“Ma'am, narito na po ang ipina-dry clean n'yo,” ani Cindy ng silipin s’ya sa kanyang opisina. “Pakipasok mo na lang dito, please.” Nakangiting sabi niya sa sekretarya. Mabilis naman ito tumalima at dinala ang kanyang damit sa loob. “Do you have a meeting today?” takang tanong nito sa kanya. Umiling s’ya. “No… I’ll just wanted to surprise my husband. Nasa conference pa rin s’ya at hindi pa umuuwi,” aniya. Nakangiti naman itong tumango. “I see… You missed your husband.” May halong panunundyong komento nito. Nangingislap ang mga matang sinulyapan niya ito. “Yeah… and he misses me, too. Kaya naisip kong puntahan siya sa hotel na tinutuluyan niya.” Naguluhan naman ito sa sinabi niya. “Ma'am, may I asked something?” hindi na napigilang tanong nito. Tumango naman siya. “Hindi ba dito lang naman sa Manila ang conference nila, bakit hindi pa sa bahay ninyo s’ya tumuloy? I mean… malapit lang naman,” curious na sabi nito. Natawa s’ya. “Dahil kapag umuwi s’ya sa bahay, baka raw hindi n
“Yes, Mrs. Alvarez? How may I help you?” nakangiting tanong niya ng sagutin ang tawag ng asawa. Agad niyang ibinaba ang mga papeles na pinag-aaralan sa lamesa upang ipokus ang atensyon dito. Narinig niyang tumawa ito sa kabilang. “Mr. Alvarez, that was so lame. Perhaps try another line next time, okay?” biro nito. “As you wished, Mrs. Alvarez. Next time, I’ll think my own tag line,” sakay niya sa biro nito. “Napatawag ka nga pala?” pagkuwa’y tanong niya rito. “Ah… you know Helen, right?” may pag-aalangang sabi nito. “Uh-huh… What about her?” “Uhmm… She’s asking me to go out with her tonight. It’s her birthday by the way. But, I said I’ll asked your permission first. But, if you won’t agree, it’s fine. Marami pa namang pagkakataon,” kandabuhol-buhol na paliwanag nito. Natawa na s’yang tuluyan. “Mrs. Alvarez… that was pretty much fine with me, okay? Basta tawagan mo na lang ako when you get drunk.” “Are you sure?” May pag-aalinlangang tanong pa nito. “Very much sure. Alam ko na
“What are we doing here? I thought sa bar lang tayo?” tanong ni Penelope sa kaibigang si Helen ng makita niyang pumasok ang kotse nito sa isang hotel.“Don’t worry, Penny… I rent a place here. Mas gusto ko kasi na tayo-tayo lang ng mga kaibigan natin ang mag-celebrate ng birthday ko. Bar was too noisy to catch things up with our other friends,” sagot nito bago bumaba.Wala namang imik na sumunod siya rito. Pagdating nila sa V.I.P. suite ng hotel na iyon ay naroon na ang mga kaibigan nila. Nasa higit dalawampu rin silang lahat. Pero ang ikinapagtaka niya ay ng makita sa isang sulok si Adam na mag-isang umiinom.Nagtatanong ang mga matang sinulyapan niya si Helen.“I also invited him by the way. You know naman na wala siyang gaanong kaibigan,” balewalang sabi nito bago mabilis na nilapitan ang mga kaibigan nila, upang iwasan ang pag-uusisa niya rito.Kaya’t wala siyang nagawa kun’di ang palagpasin muna iyon at pilit ang mga ngiting nakipag-usap rin sa mga kaibigan nila, while ignoring
“I’m here at the lobby. Kung ayos na ang pakiramdam mo at kaya mo ng bumaba, I’ll wait you here. Pero kung hindi naman, I’ll go upstairs to pick you up,” malamig na tugon nito. Marahas siyang napahugot ng hininga. Paanong— Nagtatakang mabilis na lumipad ang kanyang mga mata kay Helen, na nakatingin din sa kanya mula sa salamin habang nagme-makeup. She knew na nababasa nito ang nilalaman ng isip niya. Ngunit isang kibit-balikat lang ang isinagot nito at ipinagpatuloy na ang ginagawa. At lalo lang iyong nakadagdag sa kabang kanyang nadarama. “Penelope…?” untag ni Timothy mula sa kabilang linya na bahagya pa niyang ikinaigtad. “Y-Yeah… I’m here. A-Ako na lang ang bababa…” mahinang sabi niya. Hindi naman na umimik pa ang kanyang asawa. Tunog na lang ng end button ang sunod niyang narinig. Nag-aalalang ibinalik niya ang telepono sa bag at muling sinulyapan si Helen. “Did you call my husband?” tanong niya rito kahit na alam na niya ang sagot doon. She was just still hoping na ito n
“Penny… Penny… wake up,” gising ni Timothy sa asawa. Bahagya naman itong nagmulat ng mga mata. “You have to eat para mabilis kang gumaling,” aniya at maingat na inilalayan ito sa pag-upo. “What time is it?” namamaos ang tinig na tanong nito. “It’s past six already. You’ve been sleeping for six hours long kaya hindi na ako nagdalawang-isip na gisingin ka. Kailangan na rin kasing malamnan ang tiyan mo.” Marahan naman itong tumango. “Good,” aniya at inayos muna ang ilang hibla ng buhok nito na tumatabing sa pisngi nito. Pagkuwa’y tahimik na niyang sinubuan ng lugaw ang asawa. Ngunit nakakaapat na subo pa lang ito ay agad na itong umayaw. “Just one more spoonful, okay? After that you’ll drink your medicine and you can go back to sleep.” Pangungumbinsi niya rito. Masunurin naman itong tumango at muli ay nagpasubo sa kanya. “Here’s your medicine,” aniya sabay abot ng gamot nito. Mabilis naman nitong ininom iyon kasunod ng tubig. “Now go back to sleep.” Masuyong utos niya rito.
“Ma'am may nagpa-deliver po nito sa inyo,” ani Cindy pagdating niya sa opisina. Malapad naman s’yang napangiti ng makita kung ano iyon. Isang pumpon iyon ng kulay pulang rosas. “Thanks,” aniya sa sekretarya at kinikilig na kinuha ang mga bulaklak. Dinala niya iyon sa loob ng kanyang opisina habang manaka-nakang sinasamyo. Pagkapatong sa kanyang lamesa ay agad niyang tinangnan kung may card iyon na kasama, pero wala naman siyang nakita. Kaya agad niyang kinuha ang telepono at tinawagan ang asawa. “At kanino ko dapat ipagpasalamat ang pagtawag mong ito?” bungad nito mula sa kabilang linya. “Well, Mr. Alvarez, hindi ba dapat na iniabot mo na lang sa akin kanina ang mga ito kesa ipinadeliver mo pa?” natatawang sabi niya. Narinig niyang may kumalansing na kung ano sa kabilang linya. Nahihinuha niyang nagkakape ito nang mga sandaling iyon, base na rin sa tunog ng kutsara na kanyang narinig. “Sh*t!” malakas na pagmumura nito. Kaagad naman s’yang napatayo sa kinauupuan. “Why? What hap
May isang minuto na halos walang tigil ang kung sinumang tumatawag na iyon sa kanya, ay hindi pa rin niya iyon sinasagot. Tila kinakapos ng hiningang napatitig s’ya sa bumagsak na larawan sa sahig. Nanginginig ang kamay na dinampot niya iyon, habang mahigpit na nakatakip ang isa pa niyang kamay sa bibig upang hindi kumawala ang impit niyang pagtili roon. Pakiramdam niya anumang sandali ay sasabog ang ulo niya. Gusto ring kumawala ng mga luha sa kanyang mga mata, ngunit parang may pumipigil sa kanya na gawin iyon. She felt so restless and helpless at that moment. Nawalan ng lakas ang mga tuhod niya at napaupo na lang sa kanyang upuan. At ang gimbal na isip ay muling pinukaw ng pagtunog ng kanyang cellphone. Wala sa loob na dinampot niya iyon. Tanging numero lang ang nakalagay sa caller ID kaya muli n’ya rin iyong ibinaba. At mukha namang napagod na ang tumatawag na iyon sa kanya dahil tumigil na rin iyon sa wakas. Hapong-hapong napasandal s’ya sa kinauupuan habang mariing minamasah
Halos ayaw ng pumasok ni Penelope sa trabaho ng sumunod na araw. Idagdag pa ang palagiang pagsakit ng ulo niya nang mga nakaraang araw na hindi niya rin maipaliwanag kung bakit. Hindi naman niya masabi iyon sa asawa dahil ayaw niyang mag-alala pa ito. But she doesn’t have any choice, but to go to work that day. Kung hindi s’ya papasok, baka may ibang tao na makakita ng susunod na ipapadala ni Adam doon at iyon ang ikinakatakot niya. Pagdating sa opisina ay tuloy-tuloy siya sa kanyang silid at mabilis na ini-lock ang pinto. At pagkuwa’y dahan-dahan niyang nilingon ang ibabaw ng kanyang lamesa. Napahawak s’ya sa dibdib kasabay ng malalim na paghinga, ng makitang walang kahit na anong nakalagay doon maliban sa kanyang mga gamit. Marahan ang mga hakbang na lumapit s’ya sa kanyang lamesa. At pagkababang-pagkababa niya sa bag ay eksakto namang may nahulog na kung ano sa pinaglapagan niya niyon. Isa iyong sobre. Halos hindi humihingang dinampot niya iyon at dahan-dahang binuksan. Pakira