KATATAPOS lang ng klase namin sa Differential and Integral Calculus. May 15 minutes pa para sa 2nd subject. "Bestie mauna na kayo." Paalam ko. Kala-labas lang namin ng room at papunta na sana sa next class. Hindi na namin classmate si Xander. I understand him if this is his way to move on, distancing himself from me. Hindi naman siya lumipat ng University. Nasa night shift lang ang animal. To be honest, I miss him. Nasanay na akong kasama siya but I don't want to be selfish. If that's what he really needs then be it. "Why?" Pigil sakin ni Kera. "Washroom." Nasabi ko lang saka sila tinalikuran. Nagla-lakad na nga ako sa hallway. Mabuti na lang madaming comfort room dito sa Samson. Nang makarating pumasok ako ng banyo. Nice walang tao. "Fuck!" Napasigaw ako ng di oras. "Hey.. It's me." Saka niya ni lock ang cubicle kung saan ako pumasok at akmang isa-sara sana kanina kung hindi lang siya mushroom, bigla na lang sumu-sulpot. Napahawak talaga ako sa dibdib ko sa sobrang kaba dah
SAKTONG 3 A.M. natapos din kami. May oras pa para umidlip. Maluwag naman ang Condo ni Rafa pero kasi seven kami. Baka hindi na nga ako matulog at antayin na lang ang pagsikat ng araw. "Hoy!" Umikot ako para balingan si Kera. "Hindi ka ba mag nap?" Tanong nitong ikina iling ko lang. "Maluwag naman sa kama ni Rafa. Ano ka ba." Paliwag pa nito. "Ayoko maging istorbo." Pagbibiro kong ikina simangot niya. "Dito na lang muna ko, Kera." "Hindi ka ba nilalamig?" "No." Umalis na siya ng tila napagod ng mangulit. Andito kasi ako sa veranda. Dalawa lang sila ni Rafa sa kwarto. Tapos yung apat sa sala. Tulog bahala na ang mga itsura. Inalok din naman ni Rafa ung dalawa kanina sa kwarto niya pero gaya ko tumanggi din ang mga to. Ang awkward naman din kasing tumabi sa mag jowa. Yes. Legal ang relasyon ng dalawa. Recent ko nga lang nalaman na pinakilala na nila ang isa't isa sa mga magulang ng bawat isa. Sabi ni Kera nung una ayaw ng mama niya. Syempre nag-iisang babae si Kera sa magkakapati
TAPOS na ang klase ko at si Avry may training pa hanggang 7 kaya dumiretso na ako sa kanya. Pagdating ko pa lang nagsalubong na agad ang mga kilay ko. The nerve of that girl! Sinadya kong lumapit ng hindi nila namamalayan. Ang landi. "Wifey. You are here." Akala mo naka kita ng multo. Ang katabi naman niyang babae nakita kong ngumisi. Parehas silang naka pang swimsuit so I guess swimmer din tong higad na to. "Ahm, Wifey si Hillary.." Pagpapakilala niya. "Hillary this is-" "Yeah, I know her. Who would not?" Putol niya agad kay Avry. Bwisit na higad na to. "She's the Ice Queen, the granddaughter of the owner, the untouchable, smartass Ice Queen Samson." The way she said those lines tunog may tinutumbok. Problema niya. "And my girlfriend and future wife." Dugtong ni Avry dahilan para magwala ang mga butterflies sa tummy ko. Maghabulan ang mga animal sa dibdib ko. Pero hindi. May kasalanan ka pa sakin. Dahil wala pang 6 malamang hindi pa sila tapos sa training kaya naupo na lang
PHYSICAL EDUCATION II, last subject namin at sobrang sakit pa din talaga ng puson ko, first day ng menstruation ko. Ngayon lang ulit ako sinakitan ng sobra."Bestie ano? Kaya pa? Sabi naman kasi sayo mag pa excuse ka na eh." Alalang-alala si Rafa. Ganitong ganito kasi siya kapag meron. Kaya laging may dala si Kerara na gamot. Ayoko naman uminom dahil ngayon lang naman to nangyari. Nandito kami ngayon sa Auditorium, nasa may unang hilera ng upuan. Habang yung iba nasa stage nagpa-practice ng step nila. Wala pa naman yung Prof namin. "Hey.. Are you okay?" Nagsalubong agad ang kilay ko. "Ginagawa mo dito?" Inis na tanong ko kay Rain. "Makiki sit in. Masama? Kung may problema ka sa Prof mo sabihin." Inirapan pa ako. Pasalamat siya wala akong lakas sabayan siya. Ang hirap kasing di pasukan tong PE lalo at on going ang practice namin ng sayaw. Rigodon pa man din ang napunta samin. "Wifey.." Dumating na sa wakas ang girlfriend ko. Kagaya nung first sem, classmate ko ulit siya sa PE II
GRABE.. ang bilis lang ng panahon. Hindi ko man lang namalayang nasa 2nd-year college na kami ni Avry at ng mga kaibigan ko. Ang daming nangyari na hindi nyu talaga mai-imagine. Isa na doon ang pagiging official mag girlfriend ni Allie at Rain. So hilarious to think na sila pala ang end game. Sinong makapag-sasabi hindi ba? But I'm happy for them. Naging kaibigan na nga din namin sila. "Smiling alone again, Bestie." Binalingan ko lang siya ng mas malawak na ngiti. Why not? Sobrang saya ko lang talaga kasi everything's completely, smoothly doing fine. "Lubos-lubusin mo na yan, Ice baka hindi ka na maka ngiti the following days." Naupo si Kera sa tabi ko at si Rafa sa harap ko. Andito kami ngayon sa natatorium, nanunuod kay Avry sa training niya. "Can you get to the point, Kerara? What are you blabbing about?" Bigla tuloy nag shift yung good mood ko. Malapit na kasi 1st Anniversary namin ni Avry at pinagha-handaan ko yun tapos sisirain nila ang araw ko. "It's Xander, Bestie." Nan
DUMAAN ang ilang araw na hindi ko pa din nakakausap si Xander. Dahil doon hindi rin nawawala ang pangamba ko na baka isang araw bigla na lang makipag hiwalay sa akin si Avry. Sa kabila ng lahat mas minabuti kong paglaanan ng pansin ang nalalapit na anniversary namin ni Avry. Free cut namin lahat na sinamantala naman ng mga coaches sa iba't ibang sports/varsity para itrain ang mga manlalaro nila. Sinamantala ko ang pagkakataon, tinipon ko ang mga kaibigan ko habang abala si Avry sa preparation para sa swimming tournament niya. "So, guys anu nga?" Pinasadahan ko silang lahat ng tingin. Naka Indian sit kami dito sa quadrangle. Good thing malilim, may sakit ata si haring araw. "Stop gawking at her, Baby!" Banta ni Allie kay Rain. Napatingin tuloy kaming lahat sa direksyun nila. "Allie.. Baby.. I'm not. You are so paranoid. How many times should I tell you that I'd moved on? Hindi ko nga alam kung anong nakita ko diyan kay Ice. Ni ayaw magpahalik noon." Mahaba habang paliwanag nito s
WALANG humpay ang pag agos ng luha ko habang hinahagilap ng buong pagkatao ko si Avry. Wala akong pakialam sa mga taong nakakakita sa kahinaan ko. Ilang beses ko na siyang tinatawagan pero hindi pa din siya sumasagot. Hindi ko na alam ang gagawin at iisipin. Parang nauupos na kandila ang pakiramdam ko. Pagod na ang katawan ko dahil halos malibot ko ang kabuuan nitong University ay hindi ko pa din nakikita si Avry. Wala sa sariling napaupo ako kung saan man ako nakatayo. Dumukdok ang mukha ko sa mga kamay na nasa magkadikit na tuhod ko. Humagulgol akong hindi alintana ang mga student na magdaan. "Bestie!" "Ice!" Rinig ko ang patakbong lapit nila. Mas lalo lang akong naiyak ng yakapin nila akong dalawa. "Pull yourself together, Bestie." Inakay ako patayo ni Rafa. Hindi tumigil ang paghikbi ko. "Ano bang nangyari? Tara.." Alo ni Kera. Marahan akong sumusunod sa di ko malaman kung saan nila ko balak dalhin. Nasa magkabilang braso ko lang ang dalawa. Lutang pa din ang isip ko at t
"Bakit ka pa pumasok? Ang init mo, Bestie." Kinapa nito noo ko. Pagdating ko pa lang. "Mukha ko pa lang.. halata na ba talaga?" Naitanong ko tuloy. Kagabi pa ako nilalagnat gawa ng pagka-babad ko sa ulan pero hindi ko ramdam ang pananakit ng katawan ko bagkus nanunuot ang sakit sa puso ko. Gusto ko na lang mawala yung sakit pansamantala para magawa ko ang dapat gawin. Meron pa akong tungkulin. Iyon ang pagiging mabuting anak at mangyayari lang yun kung hindi ako magpapabaya sa pag-aaral ko. Kaya.. Kaya naman heto pinilit kong pumasok. Kakayanin kong pagsabayin ang lahat habang dumadaing ang kalooban ko. "Bakit ka naman nilagnat? Isang araw pa lang kayong hindi okay." Si Kera na expert sa mga ganitong bagay. "Nakita nyu ba si Avry?" Blangko ang mukhang tanong ko. Imbis sagutin sila. "Pwede bang sarili mo muna? Huh? Uminom ka na ba ng gamot? Kumain ka ba bago umalis sa inyo?" Pangangaral at usisa sakin ni Kera. Hindi ko siya sinagot. Nilabas ko ang phone ko para tignan kung may
[ICE QUEEN SAMSON BLOSSOM]Kalalabas ko lang ng banyo at pinapatuyo pa ang buhok ko gamit ang towel ng yapusin ako ng asawa ko. "Hmm.. Smells good. So alluring to my nose. Wifey.. Tomorrow is your free day, diba?" Habang inuubos ang halimuyak ko sa katawan, hinahalikan ako kung saan. "So?" Hinahayaan ko lang siya sa ginagawa niya. Patuloy pa din ako sa paglakad papunta ng kama hanggang maupo. Kinuha niya ang hawak kong towel, pinakawalan sa sahig. "What? Love.. Don't tell me-" Humalukipkip akong hindi natapos ang sasabihin ko dahil sa pag ngisi niya. Sa itsura pa lang niya basang basa ko na kung anong binabalak niya. Akma akong tatayo pero hinapit niya ako sa bewang dahilan para bumagsak ako sa ibabaw niya. Salubong pa din ang kilay ko. "Love.. Katatapos lang natin." Hindi niya pinansin ang sinabi ko, lalo pa akong hinatak hanggang mawala na ang gap sa pagitan namin. Lahat ng bigat ko nasa kanya na. Nakikiliti ako sa pagdampi ng malambot niyang labi sa leeg ko hanggang bahagya n
"Who was that?" Nguso ko. "Huh?!" Napasulyap pa to sa student na kausap niya kanina. Saka bumalik ang tingin sakin. "Isn't it obvious? My student, Wifey. What are you doing here, by the way?" Akma niya akong hahawakan pero tinabla ko kaya napasimangot siya. "I know she's a student, but what was that?" Kung kanina blangko ngayon masama na ang tingin ko. "At pupunta ako dito sa Samson anytime I want." Wala kasi akong klase today or any appointment pero naisip kong i-surprise visit siya. At mabuti pala na ginawa ko. Baliw na ata ang asawa ko sakin dahil binawi lang naman niya tong University sa pinsan niya para ibalik sa akin. Ako na ngayon ang Director and at the same time as Professor while doing my job as an Architect sa sarili kong firm dito sa bansa. "I don't know what you are talking about, Wifey. Come on. Let me touch you. I miss you." Lumayo pa din ako sa pangalawang attempt niya. "You are flirting with your stupid student." Agad na sumilay ang hindi pagka paniwala sa muk
"Nabusog ka ba?" Ang konti kasi ng kinain niya. Tumango ito saka bumalin sa akin. Sobrang dikit lang namin. Nasa pagitan ako ng mga hita niya. "Now tell me everything." Seryoso siya. Uminom muna ako bago nagsalita. "I was here two months after your Mom died." Pagsisimula ko. Our eyes were locked. My heart was beating, but in a good way. "You were here?" "You remember nothing when we got married kasi lasing ka." Sumilay ang nag iisip niyang mukha. Pasimple at mabilis akong humalik sa kanya bago ako nagpatuloy. "Do you know the movie Can't Help Falling in Love by Daniel Padilla and Kathryn Bernardo?" Tanong ko na sobrang lapit ng mukha ko sa mukha niya. Minsang sinusulyapan ang nakaka magnet niyang labi. Sumilay ang guhit sa gitna ng mga makakapal niyang kilay. "No.. I don't watch Pinoy Movies. It's so corny." Wow ah! "Then now you should watch. You'll know how we got married." Saka ako akmang tatayo pero napigilan niya ako sa bewang. Halos sumubsob tuloy yung dibdib ko sa m
[ICE QUEEN SAMSON]KABABALIK ko lang galing Canada at from airport dumiretso agad ako sa bar na sinabi ni Ara just to witness my wife flirting with some bitch. Aside from Ara, no one knows I'm back kaya nabigla pa ang ibang pinsan niya ng makita ako. They were about to take my wife out of the bar. She's so tanked up, wasted as hell. Inis pa ako sa nasaksihan kaya balak kong umalis na lang at magtungo ng hotel kung saan ako advance check-in ng assistant ko. Sa kabila ng inis ko, nagprisinta akong mag asikaso sa asawa ko. Miss ko na din kasi siya. Huli ko siyang nakita, that was one year ago. Nakatanggap pa nga ako ng salita kay Talli. Ako daw talaga dapat ang bahala sa lasing kong asawa. Yes, we are married without her knowing. Siya lang ang walang alam while the rest are witnessed. Even her mama knows about my plan to marry her daughter before she died in a plane crash. Tuwang tuwa noon ang mama ni Avry ng malaman ang plano ko. She knows why I left her daughter nine or almost t
[AVRY VALERI BLOSSOM] It's been what? Three years and counting, yet still waiting for Ice to come back. Andito ako ngayon sa veranda ng Penthouse ko. I got married to Quinn when Ice again, for the second time around, chose to give way, breaking my heart. It sucks, but I find it brave at the same time. Sa sobrang galit, hinanakit ko kay Ice pinili kong ituloy ang kasal. Pinilit kong maging mabuting asawa kay Quinn. Sa kalagitnaan ng halos one year na pagsasama napansin kong nagiging sakitin siya. Until I found out that she was dying and also why Ice chose to leave me behind. May usapan pala sila at hindi man lang ako sinali o binigyan ng say. Sorry ng sorry noon sa hospital sa akin si Quinn pero andoon na at ano pang magagawa ko. I stayed by her side up to her last breath. Now, I was left all alone, here in this feeling empty, suffocating house. I was on the way to losing hope. I feel like I'm the only one loving so desperately, selflessly, between us. I already forgave her for
ON THE WAY ako ngayon sa usapan namin ni Quinn. Iniisip ko kung ano bang importanteng sasabihin niya. Kung tama si Ate na may alam na siya dapat akong kabahan at maging ready masampal. Deserve ko naman yun. Kahit sino or kahit ako baka hindi nga lang sampal, ngudngod ang gawin ko sa babaeng nakipag sex sa fiancee ko. Tahimik kaming pareho. Ang pinagtataka ko bakit dito kami sa Love is Blind coffee shop nagkita. In all places, why here? Something is off na agad. "What do you prefer to drink?" Putol niya sa katahimikan na bumabalot sa pagitan namin. Hindi ko siya mabasa sa totoo lang pero may nag iba sa kanya—Hindi na siya magiliw gaya nung paano ko siya unang makilala. "Anything would be fine." Sagot ko, trying to be natural. Umorder naman siya at naiwan akong mag isa dito sa napili naming table. Parang sinadya niya atang dito pumuwesto kasi medyo malayo sa ibang customer. "Do you have any hint as to why I asked you to meet me?" Sabi niya ng makabalik. Ipinatong naman ng babae
NAUNA ng umuwi si Ate dahil inaya pa ako ng mga kaibigan ko sa hideout. "Buhay pa pala to." Nasabi ko ng makapasok ako sa lugar na maraming naging ala-ala sa akin. "Oo naman. Sa atin to eh." Nakangiting tugon ni Rafa. Yumapos naman si Kera sa tabi niya. Hinaplos ko ang couch na nasa tabi ko lang. Binabalikan ang magagandang memory. Dito kami madalas pumatay ng oras. Kwentuhan, kantahan at minsan inuman. May tawanan, asaran at iyakan. Lahat.. Ang daming nangyari especially sa couch na to. Nag-angat ako ng mukha ng may maalala. "Nasa US na siya, Bestie." Tila nabasa ni Rafa ang nasa isip ko. Kumawala naman sa pagkakayapos sa kanya si Kera. May kinuha ito. "He left a letter before his flight." Inabot sa akin iyon ni Kera. Dahan kong binuklat iyon. Ang haba. ***** I don't know where and how to start my only one. I made a mistake, Ice dahil sa pagiging selfish ko.. Bulag sa love.. We all are.. but loving you wasn't a mistake kahit pa sobrang nasaktan ako, which was clearly not your
[ICE QUEEN SAMSON]HABANG naglalakad naglalakbay din ang utak ko. Ang daming nangyari sa mga nagdaang araw. Hindi sumagi sa isip kong makikita ulit si Avry. Na pagtatagpuin ulit ang landas namin.Hindi ko din napag handaan ang isang bagay, malamang ikakasal na pala siya. Ang liit nga naman ng mundo at sa babaeng nakilala ko pa sa park. Parang sa mga napapanood ko lang. Pwede pa lang mangyari sa totoong buhay. Pero sino o kanino ba ang happy ending? Hindi ko alam.... "Oh bunso ang aga mo naman-" Si Ate Izzy ang bumungad sa akin pag bukas ko ng pinto. Niyakap ko siya ng sobra, kasing sobra ng dinadala ko. "Are you okay?" Naipikit ko ang mata ko at hindi napigilang umiyak. Bago pa man magising si Avry, nauna na akong umalis para hindi na niya makita. "May nangyari bang hindi maganda? Bakit ka umiiyak?" Hinagod ni Ate ang likuran ko na para bang dama niya ang bigat ng nasa puso ko. "I don't know what to do anymore, Ate. I'm not a bad person, but I love her." "Ano bang sinasabi mo?
"What happened?" Tanong ko ng magdilat ako at siya agad ang nakita. May takip ng kumot ang katawan ko."You fall asleep, Wifey. Did I drain you? Sabi ko we are not done yet pero pagbalik ko ang himbing na ng tulog mo." Kasalanan mo. Gusto kong murahin siya ulit. "Hindi na kita ginising. Are you hungry? I cooked your favorite.""Sinigang?" Bigla naman akong nabuhayan. Napangiti tango siya sa sinabi ko. "Do you want to take a shower first?" Naalala ko ang kaninang kahihiyan kaya tumango ako. Madaming bakas ang naiwan kaya kailangan kong maligo. Nakakahiya sa kanya. "Can you walk?" Sinubukan ko naman gumalaw na nawalan din ng saysay dahil ang hapdi ng pakiramdam ko. Natawa siya ng bahagya sa naging reaction ko. "It's your fault." Sabi ko ng may masamang tingin. "I'm not denying, Wifey. I'm guilty." Sabi naman niya na parang proud pa nga. Binuhat niya ako, dinala ng banyo. Dahan niya akong nilubog sa bathtub. May nakahanda na agad at maligamgam pa ang tubig. Pinaglaruan naman ng k