"HINDI ako tatanggap ng sinumang bisita," mariing sabi ni Storm sa kanyang sekretarya. Ni hindi na nga niya ito pinagkaabalahang tapunan ng tingin. Basta ang importante, nagawa niyang sabihin kung ano ang gusto niya. Basta ang atensyon niya ngayon ay nakatuon kay Judith. "You're not okay.""Yah," sabi nito saka marahang tumango. Ayaw naman kasi niyang magsinungaling dito kaya umamin na siya. Hindi rin naman kasi talaga siya sanay na nagsisinungaling. Saka, mas magaan sa dibdib kapag alam ng lahat ang kanyang plano, lalo na nang kanyang kapamilya."Ano ba kasi ang nararamdaman mo?" natataranta niyang tanong ngayon. Hinipo pa niya ang magkabilang pisngi at leeg nito dahil gusto niyang makasigurado na okay lang ito. Hindi naman iyon mainit. Sa katunayan nga ay nanlalamig pa ito. Gayunman, hindi pa rin niya makuhang maging kampante. "Kinakabahan." Nahagilap niyang sabihin. Dalangin lang ni Judith ay hindi na tanungin pa ni Storm kung anong eksaktong nararamdaman niya dahil baka hindi siy
"ARE you okay?" Nag-aalalang tanong ni Storm sa kanya. "Yes…" wika ni Judith kahit hindi siya sigurado kung bakit tinanong iyon ni Storm. Marahil dahil masyado nitong nakita ang takot na kanyang naramdaman kaninang kaharap niya si Jiwan. "Mabuti naman kung ganoon. Magpahinga ka na," utos sa kanya ni Storm.Hindi niya makuhang makakibo. Nahulog kasi siya sa malalim na pag iisip. Hindi niya kasi maintindihan ang kanyang sarili kapag may nakikita siyang lalaki na kakaiba ang tingin sa kanya. Parang nakakaramdam ng panlalamig ang bawat himaymay ng kanyang kalamnan. "Bakit tulala ka riyan?" Nag-aalalang tanong nito sa kanya. Ayaw niya siyempreng masabihan ni Storm na nababaliw kapag sinabi niya ritong takot na nararamdaman kapag may lalaking napapatitig sa kanya dahil hindi naman nagwawala ang kanyang pakiramdam kapag si Storm ang tumititig sa kny. Sa halip, nakakalmante ang kanyang pakiramdam. "Judith…"Napangiwi siya dahil sa pandinig niya, hindi Judith ang sinabi ni Storm kundi du
"HINDI po kayo pwedeng pumasok," awat ni Charvie sa nagpa-panic na boses. Kung hindi kasi siya susundin nito ay malaki ng posibilidad na mawalan siya ng trabaho at siyempre, hindi niya iyon hahayaang mangyari.Tulad ng ibang tao, lalo na iyong isang kahig, isang tuka ay hindi nanaising mawalan ng trabaho. Ngunit, dahil sa hindi naman siya ganoon kahirap. Actually, may kaya ang kanyang pamilya dahil parehong OFW ang kanyang mga magulang. So, anong dahilan at ayaw niyang mawalan ng trabaho? Ang sagot, si Dr. Storm Davis. Crush na crush niya ito. Sobra nga ang paghanga na nararamdaman niya rito kahit sa palagay niya'y aping-api siya'y okay lang sa kanya. Biro mo ba naman, sekretarya siyang maituturing pero hindi siya nito pinapansin maliban na lang kung may ipag-uutos o siya'y pagagalitan. Okay lang naman sa kanya na pagsalitaan ni Dr. Storm nang masasakit, magagawa niya iyong matiis, basta lagi niyang nakikita ang kaguwapuhan nito. Ang hindi okay sa kanya ay 'yung makitang may iba ng
NAPANGISI si Jiwan sa reaksyon ng babaeng nasa kanyang harapan – ang sekretarya ni Storm na nagkulang sa IQ. Para kasi itong nabuhayan ng loob. Alam niyang nagkaroon ito ng pag-asa. Dahil sa kanya. Hindi man nito aminin, alam niyang malaki nag gusto nito kay Storm. Kitang-kita niya ang pag-ibig sa mga mata nito kahit mabanggit lang ang pangalan ng kaptid niya sa ina. Ganyan-ganyan din ang nararamdaman niya kapag nababanggit ang pangalang Judith. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Unang kita pa lang niya rito ay tumalbog na puso niya. Nang una ay hindi niya iyon pansin peeo nu'ng oras na hindi na niya ito nakikita, parang gusto niyang galugarin ang buong Kamaynilaan makita lang ito. Buti na lang at alam niya kung saan ito matatagpuan – sa Magaling Hospital. Dahil sa alam na naman niya kung saan matatagpuan ang babaeng nagpapagulo sa kanyang puso't isipan, nakuha pa niyang magparumpik-tumpik pa. Nagpalipas pa siya ng ilang araw dahil gusto muna niyang masiguro ang kanyang damdamin
BIGLANG napadilat si Judith. "What happened?" Nag-aalalang tanong sa kanya ni Storm. May palagay siyang kanina pa siya pinagmamasdan ni Storm kaya naramdaman niyang nag-init ang kanyang mukha. Bigla tuloy niyang nalimutan ang kanyang panaginip gayung pagkagising niya ay ang lakas-lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Kunsabagay, hanggang ngayon naman ay ganoon pa rin ang kanyang nararamdaman. Parang tinatambol ang kanyang puso dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis-alis ni Storm ang pagtitig sa kanya. Well, ganoon din naman ang kanyang nararamdaman. Hindi rin niya gustong alisin ang pagtitig sa kaguwapuhan ni Dr. Storm. "Ano bang napanaginipan mo?" Tanong ni Storm. Hindi nito magawang ipagkaila sa boses ang sobrang pag-aalala. Kung hindi nga siya nagkakamali ay may panic pa siyang nararamdaman doon. Saglit siyang natigilan sa tanong nito, pagkaraan umiling. "Hindi ko matandaan. Bakit?" "Umuungol ka kasi kanina. Nakailang yugyog na ako sa'yo. Kung hindi ka pa nagising, hinalika
ANG ganda-ganda mo talaga mahal ko, sabi ni Jiwan sa kanyang sarili. Kanina ay nawawalan na siya ng pag-asa na masisilayan ang kanyang mahal dahil hindi naman ito lumalabas sa opisina ni Storm. Kaya, para hindi na siya makapag isip pa kung anong ginagawa nina Storm at Judith, minabuti na lang niyang umalis. Sabi rin kasi niya sa kanyang sarili, kailangan niyang magplano kung ano ang dapat niyang gawin para mapaghiwalay niya sina Storm at Judith. Palabas na sana siya sa Magaling Hospital nang bigla siyang huminto. Parang may umaawat sa kanya na humakbng pa palabas at saktong paglingon niya ulit sa pinanggalingan ay nakita niya si Judith. Shit! Talagang tumibok na naman ang kanyang puso kaya hindi niya napigilan na sundan ito. Siyempre, hindi na niya palalagpasin pa ang pagkakataon na ibinigay ng tadhana sa kanya. Gayunman, nagbigay siya ng distansiya at nag ingat na hindi siya nito makita. Hindi dahil sa natatakot siyang makita ni Storm. Wala siyang pakialam sa kapatid niyang iyon. An
"EXPLAIN!" Akala ni Judith ay tatahimik lang si Storm kahit nakasakay na sila sa sasakyan pero nagulat siya sa bigla nitong pagsigaw. Pakiramdam niya tuloy ay natanggal ang lahat ng tutuli niya. Dumagundong din ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya napigilan ang kabahan. Ibang-iba kasi ngayon ang hitsura ni Dr. Storm Davis ngayon. Makikita talaga sa guwapong mukha nito ang matinding galit. "Bakit kasama mo ang Jiwan na iyon?" Gigil nitong tanong sa kanya. Mahigpit na mahigpit ang hawak nito sa manibela kahit hindi niya alam kung may plano na ba itong paandarin ang sasakyan. Gayunman, naka-start na ang sasakyan. Ewan nga lang kung in-start lang iyon para gumana ang aircon. "Naki-share lang siya ng upuan," sagot niya pagkaraan ng ilang sandali. Nangangamba kasi siyang kapag hindi nito nakuha agad ang sagot na gusto nito ay magmura ito nang magmura o kaya naman ay magwala na parang bata."Ang daming upuan," gigil pa rin nitong sabi pero naramdaman niyang unti-unti na itong kumakalma.
SA palagay ni Storm ay hindi sapat ang salitang 'akin ka lang' para manatili sa kanya si Judith. Kaya naman ng makarating sila sa bahay ay agad siyang bumaba matapos sabihin kay Judith ang mga salitang 'dyan ka lang'. Pakiwari niya kasi kung hindi niya ipag-uutos ang mga salitang iyon ay agad na itong bababa at magtatatakbo papasok sa kanilang bahay. Mainit na mainit pa rin ang kanyang ulo nu'ng buksan niya ang pintuan at hilahin si Judith. Mahigpit na mahigpit ang hawak niya sa kamay nito na para bang makakawala ito sa kanya kapag niluwagan niya ang paghawak niya roon. "Storm…" kinakabahang sabi nito. Kahit na nanginginig ang boses ni Judith nang mga oras na iyon, wala siyang pakialam. Ang tanging nananahan lang sa kanyang isipan ay iyong hindi siya makapapayag na maagaw pa ito sa kanya ni Jiwan. Sabihin man sa kanya ng paulit-ulit ng kanyang Lola Anastacia na walang kasalanan si Jiwan sa nangyari sa kanyang pamilya, hindi niya iyon tanggap. Wala siyang pakialam kung anak lang si
NO reaction? Napapantastikuhang tanong ni Judith sa sarili sabay pawala nang malalim na buntunghininga. Well, ano bang ini-expect niya, sasagot ng 'I love you too' si Storm sa kanya. Ipokrita naman siya kung sasabihin niyang hindi. Siyempre gusto rin naman niyang magsabi ito ng minamahal din siya. Ngunit, hindi naman porke me nangyari na sa kanila'y awtomatiko ng bubukal ang pag-ibig nito para sa kanya. Maaari naman kasing iba ang dahilan ni Storm kaya siya inangkin. Una, mag-asawa sila. Natural lang na may mangyari sa kanila. Kung tutuusin nga'y siya itong mapilit na may mnagyari sa kanila. Idinahilan pa nga niya na gusto niyang makalimutan ang nakaraan. Well, sa palagay nga niya ay malaki ang tulong na nagawa ni Storm kaya agad siyang naka-recover. Siguro ay mas nanaig ang pag-ibig niya rito. Pangalawa, para mahigitan si Jiwan. Bigla tuloy siyang natigilan. Nakalimutan niyang iyon nga pala ang dahilan kaya siya pinakasalan ni Storm. Para makasigurado ito na hindi siya maaagaw ng
MARAHANG itinulak ni Judith si Storm. "Hindi mo ba gustong halikan kita?" Hindi makapaniwalang tanong ni Storm sa kanya. Sa tono ng pananalita ni Storm na puno ng pagdaramdam parang gustong matawa ni Judith. Para kasing may naaaninag siyang insecurity roon at hindi niya iyon mapaniwalaan. Napakaguwapo ni Storm para maisip nitong hindi niya ito gustong halikan. Napabuntunghininga lang siya nang maisip niyang pinagdaanan nito. "Hindi pa lang ako nagtu-toothbrush," mabilis niyang sabi sabay haplos sa magkabila nitong pisngi habang titig na titig siya sa mga mata nito. Diretso siyang nakatingin sa mga mata ni Storm nang sabihin ang mga salitang iyon kaya tiyak niyang naniwala ito sa sinabi niya. Nakita niya kasing ngumiti na pati ang mga mata nito. Para na nga iyong bituin na kumikislap. "Pareho lang naman tayo. Ibig sabihin, nandidiri ka sa laway ko?" Seryosong tanong nito ngayon sa kanya. "No," buong diin niyang sabi. "Good," wika ni Storm sabay tayo sa kama. Hindi niya napigila
"ANAK ng kuwago!" impit na sigaw ni Judith nang maipasok na ni Storm sa kanyang kuweba ang mala-kamagong nitong sandata. Pakiwari niya ay nahati siya sa dalawa kaya naman ang higpit ng yakap niya kay Storm. Para kasing kapag hindi niya ginawa iyon ay hihinto sa pagtibok ang kanyang puso. "Are you okay?" Tanong nito, nag- aalala. Buhay pa ba ako? Gusto niyang itanong dito pero nangamba naman siyang kapag sinabi niya ang mga salitang iyon ay bigla itong umalis sa kanyang ibabaw. Siyempre, hindi niya gugustuhin na mangyari iyon dahil gusto rin niyang maranasan ang sinasabi ng marami na magagawa niyang makaakyat sa langit. Kaya, sa halip na sagutin ang tanong ni Storm, tumango na lang siya. Sinunod-sunod pa niya ang pagtango dahil gusto niyang ipakita rito na talagang okay lang siya. "Kiss me," utos sa kanya ni Storm. Dahil gusto rin naman niya ito talagang halikan, buong pagsuyo niyang sinunggaban ang labi nito. Marahang halik lang sana ang plano niyang ibigay dito pero mapusok na h
"THANK you," bulong ni Judith kay Storm. Lumawak ang ngiti sa kanya ni Storm. "Welcome. Gusto ko lang mapasaya ka at masiyahan na rin ang mga kaibigan mo," wika nitong pinaglipat-lipat pa ang tingin sa kanyang mga kapitbahay na itinuturing na rin niyang kapamilya. Sa ilang sandali ay nanahimik ang mga tao sa kanilang paligid. Napangiti siya nang makitang kahit busy ang mga ito sa pagkain, panay naman ang sulyap ng mga ito sa kanila ni Storm. Ewan nga lang kung anong mga tumatakbo sa isip ng mga ito. Ahh, mas gusto niyang isipin na masaya ang mga ito sa kanya dahil nakita na niya ang kanyang Prince Charming. Talaga ba? Sarkastikong tanong niya sa kanyang sarili. "Hindi lang naman ako nagpasalamat sa'yo dahil sa ginawa mo ngayong araw," wika niya nang nasa kanyang silid na sila. Kailangan niyang magsabi ng ibang bagay para naman mawala ang nerbiyos na nararamdaman niya. Ganito kasi ang pakiramdam niya kapag nagkakasama sila ni Storm sa iisang lugar. Hindi naman siyempre niya narar
MANGHANG mangha si Judith nang makita ang mga pagkain na isa isang ipinapasok sa kanilang bahay – chicken afritada, kare-kare, pork imbutido, pancit na nasa malalaking bilao, barbeque, inihaw na isda, binagoongan, adobong manok at baboy, at may ilan pang putahe na inihilera sa kanilang mesa."Shucks," hindi rin niya napigilang ibulalas ng may dumating pang kahong kahong pizza. "Ang dami naman nito.""Marami ka ring kapitbahay," parang walang anumang sabi ni Storm. Nang rumehistro sa kanyang isipan ang sinabi ng asawa, natutop niya ang kanyang bibig. Hindi niya iyon mapaniwalaan. Ibig sabihin, sineryoso ni Storm ang panunudyo ng kanilang mga kapitbahay na magpakain. "Hindi mo naman kailangang…""Wala rin naman tayong matinong reception noon kaya ngayon na lang natin gawin," putol ni Storm sa kanyang sasabihin. Nakatitig siya rito kaya wala na siyang nagawa kundi ang tumango. Talaga naman kasing nababatubalani siya kapag nakikita niya si Storm na ngiting-ngiti, lalo itong gumuguwapo.
PARA kang tanga, Storm, naiinis niyang sabi sa kanyang sarili. Ewan nga lang niya kung saan saan nga ba siya napapangiti, sa maganang pagkain ni Judith o dahil pumasok na naman sa isip niya ang sinabi bi Judith. Ikaw, iyon lang ang katagang ibinulalas ni Judith pero sapat na iyon para maapektuhan siya. Shit! Talagang nag-init ang pakiramdam niya sa sinabing iyon ng asawa. Asawa? Mangha niyang tanong sa sarili. Oo nga kasal sila ni Judith pero hindi pa sila mag-asawa sa tunay na kahulugan noon ngunit, hanggang kailan nga ba siya magpipigil?Inaalala lang kasi talaga niya ang mental health nito dahil alam niya ang pinagdaanan nito. Kung maaari nga lang ay ipasailalim muna niya ito sa psychiatrist para makatiyak siyang okay na ito pero hindi niya alam kung paano niya ito sasabihin sa kanyang asawa na hindi ito nau-offend. Ngunit sa nakikita niya ngayon ay masasabi niyang okay na okay na ito kaya't hinayaan niya ang sarili na maapektuhan sa simpleng salita nito. "Ano pang gusto mong ka
BUONG akala ni Judith ay bibitawan na siya ni Storm pagpasok nila sa elevator pero nanatili pa ring hawak ni Storm ang kanyang kamay. Masarap naman sa pakiramdam na nanatili pa ring hawak ni Storm ang kanyang kamay pero dumadagundong na ang kabog ng kanyang dibdib sa sobrang kaba. "Pwede mo na bitawan ang kamay ko," wika niya pero siyempre, ayaw din naman niyang bitawan ni Storm ang kanyang palad. "Ayoko," wika ni Storm na hindi man lang siya tinitingnan gayung pilit niyang sinasalubong ang mga mata nito. "Wala na naman si Jiwan…." Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin bigla siya nitong harapin at halikan sa labi. May pagsuyo siyang nararamdaman sa halik nito kaya hindi niya napigilang gantihan din ang halik nito. "Sa tingin mo ba, hinawakan ko lang ang kamay mo dahil nandoon si Jiwan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Storm. Mahina lang ang boses nito pero nagdidilim ang mukha nito ng bahagyang lumayo sa kanya. Sa diin nga ng pagsasalita nito'y parang gusto niyang ikumpara a
ALAM ni Judith na sobrang nagi-guilty si Storm sa kanyang pag-iyak kaya naman nilakasan pa niya ang paghagulgol. Gusto niyang lalong mataranta si Storm para mapadali ang kanyang pinaplano. "Judith…" "Hindi ako baliw!" Sigaw pa niya. Kahit naman malakas na malakas ang kanyang boses, nakasisiguro naman siyang hindi siya maririnig sa labas kaya feel na feel pa niya ang pagsinghal. Doon niya ibubuhos ang galing niya sa kanyang pag-arte. Hindi man nagkaroon ng katuparan ang kagustuhan niyang makita sa telebisyon, at least, sa harap ni Storm ay magiging magaling siya. Kailangan niyang gawin ang lahat para mapaniwala ito. "Sorry…" "Sorry…sorry ka diyan pero paulit-ulit naman ang pagkakamaling ginagawa mo sa akin. Ay, di nga pala pagkakamali dahil wala ka nga palang ginagawa. Sige, hayaan mo na lang na hindi sila maniwala na may relasyon nga tayo, na mag-asawa…." Bigla siyang natigilan ng muling rumehistro sa isipan niya ang pagbigkas niya ng asawa. Para kasi siyang kinikilig sa kaisipang
ANG unang plano ni Storm ay dalhin agad si Judith sa hospital room ng Tatay Samuel nito pero nagbago ang kanyang isip nang makita na naman niya si Jiwan sa vicinity ng Magaling Hospital. Kahit naman hindi niya ito tanggap na kapatid, hindi niya maaatim na ipahiya ito sa lahat kapag pinagtabuyan niya. Basta wala itong ginagawang masama ay hahayaan muna niya ito. Huwag lang talaga nitong guguluhin si Judith. Nakuyom niya ang kanyang kamao. Sa kaisipang nag-uumpisa na itong gumawa ng paraan para mapalapit kay Judith, parang gusto niyang bugbugin si Jiwan. Hindi man lang ito nag-alangang ipakita sa kanya kung anong nararamdaman nito kay Judith. Manang-mana talaga ito sa mang-aagaw na ama! Mararahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Gusto sana niyang isigaw na 'hindi mo maaagaw sa akin si Judith' , pero walang lumabas sa kanyang bibig. Saka, bakit naman niya iyon gagawin iyon kung wala naman si Jiwan. "Relax ka lang," sabi ni Judith nang pabalibag niyang isara ang pinto ng kanya