napadilat at napatingin sa’kin.“Good morning ganda,” bati niya
Ilang linggo ang nakalipas buti na lang at hindi na kami nagkaroon ng away ni Bea dahil ayoko na rin naman talaga ma-involve sa kung anong meron sa kanila ng boyfriend niya.“Sunduin kita mamaya, sa labas na lang tayo mag-dinner. Six pm tapos ng klase mo ano?” tanong ni Hendrix noong malapit na kami sa campus kaya tumango ako.“Okay, ingat ka sa pag-drive mahal,” sabi ko naman at humalik na sa kaniya bago ako bumaba ng sasakyan.Pagkarating ko sa meeting place namin ay nandoon na sila kaya pumasok na kami ng sabay sabay. Pinagtitinginan na naman ako dahil halata na ang tiyan ko pero hindi ko na pinansin dahil bakit ba ako mahihiyang buntis ako?“‘Yung akala mo siya ‘yung mabait pero siya pa unang nabuntis,” sabi agad ni Bea pagkapasok namin ng room pero nilagpasan ko na silang magkakaibigan dahil ayoko sila pagbuhusan ng lakas.“Sure kaya siya sa tatay noon or baka iba ang tatay?” tanong ni Geraldine at tumawa naman sila ng sabay sabay, napansin ko ring hindi na nagsasalita si Nica at
“Bakit nandiyan ‘yan?” tanong ko nang matanaw ko si Kim sa labas ng bahay namin at mukhang papasok na pero nakita niya ang sasakyan namin.“I don’t have an idea,” sagot ni Hendrix habang nagda-drive palapit ng bahay namin.“Hi, I just wanted to drop by to give you this, nag-shopping kasi ako sa sweet place at naalala kita kaya ayan,” sabi ni Kim noong pagkalabas namin ng sasakyan at agad na inabutan si Hendrix ng isang paper bag, napairap naman ako at nilagpasan na lang siya at binuksan ang gate sa garahe.“Grabe sobrang insensitive,” bulong ko habang naglalakad papasok ng bahay.Bumalik naman ‘yung pagkabadtrip ko dahil sa kaniya kaya hindi na lang ako nakipag-usap dahil baka masapak k
Nandito kami ni Nica ngayon nakasandal sa may puno dito sa may likod ng school dahil hinihintay namin sila Hanz at mamaya ay aalis kami, pupunta kami doon sa may peryahan na nagbukas na dahil 'Ber' months na ulit.“Tingnan mo, maganda?” tanong ni Nica at hinarap sa’kin ang sketch pad niya, ini-sketch niya ‘yung view namin ng school ngayon kaya napangiti naman ako.“Maganda,” sagot ko at tinuon na ulit ang paningin ko sa langit dahil sobrang ganda ng langit ngayon.Pumikit ako para umidlip sana dahil maya maya pa ang dismissal nila Hanz, sobrang nakakarelax kapag ang tahimik lang ng paligid tapos ang lamig ng simoy ng hangin kahit nakatirik ang araw.Makakaidlip na sana a
Third Person’s POVBiglaan ang naging pagbangon ni Chyna dahil sa pakiramdam nitong nasusuka siya, nagising rin ang kaniyang asawa ng marinig ang malalakas na yabag ni Chyna. Agad na nasuka si Chyna sa bowl nang makarating siya doon at nakasunod naman sa kaniya si Hendrix at inalalayan siya.“Aray ko po,” mahinang sabi naman ni Chyna ng maramdaman ang sakit ng kalamnan niya.“Anong masakit?” tanong naman ni Hendrix sa asawa habang hinuhugasan ang mukha ng asawa niyang nakatungo pa rin sa tabi ng bowl.“Bangon na diyan, doon ka na muna sa kwarto,” sabi pa nito sa asawa at tinulungan siyang tumayo at inakay pabalik ng kama nila.Bumalik naman si Hendrix p
“Tawagan mo ako kapag uuwi ka na ha,” paalala naman ni Hendrix sa asawa.“Yes po. Bye! Ingat ka sa pag-drive ha,” sabi ni Chyna sa asawa at humalik dito bago bumaba ng sasakyan.Pinanood pa ni Chyna hanggang sa makalayo ang sasakyan bago siya pumasok sa bahay nila ng Ina dahil nagbalak silang magsimba ngayong araw, hindi naman nakasama si Hendrix dahil may aasikasuhin sa kumpanya kaya hinatid na lang siya nito.“Mama, nandito na ako,” sabi ni Chyna nang makapasok sa sala nila ngunit walang tao doon.“Mama?” tawag pa niya ulit ngunit nakarinig na siya ng nagu-usap mula sa kusina kaya nagpunta siya doon, nagulat naman siya ng makita kung sino ang kasama ng kaniyang Ina habang naga-ayos
Umaga na ng makarating ang mga magulang ni Chyna sa hospital dahil hindi ma-contact nila Hendrix ang Ina nito kanina at mukhang galing pa ng trabaho, sumunod namang dumating ang mga magulang ni Hendrix na puno rin ng paga-alala ang mukha.Si Hanz naman ay kasa-kasama lang ni Hendrix sa kwarto ng asawa sa ospital at kapwa wala pang tulog parehas, balak nilang lakarin ang lahat ng dapat nilang lakarin kapag sigurado na sila kung sino ang magbabantay kay Chyna.Dumating rin si Nica kasama ang kaibigan ni Hendrix na si Lucas, agad na naiyak ang dalaga ng makapasok sa kwarto ni Chyna dahil halos mapuno ng takot ang puso niya ng magising siya dahil sa tawag ni Hanz sa kaniya.“Kami na muna ang magbabantay rito, gawin niyo na ang dapat niyong gawin,” s
Kakarating pa lang nila Hanz, Nica at Chyna sa mall ay may napansin na agad itong lalaking tila ba kanina pa nila nakakasalubong, hindi niya na sana ito pagtutuonan ng pansin ngunit ng makita niya na naman ito noong nagsusukat ng dress si Nica ay hindi na ito nawala sa isip niya kaya kahit nakaalis na sila doon ay tila ba lahat ng senses niya ay naka high alert at halos libutin ng paningin niya ang buong paligid habang naglalakad lang ang dalawang kaibigan sa harap niya.At tama nga siya dahil nakita niya na naman ito ng pumunta sila ng ice cream place kaya agad niya itong nilabas at hinanap ngunit paglabas niya ay kahit tinakbo niya ang paikot nang paligid ng ice ceam shop ay hindi niya ito nahanap kaya napagdesisyunan niya na lang na iuwi ang mga kaibigan.Hindi niya sinagot ang kahit na anong tanong ng mga dalaga dahil
“Bakit nandito ka na naman?” bungad na tanong ni Hendrix ng pumasok si Hanz sa pintuan nila, natawa naman ako habang inaayos ang neck tie ni Hendrix. “Hayaan mo na mahal, para may kasama rin ako dito sa bahay. Ang boring kaya mag-isa!” sabi ko naman kaya nilingon ako ni Hendrix at sumimangot pa. “Ikaw! Ayusin mo ha . . . magkasakit lang si Chy tatamaan ka sa’kin,” sabi pa ni Hendrix. “Luh, parang ako pa nga ata magkakasakit diyan. Napaka exotic ng pinaglilihian ng asawa mo hoy,” sagot naman ni Hanz. “Aalis na ko. Eat on time and don’t get too tired,” sabi ni Hendrix bago ako hinalikan. “Yuck!” rinig ko namang reklamo ni Hanz kaya natawa ako, umalis na rin naman si Hendrix dahil papasok pa siya sa opisina. “Ano plano natin today?” tanong naman ni Hanz noong kami na lang ang nasa sala. “Gawa tayong dessert? Pinapunta ko rin si Nica ngayon eh kaso si Allyson out of coverage noong tinawagan ko,” sabi ko naman, napansin ko namang napatigil siya pero ka agad na bumalik sa ayos. “Tara
Papasok ng bahay nila si Allyson, kakauwi niya lang galing sa university nila, magpapahinga lang siya saglit at aalis na ulit dahil meron silang girl’s date nila Chyna ngayon.Kakapasok niya lang ng biglang siyang may narinig na tumatawa mula sa kusina nila, hindi niya na sana ito papansinin dahil baka ang pinsan niya lang ito. Didiretso na sana siya ng akyat ngunit nang may marinig siyang pangalan na binanggit ng pinsan niya at talagang napatigil siya.“Of course! Itutuloy mo ‘yon, I already got his schedule so alam ko kung kailan siya wala sa bahay nila para sigurado na ‘yung babaeng ‘yon lang ang nandun sa kanila. Piliin mo ‘yung hindi masyado matapang ang amoy ha? Para hindi rin magtaka ‘yung neighbors nila if ever.”
Pagkasundo namin kay Nica ay si Allyson naman ang sinundo namin sa may kanila, hindi naman malayo ang bahay nila Allyson kila Nica kaya hindi naman nahirapan si Hendrix.“Grabe pala talaga kapag naglihi ang buntis ano?” komento ni Nica noong pauwi na kami sa bahay.“Sorry! Gusto ni baby ng brownies eh,” sagot ko naman.“Napansin ko lang, parang mas maganda ang aura mo ngayon kahit pa madaling araw na,” komento naman ni Allyson kaya inirapan ko siya sa rear view at sabay kami natawa.“Pwera biro ‘yon ah,” sabi pa niya kaya tumango na lang ako.“Oo nga Chy, mas maganda ka ngayon. Mukhang maganda epekto sa ‘yo ng pag-leave mo ah, mas healthy ka
“Oh Ma’am Chyna! Ako na ho diyan,” bungad ni Nay Mely nung nakita niya ako nagluluto dito sa kusina.“Ako na po Nay, dadalhin ko po ‘to kay Hendrix sa office,” sagot ko naman habang nagluluto pa rin.“Oh sige, ako na lang ang maga-ayos ng lalagyanan,” sabi ni Nanay kaya tumango na lang ako.Tinapos ko na ang pagluluto at nilagay ko na rin sa baunan ‘yung mga pagkain pero hindi ko muna tinakpan para hindi naman masyadong mainit. Nagbihis din muna ako at nag-ayos ng konti para hindi naman ako mukhang hampaslupa kapag nagpunta ako sa office niya.“Nay si Kuya Ruel po?” tanong ko pagkababa ko.“Nandiyan na iha, kakarati
Nagising ako ng maramdaman ko ang tama nang sinag ng araw sa mukha ko kaya napatalikod naman ako doon. Napamulat naman ako ng wala akong maramdaman sa tabi ko, mukhang bumangon na si Hendrix.Bigla naman ako napangiti ng maalala ang nangyari kagabi, grabe thank you Lord talaga. Bumangon na ko ng tuluyan at dumiretso sa banyo kahit na panty lang ang suot ko, nagbihis rin ako bago lumabas.“Good morning,” bati ko ng makalabas na ako sa kwarto, napalingon naman kaagad siya.“Good morning,” sabi niya at nginitian ako kaya napangiti rin ako pabalik.Umupo ako sa may dining table at pinanood siya magluto, wal
“Mahal curious lang ako,” panimula ko ng may maalala ako.“What is it about?” tanong niya at hinawi ang buhok ko at inilagay sa likod ng tenga ko.“Noong gabing ‘yon . . . ano talaga ang nangyari?” tanong ko naman.Nakita ko naman na tumingin siya sa taas na tila inaalala rin kung ano ba talaga ang nangyari at hindi nakatakas sa pansin ko ang pagpigil niya ng ngiti bago nagkamot ng ilong.“First and foremost I just want to apologize for taking advantage of you that night, it was unconsented but don’t get me wrong . . . I am apologizing for the act but I am not regretting anything, okay?” paalala niya naman at tinaasan ako ng dalawang kilay kaya tumango ako.
Naglalakad kami ngayon ni Hendrix papasok na ng airport dahil magbabakasyon kami sa isang probinsya sa Cebu. Buti na nga lang talaga at pwede pa ako makabyahe dahil pa limang buwan pa lang si baby."Why? Are you scared?" tanong niya noong hawakan niya ang kamay ko, napansin niya sigurong malamig at medyo pinagpapawisan ang palad ko, tumango lang ako sa kaniya at ngumiti naman siya."I'll hold your hand until we get there, okay?" Hinalikan niya ang kamay ko kaya ngumiti rin ako."First time ko kasing sasakay ng eroplano, mabilis lang naman ang byahe 'di ba?" tanong ko naman."45 minutes ang estimated time or baka mas maaga pa," sagot naman niya. "Tell me immediately if you feel something bad, okay?""Next m