JANINA MARIE"Umuwi na tayo! Walang kwenta ang bakasyon na ito!"Malakas kong itinulak si Xavier. Sinuntok ko rin ang kan'yang dibdib. Ayaw niya kasing magsalita at sa tuwing tinatanong ko siya ay pinagtatawanan niya lang ako. Gustong-gusto kong malaman ang sagot sa mga tanong ko. Hindi na kasi ako mapakali kaya hinila ko siya sa may dalampasigan. Doon ko itinanong sa kaniya ang lahat ng gumugulo sa isip ko. "Hey, Loves, easy. Baka umiiyak na si Jude sa bahay," nakatawa niyang sabi habang sinasalag ang aking mga suntok. "Panakip-butas lang ba talaga ako ng kabaklaan mo? Kung mahal mo ako noon pa, bakit noong nagkita tayo sa Dynasty Resort ay narinig kitang ayaw mo akong maging asawa?" "Your question is out of line. Grabe ang imagination mo, Janina." Nilagay ko sa akin baywang ang aking dalawang mga kamay. Matalim ko siyang tinitigan habang nakangiti lang siya sa akin. Lalo akong nanggigil nang ilagay niya ang kan'yang kamay sa aking ulo at ginusot niya ang aking magandang buhok.
XAVIER WESLEYMuntik tumama sa mukha ko ang pinto. My wife was so enraged that she nearly hit me with the book on the bedside table. I hate what Janina did. Wala pang kahit sino ang gumawa noon sa akin kahit pa nga mga magulang ko. I tried to control myself. Hindi na kasi si Janina katulad ng dati na tanggap lang ng tanggap ng parusa ko. She's now fighting back at kapag sinabayan ko iyon ay baka tuluyan siyang mawala sa akin. "Janina, open the door please." I knocked on the door. "Umuwi ka na sa bahay mo. Naghihintay sa iyo ang mag-ina mo. Huwag mo akong gawing tanga at tau-tauhan!" she shouted. "Janina, akala ko ba ay mag-uusap lang tayo. Why did you pushed me here?""Walang usap-usap, Xavier. Nakakapuno ka na!"Napaupo ako sa may pintuan. My wife is definitely not willing to forgive me. Hindi ko alam kung paano ko siyang aamuin because I am not the type of guy na sumusuyo sa babae. I reached my phone and dialed Jake's number. Alam kong hindi kami okay pero kailangan ko ng makaka
JANINA MARIEPanay ang halik sa akin ni Xavier. Halos pukpukin ko na siya ng kawali dahil sa kulit niya. Pati si Jude ay napaamo niya agad. Inaasahan ko na rin naman iyon pero hindi pa talaga ako ready na magpatawad. Gusto ko pa kasing maramdaman na sinusuyo niya ako. Pinabalik ni Xavier ang nurse ni Lolo. Tinawagan din ako ng daddy niya na pumasok sa MEC kaya kahit gusto ko nang mag-resign ay 'di ko pa magawa. Busy ang lahat para sa nalalapit na foundation day ng Montefona Electronics Company pero ang asawa ko, abala rin sa kalalandi sa akin."Janina, gusto kong maging honest sa iyo." One time ay nasabi ni Xavier sa akin habang pauwi na kami. Sakay ako ng kotse niya at siya ang driver. Hindi pa rin alam sa company na mag-asawa kami pero katulad noon, hot topic pa rin ako dahil sumasakay na ako mismo sa sasakyan ng chief executive officer. Hindi ako kumibo at tiningnan ko lang si Xavier. Kinabahan kasi ako agad sa paraan ng pagkakasabi niya noon. Inaasahan ko nang may isang rebelasy
JANINA MARIEHinawakan ni Xavier ang aking mga kamay nang makita niyang nakatingin sa table namin ang mga empleyado ng MEC. Napatingin ako sa kaniya habang hinuhulaan ko kung ano ang susunod na mangyayari. Wala kasi siyang sinabing kahit ano. Pilit niya lang akong itinatayo. "Sumama ka na, Janina," tulak sa akin ni Nene. Napilitan akong tumayo. Hawak kamay kami ni Xavier na umakyat sa stage. Sinenyasan niya ang operator ng sound system na pansamantalang itigil ang tugtog. Humingi rin siya ng microphone. "Hello everyone. Many questions have been circulating in every department over the last few months. Janina and I were both aware of your speculations. I decided to end all negative statements. Tonight, I would like to announce to you that Janina and I are husband and wife. This beautiful woman beside me is Mrs. Xavier Wesley Montefona. I ask you to respect her like the way you respect me." Nagsigawan ang mga tao sa harapan namin ni Xavier. Pumalakpak din sila. Ngunit wala akong nar
JANINA MARIEKasing bilis ng ipo-ipo na tinalon ni Xavier ang swimming pool. Nahimasmasan lamang ako sa labis na pagkatulala nang inilapag niya si Jude sa gilid ng pool at nagsimula na siyang magsagawa ng CPR procedure. "Jude, anak," sabi ko habang hawak ko ang kamay niya. Mga nagdarasal na tao ang makikita sa paligid. Ako man ay nagdarasal na rin kasabay ng pagtulo ng luha ko. Paulit-ulit kong tinawag ang pangalan ng aking anak.Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay parang tumigil ang buong mundo. Blangko ang utak ko. Hindi ko alam kung paano na hindi ko nagawang tumalon agad. Kahit nga yata ang sumigaw ay hindi ko rin nagawa.Umubo si Jude. Isinuka niya rin ang tubig na nainom niya. Umiyak din siya nang nakita niya ako. Nagdilim ang paningin ko. Parang dinudurog kasi pati ang himaymay ng laman ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko kasi kinayang makita ang lagay ng aking anak.Ngunit hindi nakalampas sa mga mata ko ang luhaang mukha ni Xavier habang yakap niya ang
XAVIER WESLEYAlthea slammed the door when she entered my office. It was my first time seeing her acting like an angel begging for help. I called the guards and told them na kaladkarin siya palabas ng opisina ko. Her angelic face turned into a monster in an instant. Dinampot niya ang nameplate ko and she told me na ihahampas n'ya iyon sa akin kapag hindi ko raw siya pinakinggan. I massaged the upper part of my eyebrows. My head was aching dahil sa alcohol. Ayaw ko ng gulo at ingay. Hindi ko rin gustong ma-ospital muli. Naalala ko kasi nang minsan ay nasugatan ako dahil binato ako ni Janina ng nameplate na iyon. "Althea, tell me what you want and leave immediately once you have finished talking," I said lazily."Huwag mong ubusin ang oras mo sa kaiinom. Nasa panganib si JM. Pwede bang kumilos ka naman?" Althea shouted. I smirked. How could I believe her statement when Janina herself told me that she's with Tommy. Bakasyon ang gagawin nila at wala silang pakialam sa consequences nang
JANINA MARIEIlang beses kong sinubukan na utuin si Tommy. Sinikap kong itrato siya bilang isang kaibigan at hindi kaaway. Maging ang mga kasama sa mansyon ay pinilit kong kunin ang loob. Kahit minsan ay hindi ako nagreklamo o nagbigay ng kahit na anong sakit ng ulo sa kanilang lahat. Sumusunod ako sa sinasabi nila nang walang reklamo.Hindi ko alam kung ilang araw na ako sa mansion ng mga Bueno. Inilagay kasi ako ni Tommy sa isang lugar kung saan hindi ko nakikita ang liwanag. Walang bukas na bintana sa aking kinalalagyan kaya hindi ko alam kung gabi na ba o araw pa rin. Wala rin kalendaryo at orasan na pwede kong tingnan. Nang malaglag ni Tommy ang aking cellphone ay agad ko iyong itinago. Nagpadala ako ng message kay Xavier kung nasaan ako. Nakuha ko kasi ang detalye ng lokasyon namin dahil sa isang katulong na naging ka-close ko na rin. Nagkunwari ako sa kan'yang nakikipagkwentuhan lang ngunit ang totoo ay pilit ko na siyang pinakakagat sa pain ko. Hanggang sa nasabi nga niya na
JANINA MARIENapakaagang balita! Tommy Bueno was found dead! Nalungkot ako nang makita ko iyon sa balita. Marami rin kaming pinagsamahan na magagandang alaala ni Tommy. Sadyang naging malupit lang sa amin ang tadhana kaya nagkahiwalay kami. "Mukhang apektado ka masyado," puna sa akin ni Xavier. Doon lang ako natauhan. Hawak na pala ni Xavier ang aking mga braso at inaalalayan niya ako. Bigla kasing nablangko ang aking paningin habang nakatingin lang ako sa balita na pinanonood niya. "Kanino nanggaling ang balitang iyan?" tanong ko. "Nagpa-press release ang Pamilya Bueno," sagot ni Xavier."Ano raw ang ikinamatay ni Tommy?""Under investigation pa raw, Janina." Nang mai-upo ako ni Xavier ay pinatay niya ang TV. Inutusan niya ang katulong na ikuha ako ng tubig. Lalayo na sana siya pero hinawakan ko ang kanyang mga kamay. "I'm sorry. Walang ibang ibig sabihin ang lungkot na nararamdaman ko sa pagkawala ni Tommy. Noong mga panahong itinago niya ako, hindi ko rin s'ya nakikita. Hin