"You are jealous."
Humigpit ang hawak ko sa batong pinaglalaruan ko bago inis na tinapon iyon sa dagat. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang galit sa akin sa tuwing naaalala ko ang sinabi ni Jax kanina.
Inakusahan niya akong nagseselos kahit na hindi naman! How dare him! Hindi ba pwedeng nagtaka lang ako dahil kaduda-duda na may ponytail siya?! At isa pa, noong itinali niya ang buhok ko ay parang sanay na sanay siya. Para bang ginagawa niya na 'yon noon pa man!
Kumuha muli ako ng bato at muling itinapon iyon sa dagat kung saan makikita na ang reflection ng bilog at maliwanag na buwan sa kalangitan.
"Init ng ulo natin, ah..."
Akmang magbabato muli ng bato sa karagatan nang bigla na lamang may nagsalita sa likuran ko. Matalim ang aking mga mata nang lingunin ko kung sino ito, handa nang batuhin ng bato kapag nagkataong si Jax ito.
"H-Hi..." nahihiyan
"Sunog!" sigaw ni Draco.Lahat sila ay tumayo at akmang pupunta na sa bahay nang bigla na lamang lumabas mula sa likuran ng bahay si uncle Mario, nakangiti at ikinakaway sa kaniyang harapan ang kaniyang kamay."Huwag kayong mag-alala! Sumabog lang yung kalan!" sigaw niya mula sa bahay habang may dala pang timba ang isang kamay, mukhang binuhusan niya na agad dahil nawala rin agad nagliliyab sa likuran.Narinig ko ang malalim na paghinga ni Silvester sa aking tabi bago siya napaupo muli sa batuhan. Maging ako ay tila nabunutan ng tinik dahil akala ko ay may kung sino na ang nagpasabog gayong kami-kami lang naman ang magkakasama rito."Kalan?" tanong ni Jax sa nagdududang boses, tila hidi naniniwala na isang kalan ang dahilan kung bakit may malakas na sumabog kanina.Bahagyang naningkit ang mga mata ko nang mapansin ko ang paraan ng pagtingin ni Jax kay uncle Mario. Malamig ang kan
What the fuck is he doing? Nababaliw na ba siya?!Nanlalaki ang mata ko at bahagyang napaatras habang papalapit sa akin si Jax, patuloy sa pagtugtog ng gitara habang ang kaniyang mga kaibigan ay naghihiyawan at nang-aasar sa kaniyang likuran.Hindi pa man siya nakakalapit ay bigla na siyang huminto, ilang hakbang pa ang layo sa akin. Unti-unti ay sumilay ang nakakalokong ngiti sa kaniyang labi bago naging mabilis at masigla ang pagtugtog sa gitara."Hindi pa ba tayo matutulog.... Alam niyo ba mga gago antok na antok... na... ako..." He changed the lyrics while there's an amusement in his eyes as he looked at me.Tila ba'y pinagtatawanan niya ang naging reaksyon ko!The side of my lips rose up as I narrowed my one eye.Did he just fool me?!"Pucha! Akala ko naman ayun na, master!" Nanghihinayang at tila naiinis na sigaw ni Draco.&n
"Gising na, bata."Gano'n na lamang ang gulat ko nang makaramdam ng malamig na tubig sa aking mukha. Inis kong iniwas ang aking mukha at tumagilid ng higa, hindi pa rin binubuksan ang mata dahil puyat pa.Dinalaw ako ng insomnia ko kagabi kaya naman halos umaga na ako nakatulog."Hoy." Ang baritonong boses ni Leo ang narinig ko bago ko naramdamang may paang umapak sa aking pisnge."Ano ba!" inis kong sambit bago inalis ang paa niyang mabaho. Nagtalukbong ako ng kumot, ayaw paistorbo sa tulog.I heard him sighed."Uuwi na tayo mamaya. Ayaw mo bang enjoy-in muna ang dagat?" Rinig kong tanong niya.Mabilis akong dumilat at umupo sa banig. Nang tingnan ko ang gilid ko ay bumungad sa akin ang nakangiting si Leo."Anong oras na?" tanong ko dahil ang alam ko ay alas dos ng hapon ay uuwi na kami."Alas-di
"Can I ask you something?" Damon asked.Hindi agad ako nakapagsalita at nanatiling nakatitig sa kaniya. Napakurap-kurap ako habang iniisip kung tungkol saan naman kaya ang tatanungin niya.Tungkol ba sa...Napalunok ako bago dahan-dahang napatingin sa kaniyang ibaba."Don't look at that."Mabilis akong nag-angat ng tingin sa kaniya nang malamig niyang sambitin iyon. Napakamot ako sa aking leeg at hilaw na tumawa."A-Ah hehehe... Ano yung a-ano... Kung tungkol sa kanina–""Anong kanina?" putol na naman niya sa akin.Napasinghap ako bago muling mariing napalunok. Sa paraan ng pagtingin niya sa akin ngayon ay tila handa niya na akong patayin sa oras na may maling salita ang lumabas sa aking bibig."A-Ano ba kasi ang itatanong mo?" tanong ko bago muling hilaw na tumawa.Nana
"Die..."Matapos marinig ang boses na 'yon ay mabilis akong dumilat at napabangon. Napasuntok ako ng paulit-ulit sa aking dibdib nang sunod-sunod akong umubo habang iniluluwa ang tubig-dagat."Oh my God, my dear Leanne!" Hindi pa ako umubo ay mabilis na yumakap sa akin si auntie habang umiiyak.Napakurap-kurap ako bago nag-angat ng tingin sa mga taong nakapalibot sa akin. Lahat sila ay may nag-aalalang mukha habang nakatingin sa akin."Ayos lang ba ang pakiramdam mo, hija?" nag-aalalang tanong ni uncle Mario na nakatayo sa likod ni auntie Lei.Napaawang ang bibig ko habang inaalala kung ano ba ang nangyari sa'kin ngunit gano'n na lamang ang mabilis kong pagpikit nang makaramdam ng sakit sa aking ulo kasabay no'n ay ang alaalang nasa ilalim ako ng dagat.Nalulunod. Hindi makahinga. Hindi makaahon. Tila iyon na ang pangalawang pagkakataon na nalapit ako sa bing
"At ano namang gagawin niyo rito, Leo?" masungit na tanong ni auntie matapos namin bumaba sa tapat ng isang hospital. "May bibisitahin nga po kaming kaibigan, Mama," buntong-hiningang sagot ni Leo dahil kanina pa siya tinatanong niyan ni auntie mula pa noong nasa biyahe kami. Napatingala naman ako sa malaki at mataas na hospital na nasa harapan namin ngayon. I took a deep breath as I felt something strange. Gaano ba kalala ang nangyari sa kaibigan nila pati na rin sa girlfriend ng kaibigan nila upang abutin sila ng buwan sa hospital na ito? Nang tingnan ko si Jax na nasa aking tabi ay hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba nang makita ang walang emosyon niyang mukha. Ang mata niya ay malamig at walang kabuhay-buhay na nakatingin sa entrance ng hospital habang nakabulsa ang parehong kamay sa kaniyang itim na jogger. Napataas ang kilay ko nang makit
"Tectonic plates are composed of the Lithosphere that move in a coherent mass that occu..."Malalim akong bumuntong-hininga bago itinakip ang notebook ko sa aking mukha.Napakabilis tumakbo ng oras. Tila kahapon lamang ay bakasyon pa ngunit ngayon ay nagpasukan na naman. Ang dati kong paboritong asignatura na science ay unti-unti ko nang nabuburyuhan dahil sa boring na paraan ng pagtuturo ng aming matandang guro ngayon.Tamad kong iniangat ang notebook sa aking mukha nang kalabitin ako ni Jiwel.I raised my brow at her when I saw her pouting her lips while laying her head on her desk."Girl, I can't wait for the recess..." buryong na sambit niya bago malalim na huminga.I snorted, bago muling sinandal ang ulo sa aking upuan at itinakip ang notebook sa aking mukha.Lahat naman ata kami ay sabik na sa recess."It occurs
"Loosen up, lady in the forest," nakangising sambit ni Baron habang naglalakad na kami palabas ng aming building.Break time na ng mga estudyante kaya naman marami ng mga estudyante ang nasa labas. Hindi ko mawari kung dahil ba sa akin kaya napakaraming estudyante ang nasa paligid namin at sinusundan kami ng tingin, o dahil sa mga lalaking kasama ko na sobrang agaw-pansin?Katabi ko sa aking kanan si Jax na nakasuot lamang ng itim na loose t-shirt habang nakapamulsa sa kaniyang white jogger. Sa kaniyang tabi ay si Leo na naka sando black na may hood at black jogger. Sa aking kaliwang kanan ay si Baron na naka itim din na sando at nakangising pinagyayabang ang kaniyang biceps habang si Draco, Damon at Silvester ay nasa aming likuran.Sa buong bakasyon na lagi kong kasama ang mga lalaking 'to, hindi ko maipagkakailang may mga itsura nga sila na magagawang lingunin ng kahit sinomang madadaanan nila.Kay
Mario Gregorio Cruzio January 4, 1979 - May 15, 2012 Bumuntong-hininga ako matapos basahin ang pangalan na nakaukit sa lapidang nasa harapan ko ngayon. So, it's true... Mario is dead. "Babalik na ako sa sasakyan. Huwag kang magtatagal." Napalingon ako kay Leo na ngayon ay mabilis na tumalikod upang bumalik sa sasakyan at doon maghintay sa akin. Nag-away pa kami ng ilang minuto sa City Jail bago ko pa siya napapayag na pumunta rito. Napabuntong-hininga na lamang ako. Alam kong ayaw na niyang mapadpad sa lugar na ito dahil kinasusuklaman niya si Mario ngunit nagpumilit pa rin ako. Mamaya na lamang ako hihingi ng pasensya. Nang ibalik ko ang tingin sa lapida ay hindi na ako nagtaka kung bakit napaka-alikabok nito. Tila ba walang naglilinis dito at bumibisita. Bahagyang umangat ang gilid ng aking labi. "Sino nga naman ang bibisita sa masamang taong kagaya mo..." Hindi ko napigilang sambitin. Umihip ang malakas na hangin ngunit hindi ako natinag sa aking kinatatayuan. Nanatili
Napalitan ng liwanag ng buwan ang sinag ng araw na kaninang lumalagpas sa bintana ng aking kuwarto. Ilang oras na ang lumipas simula nang matapos ang kamustahan namin kanina sa garden. Sandali pang nanatili ang mga kaibigan ko rito sa kuwarto ko kanina ngunit umuwi na rin sila dahil hindi na nila ako makausap ng maayos.Nanatili akong nakahiga at nakatulala sa kisame. Simula noong matapos ang pag-uusap namin ni auntie ay hindi na nawala ang bigat sa aking kalooban."Bakit kailangan niyang sisihin ang sarili niya..." mahinang sambit ko.Napanguso ako bago malalim na bumuntong-hininga at umupo sa kama. Hindi ko maiwasang maalala muli ang naging pag-uusap namin ni auntie..."I'm so sorry, Leanne..."Natigilan ako nang makarating kami sa gilid ng garden ay iyon kaagad ang sinabi sa akin ni auntie. Napakurap-kurap ako bago bahagyang nagpakawala ng tawa."Auntie, why are you-"Akmang lalapitan ko siya ngunit gano'n na lamang ang pagkatigil ko nang umatras siya kasabay ng pagtulo ng kaniyang
"Ayos ka lang?"Halos napatalon naman ako sa aking upuan nang magsalita sa aking tabi si Ravah. Narito na kami ngayon sa hapag kainan, sama-samang nakaupo at kumakain ngunit ang plato ko ay nanatiling may laman na mga pagkain, hindi pa nababawasan dahil ang mata ko ay masyadong tutok sa batang nakaupo sa aking harapan.Nilingon ko si Ravah. "Y-Yeah. I'm okay."Pinakatitigan niya ako saglit bago ngumiti."Pagod ka ba sa biyahe? Kain ka muna nang makapagpahinga ka na..." ani niya at bahagyang tinapik ang aking likuran bago bumalik sa kaniyang pagkain.Nanatili naman akong nakatitig sa kaniya hanggang sa lumipat ang tingin ko sa mga taong kasama ko ngayon sa hapag. Lahat sila ay kumakain habang nagke-kwentuhan. Nagngingitian at nagtatawanan sa hindi ko malaman na dahilan dahil tila mga tawa lamang nila ang naririnig ko na kay sarap pakinggan.Pinagmasdan ko ang mga kaibigan ko at bahagyang napaawang ang aking bibig nang makita ang isang wedding ring sa daliri ni Larra na ngayon ay malaka
"Trevor?"Pagkasabi na pagkasabi ko palang no'n ay kaagad na umupo sa aking tabi si Monica na kanina ay hihilata palang sana sa sofa, samantalang si Mommy naman ay nanatiling seryoso at nagsimulang magtipa sa kaniyang cellphone. Mukhang hindi niya talaga nagustuhan ang paghabol sa akin ng napakaraming tao kanina."Trevor? Si Trevor 'yan?" kaagad na tanong ni Monica, tila excited at nawala kaaagad ang pagka-stress."Oo?" patanong kong sagot, nanatiling nakatingin sa pangalan na nasa aking screen.Sino ba ang Trevor na 'to?"Oh! Bakit mo pinatay? Bakit mo pinatay?!" Monica asked dramatically nang walang pag-aalinlangan kong pinatay ang tawag."I don't even know him kaya bakit ko sasagutin?" tanong ko, akmang ibubulsa ko na ang aking cellphone ngunit muli itong nag-ring at pangalan muli ng lalaki ang nasa screen.Nagulat naman ako nang bigla
"Anak, are you okay?"Napatingin ako kay Mommy na ngayon ay nakaupo na sa aking tabi. Narito na kami sa loob ng eroplano pauwi ng Pilipinas at hinihintay na lamang ang iba pang mga passengers bago mag take off."Y-Yes, Mommy..." sagot ko bago tipid na ngumiti sa kaniya. Nginitian niya rin ako bago hinaplos ang aking buhok at hinalikan ang aking noo.Bumalik din ang atensyon niya sa harapan habang hawak ang aking kaliwang kamay. Malalim akong bumuntong-hininga at mabilis na nawala ang ngiti sa aking labi nang muling mapadpad ang aking paningin sa litratong hawak ko sa aking kabilang kamay."Leandro Mleiondres... He's the leader of Serpient. The man behind the mask of snake..." Naramdaman ko ang pagtaas ng aking balahibo mula sa aking batok hanggang pababa nang tila marinig ko muli sa aking isipan ang sinabi ni Damon sa akin kanina lamang. Napalunok ako nang mariin nang m
"It's been a while, Leanne..." sambit ni Damon habang nakaupo sa aking harapan. Matapos ng pagkasalubong namin kanina ay pinauna ko na si Monica pumunta kay Mommy. Hindi ako makapaniwala na makikita ko si Damon dito sa Paris. Kaagad na pumasok sa isipan ko ang mga katanungan noong magtama ang aming mga mata kaya naman hindi ko na sinayang ang oras at hiningi ang oras niya para kausapin siya. Hinawakan ko ang aking kamay at itinago ito sa ilalim ng mesa. Hindi ko mapigilang manginig ito dahil kinakabahan ko gayong kaharap ko si Damon. Pakiramdam ko ay marami na ang nagbago sa kaniya kaya naman hindi ko siya maaaring pakitunguhan gaya ng pakikitungo ko sa kaniya noon bilang isang malapit na kaibigan. "R-Really? I don't think so..." Napakamot ako sa aking batok at hilaw na ngumiti. Talaga bang matagal na simula noong huling kita namin?
"Leanne..." Kasabay ng malakas na pagputok ng baril ay siyang malakas din na pagsabog na aking narinig sa hindi kalayuan. "Leanne..." Sigurado ako... Sigurado akong nanggaling ito sa luma at abandonadong gusali. "Leanne..." Si Jax... Si Leo... Ang Black Panther... Ang mga kaibigan ko... Ano na ang mga nangyari sa kanila? Napakalakas ng pagsabog na sigurado ako na buong buildng ang nasakop ng pagsabog. Nadamay ba sila? Maayos ba ang lagay nila? Ano na ang- "Leanne!" Mabilis akong napabangon habang hinahabol ang aking bawat paghinga. Para akong umahon sa napakalalim na dagat. Sa dagat na iyon ay napakadilim, nakakatakot at walang hangin akong masagap at sa napakatagal kong nasa ilalim ng dagat ay tila ngayon lamang ako nakaahon.&nb
"Masaya bang pagtaksilan ang isang kaibigan... Dacey?" Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha sa aking pisnge nang itanong ko iyon. Nanatili akong nakatitig sa kaniya habang siya ay nakatakip pa rin sa kaniyang mukha. Unti-unti ay mabagal niyang tinanggal ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha at doon ay tuluyan kong nakita ang mukha sa likod ng maskara. Malamig niya akong tiningnan, ibang-iba sa kung paano niya ako tingnan sa tuwing kasama namin ang aming mga kaibigan. "So it's really you..." I whispered. Tila may kung anong lumubog sa aking loob. Hindi ko maipaliwanag ang bigat at sakit na nararamdaman ngayong nakatingin ako kay Dacey. Sa itsura niya ngayon ay tila ibang tao siya.... Tila hindi siya ang kinilala kong kaibigan. "It's your fault why I became like this..." mariin niyang sambit, puno ng galit sa kaniyang boses.
Leanne's Point Of View Nangunot ang noo ko nang maramdaman kong may gumagapang sa paanan ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko at saktong dumapo ito sa paanan ko. Gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ang isang malaking gagamba rito. Napasigaw ako ngunit ni hindi man lang iyon narinig dahil sa malaking tape na nakatakip sa aking bibig. Nagsimulang magtambol ang dibdib ko nang tingnan ko ang paligid. Madilim at tanging ilaw lamang sa labas na nanggagaling sa basag na bintana ang nagsisilbing liwanag sa kuwarto na ito. Makalat at napakaraming nagkalat na basag na bote at mga parte ng bintana. Pati ang mga daga, ipis at gagamba ay kulang nalang gawin itong tahanan nila dahil sa rami nila. Na... Nasa'n ako? "Gising ka na." Mabilis akong napalingon sa isang pigura ng babae sa dilim na ngayon ay unti-unting lumalabas sa dilim at naglalakad papalapit sa aki