“Ready?” ani Timothy ng salubungin nito si Penelope sa may gate nila at mabilis na pinaglakbay ang mga mata sa kabuan ng dalaga.
Nakasuot ito ng silver na evening gown na hakab na hakab sa katawan nito. May kababaan ang neckline niyon at may slit sa isang tagiliran na hanggang kalahati ng hita, exposing her long and flawless leg. Nakalugay lang ang buhok nito na para namang hindi nagagalaw kahit liparin ng hangin.
“You looked lovely tonight,” papuri niya rito at iniaro ang siko.
Namula naman ang dalaga sa hantarang papuri niya bago ito lumunok at tumango. Pagkuwa’y ikinawit nito ang braso sa kanya.
“Please don’t fall on the ground dahil hindi kita sasaluhin.” Birong-bulong niya rito.
Tiningnan naman s’ya nito ng masama bago nagpatuloy sa paglalakad.
“A fake smile would do bago pa nila mahalatang napipilitan ka lang,” patuloy pang pang-aasar niya rito.
Bahagya itong humarap sa kanya while gritting her teeth. “Ganito ba?” sarkatiskong wika nito.
“Better…” nakalolokong tugon niya at iginaya na ito papasok sa loob.
Isa-isang naglapitan sa kanila ang mga bisita at bawat isa sa mga ito ay masayang binabati sila. Panay pasasalamat naman ang naging tugon nila sa mga ito.
“Kuya…!” tumitiling salubong sa kanila ni Letizia habang nakasunod dito ang asawang si Antonio. “Congratulations!” masayang bati nito sa kanila bago siya ginawaran ng mabilis na halik sa pisngi at binalingan si Penelope.
“Hi! I’m Letizia by the way,” pakilala nito sa sarili na hindi na hinintay pang makatugon ang dalaga, at mabilis nitong niyakap ng mahigpit si Penelope. “Welcome to the family! Finally… may kakampi na rin ako sa wakas,” anito na ikinatawa nila.
“Well… hi din,” ani Penelope ng bitawan ito ni Letizia. “Bakit? Malakas bang mang-asar ang kapatid mo?” pag-uusisa nito na para bang wala siya roon.
Sunod-sunod namang tumango si Letizia bago siya sinulyapan sabay kindat. “Hindi lang malakas mang-asar. ‘Yung tipong para bang nakikipag-usap ka sa poste tapos palaging lukot ang mukha, na hindi mo maintindihan kung pasan-pasan ba ang buong mundo.”
Napahagikhik naman si Penelope. “Oh… baka naman hindi lang talaga siya marunong magsalita.” Sakay nito sa pambubuska ni Letizia sa kanya.
“Parang ganun na nga. Kailangan mo pa yatang bayaran bago ibuka ang bibig. At hindi lang ‘yun, pagbuka ng bibig n'yan, alinman sa nagbubuhat ng sariling bangko o di kaya naman ay babarahin ka lang.”
“That’s enough, Sweetheart… Baka biglang makaatras itong si Penelope dahil sa mga pinagsasasabi mo,” awat naman dito ng asawang si Antonio.
Buong pagmamahal namang nilingon nito ang asawa. “S’ya nga pala… this is my handsome husband, Antonio Monte Bello.” Pakilala nito sa dalawa.
“Hi,” bati ni Antonio dito sabay lahad ng kamay.
Tinanggap naman iyon ni Penelope.
“Congratulations to both of you,” ang sabi pa ni Antonio at nilingon s’ya.
“Thanks…” aniya at tiningnan ng masama ang kapatid. Nanlaki naman ang mga mata nito.
“Did you see that?” anito na kay Penelope nakatingin.
Napailing naman ang dalaga ng tingnan s’ya.
“I think we better leave them bago ka pa mapalo sa pwet ng kapatid mo,” mabilis na sawata ni Antonio sa asawa at nagpapaunawang nilingon siya.
“Maigi pa nga…” aniya habang magkadikit ang mga labi.
Nang maakalis ang dalawa ay natatawang nilingon siya ni Penelope.
“What?” inis na tanong niya rito.
“You are quite different in front of your sister. At hinahayaan mo talaga siyang asarin ka, ha,” tugon nito.
“That was just for tonight,” aniya.
Umiling ito. “I don’t see it that way. She’s more like at ease teasing you kahit sa harap ng ibang tao. She even winked at you na para bang ibig sabihin ay palagay siyang hindi mo s'ya papagalitan, kahit na ano pang lumabas sa bibig niya.”
Huminga siya ng malalim at hinarap ito.
“Fine… She’s my only baby sister and I don’t want to hurt her feelings. Isa pa, nakita mo naman na buntis s'ya hindi ba?” paliwanag niya.
“And now you were explaining.” Tudyo nito sa kanya.
“Don’t start with me,” nauubusan na ng pasensyang sabi niya.
Tumaas ang isang kilay nito. “And then, what? What will you do to stop me?”
Subalit sa halip na sagutin ito ay hinapit niya ito sa bewang at siniil ng mapagparusang halik.
May katagalan ding naglapat ang mga labi nila bago niya pinakawalan ang dalaga na namimilog ang mga mata habang titig na titig sa kanya. Bahagya rin itong naghahabol ng hininga nang mga sandaling iyon.
Napangisi s’ya.
“Now, I find the best way to stop you from talking nonsense,” bulong niya bago ito muling hinapit sa bewang at iginiya paakyat ng makeshift stage.
Nagpahinuhod naman ang dalaga at walang salita na nagpaakay sa kanya.
“I told you… do not fall.” Paalala niyang muli ng maramdaman ang bahagyang panginginig ng katawan nito.
Pumiksi naman ito at tiningnan s'ya ng masama.
Nang nasa pinakagitna na sila ng stage, he grabbed the mic and looked at her.
“Everyone,” aniya sabay linga sa paligid. Tumigil naman ang lahat at natutok ang atensyon sa kanila.
Ngumiti siya sa mga ito. “Thank you for being here tonight and joined us as we celebrate our engagement.” At pagkasabi noon ay muli niyang ibinalik ang pansin kay Penelope. “Please allow me to formally asked the hand of my future wife-to-be… Miss Penelope Valencia.” Pagkuwa’y inabot niya ang kanang kamay nito at pinisil ng bahagya.
“It may sound corny but, as I am standing here in front of you all… I promised to this beautiful and wonderful woman-- and the one who caught my eyes and captured my heart, that we will stick together for the rest of our lives. Walang ibang makakapaghiwalay sa ‘tin kundi si kamatayan lamang.” Seryosong sabi niya habang titig na titig sa nangingislap na mga mata nito.
Then, he pulled out the small velvet box on his pocket and opened it. Tumambad sa mga mata nito ang isang oval-shaped emerald ring na kasinglaki ng buto ng pakwan, at may pinaghalong berde at itim na kulay. Napapaligiran iyon ng kumikinang na mga maliliit na brilyante.
Malakas itong napasinghap ng tamaan iyon ng liwanag kasabay ng mga tao sa paligid.
“T-This is so grand,” nauutal na sambit nito ng maisuot niya ang singsing sa daliri nito.
“Nothing is so grand compares to you,” he softly said, pagkuwa’y hinapit ito at siniil nang napakatamis na halik.
Halos mapugto na ang mga hininga nila ng bitawan niya ito kasunod nang napakalakas na palakpakan sa buong paligid. Sinundan pa iyon ng hindi magkamayaw na pagbati sa kanila ng mga bisita.
At para kay Penelope, nalulunod siya sa hindi maipaliwanag na kasiyahan sa mga sandaling iyon. Hindi niya sukat akalain na makakaramdam s’ya nang ganoon because she knew everything was just for a show. That this was all because of their parents’ agreement.
Pero magkagayon man, deep down inside her heart ay kinikilig s’ya sa mga ginagawa at sinasabi ni Timothy sa kanya. Para kasing totoo lahat. Para kasing totoong nagmamahalan sila while in fact, they were not.
At habang pinagmamasdan niya ang binata, napapansin niya ang kakaibang kinang sa mga mata nito. And it was just too precious to look at. Para ring nagbago ang awra nito. Mas lalo yata itong gumwapo sa paningin niya, at natatakot s’ya sa maaring kahinatnan ng mga nararamdaman niyang iyon para rito.
And at the back of her mind, may maliliit na tinig s’yang naririnig. They were warning her not to get affected by him. S’ya rin naman ang magiging talo sa huli kapag nagpadala s’ya rito.
“No love involved.” Mariing paalala niya sa sarili.
The night went deeper at parang babago pa lang nag-uumpisa ang kasiyahan. Everyone is enjoying themselves while talking at each other. Sina Penelope at Timothy ay tila wala ring kapaguran na iniistima ang kanilang mga bisita, while their parents are busy talking with their business associates.“I need to go to the restroom,” pasimpleng bulong niya sa katabing lalaki ng makalayo sila sandali sa ilang mga bisita na bumati sa kanila.“Go ahead. Ako na ang bahala rito,” tugon ng binata.Mabilis naman s’yang kumilos at iniwan na ito doon. Pagdating sa loob ng banyo ay sumandal s’ya sandali sa may pintuan at ilang beses na nagpakawala ng malalalim na buntong-hininga. Pakiramdam niya kasi nauubusan ng hangin ang dibdib niya sa dami ng taong bumabati sa kanila kanina.Nang umayos na ang kanyang pakiramdam ay naghugas siya ng mga kamay. Habang ginagawa iyon ay napatingin siya sa suot niyang singsing. Bahagya pa niya iyong itinaas at pinakatitigan.She knew that the ring was a rare type. Emeral
“Is Mr. Alvarez inside?” magalang na tanong ni Penelope sa naroong sekretarya ng puntahan niya ang binata sa opisina nito.Nakangiti namang tumango ito na mukhang nakilala s’ya kaagad.“Yes, Miss Valencia. He just have a private meeting inside pero patapos na rin,” anito.Ngumiti naman siya rito. “Alright… Hintayin ko na lang s’ya rito,” aniya at naupo sa waiting area.Patamad na humugot s’ya nang isang magazine doon at binuklat-buklat. Nang walang makakuha ng interes niya ay sinulyapan niya ang relo sa bisig.“Ma'am, would you like something to drink?” tanong ng sekretarya sa kanya ng lapitan siya nito.Nakangiting umiling s'ya. “No. I’m fine.”“Would you want me to tell Mr. Alvarez that you are here?” she politely offered.Muli s’yang umiling. “It’s okay. Matatapos na rin naman sabi mo ang meeting niya, hindi ba? I’ll just wait him here. Don’t worry…”“Are you sure, Ma’am?” Nag-aalangan pang tanong nito.She nodded then smiled again. “I’m really fine. Just don’t bother yourself that
Ilang beses muna s’yang lumunok, bago marahan ang mga hakbang na nilapitan ang binata.“W-What are you doing here?” nauutal na tanong niya na hindi inaalis sa mukha nito ang mga mata.Ngumiti ito at tila naman tumigil ang pag-ikot ng kanyang mundo. At tuluyan na s’yang natulala sa harap nito.Mas lalo namang nilaparan ng lalaki ang mga ngiti nito. “I just want to pick you up,” swabeng-swabeng tugon nito at ipinagbukas s’ya ng pintuan.Hindi naman niya iyon napansin dahil sa patuloy niyang pagtitig dito. That’s why he leaned forward and said, “Ganoon na ba talaga ako kagwapo para matulala ka nang husto?” at sinabayan pa nito iyon ng isang pilyong ngiti.Natauhan naman s’ya sa ginagawa and immediately composed herself. Agad niyang binawi ang pansin dito at may pagmamadaling pumasok sa loob ng sasakyan nito. Pakiramdam niya nang mga sandaling iyon ay nagkukulay rosas na ang mukha niya sa tindi ng hiyang nararamdaman.Naiiling namang umikot si Timothy sa sasakyan at naupo sa driver’s seat
“Are you nervous?” tanong ng kanyang Kuya Hanz na hindi umaalis sa tabi niya mula pa kanina ng dumating sila sa simbahan.Kaagad naman s'yang umiling sabay tingin sa orasang nasa bisig.Natawa ang kapatid. “Hindi, pero halata naman sa kilos mo,” anito. “Just try to relax, okay? Darating din ‘yun huwag kang mag-alala.” At tinapik siya nito sa balikat.Nanatili namang tikom ang kanyang bibig at napatingin sa loob ng simbahan ng marinig na nagsalita ang wedding coordinator.“Okay, guys… let’s form a line gaya ng practice natin kahapon. The bride will be here in a minute. Go… go… moved!” Anito na sinabayan pa ng palakpak.“O, nariyan na pala. Pwede ka ng huminga ng maluwag.” Bulong pa ni Hanz sa kanya.Sinunod naman niya ang sinabi ng kapatid. Katunayan niyan, kanina pa talaga s’ya hindi mapakali at naiisip na baka sa huling sandali ay maisipan ni Penelope na umatras sa kasal nila. And he felt so much scared than being nervous thinking about it.Pagkapila niya sa unahan ay pumailanlang na
“Did you know where the two of you are heading?” bulong ng kanyang ina habang inihahatid s’ya nito patungo sa nakaparadang sasakyan na maghahatid sa kanila ni Timothy patungo sa distinasyon ng honeymoon nila.“I-I… don’t know, Mom.” Umiiling na tugon niya at tumigil sandali at sinulyapan ito sa nag-aalalang mga mata.This will be the first time na malalayo s’ya ng tuluyan dito. Because after their honeymoon, she will be living with Timothy for the rest of her life.Ngumiti ito at masuyong hinaplos ang kanyang may pisngi. “There’s nothing to be afraid of, Sweetheart... You’ll be a great wife and mother to your future children,” anito.Hindi naman s’ya sumagot. Sa halip ay niyakap niya ito ng mahigpit.“Just always follow what your husband says to you and avoid fighting. Ikaw ang babae kaya ikaw ang mas dapat na umunawa sa asawa mo, dahil alam naman natin kung gaano s’ya ka-busy na tao. There were times na makakalimutan niya ang mga bagay-bagay but that doesn’t mean you’re not important
“Where are we?” tanong niya kay Timothy ng lumapag ang sinasakyan nila sa isang dalampasigan.Hindi niya maaninag kung ano ang nasa paligid nila dahil medyo may kadiliman doon, pero natitiyak niyang nasa isang isla sila.“We’re in Isla Catalina. An island in Northern Palawan na pag-aari ng pamilya namin,” anito at inalalayan s’ya sa may siko. “Careful,” sabi pa nito nang bigla s’yang matisod.“T-Thanks…” usal niya habang pilit pinakakalma ang sarili.Kakaiba kasi ang hatid na init na nagmumula sa palad nito. Nanunulay iyon sa kanyang mga ugat papunta sa kanyang puso and made it beats unevenly.Nang marating nila ang may katamtamang villa na yari sa pawid at matibay na kahoy ay iginala niya ang paningin sa madilim na paligid. Bahagya na ring nasasanay ang mga mata niya sa kadilimang iyon.“Wala bang ibang naninirahan dito?” curious na tanong niya at napakayap sa sarili ng umihip ang malamig na hangin.Umiling si Timothy na may kung anong hinugot sa bag nito at inilagay sa balikat niya.
Pigil na pigil ni Penelope ang kanyang paghinga habang papalapit ng papalapit ang mukha ni Timothy sa kanya. When he was an inch away from her, she closed her eyes and wait for his lips to touch hers.Pero lumipas na ang ilang sandali ay nanatili pa ring walang dumadampi doon. Nagmulat s’ya ng mga mata at nakitang nakatingin ng muli sa malayo ang lalaki.Hindi niya maipaliwanag ang mararamdaman sa mga oras na iyon. Gustuhin man niyang mainis dito ngunit hindi niya magawa. Mas lamang na sa sarili niya s’ya naiinis.She should not expect anything from him. Noon pa man ay alam na nilang pareho kung anong uri ng relasyon merun sila. And what they have together is purely bond by the agreement of their parents and nothing else.Huminga s’ya ng malalim upang payapain ang sarili, pagkuwa’y tumayo na. “You could use the bathroom now if you want.” Malamig niyang sabi rito bago ito tinalikuran.Bahagya lang namang tumango si Timothy ng hindi nililingon ang babae. Huminga s'ya ng malalim ng maram
“Saan ba talaga tayo pupunta?” hinihingal na tanong ni Penelope sa sinusundang lalaki.Inaya siya nitong ikutin ang isla, pero mukhang hindi naman ito marunong magpahinga. Tuloy-tuloy lang ito sa kalalakad na para bang wala itong kasama roon.Lumingon sa kanya ang nasa di-kalayuang si Timothy. “You’ll see.” Excited na sabi nito at muling nagpatuloy sa paglalakad.Wala siyang nagawa kundi ang sundan ito. Mabuti na lang at wala naman silang ibang nilalakaran kundi damuhan at mga bato. Kung nagkataong matataas na puno iyon o di kaya ay mga kugon, baka tumakbo na s’ya pabalik ng villa.Bahagya niyang binilisan ang paglalakad upang makasabay dito. Malayo-layo pa rin s’ya sa lalaki ng marinig niya itong sumigaw.“We’re here!” anito.Napabilis naman ang lakad niya at humihingal na tumabi rito, pagkuwa’y kunot-noong iginala ang mga mata sa paligid. Wala naman s’yang ibang nakikita roon kundi mga damo, ligaw na bulaklak at manaka-nakang puno.Nakapamewang na hinarap niya ang lalaki.“Is that i
“Curious lang ako,” aniya ng bahagyang lingunin ang asawa mula sa kanyang may likuran. Nasa Isla Catalina sila at nakaupo sa buhanganinan habang pinanonood ang papalubog na araw. Pagkatapos ng mga nangyari sa syudad ay mas pinili nitong magbakasyon silang muli doon. “What is it?” tanong nito. “Mahilig ka lang ba talagang magtago ng mga lumang gamit o nakakalimutan mo lang talagang itapon ang mga iyon?” curious na tanong niya rito. “Huh?” salubong ang mga kilay na sabi nito. Natawa s’ya bago muling tiningnan ang papalubog na araw sa kanluran.“You have antique things here in the island. Pagkatapos sa kwarto natin sa Manila may lumang kotse at lumang drawing na naka-frame ka,” sabi niya. Ito naman ang natawa. “Iyon ba? Galing ang mga iyon kay Mommy. She gave me that old toy when I was five. A Christmas gift. ‘Yung drawing naman na naka-frame ay ibinigay niya sa akin noong ma-ospital ako. Sabi niya noon mas madali raw akong gagaling kapag may nakita akong magagandang bagay sa pali
Walang kalaban-labang na nagpumiglas si Penelope ngunit malakas si Adam. Isa pa, nakatali ang mga kamay niya kaya napaiyak na lang s’ya sa kinakaharap na sitwasyon. Ngunit nagulat na lang ang lalaki nang makarinig ng putok ng baril at tamaan sa bandang may balikat. Nabitawan s’ya nito at uubo-ubo namang pinuno niya ng hangin ang dibdib. “Sh*t! Sh*t!” paulit-ulit na hiyaw ni Adam habang hawak ang dumudugong balikat. Tila sanay na sanay na iginala nito ang mga mata sa paligid. “Lay another finger on my wife’s body and you’ll be dead.” Nagngangalit ang mga bagang na wika ni Timothy habang marahang lumalapit sa kanila at hawak ang baril. Kasunod nito sina Brando, Hanz, Antonio, at isa pang malaking lalaki na hindi niya kilala. At lahat ay may kanya-kanyang baril na hawak.Napahagulhol naman ng iyak si Penelope ng makita ang kanyang asawa, habang si Adam ay tumatawa ng malakas at agad na may dinukot sa bulsa at itinutok sa kanyang leeg. Napatigil naman sa paghakbang si Timothy. “Akal
Umiling-iling ito. “Tsk… tsk… tsk… Hindi ka rin talaga magaling na artista ano? Kanina ko pa alam na gising ka na. Akala mo ba hindi kita pinagmamasdan mula sa labas?” nakalolokong wika nito. “And so? Are you going to kill me?” naghahamong tanong niya rito.Tumawa ito ng malakas. ‘Yung tipong paninindigan ng balahibo ang kahit na sino kapag narinig iyon. “At bakit ko naman gagawin ‘yon? Hindi pa ako nasisiraan ng bait, Penelope…” anito. “Pero kung magiging matigas talaga ang ulo mo, baka nga doon ka mauwi. Sa pagiging isang malamig na bangkay kagaya ng iba ko pang naging kasintahan.” Bigla ay nagbago ang anyo nito at nanlisik ang mga mata. Hindi naman siya nagpahalata na natatakot dito, dahil alam niyang lalo lang iyong ikatutuwa ng lalaki. “Alam mo ba…” anito at itinalikod ang suot na sumbrero. Pagkuwa’y humila ito nang isang upuan at naupo paharap sa kanya. “Alam mo bang itong kinalulugaran natin ngayon ay ang bahay-ampunan na pinanggalingan ko? Dito ako lumaki until makakuha n
"Wait, what? What did you say?" sunod-sunod niyang tanong rito. "You’re one month pregnant," walang ligoy na tugon nito.“I’m what!?” bulalas niya at mabilis na napabangon sa pagkakahiga.“Hey…” ani Candice at agad s’yang inalalayan. “Kasasabi ko lang na bawal kang maggagalaw dahil baka mapaano ang baby mo, eh,” sermon nito sa kanya.Natigilan naman s’ya at muling bumalik sa pagkakahiga.“A-Are you sure I... ahm.. I’m…” naluluhang hindi naman niya maituloy ang sasabihin dito.Naramdaman niyang hinawakan nito ang palad niya at pinisil iyon. “It’s alright… you’re doing fine. Huwag kang mag-alala, nasisiguro kong okay lang ang baby mo. The doctors were just wanted to be so sure about it. But, nonetheless, you and your baby were both fine," mahinahong sabi nito.Maluha-luhang ngumiti s’ya rito.“Thanks… kung hindi siguro kayo dumating kagabi baka napahamak na kaming tuluyan,” sising-sising wika niya.“Don’t mention it. Kahit naman siguro ibang tao ang makakita sa ‘yo tutulungan ka pa ri
“Kuya?” bungad sa kanya ni Letizia ng mababaan s’ya nito sa salas ng mga ito. “Where is your husband?” kaagad ay tanong niya rito. Napakunot ang noo nito. “Upstairs. Bakit? May problema ba?” tanong nito. Hindi ito sumagot. Balisang nagpaikot-ikot s’ya sa harapan nito, habang manaka-naka’y tumitingin sa itaas. “Kuya…? May nangyari ba?” nag-aalala ng tanong ni Letizia. “Where is Penny?” Marahas niyang naisabunot ang mga kamay sa buhok ng marinig ang sinabi nito. “I… I don’t know.” Litong tugon niya. “What do you mean you don’t know? Hindi ba s’ya umuwi sa inyo kagabi?” naguguluhang tanong nito. Napatingin s’ya rito. “What do you mean?” “She came here yesterday. At sabi n'ya dederetso s’ya sa inyo pagkaalis niya dito,” anito. Nag-isang linya ang kanyang mga kilay. “Narito s’ya kahapon? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?” galit niyang tanong sa kapatid. “Hey!” mataas ang tinig na wika nito. “Hindi ka naman tumatawag sa akin para magtanong, hindi ba?” “But I was searching fo
Bago umuwi sa kanila ay tinawagan n'ya muna si Timothy upang sabihin dito na huwag na siyang daanan sa opisina. Nagtaka man ang kanyang asawa pero hindi na ito nagtanong pa. Pagdating sa kanila ay naroon na rin ito. Nasa garahe na ang kotseng ginamit nito kanina kaya madali s’yang umakyat sa itaas. Naabutan niyang bahagyang nakaawang ang pintuan ng kanilang silid. Itutulak na sana niya iyon ng marinig na nakikipagtalo sa telepono ang kanyang asawa. “No, Dad! Hindi ba sinabi mo sa akin noon na mananatili pa rin ang daddy ni Penelope sa posisyon niya bilang CEO ng Valencia Telecom? Then, why are you insisting yourself to take over his position?” galit na sabi nito. Napatda naman s’ya. Anong ibig sabihin ng kanyang asawa sa sinasabi nito? Sino ang magte-take over?“Gambling? Sino? Si Juancho Valencia? Paano naman ninyo nasabi iyan?” sunod-sunod na tanong nito pagkuwa’y matyagang nakinig sa sinasabi ng kausap. “No. I don’t believe you. Baka sinasabi n'yo lang ‘yan dahil gusto ninyong
Halos ayaw ng pumasok ni Penelope sa trabaho ng sumunod na araw. Idagdag pa ang palagiang pagsakit ng ulo niya nang mga nakaraang araw na hindi niya rin maipaliwanag kung bakit. Hindi naman niya masabi iyon sa asawa dahil ayaw niyang mag-alala pa ito. But she doesn’t have any choice, but to go to work that day. Kung hindi s’ya papasok, baka may ibang tao na makakita ng susunod na ipapadala ni Adam doon at iyon ang ikinakatakot niya. Pagdating sa opisina ay tuloy-tuloy siya sa kanyang silid at mabilis na ini-lock ang pinto. At pagkuwa’y dahan-dahan niyang nilingon ang ibabaw ng kanyang lamesa. Napahawak s’ya sa dibdib kasabay ng malalim na paghinga, ng makitang walang kahit na anong nakalagay doon maliban sa kanyang mga gamit. Marahan ang mga hakbang na lumapit s’ya sa kanyang lamesa. At pagkababang-pagkababa niya sa bag ay eksakto namang may nahulog na kung ano sa pinaglapagan niya niyon. Isa iyong sobre. Halos hindi humihingang dinampot niya iyon at dahan-dahang binuksan. Pakira
May isang minuto na halos walang tigil ang kung sinumang tumatawag na iyon sa kanya, ay hindi pa rin niya iyon sinasagot. Tila kinakapos ng hiningang napatitig s’ya sa bumagsak na larawan sa sahig. Nanginginig ang kamay na dinampot niya iyon, habang mahigpit na nakatakip ang isa pa niyang kamay sa bibig upang hindi kumawala ang impit niyang pagtili roon. Pakiramdam niya anumang sandali ay sasabog ang ulo niya. Gusto ring kumawala ng mga luha sa kanyang mga mata, ngunit parang may pumipigil sa kanya na gawin iyon. She felt so restless and helpless at that moment. Nawalan ng lakas ang mga tuhod niya at napaupo na lang sa kanyang upuan. At ang gimbal na isip ay muling pinukaw ng pagtunog ng kanyang cellphone. Wala sa loob na dinampot niya iyon. Tanging numero lang ang nakalagay sa caller ID kaya muli n’ya rin iyong ibinaba. At mukha namang napagod na ang tumatawag na iyon sa kanya dahil tumigil na rin iyon sa wakas. Hapong-hapong napasandal s’ya sa kinauupuan habang mariing minamasah
“Ma'am may nagpa-deliver po nito sa inyo,” ani Cindy pagdating niya sa opisina. Malapad naman s’yang napangiti ng makita kung ano iyon. Isang pumpon iyon ng kulay pulang rosas. “Thanks,” aniya sa sekretarya at kinikilig na kinuha ang mga bulaklak. Dinala niya iyon sa loob ng kanyang opisina habang manaka-nakang sinasamyo. Pagkapatong sa kanyang lamesa ay agad niyang tinangnan kung may card iyon na kasama, pero wala naman siyang nakita. Kaya agad niyang kinuha ang telepono at tinawagan ang asawa. “At kanino ko dapat ipagpasalamat ang pagtawag mong ito?” bungad nito mula sa kabilang linya. “Well, Mr. Alvarez, hindi ba dapat na iniabot mo na lang sa akin kanina ang mga ito kesa ipinadeliver mo pa?” natatawang sabi niya. Narinig niyang may kumalansing na kung ano sa kabilang linya. Nahihinuha niyang nagkakape ito nang mga sandaling iyon, base na rin sa tunog ng kutsara na kanyang narinig. “Sh*t!” malakas na pagmumura nito. Kaagad naman s’yang napatayo sa kinauupuan. “Why? What hap