'Dear My Journal,
Hindi ko na alam kung ano ba ang nangyayari sa'kin. Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko. Hindi ko na alam kung ang lahat ng ito ba ay totoo. Para lamang ako nasa isang masamang panaginip. Nagtatalo ang puso't isip ko kung gusto ko nga ba magising... o natatakot na baka sa paggising ko ay wala na si Mommy sa tabi ko...'Malalim akong bumuntong-hininga habang binabasa ang sinulat ko sa aking journal. Inilapag ko ang ballpen sa mesa at napahawak sa likod ng aking ulo bago sumandal sa upuan.
Tatlong araw palang ang lumilipas simula nang makalabas na ako ng hospital. Hanggang ngayon ay binabalot pa rin ako ng takot sa tuwing naaalala ko ang nangyari sa kagubatan at ang panaginip ko na tila totoong nangyari.
Iniisip kong...
Sign Niya kaya 'yon na mangyayari nga ang nangyari kay Mommy sa panaginip ko? O binalot lamang ako ng sobrang takot kaya naman tila naala
"Pinagpapawisan ka. Are you okay?"Mabilis akong lumayo kay Jax nang akmang hahaplusin niya muli ang pawis na tumulo mula sa aking noo. Natitigilan siyang napatingin sa akin."D-Don't come near me," mariin na sambit ko.Mas lalo lamang nanginig ang kamay ko sa takot ngayong nandito si Jax sa harapan ko... si Jaguar sa harapan ko. Napatingin siya sa kamay ko nang mapansin niya ang panginginig nito."Are you..." he said quietly before he looked at me again. "...scared of me?" he asked.I gulped.Me? Scarred of him?I laughed sarcastically at him as I felt my body trembled because of his eyes seriously looking at me.
"What took you so long, Leanne?" tanong ni Mommy pagkabalik ko sa aming mesa."May... kinausap lang, Mommy," sagot ko bago tipid na ngumiti sa kaniya at umupo sa kaniyang tabi.Napatingin siya sa hawak kong rosas kaya naman nilapag ko na lamang ito sa hita ko bago ipinatong ang kamay sa mesa."H-Hindi pa po ba tapos si auntie sa pagtanggap ng mga regalo?" mabilis na tanong ko upang mawala ang atensyon niya sa rosas.Saglit pa siyang sumulyap sa rosas bago tumingin sa direksyon nina auntie."Hindi pa pero pakiramdam ko ay matatapos na 'yan kahit napakahaba pa ng pila," sagot ni Mommy bago eleganteng uminom sa kaniyang wine glass. "Sa oras na ang lalaki na 'yan ang magbigay ng regalo," dagdag nya bago muling tumingin kayna auntie at tinuro ang lalaking pangatlo sa pila.I narrowed my eyes.Pormang-porma sa suot na pulang tuxedo ang lalaki n
"Mommy, can I come with you? Please?" pagmamakaawa ko kay Mommy nang ihatid na naman niya ako rito kayna auntie upang iwan.Mommy sighed heavily."Hindi nga pwede, Leanne. Tama na ang pagpuumilit," istriktang sambit niya.Malalim na bumuntong-hininga si auntie Lei na nasa aking tabi."Mag-iingat ka, Lea. Delikado na 'yang ginagawa mo. Mukhang kumikilos siya," serosong sambit ni auntie Lei.Nangunot ang noo ko.Bakit tila pamilyar sa pandinig ko ang sinabi ni auntie? Bakit tila... nakita ko na 'to sa panaginip ko?"Dahil sa ginawa niyang pagkilos, mas lalo lamang kami nakasigurado na tama nga ang kutob namin na maling driver ang nakulong namin. Sadya ang pagkamatay ng asawa ko," sambit ni Mommy. Nakita ko pa ang mahigpit niyang pagkuyom ng kamay niya.Hanggang ngayon ay nasa isip ko pa rin ang nangyari kagabi sa
"What are you doing here?" malamig kong tanong sa kaniya.He raised his brows and tilted his head. Itinaas ko rin ang isang kilay ko at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. He's wearing a black shorts and black sweater while both of his hands are inside of his pocket."We are here for Leo," he said.Nangunot ang noo ko nang muli kong ibalik ang paningin ko sa kaniyang mukha.We? Anong 'we' pinagsasabi nit-"Gago! Sabi ko sa'yo parada mo ng maayos yung motor ko! Iniwan mo lang na parang tae sa kalsada, ayusin mo 'yon!"Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses ni Baron. Dahil matangkad ang lalaking ito na nasa harap ko ay kinailangan ko pang tumingkayad at sumilip sa kaniyang gilid ngunit ang lalaki ay nang-aasar na inihaharang ang katawan niya sa tuwing titingin ako sa gilid niya."Ayos na 'yan! Dami mong arte! Mukha ka rin namang tae!"
Malalim akong bumuntong-hininga habang nakaupo sa aking kama. Mabilis kong tinapos ang pagkain ko kanina dahil pakiramdam ko ay may mabigat na nakadagan sa dibdib ko gayong kasama ko sa lamesa ang grupo ng mga mamamatay tao sa hinaharap."Tita, sino mas gwapo? Ako o si Draco? Ako di'ba?" Rinig kong malakas na tanong ni Baron.Napapikit ako sa inis dahil ang sabi nila ay pupunta sila ng plaza pagkatapos kumain ngunit halos isang oras na ang lumipas matapos kumain ay narito pa rin sila. Nasa sala at nakikipag-kulitan kay auntie Lei."Pareho naman kayong handsome, hijo!" sagot ni auntie bago natawa.I see... Magaan ang pakiramdam sa kanila ni auntie. I wonder kung gan'yan pa rin ba ang nararamdaman niya para sa mga lalaki sa hinaharap gayong ang mga kaibigan ng anak niya ay naging sikat na gru
"Fuck you!" I shouted at the top of my lungs nang matapos akong ibaba ni Jax ay pinaharurot niya ang kaniyang motor at binalot ako ng usok ng tambutso.Napaubo ako at inis na pinagpagan ang aking damit dahil sa usok na nanggaling sa kaniyang motor.Damn him! Alam kong galit siya dahil sa naging pag-uusap namin. Ramdam ko 'yon dahil habang nagmamaneho siya ay halos banggain niya na ang lahat ng sasakyan kaya naman mga sasakyan na ang umiiwas mismo sa kaniya. Buong biyahe ay nagsisigawan kami hanggang parang tae niya akong ibinaba rito!"Leanne."Magkasalubong ang kilay ko nang lingunin ko ang taong tumawag sa akin sa aking likuran. Nang makitang si Dacey ito ay mabilis na umangat ang parehong gilid ng aking labi."Dacey!" masaya kong sambit bago siya niyakap."Para namang ang tagal nating hindi nagkita." She chuckled as she hugged me back.
"Of course that's impossible, right? Hahaha... Pasensya na, Leanne. Baka pagod lang 'to sa jogging," sambit ni Dacey bago tumawa at nagsimula ng kainin ang kaniyang pagkain.Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang kaba sa aking dibdib. Para akong nanlamig at bigla na lamang na-estatwa. Alam kong matalino si Dacey ngunit hindi ko akalaing dadating doon ang kaniyang konklusyon.Papaano niya nalaman?"Yeah. Siguro nga pagod lang 'yan. Araw-araw ka atang nagjo-jogging. Consistent in exercising huh?" I normally said with a smirk on my lips, as if I was teasing her."Yeah..." mahinang sambit ni Dacey na ngayon ay tila tulala na sa kaniyang kinakain.Halos muntik ko nang palakpakan ang sarili ko dahil nagawa ko pa ring umakto ng normal. Pasimple kong tinapik ang aking balikat bago malalim na bumuntong-hininga at muling pinulot ang fork na nasa sahig."Ma'am, akin na
"Sabay ka na sa'min, girl. Kasya naman tayo sa car ni Daddy, eh!" sambit ni Jiwel pagkalabas namin ng mall.Tatlong oras lamang ang itinagal namin sa mall. Pagkatapos namin kumain sa cafe ni Mrs. Bub ay dumeretso kami sa arcade at nag shopping. Napakasaya ngunit hindi ko rin mapigilang mabahala lalo na't pakiramdam ko ay may sumusunod sa amin.Sa mga ganitong pakiramdam ay ni minsan hindi pa ako nagkamali. Sigurado akong may sumusunod sa amin at 'yon ang aalamin ko."Hindi na. Iba ang direksyon ko sa inyo. Nakakahiya naman kay Tito. Mag ta-taxi nalang ako," ngiting sambit ko.Ngumuso si Jiwel at nangunot ang noo."Hmm... Dati, ikaw pa ang nagpupumilit sa akin na isabay ka dahil ayaw mong nagc-commute ka, pero ngayon ikaw na 'tong tumatanggi," sambit niya habang may nagdududang tingin sa akin.Napatingin ako kay Dacey na ngayon ay mariin ang titig sa akin. San
Mario Gregorio Cruzio January 4, 1979 - May 15, 2012 Bumuntong-hininga ako matapos basahin ang pangalan na nakaukit sa lapidang nasa harapan ko ngayon. So, it's true... Mario is dead. "Babalik na ako sa sasakyan. Huwag kang magtatagal." Napalingon ako kay Leo na ngayon ay mabilis na tumalikod upang bumalik sa sasakyan at doon maghintay sa akin. Nag-away pa kami ng ilang minuto sa City Jail bago ko pa siya napapayag na pumunta rito. Napabuntong-hininga na lamang ako. Alam kong ayaw na niyang mapadpad sa lugar na ito dahil kinasusuklaman niya si Mario ngunit nagpumilit pa rin ako. Mamaya na lamang ako hihingi ng pasensya. Nang ibalik ko ang tingin sa lapida ay hindi na ako nagtaka kung bakit napaka-alikabok nito. Tila ba walang naglilinis dito at bumibisita. Bahagyang umangat ang gilid ng aking labi. "Sino nga naman ang bibisita sa masamang taong kagaya mo..." Hindi ko napigilang sambitin. Umihip ang malakas na hangin ngunit hindi ako natinag sa aking kinatatayuan. Nanatili
Napalitan ng liwanag ng buwan ang sinag ng araw na kaninang lumalagpas sa bintana ng aking kuwarto. Ilang oras na ang lumipas simula nang matapos ang kamustahan namin kanina sa garden. Sandali pang nanatili ang mga kaibigan ko rito sa kuwarto ko kanina ngunit umuwi na rin sila dahil hindi na nila ako makausap ng maayos.Nanatili akong nakahiga at nakatulala sa kisame. Simula noong matapos ang pag-uusap namin ni auntie ay hindi na nawala ang bigat sa aking kalooban."Bakit kailangan niyang sisihin ang sarili niya..." mahinang sambit ko.Napanguso ako bago malalim na bumuntong-hininga at umupo sa kama. Hindi ko maiwasang maalala muli ang naging pag-uusap namin ni auntie..."I'm so sorry, Leanne..."Natigilan ako nang makarating kami sa gilid ng garden ay iyon kaagad ang sinabi sa akin ni auntie. Napakurap-kurap ako bago bahagyang nagpakawala ng tawa."Auntie, why are you-"Akmang lalapitan ko siya ngunit gano'n na lamang ang pagkatigil ko nang umatras siya kasabay ng pagtulo ng kaniyang
"Ayos ka lang?"Halos napatalon naman ako sa aking upuan nang magsalita sa aking tabi si Ravah. Narito na kami ngayon sa hapag kainan, sama-samang nakaupo at kumakain ngunit ang plato ko ay nanatiling may laman na mga pagkain, hindi pa nababawasan dahil ang mata ko ay masyadong tutok sa batang nakaupo sa aking harapan.Nilingon ko si Ravah. "Y-Yeah. I'm okay."Pinakatitigan niya ako saglit bago ngumiti."Pagod ka ba sa biyahe? Kain ka muna nang makapagpahinga ka na..." ani niya at bahagyang tinapik ang aking likuran bago bumalik sa kaniyang pagkain.Nanatili naman akong nakatitig sa kaniya hanggang sa lumipat ang tingin ko sa mga taong kasama ko ngayon sa hapag. Lahat sila ay kumakain habang nagke-kwentuhan. Nagngingitian at nagtatawanan sa hindi ko malaman na dahilan dahil tila mga tawa lamang nila ang naririnig ko na kay sarap pakinggan.Pinagmasdan ko ang mga kaibigan ko at bahagyang napaawang ang aking bibig nang makita ang isang wedding ring sa daliri ni Larra na ngayon ay malaka
"Trevor?"Pagkasabi na pagkasabi ko palang no'n ay kaagad na umupo sa aking tabi si Monica na kanina ay hihilata palang sana sa sofa, samantalang si Mommy naman ay nanatiling seryoso at nagsimulang magtipa sa kaniyang cellphone. Mukhang hindi niya talaga nagustuhan ang paghabol sa akin ng napakaraming tao kanina."Trevor? Si Trevor 'yan?" kaagad na tanong ni Monica, tila excited at nawala kaaagad ang pagka-stress."Oo?" patanong kong sagot, nanatiling nakatingin sa pangalan na nasa aking screen.Sino ba ang Trevor na 'to?"Oh! Bakit mo pinatay? Bakit mo pinatay?!" Monica asked dramatically nang walang pag-aalinlangan kong pinatay ang tawag."I don't even know him kaya bakit ko sasagutin?" tanong ko, akmang ibubulsa ko na ang aking cellphone ngunit muli itong nag-ring at pangalan muli ng lalaki ang nasa screen.Nagulat naman ako nang bigla
"Anak, are you okay?"Napatingin ako kay Mommy na ngayon ay nakaupo na sa aking tabi. Narito na kami sa loob ng eroplano pauwi ng Pilipinas at hinihintay na lamang ang iba pang mga passengers bago mag take off."Y-Yes, Mommy..." sagot ko bago tipid na ngumiti sa kaniya. Nginitian niya rin ako bago hinaplos ang aking buhok at hinalikan ang aking noo.Bumalik din ang atensyon niya sa harapan habang hawak ang aking kaliwang kamay. Malalim akong bumuntong-hininga at mabilis na nawala ang ngiti sa aking labi nang muling mapadpad ang aking paningin sa litratong hawak ko sa aking kabilang kamay."Leandro Mleiondres... He's the leader of Serpient. The man behind the mask of snake..." Naramdaman ko ang pagtaas ng aking balahibo mula sa aking batok hanggang pababa nang tila marinig ko muli sa aking isipan ang sinabi ni Damon sa akin kanina lamang. Napalunok ako nang mariin nang m
"It's been a while, Leanne..." sambit ni Damon habang nakaupo sa aking harapan. Matapos ng pagkasalubong namin kanina ay pinauna ko na si Monica pumunta kay Mommy. Hindi ako makapaniwala na makikita ko si Damon dito sa Paris. Kaagad na pumasok sa isipan ko ang mga katanungan noong magtama ang aming mga mata kaya naman hindi ko na sinayang ang oras at hiningi ang oras niya para kausapin siya. Hinawakan ko ang aking kamay at itinago ito sa ilalim ng mesa. Hindi ko mapigilang manginig ito dahil kinakabahan ko gayong kaharap ko si Damon. Pakiramdam ko ay marami na ang nagbago sa kaniya kaya naman hindi ko siya maaaring pakitunguhan gaya ng pakikitungo ko sa kaniya noon bilang isang malapit na kaibigan. "R-Really? I don't think so..." Napakamot ako sa aking batok at hilaw na ngumiti. Talaga bang matagal na simula noong huling kita namin?
"Leanne..." Kasabay ng malakas na pagputok ng baril ay siyang malakas din na pagsabog na aking narinig sa hindi kalayuan. "Leanne..." Sigurado ako... Sigurado akong nanggaling ito sa luma at abandonadong gusali. "Leanne..." Si Jax... Si Leo... Ang Black Panther... Ang mga kaibigan ko... Ano na ang mga nangyari sa kanila? Napakalakas ng pagsabog na sigurado ako na buong buildng ang nasakop ng pagsabog. Nadamay ba sila? Maayos ba ang lagay nila? Ano na ang- "Leanne!" Mabilis akong napabangon habang hinahabol ang aking bawat paghinga. Para akong umahon sa napakalalim na dagat. Sa dagat na iyon ay napakadilim, nakakatakot at walang hangin akong masagap at sa napakatagal kong nasa ilalim ng dagat ay tila ngayon lamang ako nakaahon.&nb
"Masaya bang pagtaksilan ang isang kaibigan... Dacey?" Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha sa aking pisnge nang itanong ko iyon. Nanatili akong nakatitig sa kaniya habang siya ay nakatakip pa rin sa kaniyang mukha. Unti-unti ay mabagal niyang tinanggal ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha at doon ay tuluyan kong nakita ang mukha sa likod ng maskara. Malamig niya akong tiningnan, ibang-iba sa kung paano niya ako tingnan sa tuwing kasama namin ang aming mga kaibigan. "So it's really you..." I whispered. Tila may kung anong lumubog sa aking loob. Hindi ko maipaliwanag ang bigat at sakit na nararamdaman ngayong nakatingin ako kay Dacey. Sa itsura niya ngayon ay tila ibang tao siya.... Tila hindi siya ang kinilala kong kaibigan. "It's your fault why I became like this..." mariin niyang sambit, puno ng galit sa kaniyang boses.
Leanne's Point Of View Nangunot ang noo ko nang maramdaman kong may gumagapang sa paanan ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko at saktong dumapo ito sa paanan ko. Gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ang isang malaking gagamba rito. Napasigaw ako ngunit ni hindi man lang iyon narinig dahil sa malaking tape na nakatakip sa aking bibig. Nagsimulang magtambol ang dibdib ko nang tingnan ko ang paligid. Madilim at tanging ilaw lamang sa labas na nanggagaling sa basag na bintana ang nagsisilbing liwanag sa kuwarto na ito. Makalat at napakaraming nagkalat na basag na bote at mga parte ng bintana. Pati ang mga daga, ipis at gagamba ay kulang nalang gawin itong tahanan nila dahil sa rami nila. Na... Nasa'n ako? "Gising ka na." Mabilis akong napalingon sa isang pigura ng babae sa dilim na ngayon ay unti-unting lumalabas sa dilim at naglalakad papalapit sa aki