JANINA MARIEHabang kumakain ay para akong nakalutang sa ulap. Panay ang ngiti ko habang nakatingin sa aking anak. Nagtatampo kasi si Jude kay Xavier kaya nakahalukipkip siya at nakasimangot. Kahit anong pilit ko ay ayaw niyang kumain. "Happy ka po ba, mama?" inosenteng tanong niya sa akin. "Yes. Kaya kumain ka na kasi malulungkot ako," tugon ko."Sorry na, buddy. Babawi ako," saad ni Xavier. Tumingin siya sa akin. "No! I hate you po," patuloy na pagmamaktol ng aking anak. "Kapag kumain ka, mamaya ay maghahanda tayo para sa extension ng birthday mo. Pupunta tayo sa isang magandang resort kung saan pwede kang maligo sa dagat buong maghapon," pangungumbinsi ni Xavier kay Jude. Parang milagro na biglang nagliwanag ang mukha ng aking anak. Napabuntung-hininga na lang ako. Masyado na kasing nagiging spoiled ang anak ko. Sumenyas ako kay Xavier na huwag n'yang ituloy ang plano niya pero pilyong kinindatan n'ya lang ako. Habang nag-iimpake ang yaya ni Jude ng mga gamit ng aking anak ay
JANINA MARIE"Umuwi na tayo! Walang kwenta ang bakasyon na ito!"Malakas kong itinulak si Xavier. Sinuntok ko rin ang kan'yang dibdib. Ayaw niya kasing magsalita at sa tuwing tinatanong ko siya ay pinagtatawanan niya lang ako. Gustong-gusto kong malaman ang sagot sa mga tanong ko. Hindi na kasi ako mapakali kaya hinila ko siya sa may dalampasigan. Doon ko itinanong sa kaniya ang lahat ng gumugulo sa isip ko. "Hey, Loves, easy. Baka umiiyak na si Jude sa bahay," nakatawa niyang sabi habang sinasalag ang aking mga suntok. "Panakip-butas lang ba talaga ako ng kabaklaan mo? Kung mahal mo ako noon pa, bakit noong nagkita tayo sa Dynasty Resort ay narinig kitang ayaw mo akong maging asawa?" "Your question is out of line. Grabe ang imagination mo, Janina." Nilagay ko sa akin baywang ang aking dalawang mga kamay. Matalim ko siyang tinitigan habang nakangiti lang siya sa akin. Lalo akong nanggigil nang ilagay niya ang kan'yang kamay sa aking ulo at ginusot niya ang aking magandang buhok.
XAVIER WESLEYMuntik tumama sa mukha ko ang pinto. My wife was so enraged that she nearly hit me with the book on the bedside table. I hate what Janina did. Wala pang kahit sino ang gumawa noon sa akin kahit pa nga mga magulang ko. I tried to control myself. Hindi na kasi si Janina katulad ng dati na tanggap lang ng tanggap ng parusa ko. She's now fighting back at kapag sinabayan ko iyon ay baka tuluyan siyang mawala sa akin. "Janina, open the door please." I knocked on the door. "Umuwi ka na sa bahay mo. Naghihintay sa iyo ang mag-ina mo. Huwag mo akong gawing tanga at tau-tauhan!" she shouted. "Janina, akala ko ba ay mag-uusap lang tayo. Why did you pushed me here?""Walang usap-usap, Xavier. Nakakapuno ka na!"Napaupo ako sa may pintuan. My wife is definitely not willing to forgive me. Hindi ko alam kung paano ko siyang aamuin because I am not the type of guy na sumusuyo sa babae. I reached my phone and dialed Jake's number. Alam kong hindi kami okay pero kailangan ko ng makaka
JANINA MARIEPanay ang halik sa akin ni Xavier. Halos pukpukin ko na siya ng kawali dahil sa kulit niya. Pati si Jude ay napaamo niya agad. Inaasahan ko na rin naman iyon pero hindi pa talaga ako ready na magpatawad. Gusto ko pa kasing maramdaman na sinusuyo niya ako. Pinabalik ni Xavier ang nurse ni Lolo. Tinawagan din ako ng daddy niya na pumasok sa MEC kaya kahit gusto ko nang mag-resign ay 'di ko pa magawa. Busy ang lahat para sa nalalapit na foundation day ng Montefona Electronics Company pero ang asawa ko, abala rin sa kalalandi sa akin."Janina, gusto kong maging honest sa iyo." One time ay nasabi ni Xavier sa akin habang pauwi na kami. Sakay ako ng kotse niya at siya ang driver. Hindi pa rin alam sa company na mag-asawa kami pero katulad noon, hot topic pa rin ako dahil sumasakay na ako mismo sa sasakyan ng chief executive officer. Hindi ako kumibo at tiningnan ko lang si Xavier. Kinabahan kasi ako agad sa paraan ng pagkakasabi niya noon. Inaasahan ko nang may isang rebelasy
JANINA MARIEHinawakan ni Xavier ang aking mga kamay nang makita niyang nakatingin sa table namin ang mga empleyado ng MEC. Napatingin ako sa kaniya habang hinuhulaan ko kung ano ang susunod na mangyayari. Wala kasi siyang sinabing kahit ano. Pilit niya lang akong itinatayo. "Sumama ka na, Janina," tulak sa akin ni Nene. Napilitan akong tumayo. Hawak kamay kami ni Xavier na umakyat sa stage. Sinenyasan niya ang operator ng sound system na pansamantalang itigil ang tugtog. Humingi rin siya ng microphone. "Hello everyone. Many questions have been circulating in every department over the last few months. Janina and I were both aware of your speculations. I decided to end all negative statements. Tonight, I would like to announce to you that Janina and I are husband and wife. This beautiful woman beside me is Mrs. Xavier Wesley Montefona. I ask you to respect her like the way you respect me." Nagsigawan ang mga tao sa harapan namin ni Xavier. Pumalakpak din sila. Ngunit wala akong nar
JANINA MARIEKasing bilis ng ipo-ipo na tinalon ni Xavier ang swimming pool. Nahimasmasan lamang ako sa labis na pagkatulala nang inilapag niya si Jude sa gilid ng pool at nagsimula na siyang magsagawa ng CPR procedure. "Jude, anak," sabi ko habang hawak ko ang kamay niya. Mga nagdarasal na tao ang makikita sa paligid. Ako man ay nagdarasal na rin kasabay ng pagtulo ng luha ko. Paulit-ulit kong tinawag ang pangalan ng aking anak.Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay parang tumigil ang buong mundo. Blangko ang utak ko. Hindi ko alam kung paano na hindi ko nagawang tumalon agad. Kahit nga yata ang sumigaw ay hindi ko rin nagawa.Umubo si Jude. Isinuka niya rin ang tubig na nainom niya. Umiyak din siya nang nakita niya ako. Nagdilim ang paningin ko. Parang dinudurog kasi pati ang himaymay ng laman ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko kasi kinayang makita ang lagay ng aking anak.Ngunit hindi nakalampas sa mga mata ko ang luhaang mukha ni Xavier habang yakap niya ang
XAVIER WESLEYAlthea slammed the door when she entered my office. It was my first time seeing her acting like an angel begging for help. I called the guards and told them na kaladkarin siya palabas ng opisina ko. Her angelic face turned into a monster in an instant. Dinampot niya ang nameplate ko and she told me na ihahampas n'ya iyon sa akin kapag hindi ko raw siya pinakinggan. I massaged the upper part of my eyebrows. My head was aching dahil sa alcohol. Ayaw ko ng gulo at ingay. Hindi ko rin gustong ma-ospital muli. Naalala ko kasi nang minsan ay nasugatan ako dahil binato ako ni Janina ng nameplate na iyon. "Althea, tell me what you want and leave immediately once you have finished talking," I said lazily."Huwag mong ubusin ang oras mo sa kaiinom. Nasa panganib si JM. Pwede bang kumilos ka naman?" Althea shouted. I smirked. How could I believe her statement when Janina herself told me that she's with Tommy. Bakasyon ang gagawin nila at wala silang pakialam sa consequences nang
JANINA MARIEIlang beses kong sinubukan na utuin si Tommy. Sinikap kong itrato siya bilang isang kaibigan at hindi kaaway. Maging ang mga kasama sa mansyon ay pinilit kong kunin ang loob. Kahit minsan ay hindi ako nagreklamo o nagbigay ng kahit na anong sakit ng ulo sa kanilang lahat. Sumusunod ako sa sinasabi nila nang walang reklamo.Hindi ko alam kung ilang araw na ako sa mansion ng mga Bueno. Inilagay kasi ako ni Tommy sa isang lugar kung saan hindi ko nakikita ang liwanag. Walang bukas na bintana sa aking kinalalagyan kaya hindi ko alam kung gabi na ba o araw pa rin. Wala rin kalendaryo at orasan na pwede kong tingnan. Nang malaglag ni Tommy ang aking cellphone ay agad ko iyong itinago. Nagpadala ako ng message kay Xavier kung nasaan ako. Nakuha ko kasi ang detalye ng lokasyon namin dahil sa isang katulong na naging ka-close ko na rin. Nagkunwari ako sa kan'yang nakikipagkwentuhan lang ngunit ang totoo ay pilit ko na siyang pinakakagat sa pain ko. Hanggang sa nasabi nga niya na
JANINA MARIE Makalipas ang isang taon, habang masaya kaming magkakaharap na kumakain sa malawak na bakuran ng Paraiso De Montefona sa Calauag ay biglang umiyak ang aking bunso. Parang sinilaban ang puwet ni Xavier dahil sa bilis n’yang tumayo. "Dessa, don't cry, baby," sabi niya habang isinasayaw ito. Kumikislap ang aking mga mata habang pinapanood ko sila. Sa tabi ko ay naroon sina Yna at Jude. Tinutulungan ni Yna ang kanyang kapatid para tanggalan ng tinik ang isda na nasa plato nito. "Ako na ate. Ayaw kong mahirapan ka kasi girl ka. Dapat ako ang tutulong sa iyo," saad ni Jude. "'Wag ka na ngang magreklamo diyan. Ate ako," sagot ni Yna. "Oh, 'wag na kayong mag-away. Ako na lang ang gagawa," sabad ni Nanay Elle. "Hindi po kami nag-aaway. Ganito lang po talaga kami," mahinang sabi ni Jude. Nakangiting sumubo ako ng pagkain. Sa mga gano'ng pagkakataon ay pinapabayaan ko ang aking mga anak upang matutunan nila kung paano respetuhin ang isa't isa. Hinahayaan ko sila para
JANINA MARIEAng mga sumunod na linggo na wala si Xavier ay napakahirap para sa akin. Nagsimula na akong makaranas ng morning sickness at katulad noong ipinagbubuntis ko si Jude, wala akong asawa na puwedeng tumulong sa akin. Nag-initiate ang mga biyenan ko na sa mansyon ng Montefona muna ako tumira subalit tinanggihan ko sila. Mas gusto ko kasing manatili sa bahay kung saan ay na kasama ko si Xavier ng matagal. Gusto kong mabuhay sa mga alaala ng aking mag-ama. "Kumusta ka rito," tanong sa akin ni Althea. "Maayos naman ako," sagot ko sa kan'ya. Tumingin sa akin ang aking kaibigan na para bang hindi niya ako pinaniniwalaan. "Sigurado ka?" tanong niya ulit sa akin. "Baka mamaya tumalon ka riyan sa swimming pool katulad nang ginawa mo noon sa dagat sa Batangas."Nahampas ko ang aking bestfriend. Kahit kasi ilang araw na ang lumipas ay hindi pa rin nawawala sa isipan niya ang nangyaring iyon. Aaminin kong nawala ako noon sa aking sarili, ngunit hindi ko na gustong mangyari pa iyon.
RHIAN HOFREY Jake has been irritable lately. Madalas ay ikinukulong niya ako sa silid at hindi pinakakain. Ginagamit niya rin ako na parang hayop. My life with him is like hell. Nakakasakal at nakakapagod ang bawat segundo. Kapag lasing siya ay pinagdidiskitahan niya ako at binubugbog na para bang wala ng bukas. Madalas ay nagiging unconscious ako sa bawat atake niya. The love I felt for him turned into hate. Galit na pumapatay unti-unti sa akin. Ang daming mga boses ang bumubulong sa akin na tapusin ko na raw ang aking buhay pero pilit kong pinaglalabanan iyon. Ang tanging pangarap ko ngayon ay ang makita si Yna. Subalit idineklara na siyang patay ng mga alagad ng batas. Pumasok si Jake sa silid ko at pinukpok ako ng baril sa ulo. Naramdaman ko ang pagtulo ng pulang likido sa aking noo. Pinahid ko iyon ng likod ng aking palad. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatitig ako kay Jake na parang sinasapian din ng demonyo. “Jake, set me free. Hayaan mong hanapin ko si Yna,” I beg
JANINA MARIEHalos mawasak ang mundo ko dahil sa balitang dumating. Hindi ko napigilan nang unti-unti akong nawalan ng malay. Nagising na lang ako dahil sa mga boses na tumatawag sa pangalan ko. “Ma’am, gusto n’yo po bang dalhin namin kayo sa hospital?” tanong sa akin ng secretary ko. "Ma'am, ano po ang nararamdaman mo?""Misis Montefona, kumusta po kayo?""Ma'am, gusto n'yo po ba ng tubig o kahit anong inumin?"Umiling ako sa bawat tanong ng mga taong nakapaligid sa akin. Pinilit kong umupo kahit nanghihina ako. Agad kong inutusan ang aking personal assistant na tawagan si Althea at Lola Genevieve. Agad naman siyang tumalima sa utos ko. “Ma’am, on the way na raw po ang lola mo,” wika ng inutusan ko.Bago pa man ako magsalita ay agad na pumasok si Althea sa conference room ng isang hotel kung saan namin isinagawa ang meeting para sa expansion ng mga projects ng Villasanta. Agad akong yumakap kay Althea habang hinahayaan niya lang na dumaloy ang mga luha ko.“Ano ang gagawin ko?” ta
JAKE ADMERSONKapag pera ang gumalaw, kahit anghel ay magiging demonyo!I am patiently waiting sa news sa tv. Hindi ko na kasi makontak ang taong inutusan ko kaya sa balita ako ngayon umaasa. Si Rhian ay walang alam sa ginawa ko at panay lang ang ngawa niya dahil wala raw akong ginagawa kahit malapit na kaming magutom. Nakaririndi ang bibig niya ngunit hindi ko siya magawang palayasin o patayin dahil pwede ko pa siyang magamit laban kay Xavier. “Jake, ano ba, wala ka na bang gagawin riyan kung hindi ang umupo at tumunganga sa tv?” she asked angrily. Sinulyapan ko lang siya. Hindi ko gustong makipag-away dahil ayaw kong mabahiran ang saya ko ng galit. Hanggang sa binato niya ako ng unan. Sinalo ko lang iyon. “Jake, ano ba ang susunod na plano natin? Nakakainip na. Wala ka ng pera, wala na rin ako. Paano na tayo? Magtatago na lang ba tayo rito? I don’t want to live my life like this forever,” reklamo ni Rhian. Dahil nakakatulig na ang bibig niyang walang preno kaya binunot ko ang ba
XAVIER WESLEY As I watched Tommy suffer because of some people's cruelty, I couldn't keep my range under control. I feel bad for his mother, who recently lost her husband. I feel sorry for my wife because she blames herself for what happened.I resolved to take action once more. Although paulit-ulit na pumapalpak ang mga plano ko, hindi ako mapapagod na sumubok ulit para sa safety ng aking buong pamilya. Batid kong hanggang nakakalaya sina Jake at Rhian, hindi mararanasan ng mga anak ko ang kalayaan na tinamasa ko dati. Hindi nila magagawang maglaro ng malaya sa mga parks at lalong hindi sila makakakain sa labas na walang iniisip na panganib. Dad was surprised when I told him na pipilayan kong muli ang mga Admerson. He asked me why and I simply said na preparation lang iyon para sa isang sorpresa. He looked at me and said, "Okay. I'll support you all the way. Tell me what you need and I'll give it to you." It's not usual na basta-basta ako papayagan ni Daddy sa mga ganoong gawain pe
JANINA MARIEFeeling ko ay nabura ang lahat ng hinanakit at galit ko sa isang simpleng yakap lang ni Xavier. Mas nanaig kasi sa akin ang pagkagulat nang nakita ko siya sa police station. Hindi siya nakadamit pangkasal bagkus ay nakasuot siya ng isang simpleng t-shirt at maong pants lang. Pagkatapos masiguro na okay kami ng mga bata ay iniuwi kami ni Xavier sa bahay naming dalawa. Natatakot man dahil sa isyu ng security pero buo ang loob niya at ng mga police na hanggang nagtatago kami ay lalong hindi rin lalabas sina Jake at Rhian. Sinang-ayunan ni Lola Genevieve ang pasya ni Xavier. Ngunit may isang kondisyon, iyon ay itatago ulit ang mga bata at kaming mag-asawa lang ang parang magsisilbi na pain. Subalit hindi gusto nina Jude at Yna na malayo sa aming mag-asawa kaya no choice na ang lahat kung hindi magsama-sama sa loob ng isang bahay. Ang bahay namin na dapat ay ubod ng saya ay punong-puno palagi ng tensyon. Maraming tauhan kaming kasama bukod pa sa mga pulis na maya't-maya ang
JAKE ADMERSONDaig pa namin ni Rhian ang aso't pusa habang nasa biyahe kami pabalik ng Cavite. Kasal daw nila ni Xavier at naghihintay na ang fücking bestfriend ko. I was not about to go dahil hindi ko gustong maki-celebrate sa buhay ni Xavier. Magiging masaya lang kasi ako kung patay na siya. Tumawag si Rhian sa pinagkakatiwalaan niyang katulong na nasa mansion ng mga Montefona. Gusto kong marinig ang latest activity ni Xavier dahil aaminin kong duda ako sa magaganap na kasal nila ni Rhian kaya inutusan ko siyang lakasan ng tawag para marinig ko. “Ma’am, kinausap ako ni Sir Xavier. Tulungan ko raw siyang mag-ayos ng mga gagamitin sa kasal at inayos ko na po lahat,” wika ni Gemma. “Ano ang ginagawa niya ngayon?” ‘Nakakulong lang po siya sa kan’yang silid. Nitong mga nakaraan ay palagi siyang nasa kaniyang room lang kasi masama raw ang pakiramdam niya. Masakit daw ang kaniyang ulo.” “Have you seen any unwanted actions or may narinig ka ba na kahit na anong mga salita na laban sa
JANINA MARIEMatinding awa ang naramdaman ko habang tinitingnan ko si Rhian na dahan-dahang umuupo sa sahig at umiiyak. Alam kong biktima rin siya ng mga sakim na tao lalo na ng kaniyang kinilalang ina. Hindi ko alam kung ano ang mga pinagdaanan niya pero may hinuha akong marami siyang pasakit na naranasan. Inilayo ko si Yna sa kaniyang ina. Ayaw kong makita niya na nasasaktan ang Mommy niya. Kahit hindi ko man siya dugo’t-laman, mahal ko si Yna na parang tunay kong anak. Hanggang hindi matino si Rhian ay ipaglalaban ko ang batang natutunan ko nang mahalin. Nang madala ko si Yna sa silid, muli kong binalikan si Rhian. Ngunit naroon na si Jake. Parang bata na naglambitin si Rhian sa bestfriend ng asawa ko at umiyak lang siya nang umiyak. Panay naman ang tanong ni Jake sa kan’ya kung bakit siya umiiyak pero hindi naman nagsasalita si Rhian. Dahan-dahan akong lumayo sa kanila para hindi ako makaistorbo. Alam ko kasing may relasyon sila dahil nahuli ko silang naghahalikan sa living room