Evie's POV
Marahan kong iminulat ang mga mata ko. Namulatan ko ang puting kisame. Nasilaw ako sa liwanag kasabay niyon ang pagkirot ng ulo ko. Para itong pinupukpok ng isang libong mason. Sinabayan pa iyon ng sikmura ko na parang hinuhukay ng isang libong hardinero.
Dahan-dahan akong bumangon. Medyo naliyo pa nga ako. May hangover yata ako. Iniling ko ang ulo ko. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba ako uminom ng napakaraming alak kagabi?
Napahawak ako sa ulo kong masakit. Ipinikit-iminulat ko ang mga mata para maging normal ang paningin ko. Umiikot kasi ang paningin ko dahil sa sobrang hilo.
"Aray ko, ang sakit naman ng ulo ko." mahina kong reklamo.
Nakakita ako ng bottled water at gamot sa tokador. Baka pra sa sakit ng ulo to. Agad kong kinuha ang gamot at tubig. Ininom ko kaagad ang gamot maging ang tubig. Napabuntong-hininga ako pagkatapos.
Kikilos na sana ako para tumayo nang mapansin kong parang may kulang sa
Evie's POVNapalunok ako ng maraming laway. Bakit ang lapit ng mukha niya sa akin? Dumadagundong na naman ang puso ko sa sobrang kaba. Ang aga-aga namang nang-akit ng nilalang na ito! Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagwapong nilalang na gwapo pa din kahit magulo ang buhok niya. Tumikhim ako parang lalabas na kasi yung puso ko sa lalamunan ko dahil sa kaba. Tila natauhan ito sa ginawa ko, saka walang pakundangang binitiwan ako. Diretso akong napaupo sa sahig."Aray ko." reklamo ko sa kanya saka tiningnan siya ng masama.May gumuhit na pag-aalala sa mukha niya pero nawala din kaagad iyon. Naging malamig ang anyo nito sa akin. Hindi ito nagsalita binitiwan lamang ako nito. Napahawak ako sa pwetan ko na masakit. Che! Gwapo nga hindi naman gentleman! Huwag na lang!Sinubukan kong tumayo saka paika-ika akong naglakad papunta sa sofa. Nasa veranda ito, tahimik lamang na nakamasid sa dagat. Peste talaga itong lalaking ito! May pasalo-salo pa siyang nala
Evie's POVMatulin na lumipas ang mga araw. Heto ako ngayon sa harap ng kompanya. Kinakabahan ako ng sobra ngayon. Matapos kasi noong sinabi ni sir Keith na "let's keep things professional" hindi na ako nito iniimikan kung hindi naman kailangan. Hindi naman malamig ang pakikitungo niya pero ramdam ko parang naglalagay siya ng invisible wall sa aming dalawa.Natuwa man ako sa ginawa niya. Pero hindi ko pa din maikakaila na medyo nanghihinayang ako. Hindi ko alam kung bakit. Pero parang nawalan ng kulay ang araw ko. Walang hiya kasi yung lalaking iyon, matapos niyang makita ang lahat-lahat sa akin. Sasabihin niya na i-distansya namin ang sarili sa isa't-isa. Nakakahiya man ang nangyari pero nasaktan din ako sa ginawa niya. Baka kasi may hindi siya gusto sa katawan ko. Baka kasi ayaw na niya sa akin kasi nakita niya na ang lahat-lahat!"Mas okay na din ito. Kaysa naman magkaroon pa kami ng relasyon na hindi dapat naming pasukan." bulo
Evie's POV Awtomatikong napabaling ako sa likuran ko. Si Sir Keith ang nakita ko. Madilim ang aura ng mukha nito habang nakatingin sa aming dalawa ni Owen.Napansin ko rin ang pagkuyom ng kamao nito. Mukhang handa ng manapak. "Answer me! Damn it!" sigaw nito sa aming dalawa ni Owen. Kinabahan ako ng husto sa inasal niya. He is like an angry demon that could kill his prey right now! Napakunot ang noo ko sa inasal niya. Bakit ba siya ganito? Nagalit ba siya dahil lang niyakap ako ng kaibigan kong si Owen? O dahil iniisip niya na malandi akong babae? Nang maisip ang huli ay sinilaban ako ng galit. "What's wrong with you, couz? We were just catching up. Close kami ni Evie dati pa. At saka, medyo matagal din kaming hindi nagkita. Isang linggo din siyang nagbakasyon sa Cebu. At ako naman kakarating ko lang mula sa business trip. Nami-miss ko lang siya ng husto." nakangiti namang paliwanag ni Owen kay Keith. "Do you need to
Keith's POV Napahinto sa paglalakad si Genevieve. Napahigpit ang hawak nito sa tray na dala niya. Maya-maya pa'y bumaling ito sa akin. Punong-puno ng galit ang mga mata nito. Pero mas nakakatakot ang sumunod niyang ipinakitang reaksyon. She gave me a cold stare. Iyong tipong wala siyang balak na sagutin ang tanong ko. Hindi ko alam kung kailan nagsimulang mag-init ang ulo ko. Uminit ba ito nang makausap ko si mommy kaninang umaga. O uminit ito nang makita ko sina Genevieve at Owen na magkayakap sa labas ng opisina ko. They were like a couple who were madly in love with each other. Bakit ganito? Ayaw kong mahawakan si Evie ng ibang lalaki. This woman really enjoy the line I drew between us. Mukhang nagustuhan pa nga nito ang linyang inilagay ko sa pagitan naming dalawa. "Hilig ko man po o hindi sir, wala ka na pong pakialam doon. Hindi naman kasama sa trabaho ko na i-report ko sa inyo ang lahat ng kalandian na ginawa ko, di ba?" pilosopo nitong tanong sa akin.
Evie's POVNapatanga na lang ako sa babaeng kaharap ko. Napakaganda nito ngunit napaka liit ng katawan. Kumbaga standard beauty ng mga koreano. Agad itong tumakbo papunta kay Sir Keith. Wala naman akong nagawa kundi sundan na lamang siya ng tingin.Niyakap kaagad nito si Keith sa harap ko. At ang damuhong na lalaki ay gumanti naman ng yakap sa bruha! Sino kaya ang babaeng ito? Bakit kung makayakap siya kay Keith, wagas?! Nagbitiw naman ng pagkakayakap ang dalawa. Saka lamang ako binalingan ng babae."Who is she, oppa?" nagtatakang tanong ng babae sa akin saka tiningnan ako.Napakamot naman sa ulo si Keith. He looks like a teenager who is flirting with the girl he likes! Gusto ng tumirik ng mata ko sa sobrang irita! Seriously?! Matapos niyang makita ang lahat-lahat sa akin tapos maglagay ng linya sa pagitan namin, lalandi na siya?! Aba!"She's my executive secretary. She's Genevieve Montes, dad's former secretary." nakangiting pakilala ni Keith sa akin sa bab
Evie's POVIpinikit-imulat ko ang mga mata. Tama ba ang nakikita ko? Yung bestfriend ba ni Sir Keith at yung babae kanina ang naghahalikan? Mabilis kong hinanap si Sir Keith. Nasa mesa niya ito at nagpipirma ng mga papeles. Mukhang walang pakialam sa dalawa na nagtutukaan sa tapat niya!Agad akong lumayas sa opisina ni Sir Keith. Baka kasi maka-istorbo pa ako sa nagtutukaan sa harap ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas ako ng opisina. Iniiling ko ang ulo. Hindi ba ako nagkakamaili sa nakita ko kanina? Baka naman dinadaya lang ako ng mga mata ko. Ganoon na ba talaga ako ka-desperada na umasa na sana wala silang relasyon ng babaeng iyon?Dali-dali akong nagpunta sa pantry saka inilagay doon ang tasa na kanina lang ay dala ko. Inilapag ko iyon sa lababo. Hinugasan ko na din iyon bago ako bumalik sa table ko para kunin ang cellphone at wallet ko. Baka kasi dahil sa gutom kung kaya't kung anu-ano na lang ang nakikita ko.Lakad-takbo ang ginawa ko. Nang maratin
Keith's POVI am currently sitting on my swivel chair while reading the papers that I need to sign. Gusto kong pigilan si Genevieve kanina na umalis dahil alam kong magkikita na naman silang dalawa ni Owen sa baba. Sigurado akong maglalambingan na naman ang dalawang iyon.Marahas kong inilapag ang mga papel sa mesa saka ako bumuntong-hininga. Sumandal ako sa swivel chair saka napatingin na lamang sa kisame. Gusto ko siyang sundan sa baba pero wala akong maisip na idadahilan sa kanya. Hindi ko din maiwan itong dalawang asungot na naghahalikan pa din hanggang ngayon. Hindi na nga nila ako pinansin. "Get a room for Pete's sake!" sigaw ko sa dalawang naghahalikan.Natigil naman ang mga ito sa ginagawa saka binalingan nila ako ng sabay. Parehong natatawa ang mga ito. Magkasalubong na kasi ang mga kilay ko. Alam nila na naiinis na ako ng husto sa kanilang dalawa. M********n ba naman sila sa harapan ko!"Bro, just admit that you're jealous. Why don't you find yourse
Evie's POVLiteral na napanganga ako sa sinabi niya. Ano bang pinagsasabi ng amo kong ito? Nagseselos ba siya? Gusto kong kiligin sa naisip ko. Putik! Kilig talaga?! Saan galing iyon?"She's my friend and I will not staying out of her life. I don't really know the real reason why you're acting possesively towards her, Keith. But I can assure you that she's just my friend nothing more, nothing less." natatawang saad ni Owen kay Keith.Nagtatakang napatingin naman ako kay Keith. Kumalma naman ang aura nito saka ako binalingan. Binitiwan niya ang kamay ko saka lumayas na lamang basta-basta sa harap naming dalawa ni Owen. Malalaki ang hakbang nito papunta sa labas ng cafeteria. Pinagtitinginan naman ito ng bawat babae na madaanan nito. Nakasunod ang mga mata nito kay Sir Keith. Nag-alburoto naman ang bumbunan ko sa nakita. Bakit ba kasi ang gwapo ni Sir Keith? Pinagtitinginan tuloy siya ng mga babaeng empleyada!Nakasimangot kong tiningnan si Owen. Nakangiti lamang i
Evie’s POVTahimik ang buong kwarto. Ang tunog ng aircon ay tila bumubulong, ngunit para sa akin, parang sigaw ito sa kawalan ng sagot mula sa kanya. Si Keith, nakahiga sa ospital bed, nakatitig sa akin nang hindi kumikibo. Hindi ko maintindihan kung bakit gano’n na lang siya tumingin—parang nagbabasa ng isang kwento na wala siyang intensyong tapusin.Ako naman, nakaupo sa maliit na upuan sa tabi ng kama niya. Pilit kong pinapakalma ang sarili. Pero sino ba naman ang kakalma sa ganitong sitwasyon? Kami lang ang narito sa kwarto. Walang ibang tao, walang ibang ingay. Nakakatakot ang ganitong klaseng katahimikan, lalo na kapag kasama mo ang taong hindi mo mabasa ang iniisip.Ang kamay niya ay nakahawak sa kamay ko. Mainit ang palad niya, ngunit nararamdaman kong nanginginig ito nang bahagya. Ang mga daliri niya, mahigpit ngunit banayad ang kapit, halos hindi umaalis sa singsing na suot ko. Ang singsing na ibinigay niya sa akin noong araw na halos hindi ko naisip na posible pa siyang maw
Evie's POVGabi na noon, tahimik ang paligid ng ospital, ngunit sa loob ng isip ko ay napakaingay. Nakatitig lamang ako sa puting kisame, naglalakbay ang mga mata sa kung ano-anong porma ng ilaw na sumasalamin doon. Nababagot ako ng husto, pero higit sa lahat, nami-miss ko si Keith. Ang bawat minuto ay parang oras, at ang bawat oras ay parang taon. Sabik na sabik na akong makita siya, marinig ang boses niya, at sabihin sa kanya ang matagal ko nang gustong sabihin—handa na akong magpakasal sa kanya.Bakit ba hindi ko kaagad tinanggap ang proposal niya? Naiinis ako sa sarili ko sa tuwing iniisip ko ang mga oras na nasayang dahil sa mga alinlangan ko. That day, I let my insecurities win. May mga taong nagsabi sa akin na hindi niya ako deserve, na hindi ko siya deserve, na hindi kami bagay. Noong una, hindi ko iyon pinansin, pero habang tumatagal, naging lason ito sa isipan ko. Lalong lumalim ang mga duda ko sa sarili ko. Sino nga ba ako para dalhin ang apelyido ng isang pamilya tulad ng K
Keith's POVThe waiting is unbearable. Every second feels like an eternity as I sit here, desperately clinging to the hope that there will be news about Evie soon. The thought of losing her... it’s a hollow, suffocating ache in my chest. My world would be nothing without her. She’s my light, my reason for living. I want to stand by her side, not just as a lover but as her husband. I want to wake up every day and see her smile, to hold her in my arms and never let go. I dream of being the father to our children, building a future together where every moment is filled with her presence. But right now, all of that feels so far away. Am I selfish for wanting all of this? Am I too greedy to wish for her to stay by my side forever?The memories won’t stop haunting me. This is my fault. If it weren’t for me, she wouldn’t be in this situation. She’s lying in critical condition because of the choices I made, the enemies I failed to stop. She saved me, not once, but over and over again. Even wh
Evie's POVNapasinghap ako nang magising, agad kong naramdaman ang kirot sa bawat bahagi ng katawan ko. Pilit kong minulat ang mga mata ko, ngunit malabo pa ang paningin. Unti-unti akong nag-angat ng ulo at tumingin sa paligid. Isa itong bahay—luma, abandona, at puno ng alikabok ang sahig at mesa. May sapot sa bawat sulok ng dingding, at ang amoy ng amag ay sumisingaw sa hangin.Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Nakagapos ako sa isang matibay na kahoy na upuan. Ang mga lubid sa kamay ko ay masikip at mahapdi na sa balat. Pakiramdam ko'y umiikot ang mundo sa takot at kaba, lalo na't naramdaman kong kumikilos ang maliit na buhay sa loob ng sinapupunan ko.Kailangan kong protektahan ang anak ko."You're awake, Miss Montes." Isang malamig na boses ang pumuno sa katahimikan, dahilan upang mapalingon ako. Lumapit mula sa dilim ang isang pamilyar na mukha—si Mister Kim, ang adopted son ng ama ni Chairman Kim. Nakangisi siya, puno ng kumpyansa at yabang."I didn't pay attention to you very muc
Keith's POV"Everything will be fine, hijo. They will find her," malumanay na saad ni Mom, pilit na pinapakalma ang aking kalooban. Ngunit kahit ang pinaka-maamong boses niya ay hindi kayang pahupain ang alon ng pagkabalisa na bumabalot sa akin.Kanina pa ako pabiling-biling ng higa dito sa kama. Hindi mapakali, tila bawat segundo’y isang martilyo na tumatama sa aking isip. Ang pakiramdam ng kawalan ng magawa ay para bang unti-unting sinasakal ang bawat himaymay ng aking pagkatao. Damn it! Genevieve is in danger, and here I am—helpless.Sa gilid ng aking paningin, nakita ko si Mom at Dad na nakaupo sa sofa ng private room ko. Tahimik silang dalawa, pero malinaw sa kanilang mga mata ang parehong takot at pag-aalala na bumabagabag sa akin. Ang kamay ni Mom ay mahigpit na nakahawak sa braso ni Dad, na tila pilit sinusuportahan ang isa’t isa sa gitna ng aming walang katiyakang sitwasyon.Sinubukan kong kalmahin ang sarili, ngunit hindi ko mapigilan ang paglutang ng samu’t saring tanong sa
Evie's POVNakapasok na ako sa floor kung saan naroon ang conference hall. They are asking for trouble. I wear my red hatler above the knee dress. Pinarisan ko iyon ng kulay pula ding killer boots. Naglakay ako ng smoky make up. Itinali ko lang ng ponytail ang mahaba kong buhok. Palaban ang aura ko ngayon. Naglalakad ako ng dahan-dahan natatakot ako na mapano si baby kapag natapilok ako. "Let's save daddy and grandpa's legacy anak." Mahina kong bulong sa baby ko.Nakasunod sa akin sina kuya Genesis at Jasper. Sila ang representative ni Chairman Kim at Keith. Wala pa din si Owen kanina ko pa ito tinatawagan. Alam na nito ang nangyayari sa kumpanya, they dare to remove Keith from his position in the company. Baka katulad ko ay na traffic lang din ito. I need to deal with this old man as soon as possible para makabalik na ako kay Keith. Hindi naman nagtagal at nasa harap na ako ng conference hall. Narinig kong pinagbobotohan na ng mga ito na patalsikin si Keith sa kompanya. Agad akong p
Evie's POV "What is it, hija?" tanong niya sa akin. Magsasalita na sana ako pero biglang bumukas ang pintuan ng operating room. Iniluwa noon ang mga nurse pati na ang mga doctor. Tulak-tulak nila ang higaan kung nasan si Keith. " I am sorry to say this, Mrs. Kim. But your son fell into coma. We need to bring him in the ICU. Let's just pray that he will wake up soon." balita sa amin ng doctor. Bumigay ang tuhod ko sa narinig. Mabuti na lang at hindi ako tuluyang nabagsak sa sahig. May malakas na bisig na umalalay sa akin. Wala sa sariling binalingan ko ito. Si Owen pala ito. "Hindi, hindi pwedeng mangyari to." nanginginig na saad ko. Lumabo ang paningin ko dahil sa luha na nangingilid sa mga mata ko. Bakit ang sakit tanggapin? Napabaling ako sa kinaroroonan ni Keith. Nakaratay ito sa higaan habang may tubo sa bunganga niya. "Hija, be strong. He will fight." Malungkot na saad ni Madame Kassandra habang hawak ang mga kamay ko. Humagulhol lamang ako ng iyak. Habang tinat
Evie's POVDumating na sina Madame Kassandra at ang Daddy ni Keith. Tulad ko ay lumuluha din ng tahimik si Madame Kassandra. Inaalo naman ito ni Sir Andrew na halatang nag-aalala din sa kanyang anak base sa ekspresyon na nababakas sa mukha nito. Gusto kong sisihin ang sarili ko sa nangyari. Kung hindi dahil sa akin hindi sana mapapahamak si Keith. Gusto kong ibalik ang oras pero alam kong di na pwede.Hindi ako makalapit kay Madame Kassandra dahil guilty ako. Nakokonsensya ako dahil sa nangyari kay Keith. Wala na akong mailuha pa. Siguro'y dehydrated na ako sa sobrang pag-iyak ko. Nag-alala tuloy ako bigla sa baby ko. Napahawak ako sa puson ko. Hang in there, baby. Daddy will wake up soon! Laking tuwa ko nang dumating sina Owen at Carla. Agad akong niyakap ni Carla. Gumanti naman ako ng yakap sa kanya. Habang si Owen naman ay malungkot lamang na nakamasid sa aming dalawa ni Carla."Kumusta ka, Evie?" Malungkot na tanong sa akin ni Carla habang nakayakap pa din ito sa akin.Bumitaw
Evie's POV Hindi ko alam kung totoo ba ang naririnig ko o nagha-hallucinate lang ako. Ngumiti ang doktor sa reaksyon ko. Siguro sanay na siya sa mga ganitong reaksyon. Sinampal ko ang sarili ko. Baka kasi panaginip lang ang lahat. Baka nananaginip lang ako. Pero hindi napa-aray ako sa sakit ng pisngi ko. Kung bakit naman kasi napalakas ko pa ang sampal ko sa sarili ko. Napansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao dito. Iniisip siguro nila na nababaliw na ako. Sino ba naman kasi ang hindi matutuliro sa ganitong balita. May baby na sa sinapupunan ko sa loob ng isang buwan hindi ko man lang napansin! Heto pa ang malala nakaratay ngayon sa operating room ang tatay nitong baby. O di ba ang saya?! Kung bakit ba kasi active na active kami ni Keith sa jugjugan nung nakaraang buwan eh! Hindi nga ako nagkakamali ng isipin ko na baka may nabuo na sa ginagawa naming milagro. Napakamot ako sa ulo ko na hindi naman talaga makati. Trip ko lang siyang kamutin dahil stress ako! "You should start t