POV: BernardUmuwi siya ng bahay para maligo at magpahinga ng konti. Biglang tumunog ang phone niya.Ang walang hiyang Elleanor na to!'Hi, galing ka daw dito kanina, dito ka ba sana matutulog?'"Hayup ka! mamatay ka na! pinaniwala mo ako sa relasyon nina Domeng at Marie! tarantado!"'We.. wait.. ano bang sinasabi mo? i only shown you the evidence right?'"Punyeta!!! evidence mo! walang hiya ka, ipapakulong kita!"'And why?'"Itinulak mo si Marie! nakunan siya! hayup ka talagang babae ka!"Biglang nawala sa kabilang linya ang babae. Alam na niyang patakas ito. Nagmamadali siyang nagbihis at pupuntahan niya si Ellie. Wala siyang inaksayang oras. Hindi na niya inabala ang mga kasambahay. Nakareceived siya ng text mula kay Monica.'I will beat you to death!'Marahil alam na ng pinsan niya ang nangyari. Mahirap ang sitwasyon niya ngayon. Kailangan magbayad ni Ellie. Hindi niya maaaring palagpasin ang pagkakataong ito.. "Ellie!!!! Ellie!!!" kinalampag niya ulit ang gate nito "Eleanor lum
POV: Marie"Okay ka ba dito?" tanong ni Ericka sa kanya. "Malamig ngayon eh, kaya iba ang klima dito paglamig.""Naku, maraming salamat po mam, ngayon pang po ako nakarating ng ibang bansa. Ang ganda po pala dito.""Mas pinili kong isama ka dito. Baka kasi pag umuwi ka sa inyo, malaman pa nila ang pinagdaanan mo. Buti mabilis kang nakarecover. Aattend ako ng ibang meeting kasama ang share holders, no need ng sumama ka pa. Magpahinga ka lang. Ipapasyal na lang kita sa sunod. Pero after two weeks uuwi muna ako ha? ikaw na lang ang aattend ng mga convention.""Opo mam" sanay siya sa mga convention dahil madalas nilang gawin ito sa Pilipinas. Last week lang malungkot siya sa pagkawala ng baby niya, ngayon, may mas maganda palang plano si Lord. "Mam, bakit ang bait niyo sakin?"Natawa naman si Ericka sa tanong niya "Nasisense ko kasi na mabuti kang tao eh. Saka gusto ko yung pagmamahal mo sa pamilya mo. Isa sa character na hindi ko naranasan dahil wala naman akong family di ba?""Tatanawin
Gaya ng sinabi nito, tinuruan lang siya nito ng isang linggo saka ito umalis pauwing Pilipinas. Naiwan siya na nag iisa. May nakakasabay na siya sa Convention, si Rain. Kasing edad niya ang lalaking ito. At very vocal ito sa kanya na crush siya nito."Naku, tigilan mo ako, wala akong panahon sa mga lalaki ngayon" sagot niya dito."Anong masama dun? dalaga ka, binata ako, kaya kitang buhayin!" sagot nito."Bakit? patay na ba ako?""Napakacute mo talaga.""Alam mo ba kung bakit Bleaching Love ang tawag sa painting na yan?" itinuro nito ang magandang painting sa convention hall."Oh? pag kalokohan yang sagot mo tatamaan ka sakin!" sagot niya dito."Kasi, ang pagmamahal nung babae sa lalaki ay pure, pero maraming mantsa ang relasyon nila. Alam mo yun? yung isang relasyong puro pagdududa kahit walang dapat pagdudahan.."Sapul na sapul siya sa sinabi nito. Parang ang sakit sa dibdib."Yun naman ang angel painting. Ayun sa nagpinta niyan, kaya daw yan kamay at saka womb, kasi ang batang dina
POV: BernardAng tagal niyang naghihintay sa airport. Biglang umuwi ang mama niya nung malaman ang nangyari sa kanya. Ayaw niya sanang sabihin dito pero idinaldal pala ni Monica ang naganap. Kaya kahit kakagaling lang ng mama niya sa sakit ay nagmamadali itong umuwi.Madami itong dalang bagahe na akala mo ay madaming kasama. Panay ang tingin niya sa relo.Hindi na nagtagal, nakita na niya itong kumakaway kaway. Sinalubong niya agad ang ina."Kumusta ka na anak? nangangayayat ka ah?" niyakap siya nito."Okay lang po ako ma, kayo kumusta ang drop by sa Japan?" tanong niya na inakay ang ina paalis. Kasunod nila ang nagtutulak ng luggage ng ina.Matapos maikarga sa sasakyan ang mga gamit, inabutan niya ng dalawang libong papel ang tumulong sa kanyang ina sa gamit."Maraming salamat po sir." nginitian niya lang ito.Habang nasa biyahe, panay ang pag uusisa nito sa kanya."Kumusta ka na?""I'm good""Nasabi ni Monica yung nangyari, walanghiya talaga yung si Ellie.""Kaya nga eh.""Patingin
POV: Marie"May delivery sayo, nereceived ko na.." sabi ni Dulce sa kanya. "Parang may manliligaw ka ah.""Ano?" nagtataka niyang tanong."Ayun oh" itinuro ni Dulce ang bouquet sa lamesa. "Kanino kaya galing yan.?"Nilapitan niya ito at tiningnan.. may notes.For the most beautiful woman in my life.. i miss you always. I love you my love..Kilala niya ang handwriting na ito. Hindi siya maaaring magkamali. Dinampot niya ito at itinapon sa basurahan."My God Marie, what's wrong?" dali daling kinuha ni Dulce ang bulaklak."Allergic ako sa flowers eh" pagdadahilan niya."Ah, kaya pala hindi ka nakakareceived ng mga bulaklak. Akin na lang to ha," sabi ng kaibigan."Sure.. saka lahat na darating na bulaklak wag mo ng ilalagay sa table ko, baka sipunin pa ko.""Kaya nga. Oh sige magpipicture muna ko. Salamat" umalis na ang kaibigan.Well, hindi mo ako madadaan sa pabulaklak mong gago ka. I hate you forever hanggang mamatay ako..Nakablocked na ito sa kanya. tutal naman nauna nitong gawin yun
POV: Marie-Mam pumunta po si sir Bernard dito, pero hindi po namin pinapasok."Salamat kuya. Wag nyong papapasukin yan dito, masamang tao yan" saka ibinaba niya ang intercom.Akala mo siguro ha.. hmmm iniisip mo pa lang, naayos ko na! sira ulo..Naglaba na siya ng mga damit at naglinis. Dahil plano niyang mamasyal kinabukasan mag isa. Me time naman..Pagkakain niya ng hapunan, nagligpit na siya at nag mop ng sahig. Nilinis niya ang mga banyo. Ito na ang ginagawa niyang exercise. Nakatipid na siya, worth it pa. Natapos siya bandang ala una, nagpalit lang siya ng damit at nagtoothbrush saka natulog.Kinabukasan, nagising siya bandang alas diyes. Nagkape lang siya saka naligo. Sa mall na siya kakain. Dahil feeling niya nakakaangat na siya ng konti, nag grab na lang siya.Kakaunti pa lang ang tao ng ganoong oras, marahil mamaya pang hapon dadami. Pagpasok niya, may babaeng umaatras at naapakan siya."Aray kuuuu" maluha luha siya. Nakarubber shoes siya, pero ang suot ng babae at stelletto
"Sobrang bumata ata ako hija" sabi nitong sinisipat ang mukha sa salamin."Nasa tamang ayos lang po yan. Maganda po sa inyo yung suot niyo kanina pero napakasosyal po ng hitsura nyo. Kaya nagmumukha po kayong matured. Unlike ngayon, napakabata nyo ng tingnan.""Naku binobola mo pa talaga ako" bahagya nitong tinapik ang braso niya."Hindi ko po kayo binobola. Bagay po talaga sa inyo yan.""Oh sige, ito na lang ang isusuot ko" sabi nito "ikaw? wala ka bang nagugustuhan?""Ay, wala po. Bibili lang po ako ng bag mamaya, yung tig 500 po. Naka sale sila.""Ha? may trabaho ka ba?""Opo?""Itreat mo ang iyong sarili minsan ng mga fancy thing.""Sa ngayon po, graduate na yung kapatid ko na isa, kaya po makakabili na ako ng bagong bag. Mahal na po para sa akin ang 500 pesos. May dalawa pa po kasi akong pinapaaral na kapatid."Nagbayad muna sila bago nagsalita ulit si tita Ludy."Ang mama mo?""Noong nag aaral pa po ako, naglalabada pa siya, si papa naman po, magsasaka. Kaya ako po, iisipin ko m
POV: Bernard"Ma, kanina pa ako nag aalala sa inyo ah. Anong oras na oh, hindi ko kayo makontak!" sita niya sa ina "sak ano yang suot nyo? nagbago ba kayo ng style?""Bagay ba? suggestion ito ng bago kong friend." pagmamalaki nito saka umikot."Maganda, kaso baka mamaya mapagkamalan tayong magjowa niyan!" reklamo niya "sini ba itong baging friend na to?""Secret.. pag kilalang kilala ko na siya, ipapakilala ko sayo. Magugust7han mo siya for sure.""Ma, may mahal na akong iba. Hindi na ako lilingon pa kahit kaninong babae." sagot niya sa ina. Parang gusto pa siyang imatch sa bago nitong friend."Malay mo naman.. magustuhan mo siya.""Ma, si Ma..." hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil tumalikod na ito "Ma...""Sssshhh.. wag kang maingay.""Nasaan na yung bag na ipinapabili ko sayo? nakuha nyo na sa courier?""Oo, naibigay ko na sa friend ko.""Ha? ma naman.. para sa babaeng mahal ko yun, peace offering.""Bernard, kung mahal ka ng babaeng yan, kahit wala kang peace offering, tatan
"You may now, kiss the bride!" anunsiyo ng pari. Nagpalakpakan ang mga bisita. Itinaas ni Bernard ang kanyang belo, saka hinawakan ang magkabila niyang pisngi at hinalikan siya. Akala niya smack lang, subalit hinawakan nito ang leeg niya. Nagkantiyawan ang mga bisita. "Hoooy mamaya na yan!" sigawan ng mga ito na nagtatawanan. Doon pa lang tumigil si Bernard. "I love you.." sabi ni Bernard sa kanya. "I love you more" sagot niya dito. Nagkaroon ng program. Magaling palang mag host si Dulce. Ito ang bumangka sa mga kalokohang laro. Ito rin ang may pasimuno ang mga bring me at hulaan. Lahat nakiparticipate. May mga game prizes pa. Masaya ang lahat na naroroon. Bumabaha din ang pagkain. Maraming nagpaabot ng regalo. Halos hindi na magkasya sa bahay ang mga regalo, kinailangan pa ang dalawang cottage para sa mga ito. Nagkaroon ng sayawan, gaya sa tradisyon ng mga batangenyo. Nilapitan sila ni Ellie saka personal na bumati. "Salamat.. "sagot niya, saka niyakap ang babae, "Kung hindi
Nauna siya kay Bernard sa ilog. Sabi kasi ni Mang Ador, manghuhuli ito ng hipon ng ganoong oras. Naghanap siya ng magandang spot. Inabot din siya ng halos isang oras paghihintay. Ang sabi sa kangya nina Dulce, exclusive ang buong linggo para sa kanila. Hindi sila tumanggap ng mga bookings at guest.Nong sabihin niya sa mga ito, na nais na niyang pakasalan si Bernard pero surprise wedding, agad ang mga itong pumayag. Si Monica ang naging wedding coordinator. Sina Dulce naman at tita Ludy sa lahat. Yung mga list nila bago sila ikasal ay nakuha nina Dulce sa kabinet ng kuya nito. Masayang masaya siya, na wala na siyang hirap na pinagdaanan. Doon sila ikakasal sa rest house ng mga ito. Wala pa rin daw kaalam alam ang lalaki. Maya maya pa, tinawagan siya ni Mang Ador, pababa na daw si Bernard.Nagtago siya sa likod ng bato. Paglusong ng lalaki, tinawag niya ito. Kitang kita niya ang takot sa mga mata nito. Lalo na ng lapitan niya ito na nagmula siya sa tubig kaya hindi niya napigilan ang ma
POV: Bernard Nasa bundok siya, sa kanilang rest house. Ang lugar kung saan niya pinaghinalaan ng hindi maganda si Marie. Ito ang lugar kung saan inakala niyang si Domeng ay ex boyfriend ng dalaga. Pinagyaman na ni Dulce ang lugar na ito. Magaling talaga sa negosyo ang kapatid niya. Ginawa niya itong event place. Lagi ditong may mga celebration lalo na ng kasal. Ang ilog na malapit dito ay ipinagawa pang resort ng kapatid, kaya nagkaroon ng trabaho ang mga anak ni Mang Ador. Kapag walang mga pasok ay nagiextra ang mga ito sa pagtatrabaho sa lugar. May sarili silang catering service. May mga cottages na sa paligid. Masasabi niyang successful itong ginawa ni Dulce. Mukhang may ikakasal na naman. Naghahanda na ang mga tauhan nila. Inaayusan na ng mga ito ang looban. Pinapanood niya ito mula sa glass wall ng kwarto sa itaas. May nagseset up ng lamesa, nag aayos ng arko at mga tent. Ang ganda ng kulay ng motiff ng ikakasal. Ganito ang motiff nila kung ikinasal sila ni Marie, moss green.
POV: Marie Naglalakad siya sa mall, ng mapansin ang isang babae na may kargang bata. May kasama itong ibang lalaki. Sinundan niya ang mga ito. Pinanood niya habang kumakain sa restaurant at nagsusubuan pa. "Anong klaseng babae ito? may asawa na nakikipagharutan pa sa iba. Pinakawalan ko si Bernard para sa kanya, tapos ganito lang ang gagawin ng babaeng ito? lagot ka sakin!" sabi niya sa sarili. Pumasok siya sa restaurant, at tyumayo sa harapan nina Ellie na noon ay masayang kumakain. Napaangat ang tingin sa kanya ng dalawa. "Yes?" nangunot ang noo ni Mark. "Hindi na kayo nahiya! ikaw Ellie, mahal ka pa naman ng asawa mo tapos niloloko mo siya?" nakahalukipkip siya, "ang kapal din naman ng mukha mo!" Nagkatinginan sina Mark at Ellie, saka tumingin sa kanya, bago ulit magtinginan at magkatawanan. "Teka miss, sino ka ba?" tanong ni Mark sa kanya. "Si Marie," sagot ni Ellie. "Ah, siya ba yun?" natawa si Mark "kaya naman pala lokong loko si Bernard sa kanya, batang bata na, maganda
POV: Bernard"Alam mo ba, ang bait ni Marie sakin" sabi niya kay Monte habang hinihintay sina Ellie. Sila ang nag aalaga kay baby Vince."Oooh? paano mo nasabi, kanina kulang na lang kainin ka niya. Parang galit siya sayo" sagot nito sa kanya."Nagtataka rin nga ako, pero base sa usapan namin kanina, parang okay na kami." saka niya nilaro sa Vince "di ba baby? magkakaroon ka na ng ninang.""Wag kang masyadong umasa," kinuha nito si Vince sa kanya, "di ba baby? ninong Bernard mo asyumero na naman.""Hindi naman. Balak ko siyang balikan mamaya at kidnappin" nakangiti niyang sabi sa kaibigan."Sige nga.. hindi ako babalik ng opis. alas sais yun nauwi.""Bakit late na? pinagtatrabaho mo ng matagal ang mahal ko?""Baliw! ayaw niya ng may mga naiiwang gamit at mga nakasaksak na computer. Supervisor na kasi sya.""Buti at iprinomote mo. Pagod na yun kakatrabaho.""Napaalis nga nun si Orlan.""Yung bakla?""Oo.""Bakit?""Binastos siya, pati si Ericka na nananahimik na dinamay pa. Bully talag
POV: MarieNagmamadali siya dahil yung files na i-i-scan niya ay naiwan niya sa bahay. Eksakto namang may sasakay sa elevator."Waiiiit!!! sasakay ako!!" sigaw niya.Sa pagmamadali niya, nadapa siya sa harapan ng lalaking kasabay niya."Okay ka lang ba?" tanong nito. Hindi niya mawari kung bakit inatake siya ng matinding kaba."Okay lang po ako--" iniangat niya ang kanyang paningin. Alam na niya ang rason, ang lalaking iniisip niya gabi gabi. Hindi niya malaman kung bakit madalas niya itong mapanaginipan. Parang magaan ang loob niya sa ex, walang halong galit.Inalalayan siyang tumayo nito "thank you po sir.""Mag iingat ka.." ngumiti ito sa kanya. "kumusta ka na?""Okay na po ako sir" nakangiti pang siya, dahil ang dibdib niya, parang sasabog na. Sobra ang pagkabog ng kanyang dibdib."Mabuti naman.. ang ganda mo lalo ah""Nakarecover na po kasi ako talaga." bumukas na ang elevator "sige po una na ko sir."Hindi na niya makayanan ang presensiya ng lalaki kaya nagmamadali sitang pumunta
POV: BernardMatagal tagal na simula nung huli siyang makatuntong sa opisina ng kaibigan niyang si Monte. Nag aaya itong kumain. Alam niya ang sakit na pinagdadaanan nito dahil sa pagkawala ng asawa. Dinaanan niya muna si Andrei."Ikaw na muna ang bahala dito," paalam niya sa secretary niya."Saan ka pupunta, sir?" tanong nito habang nagtatype sa computer."Sa San Miguel Building" inaayos niya ang kanyang coat."Pupuntahan niyo si Marie sir?" napatingin na ito sa kanya."Hindi.. si Monte ang pupuntahan ko, may lakad kasi kami ngayon," sagot niya dito."Aah.. akala ko makikioagbalikan na kayo kay Marie. Sige sir, ingat ka" muli nitong binalikan ang pagkocomputer.Kung hindi niya ito kilala, hindi niya masasabing may especial case ito. Magaling itong makipag usap sa mga tao. Medyo matabil lang ang dila nito. Saka mabilis maplease. Saka malalamang may menthal disorder si Andrei kapag kunausap na.Iniwan na niya ito. Dumiretso na siya sa elevator patungong parking area. Agad niyang nakita
POV: MarieA YEAR LATER.."Ma'am, papirma po" ibinigay ni Jhun sa kanya ang isang folder. Inabot niya ito saka pinirmahan."Yung schedule ni sir, paki double check. Baka may ma miss kang oras. Yung notes lagi mong ireready." bilin niya dito."Yes ma'am!" tinalikuran na siya ni Jhun.Isang taon na rin simula nung mawala si Rain at maganap ang trahedya sa kanyang buhay. Ilang buwan na rin simula nung pumanaw ang boss niyang si Ericka. Madami ang nangyari sa kanya sa loob lamang ng isang taon.Nadalaw niya na sa Japan ang puntod ni Rain, doon pa sila nagkita nina Dulce at tita Ludy. Doon niya rin nalaman na alam pala ng magulang ni Rain na ex niya si Bernard. Binibiro pa siya ng mga ito na pwede na siyang mag asawa.Napailing na lang siya sa isiping yun. Itinago na rin niya ang larawan ni Rain upang hindi niya ito paulit ulit na maalala.Nasa gitna siya ng pagmumuni muni ng marinig niya ang boses ni Orlan na pinaparinggan siya. Kakapalayas lang kay Monet ni Monte dahil sa pagiging tsismo
POV: MonteNalungkot siya ng malamang sumakabilang buhay na si Rain. Family friend nila ang mga ito. Naawa din siya kay Marie. Wala na siyang planong ligawan ang babae dahil alam niyang masaya na ito sa buhay nito. Na masaya na ito kay Rain. Magiging maligaya na lang siya na titigan ito kahit sa malayo lamang. At siguro, hindi talaga sila para sa isa't isa. Kung may darating na sa kanya, hihintayin na lang niya ito.Pagpasok niya kung saan nakaburol si Rain, agad niyang nilapitan si tita Lily."Nakikiramay po ako sa inyo tita Lily" niyakap niya ang matanda, "pasensiya na po kayo at nasa U.S po si mama, may sakit po kasi si tito Benny.""Okay lang, nagkikita naman kami ng mama mo sa Japan. Kumusta ka na ba?magaling ka na ba? Balita ko ikaw na ulit ang nagm amanage ng kumpanya niyo.""Oo nga po, buti po naging okay na ako," ngumiti siya dito."Buti nga naalala mo pang dalawin si Rain Hijo.""Mukhang siya po ang hindi ako nakikilala, dahil minsan pong nagkita kami, hindi niya ata ako nam