Home / Romance / Mr Greyson's Child / Chapter 1: Ambirelyn Ambition

Share

Mr Greyson's Child
Mr Greyson's Child
Author: Binibining_mary24

Chapter 1: Ambirelyn Ambition

last update Huling Na-update: 2022-01-04 06:22:46

NAPATAKIP siya sa tenga dahil ayaw niya makinig sa sermon ng mga kaibigan niya dahil paulit-ulit lang naman ang sinabi ng mga ito sa kanya. Bakit daw ba kasi ang taas ng standard niya pagdating sa lalaki. Sa pagpili ng kasintahan at bakit daw ba kasi napaka-hard to get niya? Kaya lagi na lang raw malamig ang pasko niya dahil sa pagiging ambitious niya.

Oo na siya na 'yong my high standards pagdating sa love. Masisi ba nila siya gusto niya lang ng lalaking katulad ng mga nababasa niya sa mga pocket book. 'Yong mga lalaking hindi lang basta gwapo kundi may utak, pera at malaking ari este ari-arian. Hindi 'yong mga tambay lang sa kanto na naghihintay lang ng abuloy mula sa gobyerno. Paano na lang pagkunwari ng kaanak sila? Paano gastusin sa bahay? Sa gatas at diaper ng bata huwag mo na idinagdag ang kuryente tubig at edukasyon ng bata iluluwal niya. Kaya wala masama sa pagiging ambisyosa, ayaw lang niya matulad sa kanya ang magiging anak niya.

Mahirap na buhay na ang pinagmulan niya at ayaw niya bumalik pa hangga't maari kaya nga nagsisikap talaga siya ma-promote sa publishing company kung saan siya nag-w-work. Isa siyang writer, erotic-romance writer. Sa edad niyang 27 wala pa siya karanasan pagdating sa pakikipagrelasyon sa mga lalaki dahil wala pa siyang nakikita ng nakapasa sa standard niya.

"HOY, AMBIRELYN!"

Napakurap kurap siya nang marinig ang malakas na boses ng kaibigan niyang si Nicole.

"Oh bakit?" tanong niya.

"Lukaret ka talaga! Para rin naman sa iyo ang pinapayo namin," napapailing na sabi ni Nicole.

"Oo nga naman mahirap ang mag-isa lalo pa't december na kaya sis maghanap ka ng lalaking magpapainit sa gabi mo," pilyang mungkahi naman ni Krisel.

Napatitig siya sa kaibigan. "Mabubuhay naman ako ng walang lalaki sa buhay ko saka may jacket naman at kape dagdag mo pa ang kumot kaya 'di ako lalamigin," katwiran niya.

"Baliw! lba pa din pag may yumakap sayo no," pangaral ni Elle.

"'Pag malamig lalaki agad ang hahanapin? Hindi ba pwedeng lugaw o 'di kaya batchoy may mga itlog din 'yon," katwiran niya.

Natawa ang tatlo sa sinabi niya, well magaling talaga siya magpatawa kaya nga buhay niya katawa-tawa rin.

"Sabagay pero, sister-dear, ano plano mo sa matris mo? Hahayaan mo na lang bang mabulok 'yan?" nakataas kilay na tanong ng beki niyang kaibigan na si Kyla.

"E-d-donate ko," poker face na sagot niya.

Binatukan siya ni Kyla. "Abnormal ka talaga! Sayang te, gusto mo akin na lang?"

Tumingin sa kaibigan. "Sige kunin mo kung kaya mo."

"Hay, bakla kung pwede lang," pabulong na sagot ni Kyla.

"Basta bukas dapat nandun kayong lahat ha! Lalo na ikaw Ambirelyn. Magpaganda ka bukas dahil maraming hot papa ang dadalo sa kasal ko bukas baka my masungkit ka," nakangising turan ni Nicole.

Bukas na kasi ang kasal nito kaya nga sila nandito ngayon sa bahay nito, mamayang gabi naman gaganapin ang bridal shower nito, sa isang sikat na hotel dito sa Manila.

"Congratulations nga pala ulit," aniya sabay hawak sa kamay ng kaibigan.

"Thank you!" pasasalamat nito.

"Mamaya huwag ka din mawawala, magtatampo ako 'pag 'di kikita mamaya," sabi nito na may pag babanta.

Natawa siya. "Oo na po hindi ako mawawala pangako 'yan pero mauuna ako ngayon ha."

Sabay na tumingin ang apat sa kanya at nagtatanong ang mga matang tinignan siya ng mga ito.

"Bakit?" sabay na tanong ng apat.

"Magpapa-check-up ako," maikling sagot niya.

"Pa-check-up? Aba bakit?" nalilitong tanong ni Krisel.

"Oo nga may masakit ba sa 'yo?" puno ng pag-alalang tanong naman ni Nicole.

Inabot naman ni Elle ang kamay niya at pinisil iyun na tila ba sinasabi ng mga titig nito na magiging okay din ang lahat. Bumuntonghininga siya at ngumiti bahagya.

"Huwag kayo mag-alala wala akong sakit, required lang talaga ako mag pa-check-up every three months alam niyo naman na hindi normal ang cycle ng menstruations ko diba? Kaya kailangan lagi ako icheck para ma-d-detect kung may something wrong ba," malumanay na paliwanang niya.

Napatango-tango naman ang mga kaibigan niya.

"Gano'n ba? Buti naman," ika ni Nicole na tila ba nabunutan ng tinik ang dibdib.

Napangiti na din ang tatlo sabay hinga ng malalim. Tumayo na siya dahil 10:00 am na kailangan na niyang tumungo sa clinic ng Doctor niya.

"Mauna naku kitakids na lang tayo mamaya," pamaalam niya.

"Sige mag-ingat ka," bilin ni Krisel

Tumango naman siya at ngitian ang kaibigan.

"Opo, salamat."

Kumaway na siya sa mga ito. Nang nasa labas na siya ng bahay ni Nicole, nakatira ang kaibigan sa isang exclusive subdivision rito sa manila. Mayaman ang magiging mister nito at nag-l-live in ang dalawa kaya magkasama na ang mga ito sa iisang tirahan at ngayong taon na isipan magpakasal. Ang swerte ng kaibigan niya, kung sana gano'n din siya ka swerte pero mukhang mailap ang swerte sa kanya.

PAGDATING niya sa labas ng clinic ni Dra. Sandra Antonia napakunot ang noo niya ng makita ang dalawang tao nagtatalo.

"Kung hindi ka pala handa maging ama bakit mo ako ginalaw?" galit na angil ng babae na sa tingin niya ay 20 pababa ang edad.

"Ehh ba't ako lang sinisisi mo? Sisihin mo rin ang sarili mo, hindi ka naman pala handa maging ina bakit bukaka ka?" sumbat ng lalaki sa babae.

Napailing na lamang siya ng marinig ang malutong na mura ng babae.

"Ang mga kabataan talaga ngayon ginagawa na lamang biro ang gan'on bagay," mahinang komento niya.

Nilagpasan niya ang dalawa at dumiretso papasok sa loob sumasakit kasi tenga niya sa pagtatalo ng dalawa.

"Goodmorning, ma'am. Upo na po muna kayo may pasyente pa si Doc," malumanay na sabi ng Nurse ng makita siya.

Kilala na siya nito kasi regular customer na siya. Tumango siya bilang sagot at umupo sa isang bakanteng upuan. Mamaya pa tinawag na ang pangalan niya, tahimik na tumayo siya at tumungo sa loob.

Makaraan ang ilang minuto inaayos na niya ang kanyang sarili tapos na ang pag suri ni Doktora Sandra sa kanya.

"Wala naman problema hindi po ba?" medyo kinakabahan tanong niya.

Ngitian siya ng babae. "Don't worry wala naman, so far mukhang healthy naman ang matris mo"

Napatango siya. "Buti naman po kung gan'on."

Umalis na siya sa kama at tumayo ng tuwid.

"Kailangan ko po ba bumalik rito after 3 months?" tanong niya.

"Oo, kailangan para monitor natin kung may pagbabago ba o wala."

Tumango-tango siya, para sa mga babae imporante ang matris dahil pag nasira ito o mawala hindi ka na makaka-anak hindi mo mararanasan maging ina. Hindi mo mararanasan ang tunay na kabuluhan na maging isang babae 'pag hindi ka naging ina. Kaya kahit wala siya kasintahan at wala balak magkaroon iniingatan niya ang kanyang matris dahil gusto niya magkaanak in future at saka ayaw niya maging matandang dalaga. Sinabi lang niyang sapat na ang jacket, kumot at itlog para uminit ang gabi niya pero deep inside her, she can't deny she need a man pero sino? Kailan niya makikita? At ano ang itsura nito? Ugali at trabaho? Napailing na lamang siya hindi naman siya maghuhula para masagot ang mga katanungan niya. Napatigil siya sa paglalakad ng may tumawag sa atensyun niya.

"Miss!"

Napalingon siya sa gawi kung saan ng mula ang tinig napangiwi siya ng makita kung sino ang may ari noon. Sa itsura nito at sa mga nakalagay sa mesa na nasa harap nito walang duda isa itong maghuhula. Kung sinuswerte ka nga naman, may pag-asa na siyang masagot ang mga katanungan iniisip niya. Lumakad siya palapit sa babaeng may edad na nang mag tama ang kanilang mga mata.

"Ibigay mo sa akin ang palad mo, iha," malumanay na utos nito

Inangat niya ang kamay at inabot sa matanda na kaagad nito sinuri ang kanya palad habang pinapalandas ang daliri sa linyang naroon.

"Mukhang merong hindi inaasahang panauhin ang kakatok sa iyong pintuan, " biglang pahayag nito.

"Panauhin?"

Tumango ang matanda. "Oo, isang lalaki."

Napataas ang kilay niya. "Lalaki?"

Tumango ulit ito. "Oo, lalaki siya ang magbibigay sa iyo ng bagong problema ngunit ang problemang ibibigay niya sa iyo ay siya ring magiging susi upang matupad ang iyong hinahangad," dagdag nito.

Napaisip siya sino naman kaya ang lalaking 'yon? At anong problema naman kaya ang tinutukoy nito.

"Kung itatanong mo kung sino ang lalaking 'yon hindi ko masasabi sa iyo pero nasisiguro ko lang palapit na palapit na siya sa iyo," sabi nito nang mapansing natahimik siya.

Napakamot siya sa leeg. "Ganun po ba?"

Tumango ang matanda. "Oo iha at nakikita kung hindi magiging madali ang magiging buhay mo pagdumating na ang 'di inaasahang panauhin sa iyong buhay lalo na ang iiniwan nito problema, merong mawawala sa 'yo ngunit meron ka din makukuha."

Bumuka sira ang bibig niya pero walang lumalabas na salita, gusto niyang magtanong pero 'di niya alam kung paano umpisahan hanggang sa may humila sa kamay ng matanda mula sa kamay niya.

"Pasensya ka na, Ate. May sakit kasi itong lola ko, pasensya ka na talaga kung naistorbo ka man niya," ani ng tinig na nasa gilid niya.

Natigilan siya at napatitig sa isang binatilyo na ngayon ay naka-akay sa matanda.

"A-ayos lang," nauutal na sagot niya sa pagkagulat.

"Salamat," pasasalamat nito at tumalikod na.

"Teka!" pigil niya sa mga ito.

"Bakit po ate?" tanong ng binatilyo.

Nakita niyang umiling-iling ang matanda na tila ba sinasabi nito huwag banggitin sa apo nito ang pinag-usapan nila.

"Ahhmm, wala mag-ingat kayo," sabi niya na lang.

Sinundan niya ng tingin ang dalawa hanggang mawala ito sa paningin niya.

Naglalakad na siya pauwi sa bahay kung saan siya nakatira na mag-isa pero hindi mawala-wala sa isip niya ang sinabi ng matanda. May katotohanan kaya ang sinabi nito? O baka naman gagawa-gawa lang iyon ng Ginang. Alinman sa dalawa kailangan niya maging handa.

PAGDATING ng gabi nasa loob siya ngayon ng banyo ng babad sa bathtub habang iniisip pa din ang sinabi ng matanda. Napamulat siya ng tumunog ang messenger notification niya, sunod sunod iyun kaya inabot niya ang cellphone nasa gilid baka importante ang ng message dahil sunod sunod ang pag send nito.

Buntonghininga muna siya bago niya buksan ang gc nilang lima heto lang naman pala ang ng iingay

@Sexynicole

Magandang gabi! Mamaya ha.

@Elletangkad

Opo, don't worry hindi mawawala ang diyosang si ako.

@Kylaganda

Simpre pa huli ba naman ako.

Napailing na lamang siya, ng magsimula ng mag-ingay pa nang ingay ang group chat nila basta ang tatlo 'yon ang magsama naku, asahan mo na walang katahimikan. Napatigil siya sa iniisip ng makitang ini-mention siya ni Nicole.

@Sexynicole

Hoyy @Ambirelyn baka nag-pla-plano ka ng tumakas riyan, tahimik na tahimik ka na naman. Ah, patay ka talaga sa'kin kapag tumakas ka.

Natawa na lang siya sa inaasta ng kaibigan nilagay niya ang cellphone sa gilid at nagbanlaw na para makapag-ayos na siya baka sinugin pa ng mga abnormal niyang kaibigan ang bahay niya kapag 'di siya dumating. Hindi talaga siya mahilig sa party pero kung para sa kaibigan niya, sisikapin niyang ma-enjoy.

Pinili niyang suotin ay 'yung bagong bili niyang dress hanggang above the knee niya 'yon. Ang kulay ay pula kasing pula ng virgin lips niya, yeah, sa edad niyang 27 never been kiss and touch pa siya. Kasi nga po mataas standard niya ayaw niya ibigay ang first kiss niya sa kung sino sino lang. Dapat sa taong mahal niya at sa araw ng kasal nila. Naglagay din siya ng kaunting make-up para naman presentable siya tignan dahil paniguradong puro big time ang mga bisita ng kaibigan niya at ayaw niya mapahiya ito kaya kahit hindi naman siya mahilig mag pa ganda, keri lang para sa kaibigan niya. Matagal niyang tinitigan ang sariling reflection sa salamin.

"Ang sexy ko naman," puri niya sa sarili sabay hawak sa bewang niyang manipis.

Kumuha siya ng lipstick sa bag at ng lagay siya 'yong kulay pink pero maliit lang para naman hindi masyadong red na red ang labi niya kinuha niya rin ang 4 inches na kulay pula na sandal sa gilid at sinuot 'yon. Mamaya pa tumayo siya ng tuwid sabay lagay ng maliit na bag sa kanyang maliit na braso at pumalakpak.

"Perfect! I'm now ready to party!" ika niya at tumalikod para humakbang palabas ng bahay niya.

...

Binibining Mary ✍️

Kaugnay na kabanata

  • Mr Greyson's Child   Chapter 2: Ambirelyn Aura 2.0

    PAGKAPARADA ng taxi sa harap ng hotel kung saan gaganapin ang bridal shower ng kaibigan niyang si Nicole ay bumaba na siya sa taxi at dama niyang nakatutok ang mga mata ng mga taong dumadaan sa kanya. Well, hindi nakapagtataka 'yon dahil 'di makakailang maganda siya at seksi. Lumakad na siya actually hindi lang basta lakad ha, kundi rampa, she just want to own the crown this night. Pagdating niya sa entrance ngitian niya ang staff na lalaking halos tumulo na ang laway sa kakatitig sa kanyang dibdib."Well, hindi nga naman kasi masama maging ambisyosa kung malaki naman ang iyong hinaharap." Ayan ang kanyang motto na walang makakatalo."Goodevening ma'am, this way please," magiliw na bati ng isang babaeng staff."Thank you!" papasalamat niya at pumasok na.Pagkapasok niya sa loob rumampa siya na tila ba nasa Miss Universe Pageant siya. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan siya ng mga guest habang ang mga kaibigan niya'y napatampal na lamang sa noo ng makita siya."Buti naman dumatin

    Huling Na-update : 2022-01-04
  • Mr Greyson's Child   Chapter 3: A hot night with Stranger

    BAGO pa man lumapat ang labi ng lalaki sa labi ni Ambirelyn tinulak na ito ng babae sabay takbo sa pinakamalapit na lababo. Sumuka ito ng sumuka habang lalaki naman ay napakamot na lamang sa batok at lumabas. Napatawa na lang si Ambirelyn habang nakatingin sa sarili sa salamin."Akala ata niya mauuto niya ako, duhh! Si Ambirelyn ito, si Ambirelyn ambisyosa na wais pa, akala ata easy to get ako–"Naputol ang iba pa nitong sasabihin ng nararamdaman parang naduduwal ito. Suka uli ito ng suka na halos iluwa na nito ang sikmura. Mamaya pa ay huminga ng malalim si Ambirelyn at pinunasan ang pawis na pumatak mula sa pisngi pababa sa leeg. Kinuha ang sandal na naiwan kanina sa gilid at sinuot iyun, ngumiti ito sa salamin at ng flying kiss pa sabay hampas sa may kabilugan nitong pwet ay parang baliw na tumawa ay lumabas na sa Bathroom.***PAGLABAS nito sa bathroom ay nakita ni Ambirelyn nasa labas pala naghihintay si Angelo na nakasandal sa pader habang nakapikit. Minulat nito ang mga mata ng

    Huling Na-update : 2022-01-04
  • Mr Greyson's Child   Chapter 4: Happiness and Sadness

    KINAUMAGAHAN, hindi alam ni Ambirelyn kung ano ba mararamdaman niya sa sandaling minulat niya ang mga mata at napagtanto ang nasa isang silid siya ng ibang tao at ang taong 'yon ang kumuha ng pinaka-ingat-ingatan niya. Ang kanyang dangal na matagal niyang inalagaan at pinoprotektahan tapos dahil sa tangahan niya kagabi, she give it to this man. Sa lalaking hindi niya kilala para siyang nabagsakan ng langit at lupa. Wala sa sariling napatayo siya at mabilis na sinuot ang mga damit at walang imik na umalis sa lugar na 'yun pakiramdam niya mababaliw siya kapag tumagal pa siya doon.Napatalon siya sa gulat ng marinig ang malakas na pagtunog ng ringtone niya, kinuha niya ang cellphone sa bag, nanlaki ang mga mata niya ng makita kung anong oras na, 8:00 am in the morning na at 9:30 magsisimula na ang kasal ng kaibigan niyang si Nicole. Binuksan niya ang messager napahawak siya sa ulo ng makitang kanina pa siya tinatawagan ng mga kaibigan niya, mula pa kagabi ang ibang mga messages naroon, na

    Huling Na-update : 2022-04-05
  • Mr Greyson's Child   Chapter 5: Anger and hunger

    MALAKAS na pagbagsak ng laptop ang narinig ng sekretarya ni Mr Greyson, galit na galit ang lalaki lalo nang makita kung ano ang laman ng tape na pinadeliver kaninang umaga lang. Picture iyon ng dalawang taong nakahiga sa kama at meron pang video."Who the fuck did this? I'm gonna kill that bastard!" galit na galit na sabi ni Mr Greyson.Napapikit na lamang ang sekretarya nitong matagal nang naninilbihan sa lalaki at kilala nito ang boss kapag nagalit ito ay tila itong isang bulkan hindi mapipigilan."Have you track that woman?" magkasalubong kilay na tanong ng lalaki.Bumukas-dili ang bibig ng sekretarya nito na tila ba nagdadalawang isip na sabihin ang nakalap na balita o hindi."Answer me!!! Have you tracked that woman?? Who is she?? Why was she in my room that night??"Bumuntonghininga ang lalaki. "I'm sorry to tell you this, sir, but our investigator haven't found any information about that woman–""WHAT?" pasigaw na tanong ni Mr Greyson na nanlilisik ang mga mata na animo'y anuman

    Huling Na-update : 2022-05-13
  • Mr Greyson's Child   Chapter 6: I'm pregnant?

    TULALA si Ambirelyn habang tinatahak ang daan patungo sa kung saan, hindi niya alam kung saan siya pupunta. Sa nalaman parang gumuho ang mundo niya,She's pregnant. lyon ang sabi ng kanyang Doktor. Dalawang linggo na siyang buntis, sinabi din ng kanyang Doctor na rare case daw 'yong sa kanya dahil maaga ng pakita ang symptoms saka maaga din ang paglilihi niya. "Ano na mangyayari sa akin ngayon? Paano ko haharapin ang mga kaibigan ko? Mga taong nakapaligid sa akin?" pabulong na tanong niya sa sarili. Tumigil siya sa paghakbang nang biglang may tumigil na isang black na sasakyan sa kanyang gilid at lumabas ang dalawang lalaking naka formal attire. Nagulat siya nang humarang ang mga ito sa kanyang harapan, napataas siya ng kilay."Ano kailangan niyo?" matapang na tanong niya."You need to come with us, Ms," ani ng isang lalaki.Napa-angat ang gilid ng labi niya at napa-cross arms siya."At bakit?""My boss wants to talk to you."Napakurap kurap siya. "Boss? Sino siya?"Imbis na sagutin

    Huling Na-update : 2022-05-17
  • Mr Greyson's Child   Chapter 7: If you want me, let's do this on my own way

    Nang mamulat ni Ambirelyn ang kanyang mga mata mabilis na bumalikwas siya ng bangon at nilibot ang tingin sa paligid."Ang baby ko? Kamusta siya? A-ayos lang naman siya, hindi diba?" usisa niya sa nurse na nasa tabi niya.Bago pa man makasagot ang babaeng nurse biglang pumasok ang lalaking ama ng anak niya kasunod nito ang lalaking Doctor. "Doctor, how's my baby?" mabilis na tanong niya.Ngumiti sa kanya ang Doctor. "Don't worry Mrs Greyson your baby is safe just be careful next time. You need to avoid stress and negative feelings cause it's can affect your baby health and by the way your case is very rare because maaga ka naglihi hindi ba? Sundin mo lang lahat ng gusto mong kainin kung maaari, i will prescribed some vitamins for you to take," mahabang paliwanag ng Doctor.Tumango siya at nakahinga ng maluwag sabay hawak sa tiyan. "Buti na lang okay ka akala ko mawala ka sakin," maluha-luhang bulong niya."Why didn't you tell me?" mamaya ay narinig niya ang panunumbat na boses ng lala

    Huling Na-update : 2022-05-18
  • Mr Greyson's Child   Chapter 8: Ligaya at takot

    MALAKI ang ngiti ni Ambirelyn nang makita niya ang lalaki sa pintuan bitbit sa magkabilang kamay nito ang plastic ng Jollibee. "Akin na, bilis," utos niya at akmang baba sa kama niya para salubungin ito."Stop right there," pigil ng lalaki at mabilis na habang na tumungo sa kanya.Nilagay nito sa ibabaw ng kama ang mga plastic, kumuha siya ng rubber bands sa kanyang bag sa gilid ng kama niya at sinuklay ang buhok gamit ang mga kamay at tinipon iyon at saka nilagyan ng rubber bands at umupo na. Pumalakpak siya ng isa-isang inalis ng lalaki ang laman ng plastic, merong chicken joy nasa malaking lalagyan, burger, fries at cokefloat. Akmang kukunin niya sana ang burger dahil naglalaway talaga siya sa amoy noon pero mabilis na inilayo iyon ng lalaki. Nakasimangot na tumitig siya seryosong mukha nito."Bigay mo sa akin burger ko," parang batang sabi niya sabay nguso."No, eat rice and chicken first and stop pouting your lips."Lalo humaba ang nguso niya pinakrus pa niya ang braso sa dibdib.

    Huling Na-update : 2022-05-19
  • Mr Greyson's Child   Chapter 9: 'Di naasahan

    NAKALUMBABA si Ambirelyn sa kanyang mini desk sa kanyang kwarto. Oo umuwi siya ng mag-isa. Bakit pa niya hihintayin ang lalaki? Eh 'di ba't wala naman itong sinabing pananagutan siya nito o papakasalan at saka diba nabanggit ng lalaki ang tungkol sa girlfriend nito at pag-pla-plano ng mga itong magpakasal na nasira dahil sa kanya. Oh well wala siyang planong ipagpilitan ang sarili niya sa lalaki o ang batang nasa sinapupunan niya. She can raise this child on her own. Kaya nga ba? Bahala na, bumuntonghininga siya at umupo ng tuwid sa kanyang kama. Mamaya pa ay may narinig siyang kumatok kaya tumayo siya at binuksan ang pinto ng kwarto at tumungo sa labas papuntang pintuan ng apartment niya. Napaatras siya ng makita niya ang mga kaibigan niya na sina Krisel, Elle, Angelo, Kyla and Nicole."N-napadalaw kayo..." Tumaas kilay ni Elle nang mapakita ang reaksiyun niya. Napababa siya ng tingin at napakagat ng ibabang labi."'Di mo ba kami papasukin?" mahinahong tanong ni Nicole."Ah, eh, pas

    Huling Na-update : 2022-05-20

Pinakabagong kabanata

  • Mr Greyson's Child   Chapter 37: Waking up next to him  

    SUMUNOD na araw nagising si Ambirelyn na mayroong mabigat na bagay ang nakayapos sa kanyang bewang. Amoy na amoy niya din ang pamilyar na amoy ng isang lalaki na kilalang-kilala niya. She slowly opened her eyes, napapikit siya muli nang tumama sa kanyang pisngi ang silaw na nagmumula sa labas palatandaan na umaga na at panigurado na late na iyon. Nasa likuran niya ang lalaki kaya’t dahan-dahan niya iniangat ang braso nito sa may bewang niya nakayapos pero gumalaw ang lalaki at mas hinapit pa siya palapit rito. Nanlalaki ang mga mata niya nang may maramdaman siyang matigas na bagay na tumutusok sa may kabilang pisngi ng pwet niya. May suot siyang underwear pero damang-dama pa din niya ang init na nagmumula sa matigas na bagay na iyon. “Diyos ko ginoo! Umaga na nga! Gising na gising na kasi ang sundalo ng lokong ito.” Napakagat siya ng kanyang ibabang labi. Sapagkat heto na naman ang kanyang imahinasyon ay lumilipad na naman, umaandar na naman ang pagka-erotic roamance writer niya. Hu

  • Mr Greyson's Child   Chapter 36: Saging

    NANIGAS siya sa kanyang kinakatayuan sa gulat ngunit ilang sandali pa ay nakita niya na lamang ang sariling tumutugon na sa mainit na halik ni Parker sa kanya. Hinila pa siya ng lalaki palapit gamit ang malapad na kamay nito nasa bewang niya, nasa may pisngi niya ang isang kamay nito sumusupporta. Tinaas niya ang mga kamay at inilagay sa may batok ng binata para mas mapalalim pa ang palitan nila ng mainit at matamis na halik. "I will never get tired kissing this sweet lips of yours," hinihingal na giit ni Parker nang maghiwalay na ang mga labi nila. Napapikit siya ng mariin dahil pakiramdam niya tila ba may kung anong kumiliti sa sikmura niya, bumilis din bigla ang tibok ng puso niya. Napamulat lang siya nang kiniskis ni Parker ang matangos na ilong nito sa kanya, napakagat siya ng ibabang labi niya dahil nagustuhan niya ang ginagawa ng lalaki. Napatingala siya nang maramdaman niya ang ang labi ng lalaki na humahalik sa kanyang gilid na labi. "Parker, hmmm…" hindi niya mapigilang

  • Mr Greyson's Child   Chapter 35: Why so cute?

    BUMUGA ng hangin si Ambirelyn at tumayo mula sa pagkakahiga niya sa may malapad na sofa sa may opisina ni Parker. Oo nasa loob siya ng opisina ng lalaki, matapos kasi nila kumain, nagpaalam itong pupunta na ito sa may kumpanya, naisipan niyang sumama although pinigilan siya nito, naalala pa nga niya ang pinag-usapan nila habang nasa loob sila ng kotse. SA loob ng sasakyan ni Parker. Aalis na kasi ang lalaki papunta sa meeting nito at nagpumilit siyang sumama. "Are you sure you want to come with me?"tanong bigla ni Parker sa kanya nang umupo ito sa tabi niya."Bakit? Ayaw mo ba ako sumama?" tanong niya pabalik.Kumunot-noo ng lalaki at matagal muna siyang pinagmasdan na para bang sinusubukan nitong basahin kung ano ba ang laman ng isipan niya."Hindi naman, l'm just worried na baka ma-bore ka lang mamaya doon. I'll be very busy later, handling the meeting. So, l might not able to take care of you–""Mukha ba akong bata na kailangan pang bantayan at alagaan? Ayos lang naman kung magig

  • Mr Greyson's Child   Chapter 34: Jumbo Hotdog

    NAKAUPO siya ngayon sa may gilid ng kama habang nakatayo naman si Parker at nakaharap sa malaking salamin sa labas habang nakikipag-usap ito sa kung sino man wala siyang ideya. "Are you hungry?"Napatingin siya sa gawi ng lalaki nakatitig na ngayon sa kanya. Naibaba na rin nito ang hawak na cellphone. Hindi niya maiwasang mapahanga sa angking gandang lalaki nito lalo pa't nag-relflect sa mukha nito ang sinag ng araw na nagmumula sa labas. Napakagat siya ng ibabang labi niya nang maramdaman na naman niya ang pamilyar na pakiramdaman, pananabik, pangka-uhaw sa labi ng lalaking nasa harap niya. Napalunok siya ng laway at ang mga mata ay natili lamang sa labi ni Parker. "I know that look."Napakurap-kurap siya at napaiwas ng tingin. "You want to kiss me, don't you, Ambi? Is that panglilihi thing again?"Bumuntonghininga siya. Walang saysay kung ikakaila pa niya kaya tumango siya bilang sagot."I see," tumango-tango pang sabi ng lalaki at lumakad palapit sa kanya. Napatingala siya nan

  • Mr Greyson's Child   Chapter 33: I will not let you break my heart

    NAPA-ATRAS siya nang nilapit ni Parker ang mukha nito sa mukha niya. "So? What's your decision? Shut me up by kissing me or just let me talk?"Napalunok siya. Sumosobra na talaga ang panglalandi ng lalaking ito sa kanya. Ubos na ubos na ang pasensya niya. Pumikit siya ng mariin upang kalmahin ang sarili ngunit kaagad rin siya napamulat nang may lumapat na mainit at malambot na bagay sa kanyang labi. "Goodmorning," nakangiting bati ni Parker matapos nito pakawalan ang labi niya."Ang tagal mo kasi mag-isip kaya ako na lang," nakangising dagdag nito.Napangiwi siya nang mapansin niyang hindi na ata siya humihinga. "Breath, Ambi, breath," utos ng utak niya. "Hey are you, okay? Bakit namumutla ka??" nag-alalang tanong nito sa kanya.Napahahawak siya sa balikat nito kasabay ng pagbuga niya ng hangin. Pumikit-pikit siya at huminga ng malalim. "Siguraduhin mo lang, Mr. nakaya mo panindigan iyang paglalandi mo baka kasi kapag pinatulan kita manghina ka bigla," seryosong giit niya.Imbis

  • Mr Greyson's Child   Chapter 32: Kiss me then, I'll shut up

    NAGISING si Ambirely na may brasong nakapulupot sa kanyang bewang. Hindi mahigpit, hindi rin maluwag kundi sakto lang. Napapikit siya at napakagat labi nang maramdaman niya ang mainit na hininga ni Parker sa kanyang leeg. Ang bango nitong nanuot sa kanyang sistema. "Oh lord, please give me strength not to give in to this sinful temptation," mataimtim na dasal niya nang nag-flash sa utak niya ang mga malalaswang eksena na maari nilang gawin ni Parker sa kama. Huminga siya nang malalim para humugot ng lakas para alisin ang braso ng binata sa kanyang bewang.Napabuka siya ng hangin ng maalis na niya ang braso ni Parker sa bewang niya. Dahan-dahan siyang bumangon at nang makaupo na siya at nasa tiles na ang kanyan paa. Lumingon siya sa gawi ng lalaki at muntik na siyang napasinghap nang tumambad sa kanya ang seryoso mukha ni Parker nakatitig sa kanya."What do you think you're doing?" tanong nito sa kanya gamit ang paos pero seksing boses.Napalunok siya at bumukas-dili ang kanyang mga la

  • Mr Greyson's Child   Chapter 31: Sleeping together

    NAPATAAS ang isang kilay ni Ambirelyn nang si Parker mismo ang nag-set-up ng table para sa kanila. Walang imik nitong inaayos ang paglagay ng mga pagkain na animo'y may fiesta sa dami habang si Rinso naman ay palabas na sa pintuan ng mga sandaling iyon. Nang hindi makatiis si Ambirelyn ay tumayo ito at nilapitan si Parker na seryoso ang mukha habang inaayos pa rin ang mga pagkain sa mesa na animo'y isang room service attendant sa galing umayos ng table set up.Tumikhim siya para makuha ang atensyon ng lalaki na kaagad naman tumingin sa may gawi niya."Ano ginagawa mo?" nakapamewang na tanong niya."Setting up our table, why?" seryosong patanong na sagot nito.Hinilot niya ang kanyang noo. "Alam ko ngang nag-set-up ka ng table, what I mean is, bakit ikaw gumagawa niyan? Dati kang room service attendant, no?"Amuse na tumitig sa kanya ang lalaki. "What? Hahaha, how made you say that?"Sumimangot siya kasi dapat iinisin niya ito pero ang ending ngayon siya pa ang nainis."Ang galing mo ka

  • Mr Greyson's Child   Chapter 30: Don't you dare!

    SARAP NA SARAP si Ambirelyn sa pagnguya sa nilagang saging habang nakaupo sa may upuan ng eroplano kung saan tanaw niya ang nag-gagandahang tanawin, lalo na ang ulap na kay ganda pagmasdan."Hmmm, ang sarap talaga, perfect combination talaga ang ang nilagang saging at taho, hindi talaga ako nagkamaling bilhin ito," tuwang-tuwang komento niya at nagbalat uli ng saging at dinala iyon sa kanyang bibig. Nang mailunok na niya ang saging ay inabot niya ang taho na mainit-init pa, nakalagay sa tasa na may kalakihan. Sumimsim siya roon habang ang mga mata ay nasa umuusok na nilagang mais na siya mismo ang nagluto bago sila sumakay sa eroplano. Binaba na niya ang tasa at ngumisi at akmang aabutin ang mais na tila ba inaakit siyang abutin ngunit bago pa man umabot ang kanyang kamay sa naturang mais ay may tumampal na sa kamay niya kaya't napasimangot na tumingala siya para tignan kung sino ang may ari ng kamay."Ano naman ba problema mo at pinapakialaman mo na naman ang pagkain ko," angil niya

  • Mr Greyson's Child   Chapter 29: Paglilihi

    HINDI maiwasan ni Ambirelyn napangiwi ng tumama ang sinag ng araw sa kanyang mukha at lalo ng imulat niya ang kanyang mata dahil damang-dama niyang mahapdi ang mga mata niya, marahil dahil nga hindi siya nakatulog ng maayos kagabi. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa paghiga ng bigla na lamang may kumatok, kumunot ang kanyang noo, kay aga-aga 'e may bibisita na agad sa kanya. Nakasimangot na tumayo siya at naglakad palapit sa pintuan upang buksan ang kung sino man ang nangahas na bisitahin siya umagang-umaga. Pagkabukas niya ng pintuan ay bumukad sa kanya ang nanlalaking mga mata ng mayordoma."Susmaryosep, 'neng, anong nangyari sa iyo?" gulat na tanong nito sa kanya.Napakamot siya sa kanyang ulo sa naging reaksyon ng mayordoma. "Bakit po?" Imbis na sumagot ay hinila siya nito papasok sa loob ng silid na inaakupahan niya at dinala siya sa loob ng banyo, walang imik na sumunod na lamang siya sa matanda. Wala siyang lakas para makipagtalo rito ng mga sandaling iyon."HOLY SHIT! SINO I

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status