“UTANG NA loob, Andy, magpakalalaki ka sa harapan ng mga kaibigan ko!” Pinandilatan niya ito ng mga mata, “Subukan mong lumandi landi sa harapan nila, makakatikim ka sakin!”
“OA mo naman! Bakit ko naman lalandiin ang mga kaibigan mo. May taste naman ako ‘no.”
“Hindi iyon ang ibig kong sabihin!” aniya dito saka nagtungo sa kusina para magluto ng baked macaroni na request ni Diane at Britney sa kanya. Kinakabahan siya kay Andy dahil baka bumigay ito mamaya. Syempre pa, kahit naman hindi sila nagmamahalan at arrange marriage lang ang pagsasama nila ay ayaw pa rin naman niyang mapahiya sa kanyang mga kaibigan.
Ano na lang ang sasabihin ng mga ito?
&n
“SINO namang me sabi saiyong sya iyong description ko ng isang prince charming!” Mariing tanggi niya, “Ang layo ha. Saka kapag nakilala nyong mabuti si Andy, siguradong ma-tu-turn off kayo.” “Mukha namang mabait ah. Kita mo nga, nag-abala pang bilhan tayo ng pizza,” si Diane. “Nabilhan lang ng pizza, mabait na kagad?” Si Aldo, “Hello, ilang beses ko kayong nabilhan ng hotdog at fish ball pero di nyo ko sinabihan ng ganyan!” Pinandilatan ito ng mga mata ni Britney, “Aldo, bait at itsura ang pinag-uusapan namin dito. Sa kabaitan nga sablay ka na, sa kaguwapuhan pa kaya? Kaya manahimik ka na lang, okay?” &l
NAGULAT SI CATHERINE nang tulungan siya ni Andy sa pag-aayos ng kanilang garden. “Wow, may kusa ka rin naman pala,” nakaismid niyang sabi dito. “Mahilig talaga akong maghalaman,” sabi nito sa kanya habang inaalis ang mga damo sa palibot ng halamang tinanim ng Daddy niya, “Medyo naging busy lang ako lately.Iyong garden sa bahay, ako halos ang nag-ayos nun. Libangan ko kapag stress ako.” “Para ka palang si Daddy. Kapag nastress, nagkakalkal ng lupa at nagtatanim,” aniya dito, “Kahit sa States, may garden iyong bahay nyo?” “Oo, ako mismo ang nag-ayos at nag-aasikaso.”&n
VALENTINE’S DAY. Maaga palang ay nakabihis na si Andy para bumili ng regalo kay Alexa. Isang mamahaling bracelet ang binili niya rito, isang basket ng chocolates at isang bouquet ng tulips. “Alexa, baba ka na sa condo mo, in five minutes nandyan na ko. Hindi na ko baba ng sasakyan para hindi tayo ma-traffic, okay?” aniya sa dalaga. Eksaktong five minutes ay nanduon na siya sa tapat ng building nito. Nakangiting sumakay si Alexa sa kanyang sasakyan. “Happy Valentine’s day, love,” aniyang iniabot dito ang box ng jewelry na binili niya saka ang mga bulaklak at ang basket ng mga bulaklak. “Oh my gosh, you are so sweet, Andy,” tila
HATINGGABI na nang ihatid si Catherine ni Mak sa bahay. Patay pa rin ang ilaw sa loob maliban sa garden, ibig sabihin hindi pa rin umuuwi si Andy. “Hmm, mukhang hindi dyan uuwi ang kasama mo,” nakangising sabi ni Mak sa kanya, “Mabuti naman.” May pait sa mga labing napangiti siya. “Goodnight Mak. Thank you. . .” “I do hope you had fun,” anitong nakatingin ng matiim sa kanya, “Sana talaga natuwa ka sa concert ni Sarah G.” “I did. I really had fun. . .” “Until you sa
PAKIRAMDAM ni Andy ay ilang boltahe ng kuryente ang gumapang sa kanyang buong katawan nang pagpasok niya sa loob ng kuwarto ay mabungaran niya si Catherine na kalalabas lang ng banyo at wala kahit na anong saplot sa katawan. Sunod-sunod ang kanyang ginawang paglunok. Ewan pero hindi niya magawang alisin ang tingin niya dito. Waring may magnetong humihigop sa kanya para titigan ang nakakagigil nitong katawan. Ramdam niya ang pagkislot ng nasa pagitan ng kanyang mga hita. Damn. Nasa langit ba ako? “Walanghiya ka, anong
“ANDY. . .” Hinalikan ni Andy si Catherine. Wala na siyang oras para makinig sa sasabihin nito. “Catherine, I don’t have time. Gusto ko lang mawala itong init na nararamdaman ko para saiyo. . .” sabi niyang pinaghahalikan na ito. “Andy!!!!” Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Napabalikwas siya. Pagmulat niya ng mga mata ay nag-iisa lamang siya sa salas. Wala naman si Catherine. Damn. Nanaginip
“ALEXA, bakit ba nagpapaloko ka kay Andy? Malinaw naman na hindi ka nya talagang mahal! Ako ang totoong nagmamahal saiyo, may asawa na si Andy, kalimutan mo na sya!” Galit na galit na sabi ni Justin habang hawak nito ang isang braso ni Alexa, “Ako ang totoong nagmamahal saiyo!” Tila nagsusumamong sabi nito sa kanya. “Please, Justin. . .” Umiwas siya ng tingin dito dahil ayaw niya itong kaawaan. Mas lalong hindi niya kayang tanggapin ang sinasabi nito. Naniniwala siyang mahal siya ni Andy at naghihintay lamang ito ng tamang pagkakataon para makipaghiwalay sa Catherine na iyon. “Fuck, Alexa. Ako itong totoong nagmamahal saiyo! Bakit ka ba nagbubulag-bulagan? Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Look at you
“ANDY. . .” Sinikap maging kalmado ni Catherine habang kinakausap si Andy, “Pupunta tayo sa ospital. . .” Nangunot ang nuo nito. “N-Nasa ospital ngayon ang Papa mo.” Nakita niya ang panic sa mga mata nito, “Anong nangyari kay Papa?” Nag-aalalang tanong nito sa kanya. “Hindi ko pa alam iyong buong detalye. Si Daddy lang ang nakausap ko,” aniya dito, “Let’s go.” Aniya. Ang totoo ay nangangatal na ang buong katawan niya. May trauma siya kapag naririnig ang salitang ospital. Naalala niya ang Mommy niya.&
HALOS mapaiyak si Andy habang nakatitig kay Catherine na naglalakad patungo sa altar kung saan ay naghihintay siya. Ang kapatid niyang si Justin ang naghahatid dito samantalang ang kakambal naman niyang si Anthony ang bestman niya. Nilingon niya ang ama na halatang walang pagsidlan ng kaligayahan habang nasasaksihan ang napakahalagang pangyayari na ito sa buhay niya. Nakita rin niyang umiiyak ang Mama niya. Kagabi ay halos hindi sila maghiwalay ng mga magulang sa walang sawa niyang pagpapasalamat sa mga ito. Oo nga at hindi niya biological parents ang mga ito ay alam niyang itunuring sila nitong parang isang tunay na anak. Kaya nga laking gulat niya nang malamang ampon lamang pala sila ni Anthony. Ni minsan kasi ay never siyang nagkaroon ng hint na hindi sila kadugo ng mga ito. Ngayon lamang niya narealize kung gaano siya kabless. Bagama’t hindi niya nakilala ang tunay nilang mga magulang, mapalad siyang pinagkalooban ng mga taong magmamahal sa kanila.
KUMPLETO ang buong pamilya ni Facundo para sa dinner na ipina-set up niya. Tiniyak niyang magugustuhan ng mga anak niya ang mga pagkain kung kaya’t kinuha pa niya ang pinakasikat na catering service para sa araw na iyon. Nagulat siya nang dumating si Justin kasama ang isang napakagandang babae na ipinakilala nito sa kanya na si Elizabeth. Napansin kaagad niya ang kakaibang kislap ng mga mata ni Justin. Pakiramdam niya ay unti-unti na nitong nakakalimutan si Alexa. Wala siyang ibang hangad kundi makitang masama ang bawat isa sa kanyang mga anak at sa tingin naman niya ay unti-unti nang nabibigyang katuparan ang lahat ng iyon. Nilingon niya sina Andy at Catherine na masayang nakikipaglaro sa kanyang apo. May ngiting sumilay sa kanyang mga labi. Parang kalian lang ay mukhang aso’t pusa ang mga ito ngunit ngayon, halos hindi na maghiwalay. Tama siya. Unang kita pa lamang niya kay Catherine, alam na niyang sa pilin
“SORRY SA MGA SINABI saiyo ni Alexa,” sabi ni Andy kay Catherine. Pagkagaling nila sa ospital ay dumiretso sila sa pizza house para kumain ng paborito nilang Hawaiian pizza. Nagkibit siya ng balikat, “Sanay na ko sa kanya. Pero knowing me, hindi ko pa rin napigilang pangaralan siya! But deep inside, awing-awa ako sa kanya. Alam ko kasi kung gano kahalaga sa kanya ang self image.” Ginagap ni Andy ang isang kamay niya, “God, ngayon ko narealize kung gaano ako ka-swerte saiyo. Nuon, naiinis ako sa pagiging natural mo. Iyong lumalabas ka ng bahay kahit hindi ka nakaayos. Pero ‘yan din ang minahal ko saiyo. Iyang pagiging totoo mo. At napakaswerte ko saiyo!” “Dahil mabait ako?” “Dahil low maintenance ka lang. At least hindi magastos!” Nakatawang sabi nito sa kanya. Napangiwi siya, “Talaga lang ha?” “But seriously, I am so lucky to have you. Mas lalo kang gumaganda dahil hindi mo kailangang maging fake just to
“NOOO!!!” Ang lakas ng tili ng ina ni Alexa nang malamang kailangang putulin ang isang binti ng anak. “Tita,” Nakikisimpatyang sabi ni Andy. Hindi niya maimagine kung ano ang gagawin ni Alexa kapag nagising itong wala na ang isang binti nito. Alam niya kung gaano kamahal ni Alexa ang pagmomodelo. Besides, napakabanidosa nito kaya mahihirapan itong matanggap ang pangyayari. Ngunit ang sabi ng doctor ay iyon lamang daw ang tanging paraan. Kailangang putulin ang binti nito. Gusto sana niyang sabihin sa matanda na isipin na lamang nitong swerte pa rin si Alexa dahil nakaligtas ito sa panganib dahil trak ang sumalpok sa kotse nito.Ngunit alam niyang hindi makakatulong kung sabihin pa niya iyon kaya nagsawalang kibo na lamang siya. Humahangos na dumating si Justin. “What happened?” Puno ng pag-aalala sa mukhang tanong nito. Malungkot na tinapik niya sa balikat ang kapatid, “Sumalpok sa trak ang minamanehong kotse ni Alexa.
“DID WE HEAR IT RIGHT? You two are getting married? Because the last time we talked, gusto ninyong ipa-annul ninyo ang kasal ninyo?” Gulat na tanong ni Facundo kina Catherine at Andy nang bisitahin nilang mag-asawa ang mga ito sa bahay. “Yes, Papa, you heard it right. Loud and clear, we are getting married, again. This time church wedding na,” masayang balita ni Andy sa kanilang mag-asawa. “Omy God!”Bulalas ni Ana, niyakap sila nitong dalawa, “I’m glad, finally hindi na kayo maghihiwalay.” Tinapik ni Facundo ang balikat ni Andy saka niyakap ito ng mahigpit. “I’m am so happy for you. Mabuti naman natauhan ka na.” Sabi niya rito saka yumakap rin kay Catherine, “Iha, salamat naman at napatino mo rin itong isang ito,” pabirong sabi niya rito. Natawa ang dalawa sa kanya.` “But seriously, yan talaga ang gusto naming mangyari sa inyo. Ang makitang nagkakasundo kayo at nagmamahalan.” “Naku, at sa kabila ng lahat, naging ma
“MABUTI naman nakapag-usap kayo ng maayos ni Mak. So, tanggap na nya na hindi mo kayang pahindian ang kaguwapuhan kong ito?” Sabi ni Andy habang dahan-dahang kinakalas ang butunes ng suot niyang pajama top. “Kailangan bang hubarin mo ‘yan habang nag-uusap tayo?” Napapangisi niyang tanong dito, kahit ang totoo nanabik na rin siya sa susunod nitong gagawin. Dios mio, inaara-araw na yata nila ang paglalab making. “Ayaw mo?” Nanunukso ang mga matang tanong nito sa kanya. Pilya ang ngiting pinakawalan niya, “Kaya mo akong tikisin?” Mapanuksong tanong niya rito. May naglaro sa isip niya kaya bumangon siya at bahagyang ibinaba ang suot saka pinagdikit ang mga balikat para lumitaw ang cleavage niya. Bumangon rin si Andy, hinubad ang suot na shorts. Namula ang mga pisngi niya nang tumambad ang nakabukol nitong hinaharap sa suot nitong underwear, “Eh eto, kaya mo rin bang tikisin?” Mapanukso ring tanong nito sa kanya. Napabungisngi
“NGAYON, NAIINTINDIHAN na kita, Daddy,” masayang-masayang sabi ni Catherine habang pinagmamasdan ang larawan ng ama. Medyo masalimuot ang naging umpisa nila ni Andy, ngunit tama pa rin ang kanyang ama nang sabihin nito sa kanya na nakikita niya si Andy na mamahalin siya ng husto. At kay Andy lamang magiging kampante ang kalooban nito. Hindi niya alam kung papaanong natiyak ng Daddy niya na magiging okay rin sila ni Andy. Sadya sigurong matalas ang pakiramdam ng mga magulang. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sinabi sa kanya ni Andy. Parang kelan lang ay para silang mga aso’t pusa na palaging nag-aaway. Ngayon ay biglang nagpropose ito ng pag-ibig sa kanya. Wow, akala niya ay sa pelikula lang may ganitong love story. Posible rin pala sa totoong buhay. “Nasa labas ang mga kaibigan mo, siguro ipinamalita mo na kagad sa kanila iyong tungkol satin ‘no? Ipinagyayabang mo siguro ang gwapo mong asawa, ha?”
“MAGPALIT KA, sa fancy restaurant tayo pupunta, hindi sa fastfood chain!” Sita ni Andy kay Cathy nang makitang naka-maong at putting tshiirts lang siya. Napasimangot siya, mag-uusap lang kami, kailangan pang sa mamahaling restaurant pa, hindi ba pwedeng dito na lang kami mag-usap sa bahay? As if magandang salita ang maririnig ko sa kanya. Pero hindi na siya nagprotesta pa, sa halip ay tahimik na nagpalit na lamang siya ng damit. Isang off shoulder na floral green dress ang isinuot niya. Naglagay rin siya ng manipis na make-up saka makailang beses na sinipat ang sarili sa salamin. Kinulang lang talaga ako sa height eh, pero kung beauty ang pag-uusapan, bah lalaban ako! Lumabas siya ng kuwarto at pinuntahan si Manang Terry, “Madali lang daw po kami. Kayo na muna ang bahala sa baby.” Sabi niya sa matanda saka humalik sa mga kamay ng anak. Paglabas niya ng salas ay inabutan niya si Andy, ang guwapo-guwapo nito sa suot niton
“HINDI KA BA TALAGA MAKAPAGHINTAY? Atat na atat ka na talagang makipaghiwalay?” Asar na sita ni Andy kay Catherine nang dumating ito sa bahay, “Hindi na ba magkanda-ugaga si Mak na madala ka sa Canada kaya nagmamadali ka, ha?” “Ibinibigay ko lang kung ano ang gusto mo, Andy!” Yamot na sagot niya dito, “Para hindi na ako nahihirapan pang maghintay saiyo araw-araw. P-para hindi na ko umaasa pa.” “Umaasa?” “Oo. Tatlong araw kang hindi sumipot, ni ha, ni ho wala kang pasabi, ano sa palagay moa ng nararamdaman ko, ha Andy?” Punong-puno ng hinanakit na sambulat niya rito. Bago man lang sila maghiwalay ang masabi niay rito ang lahat ng gusto niyang sabihin. Para at least, makikipaghiwalay siya na walang kinikimkim na mga sama ng loob. “God, Andy, alam mo ba iyong pakiramdam na naghihintay, ha? Sa bawat pagbukas ng gate, umaasa akong ikaw iyong darating. Pero three days? Ni hindi mo man lang ako tinawagan para sabihing hindi ka