Nakita rin ni Scarlett si Eric sa screen, proud na proud bilang fiancé ni Layla. Napapangisi lang naman si Scarlett. Oras na napatunayan niyang tama ang lahat ng hinala niya, humanda talag silang dalawa sa paghihiganti niya.
“Ikaw na ang susunod, good luck.” Nakangiting wika ng babaeng nag-aassist kay Scarlett. Hindi pa naman ito ang finale pero aagawin niya ang atensyon ng lahat.
Natahimik ang lahat ng mga manunuod nang makita nila ang paglabas ng isang dalaga na nakasuot ng maskara. Hindi nila ito makilala pero namamangha sila sa ganda ng performance niya. Napapatingin ang lahat sa mataas at magandang binti ni Scarlett.
Sunod-sunod ang pagclick ng camera sa kaniya. Ibang-iba ang indayog ng katawan ni Scarlett, ang perpekto nitong paglakad at ang magandang hugis ng kaniyang katawan. Hindi maalis ng mga kalalakihan ang mga mata nila sa kaniya.
Hindi pa man finale pero nakatuon na kaagad sa kaniya ang spotlight na dapat ay mangyayari pa lang sana sa finale. Napangisi si Zion habang pinapanuod niya si Scarlett. Hindi siya pansin ng mga tao dahil nasa pinakanglikod siya at lalong hindi siya napansin dahil nagawang agawin ni Scarlett ang atensyon ng lahat.
Samantala, salubong ang kilay ni Layla habang nanunuod sa screen. Hindi niya maiwasang mainis dahil may ibang babae na umagaw ng atensyon ng lahat. Ang gusto niya, nasa kaniya lang ang atensyon, siya lang ang bida at siya lang ang sentro.
“Who is she?” tanong niya na sa ilang mga staff na malapit sa kaniya. Mas lalo siyang naiinis dahil sa papuri ng mga kasamahan niyang model sa kwarto.
“Hindi rin namin alam Ma’am. Mukhang hindi siya sa kwarto na ‘to nag-aayos.” Sagot naman ng isa.
“May sarili siyang kwarto at mag-isa niya lang dun.” Sabat naman ng isa dahil nakita kung saan lumabas si Scarlett.
“What? Pero ako, nandito ako kasama ng mga ‘to?!” sigaw niya. Nakikipagsiksikan siya sa ibang mga model tapos malalaman niyang may sariling kwarto ang misteryosong dalaga sa event?
“Pasensya ka na Ma’am pero ang mga nasa itaas ang nagdesisyon niyan. Siya rin ang magiging finale mamaya.” Wika pa ng babae kaya mas lalong nainis si Layla. Hindi siya makakapayag na mawawala na naman ang atensyon sa kaniya ng lahat.
Pinaghirapan niya kung nasaan siya ngayon kaya hindi siya papayag na magiging anino na naman lang siya.
Sabay silang lalabas mamaya bago magfinale at isang ngisi ang sumilay sa labi ni Layla.
“I want to see your face baka magaling ka lang sa paglakad pero itinatago mo ang pangit mong itsura.” Aniya at inayos muli ang sarili.
When they reached the climax of the event, mas lalong pinaganda at inayos ni Scarlett ang performance niya. Namamangha silang nakatingin sa bawat haplos ng mga kamay ni Scarlett sa maganda niyang katawan. Ang pagpose ng nagtataasan niyang mga binti.
Nang makalabas si Layla mula sa likod ng stage ay nakatuon lang ang paningin niya sa msiteryosong dalaga na kasama sa runway na ‘to. Magfifinale na at si Scarlett ang maiiwan sa gitna habang ang ibang modelo ay nasa likod niya lang.
Bago pa man tumalikod si Scarlett sa audience ay biglang inalis ni Layla ang maskara ni Scarlett.
“Let us see your face, milady.” Malambing niyang wika kahit na ang gusto niya lang mangyari ay ipahiya ang babaeng nasa likod ng maskara. Iniisip ni Layla na may malaking peklat o hindi kagandahan ang mukha nito kaya siya nagtatago sa likod ng maskara.
Napasinghap at nagulat ang lahat nang tumambad sa kanila ang babaeng matagal na nilang inakalang patay na. Natahimik ang lahat dahil dito. Napatayo na rin si Eric nang masaksihan niya rin ang nangyari. Hindi siya makapaniwalang nakikita niya sa harapan niya ang babaeng matagal na nilang sinira ang buhay.
“Scarlett,” mahinang usal ni Layla dahil ang lapit-lapit ng mukha ni Scarlett sa kaniya. Ngumiti lang naman si Scarlett kay Layla na gulat na gulat pa rin hanggang ngayon. Blangko lang namang nakatingin si Zion kay Scarlett, gustong makita ang gagawin ni Scarlett.
Inaasahan na ni Scarlett na gagawin ito ni Layla lalo na at kilalang-kilala niya na ito. Kapag masyadong kuryoso si Layla ginagawa niya ang lahat para malaman ang lahat.
“Scarlett Mendoz, I thought that she was dead one year ago but what is she doing here? Am I seeing a ghost now?” hindi makapaniwalang saad din ng nasa crowd. Tahimik lang sila at hindi alam ang sasabihin. Sunod-sunod pang ikinurap ni Eric ang mga mata niya dahil baka namamalikmata lang siya pero bigla na lamang siyang ginapang kaba at takot ngayong nakikita niya sa harapan niya si Scarlett.
Pinaghandaan na ito ni Scarlett pero may kaunting kaba at takot pa rin siyang nararamdaman lalo na at ano mang oras ay siya na naman ang laman ng internet.
“You’re alive, Scarlett.” Saad ng isang reporter.
“Pero anong ginagawa mo rito? Kung buhay ka, sino ang nagbigay sayo ng permiso na sumali sa runway na ‘to? Isang taon kang nawala ka siguradong wala kang kontrata sa kahit anong kompanya.”
“What the hell?! I am going to sue you, I want to see you in court. Sinisira mo ang event kong ‘to!” wika ng nagmamay-ari ng kompanya ng mga alahas na inilakad ngayon. Hindi siya makakapayag na sisirain lang ng isang katulad ni Scarlett ang event na pinaghandaan niya.
Maraming galit kay Scarlett at kahit na maganda ang performance ni Scarlett ngayong gabi hindi makakapayag ang nagmamay-ari ng kompanya ng mga alahas na madungisan ang negosyo niya lalo na sa isyu ni Scarlett isang taon na ang nakalilipas.
“Where have you been? Isang taon kang nawala at sa ganitong paraan mo ipapakita ang come back mo?! Miss Mendoza, can we ask a few questions about what happened to you? Everyone thought that you’re dead!” sigaw ng reporter na kating-kati ang bunganga na tanungin si Scarlett.
Scarlett remain silent dahil sa kabang nararamdaman niya.
“Pwede kang kasuhan sa ginawa mo! Mga Paxy Entertainment model ang dapat na nandito sa event lang na ito but what are you doing here?” tanong pa sa kaniya. Hindi alam ni Scarlett kung saan siya magsisimula dahil biglang naging blangko ang utak niya.
“I will sue you, I can’t believe that Paxy entertainment gave a model like you! Kakasuhan ko ang kompanyang yun lalo ka na dahil sinisira mo ang imahe ng negosyo ko!” sigaw pa ng isang bakla.
Hindi na nakapagsalita si Layla sa sobrang gulat. Nakatulala na lang siyang nakatingin kay Scarlett habang pinagpyepyestahan at binabato ng napakaraming tanong.
Natahimik silang lahat ng isang malamig at baritonong tinig ang umagaw sa atensyon nila. Napatingin sila sa pinanggalingan ng boses at napasinghap sa sobrang gulat nang makita nila si Zion Grayson, ang presidente ng Grayson entertainment.
“Si Mr. Grayson yan pero anong ginagawa niya rito?” bulungan na ng mga taong nasa event. Natahimik naman ang bakla na kanina pa ngawa nang ngawa.
“Kung meron bang dapat kasuhan dito, ikaw yun. Remember, I can destroy your company.” Seryoso at malamig niyang wika sa baklang ipinapahiya si Scarlett kanina lamang. Halos hindi makapaniwala ang mga nanunuod dahil kinampihan ni Zion si Scarlett.
Is he knew her? Anong relasyon nilang dalawa?
Punong-puno ng katanungan ang lahat at pagtataka. Zion Grayson is the King of Entertainment, sa US ang base ng kompanya nila but how did he know about Scarlett?
Kung alam lang ng bakla na may connection pala si Scarlett sa Grayson Entertainment hindi niya na sana pinagsalitaan ito kanina at isinisi na lang sa Paxy Entertainment.
Hindi makapaniwalang tiningnan ni Scarlett si Zion dahil tumayo ito sa tabi niya sa harap ng maraming tao.
“What is your relationship with her, Mr. Grayson?” tanong pa ng mga reporter. Isang malaking balita ito kung sakaling nakapagpalabas sila ng article tungkol kay Scarlett at kay Grayson.
Npapalunok na si Layla at palihim na umalis sa tabi ni Scarlett. Tinawag niya na rin si Eric para lisanin na ang lugar na yun. Pareho silang kinakabahan at nababalot ng takot, hindi sila makapaniwalang nakikita nila si Scarlett at buhay na buhay.
Akala nila ay tapos na ang lahat, ang akala nila ay naalis na nila sa buhay nila si Scarlett pero bakit buhay ito ngayon?
“I’m sorry Mr. Grayson I didn’t know that you have a relationship with her. I didn’t mean to embarrass her.” Nakayuko nang wika ng bakla, natatakot sa kayang gawin ng Grayson Entertainment.
“Scarlett will definitely become a rising star in the modeling industry at hindi lang yun, she can be a rising star too in drama. And if I hear any more bad words about my wife, I will sue you all.” All of them froze dahil sa biglaang anunsyon ni Zion.
Hinila na ni Zion si Scarlett pababa ng stage at hindi maipaliwanag ni Scarlett ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Nakatitig na lang siya kay Zion habang tinatahak nila ang daan palabas.
Hindi makapaniwala ang lahat, paanong naging asawa ni Scarlett ang isang taong katulad ni Zion Grayson? Napakatayog niyang tao kaya paanong pinakasalan niya si Scarlett?
Itinapon ni Layla ang mga gamit niya nang makarating sila sa condo habang si Eric ay tulala lang at hindi alam ang iisipin o gagawin. Hindi ba sila nananaginip? Hindi ba sila nagkakamali ng nakita kanina? Siya ba talaga si Scarlett?“Damn it! Eric, what is happening? I thought that she’s dead but we saw her there, alive and kicking! Nagawa pa niyang umattend sa event na yun.” Nanggagalaiti sa galit si Layla. Hindi pwedeng mangyari ‘to, hindi pwedeng buhay si Scarlett.Isang taon na silang malaya, masaya ang buhay at maganda na rin ang career. Hindi pwedeng bumagsak at masira na naman ang lahat ng mga pangarap nila ngayong buhay pa pala si Scarlett at nakabalik na.“Eric!” malakas na tawag ni Layla sa fiance niya nang hindi man lang siya sinagot nito. Nakatulala lang si Eric at hindi niya rin alam kung anong nangyayari.“Do something! Si Scarlett yun diba? Imposible namang may kakambal si Scarlett dahil kilalang kilala ko siya. Wala na siyang pamilya at wala siyang kapatid.” Saad na na
Hinanap ni Scarlett ang white sugar dahil wala ng laman ang lagayan ni Zion. Tumingala siya sa mga cabinet sa itaas at napatingkayad na lang para buksan yun at kukuha ng sugar pero dahil sa taas ng cabinet kahit na matangkad na siya ay hindi pa rin niya maabot ang mga yun.Hirap na hirap siyang tumingkayad at mawawalan na sana siya ng balanse nang maramdaman niya ang matigas na bagay sa likod niya. Wala namang kahirap hirap na kinuha ni Zion ang asukal sa cabinet. Bahagyang nakasandal si Scarlett sa dibdib ni Zion dahil matutumba na sana siya kanina kung hindi lang siya nasalo ng katawan ni Zion.“You can ask for help. Hindi mo naman ikamamatay.” Masungit na namang wika ni Zion sa kaniya. Nang tumingala si Scarlett ay sumalubong sa kaniya ang palaging walang emosyong mga mata ni Zion.Bahagyang lumayo na si Scarlett dahil ramdam niya ang init ng katawan ni Zion.“S-Salamat,” wika niya saka kinuha ang asukal kay Zion. “Do you want coffee?” tanong niya na lang.“Do you need to ask that?
Napapatingin ang mga empleyado ni Zion kay Scarlett. Kilala ng lahat si Scarlett at lahat sila ay alam ang naging issue ni Scarlett noong nakaraang taon na siyang naging dahilan ng pagkawala niya.“Anong ginagawa niya rito? Lalapit ba siya sa kompanyang ito para sa come back niya? Ang lakas naman yata ng loob niya para gawin yun. Paxy Entertainment nga hindi siya tinanggap tapos papasok siya dito sa Grayson Entertainment?” rinig ni Scarlett sa bulungan ng mga kababaihan pero hindi siya nagpadala sa mga bulungan yun. Diretso lang ang lakad niya at nakataas pa ang noo niya.“Kasama niya ba ang driver ni Sir Zion? Anong gayuma kaya ang ginamit niya para magkaroon siya ng connection dito sa Grayson?” hindi na lang pinansin ni Scarlett ang mga salitang naririnig niya.“Dito tayo Ma’am,” iginiya ni Joel si Scarlett hanggang sa makarating sila sa elevator. May dalawang elevator pero siksikan sa kabila. Nakasunod lang naman si Scarlett kay Joel nang lumampas sila sa isang elevator na maraming
“Alam kong hindi mo na yun problema pero hindi naman ikaw ang kakausapin niya kundi ako. Look, paano ako makakabalik sa showbiz kung hindi pa nga lang ako umaangat, pinaghihintay ko na yung director.” Inis namang hinarap ni Zion si Scarlett dahil sa kadaldalan nito. “Sakop ka ng kompanya ko at kung maghihintay siya, maghintay siya. I will talk to him. Ako na ang bahala sa pag-angat mo, siguraduhin mo lang na worth it ang iinvest ko sayo.” wika ni Zion sa kaniya saka niya muling hinila si Scarlett hanggang sa makapasok sila sa elevator. Silang dalawa lang ang laman ng elevator at hindi naman na nagsalita pa si Scarlett. Hindi pa nakikita ni Scarlett kung paano magalit si Zion pero ayaw niyang makita pa yun. Kalmado pa nga lang siya nakakatakot na yung itsura niya, galit pa kaya? Iniiwas ng mga empleyado ang paningin nila kay Zion. Napapatingin tuloy si Scarlett sa paligid niya. Kanina pinag-uusapan siya ng mga empleyado pero ngayong si Zion na ang kasabay niyang maglakad, akala mo ma
Napahigpit ang pagkakahawak ni Scarlett sa robe niya habang hinihintay niya si Zion na nasa loob pa ng bathroom. Humugot siya ng malalim na buntong hininga. Ito ang kauna-unahang gagawin niya ito at ibibigay pa niya ang inalagaan niya ng ilang tao sa isang lalaking hindi niya mahal.Ito ang pinili niya kaya kailangan niyang panindigan. Sa panahon ngayon, tila hindi naman na mahalaga kung virgin ka pa o hindi na. Muli siyang lumunok, pakiramdam niya natutuyuan siya ng lalamunan lalo na kapag iniisip niyang gagawin na nila ni Zion ang bagay na pinag-usapan nila.“Kaya ko ba talagang gawin ‘to? Pero wala naman ng masama kung gagawin namin dahil kasal na kaming dalawa. May basbas na ng batas, may dahilan para gawin nga namin.” wika pa niya sa sarili niya. Halos manigas ang buong katawan niya ng marinig niya ang pagbukas at pagsarado rin kaagad ng pintuan mula sa bathroom.Hindi yun nilingon ni Scarlett dahil talagang natatakot pa siya. Hindi pa siya handa. Dapat handa na siya sa bagay na
“It’s a long story but Scarlett Mendoza is my wife. We almost did it but I stop myself. She’s still a virgin, fuck! I think I force her.” nag-aalalang wika ni Zion. Nag-aalala siya lalo na nang makita niya ang paglandas ng mga luha ni Scarlett kanina bakas na nasaktan niya ito.Natatawa at napapailing naman si Harry pero hindi pa rin niya mapigilang hindi magtaka.“She’s your wife? But how about, Kaylee? Bro, I don't want to interfere in your life but I don't think this is right. Kaylee is still in America at nagpapagaling pa tapos isang taon ka pa lang na nakabalik dito, you have a wife?” naguguluhang saad ni Harley.“I know, alam ko ang ginagawa ko.” tipid na sagot ni Zion. Napailing na lang si Harley sa kaniya.“I recommend you to have a sex contact, yes, pero hindi ko naman sinabi na you need to marry her. Ilang taon ka na bang hindi man lang nilalabasan? Bro, bawasan mo naman yung naipon mo na. Well, okay pa rin naman kung magsasarili ka but it’s better if you have a partner in b
Nag-aayos na si Scarlett para sa meeting niya kasama si Mr. Harry. Muli niyang pinunasan ang contour na inilagay niya sa mukha niya. Kailangan niya ba talagang mag-ayos ng ganito? Hindi siya komportable sa masyadong makapal ang make up.Pinunasan na ni Scarlett ang buong mukha niya gamit ang wipes saka siya naglagay ng kaunting make up sa mukha niya. Gusto niyang magpakatotoo sa itsura niya. Ayaw niyang sa make up na lang siya nakikilala.Nang matapos siyang mag-ayos ay kinuha niya na ang bag niya saka lumabas na ng kwarto niya. Nasa labas lang naman si Joel na naghihintay sa kaniya. Sinabi na ni Scarlett kay Joel kung saan ba sila pupunta.Kailangan niyang mabawi kung ano man ang nawala sa kaniya ng isang taon dahil sa mga taong naiinggit sa kaniya. Hanggang ngayon ay pulutan pa rin siya sa internet pero hindi pa rin siya naglalabas ng statement simula nang maipublic siya. Maghintay lang sila, magkakaroon din siya ng press conference.Nang makarating sila sa isang restaurant ay pumas
“And our female lead is Ms. Scarlett Mendoza.” Halos bumagsak ang balikat ni Layla ng marinig niya yun. Akala niya siya ang bida sa kanilang dalawa ni Scarlett pero bakit inaagawan na naman siya ni Scarlett.“Ah Direk,” agaw atensyong taas kamay ni Layla kaya napatingin sa kaniya ang lahat.“Hindi ba magkakaroon ng epekto si Ms. Mendoza sa project niyo? Alam naman nating lahat kung ano ang naging issue niya last year. Nag-aalala lang ako lalo na at siya ang napili niyong female lead baka kasi hindi panoorin ng mga viewers yung series natin kahit na gaano siya kaganda.” Pagbibida-bida niyang saad. Blangko lang naman ang mukha ni Harry na nakatingin kay Layla.“Sino bang gusto mong maging female lead? Ikaw? Are you questioning my decision? Gusto mong palitan ang female lead ko o baka naman ikaw ang palitan ko Ms. Layla? Kung hindi mo pa ako nakikilala pwes magpapakilala ako. Ayaw ko sa mga taong quenequestions ang mga desisyon ko lalo na sa mga upcoming projects ko.” prangkang wika ni D
Mabilis na lumipas ang mga buwan, natataranta na silang lahat nang pumutok ang panubigan ni Scarlett. This is her first time kaya maging siya ay kinakabahan na. Natatakot siyang lumabas na ang anak niya ng hindi pa sila nakakarating sa hospital.“Pwede bang pakibilisan, sa bagal nang patakbo mo para tayong nakikiparada!” sigaw ni Richelle kay Lance na nagdadrive. Si Richelle ang natawagan ni Scarlett nang pumutok ang panubigan niya dahil naggrocery si yaya Precious.Nasa business trip naman si Zion at pauwi pa lang siya. Hindi naman na alam ni Scarlett ang gagawin niya, hindi niya alam kung saang parte ba ng katawan niya ang masakit.“Manganganak na yata ako rito,” wika niya habang hawak-hawak niya ang tiyan niya.“Iabot mo sa hospital please, hindi namin alam ang gagawin namin sayo rito!” natatarantang saad ni Richelle. “Bilisan mo naman, Lance!” sigaw niya na naman kaya walang nagawa si Lance kundi ang bilisan ang patakbo niya kahit na lumampas na sila sa speeding limit.“Oh my gosh
“He really loves his mother, close na close silang dalawa. He’s in 8th grade when someone ambushes his mother. Pauwi na silang dalawa noon nang may bigla na lang nagpaulan ng bala sa sinasakyan nila. Niyakap ng asawa ko ang anak namin. Si Zion lang ang nakaligtas noong araw na yun. Malakas siyang tingnan sa panglabas pero mabilis masaktan ang puso niya. Hindi ko akalain na nasasaktan na pala siya noong panahong comatose pa si Kaylee. He’s good hiding his feeling, Scarlett.” Napapaisip na lang si Scarlett kung ano bang naging buhay ni Zion sa mga nakalipas na taon.Kaya ba ganun na lang ang galit niya noong muntik din siyang maambush?“Don’t worry po, I won’t hurt your son.” Ngumiti naman si Mr. Grayson sa sinabi ni Scarlett. Ayaw niya na sanang makita pa na masaktan ulit ang anak niya at malaki ang tiwala ni Mr. Grayson kay Scarlett na hindi niya yun gagawin.Pagkatapos ng pag-uusap nilang dalawa ay bumalik na sa office si Scarlett. Naupo na lang siya sa sofa dahil wala pa rin si Zion
Inasikaso kaagad ni Lance ang presscon ni Zion at ni Scarlett. Tama na ang dalawang linggong pananahimik nila. Marami na rin ang nakaabang sa live nila para malaman ang totoong nangyari at kung paanong si Scarlett ang naging legal wife ng isang Zion Grayson.Sasama rin si Kaylee sa presscon para maipaliwanag din ang side nilang dalawa ni Zion. Wala namang nakaalam ng kasal nila noon dahil mas pinili nilang ilihim ang relasyon nila para magkaroon sila ng tahimik na buhay.Humarap si Scarlett sa human size niyang salamin at napahawak na lang sa tiyan niya dahil kitang kita na ang baby bump niya. Napasimangot na lang siya dahil para bang naggain siya ng weight lalo na at halata na ang tiyan niya.“Is everything okay?” tanong ni Zion kay Scarlett nang makababa siya ng hagdan. Tumabi si Zion kay Scarlett at tiningnan din sa repleksyon ng salamin ang itsura ng asawa niya.“Look at me, I gain weight.” Anas niya, tiningnan naman ni Zion ang katawan ni Scarlett pero hindi niya naman napapansin
“Hindi pa, masyado pa siyang busy sa mga ginagawa niya saka hindi ko rin naman alam kung malalaman ko ba sa kaniya kung sino ang nagplano nun. Kung sino man siya hahanapin ko siya para mapasalamatan na rin. Hindi ko rin alam kung may kinalaman ba si Drew sa nangyari dahil minsan niya na akong kinausap at winarningan tungkol kay Layla pero hindi ko pa rin siya nakakausap.”“Hanapin mo na ang mga kasagutan sa mga katanungan mo Scarlett. Okay lang ako rito saka marami namang nagbabantay at bumibisita sa akin. Gawin mo na ang mga kailangan mong gawin para matahimik ka na rin.” Tumango at ngumiti si Scarlett. Tumayo na si Scarlett saka niya niyakap si Jared.“Thank you so much for everything Jared. You are one of the best people that I have ever met. Magpagaling ka.” aniya saka siya kumalas sa pagkakayakap. Tumango naman si Jared.Pagkatapos nang pag-uusap nilang dalawa ay bumalik si Scarlett sa kompanya at tiningnan si Zion kung nakabalik na bai to sa opisina niya pero ang naabutan niya l
Matapos nang nangyari sa party ay nagkakagulo pa rin sa social media. Lahat sila ay nalilito pa rin sa mga nangyari at sa mga nalaman nila lalo na at wala pang kompirmasyon mula kay Zion. Nananatili silang tahimik kaya hanggang ngayon marami pa ring katanungan sa mga isip nila ang mga tao.Inasikaso ni Zion at Scarlett ang pagsasampa nila ng kaso kay Layla at kay Eric. Inuna nilang asikasuhin yun kesa ang magpaliwanag sa publiko kung ano ba talagang namamagitan sa kanilang dalawa.“Attorney siguraduhin niyong mabubulok sa kulungan si Layla at hindi siya makakakuha ng parole pala makalaya ganun din sa fiancé niyang si Eric.” Wika ni Zion sa attorney niya habang naglalakad sila papuntang police station kung saan nakakulong si Layla at Eric.Nang makarating sila dun ay kinausap ni Zion ang mga pulis habang si Scarlett naman ay dumiretso kung nasaan si Eric. Tahimik na nakaupo si Eric sa dulong bahagi ng kulungan at nakayuko habang magkasalikop ang mga kamay niya.“Miss Scarlett,” tawag n
Hello po, pasensya na po kung hindi ako nakapag-update ng ilang araw. Nagkaroon po kasi kami ng intrams sa school at ang abang lingkod niyo po ay sumali sa mga laro HAHAHA. Last year na po kasi kaya I want to enjoy my last year being student bago tahakin ang totoong buhay. Sana po maintindihan niyo ako, don't worry two chapters na lang po ang gagawin ko kasi patapos na talaga siya. Gusto ko sanang sumulat ng isang chapter ngayon kaso pagod na po talaga ako. Sana naiintindihan niyo po ako. Thank you so much. Sa nagbabasa rin sa The Billionare's Son nakapag-advance na po kasi ako dun kaya may update pa rin ako araw-araw. Kapag nakapagpasa ako ng new story sana suportahan niyo po ulit. Marami pong salamat sa inyong lahat:)
Natutop na lang ni Scarlett ang labi niya dahil sa dami niyang narinig ngayong gabi. Hindi siya makapaniwalang si Eric at Scarlett pala ang mastermind ng lahat ng mga nangyayari sa kaniya. Napalunok na lang siya at para bang nanghihina ang mga tuhod niya. “Scarlett,” nag-aalalang wika ni Jared saka niya ito inalalayan para kung sakali mang mawalan ng balanse si Scarlett ay hindi siya babagsak sa malamig na sahig. “Uminom ka muna ng tubig,” inabutan ni Oliver ng tubig si Jared para ibigay kay Scarlett. Ininom naman yun ni Scarlett dahil pakiramdam niya ay natutuyuan ang lalamunan niya. “Oh my gosh. Totoo ba ang lahat ng sinabi niya? Like what the hell?” komento na ng mga nasa paligid nila. “This is a crime, she’s a criminal.” Dagdag pa ng iba. Patuloy pa rin ang pagtatalo ni Eric at Layla sa likod ng stage. Hindi pa rin nila namamalayan na pinagpyepyestahan na ang mga pangalan nila. “Kung hindi mo lang naman sana naisipan na iset-up silang dalawa ni Drew hindi mangyayari ang lahat
Nang pumasok sila ng function hall ay napatingin sa kanila ang mga tao sa loob. Napataas ang kilay ni Layla ng makita niya kung sino ang kasama ni Zion na naglakad ng red carpet. Napatingin din sila kay Jacob na hindi nila kilala.Kaniya-kaniyang bulungan na ang mga artista na pumunta dahil inaasahan nilang magkasama sa red carpet si Scarlett at Jared.“Hindi mo ba inakit si Scarlett na maging partner mo?” tanong ni Oliver kay Jared. Hindi naman umimik si Jared. Sigurado si Jared na may dahilan kung bakit hindi si Zion at Scarlett ang magkasama ngayon na naglakad sa red carpet.Ang hindi lang maintindihan ni Jared bakit ibang lalaki pa ang inaya ni Scarlett na makasama niya kung pwede naman siya? Tanggap niya naman na pagmamay-ari na siya ni Zion at willing lang din siyang maging partner ni Scarlett kung pinoprotektahan ni Zion ang pangalan niya dahil ang alam ng lahat na asawa niya ay si Kaylee.“Okay good evening, everyone. Let’s give a round of applause for Mr. Grayson, our Preside
Natapos na ang taping nila kaya magkakaroon sila ng Victory Party sa gabi ng linggo. Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ni Layla kay Eric dahil sa ginawa ni Eric. Kung hindi lang sana nangialam si Eric baka tapos na ang problema nilang dalawa.Natatakot pa rin si Layla dahil sigurado siyang nasa paligid niya lang ang taong nagbabanta sa kaniya. Wala siyang pinaghihinalaan na iba kundi si Scarlett kaya gusto niyang mawala ito sa landas niya. Ayaw niyang mawala ang lahat sa kaniya sa isang iglap lang.“Are you still mad?” tanong ni Eric kay Layla pero inirapan lang siya ni Layla. Nag-aayos ngayon si Layla dahil dadalo siya ng Victory Party nila. “You’re still mad at me. Ayaw ko lang naman na papatay ka ng tao Layla just because of me. Kung malaman man ng lahat ang tungkol sa ginawa natin malalampasin naman natin yun just like Scarlett.”“You don’t understand me, Eric. Please, just leave me alone. You betrayed me.” masungit pa rin niyang wika. Napabuntong hininga na lang si Eric.