Matapos magluto ni Scarlett ay inihain niya na ang mga pagkain sa lamesa. Tumulong naman na si Zion para makakain na silang dalawa.“Iniimbestigahan mo pa ba ang tungkol sa ex mo at sa ex-bestfriend mo?” biglang tanong ni Zion. Napatingin sa kaniya si Scarlett saka ibinaba ni Scarlett ang hawak-hawak niyang mangkok. Bakit gusto niyang malaman?“Bakit mo natanong?” tanong din ni Scarlett. Nang makakuha na siya ng pinggan ay naupo na rin siya katapat ng upuan ni Zion.“Nakita ko sila nung isang araw palabas ng hotel, ng silang dalawa lang.” sagot niya. Hindi naman kaagad sumagot si Scarlett at naghain na lang siya ng pagkain nilang dalawa ni Zion para makakain na rin.“Inaalam ko pa pero alam kong bago pa man ako magkaisyu may relasyon na silang dalawa. Wala akong ebidensya para patunayan yun pero alam ko ng meron silang relasyon. Ilang beses akong iniwan ni Eric para sunduin o puntahan si Layla. Ang akala ko nung una, normal lang kasi bestfriend ko si Layla. Ang sabi ko sa sarili ko ba
Hindi rin naman niya close o kilala ang mga kasama niya. Gusto niya na lang matulog habang nasa byahe sila para hindi siya parang pagod kapag nagsimula ang taping nila mamaya.Pagkalipas ng ilang oras na byahe nila ay nakarating na rin sila. Sunod-sunod na silang bumaba ay hinintay na lang ang mga gamit nila. May sumundo na ring tatlong van sa kanila hanggang sa makarating sila sa isang hotel.Kaniya-kaniyang bitbit na sila ng mga maleta nila.Samantala, kababalik lang ni Zion sa Pilipinas at hindi niya na naabutan si Scarlett sa bahay nila.“Nakarating na raw po sila Sir sa hotel na tutuluyan nila.” Pagbabalita ni Lance kay Zion.“Make sure na iba ang kwarto niya from the others. Ibook mo siya ng ibang kwarto at ako na ang magbabayad dun.” Wika ni Zion kay Lance na mabilis namang sinunod ni Lance. Sagot kasi ng production team ang tutuluyan at ang kakainin ng mga artists nila.Lahat ng mga artista ay nasa iisang kwarto pero may tig-iisa silang kwarto na tutulugan. Nag-unahan na silan
Nang naisakay na ni Joel ang lahat ng mga gamit ni Scarlett at ni Joel ay sumakay na rin siya sa driver seat.“Wala na po ba kayong naiwan Ma’am?” tanong ni Joel kay Scarlett.“Wala na,” sagot ni Scarlett na nagtatakang nakatingin kay Joel at kay Marianne na hindi niya alam kung anong ginagawa ng mga ito kanina.“Kayo po Sir, wala na po ba?” baling ni Joel kay Jared.“Wala na, salamat. I didn’t know na magsasama ka ng sarili mong driver at assistant Scarlett, you’re cool.” Saad ni Jared kay Scarlett. Bahagya lang na nginitian ni Scarlett si Jared. Hindi siya nagsama ng mga kasama niya rito dahil kaya niya naman ang mga sarili niya.Marami rin namang mga staff na kasama kaya bakit naman siya magsasama? Sino ang nag-utos sa kanila na sumunod sila rito? Gusto sanang kausapin ni Scarlett si Marianne at si Joel pero kasama niya si Jared. Si Marianne at Joel ay under ni Zion at walang alam si Jared sa relasyon ni Scarlett kay Zion.Nanahimik na lang siya habang nasa byahe sila. Nauuna ang
Lumipas ang mga araw at nagpatuloy ang taping nila sa Korea at lalabas na rin si Layla para sa linya niya.Binasa ni Scarlett nang paulit-ulit ang script niya kasama si Layla. Nagpapahinga sila ngayon dahil binigyan sila ng oras ni Harry na isaulo na ang mga linya nila para hindi na sila paulit-ulit mamaya sa iisang scene.Nang sumapit na ang oras para sa bagong scene nila ay lumabas na si Scarlett sa tent niya at nagkasalubong pa sila ni Layla. Iniwasan ni Layla si Scarlett, sa ginagawa ni Layla mas binibigyan niya ng rason si Scarlett para paghinalaan siya.Hindi na lang yun pinansin ni Scarlett at lumapit na sila kay Direk Harry.“Ayaw ko sanang magkaroon ng cut sa scene na ito. Ayusin niyo ang mga linya niyo.” bilin pa ni Harry kay Scarlett at kay Layla. Ngumisi naman si Layla kay Scarlett. Hindi alam ni Scarlett kung ano bang iniisip ni Layla.Nabasa naman na ni Scarlett nang paulit-ulit ang script kaya siguradong hindi siya magkakamali.Nagsimula ang sagutan nilang dalawa kung s
Malapit nang irelease ang unang episode ng series nila. Hinihintay na lang itong matapos na maedit ng mga editor. Kinakabahan man si Scarlett pero pinapalakas niya ang loob niya. Hindi siya pwedeng maging mahina, hindi siya pwedeng sumuko at hindi siya pwedeng magpatalo sa mga taong gusto siyang pabagsakin.Kailangan niyang lumaban dahil gusto pa niyang malaman kung sino ang mga taong nasa likod ng naging issue niya noong nakaraang taon.“You okay?” tanong ni Jared nang makalapit siya kay Scarlett. Napaangat naman ng tingin si Scarlett saka nginitian si Jared.“I’m fine,” tipid niyang sagot. Rest nila ngayong araw kaya pwede silang pumunta sa mga lugar na gusto nilang puntahan pero si Scarlett pinili niyang magstay sa hotel. Wala siya sa mood para mamasyal dahil pinag-iisipan niya ang mga susunod na hakbang na gagawin niya.“Bakit hindi ka mamasyal? Maraming magagandang lugar dito sa Korea. Maraming nangangarap na makapunta rito pero walang sapat na pera samantalang ikaw libre na. May
Hindi alam ni Scarlett kung anong problema ni Zion o kung anong pinagdadaanan nito sa buhay. Kung may maitutulong man siya kay Zion iyun ay ang manatili siya sa tabi niya at samahan ito. Hinayaan na lang ni Scarlett si Zion na nakahilig sa balikat niya dahil paniguradong pagod pa ito mula sa byahe niya.“Kararating mo lang ba?” tanong ni Scarlett.“Hmmm, dumiretso na ako sa hotel na tinutuluyan niyo.” Pagod na sagot ni Zion. Nakapikit ang mga mata niya habang nakasandal kay Scarlett.“Nagpahinga ka na lang muna sana. Kaya ko namang alagaan ang sarili ko rito, you should take care of your health too Zion. Huwag mong abusuhin ang katawan mo.” ilang taon din na naging mag-isa si Zion, walang kasama, walang makausap, walang mapagsandalan sa tuwing napapagod at nanghihina na rin siya.Gusto niya na lang muna magpahinga sa mga bisig ni Scarlett. Hindi sumagot si Zion kay Scarlett kaya napapaisip si Scarlett kung may nangyari ba sa pagpunta ni Zion sa America. Buwan-buwan ay bumabalik siya n
Nasa hapag kainan na lahat ng mga kasama ni Scarlett pero palinga-linga si Layla dahil kanina pa niya hindi napapansin si Scarlett. Mukhang nag-enjoy na sa pamamasyal niya. Napangisi na lang si Layla nang makita niyang paparating na si Harry. Paniguradong magagalit na naman siya dahil wala pa si Scarlett.Si Scarlett na lang ang wala sa kanila.Naupo na si Harry at nagsimula na rin silang kumain.“Excuse me, Direk. Wala pa rin si Scarlett.” Agaw atensyong saad ni Layla. Tahimik lang naman ang iba niyang mga kasama. Kanina pa rin nila napapansin na wala pa si Scarlett pero hindi nila yun pinansin.“Do I need to wait for her before I eat? This is your rest day Layla at wala akong pakialam kung saan kayo pupunta, kung saan kayo matutulog o kung saan kayo kakain. The important is makakarating kayo on time for our taping tomorrow.” Sagot ni Harry. Tila napahiya naman si Layla.“Nagpaalam sa akin si Scarlett na hindi siya makakabalik ngayon dito sa hotel kaya bukas na natin siya makikita.”
Bago naman sumakay si Layla sa isang van ay napatingin siya sa isang van hindi kalayuan sa kanila. Kilala niya ang van na yun at alam niyang si Scarlett yun. Napairap na lang siya dahil akala mo kung sinong VIP. May sarili na siyang kwarto sa hotel diba? Saan pa ba siya nagpunta? Nagpakasarap pa ba siya kagabi?O baka naman ibinebenta niya ang katawan niya sa mga taong mapepera kapalit ng malaking halaga?“Kadiri,” wika ni Layla dahil sa iniisip niya.Nang umalis na ang mga van na kasama ni Scarlett ay sumunod na rin sila. Ilang minuto nilang tinahak ang daan hanggang sa makarating sila sa patutunguhan nila.Muling nag-ayos ng mga gamit ang mga nasa production team para sa tig-iisang tent ng mga artista. Bumaba na rin ang mga staff ni Scarlett maging si Marianne para tumulong na sa pag-aayos ng pwesto ni Scarlett.“Call me if something happen,” saad ni Zion. Tumango na lang si Scarlett at akmang bubuksan na sana ang pintuan ng van nang lingunin pa niya si Zion.“Ingat ka sa byahe, tex
Mabilis na lumipas ang mga buwan, natataranta na silang lahat nang pumutok ang panubigan ni Scarlett. This is her first time kaya maging siya ay kinakabahan na. Natatakot siyang lumabas na ang anak niya ng hindi pa sila nakakarating sa hospital.“Pwede bang pakibilisan, sa bagal nang patakbo mo para tayong nakikiparada!” sigaw ni Richelle kay Lance na nagdadrive. Si Richelle ang natawagan ni Scarlett nang pumutok ang panubigan niya dahil naggrocery si yaya Precious.Nasa business trip naman si Zion at pauwi pa lang siya. Hindi naman na alam ni Scarlett ang gagawin niya, hindi niya alam kung saang parte ba ng katawan niya ang masakit.“Manganganak na yata ako rito,” wika niya habang hawak-hawak niya ang tiyan niya.“Iabot mo sa hospital please, hindi namin alam ang gagawin namin sayo rito!” natatarantang saad ni Richelle. “Bilisan mo naman, Lance!” sigaw niya na naman kaya walang nagawa si Lance kundi ang bilisan ang patakbo niya kahit na lumampas na sila sa speeding limit.“Oh my gosh
“He really loves his mother, close na close silang dalawa. He’s in 8th grade when someone ambushes his mother. Pauwi na silang dalawa noon nang may bigla na lang nagpaulan ng bala sa sinasakyan nila. Niyakap ng asawa ko ang anak namin. Si Zion lang ang nakaligtas noong araw na yun. Malakas siyang tingnan sa panglabas pero mabilis masaktan ang puso niya. Hindi ko akalain na nasasaktan na pala siya noong panahong comatose pa si Kaylee. He’s good hiding his feeling, Scarlett.” Napapaisip na lang si Scarlett kung ano bang naging buhay ni Zion sa mga nakalipas na taon.Kaya ba ganun na lang ang galit niya noong muntik din siyang maambush?“Don’t worry po, I won’t hurt your son.” Ngumiti naman si Mr. Grayson sa sinabi ni Scarlett. Ayaw niya na sanang makita pa na masaktan ulit ang anak niya at malaki ang tiwala ni Mr. Grayson kay Scarlett na hindi niya yun gagawin.Pagkatapos ng pag-uusap nilang dalawa ay bumalik na sa office si Scarlett. Naupo na lang siya sa sofa dahil wala pa rin si Zion
Inasikaso kaagad ni Lance ang presscon ni Zion at ni Scarlett. Tama na ang dalawang linggong pananahimik nila. Marami na rin ang nakaabang sa live nila para malaman ang totoong nangyari at kung paanong si Scarlett ang naging legal wife ng isang Zion Grayson.Sasama rin si Kaylee sa presscon para maipaliwanag din ang side nilang dalawa ni Zion. Wala namang nakaalam ng kasal nila noon dahil mas pinili nilang ilihim ang relasyon nila para magkaroon sila ng tahimik na buhay.Humarap si Scarlett sa human size niyang salamin at napahawak na lang sa tiyan niya dahil kitang kita na ang baby bump niya. Napasimangot na lang siya dahil para bang naggain siya ng weight lalo na at halata na ang tiyan niya.“Is everything okay?” tanong ni Zion kay Scarlett nang makababa siya ng hagdan. Tumabi si Zion kay Scarlett at tiningnan din sa repleksyon ng salamin ang itsura ng asawa niya.“Look at me, I gain weight.” Anas niya, tiningnan naman ni Zion ang katawan ni Scarlett pero hindi niya naman napapansin
“Hindi pa, masyado pa siyang busy sa mga ginagawa niya saka hindi ko rin naman alam kung malalaman ko ba sa kaniya kung sino ang nagplano nun. Kung sino man siya hahanapin ko siya para mapasalamatan na rin. Hindi ko rin alam kung may kinalaman ba si Drew sa nangyari dahil minsan niya na akong kinausap at winarningan tungkol kay Layla pero hindi ko pa rin siya nakakausap.”“Hanapin mo na ang mga kasagutan sa mga katanungan mo Scarlett. Okay lang ako rito saka marami namang nagbabantay at bumibisita sa akin. Gawin mo na ang mga kailangan mong gawin para matahimik ka na rin.” Tumango at ngumiti si Scarlett. Tumayo na si Scarlett saka niya niyakap si Jared.“Thank you so much for everything Jared. You are one of the best people that I have ever met. Magpagaling ka.” aniya saka siya kumalas sa pagkakayakap. Tumango naman si Jared.Pagkatapos nang pag-uusap nilang dalawa ay bumalik si Scarlett sa kompanya at tiningnan si Zion kung nakabalik na bai to sa opisina niya pero ang naabutan niya l
Matapos nang nangyari sa party ay nagkakagulo pa rin sa social media. Lahat sila ay nalilito pa rin sa mga nangyari at sa mga nalaman nila lalo na at wala pang kompirmasyon mula kay Zion. Nananatili silang tahimik kaya hanggang ngayon marami pa ring katanungan sa mga isip nila ang mga tao.Inasikaso ni Zion at Scarlett ang pagsasampa nila ng kaso kay Layla at kay Eric. Inuna nilang asikasuhin yun kesa ang magpaliwanag sa publiko kung ano ba talagang namamagitan sa kanilang dalawa.“Attorney siguraduhin niyong mabubulok sa kulungan si Layla at hindi siya makakakuha ng parole pala makalaya ganun din sa fiancé niyang si Eric.” Wika ni Zion sa attorney niya habang naglalakad sila papuntang police station kung saan nakakulong si Layla at Eric.Nang makarating sila dun ay kinausap ni Zion ang mga pulis habang si Scarlett naman ay dumiretso kung nasaan si Eric. Tahimik na nakaupo si Eric sa dulong bahagi ng kulungan at nakayuko habang magkasalikop ang mga kamay niya.“Miss Scarlett,” tawag n
Hello po, pasensya na po kung hindi ako nakapag-update ng ilang araw. Nagkaroon po kasi kami ng intrams sa school at ang abang lingkod niyo po ay sumali sa mga laro HAHAHA. Last year na po kasi kaya I want to enjoy my last year being student bago tahakin ang totoong buhay. Sana po maintindihan niyo ako, don't worry two chapters na lang po ang gagawin ko kasi patapos na talaga siya. Gusto ko sanang sumulat ng isang chapter ngayon kaso pagod na po talaga ako. Sana naiintindihan niyo po ako. Thank you so much. Sa nagbabasa rin sa The Billionare's Son nakapag-advance na po kasi ako dun kaya may update pa rin ako araw-araw. Kapag nakapagpasa ako ng new story sana suportahan niyo po ulit. Marami pong salamat sa inyong lahat:)
Natutop na lang ni Scarlett ang labi niya dahil sa dami niyang narinig ngayong gabi. Hindi siya makapaniwalang si Eric at Scarlett pala ang mastermind ng lahat ng mga nangyayari sa kaniya. Napalunok na lang siya at para bang nanghihina ang mga tuhod niya. “Scarlett,” nag-aalalang wika ni Jared saka niya ito inalalayan para kung sakali mang mawalan ng balanse si Scarlett ay hindi siya babagsak sa malamig na sahig. “Uminom ka muna ng tubig,” inabutan ni Oliver ng tubig si Jared para ibigay kay Scarlett. Ininom naman yun ni Scarlett dahil pakiramdam niya ay natutuyuan ang lalamunan niya. “Oh my gosh. Totoo ba ang lahat ng sinabi niya? Like what the hell?” komento na ng mga nasa paligid nila. “This is a crime, she’s a criminal.” Dagdag pa ng iba. Patuloy pa rin ang pagtatalo ni Eric at Layla sa likod ng stage. Hindi pa rin nila namamalayan na pinagpyepyestahan na ang mga pangalan nila. “Kung hindi mo lang naman sana naisipan na iset-up silang dalawa ni Drew hindi mangyayari ang lahat
Nang pumasok sila ng function hall ay napatingin sa kanila ang mga tao sa loob. Napataas ang kilay ni Layla ng makita niya kung sino ang kasama ni Zion na naglakad ng red carpet. Napatingin din sila kay Jacob na hindi nila kilala.Kaniya-kaniyang bulungan na ang mga artista na pumunta dahil inaasahan nilang magkasama sa red carpet si Scarlett at Jared.“Hindi mo ba inakit si Scarlett na maging partner mo?” tanong ni Oliver kay Jared. Hindi naman umimik si Jared. Sigurado si Jared na may dahilan kung bakit hindi si Zion at Scarlett ang magkasama ngayon na naglakad sa red carpet.Ang hindi lang maintindihan ni Jared bakit ibang lalaki pa ang inaya ni Scarlett na makasama niya kung pwede naman siya? Tanggap niya naman na pagmamay-ari na siya ni Zion at willing lang din siyang maging partner ni Scarlett kung pinoprotektahan ni Zion ang pangalan niya dahil ang alam ng lahat na asawa niya ay si Kaylee.“Okay good evening, everyone. Let’s give a round of applause for Mr. Grayson, our Preside
Natapos na ang taping nila kaya magkakaroon sila ng Victory Party sa gabi ng linggo. Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ni Layla kay Eric dahil sa ginawa ni Eric. Kung hindi lang sana nangialam si Eric baka tapos na ang problema nilang dalawa.Natatakot pa rin si Layla dahil sigurado siyang nasa paligid niya lang ang taong nagbabanta sa kaniya. Wala siyang pinaghihinalaan na iba kundi si Scarlett kaya gusto niyang mawala ito sa landas niya. Ayaw niyang mawala ang lahat sa kaniya sa isang iglap lang.“Are you still mad?” tanong ni Eric kay Layla pero inirapan lang siya ni Layla. Nag-aayos ngayon si Layla dahil dadalo siya ng Victory Party nila. “You’re still mad at me. Ayaw ko lang naman na papatay ka ng tao Layla just because of me. Kung malaman man ng lahat ang tungkol sa ginawa natin malalampasin naman natin yun just like Scarlett.”“You don’t understand me, Eric. Please, just leave me alone. You betrayed me.” masungit pa rin niyang wika. Napabuntong hininga na lang si Eric.