MIREN'S POINT OF VIEW
"Handa na kayong dalawa?" Napatingala ako ng magsalita si Lazarus sa aking tabi.Nakapila kasi kami rito sa quadrangle, nagkaroon ng outing ang buong course namin.Ito pa iyong sinasabi ni Beverly nu'ng isang araw, bat hindi namin naalalang may pa-ganito pala ang course namin.Ka-kurso namin sila Lazarus kaya kasama rin sila sa outing na ito pero hindi namin sila kasama sa bus, sa kabilang bus silang dalawa.Tumango ako sa kanyang sinabi. Binuhat ko na ang dala kong backpack at paperbag kung nasa'n ang dala kong pagkain."Ako na, Miren." Kinuha niya ang bitbit kong paperbag at siya na ang nagbuhat.Hindi pa rin namin alam ni Fille kung anong pakay nilang dalawa rito sa mundo ng tao. Hanggang ngayon hindi pa rin nila sinasabi sa amin basta ang sinabi lang nila, 'nagbabantay kami para sa aming mga katipan.'Umakyat na kami ni Fille sa bus number namin, pagka-akyat namin sumalubong agad sMIREN'S POINT OF VIEW "Bilis mong maglakad, Miren. Ba't mo naman kami iniwan, kaibigan." Pinang-ikutan ko siya ng mga mata ko. Buti na lang talaga unang-una akong nakarating sa comfort room dito. Medyo creepy lang din ng banyo kasi walang takip man lang ang bintana. Bukas na bukas ito na p'wedeng baka may manilip sa amin kapag maligo kami. Pinapila kami ng mga professor namin, ipapaliwanag sa amin kung anong gagawin namin dito. Kung ano ang mga activity na gagawin namin sa loob ng tatlong araw namin dito na pananatili. Nasa open space kami, may maliit na stage sa aming harapan at ang paligid namin ay mga nagtataasang puno. May iilang bahay kaming nakita rito na nakatira, nakita rin namin ang pinaka-building ng boy scouts. Ang creepy ng place dahil sa vibes na dinadala nito idagdag mo pa na sa mga tent kami matutulog, limang tao kada tent buti na lang talaga hindi namin kasama iyong kambal sa tent. Buhat ko ang aking bagpack at hawak-
MIREN'S POINT OF VIEW"Kami, ang magiging ka-grupo niyo." Napapikit ako sa sinabi niya at napakamot. "Sila Jake ang gusto namin," tumango ako sa sinabi ni Fille. Tama, sila Jake gusto namin kahit need pa namin maghanap ng isa pa. "May grupo na sila Jake, nagpasa na sila ng form sa unahan." Napakamot ako sa aking noo at tumingin kay Fille. Kumunot ang kanyang noo, galit na si Fille. "Urgh! Kahit kailan talaga ang mga iyon, pinagsabihan ko na sila kanina..." Aniya at tuloy-tuloy na gumawi kila Jake kahit kinakabahan ako ay sinundan ko pa rin si Fille. Ramdam kong nakasunod din sila Virion sa amin. Kanina lang nakita ko niyang mga iyan papunta roon sa mga matataas na puno kasama iyong kambal na hapon na iyon tapos ngayon kami naman ang pinupuntirya ng mga ito. Salawahan. Nang makarating sa harap nila Jake ay agad itong bumaling sa amin, sino ba naman hindi babaling sa amin kung ang mga mata ni Fille ay nakakatakot. Pa
MIREN'S POINT OF VIEW"S-seryoso ka ba, Kieron? Huwag mo nga akong takutin!" mataas na boses na sabi ko sa kanya. Tinitigan niya ako nang mabuti, "hindi ako nagbibiro, Miren. Si Maximo ay isang mababang uri ng bampira pero hindi tatalab sa kanya iyong tinapon mo sa akin kanina." Sabay ngiwi nito sa akin. Agua bendita iyong sinasabi niya. "Ilan ba kayong bampirang nandito? Diba mababang uri siya ng bampira? Ba't hindi sa kanya tatalab, e, ang sabi mo para sa mga mababang uri lang tatalab ang mga gano'n." Tanong ko sa kanya pero imbis na siya ang sumagot sa akin, umepal si Virion at siya nagpaliwanag sa akin. "Mahal kong Miren, ang sinasabi ni Kieron na mababang uri ay sila ang mga alagad ni Reid, ang mga tinatawag naming mga Rubis." "R-rubis?" Nasabi na ni Kieron ang tungkol sa mga Rubis sa amin pero ayoko pa ring makakita ng gano'n. Tumango ito sa akin, "sila ang mga bampirang makasalanan. Ginawa sila ni Reid para pumatay at kumain ng mga tao.
MIREN'S POINT OF VIEWHindi na lang namin pinansin ang sinabi ni Kieron kanina pakiramdam kong seryoso ang kanyang sinasabi. Walang bahid na pangungulit at pang-aasar ang kaniyang sinabi kanina. Kaya imbis na sumagot kami ni Fille tumahimik na lang kaming dalawa at tumungo sa unang aktibidad namin ngayong araw. Umakyat kami pataas ng Mt. Makiling sobrang tirik nga ng daanan. Dito raw kasi ang unang aktibidad namin ay ang "First aid rescue." Tuturuan daw kami kung paano ang tamang paunang lunas sa mga nadidisgrasya incase na may makita o makasalubong kaming may kinakailangan na tulong.Umupo kami sa mga upuan na nandito na gawa sa bato at isa-isang inabutan ng mahahabang towel na ang kanyang tela ay gawa sa katsa at hugis triangulo."Good morning to everyone! Nandito kayo sa aking mga harapan para malaman kung paano mag-rescue gamit lamang nito." Sabay tinaas ang hawak niyang towel na hugis triangulo.Tumango lamang kami sa kanya at hinihintay ang sunod
MIREN'S POINT OF VIEW Tumunog na malakas ang sirens na nakapalibot sa campsite namin. Hudyat na huling activity namin ngayon. Nagpalit ako ng jogging pants, nakashort na kasi ako kanina, e. Akala ko matutulog na kami iyon pala may pahabol na activity pa. Nagsuot din ako ng jacket malamig na rin kasi at pinag-rubber shoes kaming lahat. Wala ni-isa sa amin ang may alam kung anong gagawin namin dito. Kung ano ang huling activity namin. Pinapila kami at saka binigyan ng triangular badge kanina. Saka sa amin piniring sa aming mga mata. Kinabahan ako. "F-fille..." Kinakabahan na tawag ko sa kanya. "Nandito lang ako sa likod mo. Huwag kang mag-aalala. Nasa harap mo naman si Beverly diba." Tumango ako rito kahit kinakabahan pa rin ako. Nagkaayos na kaming tatlo, nagkausap na rin kami kaya maayos na kami. "Ilagay ang mga kamay niyo sa balikat ng nasa harap niyo at dahan-dahang tumayo." Ginawa namin ang pinag-uutos ni Dean. Nakatayo na kaming lahat
MIREN'S POINT OF VIEWNapaupo ako ng magising sa hindi pamilyar na k'warto. Nasa malaking kama ako na may haligi sa bawat sulok nito at makapal na kurtina na nagtatabing sa kama. Kulay pula at itim ang bumabalot sa buong k'warto. Ang alam ko lang 'di ito ang k'warto ko. Nasaan ako?Tumayo ako at lumapit sa nakaawang na bintana sa may kanang bahagi ko, binuksan ko ito at bumungad sa akin ang nagbubukang-liwayway na araw.Nasaan ako? Nasa mundo ba ako nila Virion? Kung nasa mundo nila ako, ba't dito nila ako dinala at hindi sa amin?Napakislot ako ng may marinig na nagbukas pinto kaya napalingon ako at tumambad sa akin ang lalaking nagpapatibok ng aking puso. Bakit gano'n? Sinabi ko ba ang katagang niyon talaga? Nagpapatibok ng puso. "Mahal kong binibini, maayos na ba ang iyong lagay? Ako'y nag-alala nang husto ng ika'y aking makitang walang malay sa aking mga bisig..." Humakbang ito papalapit sa akin kung nasa'n ako. "... Waring katapusan na ng buh
MIREN'S POINT OF VIEW "Ang reyna ngayon ay isa sa mga tita mo." Dahil sa sinabi ni Virion ay agad akong nagpasama sa kanya sa silid ng kanyang Ina, na ngayo'y reyna ng kaharian nila. "P-paanong tita ko ang Reyna sa kaharian niyo? H-hindi tayo p'wedeng maging..." mahinang sabi ko sa kanya. Ibigsabihin magpinsan kami, 'di ba? "Sino nagsabing siya ang aking Ina, mahal ko?" Napatigil ako sa paglalakad dahil sa kanyang sinabi. Gulat na mukha ang hinaharap ko sa kanya parang nagsasabing 'what do you mean?' "Magkaiba ang aming Ina ni Orpheus sa ina ng aming nakababatang kapatid naming si Druzila..." Tinignan ko siya ng blangko ang aking mukha at nakakunot ang aking noo. "Paanong? Huwag mong sabihing..." naguguluhang tanong ko sa kanya. Ngumiti ito nang matipid at saka tumango sa akin na waring alam na niya ang aking pinahihiwatig, "Oo, mahal kong Miren. Namatay ang aming Ina nang sumugod ang mga alagad ni Rubis sa aming kaharian. Kapapangan
MIREN'S POINT OF VIEWMatapos ang aming pag-uusap kanina tungkol sa nangyari sa kanyang Ina nila Orpheus at kung paanong naging Reyna ang aking Tita Isabella. Nandito na ako sa harapan ng pinto ng Hari at Reyna rito sa kaharian nila. Nasa loob nito ang aking Tita Isabella na akala ko patay na ng Ilang taon. "Ayos ka lang ba, Mahal ko?" Tumingin ako rito at saka tumango sa kanya.Hindi pa rin talaga ako sanay sa Mahal ko na sinasabi niya. Kung siguro masasanay naman ako, ano?Biglang bumukas ang malaking pinto na pumapagitna sa amin at sa Hari at Reyna ng mundo nila. Nakatingin lamang ako sa harapan ko at iniisip kung ano ang aking gagawin. Ngayon ko lang ulit makikita ang Tita Isabella ko na ang akala naming lahat ay matagal ng patay. Nang tuluyang bumukas ang pinto, natanaw ko sa kinatatayuan namin ang tatlong tao na nakaupo. Nakita kong lumakad si Virion at sinundan ko rin naman siya agad. Gusto ko man tignan ang paligid ng aking nilalakaran, pero ang ak
Miren's Point Of View"Mahal ko? Handa ka na ba?" Nangilabot ako ng marinig ang boses ng manyak na Virion na iyon. Ilang taon na ba ang nakakalipas ng hulaan kami ng isang babaylan. Na ang tamang pag-iisang dibdib namin ay ngayon. Bakit pati iyon ay kailangan namin pahulaan sa babaylan? Isa rin naman akong babaylan, ha? Pero, 'di siya naniwala sa akin. "Tumigil ka, Virion." madiin na sabi ko sa kanya. Nasa harapan ko na siya at ang laki nang ngiti niya sa akin. Ang masama pa nu'n naka-boxer shorts na lang siya. Oh, jusko, lupa bumukas ka at lamunin mo na ako. Umatras ako nang hakbang ng makitang lumalapit na sa akin si Virion. "T-t-teka lang naman!" mariing kong sigaw sa kanya para siyang walang narinig dahil palapit na palapit pa rin siya sa akin. Katapusan ko na. Dingding na itong nasa likuran ko ngayon. Nagulat ako ng ilagay ni Virion ang dalawang kamay niya sa pagitan ng
MIREN'S POINT OF VIEW"Ayos na ba si Kieron?" pagtatanong ko kay Virion na nasa aking gilid. Lumapit ito sa akin, "Mahal ko, maayos na ang pakiramdam ni Kieron. Ikaw, ang aking inaalala. Hindi pa mabuti ang iyong lagay." mahinahon nitong sabi sa akin. Bakas sa boses niya na nag-aalala siya sa akin dahil sa digmaan na nangyari sa pagitan ng mga Rubis."Ayos lang ako, Virion. Maayos na ang pakiramdam ko ng mawalan ako ng malay-tao habang nagsasagupaan ng mga oras na iyon..." wika ko sa kanya. "Nawalan lang naman ako ng malay tao dahil sa paggamot ko kay Reid ng oras na iyon. Pero, dahil sa ginawa kong 'yon nagbuklod-buklod na ulit kayong magkakaibigan." Tinapik ko ang kanyang balikat. Niyakap niya ako nang mahigpit na siyang pagsipa ko sa kanyang tuhod. Nasa gitna kami ng quadrangle tapos yayakapin niya ako. "Mahal ko," tawag niya sa aking isipan pero inangilan ko siya."Nasa gitna tayo ng quadrangle, manyak na hari ng
MIREN'S POINT OF VIEW "Ililigtas ko kayo," sabay yuko ko rito. Hindi p'wedeng mangyari ang aking napanginipan. Hindi p'wedeng dumanak ng dugo sa kinatatayuan namin. Hindi p'wede dahil maging ako ay mamamatay. Nakatingin ako sa mga mata ni Reid, maging si Neko ay nakawala na rin sa lubid. Hindi ko alam kung makikinig sila akin kung ang huling balita na natanggap namin ay sumusugod na ang tatlong kaharian dito. Marahil marami na ring nasugatan at namatay na bampira. Humakba ako palapit sa kanya, muntik na ko mabuwal mabuti lamang nahawakan agad ako ni Reid. "Kaya mo bang lumakad, Miren." Bakas sa boses niya ang pag-aalala sa akin. Ngumiti ako sa kanya at tumango nang marahan, "kaya ko. Nabuwal lamang ako dahil sa tagal ng pagkakatayo at pagkakabitin namin. Huwag kang mag-alala." Tumayo ako sa gitna ng plaza, kaharap ang mga Rubis, "kakayanin kong ibalik ang kasiyahan ng iyong kaharian. Kakayanin kong mamu
MIREN'S POINT OF VIEWBuo na ang loob ko. Alam kong makikinig na sa akin si Reid lalo na't totoo ang sinabi ko sa kanya. Tama ang aking hula. Si Druzila ang kanyang katipan. Nakita kong balisa si Reid na nakatingin sa paligid. Palingon-lingon siya sa akin at sa babaylan na nakatayo sa harap namin. "Si D-druzila..." Hindi nakatakas sa akin ang pagkislap ng kanyang mga mata at nakita ko ring nabanat ang kanyang mga labi. "Pakawalan sila." Mahinang utos niya aa dalawang Rubis na nasa gilid namin, na nagbabantay. Papakawalan pa lang sana kami ng mga Rubis nang umingay ang buong paligid. May mga tumatakbong sugatan na papalapit sa amin. Anong nangyayari?"Ang mga Naeriè, Quebez at Audez ay sumusugod, Mahal naming Reid." Balita ng isang Rubis na puno na ng itim na dugo ang buo niyang katawan. Napahiga ito. Nangisay at tuluyang naglaho. Lumalim ang paningin ni Reid at nagngingitngit ang kanyan
MIREN'S POINT OF VIEW"Buhay na buhay ang katipan mo, Reid. Buhay na buhay at nag-aalala siya sayo." madiin na sabi ko sa kanya at hindi ako nagpatinag sa kanyang tingin sa akin.Hinawakan niya ulit ang aking panga pero ngayon ay mas mahigpit na. Mukhang magkakaroon ng pula at pasa ang kanyang pagkakahawak sa akin. Tiniis ko ulit ang sakit. "H-hindi mo alam, diba? Hindi mo alam na buhay siya, Reid! Alam mo bakit? Naka-sentro niyang isip mo sa kaharian niyo at sa pagganti mo sa mga kaibigan mo! Wala nagsabi sayong buhay ang katipan mo, Reid!" "Sino ang katipan ko?" Dama ko ang galit sa kanyang pagbigkas na iyon. Lalong humigpit ang kanyang pagkakahawak. Nalalasahan ko na ang dugo sa aking bibig dahil sa higpit nitong pagkakahawak sa aking panga. "S-si Druzila..." ani niya ko sa kanya na siyang pagkatigil niya.Napatulala siyang nakatingin sa akin, wala na rin ang kanyang kamay sa aking panga kaya nagagalaw k
MIREN'S POINT OF VIEWHindi ko na alam kung anong oras at ilang oras na kaming nakatayo rito. Habang tumatagal lalo akong kinakabahan dahil parami nang parami ang mga Rubis sa harap namin. Pulang-pula ang kanilang mga mata, nakalabas ang mga pangil nila at handa na kaming balatan ng buhay, isip-isipin ang aming mga dugo at kainin. Hindi man magsalita si Neko, ramdam kong natatakot at kinakabahan na rin siya katulad ko. Hindi ko namin alam kung may tutulong sa amin. Hindi rin namin alam kung nakuha na rin nila si Kone, kakambal ni Neko. Katapusan na namin kapag maging si Kone ay nakuha na rin. Babaha na ng dugo itong kinatatayuan namin. Nangangalay na ang mga braso kong nakatali. Nauuhaw at gutom na rin ako. Pagod na pagod na ako. Parang gusto ko na lang bumigay sa kinatatayuan ko. Umingay ang mga Rubis na nasa harap namin, kinabahan ako. Tinignan ko ang mga ito at parang may tinitignan sila sa aming likur
MIREN'S POINT OF VIEW"Sa akin ka na ngayon," Naalimpungatan ako at nagising na lamang ako sa isang madilim na silid. Totoo ba niyong nakita ko kanina? O, isang panaginip lang? Isang pares na kulay pula na mga mata ang nakita ko habang patakbo sa pasilyo. Mga bisig na yumapos sa akin. Parang totoo. Napabuga ako ng aking hininga ng maramdamang may nakatingin sa akin, madilim man pero ramdam ko ang kanyang mga titig. "V-virion..." Tawag ko sa buong silid kung nasa'n man ako. Walang sumagot man lang sa akin. Kinakabahan na ako pero pilit kong pinapatatag ang aking loob. "F-fille, Beverly?" Walang sumagot sa tawag ko. "Fille! Beverly! Virion!" Malalakas na sigaw ko pero wala akong nakuha ni-isang sagot sa kanila. Nasaan ako? Napapikit ako ng aking mga mata ng may tumamang ilaw sa akin. May naaninag akong dalawang anino na naglalakad palapit sa akin at siyang pag-atras k
MIREN'S POINT OF VIEW"T-tulong... Lumulusob ang Rubis sa kaharian nila Lazarus. T-tulong, V-virion!" Mensahe na natanggap namin mula kay Kieron. Napatayo kami at ramdam kong nakatingin sa amin sila Virion. Lumingon ako kung nasa'n ang tatlo at tama nga ang hinala ko, nakatingin din sila sa amin. Umalis na sila sa pila at saka kami nilapitan. "Si Kieron," ayon lang nasabi ko. Hinawakan niya ang kanang kamay ko at lumabas ng canteen, nakasunod sa amin sila Fille. Pumunta kami sa likod ng canteen na ito at walang kahirap-hirap na nasa mundo na nila kami. Lumingon ako sa aking likod, buong paligid ng kaharian na nila ang nakikita ko. Wala na ang building ng canteen namin at ang ingay sa buong campus. Gano'n pa rin ang mundo nila, mailaw pa rin dito, ang simbulo ng aming pagmamahalan. Pumasok kami sa kanilang palasyo at nadatnan namin doon sina Mahal na hari, ang Reyna, Druzila at ang mga matatandang bampira sa lugar n
MIREN'S POINT OF VIEW "Miren!" Kumunot ang noo ko nang makita si Beverly na tumatakbo habang papalapit sa akin. Nasa tabi ko ngayon si Virion, simulang umuwi kami galing sa mundo nila at nang may nangyari sa aming dalawa, hindi na siya humihiwalay sa akin. Lagi siyang nakasunod sa akin, maging sa k'warto ko mismo ay nandoon siya para bantayan ako at sa pagsapit ng umaga nasa harap na siya pintuan namin para sunduin ako. Kinausap niya rin ang magulang ko tungkol sa aming dalawa, mag-boyfriend-girlfriend kami iyon ang alam ng magulang ko. Hindi nila alam kasal na kami at may nangyari na sa amin. "Hi, Virion!" Sabay yuko nito at kasunod niya sa kanyang likod ay si Blade. Tumango lang ang isa kay Beverly at hinawakan na naman ang kaliwang kamay ko. Nilalaro niya ang aking mga daliri. Naiilang ako sa ginagawa niya pero kapag hinihila ko naman pabalik ang aking kamay hindi niya naman binibitawan bagkus hinihigpitan niya