-=Gabby's Point of View=-
A smile appeared on my lips habang nagdadrive ng kotse ng natutulog na si Jayden, who would have thought na madali lang pala itong mahuhulog sa patibong ko, I can still remember what happened earlier.
"Are you ok?" nag-aalala ko kunwaring tanong dito nang mapansin kong kanina pa ito napapapikit.
"Yeah I'm fine medyo nahihilo lang ng konti." ang sagot naman nito na halatang nilalabanan ang antok nito sa pag-aakalang dahil lang iyon sa nainom.
"Mabuti pang itigil mo na muna ang kotse sa gilid para makapagpalipas ka ng tama mo." I suggested na agad naman nitong ginawa kahit paano naman pala ay may concern ito sa kaligtasan nila.
"Just give me two minutes for sure mawawala din itong pagkahilo ko." ang sinabi nito at agad nitong pinikit ang magkabilang mga mata nito.
"Jayden? Jayden?" ang tawag ko dito at nang hindi ito sumagot ay alam kong tuluyan nang gumana ang nilagay kong pampatulog sa ininom nitong tubig.
"Perfect." I muttered agad akong bumaba ng kotse nito at kahit hirap na hirap ay nagawa ko namang ilipat ito sa passenger seat at ako naman ang pumalit sa puwesto nito sa driver seat.
Kung tama ang sinabi ng nabilhan ko ng pampatulog na iyon ay mga anim na oras din tulog ang taong ito na tamang tama lang dahil humigit kulang apat na oras ang biyahe sa pagdadalhan ko sa taong ito.
At ngayon nga ay maliwanag na, at ang bilyonaryong si Jayden Andrada ay tulog na tulog pa din.
Sa totoo lang naeenjoy ko ang pagdadrive kong iyon dahil sa ganda ng paligid at dahil hindi naman masyadong kainitan kaya naman minabuti kong ibaba ang salamin ng bintana para makalanghap ako ng sariwang hangin, sobrang tagal na din naman kasi ng huli kaming makapunta sa bandang Zambales, doon kasi ang pamilya ni Tita Annette na siyang kapatid naman ni Mama may bahay ito doon ngunit sa ngayon ay wala nang nakatira dahil nga ang pamilya nito ay nagmigrate na sa America dalawang taon na ang nakakaraan kaya naman naisipan kong gamitin ang lugar na iyon para ilagay ang demonyong ito na wala pa ding kamalay malay na naisahan na siya.
"No one messes with my sister and get away with it." I muttered, medyo nahirapan din akong tandaan ang daan kaya ilang beses din akong huminto para magtanong at para makasiguradong walang makakakilala sa kasama ko ay naisipan kong takpan ang mukha nito nang nakita ko tshirt na nasa loob ng kotse nito, at hindi ko mapigilang hindi mapaismid ng makita ko ang brand ng tshirt na iyon, kasi naman halaga ng tshirt na iyon katumbas na nang isang buwan kong sahod.
I really hate those rich people, sa ilang taon ko kasing pagtatrabaho sa bangko ay iba't ibang klase ng mga mayayaman ang nakakasalamuha ko at halos lahat sila iisa ang ugali, mapangmataas at kumikilos na para bang pagmamay-ari nila ang mundo kaya naman as much as possible pilit akong umiiwas sa mga tipo nila, kapag may mga manliligaw akong mayayaman ay agad kong binabasted dahil wala akong tiwala sa uri nila, dahil para sa akin ang mayaman ay para lang sa mayaman at ang mahirap na katulad ko para lang sa mahirap, ang tanging dahilan kung bakit gustong makipaglapit sayo ng isang mayamang lalaki ay dahil gusto kang isahan na siyang nangyari sa ate ko.
"Melchora nasan ka na ba?" hindi ko maiwasang mag-aalala para sa ate ko dahil ilang araw na siyang hindi umuuwi ng bahay simula nang ipagtapat nito sa akin ang nangyari.
Kumpara sa akin si Ate Melchora o Mel since ayaw niya nang pangalan niya dahil ang lakas daw makabayani, well ang pangalan ko dapat is Gabriela pero mabuti na lang at hindi pumayag si Mama na labis kong pinagpapasalamat dahil no offense meant sa may pangalan Gabriela dahil medyo outdated na ang pangalan iyon kaya naman naging Gabrielle ang name ko, well going back to my sister, magkaibang magkaiba ako kung ako ay simple at pilit na umiiwas sa mga mamayaman si Ate Mel naman ay tumatarget ng mga ito, well ayoko mang aminin pero may pagkaambisyosa si Ate Mel, kaya nga pinasok niya ang mundo ng pagmomodelo at hindi na tinapos ang kolehiyo na labis kong tinutulan na hindi naman nito pinakinggan, she started since she was eighteen at ngayon ngang twenty four na siya ay talagang sineryoso niya ang paghahanap ng mayaman na mapapangasawa nito, naalala ko pa nang umuwi ito isang araw last month na masayang masaya dahil nahanap na daw nito ang lalaking gusto nitong pakasalan, ngunit ayaw naman sabihin ang pangalan dahil hindi pa daw nito puwedeng ipaalam ang relasyon nito sa naturang binata, nang araw ding iyon ay umalis ng bahay si Ate Mel at sumama na sa boyfriend nito.
Akala ko nga maayos ang naging pagsasama nito dahil halos dalawang linggo din itong hindi nagparamdam kaya naman laking gulat ko nang bigla itong dumating sa bahay na lasing na lasing at paulit ulit na sinasabing pinaglaruan at niloko lang daw siya ng boyfriend nito, ilang beses ko ngang pinaulit-ulit ang pangalan ng damuhong nangloko dito dahil sa kalasingan ay hindi ko masyadong maintindihan ang mga pinagsasabi nito hanggang finally masabi na nito nang maayos ang pangalan ng nobyo nito.
"Aidan....Aiden.....Jayden Andrada...." at sinabayan nito nang pag-iyak.
"Jayden Andrada." kung tama ang narinig ko dahil kung ano anong pangalan ang lumabas sa bibig nito, hindi ako makapaniwala na ang bilyonaryong si Jayden Andrada ang naging boyfriend nito, well wala atang taong hindi nakakakilala sa pangalan na iyon dahil nakasama ito sa mga eligible bachelor list nang isang sikat na lifestyle magazine sa Pilipinas, kabilang sila Xavier Fajardo na kasal na ngayon sa napakagandang si Ayesha Santillan at si Romano Santiago na kasal na din sa kapatid ni Herny Cervantes na si Atilla Cervantes.
Ilang sandali lang ay napansin kong nakatulog na pala ito ng dahil sa sama ng loob kaya naman hinayaan ko na lang na makapagpahinga ito ngunit laking gulat ko kinabukasan nang wala na ito sa higaan nito at tanging isang maikling sulat ang iniwan nito saying na hahanapin nito ang boyfriend na hindi naman mahirap gawin dahil halos lahat ng press ay nakasunod sa bawat kilos ng binata.
And that was one week ago at ngayon nga ay hindi ko pa din macontact si Ate Mel sa cellphone nito na labis kong pinag-aalala kaya naman naisipan kong ako na mismo ang gagawa ng paraan, at kaya naman naisipan ko ang planong ito na pinaghandaan ko din ng dalawang araw para maisakatuparan mabuti na lang at naging kaibigan ko ang secretary nito na si Amy na tiyempo namang kliyente ko, akala nga nito na kaya gusto kong alamin kung ano ang mga hilig at kung saan madalas pumunta ang boss nito ay dahil may gusto ako kay Jayden Andrada kung alam lang niya.
Naputol ang pag-iisip ko ng sandaling kumilos ito kaya naman biglang bumilis ang tibok ng puso ko thinking na any moment ay magigising ito ngunit mabuti na lang at hindi ito nagising dahil kapag nagising ito at nalaman kung nasaan kami ay siguradong sira ang plano ko.
Sa bahagyang pagkilos nito ay nalaglag sa mukha nito ang tshirt na pinangtakip ko sa mukha nito, hindi ko mapigilan ang sarili kong sandaling tignan ang maamong mukha nito at awtomatiko namang kumilos ang kamay ko palapit sa mapupulang labi ng binata na natikman ko kanina na muntik-muntikanan nang magpadala sa akin mabuti na lang talaga at napigilan ko ang sarili ko.
Humigit kulang thirty minutes ang lumipas hanggang makarating ako sa pakay kong lugar, habang papalapit kasi ay naging masukal ang daan dahil sa loob iyon ng isang gubat na siyang dahilan kung bakit napili ko ang lugar na iyon just in case na magsisigaw ang bihag ko.
Naging pahirapan para madala ko ito sa kuwarto sa second floor papunta sa kamang hinanda ko. Habol hininga ako matapos ko itong madala sa kama, kasi naman sa height kong five six ay walang wala pa din ako sa height nito na marahil ay nasa six feet at maliban pa doon ay talaga namang batak na batak ang katawan nito marahil sa pagigym nito.
Matapos sandaling maghabol ng paghinga ay nilabas ko na ang mga dala ko, dalawang posas na agad kong sinuot sa magkabilang kamay nito papunta sa magkabilang hamba ng kama at para makasigurado ay tinali ko din ang dalawang paa nito para siguradong hindi ito makakatakas.
"Perfect." I muttered in between breathing nang makita ko ang handiwork ko at dahil nagutom ay naisipan kong dumiretso sa kusina para maghanda ng makakain dahil siguradong paggising nito ay siguradong gutom din ito.
I tried to dial Ate Mel's number again pero hindi pa din ito kumoconnect.
"Ate Mel nasaan ka na ba nandito na ang hinahanap mo." I muttered , frustration in my voice.
-=Gabby's Point of View=- I was humming a song nang marinig ko ang pagmumura sa second floor ng bahay na iyon. "Guess my visitor is already awake." ang nakangiti kong bulong, na tamang tama lang dahil kakatapos ko lang magluto para sa tanghalian namin which is medyo late na dahil ala una na nang tanghali. "Shit!" ang narinig ko sa loob bago ko tuluyan buksan ang pinto na hindi ko naman talaga sinaradong maigi at gamit ang paa ay tuluyan kong nabuksan ang pinto at agad sumalubong sa akin ang galit na galit na mukha ni Jayden Andrada. "Handa na ang tanghalian!" ang masaya kong sinabi dito kahit na nga ba parang gusto ko nang bumalik sa kusina at magtago doon dahil sa nakikita kong panganib sa likod ng mga titig nito sa akin na hindi naman kataka taka dahil mukhang narealize na nitong nakaposas ang magkabila nitong mga kamay at maliban pa doon ay nakatali naman ang dalawa nitong paa. "What do you want from me?" naging kalmado lang ang boses nito ngunit bakit parang mas naging mapanga
-=Jayden's Point of View=- I don't know what I've gotten myself into, kung hindi ko lang sinunod ang payo ng kaibigan ko na magrelax muna daw ako since two days pa naman ang flight ko papuntang Macau ay wala ako ngayon sa sitwasyon na ito and I'll be damned who would have thought na ang babaeng iyon ay makakayang gawin ang bagay na ito, I mean for crying out loud ako lang naman si Jayden Andrada people are afraid of me not just because of power I have because of my status but also because of my personality at hindi ako makapaniwalang ang katulad lang ng babaeng iyon ang makakagawa sa akin. To be honest nagulat na lang talaga ako ng may biglang lumapit sa akin na waiter sa bar na pag-aari ng kaibigan ko at mas nagulat ako nang may inabot ito sa aking baso ng alak and I was about to tell him to back off nang tinuro sa akin ang nagpabigay umano nito and oh man bigla akong parang nahipnotismo nang makita ko ang naturang dalaga, pretty is such a lame adjective to describe her, gorgeous wo
-=Gabby's Point of View=-Pakiramdam ko lalabas na ang puso ko sa lakas ng kabog ng dibdib ko nang tuluyan akong makalabas ng kuwarto ni Jayden, I don't have any doubt na tototohanin nito ang naging banta nito, hindi ko naisip masyado ang maaring maging consequences ng ginawa ko dito, I may be thrown to jail for all I know or worst baka ipapatay nito ako ng dahil kasi sa akin ay hindi ito nakaalis ng Pilipinas para makipag meeting sa business client nito kaya hindi malabong gawin nga nito ang isa sa mga iniisip ko.Ngunit kailangan kong tatagan ang sarili ko at huwag magpatakot dito para mapanagutan nito ang ate ko, the hell I care kung siya ang pinakamakapangyarihang tao sa mundo, nagkamali siya sa ate ko at ang batas naming magkapatid ang mas mahalaga.Katulad ng mga nakaraang araw ay sinubukan kong tawagan si Ate Mel ngunit wala pa din, sinubukan ko na ding tawagan ang mga kaibigan nito ngunit maski man sila ay hindi alam kung nagpunta ito.Labis na akong nag-aalala kung ano na ban
-=Gabby's Point of View=-Bigla akong naalimpungatan nang magising ako kinabukasan sa pagsigaw ni Jayden, isa pa naman sa mga ayaw ko ay iyong naiistorbo ang tulog ko kaya naman iritable ako ng akyatin ito sa second floor."Ano na naman?!" mataray kong tanong dito ngunit biglang nawala ang antok ko nang makita kong pawisan ito at parang may dinaramdam. "Ok ka lang ba?" bigla ang pagsalakay ng pag-aalala sa akin sa nakikita kong paghihirap nito."No I'm not ok! I need to go to the bathroom." ang naiinis nitong sinabi at saka ko lang nagets kung anong kailangan nitong gawin kaya naman nilagay ko sa malapit nito ang susi na kaya nitong abutin at para masiguradong hindi ito makakalabas ay nilock ko na din ang pinto nito.Hinayaan ko itong gugulin ang oras nito sa banyo at ako naman ay nagdecide nang maghanda ng almusal para sa amin ngunit bigla akong natigilan ng makita kong umiilaw ang phone ko which means may message, dali dali ko iyong kinuha at sakto naman na si Ate Mel na ang nagtext
-=Gabby's Point of View=-"Hoy Gabby! Ok ka lang ba?" nagulat na lang ako ng bigla akong kalabitin ng matalik kong kaibigan na si Regina na katrabaho ko din sa bangkong pinagtatrabahuan ko."Ano ka ba naman Reg? Huwag ka kayang manggulat!" asar kong sinabi dito."Kasi naman ikaw itong nag-aya sa akin tapos tutungangaan mo lang pala ako." ang naiiling nitong sinabi sa akin, at matapos non ay ininom na nito ang Mocha Frap na inorder nito.Nasa Starbucks kasi kami ngayon sa SM San Lazaro, next monday pa kasi ang pasok ko since ang nirequest kong leave ay hanggang Sabado kaya naman imbes na magmukmok ay naisipan kong ayain ito."Kamusta na kaya siya?" bulong ko sa sarili ko ngunit sa gulat ko ay bigla na lang itong nagsalita."Kamusta sino?" nagulat na lang ako na narinig nito ang nasa isip ko, kaya naman agad akong napatingin dito, naisip ko tuloy na baka may kamag-anak nito si Professor X ng X-men."Iyong totoo Regina, mind reader ka ba?" naguguluhan kong tanong dito dahil paano naman m
-=Jayden's Point of View=-Jayden Andrada never forgets! Hinding hindi ko makakalimutan ang ginawang pang-iisa sa akin ng babaeng iyon, anong akala niya basta ko na pa lang papalagpasin ang ginawa nito, I lost a multi million dollar account because of her stupidity!Kaya naman pagkarating na pagkarating ko pa lang sa opisina ay agad kong hinarap si Arman na siyang nautusan ko para mag-imbestiga kay Andrea Crisostomo ngunit saka ko lang nalaman na hindi naman pala iyon ang tunay na pangalan ng babaeng iyon kung hindi Gabrielle Crisostomo kapatid ng isang modelo na si Melchora Crisostomo, tahimik ako habang pinagmamasdan ang mga larawan na binigay sa akin ni Arman.Trust Arman to provide results in a short period of time kaya naman dinagdagan ko pa ang binayad ko dito."Amy, I don't want to be disturb." ang sinabi ko sa secretary ng pindutin ko ang intercom sa loob ng opisina ko.Agad kong dinampot ang larawan ni Gabrielle Crisostomo, ibang iba ang itsura nito kumpara nang gabing una k
-=Gabby's Point of View=-"Please, let me go." pagmamakaawa ko dito habang nakatingin sa nakakatakot nitong mukha.Oo nga guwapo pa din ito, pero sa pinakikita nitong reaksyon ngayon ay mas lalong nanunuot ang takot sa dibdib ko.Hindi ko alam kung paanong nangyari pero nakatali ako ngayon sa higaan katulad nang mga nasa ospital, habang walang suot.Mas lalo akong natakot nang makita ko ang nakakapangilabot na ngiti na gumuhit sa mga labi nito.Who would have thought that a gorgeus face can turned into a monster, I know I deserved his revenge after what I did to him, but this is going to far."Anong gagawin mo diyan." biglang nagtayuan ang lahat ng balahibo sa buong katawan ko nang makita ko ang hawak nito."Tingin mo para saan ba ang gamit ng kutsilyo?" he said dangerously, pilit akong pumipiglas sa pagkakatali ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ako makawala."Huwag!" sigaw ko nang nakita kong iumang na nito ang kutsilyo sa akin.Agad akong napabangon, at agad napahawak sa dibdib k
-=Gabby's Point of View=-I opened my eyes and what I saw confuses me, lalo na't hindi pamilyar sa akin ang kisameng bumungad sa akin, I tried to stand up, ngunit agad din akong napaupo ng maramdaman ko ang bahagyang pananakit ng ulo ko, dahan-dahan ay pinilit kong alalahanin ang nangyari, at agad naman nanglaki ang mga mata ko ng maalala ko ang mga nangyari.Sakay ako ng van patungo sa hotel kung saan ako may reservation, dalawa lang kaming nakasakay sa van na iyon, ako at ang driver nang makaramdam ako ng uhaw kaya naman nagdecide akong bumili ng tubig, at pagkainom ko non ay ilang sandali lang ay nakaramdam agad ako ng pagkahilo hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay."Nakidnap ako ng Abu Sayyaf!" sa loob loob ko, habang paikot ikot na naglalakad sa loob ng kuwartong iyon, kahit nagpapanic ay hindi ko maiwasang hindi mapansin ang disenyo ng kuwartong iyon, halos doble ng sukat ng kuwartong ito ang bahay na tinitirhan namin ni Mel, may kulay iyong lush green, na masarap sa pa
-=Jayden's Point of View=-"Kamusta na kaya sila?" sa loob loob ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng kuwarto ko, it's been two weeks since magdecide akong lumayo sa mag-ina ko, at iyon ang pinakamasakit at pinakamalungkot na dalawang linggong naranasan ko.Sa totoo lang, gustong gusto kong puntahan sila Gabby at Caleb, pero pinilit kong huwag gawin iyon, dahil alam kong hindi ako karapat dapat sa kanila.Hindi ko pa din matanggap ang katotohanan na tunay kong ama si Jovanie, all my life I thought that my parents was killed by some random people, pero iyon pala ay sarili kong tiyuhin ang nagpapatay sa mga magulang ko, at ang pinakamasama pa doon ay nalaman kong si Tito Jovanie ang tunay kong ama.Anak ako ng isang mamamatay tao, kaya anong mukha ang ihaharap ko sa mag-ina ko, maliban pa doon ay anong ihaharap ko kay Jared, ng dahil sa akin ay nasira ang pamilya namin. Nakulong na si Tito Jovanie, pero hindi pa din maiaalis non ang katotohanan na anak ako ng nagpapatay sa mga mag
-=Gabby's Point of View=-"Nasaan ka na ba Jayden?" sa loob loob ko, halos mag-iisang linggo na ang nakalipas nang mailigtas kami mula sa pagkidnap sa amin, at mula ngayon ay hindi ko na nakita pa si Jayden.I tried calling his cellphone, but hindi ko naman iyon macontact, kapag tinatanong ko naman ang mga tauhan ni Jayden ay wala din ni isa man sa kanila ang makapagsabi sa akin ng kinaroonan ng amo nila."Hindi mo pa din ba siya nacocontact?" narinig kong tanong ni Ate Mel, kasalukuyan na nasa kuwarto ako sa mansion, kung saan kasama ko si Ate Mel at ang anak ko na abala sa paglalaro, tila hindi nito alintana ang mga nangyari na siyang gusto ko ding mangyari."Mukhang nakapatay ang phone niya, kaya naman hindi ko siya matawagan." sagot ko dito kasunod nang isang mahabang bungtung hininga.Minabuti ko na lang na humiga na muna, dahil pakiramdam ko ay hinang hina ako sa mga nangyayari."Ano ba talagang nangyari?" naramdaman ko na lang ang paglundo ng kama sa bandang kanan ko at ilang s
-=Jayden's Point of View=-Habang nagmamaneho ay hindi ko mapigilan ang sarili ko sa panginginig ng buo kong katawan, ilang beses na nga din muntik muntikanan akong mabangga, kaya naman nang hinging ng isang tauhan ko ang pagdadrive ay hindi na ako tumanggi.Sa wakas ay napaamin ko na si Rosette at hindi ako makapaniwala nang matapos itong magsalita, ngunit agad ko iyong isinantabi at kinontact ang mga tauhan ko.At ngayon nga ay patungo kami sa address na binigay sa akin ni Rosette kung saan niya dinala ang mga gamit ni Gabby.Hindi ko na kailangan pang kabisaduhin ang address na binigay nito sa akin dahil pamilyar na pamilyar sa akin ang address na iyon.Isa iyong resthouse sa Batangas na may three hundred hectares. Ilang beses na din akong nakapunta sa lugar na ito."We're waiting for your instruction." nagising na lang ako nang marinig ko ang boses na iyon.Agad ko naman inutos sa mga ito ang kailangan nilang gawin at kailangan nilang malaman, at ilang sandali lang ay nagsimula na
-=Jayden's Point of View=-Galit kong pinunasan ang luhang naglandas sa pisngi ko, kahit anong pilit kong huwag makaramdam ng kahit na ano ay para naman nanadya ang puso ko na pilit na nasasaktan.Wala pang isang araw ang nakakalipas ngunit labis na sakit na ang nararamdaman ko, paulit ulit na naglalaro sa isip ko ang text na nakuha ko mula kay Gabby.Hindi ko mapigilan mag-isip ng kung ano-ano ngayong magkasama na sila ng kapatid ko.Ang buong akala ko pa naman ay maayos na ang lahat, na magiging masaya at buong pamilya na kami kasama ng anak namin, pero mula pala noon pa ay niloloko lang ako nito.Muli kong sinalinan ng alak ang basong nasa kamay ko, ngunit nang hindi makuntento ay minabuti kong diretso nang uminom sa bote ng alak.Wala na akong pakialam sa pait na lasa ng iniinom ko, kung iyon man ang makakatulong sa akin na makalimutan kahit panandalian ang sakit na dinulot na pag-iwan sa akin ni Gabby.Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng mahihinang katok mula sa pinto ng kuwar
-=Jayden's Point of View=-"Riot"That's the exact word, that describe how my house is, simula kasi ng makabalik kami mula sa bakasyon ay patuloy nang nangulit si Tito na makasal na kaming dalawa ni Gabby, pero ayoko naman na parang lumabas na napipilitan lang ako o para bang mapipilitan ito, gusto kong maging natural lang ang lahat, iyong tipong kaming dalawa lang sa isang romantic na lugar at hindi niya aasahan na bigla na lang akong magpropropose, pero nang dahil sa pangungulit ni Tito ay mukhang mauudlot pa ang proposal kong iyon."I really need to talk to Tito Jovanie about it." frustrated kong kuwento kay Isaiah, I decided to meet him the following day nang makabalik kami mula sa isla.Ayoko man iwanan ang mag-ina ko, pero kailangan ko ng katahimikan para makapag-isip isip."You can talk to him about it, or better yet ask him for his help para sa magiging proposal mo kay Gabby." suhestiyon naman nito, hindi ko maiwasang hindi mapailing sa sinabi nito."Uncle Jovanie might be a
-=Jayden's Point of View=-Dali dali kong pinatay ang alarm sa cellphone ko, maingat kong tinignan ang mag-ina ko, at saka lang ako nakahinga nang maluwang nang mapansin kong hindi sila nagising ng alarm ng cellphone ko.Alas cinco pa lang ng umaga, pero nagdecide na akong bumangon, gusto ko kasing ipaghanda sila ng almusal na ngayon ko lang magagawa."Good morning Sir Jayden." ang bati sa akin ni Aling Celia nang maabutan ko itong abala sa kusina."Magandang umaga din." bati ko naman dito.Akma itong iaayos ang mga lulutuin sana nito nang pigilan ko ito, pinaliwanag ko na lang na ako ang maghahanda ng almusal sa mag-ina ko."Mukhang mahal na mahal ninyo ang mag-ina ninyo sir, sige po tawagin niyo na lang po ako kapag kailangan niyo ako." kahit kanina pa ito umalis ay hindi naman mawala wala ang ngiti sa mga labi ko.Oo, mahal na mahal ko ang mag-ina ko, ngayon na lang uli ako naging ganito kasaya, at hindi ko na alam kung kaya ko pa bang mabuhay kapag nawala pa sila sa buhay ko.Hin
-=Jayden's Point of View=-"I love you too, Jayden. I never stopped loving you." para akong natulala nang marinig ang mga salitang iyon kay Gabby, mabigat man sa loob ko ay nilayo ko ang mga labi ko dito.I felt my heart jump while looking at the beautiful woman in front of me. I tried to look straight into her eyes, and what I saw made my heart beat faster.I'm afraid that it might cause me a heart attack, which I will gladly accept, dahil sa likod nang mga mata nito ay nababasa ko ang katotohanan."Ang babaeng pinakamamahal ko ay mahal din ako." sa loob loob ko, wala pa din ako sa sarili ko habang patuloy lang na nakatingin sa mukha ni Gabby."Magsalita ka naman." ang natatawang sinabi nito sa akin, ngunit kabila noon ay nararamdaman ko ang walang kasiguraduhan sa boses na nakapagbalik sa wisyo ko.Sa dami kong gustong sabihin dito ay wala ni isa man na lumabas sa bibig ko, kaya naman mahigpit ko itong kinulong sa mga bisig ko na tila ba natatakot akong mawala pa ito sa akin."How c
-=Gabby's Point of View=-"Sa tingin mo ba, anong ibig niyang nang sinabi niyang nagseselos siya?" alam kong paulit ulit na ako sa pagtatanong pero hindi ko pa din kasi matanggap ang totoo."My God, Gabby! We had the same conversation, pero hanggang ngayon ay nagdududa ka pa din ba?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Regina, ng nangyari ang pag-uusap naming iyon ni Jayden ay agad kong tinawagan si Regina at ngayon nga ay magkasama kami sa kuwarto ko nang mapatulog ko na si Caleb."Alam ko naman, pero ang hirap lang kasing paniwalaan, I mean matapos ang lahat ng paghihirap ko sa paglayo niya sa anak ko ay sasabihin niyang nagseselos siya na para bang may nararamdaman siya sa akin." frustrated kong sinabi dito."People make mistakes specially when it comes to love, you hurt him sa ginawa mong pagtatago ng anak ninyo." paliwanag nito."But still, hindi mo naman sasaktan ang taong mahal mo kung totoong ma......." ngunit natigilan ako ng maalala ko noong araw na inaya ako nitong sumam
-=Jayden's Point of View=-"This can't be happening." I keep muttering to myself, pero kahit na anong pagtangging gawin ko ay nasa kamay ko na mismo ang katibayan.Muli ay tinignan ko ang pinadalang mga reports ni Arman na para bang mababago non ang katotohanan."Bryan is Jared." nakumpirma ang hinala ko sa mga dokumentong pinadala ni Arman, ayon sa nakalap nito ay may mag-asawang Australyano ang nakakita kay Jared ng makatakas ito sa pumatay sa mga magulang namin, ayon din sa impormasyon na nakalap ni Arman ay dinala nang mag-asawa ang kapatid ko sa Australia at doon na ito lumaki.Ayon sa testimonya na iniwan ng mag-asawa sa mga pulis ay mukhang walang maalala ang kapatid ko marahil dala ng trauma.Sobrang tagal kong pinanabikan at pinangarap na makita ang kapatid ko, pero parang hati ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon.Hindi ko mapigilan ang panginginig ng kamay ko ng kuhanin ko ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko, at agad kong dinial ang number na nakasave sa phone ko."Wha