Parang hindi magawang pumasok ni Thania papasok sa kwarto ng kapatid nito .Hindi niya maintindihan kung bakit nangangatog ang kanyang mga tuhod . ''iha halikana at gising na ang kapatid mo '' nagpahila nalang siya kay Lumina . ''Ate '' biglang tumayo ang mga balahibo niya sa buo niyang katawan ng marinig ang tinig ng babaeng nakahiga at namumutla . ''oo anak ate ka niya at siya ang kapatid mo '' naluluha siyang tumitig sa babae .Parang may kunting kurot sa kanyang puso pagkatawag sa kanya bilang ate . ''matagal kong hinintay ito . Kung alam ko lang na kung noon hindi ka pala namatay sa sakit .I swear ako nalang sana ang nagpahanap sayo .But its too late dahil anytime I'm gone !'' ''huwag mong sabihin iyan anak tatagal ka pa okey ..''mangiyak iyak na saad ni Lumina habang hawak hawak ang mga palad ni Faye .'' I change my mind mama .Hindi ko papangunahan ang gusto ni ate gusto ko enjoyin niya ang buhay na kasama kayo ..Theo is a brave man I know kaya niyang alagaan at alam kong
Nanghihinang nilapag ni Cashandra ang kanyang cellphone matapos marinig ang nangyari sa asawa ng lalaking minahal niya noon . '' yes its me ..ako ang dahilan kung bakit ..'' napaupo sa sahig si Cashandra dahil sa nalaman niyang patay na ang asawa ni Theo .Parang binuhusan siya ng malamig na tubig dahil sa kanyang nalaman .Ang bigat ng pakiramdam niya .Siya ang dahilan kung bakit nawala si Theo sa tabi ng asawa nito .Kung hindi niya nakilala si Theo hindi nito maiisipan makipaghiwalay sa asawa niya at lumayo . ''I am sorry Faye ..sorry !'' lumuhod siya . Pakiramdam niya nasa harapan niya ang babaeng niloko nila . Humagulgol siya pag iyak dahil sa labis na konsensya. Walang tigil na pinagsasampal niya ang kanyang mukha dahil pakiramdam niya nakapatay siya ng tao .Kahit ilang taon na ang nakalipas nasa puso't isip niya parin na may tao silang niloko .Inayos niya ang kanyang sarili at nagpasya siyang pumunta sa hospital. - Pagdating nila Gil at Diane sa hospital nagulat sila da
Maluha luhang tumungo sa parking lot si Cashandra .Lalo siyang naguilty sa ginawa niya kay Theo .Parang bumalik lahat ng nakaraan nila .Muli na naman niya naalala ang anak niya . Hindi niya akalain na magkikita ulit sila kung alam niya lang ganito lang din ang mararanasan niya hindi na sana siya umuwi . Pakiramdam niya lalong gumulo ang mundong ginagalawan niya ngayon . ''anong ginagawa mo dito ?" malamig na tanong ni Nich sa kanya. Pagtingin niya sa lalaking nagsalita ay bigla siyang nagulat dahil si Nich pala ito akala niya kung sino ang na ang nagsalita . ''wala !'' tipid niyang sagot habang nagpupunas ng luha . Biglang umurong ang mga luha niya dahil kay Theo . ''wala pero umiiyak ka ?''' ramdam niya ang malamig na pakikitungo sa kanya ni Nich . Naiintindihan naman niya ito dahil sa ginawa niyang kasalanan . ''kung wala ka ng sasabihin .alis na ako '' akma sana siyang tatalikod ng biglang hinaglit ni Nich ang kanyang braso .Mahigpit ang pagkakahawak nito at nasasaktan siy
Pag kaayos sa Urn ni Faye ay agad nilang inuwi sa kanilang bahay para doon lamayan ng dalawang gabi .Maraming nagtataka sa dalagang kasama niya kaya agad niyang pinakilala si Thania sa mga bisita .Gusto niya sana magpa event para sa kanyang anak pero hindi na nila nagawa dahil sa biglang pagpanaw ni Faye .Maraming nabigla at nagulat dahil kung kailan namatay ang isa niyang anak ay dumating naman ang isa nitong anak . Maraming humanga kay Thania dahil maganda ito at kahawig ang namayapang Doña. Kung wala sanang DNA result hindi maniniwala ang lahat dahil napakaimposible na mahanap nito kung ninakaw . Pakiramdam ni Thania pagod na pagod siyang makipagplastikan sa mga tao .Alam niyang kunwari lang silang natutuwa pero naririnig niya pinagdududahan ang pagkatao niya .Inis niyang nilapag ang cellphone nito .Nasa likod siya ng bahay para makahinga ng maayos .Walang gaanong tao kaya naisipan magmuni muni muna . ''umangat na pala ang pagkatao mo ?" hinanap niya kung saan ang nagsalit
Mula sa malayong parte ng private cemetery ng mga Vargas nakatayo si Cashandra habang umiiyak . Ilang beses siyang humingi ng kapatawaran kay Faye kahit alam nitong hindi naman na siya naririnig .Wala naman siyang lakas dalawin ito dahil magtataka lang sila kung bakit siya naroon .Kailangan niya rin iwasan sina Nich at Theo para sa ikakatahik ng kanyang buhay . Parang gusto niya ulit lumayo nalang pero naisip niya nakapagsimula na siya sa negosyo at baka magtataka na naman ang kaibigan niya kung aalis siyang walang dahilan . Mabilisan siyang umalis mula sa ilalim ng puno dahil paalis na ang mga ito sa loob ng cemetery. Nakilala agad ni Diane ang kotse ni Cash nagtataka ito bakit hindi siya lumapit at parang may iniiwasan . Pagtingin niya kay Nich ay naintindihan niya kung bakit . ''tita Diane can I go with you '' kumapit sa kanya si Gabe . ''sige na Diane isama mo muna siya para malibang '' utos ni Theo sa kanya .Ngumiti lang siya at pumantay kay Gabe .''sige pero boring doon
Ang buong akala ni Cash ay si Keinan na ang dumating kaya pinagbuksa niya ito ng pintuan . Pero laking pagtataka niya dahil si Theo ang nasa labas .Kung alam niya lang na ito ang dumating hindi niya sana pagbubuksan .Wala ang security guard niya dahil gabi ito nag duduty . Mamayang hapon pa ang dating .Nagtataka siya dahil nakapasok ng gate si Theo .Inisip niya kung nailock ba niya ito kanina o hindi . '' ano ginagawa mo dito Theo ?" malamig niyang tanong .Hindi siya makatingin ng deretso kay Theo dahil pakiramdam niya ang mata nito ang siyang umakit noon sa kanya . ''masama bang bisitahin ang long los girlfriend ko ..!!! '' napanganga nalang siya dahil parang feel at home ito .Kusa ng pumasok at pumunta sa sala . '' aba!! may pupuntahan ako Theo at saka ang aga aga naka inom ka ?" amoy alak ito kaninang dumaan sa kanyang harapan . Hindi naglalakas loob si Theo kung hindi ito lasing .Tinitigan niya ang ama ng kanyang anak wala parin nagbago at gwapo parin hanggang ngayon . Kagat
Hindi makapaniwala si Theo sa sinasabi nila sa kanya .Kung susunduin niya ang gusto nila parang wala na siyang kalayaan ulit . ''no hindi pwede .Tama na ang kasunduan noon kay Faye ..Hindi pa ba kayong nagsasawang i alay ang anak niyo sa akin '' malakas na sampal ang napakawalan ni Lumina sa manugang nito .Tiim bagang lang na tumingin si Theo sa byenan niya hindi siya papayag na hahawakan na naman siya sa leeg .Ang gusto nila sundin parin ang unang hiling ni Faye sa kanila .''napag usapan na namin iyan ni Faye bago siya nawala at aware naman kayo sa gusto niya right .So Why do you want that to happen again? Aren't you afraid that what I did will happen to Faye again? '' natahimik si Lumina sa sinabi ni Theo may punto ito at hindi niya gustong maranasan ni Thania ang naranasan ni Faye .Hindi naman nila magawang magalit kay Theo dahil sila ang may kasalanan kung bakit pinagkasundo ang anak nila sa lalaking wala man lang katiting na pagkagusto .Pero ito ang hiling ni Thania kagabi gu
'' ang sakit sakit na ganun ang nangyari sa relasyon namin Cash at buong akala ko mahal na mahal niya ako pero hindi pala dahil akala lang pala iyon'' biglang naawa si Cashandra sa kaibigan niya .Mas malala ang problema nito sa pag ibig dahil sa tagal nila ni Zedo at nagawa pa niya itong lokohin . ''maybe just move on and patunayan mo na hindi siya karapat dapat sayo besh .Isipin mo hindi lang si Zedo ang lalaki '' lalong humaba ang labi ni Diane dahil sa sinabi ni Cash .Ang hirap para sa kanya ang mag move on dahil si Zedo lang ang naging buhay niya noong bigla itong umalis . ''hindi ko advice ito para mawala ang sakit na nararamdaman mo ngayon besh pero ito ang tanging paraan para makapag move on kana .Isang taon na din kayong wala at may bago na siya '' ''bakit Cash bukod kay Nicholas sino pa ba ang minahal mo .Kung si Lucas naman hindi mo naman gaano kalala minahal ang hinayupak na iyon at hindi ka ganito masaktan '' tumungga muna siya ng isang boteng alak bago mag isip ng m
"ohh talaga mama uuwi ka ngayong week ..why?" tanong ni Diane sa ina nito.Natuwa siya ng malaman niyang titigil na ito sa pagtatrabaho sa ibang bansa . "oo anak dahil engagement ng anak ni tito mo gusto niyang dadalo tayong lahat " labis ang tuwa ni Diane sa narinig .Open pala si pamilya ng stepfather niya .Hindi siya tutol sa dalawa dahil gustong gusto niya ang love story ng mga ito at wala naman na ang kanyang papa kaya ayos na kanya na makasama ng kanyang ina ang first love nito .Pero tito parin ang tawag niya kahit kasal na ang mga ito . "sige ma sabihin niyo lang kung kailan kayo uuwi at sunod nalang ako papunta doon kila tito " nag paalam na siya at pinatay na ang tawag , hanggang ngayon hindi niya parin pala alam kung taga saan ang asawa ng kanyang ina.Hindi pala niya natatanong ito dahil sa sobra niyang busy at parang nasabi na rin nila noong nasa ibang bansa sila pero mukhang nakalimutan niya . "Shopia ang aga mo naman pumasok ang himala " natatawa niyang saad sa pin
" Amber thank god your home" mahigpit na yumakap si Lissy sa kanya tumugon na rin siya sa pagkakayakap nito pero wala siyang maramdaman na kakaiba . "halina kayo at may pinahanda akong pagkain" sabay silang nagtungo ni Lissy sa dinning area naroon rin pala ang tito Jackson niya at may kasama itong girlfriend. "kain muna tayo saka na natin pag usapan ang ibang bagay " gusto ni Devine makakainvng maayos ang kanyang anak alam niya at sigurado siyang mawawalan ng gana si Amber kung tungkol na naman sa engagement ang kanilang usapan. Tahimik lang sila kumain lahat ng biglang nabilaukan si Lissy at namumula ang balat . "hmmm ge..get my medicine sa bag ko !" hirap nitong salita .Biglang nag aalala si Amber kay Lissy kaya agad niyang kinuha ang bag nito at nilabas ni Lissy ang isang maliit ng puting bote ng gamot. Ini abot din ni Divine ang tubig saka uminom si Lissy .Ilang sandali pa ay nawala na ang pamumula ng balat nito at ang kanyang mukha . "sorry for this tita may allergies kasi a
''aba aba ang ganda naman ng beshy ko ah .Bagay mo pala ang ganyang buhok .'' kilig na kilig si Diane sa papuri ni Cashandra sa kanya . ''trip ko lang naman magpagupit .Pero salamat dahil napapansin mo ang ganda ko '' natawa siya dahil trip lang pala ngayon ang pagpapagupit lalo sa tulad niyang ingat na ingat sa buhok . ''iyang buhok mo lang ang sinabi ko '' natatawang biro nito .Inirapan lang siya ni Diane at tumawa .Para sa kanya bagay ang maiksing buhok sa kaibigan lalo itong naging baby face at wala sa edad niya ang mukha nito . ''bakit pala nagpagupit ka ngayon ng ganyan dati rati hindi mo gusto ang ganyang kaiksing buhok dahil ang buhok mong halos lupagpas na sa pwetan mo ay laging 2 inches lang ang pinapabawas mo .Pero ngayo biglaan sagad kung sagad '' ''maka sagad kung sagad naman ito '' natatawa niyang saad .Namula naman ang mukha ni Cash dahil iba ang pagka intindi ni Diane sa sinabi niya . ''huwag greenminded babaita ''binato niya ito ng ballpen at inilagan n
After 3 years ''Amber kailangan mo ng umuwi ng bansa dahil gaganapin na ang engagement niyo ni Liza sa susunod na buwan .Hayaan mo muna ang negosyo dyan asikasuhin mo muna ang sa inyo ni Lissy'' buntong hininga lang ang pinakawalan muna ni Amber parang wala pa sa kanyang isip ang magpakasal . ''dad bakit ba nagmamadali kayong ikasal kami . Madami pa akong gagawin dito '' madami pa siyang sinabi na dahilan para makaiwas sa usapin tungkol sa pagpapakasal nila ng kanyang nobya . ''maiba nga ako anak diba ang atat mo noon na ikasal kayo ni Lissya .Ngayong bumitaw sa pagiging modelo ang nobya mo saka ka naman aayaw .What happen?"tama naman ang sinabi ng kanyang ama .Kung noon lagi niyang kinukulit si Lissy na magpakasal na sila .Ngayon makalapas ng tatlong taon bigla siyang nawalan ng gana kay Lissy at isa pa parang may hinahanap siyang katangian ni Lissy pero hanggang ngayon hindi pa niya makita . Halos mag anim na taon na sila ni Lissy pero hanggang ngayon wala siyang makapa sa p
Natapos na ang ating kwento nila Cashandra at Theo ngayon pupunta naman tayo sa love story nila Amber at Diane hopefully magustuhan niyo ang kanilang kwento dito lang din sa akda na ito . Marami pang characters ang may love story gaya ng mga triplets ay susunod na din pag oras na matapos ang kwento nila Diane at Amber. Try to read my others books if you have time " the price of Pleasure" "missing seed of life" "when I found you" "past shadow" Hopefully makita ko kayo sa iba kong akda . Magkomento lamang kayo dito para sabihin ang mga gusto niyong sabihin tungkol sa story nila Theo at Cashandra.Sabihin niyo lamang kung ano ang mga natutunan niyong aral . Thank you sa pagiging avid Readers niyo para sa akin akda . Thank you AUTHOR LHYN:-)
Pigil ang mga luha ni Cashandra habang pabukas ang pintuan ng simbahan .Ito ang pangarap niyang kasal sa batang lalaki na nangako sa kanya noon at walang iba kundi ang lalaking naghihintay sa kanya sa harapan ng altar . Hindi niya gustong umiyak dahil ayaw niyang maging mugto ang kanyang mata pag binuksan na ni Theo ang kanyang belo .Gusto niya ang unang makakita sa kanyang luhang papatak ay si Theo. Nauna na rin ang triplets papunta sa harapan at ang kasama niya ngayon ay ang kanyang ama na si Fred .Hindi rin umuwi ang kanyang mga tunay na magulang dahil ayaw niyang makita muna ang mga ito lalo na ang kanyang ina .Masama man magtanim ng galit pero para sa kanya darating ang panahon para mag heal ang sugat na dinulot nito sa kanya . Ngayon gusto niyang bumawi sa kanyang ama dahil baka ilang sandali kunin na siya sa itaas . ''ang mga bilin ko anak huwag mo masyadong patagalin ang hindi patawarin ang mga magulang mo dahil sa akin naman talaga ikaw dapat magalit .Kung hindi kita kinu
"kayo na ang bahala sa anak ko Gil .Siguro ito ang tamang gagawin ko ang lumayo muna dahil iyon ang hiling ni Cash sa amin ." nasa airport sila ngayon para pumunta sa ibang bansa . Kailangan ni Lumina at Magnus lumayo para mabawasan ang sama ng loob ni Cashandra sa kanila . " sige at sana huwag kayo mawalan ng pag asa na hindi kayo mapapatawad ni Cash . Siguro hindi madaling kalimutan ang nagawa mo sa kanya at kahit sino naman " naiyak na naman si Lumina maling mali ang nagawa niyang kasalanan dahil muntik ng ikinamatay ni Cash ang galit niya dito.Ang dami palang sakripisyong nagawa ni Cash para kay Faye pero naging bulag siya dahil sa galit at kay Thania na ang alam niya ito ang tunay nilang anak . "pakisabi sa anak ko mahal na mahal namin siya at ayos lang na hindi kami ang kasama niya maglakad sa altar ang importante napunta siya sa lalaking mahal siya ." siguro kung hindi nawala ito baka pinaki alaman din nila ang gusto nitong maasawa .Ngayon lang nila naisip na puro pera pala
"kamusta na ang papa ko dok ?" nakaramdam siya ng awa sa papa Fred niya dahil puro pasa ang nasa mukha at katawan .Tulog parin ito at malungkot ang mukha."swerte nalang niya kung magtatagal pa ng ilang araw ang papa mo he has a stomach cancer at napabayaan lalo't nakita ko sa katawan niya na kulang siya kinakain at lakas para sana maagapan ang sakit nito. Mukhang walang gamutan at inabuso ang katawan sa alak " muling tumulo ang kanyang mga luha .Parang ulan na ayaw ng tumila ang luhang kanyang pinapakawalan ."papa ang daya niyo naman . how many years akong nangarap makasama kayo pero papa ngayong bumalik kayo saka niyo naman ako iiwan " Naramdaman ni Fred na may umiiyak sa kanyang tabi at parang naririnig niya ang boses nito Cashandra. Unti unti niyang minulat ang mata at nakita niyang nakayuko ito habang humagulgol. Kahit masakit ang mga braso pinilit niyang abutin ang ulo ng anak at haplusin . "huwag kang umiyak anak dahil hindi pa naman ako patay at kung mamatay man ako huw
Dumating na ang resulta ng DNA at ini abot ng babae ang resulta sa mag asawang Vargas . Samantala sina Theo at Cash ay nanatiling nakaupo lang .Wala din imik ang mga magulang ni Theo .Lahat sila tahimik at kinakabahan sa resulta ng DNA . Laking gulat ni Lumina sa nababasa niyang resulta halos hindi man lang niya malunok ang sarili laway sa pagkabigla. Nanatiling nakatingin lang si Cash sa ginang pinapanalangin sana hindi sila ang totoong magulang niya . Kinuha ni Magnus ang papel dahil hindi na makapagsalita si Lumina at nanatili itong tulala. " totoo ngang ikaw ang anak namin " matutuwa na sana si Magnus ng biglang naalala niya ang naganap kanina .Sa isang araw ang daming naganap . ''hindi ito maari '' tanging bulalas lang ni Lumina nang biglang napatingin kay Cashandra bigla niyang nakita sa Faye sa mukha nito at pinakatitigan niya ng maayos .Talagang may hawig ng bunso nitong anak . Ang dami niyang kasalanan dahil isa siya sa dahilan kung bakit napahamak ito noon at s