HINDI alam ni Catherine kung ano ang isasagot kay Mak. Hindi niya inaasahan ang ipinagtapat na iyon ni Mak sa kanya.
Dahil para sa kanya, kaibigan lang ang turing niya dito.
No more, no less.
Oo, mahal niya ito. Pero pagmamahal bilang isang kaibigan. Bilang isang kapatid since only child lang siya kaya nangungulila siya sa pagmamahal ng isang kuya. Hindi naman niya akalaing iba na pala ang nararamdaman nito sa kanya.
“Mak, ginulat mo naman ako.”
“Mahal kita Cathy. At kakausapin ko ang Daddy mo. Babawiin kita sa lalaking yun. Ako na lang ang magpapakasal saiyo.”
&nbs
KITANG-KITA niyang napa-second look si Andy nang makita siya sa bihis niya at bagong itsura. As if nuon lamang siya nito nakita. Para sinasabi ng mga mata ni Andy habang nakatingin sa kanya ang ganito: Ang ganda-ganda mo pala Catherine. Maganda ka na dati pero mas maganda ka pa ngayon. Kinilig naman siya. Bah, mahirap kayang iplease ang panlasa ng mga kagaya ni Andy lalo pa at di naman nito bet ang mga babae. Mukhang okay ang naisip niyang plano. Mukhang effective, inggit na inggit siguro ang mokong dahil hindi siya makakapag-bestida sa haparan ng pamilya nya. Navy blue na bestida na hanggan
NAUPO sila sa may bay walk, bitbit ang beer in can na binili nila sa isang convenient store. First time ni Andy sa lugar na iyon. “Kapag weekends ‘nung college, madalas kaming tumambay ditong magkakaibigan,” aniyang hinubad ang suot na sapatos at naupo sa sementadong bakod sa tabi ng pangpang. “Ang dami namang matatambayan, bakit dito pa?” “Libre lang kasing tumambay dito. Walang maninita saiyo. Bumibili lang kami ng sitsirya sa grocery, saka balut, tas tig dadalawa kaming beer in can, ayos na kami dun,” aniya dito. “Madalas mo sigurong kasama si Mak dito?”&nbs
ANG LAKAS ng suntok na binitiwan ni Andy. Hindi iyon inaasahan ni Justin kaya natumba ito. “Sa lahat ng ayoko iyong pinangungunahan ako!” Galit na galit na sabi niya dito, “Bakit hindi mo ko hinayaang magsabi kay Alexa ng tungkol samin ni Catherine!” “Hey, anong gusto mong gawin ko?” Anitong tumayo at matiim siyang tiningnan, “Anong gusto mong gawin ko? Hayaan lang si Alexa na lokohin mo? Hindi ka na naawa dun sa tao.” “Sasabihin ko rin naman sa kanya ang totoo, humahanap lang ako ng tiyempo,” yamot na sabi niya dito. “Kelan mo pa gagawin yun?” Maangas na tanong nito sa kanya.&n
NAPALUNOK SI CATHERINE, nilingon niya si Andy na waring nagugulumihanan sa sinabi niya. So, hindi pala alam ng babaeng ito ang tunay na pagkatao ni Andy? At sino nga ba ang babaeng ito sa buhay nito? Naisip niyang baka walang planong maglantad si Andy at ayaw naman niyang ilagay ito sa kapahamakan. “Ah, ang ibig kong sabihin, iyong. . .iyong malalaking babae kagaya mo ang type ni Andy, malaki as in matangkad,” pilit na pilit ang ngiti niya, “Kaya wala kang dapat na ipag-alala kung sakali mang nag-aalala ka,” Ano ba talaga si Andy? Bisexual?&nbs
BINIGWASAN siya ni Mak sa sikmura. Mabilis naman ang reflexes niya, sinuntok niya ito ng ubod lakas sa mukha. Natumba si Mak sa lakas ng suntok niya. Pero mabilis itong tumayo at inundayan rin siya ng suntok sa mukha. Sapul ang panga niya. Mabuti na lang at mabilis siyang napakapit kung di ay baka bumagsak rin siya. Akmang gaganti ulit siya nang marinig nila ang malakas na sigaw ni Caterine. “Tama na! Tigilan nyo na ýan, ano ba kayo?” Sabay silang napalingon kay Catherine.&
WHAT?” Napalakas yata ang tili niya. Si Andy, may girlfriend na, may boyfriend pa? “I know, right? Kahit sinong babae magagalit sa nangyari,” anitong huminga ng malalim. “Pero okay lang sa kanya na. . .” na bakla ka, nahiya na siyang bitawan ng direkta ang salitang iyon. Kung tutuusin, kung hindi siya sangkot dito ay wala namang issue ang kasarian nito. Hindi naman nito iyon kasalanan. Pinilit lang din ito ng Papa nito na magpakasal sa isang babaeng gaya niya. But it does not mean hindi na buo ang pagkatao nito. Ito pa rin naman si Andy. Iyon nga lang, on her part may mali dahil ang hanap niya ay totoong lalaki na magmamahal sa kanya ng buong-buo, walang kahati at walang pa
ANG GULAT ni Catherine nang kabigin ni Andy ang bewang niya at ilapit ang mukha nito sa mukha niya. Pakiramdam niya ay may mga kabayong nagsipulasan sa kanyang dibdib. Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang pakiramdam habang nakadikit ang kanyang katawan sa katawan nito. Alam niyang sinusubukan siya ni Andy. As if naman may mararamdaman ito sa kanya samantalang lalaki nga ang gusto nito. Huminga siya ng malalim. Gusto mo ha, sige, tingnan natin kung hindi ka kumaripas ng takbo kapag kinagat ko ang patibong mo. Sinalubong niya ang mga titig nito, pinapungay niya ang kanyang mga mata na parang sinasabi ng mga tingin niya kay Andy na: Go ahead, Andy. Take me, I’m re
“WHAT?” Halos tumili na si Alexa sa lakas ng pagkakasabi nito ng what. Ang lakas ng tawa ni Andy. “Binibiro lang kita. Ano ba, hindi ka na mabiro. Sa tingin mo, ipagpapalit kita sa bubuwit na ‘yun?” “That was not funny,” Nakasimangot na sabi nito sa kanya. “Okay, okay I’m sorry,” Niyakap niya ito nang ubod ng higpit, “Height mo pa lang wala na syang laban saiyo, ano ka ba? I love you,” Pagbibigay assurance niya dito. “Pero, hanggang kelan kayo magsasama ng babaeng iyon?” Nag-aalala pa ring tanong nito sa kanya. Hind