BINIGWASAN siya ni Mak sa sikmura.
Mabilis naman ang reflexes niya, sinuntok niya ito ng ubod lakas sa mukha. Natumba si Mak sa lakas ng suntok niya. Pero mabilis itong tumayo at inundayan rin siya ng suntok sa mukha.
Sapul ang panga niya.
Mabuti na lang at mabilis siyang napakapit kung di ay baka bumagsak rin siya.
Akmang gaganti ulit siya nang marinig nila ang malakas na sigaw ni Caterine.
“Tama na! Tigilan nyo na ýan, ano ba kayo?”
Sabay silang napalingon kay Catherine.
&
WHAT?” Napalakas yata ang tili niya. Si Andy, may girlfriend na, may boyfriend pa? “I know, right? Kahit sinong babae magagalit sa nangyari,” anitong huminga ng malalim. “Pero okay lang sa kanya na. . .” na bakla ka, nahiya na siyang bitawan ng direkta ang salitang iyon. Kung tutuusin, kung hindi siya sangkot dito ay wala namang issue ang kasarian nito. Hindi naman nito iyon kasalanan. Pinilit lang din ito ng Papa nito na magpakasal sa isang babaeng gaya niya. But it does not mean hindi na buo ang pagkatao nito. Ito pa rin naman si Andy. Iyon nga lang, on her part may mali dahil ang hanap niya ay totoong lalaki na magmamahal sa kanya ng buong-buo, walang kahati at walang pa
ANG GULAT ni Catherine nang kabigin ni Andy ang bewang niya at ilapit ang mukha nito sa mukha niya. Pakiramdam niya ay may mga kabayong nagsipulasan sa kanyang dibdib. Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang pakiramdam habang nakadikit ang kanyang katawan sa katawan nito. Alam niyang sinusubukan siya ni Andy. As if naman may mararamdaman ito sa kanya samantalang lalaki nga ang gusto nito. Huminga siya ng malalim. Gusto mo ha, sige, tingnan natin kung hindi ka kumaripas ng takbo kapag kinagat ko ang patibong mo. Sinalubong niya ang mga titig nito, pinapungay niya ang kanyang mga mata na parang sinasabi ng mga tingin niya kay Andy na: Go ahead, Andy. Take me, I’m re
“WHAT?” Halos tumili na si Alexa sa lakas ng pagkakasabi nito ng what. Ang lakas ng tawa ni Andy. “Binibiro lang kita. Ano ba, hindi ka na mabiro. Sa tingin mo, ipagpapalit kita sa bubuwit na ‘yun?” “That was not funny,” Nakasimangot na sabi nito sa kanya. “Okay, okay I’m sorry,” Niyakap niya ito nang ubod ng higpit, “Height mo pa lang wala na syang laban saiyo, ano ka ba? I love you,” Pagbibigay assurance niya dito. “Pero, hanggang kelan kayo magsasama ng babaeng iyon?” Nag-aalala pa ring tanong nito sa kanya. Hind
SA CONDO unit ni Alexa nagpalipas ng magdamag si Andy and yet hindi siya makatulog duon. Para siyang namamahay. Pakiramdam niya ay komportable na siyang matulog sa kuwarto ni Catherine. In fact hinahanap hanap niya ang amoy scented cadles na kuwarto nito. Maski ang unan na ginagamit niya duon ay hinahanap hanap rin niya. “What’s wrong?” Tanong ni Alexa nang mapansing kanina pa siya pabali-balikwas. Isiniksik nito ang hubad na katawan sa kanya saka hinalik-halikan ang dibdib niya, “Do you want another round?” Nanunuksong tanong nito sa kanya. “I’m tired,” sagot niya saka ipinikit na ang mga mata. Parang hindi marunong mapagod si Alexa. Mas mainit pa ito kesa sa kanya. Nakatatlong rounds na
Natatarantang binuhat ni Andy si Catherine papunta sa kuwarto. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin kaya hinubad niya ang damit nito at pinunasan ang buong katawan nito ng malamig na tubig. Ganito ang ginagawa sa kanya ng lola niya nuon kapag may lagnat siya. Pinupunasan siya ng malamig na tubig. Pumikit siya habang pinupunasan ang katawan nito para hindi makita ang maselang bahagi ng katawan nito. Ano bang naisip nito at natulog ito sa labas ng bahay? Naiinis siya. Kung hindi sana niya ito iniwan, baka hindi ito nagkasakit. Pagkatapos punasan ang buong katawan nito ay kumuha siya ng malinis na bihisan nito. Hangga’t maari ay ayaw niyang tumingin sa katawan nito pero hindi maiwasan lalo pa at binibihisan niya ito.
“GUSTO mo ng honest answer?” Tanong ni Andy kay Catherine, inilapit niya ang mukha sa mukha nito saka tumitig dito. Hindi niya alam kung bakit biglang kumabog ang dibdib niya. Parang may kung anong damdamin ang unti-unting nabubuhay sa kanya. Napakurap siya. Tumayo siya saka paismid itong tiningnan, “Muntik na kong masuka habang binibihisan kita!” Sabi niya saka parang nag-iinit na lumabas ng kuwarto. Nadinig pa nya ang malakas na tawa ni Catherine, “Naiimagine ko ang itsura mo habang hinuhubaran ako,” sabi pa nito sa kanya. Weird talaga ng babaeng ‘to, naiiling na sabi niya saka naglakad papuntang kusina para kumuha ng tubig na maiinom. 
“FOR ME?” Hindi makapaniwalang sabi ni Catherine nang iabot sa kanya ni Andy ang bouquet ng mga rosas. Gumagaan talaga ang pakiramdam niya at nagliliwanag ang paligid niya kapag nakakakita ng mga bulaklak, “Thank you. Sweet ka rin naman pala kahit na papano.” May amusement sa mga mata ni Andy habang nakatingin sa kanya. O nakatitig sa mas tamang kahulugan ng salita. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng mga paru-paro sa kanyang sikmura. Para kasing sinasabi ng mga tingin nito sa kanya na: Ang sarap sigurong halikan ng mga labi mo. Patikim nga! Ninerbiyos tuloy siya.
“UTANG NA loob, Andy, magpakalalaki ka sa harapan ng mga kaibigan ko!” Pinandilatan niya ito ng mga mata, “Subukan mong lumandi landi sa harapan nila, makakatikim ka sakin!” “OA mo naman! Bakit ko naman lalandiin ang mga kaibigan mo. May taste naman ako ‘no.” “Hindi iyon ang ibig kong sabihin!” aniya dito saka nagtungo sa kusina para magluto ng baked macaroni na request ni Diane at Britney sa kanya. Kinakabahan siya kay Andy dahil baka bumigay ito mamaya. Syempre pa, kahit naman hindi sila nagmamahalan at arrange marriage lang ang pagsasama nila ay ayaw pa rin naman niyang mapahiya sa kanyang mga kaibigan. Ano na lang ang sasabihin ng mga ito?&n
HALOS mapaiyak si Andy habang nakatitig kay Catherine na naglalakad patungo sa altar kung saan ay naghihintay siya. Ang kapatid niyang si Justin ang naghahatid dito samantalang ang kakambal naman niyang si Anthony ang bestman niya. Nilingon niya ang ama na halatang walang pagsidlan ng kaligayahan habang nasasaksihan ang napakahalagang pangyayari na ito sa buhay niya. Nakita rin niyang umiiyak ang Mama niya. Kagabi ay halos hindi sila maghiwalay ng mga magulang sa walang sawa niyang pagpapasalamat sa mga ito. Oo nga at hindi niya biological parents ang mga ito ay alam niyang itunuring sila nitong parang isang tunay na anak. Kaya nga laking gulat niya nang malamang ampon lamang pala sila ni Anthony. Ni minsan kasi ay never siyang nagkaroon ng hint na hindi sila kadugo ng mga ito. Ngayon lamang niya narealize kung gaano siya kabless. Bagama’t hindi niya nakilala ang tunay nilang mga magulang, mapalad siyang pinagkalooban ng mga taong magmamahal sa kanila.
KUMPLETO ang buong pamilya ni Facundo para sa dinner na ipina-set up niya. Tiniyak niyang magugustuhan ng mga anak niya ang mga pagkain kung kaya’t kinuha pa niya ang pinakasikat na catering service para sa araw na iyon. Nagulat siya nang dumating si Justin kasama ang isang napakagandang babae na ipinakilala nito sa kanya na si Elizabeth. Napansin kaagad niya ang kakaibang kislap ng mga mata ni Justin. Pakiramdam niya ay unti-unti na nitong nakakalimutan si Alexa. Wala siyang ibang hangad kundi makitang masama ang bawat isa sa kanyang mga anak at sa tingin naman niya ay unti-unti nang nabibigyang katuparan ang lahat ng iyon. Nilingon niya sina Andy at Catherine na masayang nakikipaglaro sa kanyang apo. May ngiting sumilay sa kanyang mga labi. Parang kalian lang ay mukhang aso’t pusa ang mga ito ngunit ngayon, halos hindi na maghiwalay. Tama siya. Unang kita pa lamang niya kay Catherine, alam na niyang sa pilin
“SORRY SA MGA SINABI saiyo ni Alexa,” sabi ni Andy kay Catherine. Pagkagaling nila sa ospital ay dumiretso sila sa pizza house para kumain ng paborito nilang Hawaiian pizza. Nagkibit siya ng balikat, “Sanay na ko sa kanya. Pero knowing me, hindi ko pa rin napigilang pangaralan siya! But deep inside, awing-awa ako sa kanya. Alam ko kasi kung gano kahalaga sa kanya ang self image.” Ginagap ni Andy ang isang kamay niya, “God, ngayon ko narealize kung gaano ako ka-swerte saiyo. Nuon, naiinis ako sa pagiging natural mo. Iyong lumalabas ka ng bahay kahit hindi ka nakaayos. Pero ‘yan din ang minahal ko saiyo. Iyang pagiging totoo mo. At napakaswerte ko saiyo!” “Dahil mabait ako?” “Dahil low maintenance ka lang. At least hindi magastos!” Nakatawang sabi nito sa kanya. Napangiwi siya, “Talaga lang ha?” “But seriously, I am so lucky to have you. Mas lalo kang gumaganda dahil hindi mo kailangang maging fake just to
“NOOO!!!” Ang lakas ng tili ng ina ni Alexa nang malamang kailangang putulin ang isang binti ng anak. “Tita,” Nakikisimpatyang sabi ni Andy. Hindi niya maimagine kung ano ang gagawin ni Alexa kapag nagising itong wala na ang isang binti nito. Alam niya kung gaano kamahal ni Alexa ang pagmomodelo. Besides, napakabanidosa nito kaya mahihirapan itong matanggap ang pangyayari. Ngunit ang sabi ng doctor ay iyon lamang daw ang tanging paraan. Kailangang putulin ang binti nito. Gusto sana niyang sabihin sa matanda na isipin na lamang nitong swerte pa rin si Alexa dahil nakaligtas ito sa panganib dahil trak ang sumalpok sa kotse nito.Ngunit alam niyang hindi makakatulong kung sabihin pa niya iyon kaya nagsawalang kibo na lamang siya. Humahangos na dumating si Justin. “What happened?” Puno ng pag-aalala sa mukhang tanong nito. Malungkot na tinapik niya sa balikat ang kapatid, “Sumalpok sa trak ang minamanehong kotse ni Alexa.
“DID WE HEAR IT RIGHT? You two are getting married? Because the last time we talked, gusto ninyong ipa-annul ninyo ang kasal ninyo?” Gulat na tanong ni Facundo kina Catherine at Andy nang bisitahin nilang mag-asawa ang mga ito sa bahay. “Yes, Papa, you heard it right. Loud and clear, we are getting married, again. This time church wedding na,” masayang balita ni Andy sa kanilang mag-asawa. “Omy God!”Bulalas ni Ana, niyakap sila nitong dalawa, “I’m glad, finally hindi na kayo maghihiwalay.” Tinapik ni Facundo ang balikat ni Andy saka niyakap ito ng mahigpit. “I’m am so happy for you. Mabuti naman natauhan ka na.” Sabi niya rito saka yumakap rin kay Catherine, “Iha, salamat naman at napatino mo rin itong isang ito,” pabirong sabi niya rito. Natawa ang dalawa sa kanya.` “But seriously, yan talaga ang gusto naming mangyari sa inyo. Ang makitang nagkakasundo kayo at nagmamahalan.” “Naku, at sa kabila ng lahat, naging ma
“MABUTI naman nakapag-usap kayo ng maayos ni Mak. So, tanggap na nya na hindi mo kayang pahindian ang kaguwapuhan kong ito?” Sabi ni Andy habang dahan-dahang kinakalas ang butunes ng suot niyang pajama top. “Kailangan bang hubarin mo ‘yan habang nag-uusap tayo?” Napapangisi niyang tanong dito, kahit ang totoo nanabik na rin siya sa susunod nitong gagawin. Dios mio, inaara-araw na yata nila ang paglalab making. “Ayaw mo?” Nanunukso ang mga matang tanong nito sa kanya. Pilya ang ngiting pinakawalan niya, “Kaya mo akong tikisin?” Mapanuksong tanong niya rito. May naglaro sa isip niya kaya bumangon siya at bahagyang ibinaba ang suot saka pinagdikit ang mga balikat para lumitaw ang cleavage niya. Bumangon rin si Andy, hinubad ang suot na shorts. Namula ang mga pisngi niya nang tumambad ang nakabukol nitong hinaharap sa suot nitong underwear, “Eh eto, kaya mo rin bang tikisin?” Mapanukso ring tanong nito sa kanya. Napabungisngi
“NGAYON, NAIINTINDIHAN na kita, Daddy,” masayang-masayang sabi ni Catherine habang pinagmamasdan ang larawan ng ama. Medyo masalimuot ang naging umpisa nila ni Andy, ngunit tama pa rin ang kanyang ama nang sabihin nito sa kanya na nakikita niya si Andy na mamahalin siya ng husto. At kay Andy lamang magiging kampante ang kalooban nito. Hindi niya alam kung papaanong natiyak ng Daddy niya na magiging okay rin sila ni Andy. Sadya sigurong matalas ang pakiramdam ng mga magulang. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sinabi sa kanya ni Andy. Parang kelan lang ay para silang mga aso’t pusa na palaging nag-aaway. Ngayon ay biglang nagpropose ito ng pag-ibig sa kanya. Wow, akala niya ay sa pelikula lang may ganitong love story. Posible rin pala sa totoong buhay. “Nasa labas ang mga kaibigan mo, siguro ipinamalita mo na kagad sa kanila iyong tungkol satin ‘no? Ipinagyayabang mo siguro ang gwapo mong asawa, ha?”
“MAGPALIT KA, sa fancy restaurant tayo pupunta, hindi sa fastfood chain!” Sita ni Andy kay Cathy nang makitang naka-maong at putting tshiirts lang siya. Napasimangot siya, mag-uusap lang kami, kailangan pang sa mamahaling restaurant pa, hindi ba pwedeng dito na lang kami mag-usap sa bahay? As if magandang salita ang maririnig ko sa kanya. Pero hindi na siya nagprotesta pa, sa halip ay tahimik na nagpalit na lamang siya ng damit. Isang off shoulder na floral green dress ang isinuot niya. Naglagay rin siya ng manipis na make-up saka makailang beses na sinipat ang sarili sa salamin. Kinulang lang talaga ako sa height eh, pero kung beauty ang pag-uusapan, bah lalaban ako! Lumabas siya ng kuwarto at pinuntahan si Manang Terry, “Madali lang daw po kami. Kayo na muna ang bahala sa baby.” Sabi niya sa matanda saka humalik sa mga kamay ng anak. Paglabas niya ng salas ay inabutan niya si Andy, ang guwapo-guwapo nito sa suot niton
“HINDI KA BA TALAGA MAKAPAGHINTAY? Atat na atat ka na talagang makipaghiwalay?” Asar na sita ni Andy kay Catherine nang dumating ito sa bahay, “Hindi na ba magkanda-ugaga si Mak na madala ka sa Canada kaya nagmamadali ka, ha?” “Ibinibigay ko lang kung ano ang gusto mo, Andy!” Yamot na sagot niya dito, “Para hindi na ako nahihirapan pang maghintay saiyo araw-araw. P-para hindi na ko umaasa pa.” “Umaasa?” “Oo. Tatlong araw kang hindi sumipot, ni ha, ni ho wala kang pasabi, ano sa palagay moa ng nararamdaman ko, ha Andy?” Punong-puno ng hinanakit na sambulat niya rito. Bago man lang sila maghiwalay ang masabi niay rito ang lahat ng gusto niyang sabihin. Para at least, makikipaghiwalay siya na walang kinikimkim na mga sama ng loob. “God, Andy, alam mo ba iyong pakiramdam na naghihintay, ha? Sa bawat pagbukas ng gate, umaasa akong ikaw iyong darating. Pero three days? Ni hindi mo man lang ako tinawagan para sabihing hindi ka