Habang nasa daan ay naramdaman ko na lang ang dahan-dahang pagpatak ng tubig mula sa itaas. Inilahad ko ang mga kamay ko at ano mang oras ay lalakas na ang ulan kaya nagmadali na rin akong umuwi.
Pag-akyat na pag-akyat ko ng rooftop ay sinalubong agad ako ni Thunder ng isang mahigpit na yakap. “B-bakit?”
“Saan ka nagpunta? Nag-alala ako. Paggising ko wala ka na, akala ko iniwan mo na ako.” Kumalas siya sa pagyakap at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Ngumiti lamang ako ng tipid.
Nasasaktan akong makita siyang ganito. Paano pa pagtuluyan ko na nga siyang iniwan?
“Sorry pinag-alala kita. Bumili lang ako sa market. Wala na kasing laman ‘yung ref, eh.” Ipinakita ko sa kanya ang mga dalang plastic at nagpakawala naman siya ng malalim na buntong hininga. Matapos noon ay kinuha niya ang mga dala ko at sabay na pumasok sa loob.
“Wag mo nang uulitin ‘yon, ah? Nag-alala talaga ako. Naiwan mo pa ‘yung phone mo.” Sabi niya nang ilagay niya ang mga pinamili ko s
Ilang araw ang lumipas at hindi na muling nagparamdaman sa akin ang misteryosong tao na iyon. Nang masabi ko kay Thunder ang nangyari ay agad naming pinuntahan ang presinto kung saan nakakulong sila Ms. De Vera at leader Yb.Mali ako ng hinila dahil nandoon pa rin silang dalawa. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung sino ang taong iyon.“Ulan, tara na! Late na tayo.” Sigaw ni Thunder mula sa ibaba.“Oo wait.” Kinuha ko na ang mga gamit ko at saka nagmadaling bumaba. Ngayon na ang araw ng pagbalik namin sa Monstrous. Third year na kami at mayroon na lang akong isang linggo para makasama si Thunder.Pagdating namin sa Academy ay nagmadali akong pumunta sa kwarto ko. Wala pa si Ayesha kaya dali-dali akong tumalon sa kama ko at saka iyon niyakap.“Na-miss kita!” Nagpagulong-gulong ako roon ngunit agad ding napahinto nang makita ko ang reflection ni Thunder sa T.V, Agad akong tumayo at lumingon sa balkonahe.“Hi.” Bati niya sa akin.“
Thunder’s POVHindi ko alam kung anong meron ngunit tanging ingay lang ang naririnig ko mula sa labas. Pagbangon ko ay wala na si Jiro sa kama niya kaya naman nagmadali ako sa pag-aasikaso para mapuntahan si Rain sa kwarto niya.Nang matapos ay agad akong lumabas ng dorm. Naalala kong opening nga pala ng clubs para sa mga freshman ngayong araw. No wonder kung bakit ang ingay sa buong Academy.Malapit na ako sa girl’s dorm nang bigla akong lapitan ni Liam. “Sinong pupuntahan mo? Wala si Rain d’yan, nakita ko siya kanina. Hinila siya ni Jiro papunta sa parkingㅡ”Hindi ko na siya pinatapos at agad na dumiretso sa parking lot, mabuti na lang ay lagi kong dala ang susi ng motor ko. Saktong sinusuot ko na ang helmet ko nang mag-text si Rain.“Kulog, nandito ako sa hospital ngayon. Kasama ko si Jiro, gising na kasi si Zea. Sunod ka rito kapag gising ka na. I love you.”Dali-da
Tama ba ang narinig ko? Nakikipaghiwalay siya sa akin? Hindi man lang ba niya hihintayin ang paliwanag ko? Hindi ko na nagawang humarap sa kanya at nanatiling nakatalikod habang nilulukot ang hawak kong litrato.Ito naman talaga ang kahahantungan namin, eh. Ito naman talaga ang gusto ng papa niya, ang maghiwalay kami.“Mabuti pa nga.” Sabi ko kasabay ng pagtulo ng luha sa pisngi ko. Dali-dali akong tumakbo at bumalik sa dorm, mabuti na lang ay natutulog pa si Ayesha. Agad akong dumiretso sa banyo at doon umiyak ng umiyak. Ganito pala kasakit ‘yon, isa na nga ito sa mga dahilan kung bakit ayaw kong pumasok sa isang relasyon.Sinubukan kong wag isipin si Thunder ngunit hindi ko magawa. Kasalukuyan akong nasa classroom at tahimik na nakikinig sa prof. Ramdam na ramdam ko naman ang tensyon sa pagitan ni Thunder at Axel kahit na hindi ko sila tignang pareho.“Find your partner for today’s activity.” Pag-announce na pag-announce ni Sir noon ay bigla akon
Rain’s POVWala na talaga akong idea kung ano pa ang dapat kong gawin. Tinawagan ko si Zea ngunit hindi ako makahanap ng tamang salita na pwedeng sabihin sa kanya. Blanko ang isipan ko at tanging paghikbi lang ang tanging nagawa.Lumipas ang oras at hindi ko na nagawang bumalik sa klase. Nanatili na lamang ako sa rooftop, tahimik akong nakaupo at sinusubukang wag isipin ang problema. Papikit na sana ako nang maramdaman kong may dumating.“Nandito ka lang pala.” Hingal na hingal na sabi ni Jiro nang maupo ito sa harapan ko para magtama ang paningin namin.“Jiro.” Iyon lang ang lumabas sa bibig ko bago niya ako tapik-tapikin ng marahan sa ulo habang nakangiti.“Iiyak mo lang ‘yan.” Sabi niya kaya kahit pagod na sa pag-iyak ay tumulo na naman ang luha ko. Okay na rin siguro ito, kailangan ko talagang ilabas ang lahat ng sakit hanggang sa wala nang luha ang lumabas sa mga mata ko.Hinimas-himas niya ang l
“Porn porn!” Sigaw ni Thunder nang isara niya ang pinto, dahilan para umalis si Liam sa ibabaw ni Ayesha.“Nakapatong lang, porn agad? Hindi ba pwedeng na out of balance lang kaya nasa ibabaw niya ko?” Paliwanag ni Liam at napahawak na lamang ako sa dibdib ko. Akala ko kung ano na ang nangyari.“Eh bakit ba kasi umaakyat ka sa balkonahe? Alam mo namang paranoid ako ngayon, eh.” Reklamo ni Ayesha nang maupo siya sa kama.“Sinisigurado ko lang na safe ka.” Ani Liam.“Sus. Breezy, pero teka bakit? Ano bang nangyari? Bakit ka napaparanoid?” Tanong ni Thunder. Hindi pa nga pala niya alam ang tungkol doon. Hinawakan ko siya at saka naupo sa kama ko habang kaharap namin sila Liam na nakaupo naman sa kama ni Ayesha.“Naalala mo ba ‘yung kwinento ko sa’yo noon na may napulot akong bote na may kulay asul na papel sa loob?” Tanong ko kay Thunder at tumango naman siya. “Nakapulot na naman ako kagabi at ang nakalagay sa sulat ay ‘Let’s start with your Beb
Rain’s POVHindi ako mapakali sa labas ng emergency room dahil sa nangyari. Kasalanan ko kung bakit iyon nangyari, hindi ko binantayang maigi si Ayesha. Tinignan ko si Liam at nakitang balak nitong suntukin ang pader, mabuti na lang ay napigilan ko siya.“Liam. Tama na ‘yan, walang may gusto sa nangyari, okay?” Marahan ko siyang hinila para maupo at pakalmahin.“H-hindi namin naabutan. Yari talaga sa’kin ‘yon kapag nahuli ko kung sino ‘yon.... Kamusta si Ayesha? Anong lagay niya ngayon?” Hingal na tanong ni Thunder pagdating nila. Mukhang ang layo-layo ng itinakbo nila.“Wala pang sinasabi yung doctor.” Tipid na sagot ni Liam habang nakayuko.“Cr lang ako.” Paalam ko at saka nagmadaling umalis. Mukhang hindi ko na kayang itago ang nararamdaman ko.Pinilit kong maging matatag sa harapan nila ngunit hindi ko na iyon kayang panindigan pa kaya pagpasok na pagpasok ng banyo ay roon ko inilabas lahat ng luh
Monday na at laking pasasalamat ko na lang talaga na hindi gano’n kalala ang nangyari kay Ayesha kaya nakabalik na rin siya agad ng Academy. Hindi muna siya makakapasok kaya pinakiusapan ko si Liam na bantayan muna si Ayesha.Hindi na rin nagpadala ulit ng sulat ang taong iyon ngunit ito kami ni Thunder at pilit inaalam kung sino ang misteryosong tao na iyon. Hindi rin siya nag-alinlangan na komprontahin si Jiro about doon sa face mask.“May kinalaman ka ba sa mga sulat na natatanggap ni Rain?” Diretsong tanong ni Thunder. Hindi na siya nagdalawang isip pa kahit na nasa classroom kami at may professor sa harapan.“Thunder. Wag muna natin ‘tong pag-usapan. Nasa klase tayㅡ”“Anong pinagsasabi mo?” Hindi ko naituloy ang sasabihin dahil nagsalita si Jiro, namuo na naman tuloy ang tensyon sa dalawa.“What’s with the noise there?” Tanong ni Sir nang tumayo siya pero nanatili ang tensyon sa dalawa at hindi iyon pinansin. “By the way. You’ll be having Team buil
Mabilis lumipas ang araw. Weekend na naman, isang linggo na rin ang nakalipas noong huli akong makatanggap ng sulat, nakakapagtaka dahil noong magtanong kami kila Jasper at Jiro ay natigil na rin ang pagbibigay sa akin ng sulat. Wala ring kahinahinalang tao sa paligid at wala pang nagtatangkang manakit kay Thunder.Sa ngayon, ito ako at nag-aayos ng gamit dahil maya-maya lang ay aalis na kami papunta sa resort kung saan kami magt-team building. Sayang nga lang dahil hindi makakasama si Ayesha. Kailangan niya pa kasing magpagaling.“Beb, tignan-tignan mo si Liam, ah? Baka gumawa ‘yan ng kalokohan.” Bilin ni Ayesha mula sa kabilang linya.“Oo beb, takot lang niya sa’yo. Bakit kasi ayaw mo pa siyang sagutin?”“Quiet ka lang, ah? Ano kasi, k-kami na.” Napatayo na lamang ako sa kama dahil sa narinig ngayon-ngayon lang.“Ano? Kailan pa?!”“Noong bumisita siya rito pagtapos ng laban nila sa ground zero. Hmm sorry Beb, hindi ko sinabi agad.” Ngumiti ako n
Malapit ko nang marating ang kinarorooanan ni Yb ngunit isang kalabog ang pumaalinlang sa apat na sulok ng kwarto. Sa isang iglap ay tumumba si Yb dahil sa pagbato sa kanya ni Thunder.Kinuha ko na ang pagkakataong iyon para kunin si Erin, kasabay noon ay ang pag-abot sa akin ni Thunder ng hawak niyang shotgun.“Ilabas mo na si Erin.” Bilin ko at mabilis niya akong hinalikan sa labi bago lumabas kasama si Erin na ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.Nang tuluyan silang makalabas ay nilingon ko si Yb. Nakita kong inaabot nito ang baril niya na tumalsik kanina.“Isang maling galaw Yb. Kakalat ‘yang utak mo rito.” Banta ko nang itutok ko sa kanya ang baril na ibinigay sa akin ni Thunder.Mabilis siyang humarap sa akin at bago pa niya makalabit ang gatilyo ay inunahan ko na siya. Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw kasabay ng pagtalsik ni Yb sa pader. Hindi ako nakuntento at pinaputukan pa siya ng isang beses, sa sobrang la
Mabilis lumipas ang taon, at first day na ngayon ni Erin sa elementary. Natutuwa naman ako dahil namana niya ang katalinuhan ko pero at some point nadidismaya ako dahil sa dinami-rami ng pwedeng niyang manahin sa Daddy niya ay ‘yung ugali pa.“Ano ba! Sabi ko akin ‘to, eh.” Rinig kong sigaw ni Erin kay Zero. Sinilip ko silang dalawa sa living room at nakitang pinag-aagawan nila ang robot ni Xian.“Anong iyo? Kay Xian nga ‘yan eh, bigay niya ‘yan sa’kin!” Reklamo pabalik ni Zero kaya lumapit na ako sa dalawa, lagi na lang silang nag-aaway tuwing magkasama. Lagi kasing busy sila Jiro at Zea kaya ako na ang naghahatid kay Zero sa school. Magkaklase naman kasi sila ni Erin kaya wala na iyong kaso sa akin.“Anak Erin, ibigay mo na ‘yan kay Zero. Panglalaki ‘to eh.” Kinuha ko ang pinag-aagaan nilang robot at saka iyon inabot kay Zero, sakto naman dahil dumating si Ayesha kasama ang anak niyang si Xian.“Beb, si Liam? Hindi mo kasama?” Tanong ko nang
[1 and half year later]“Rain, matagal pa ba kayo?” Tanong ni Zea mula sa labas ng apartment ni Thunder. Nagmadali naman akong kunin ang gamit ko habang si Thunder ay halos hindi magkanda ugaga sa pag-alalay sa akin habang bumababa ng hagdan.“Ulan naman, eh. Sabi ko tawagin mo ako kapag bababa ka ng hagdan, mamaya n’yan mahulog ka.” Suway niya habang nakahawak sa kamay at baywang ko. Naiintindihan ko na concern siya sa amin ng anak niya pero helloㅡhindi naman ako clumsy ‘no.Oo, siyam na buwan na akong buntis at anytime pwede na akong manganak. Mas’yadong mabilis ang panahon kaya ito at todo alaga sa akin ang asawa ko.“Oh, nasaan si Jiro?” Tanong ko kay Zea, kung hindi niyo na itatanong ay buntis na rin siya. Baka nga sabay pa kaming manganak dahil kabuwanan na rin niya ngayon.“Nandito ako, bakit? Ang kulit kasi ni Matthew, hindi makapaghintay. Excited na excited sa kasal nila.” Napapakamot na reklamo ni Jiro. Sa magbabarkada kasi ay si Matthew
Ilang buwan ang lumipas ng mawala si Cloud sa amin. I know he’s okay, kasama na niya si Lord and I know that he’s watching us everyday.Kahit na puno ng galit sa akin si Sunny dahil nawala ang lalaking pinakamamahal niya, tinanggap ko iyon at alam kong mapapatawad din niya ako.“Rain, bilisan mo naman.” Reklamo ni Thunder mula sa ibaba. Kasalukuyan akong nag-aayos kasama si Ayesha dahil graduation na namin ngayon.“Maghintay ka!” Sigaw ko habang nasa harap ng salamin. Nilapitan naman ako ni Ayesha para izipper ang dress ko sa likod.“Beb, tara na.” Aya niya nang kunin niya ang toga niya. Kinuha ko na rin ‘yung akin at sumilip sa balkonahe kung saan doon naghihintay ang mainipin kong boyfriend.“Kulog. Pababa na kami.” Sabi ko at nag-okay sign lang siya bago umalis doon. Paglabas naman namin ng kwarto ni Ayesha ay nakasalubong namin sila Tymee, Zea, Amethyst, Pink at Emerald.“Oh my god. I can’t believe na gagraduate na tayo. Ang bilis ng pan
“Nasaan siya?” Tanong ko nang makarating ako sa hospital. Pagtapos ng nangyari sa hideout kanina ay sinubukan kong habulin si Yb pero bullshit! Nakatakas na naman siya. Hindi ko na alam gagawin ko, napakahirap niyang tapusin.Humingi na rin ako ng tulong sa mga pulis dahil sa nangyari at sa ngayon ay restricted muna ang sa mga estudyante sa hell’s gate.“Bakit ayaw niyo sumagot?” Tanong ko kila Axel na nasa tapat ng emergency room. Tahimik lang sila, ang iba ay nakaupo at ang iba ay nakasandal sa pader na tila ba namatayan sila.“Rain, wala na siya. D-dead on arrival.” Napalingon ako nang sabihin iyon ni Matthew sa seryosong paraan.“Pwede ba Matthew, hindi ‘to oras para magbiro.” Tinignan ko si Axel at nakatingin lamang siya sa sahig.“Nagsasabi ng totoo si Matthew. Hindi na siya umabot.” Hindi ko alam pero biglang nangilid ang luha ko nang magsalita si Jasper. Tila nanghina ang tuhod ko at napaupo na lamang sa sahig. Impo
Thunder’s POVPagpasok na pagpasok ko sa kwarto ay agad kong sinubsob ang mukha ko sa unan. Kung hindi ko pa makikita ang picture sa wallet ni Sunny, hindi ko malalaman na si Cloud pala ang ikinikwento niya sa akin. Masaya ako na hindi talaga sila engaged ni Rain pero bigla akong nakaramdam ng takot nang malamang may taning ang buhay niya.Sinubukan kong matulog pero biglang dumating si Jiro at padabog na sinara ang pinto.“Anong problema?” Tanong ko at napansin ko na lang na may mga sugat siya sa mukha.“Nakasuntukan ko ‘yung grupo ng ex ni Zea, ‘yung nanggulo noon sa reception. Fuck that guy!” Galit na galit na sabi niya nang sipain niya ang upuan. Dahil doon ay nagkaroon ako bigla ng idea.“Want some revenge? Gusto ko ng mapaglalabasan ng sama ng loob, eh.” Sabi ko at tipid siyang ngumisi. Hindi na ako nagsalita pa at tinawagan na agad ang tatlo. Matagal na rin no’ng huli kaming nakipag gangfight, mukhang magadang exercise ito.
Rain’s POV“You still love me?” Tanong ni Thunder at bahagya akong tumango, hindi ko alam na ganito ako karupok pagdating sa kanya. Lahat ng plano ko na ipamukha sa kanya na nagbago ako ay nawala na parang bula.“Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa’yo.” Pagsasabi ko ng totoo. Kahit na may ginawa siya sa akin na hindi ko nagustuhan, sa huli. Hindi ko pa rin maitatanggi na mahal ko siya.Kitang-kita ko sa mga mata ni Thunder kung gaano siya kasaya ngayon, tulad ko ay marami rin siyang napagdaanan at ayokong maging selfish. Tinignan ko siya ng diretso sa mata at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay niya.“But it’s not right, ayokong lokohin si Cloud.” Kumunot ang noo niya kaya bumuntong hininga ako, “Give me a favor, Thunder. Please, makipag-ayos ka na sa kanya.”“No. I can’t, why would I do that?” Iniwas niya sa akin ang tingin niya kaya naman hinawakan ko siya sa pisngi para maibalik sa akin ang tingin.“Listen Thunder, hi
Rain’s POV“Beb, tara na.” Aya ni Ayesha. Mukhang excited na excited siya sa team building ngayon. Hindi kasi siya nakasama noon kaya para siyang bata na first time sumama sa fieldtrip.“Oo Beb, wait lang.” Natatawang sabi ko at saka lumabas ng banyo. Kinuha ko na ang mga gamit ko at sabay na kaming lumabas, nakasalubong pa namin ang ibang girls sa lobby na halatang excited na rin.“Sabay-sabay na tayo.” Aya ni Zea kaya naman sabay na kaming nagpunta kung saan naroon ang mga bus. This time, malaya kaming mamili kung saang bus kami sasakay. Nagkita-kita kami nila Cloud sa tapat ng isang bus at sasakay na sana kami ngunit huminto siya ng makita niyang naglalakad si Thunder papunta sa direksyon namin.Sa hindi malamang dahilan, biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang ngitian niya ako bago sumakay sa bus.“What was that? Hindi niya ba ako nakita?” Tanong ni Cloud at sa totoo lang ay hindi naman siya galit kay Thunder. Gustong gus
Isang linggo ang nakalipas mula noong isayaw ako ni Thunder. Mula rin noong gabing iyon ay hindi ko na siya nakita pa. Hindi siya pumapasok sa klase at ni anino niya ay hindi ko makita, aaminin ko nag-aalala ako pero alam kong magiging okay rin ang lahat.[Flashback]“Rain, alam kong mali ang ginawa ko sa’yo 1 year ago, but believe me. Hindi ko ginusto ‘yon. ‘Yung microchip na kagaya ng kay Amanda, meron ako no’n.” Paliwanag niya at bigla na lang niyang kinuha ang kamay ko para ilagay sa bandang batok niya.Agad ko iyong kinapa at naramdaman na may peklat doon. Tinignan ko siya ulit at mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.“Tinanggal nila ‘yung microchip sa katawan ko noong gabing ‘yon. Rain, maniwala ka sa’kin hindi ko talaga ginustongㅡ”“Thunder. Okay na, naiintindihan ko pero hindi na no’n maibabalik ang dati.” Seryosong sabi ko habang marahang nakipagsasayaw sa kanya. Totoo namang naiintindihan ko pero mahirap pa sa akin ang pakisama