Nairap siya sa harap ng monitor. "Yes. He told me that he is twenty-nine. I don't want to marry an old man. It's okay sana kung 4 or 5 years older pero 10 years? Come on, Tiara, that's decade gap!"
"That's awesome, girl. Pagtatawanan ka na naman nina Sheena niyan."
"That's it! Siguradong kakalat sa school ang tungkol kay Gideon."
"Gideon? What a nice name."
Nangunot ang noo niya at tumingin sa screen ng Iphone. Nakita niyang nakangisi si Tiara sa camera, nagbabasa ng libro si Hazel, habang walang tao sa camera ni Gabbi.
"Where's Gabbi?"
Nagkibit-balikat si Tiara. "Pumunta sa banyo. Wait, Hazel? That's hot. Another erotic book?"
Napatingin siya sa camera ni Hazel. Nakadapa ito sa kama at nakikita niya ang cover ng libro na isang naka-topless na lalaki. Nag-angat ng tingin ang kaibigan. Ngumiti ito sa kanila. "Hey, girls. Go with him, Laine. You know, just like Franco and Francheska. 27 and 17."
"Who's that?" tanong niya.
Tinaas nang bahagya ni Hazel ang libro. "Fictional characters." Nangunot ang noo niya nang bigla itong matawa. "Maybe you'll enjoy him. Remember in books? Older men means higher s** appeal." Naningkit ang mga mata ni Hazel. "By the way, what's his look? I haven't seen the Mayor's son."
"Oo nga, Laine. The Mayor's too private. Imagine, even your engagement with his son, hindi pinalabas sa local news?" ani Tiara.
Bumaling siya ulit sa monitor at nagtipa sa keyboard. "You know, girls... wala rin naman akong pakialam. If my parents betrothed me to someone, fine. But sana naman 'di ba? Pumili sila ng medyo kaedad ko lang?"
"So ayaw mo kay Gideon?"
Napalabi siya. Bumuntonghinga at saglit na huminto sa pagtipa sa keyboard ng kaniyang laptop. "Hindi sa gano'n. Okay naman si Gideon. Maalaga. Magalang. Maginoo. Saka..."
"Saka?"
"Niligtas niya ako."
"So, knight in shining armor? What's wrong with him?"
Kunot ang noong bumaling siya ulit sa screen ng Iphone. Nakita niyang nakatingin sa kaniya ang dalawa. Nakita niya rin ang nakabusangot na mukha ni Gabbi.
Umikhim siya at sinubukang ibahin ang usapan. "Gab, what's with that face?"
"Hay naku. Stock up na naman ang palikuran. Ta* talaga si Kuya. Iniwan ang brief sa banyo. Nahulog ko sa bowl. Ayun, hindi na bumababa ang tubig."
Natawa si Hazel. "Sipsipin mo, girl."
Napangisi rin si Jewel nang mas lalong nagusot ang mukha ni Gabbi. "Ikaw na lang kaya ang sisipsip at baka masipsip mo rin ang septic tank," anito.
"Tama na 'yan," aniya at muling nagtipa sa keyboard.
"Ano ba 'yang tina-type mo, Laine?" tanong ni Tiara.
"Email."
"Email to whom?"
"To Prophetic John."
"Who's that?"
"I don't know. Nabasa ko lang na nag-i-interpret lang siya ng panaginip. I want to know who's that man."
"Man?" Narinig niya ang boses ni Hazel.
Bumaling siya sa Iphone at nakitang nakakunot ang noo ni Hazel habang nakatitig sa screen.
"Yes. Pinapa-interpret ko sa kaniya 'yong panaginip ko. 'Yong sinabi kong lalaking you know."
Umawang ang mga labi ni Hazel at pabirong tinakpan ang bibig. "Don't tell me, si Gideon 'yon?"
Nangunot ang noo niya. "What do you mean?"
Natawa si Hazel at mas inilapit ang screen sa mukha. "I believe that the man in your dreams is your fiance! 'Di ba hindi mo masyadong mamukhaan ang lalaki?"
Tumango siya. Napatili si Hazel. "Right! Pakasalan mo siya, Laine! Tapos kapag nag-a-ano na kayo, baka maalala mo 'yong mukha ng iyong man of dreams! Gosh, girl! You're living your fantasy! Kung ako sa 'yo, magpapakasal na ako ura mismo."
Natawa siya. "Stop dreaming, Haze. Ayokong matali nang maaga. I still have a dream. Sinabi ko na sa 'yong lalayo ako sa poder ni Mama at Papa. Then, I'll just waste that dream of mine if I'll marry him."
Nakita niyang umirap si Hazel. "Kung ayaw mong pakasalan, magbo-volunteer ako. Sige ka."
Ngumisi siya. "Try. Let's see kung hindi ka maiihi sa harap ni Mayor Calixto."
Natawa si Tiara at Gabbi. Alam ng mga itong sa kanilang apat, si Hazel ang may malaking takot sa Mayor. Minsan na itong nahuli sa curfew at pinagalitan ng Alkalde. Pumapangalawa lang siya na isang beses lang nakita ang galit nito.
Umikot ang mga mata ni Hazel. "Ita-tanan ko na lang siya."
"Eww, Hazel. Magkaroon ka naman ng delikadesa," nakangising sambit ni Tiara.
Natawa si Hazel. "Girl, sabihin mo 'yan kay Laine."
Sabay na tumingin ang dalawa sa kaniya. Napasimangot siya. "What?"
"I dare you, Laine. Magbasa ka ng erotica sa harap ng mama mo," natatawang sambit ni Tiara.
Umikot ang mga mata niya. "As if naman 'di ba? Mas takot ako kay Mama. Kung alam niyo lang kung paano siya..." Pinandilatan niya ng mata ang tatlo sabay duro sa screen. Humalakhak ang mga kaibigan at napangisi siya.
"Okay, not that. How about... I dare you to seduce Gideon." Nagtaas-baba ang kilay ni Tiara. "Let's see if he's worth to try."
"What's your plan?"
"Just seduce him. Kapag alam mo na... malaki, pakasalan mo agad."
"Tiara!"
Natawa ang dalawa. Napangisi naman si Gabbi. "Kapag hindi mo ginawa, ipapakita ko 'yong pic mo sa mama mo," banta ni Gab.
Napakurap siya. Kumabog bigla ang dibdib niya at nilapit ang mukha sa screen. "What? Anong picture?"
"Wait, isi-send ko sa email mo," ani Gabbi.
Mabilis siyang bumaling sa laptop at ni-refresh ang email inbox. Ilang segundo pa at biglang pumasok ang message ni Gabbi. Nanlaki ang mga mata niya.
"Gab! No way!"
"Yes way!" nakangiting tili ni Gabbi.
Iyon ang pic na sinend niya sa group chat nilang magkakaibigan. Iyong pic na selfie niya kasama ang mga bagong erotica books na mula sa box na inihatid nina Dalya at Pedro.
"Tiara! Tingnan mo si Gabbi! Sinave niya ang pic ko." Kinuha niya ang Iphone at inilapit niya sa screen ng laptop. Isang tawa ang natanggap niya sa kaibigan.
"Sorry. Alam mo naman kung paano mag-isip si Gabbi. Just do it, Laine."
"I don't want nga."
"Haze? Hindi ba belindamangubat@fakemail.com ang email ni Mrs. Mangubat?"
"Yes, girl."
"Ok, isi-send ko -"
"Wait up! Arg! Gab, lagot ka sa akin sa pasukan!"
"So, ok na tayo?"
"Fine!" Napapikit siya. "What should I do?"
"Sleep with him?"
"That's too much," reklamo niya.
"Okay, okay. Send a photo of you... kissing him."
Pagak siyang natawa. "Seems like an easy task, huh? Lagot ka talaga sa akin. Be thankful, Mama won't let me visit your house. Or else -"
"Sige na. 'Pag 'di mo masi-send agad-agad, ayos lang. Pero may expiration. Hanggang sa kasal niyo next summer."
Umikot ang mga mata niya. "One whole year?"
"Yes, one whole year."
"I'm sure masi-send ko bago ang pasukan."
"Really?"
Napangiti siya. "I'll be married by tomorrow. Civil wedding."
"What?!"
"Ano?"
"Ba't hindi mo sinabi, Laine? Magpapa-lechon na sana ako."
Natawa siya sa sinabi ni Gabbi. "Biglaan. Sinabi ni Gideon na..." Natigil siya sa sinasabi. Naalala niyang lihim pala ang libing ng esposa ng Mayor.
"Na?"
"Nevermind." Nag-angat siya ng tingin sa malaking wall clock sa itaas ng dingding. "Past 9 na, girls. I need to sleep early."
"Pero wait, hindi ba kami invited?" tanong ni Tiara.
Nagkibit-balikat siya. "Small gathering lang."
"Does that mean... matutulog ka kasama si Gideon sa isang kuwarto?"
Napalunok siya bigla sa tanong ni Hazel. Hindi niya rin naisip 'yon kanina. Saka, wala siyang planong ipaubaya ang sarili sa lalaki. Nabigla siya nang tumili bigla sina Tiara at Hazel.
"Send a pic of him na topless, Laine!"
Napindot niya bigla ang End Button ng Video Call. Bumalik sa tahimik ang buong kuwarto niya. Bumuntonghinga siya at napahilot sa sentido. Pinatay na rin niya ang laptop at binalik sa bedside table. Umalis siya ng kama at nagpunta sa balkonahe.
Huminga siya nang malalim at inalis sa isip ang lahat ng agam-agam. Nakapag-isip na siya. Pupunta siya bukas sa husgado para pirmahan ang Marriage Contract, saka babalik sa Mansiyon. Hindi niya susuwayin ang mga magulang. Hindi niya ipapahiya ang apilyedong iniingatan ng kaniyang ama at ina.
Nasa poder pa siya ng mga magulang kaya hindi pa siya dapat sumuway sa mga ito. Inis niyang pinasadahan ng daliri ang sariling buhok. "They're controlling me," gigil na sambit niya.
Huminga siya nang malalim at pinaningkitan ng mga mata ang lighthouse sa malayo. Naalala niya ang sinabi ni Gideon na hindi siya nito ikukulong. Nakagat niya ang labi. He should keep his word, now that she have no choice but to marry him.
Saka hindi rin naman niya makikita si Gideon sa pasukan. Tatlong linggo na lang at babalik na siya sa Unibersidad de Medellin. Hindi siya papayag na uuwi sa mansiyon araw-araw. Sisiguraduhin niyang sa dorm siya titira sa susunod na sampung buwan.
Para sa kalayaan niya hangga't hindi pa siya naiitali nang pormal kay Gideon.
Nag-angat siya ng tingin sa buwan. Bilog na bilog iyon. Halos hindi nakikita ang mga bituin sa liwanag na dala nito. Bumuntong-hinga siya.
"Let's see if he can honor his word," bulong niya.
Isang malamya at malamig na hangin ang dumaan sa balkonahe.
#032920.5.0P
#020221.R"You may kiss the bride."Humarap siya kay Gideon. Ngumiti ito at hinawakan ang batok niya sabay siil ng isang magaan na halik sa gilid ng labi niya. Humawak siya sa magkabila nitong pisngi at hindi bumitiw hangga't hindi niya nararamdaman ang flash ng camera."Tama na 'yan," narinig niyang sambit ng jugde. Natatawa pa ito nang bumaling siya rito. Pinigilan niya ang sariling umirap."Congratulations, Mr. and Mrs. Hernandez."Nagpalakpakan ang mga taong nasa likuran ng dalawa. Hinawakan siya ni Gideon sa kamay at sabay silang humarap sa mga tao. Nakita niya ang ama at ina na nakangiting pumalakpak sa isang tabi. Nasa gilid ng mga ito ang Alkalde. Bilang lang sa daliri ang mga taong inimbitahan ng Alkalde at ng mga magulang. Ilang kilalang personalidad din ang nakita niya. Pero walang media. Napabuga siya ng hangin. Gusto niya sanang imbitahan ang mga kaibigan pero ayaw ng in
Nasa tagong bahagi ng Cansanit ang bahay ni Gideon. Nasa dulo ng isang mahabang peninsula malapit sa Don Virgilio Gonzales. Isa iyong three-storey house na kulay puti ang dingding at asul ang bubong. Malaki ang tarangkahang umiikot sa buong perimeter ng bahay. May malaking garahe sa harap na nasa ilalim ng isang enclosed porch. May patio pa sa gilid malapit sa maliit na pond. Hindi automatic ang gate kaya iginiya siya si Gideon patungo sa maliit na pinto. Hinayaan na muna ng lalaki ang pick-up sa labas ng tarangkahan. Nag-doorbell ito at may lumabas na isang lalaking nasa mid-50s na nakasuot ng sumbrero. Ngumiti ito pagkakita sa kanila. "Sir Manasseh, magandang araw. Ito na ba ang asawa mo, Sir?" "Siya nga, Tang." Nakangiting bumaling ang lalaki sa kaniya. Ibinaba nito ang sumbrero at inilapat sa dibdib sabay yuko sa harap niya. "Ikinagagalak kitang makilala, Ma
Isang bilugang mesa ang nadatnan niya sa dining area. Nakaupo si Gideon doon habang nagbabasa ng isang devotional book. Agad siyang naupo sa katapat nitong upuan at napansin niyang lumiko si Tang papunta sa back door."Kuya Tang, sa'n ka po?" tawag niya.Nakangiting lumingon sa kaniya ang matanda. "Tapos na ako Maam Laine. Maghahardin na muna ako para makapagsarinlan kayong mag-asawa."Napatingin siya kay Gideon nang umikhim ito. Nakita niyang bahagyang nakangiti ang lalaki. "May nilutong saging at kamote si Tang." Tinuro nito ang nilagang saging at kamote sa mesa. Umasim ang mukha niya. "Hindi ako kumakain niyan."Tumango-tango si Gideon. "Napansin ko nga sa mansiyon. Di bale, ipagluluto na lang kita ng maruya.""Maruya?"Napangiti si Gideon. Tumayo ito at nagpunta sa kusina. Ilang minuto itong hindi nakabalik. Napanguso siya. Inabot niya
Mataas na ang sikat ng araw nang magising siya. Ilang minuto pa siyang nagtagal sa loob bago lumabas na nakabihis na't nakaligo. Huminga siya nang malalim at bumaba sa hagdan.Nakita niya si Gideon na nagbabasa ng isang libro sa sofa. Nakabukas ang audio at naririnig niya ang kantang Leave Me Astounded na siya ring kinanta nito sa kaniya noon."Good morning," ngiti niyang sambit. Nag-unat-unat pa siya at tumalon-talon para maalog ang natutulog na energy sa katawan.Nagtaas ng tingin si Gideon sa kaniya. Bahagya nitong binaba ang reading glass at tinaas ang kilay. "Masaya ka. May nangyari ba?"Nakangiti siyang umiling. "Wala naman. I just feel... happy when I woke up."Tumango si Gideon. Isinara nito ang libro at tumayo na. Lumapit ito sa kaniya at inakay siya papunta sa dining area na nasa kusina. "Nakaluto na si Tang ng agahan.""You haven't eaten yet?"
"Gideon! Nasa'n ka?!"Makailang beses siyang suminghot at nagpalinga-linga sa paligid. Nasa'n ang asawa? Nasa'n si Tang?"Maam Laine!" Lumingon siya sa pinanggalingan ng tinig. Nakita niyang patakbong lumapit si Tang. "Anong nangyari, Maam Laine?"Kagat-kagat niya ang labi. Naninikip ang dibdib niya. "N-Nasa'n si Gideon?"Napakurap ang matanda. "Nasa hardin, Maam.""Sa likod?""Oo."Patakbo siyang nagtungo sa kusina, palabas sa back door. Sumalubong sa kaniya ang halimuyak ng mga bulaklak na dinala ng malamig na hangin. Huminga siya nang malalim at mabilis ang hakbang na nilibot ang hardin. Mataas ang ilang halaman ng gumamela kaya nahirapan siyang hanapin si Gideon."Gideon!" Napalunok siya. "Aseh! Nasa'n ka, Aseh!"May narinig siyang yabag sa likuran. Mabilis siyang lumingon at nakita niya si Gideon na naglalakad papunta sa g
Lights off. Sunset. Salty smell of cold and mild sea breeze. What more on this earth will she ask for? Of course, Gideon leaving her balcony."Your Dad wants to talk to you."Nag-iwas siya ng tingin kay Gideon at tinanaw ang papalubog na araw sa kanluran. "And...?" Inaliw niya ang sarili sa mga kingfishers na naglalaro sa alon."Gusto ka niyang pumunta sa mansiyon bukas.""No way."Bumuntong-hinga si Gideon. "Why don't you talk to your Dad and apologize?"Pagak siyang natawa at pinaningkitan ng mga mata ang yate na nakadaong sa malayo. "Is there anything I did wrong to say sorry? Huh, kaya ayoko sa mga taong palaging tama ang tingin sa sarili.""Jewel -""You know..." Humarap siya kay Gideon at humalukipkip. "All my life, I've been following their will. I even neglect my happiness just to make sure na hindi s
Naningkit ang mga mata niya pero walang nagawa kung hindi tumalima. Hindi naman siya 'yong tipong hindi nag-a-appreciate ang effort. Umikot naman ito sa kabila at naupo sa tapat niya.It was her first time having a dinner date with someone under the moonlight. Tumingala siya at nakita niya ang bilog na buwan sa itaas.Maliwag nga ang buwan sa gabing 'yon. And it was mesmerizing. It can even replace the light given off by the candle at the middle of the small rounded table. Nang inangat niya ang tingin sa harap ay nagtama ang tingin nila ni Gideon.Ilang segundo silang nagkatitigan.Jewel was completely lost of words. Hindi siya makapagsalita. Ni hindi niya kayang iwasan ang tingin ni Gideon sa kaniya. There was this kind of attraction that made her heart skip a beat.Nakuyom niya ang kamao.Gideon whispered, "Jewel."That was when she lowered her gaze. Mabilis si
Kumalat na ang sinag ng araw nang magising siya at maghanda para sa araw na 'yon. Isang bestidang kulay puti, isang kayumangging summer hat, at boots na may takong ang isinuot niya. Malapad ang ngiti niya habang bumababa sa grand spiral staircase. Limang araw na rin matapos i-confine sa hospital sina Dalya at Pedro. Kahapon ay nakauwi na ang dalawa at tumutulong na sa gawaing bahay. Sa katunayan, nakita niya ang mga ito na abala sa pag-aayos ng gamit sa sala. Binati pa siya ng dalawa kaya sinuklian niya ng ngiti ang mga ito.Nagpatuloy siya hanggang maabot ang kusina. Doon, nakita niya sa hapagkainan si Gideon. Nagkakape ang asawa niya."Good morning," bati niya.Nag-angat ng tingin si Gideon at ngumiti nang makita siya. Pinasadahan siya nito ng tingin. "Mag-i-enrol ka na?" tanong nito. Tumango siya. Sumimsim saglit ng kape si Gideon bago muling tumingin sa kaniya. "May tumawag sa landline
(4 years ago...)Makitid ang daan sa Aisle at halos tingilain na niya ang matatayog na tubo sa magkabilang parte nito. Nakalabas din siya ng mansiyon na walang kasamang alalay. Hindi sa ayaw niyang may kasama pero mas malaya niyang pasyalan ang Aisle kung walang nakabuntot sa kaniya na nagpapaalala kung ano ang dapat gawin bawat minuto. Nakangiti siyang nagpaikot-ikot sa makitid na daan hanggang sa mabangga siya sa isang matigas na bagay. Napahawak siya sa noo at napatingala.Napapikit siya sa liwanag ng araw at nang masanay ay napatitig sa maiitim na mata sa ilalim ng malaking sumbrero. Natigilan siya. Nakapulupot ang matitigas nitong mga braso sa baywang niya para hindi siya matumba."May masakit ba, Miss?" tanong ng lalaki. Tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa.Napalunok siya at napaatras. Bahagya siyang yumuko. "Pasensya na. Hindi ko tinitingnan ang nilalakaran ko.""Sa susunod, 'wag ka nang magpaikot-ikot dito sa Aisle. Makitid pa ang daan at baka mahulog sa ka tubuhan. H
"Laine, doon lang ako sa gilid. Kukuha ako ng drinks!" paalam ni Tiara.Ngiti siyang tumango. Isa-isa na ring nagpaalam sina Gabbi at Hazel. Hinayaan na niya dahil gusto niyang mag-enjoy ang kaibigan niya sa party.Nilibot niya ang paningin. Dim light. May mga inuming nakasilid sa mamahaling baso ang pinapasa sa mga estudyanteng nagsasayaw sa paligid. Malakas din ang tugtog ng stereo."Jewel!" tawag ng kung sino.Lumingon siya at nakita niya si Joseph. Nakangiti ito sa kaniya at hawak ang isang baso."Nasa'n si John Drail?" tanong niya.Nagkibit-balikat ito at inabot sa kaniya ang isang inumin. "Heto, uminom ka muna."Agad niyang tinanggap ang inabot nito at nilagok. Binaba niya ang baso sa katapat na mesa. "Ikaw lang mag-isa?" tanong niya."Nando'n si Drail sa kabila. Kausap ang gf."Tumango siya. May dumaang tagahatid ng drinks sa kanila. Tinawag niya ito at kinuha ang isang basong nasa ibabaw ng tray na ha
Bilog ang buwan. Hindi naman kakitaan ng takot ang mukha ni Jewel. Bagkus, nakangiti siya.Ito ang gabi kung kailan pwede siyang magsaya sa Christmas party ng Unibersidad. Walang restriction. Walang mga matang nakasunod sa kaniya."Bilis, bilis! Late na tayo!" sabi ni Hazel.Natawa siya. "Hindi 'yan. Alas-siyete pa naman kaya hindi tayo late."Nakabukas na ang ilaw sa mga gusaling nadadaanan nila. Malamig din ang ihip ng hangin at dinig niya ang taghoy niyon. Nilanghap ni Jewel ang sariwang simoy ng hangin. Amoy pa niya ang lumot dahil lumiko sila sa boy's dormitory at doon dumaan."Laine, will Simoen be there?" tanong ni Tiara.Nagkibit-balikat siya. "He should be.""Sus, kung nasa'n si Laine, nando'n naman si Simoen," singit ni Gabbi.Napangiti na naman siya. Noong nakaraang buwan lang niya sinagot si Simoen, at saktong ngayong gabi ang first monthsary nila. Wala siyang regalo kay Simoen dahil hindi siya nak
"Excuse me?" Nagusot ang mukha nito saka napabuntong-hinga. "Alam kong maganda ako pero sana naman, Mister, respito. Hindi ako komportableng sinusundan ng tingin."Umiwas siya ng tingin at nagbaba ng tingin sa relong nasa bisig. Pasado alas-dose na ng tanghali. "I should go, Miss." Nag-angat siya ng tingin. "I'm sorry for nuisance."Tumaas lang ang kilay nito saka nag-iwas ng tingin. Mabilis siyang umalis ng Treesury at naglakad papunta sa specialized para kunin ang sumbrero niya sa locker.Hindi na niya nakita si Julie sa locker kaya diretso na siyang lumabas ng UDM. Nilakad niya ang Tindog bridge at pumara ng tricycle doon."Sir, saan ho?""Sa Munisipyo.""Naku, Sir, ibang ruta po ako." Nagkamot ito ng batok saka hilaw na ngumiti. "Hanggang sa Ayl lang ako, Sir."Nagbaba siya ng tingin sa relo. Malapit nang ala-una. Patapos na ang noon break sa Mun
Elise is such a beautiful woman. Her eyes and lips are like diamonds in Gideon's eyes. Maganda ang hubog ng katawan na talagang kinagigiliwan ng kalalakihan.But not in Gideon's case.Nakawala na siya sa pagiging manyakis matapos niyang makilala si Angela sa Mantalongon. Pero kahit na gano'n, hindi pa rin nawawala sa kaniya ang paghanga sa babaeng may magandang katawan.Girl's body is like a trophy for men, atleast almost but not all.Kaya habang pinagmamasdan niya ang babaeng kasalukuyang nag-o-order sa counter ng canten ay hindi niya maiwasan isipin kung may boyfriend na ito."Hey, Gideon!"Nawala ang tingin niya sa babae at napatingin sa bagong dating. Si Julie. Nakilala niya ito noong enrollment. Transferee galing sa CNU.Ngumiti siya. "Good morning, Julie."Nilapag ng babae ang tray sa tapat niya at naupo. Tiningnan nito ang relo sa bisig. "Almost ten na. Akala ko ba pupunta ka sa munisipyo ngayon?""Pupunt
Malalim na ang gabi pero binabagtas pa rin ng kotse ang coastal road pahilaga ng Cebu. Tahimik lang ang biyahe. At may pagkakataong tanging headlight lang ng kotse ang nagbibigay liwanag sa paligid.Dumaan sila sa Argao, sa Naga, sa Mandaue, at huminto saglit sa Liloan para mag-drive thru sa isang fast food chain na bukas, bago nagpatuloy pahilaga sa Bogo."Gusto mo bang kumain?" tanong niya.Umiling si Gideon. "Just eat."Sinilip niya ang mukha ni Gideon. Nakapokus ang tingin nito sa harap pero kapansin-pansin ang pagod sa mga mata nito. Lumunok siya. Naawa siya sa asawa.Umikhim siya saka nagbukas ng topic para maaliw naman ito. "May Bible ka ba? Gusto kong magbasa."Sumulyap saglit si Gideon sa kaniya. "Sa glove compartment." At binalik ang tingin sa harap.Binuksan niya ang maliit na hinged door sa dashboard at nakita niya ang isang pocketbook size new testam
Warning: Language.~Jewel is curious. There is something in her heart that urges her to read the Bible. Lumunok siya at pinahid ang pinagpawisang kamay.Katatapos lang ng preaching at nandoon si Gideon sa gilid ng mataas na platform ng public audi. Kausap nito si Angela at Sean. Mukhang napaliwanag na nito sa babae ang binintang niya rito kanina.Tumingin siya sa labas ng public audi. Tumama na ang sinag ng araw sa mga puno. Alas-tres na siguro ng hapon."Jewel."Napatingin siya sa tumawag. Si Gideon. Nasa tabi nito sina Angela at Sean.Nagulat siya nang humakbang palapit si Angela sa kaniya at yumakap. Gulat siyang nagpalipat-lipat ng tingin kina Sean at Gideon."I'm glad to know you," bulong ni Angela sa kaniya.Kumurap siya. Namalayan na lang niyang yumakap na siya pabalik kay Angela. May ngiting sumilay sa mga
Naningkit ang mga mata ng Pastor. "Minulat kayong lahat sa mundong ito na puno ng bitag. Sa bawat binabasang porno-grapiya at erotica ay isang hakbang papuntang impyerno. Sapagkat sa bawat istoryang binabasa mo, dahan-dahan kang hinihila palugmok sa kasalanan hanggang sa hindi mo na kayang bitawan at magpapakalulong ka na nang husto sa putik na minamahal mo nang husto!" Napalunok na naman si Jewel. "Galatians 5:19-21, Now the works of the flesh are evident, which are: adul-tery, forni-cation, uncleanliness, lewdness, idolatry, sorcery, hatred, contentions, jealousies, outbursts of wrath, selfish ambitions, dissensions, heresies, Envy, murder, drunkenness, revelries, and the like; of which I tell you beforehand, just as I also told you in time past, that those who practice such things will not inherit the kingdom of God. Sobrang linaw. Hindi makakaakyat sa langit ang sinumang gumagawa ng mga ganiyang bagay. Dahil gusto ng Diyos na maging banal
Una, sex outside marriage o sa ibang salita ay forni-cation. Ito ay ang paggawa niyon nang hindi kayo kasal. Kahit magkasintahan kayo o kaya engage, hindi kayo dapat pumapasok sa ganitong uri ng relasyon dahil malaking kasalanan ang paggawa ng bagay na dapat ay para lang sa dalawang taong ikinasal na. Bawal na bawal 'yan sa Bibliya! Yes, I am afraid that when I come again, God will humble me in your presence. And I will be grieved because many of you have not given up your old sins. You have not repented of your impurity, sexual immorality, and eagerness for lustful pleasure. (2 Corinthians 12:21) Pangalawa, pakikipagtalik sa kaparehong kasarian o homosexuality!" Naningkit ang mga mata ng Pastor. "Ang pakikipagtalik sa kaparehong kasarian ay isang nakakasukang gawain na hindi niyo dapat ginagawa o tinatangkilik! What happened to you? Why do you love to see, read, and proclaim homosexuality?" Huminga nang malalim ang Pastor. "Do you know the story of Sodom and