Chapter 4: Won't listen to you
Mabilis kong kinuha ang susi ng aking kotse sa loob ng drawer. Pupunta na ako sa company para magpakita kina sir Attorney bago dumiretso sa court. I'm going to prove someone's innocence para sa pera. Kailangan kong maipanalo ang case na ito, hindi lang dahil sa pera, kailangan hindi pumangit ang record ko. Alam mo na, kapag maganda ang record mo, maraming malalaking kliyente ang kukuha at magbabayad sa'yo dahil wala ka pang nahahawakan na kasong natalo.
Dahan-dahan kong binuksan ang condo ko. Sumilip ako sa katapat na pinto at maingat na lumabas upang hindi makalikha ng tunog. Tahimik kong sinara ang pinto at napangiting tagumpay ng hindi iyon mag-ingay.
"Ye--"
"Where are you going?" sinilip niya ang pintuan ng condo ko.
"And what do you think you are doing?" ngumisi sya kaya napawi ang ngiti ko at mahinang napamura. Bwisit. Perwisyo talaga ang Galand na'to.
Tumayo ako ng tuwid at pilit na hindi ipinahalata ang kabang nararamdaman. "Wala kang pakialam." matapang na saad ko at nagsimula ng maglakad palayo. Ramdam kong nakabuntot sya sa akin, ewan ko ba, may something sa loob ko ang tumatalon kapag malapit sya. Parang lukso ng dugo.
Sumulyap ako sakaniya pero diretso lang ang tingin niya sa daan. Napailing ako. Imposibleng tatay ko ang pangit na'to. Kasing edad ko lang, e.
Naglakad ako patungo sa kotse ko ng bigla na naman syang humarang. "Your car keys."
Ikinunot ko ang noo ko. "I don't have it. Ikaw ang naghahawak n'on diba?" pamaang kong tanong sakaniya kaya napairap sya.
"Tumigil ka, Mikaela. Alam kong pumasok ka sa condo ko kagabi at kinuha ang susi. Masyado lang talaga akong inaantok kaya hindi na kita pinansin. Expected ko rin na balak mong pumasok ng maaga para maiwan ako at hindi ka maihatid." ngumisi sya.
"Stop horsing around, Mikaela. Hindi mo ako maloloko."
Nakaramdam ako ng inis ng bigla nitong ilahad ang kamay niya. Hinihingi niya ang susi sa akin. Nakagat ko ang labi ko. Akala ko naman makakatakas ako sakaniya ngayong araw. Akala ko nakalusot na ako mula sa lalaking 'to.
It's been three months since I met this guy. Kaya it's been a year no'ng naaksidente ako. Remember, when ate told him na he will stay with us. The truth is, sa akin lang sya pinag-stay ni ate. Ibinili pa niya ng condo para lang mabantayan ako. Kaya eto, sya rin ang nagsilbing driver ko instead of kuya Berto, at masasabi kong sya na ang may pinakamakapal na mukhang driver sa mundo.
Seryoso ko syang tiningnan bago tinalikuran. Binuksan ko ang sasakyan ko saka mabilis na pumasok, sumunod din naman sya agad at naupo sa driver's seat.
Nailabas na niya ang kotse mula sa parking lot ng muli syang magsalita.
"Where are we going?" tanong nito kaya kumunot ang noo ko.
"Obvious ba? Sa Bar. Magpaparty party ako don." sarkastikong saad ko.
"Okay."
Hindi ko na lang sya pinansin at sumandal na lang sa bintana. Akmang matutulog na ako ng biglang lumiko ang sasakyan niya.
"H-Hoy! Hoy! W-Where are we going? Kidnapper ka!"
Nakita kong kumunot ang noo niya at napangiwi.
"What are you talking about? I'm taking you at the bar para mag-party-party." seryosong saad nito kay napanganga ako at mabilis syang hinampas.
"Bobo ka Galand! Wala kang common sense! Obvious ba? Naka-uniform ako ngayon?! Malamang company at court lang ang pupuntahan ko!"
"Oh? Really? Pagkakarinig ko kasi sa bar o baka mali lang ang pandinig ko." saad nito at bumalik na at tinungo ang tamang direksyon.
"Come on, bobo ka talaga. Common sense lang! Aba! Makakapag-bar ba ako ng naka-suit?!
Nakakabwisit. Hindi ko alam kung pinsgtitripan niya lang ba ako o sadyang wala syang common sense.
Nagkibit-balikat sya. "Pwede. Malay ko ba kung nagpapakitang-tao ka lang. Nakabihis ka as a lawyer but the truth is you're just going to party. Knowing that Atty. Soriano also owns a condo sa parehong floor ng sa atin, diba?"
I got his point pero mukha ba akong party girl sa paningin ng lalaking 'to?
"I'm not a party girl. Hindi pa nga ako nakapag--"
"You are." Napatingin sya sa taas na parang nag-iisip. "Almost fifteen times na yata kitang naihatid sa mga parties, right?"
Bilang na bilang? "Alam mo Mathematician Galand, ibang party iyon. Malalaking tao ang involved doon kaya sumama ako, naiintindihan mo? Hindi yung typical na wild party." umirap ako sakaniya.
"Atleast it's a party." saad niya kaya napairap na lang ako. Naramdaman kong sumulyap sya sa akin.
"Ano nga pa lang gagawin mo sa company nyo? Tapos sa court?" tanong nito kaya muli akong napairap. No'ng nagpaulan yata ng common sense sa mundo, nasa taas sya at nagdo-donate, kaya ayan walang natira at naubusan.
"Magbabasketball?" ani ko kaya napataas ang kilay niya.
"Oh?" tiningnan niya ako sandali. "Marunong ka pala? One on one tayo minsan."
Nag-init kaagad ang ulo ko sa sinabi niya kaya malakas ko syang hinampas sa braso. Mukha ba akong besketball player sa paningin niya?
"Bobo ka talaga! Mukha ba akong basketball player?! Atsaka ako? Magbabasketball sa court?! Mahiya ka naman!" sigaw ko dito. Napahawak naman sya sa parteng hinampas ko.
"Ouch. Ang sakit ha. Bakit ka ba nanghahampas?" inirapan ako nito.
"Ikaw ang nagsabing magbabasketball ka tapos ngayon nanghahampas ka? Ano bang problema mo?" tanong nito.
Humarap naman ako at masamang tumitig sakaniya. Nag-iinit talaga ang ulo ko sakaniya.
"Ako pa ang may problema? E ikaw nga 'tong walang common sense, e. Kulang-kulang ka! Saka pupunta ako sa court! Understood mo na dapat na may hearing ngayon!" sigaw ko sa tenga niya kaya napahawak sya doon.
"Ang ingay mo. Saka ano? You're just going to prove fake innocence there. I hate it. Nagiging sinungaling kapag nasa loob ka na ng impyernong iyon."
Humalukipkip akong sumandal sa kotse.
"So what? Sa impyernong iyon nagmumula ang kayamanan ko. I don't care about your thoughts. Wala ka namang karapatan makialam, e." saad ko sakaniya.
Bumuntong hininga sya at ipinarada ang sasakyan sa parking lot.
"I'm just hoping for you to change. Hindi mo lang napapansin, you are starting to be selfish. Ayoko lang dumating sa point na mas mahalaga pa ang pera sa'yo kaysa sa pamilya mo." liniyata niya na nakapag-patahimik sa akin.
"ATTORNEY Perez, welcome back!"
"How are you attorney?!"
"I heared na-coma ka, are you completely fine?"
"Kamusta attorney?!"
"Andyan na naman sya."
Nginitian ko lang ang mga narinig kong bumati sa akin at nilampasan na kaagad. Lihim ko namang inirapan ang insekyur na bumulong pa. Alam mo na, everybody respects me here kaya dapat maging ka-respe-respeto ako. I am the best asset of this company kaya wala silang magagawa. Dumiresto ako sa office ni Sir Attorney, which is the President of this company. Well, If I am a great lawyer, he is the best. He can make half a million pesos in just one hearing. Eksperto na sya sa larangang ito at saulo a niya bawat pasikot-sikot ng mga kaso dito. Actually, goal ko ang mahigitan sya.
"Good morning, sir Attorney!" bati ko ng maabutan ko syang bumabasa ng mga papeles. Napataas naman sya ng tingin at ngumiti ng makita ako.
"Attorney Perez! My great lawyer! How are you?!" saad niya na parang masayang-masaya pagkakita sa akin. Napatawa naman ako at umupo sa upuan sa harapan niya.
"I'm absolutely fine now, Sir Attorney. Actually, aattend na naman ako ng hearing mamaya." itinaas taas ko ang dalawa kong kilay kaya natawa din sya at napatango.
"I see." saad niya. "So, ano ang nagdala sa'yo dito?" tanong niya. Umakto naman akong nalulungkot bago muling nagsalita.
"Ano ba yan, Sir Attorney? Ofcourse, magpapakita muna ako sa'yo before anything else. Dapat lang na malaman ng boss na magaling na ang maganda niyang attorney."
"Oh?" humalakhak sya. "I appreciate it." biro niya. "Actually, I'm glad that you already showed up after a year. I heared that you're comatose for seven months? I'm so worried when you got involved in a car accident. Nasabi naman siguro sa'yo ng ate mo that I visited you after your surgery?"
Tumango ako. "Yes, Sir Attorney. And I'm happy about it. Salamat po." saad ko.
"Your Welcome, my lawyer." napatingin sya sa relo niya. "Diba may hearing ka pa? You should go. Baka ma-late ka pa. I'm glad to see you." saad nito kaya tango at nagpasalamat ulit. Afterwards, mabilis akong naglakad palabas ngunit napangiwi ng maabutan na pumapatak ang ulan. Napakapa ako sa aking bag at napasimangot ng maalala kong hindi ako nagdadala ng payong. Napirap ako at tinawagan si Galand.
"Pumunta ka dito. Dala payong. Entrance."
Hindi ko na hinintay na sumagot sya at mabilis na pinatay ang tawag. Akmang itatago ko na ito ng may tumawag bigla. Napakunot ang noo ko ng makita ang pangalan ni Galand bago ito sinagot.
("Okay.)
Sasagot pa lang ako ng patayin na niya ang tawag kaya nag-init bigla ang ulo ko. Gusto kong magpapadyak dito at isumpa si Galand pero hindi ko magawa. I need to maintain my poise. Remember, nasa company pa rin ako.
After a seconds, dumating na rin si Galand dala ang payong na pink. Ipinayong niya ito sa akin saka kami sabay na naglakad papunta sa sasakyan ko gamit ang iisang payong.
--
Papasok na ako sa court ng biglang may humawak sa braso ko. Sinamaan ko ng tingin si Galand at tinaasan ng kilay. Seryoso lang syang nakatingin sa akin na parang binabasa ang iniisip ko. Kumurap-kurap sya bago napailing.
"Mikaela.... Don't do this." saad niya kaya napangiwi ako.
"What are you talking about? Nababaliw ka na naman." saad ko at sinubukang hilahin ang braso ngunit hindi ko nagawa.
"I said, don't do this. I mean, huwag mo ng ituloy ang paghawak sa kasong hinahawakan mo ngayon." nagpamaywang ako gamit ang isa ko pang kamay kaya bumuntong-hininga sya.
"And what makes you think na susundin kita? Saka ano bang pakialam mo? Stop talking about things. Hindi mo naman talaga ako kilala. Maaaring may naikwento ang ate sa'yo pero hindi iyon buo. Kaya stop, okay? Huwag kang pampam." naiinis na saad ko at itinulak sya. Mabilis naman niyang hinuli muli ang mg braso ko.
"Mikaela.... ako ang hindi mo kilala. You..." tinitigan niya ako. "I know every single detail of your life. Alam ko rin na lahat ng hinahawakan mong tao ay masasama pero dahil sa pera kaya tinanggap mo sila. Tigilan mo na ang gawaing yan Mikaela. You're not destined to do that things. I can presage it." binitawan niya ako.
"You're predestined to be a helper, Mikaela. Not a helper that helps those stoned hearted but a helper that'll prove justice."
Chapter 5: Trial of Lies Ipinupukpok ko ang aking daliri sa lamesa habang nakatingin sa prosecutor na kasalukuyang kinakausap ang doctor na nag-conduct ng autopsy sa biktimang namatay. Nandito ako sa loob ng hukoman. And this is the final trial. I need to be smart and vigilant. Ang prosecutor na naghawak ng kasong hinahawakan ko ay isa sa kilala at pinakamagaling sa bansa. Matalino ang isang 'to. I've watched him once defeat Attorney Soriano in a trial. His tactics are different. Accurate but exceptional. Ang hawak kong kliyente ngayon ay inakusahan sa kasong murder. At base sa kanila ay namatay ang biktima dahil sa paghampas ng baseball bat at sadyang pagtulak ng suspek dito upan
Chapter 6: A senseless interrogation with you. Lumabas na ako sa court right after the trial. Napangisi ako. Hundred thousand again. Naipanalo ko na naman ang kaso. I'm such a great lawyer. Hay. Naaubutan ko sa labas ng sasakyan si Galand. He's obviously waiting for me. Nang makita niyang palapit na ako ay seryoso niya akong tinitigan. Inirapan ko lang sya at pumasok na sa sasakyan. Psh. Alam ko ang ganoong klaseng tingin ni Galand, ibig sabihin may kasalanan ako at may nagawang hindi niya nagustuhan. Madalas ko ng makita ang ganoong tinginan sa loob ng tatlong buwan. Palagi kasi syang kontra sa ginagawa ko kaya hindi kami magkasundo. "Tumuloy ka pa rin..." saad niya at pabagsak na isinara ang pinto ng sasakyan. "So? Share mo lang?"
Chapter 7: Can't be fooled by an act "Nyenyenye. Whatever, Mikaela. I told you to stop pero hindi ka sumunod. Wala kang kwenta." Napakunot noo ako at pinigilan na lang ang inis na nagsisimulang sumibol sa dibdib ko nang muli akong batuhin ng papel ni Galand. Kanina pa niya ako kinakausap. Hindi ko alam pero wala ako sa mood makipag-away sa lalaking isip bata. Kung nagkataon, baka nasabunutan ko na 'to. "Mikaela naman! Kanina pa kaya kita binabato! Tulalang tulala ka dyan! Ano bang meron sa dingding? Mas gwapo naman ako dyan ah? May abs pa." Hindi ko pinansin ang pagmamalaki niya sa kaniyang pandesal. Kadiri lang. Akala naman niya mahilig ako sa may abs. Saka akala mo naman talaga, may abs. "Mik
Chapter 8: Money makes the robot move Habol-hininga kong itinulak ang pinto papasok sa police station. Napahawak ako sa tuhod ko at napapikit. Napasulyap pa ako sa sandals ko at napailing ng makitang nabali na ang heels nito. "Ano bang ginagawa nyo?! Pwede bang simulan nyo na ang paghahanap sa anak ko?! Ano pang tinutunganga at dina-dada nyo dyan?! For Pete's sake! Nawawala ang anak ko! Can you atleast make a move?!" Mabilis na nalipat ang tingin ko sa pinanggalingan ng boses. Mula dito e natanaw ko si ate na umiiyak habang sumisigaw. Hawak pa sya ng dalawang pulis upang pigilan ang pagwawala niya. "Ano?! Where's ate Kim?!" Napaigtad ako sa pagsulpot ni Galand sa likuran ko. Nagpahuli kasi sya dahi
Chapter 9: Evidence ain't enough "Tita..." mabilis akong lumapit ng makita ko si Shzane. Sa tabi n'ya e ang halos trenta pang mga bata na mayroong kaniya-kaniyang ginagawa. Ang iba ay umiiyak habang ang iba ay tahimik lang sa isang tabi. Niyakap ko kaagad si Shzane ng mahigpit. "Shhhhhh." pagpapatigil ko sa pag-iyak nito. Kailangan naming mag-ingat, maraming lalaki sa labas. Hindi ko sila kakayaning lahat. Tumayo ako at hinawakan si Shzane sa palapulsuhan. Napatingin ako sa naiwan pang mga bata. Nagdadalawang-isip kung isasama ko pa ba sila sa pagtakas namin. Sa huli ay napailing na lamang ako at dahan-dahang lumabas sa pinto. "Ahhhhhhh!" napahiyaw ako ng sumalubong sa amin ang dalawang lalaki at hinablot si Shzane palayo sa akin habang ang iba a
Chapter 10: A strange case for me "Saan punta mo?" Gabi na at nandito si Galand sa condo ko. Kanina ko pa s'ya pinapalayas pero sadyang matigas ang utak ng lalaking 'to. Sa halip ay umorder pa sya ng pizza sa Showkeys. Suot ko ang kulay itim na damit at pantaloon na tinernuhan ng leather shoes na itim. At kung saan man ako pupunta, wala akong balak sabihin sakan’ya 'yon. "Ewan ko, saka pakialam mo ba?" inirapan ko s'ya. "Kapag tapos ka na magkalat d'yan, sar'han mo na lang 'tong condo ko. Oh!" Hinagis ko ang susi sa kan'ya at mabilis na umalis kaya hindi na n'ya nagawang mareact pa. ---
Chapter 11: Catching death for meI'm not dumb. Alam kong hindi ako pwedeng mamatay sa labang ito dahil walang magliligtas sa mga bata.I'll risk my life, but I won't give it up. Dimwit.Ipapapukpok ko pa sa judge ang mga halimaw na 'to.Kasalukuyan akong nasa tabi ng fuse ng bahay na'to. Naghihintay ako ng timing. Mula kasi dito ay tanaw ko ang lahat ng demonyong nagtatawanan.Walang maibigay sa bata, pero ang ulam nila crispy pata. Naikuyom ko ang aking kamao.Wala daw ibinigay ang boss nila, pero ang totoo, kinupit nila para mabili ang pansariling kagustuhan.Napailing na lang ako sa inis
Chapter 12: Please, help me Hindi ko mapigil ang aking pag-iyak habang hinihintay na matapos ang operasyon ni Galand. Hindi ko na alam ang nangyari kanina, dahil pati ako, nahimatay sa kabang naramdaman. I am sitting here alone. Kanina ko pa hinihintay ang doctor sa loob ng emergency room na kinaroroonan ni Galand. Ang alam ko, si ate Kim ang doctor na gumagamot kay Galand. At sa kaalamang iyon, ay bahagya akong kumalma. May tiwala ako kay ate. Alam kong hindi n'ya pababayaan si Galand. Pati si Shzane at ang iba pang mga bata, alam kong nandito sila sa loob ng hospital. Paniguradong nasa iisang kwarto sila at inaalagaan. I can't imagine that
Unti-unti kong ginalaw ang aking daliri saka dahan-dahang iminulat ang mata. Malabo pa ang paningin ko kaya pilit akong kumukurap upang maging malinaw ito. Naaaninag ko ang isang lalaking nakaputi sa harapan ko na animo'y doktor.Maya-maya lang ay biglang luminaw ang mata ko at mukhang hindi iyon napansin ng doctor. Pinagmasdan ko s'ya na parang may kinakalikot na tila ba may balak na gawing hindi kaaya-aya. Bigla ang pagragasa ng kaba sa aking dibdib nang tumagilid ang doctor. Naka-medical mask ito kaya hindi ko mamukhaan. Nakita ko ang isang bote at kaagad nanlaki ang mga mata ko nang makita na bote iyon ng lason.Sa lagay ko ngayon ay hindi ko kayang makipaglabanan ng dahasan. Nanghihina ang katawan ko dahil kagagaling ko lang sa pagtulog.Nanginginig kong tinanggal ang swero mula sa aking braso at pasimpleng inipit iyon sa kama. Kaagad akong pumikit nang biglang humarap ang doktor o kung tunay nga ba iyong doktor. Sinsisipat-sipat nito ang syringe bago lumapit sa swero ko. Walan
Chapter 33: Almost a loser Pinalagatok ko ang aking leeg at humikab. Napatingin ako sa digital clock sa aking table at nakitang 11:23 na ng gabi. Sa wakas. Natapos ko rin ang dapat tapusin. Pinagtyagaan ko talagang tapusin ito ngayong araw kahit na abutin ako ng gabi. Kapag hindi ko tinatapos kaagad, pakiramdam ko ay sobrang dami. Napabuntong-hininga ako nang maalala na wala na si Galand ngayon dito. Nag-paalam ito sa akin na may importanteng lakad pero hindi sinasabi sa akin kung saan kaya hindi na ako nagpumilit sa kabila ng kyuryusidad na nararamdaman. Inayos ko muna sandali ang aking mga gamit bago lumabas ng building. Nagpaalam pa sa akin ang guard kaya tinanguhan ko lang ito at nginitian. Mabilis naman akong sumakay ng sasakyan at muling napahikab. I'm really sleepy right now. Gustong-gusto ko na matulog but I can't just sleep here. Binuksan ko ang makina ng sasakyan at kaagad itong pinaandar. In-on ko na rin ang radyo at nilakasan nang marinig na tumutugtog ang kantang Dom
Chapter 32: Line after wealthTahimik lang akong nakatitig sa harapan. Pinagmamasdan ang dinaraaanan namin ni Galand.Nandito kami sa sasakyan dahil pupunta kami sa police station. Pupuntahan ko si Hugo to talk about things. Itatanong ko na rin sakan'ya ang maaring itanong ng kalaban sakan'ya sa susunod na hearing.Originally, ang schedule ng hearing ay dapat bukas na but the other team keeps on adjusting it. Palibhasa ay mapepera kaya madaling nabayaran ang mga tiwaling tao.Sabi ko nga kanina, tahimik lang akong nakatitig but deep inside ay nabibwisit ako kay Galand. Maya't maya ang sulyap nito sa akin na kapag tiningnan ko naman ay umiiwas ng tingin. Noong nakaraan pa s'ya ganito. Simula noong mahospital s'ya ay mukha ng tanga ang akto nito."You can either stare or don't look at me at all,"Naibulalas ko nang maramdamang papatingin na naman s'ya sa direksyon ko. Binaling ko ang tingin ko rito na kaagad namang nag-iwas ng tingin."H-Hindi kita tinitingnan ah!""So guni-guni ko lan
Chapter 31: Truth for my thoughtsHINDI maipaliwanag ang aking nararamdaman habang nakatitig sa patong-patong na regalong nasa harapan ko ngayon. Hindi dahil mamahalin ang mga ito, pero dahil ito ay nagmula sa kanilang mga puso. Tanda ito ng kanilang pasasalamat sa akin.I didn't think that being appreciated by unknown people feels great. Ako na ang nagsasabi, sobrang sarap sa pakiramdam.Inisa-isa kong tingnan ang mga regalo. Ang iba ay may sulat ng pasasalamat habang ang iba ay walang pangalan kung kanino manggaling. Mukhang mas pinili nilang magpasalamat nang hindi ko nalalaman. Ganon pa man, it made my heart jump."I don't know what to say..." mahinang bulong ko sa aking sarili.Akmang bubuksan ko ang isa sa aking regalong natanggap nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Ms. De Luna na hinihingal pa kaya kaagad akong napatayo at napakunot noo."What is it now, Ms. D--"Z-Zero! Si Z-Zer--""What about Galand?!" natatarantang sagot ko sakan'ya at kaagad na lumapit."S
Chapter 30: An ey for this feeling"DRINK this Mikaela."Mamasa-masa ang mata kong nilingon ang nakalahad na maligamgam na tubig sa harapan ko. Si ate ang nag-abot nito sa akin. Napasinok pa akong inabot ito."Mikaela, calm down. It's alright now." pagpapakalma sa akin ni Sean.Sa kabila ng pag-aamo nila ay tila naging isa akong bato na walang naririnig. Basta ang alam ko, I am badly terrified. Napatungo ako at nakita ang kamay kong mabilis na gumagalaw. I am shaking. Hindi ko makontrol at mapigil ang panginginig. Dala ito ng takot.Napatungo ako lalo. I don't know but I am deeply hurt. The fact that I don't know or recognize myself now hurts me so bad. I felt like a stranger to myself. The Mikaela that is capable of doing unbelievable things is a stranger to me."Mikaela? Bakit nandito ka--bakit ka may baril?!"Nang lingunin ko s'ya ay bumungad sa akin ang gulat na mukha at nanlalaking mga mata nito.
Chapter 29: Ice cream vs. Life"TITA, I want ice cream."Ibinaba ko ang librong aking binabasa nang magsalita si Shzane sa tabi ko. Kaagad ko s'yang tiningnan at ang nangungusap na tingin ang bumungad sa akin. Napailing ako dahil kapag ginamit na n'ya sa akin ang ganitong mukha ay nahihirapan na ako tumanggi."Gabi na ah? Bukas na lang kaya?" kalmadong kumbinsi ko.Nandito kami ngayon sa bahay nina ate. Syempre, Galand is with me. Kasama rin namin kanina ang yaya ni Shzane pero umuwi na rin ito kaagad noong mag-ala-sais.Ngumuso si Shzane. "Gusto ko talaga ng ice cream eh. Please po tita?"
Chapter 28: Happy Unhappy"SIR Attorney."Nag-bow ako sa harap ni Sir Attorney at bahagyang ngumiti. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ba s'ya haharapin. Aaminin ko, hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ako ng pagkailang at hiya. Alam kong hindi naging maganda ang asal ko no'ng nakaraan."Bakit n'yo po ako pinatawag?" tanong ko.Ngumiti naman ito ng bahagya saka inilahad sa akin ang upuan sa harapan n'ya kaya umupo ako roon. Napatikhim ako bago muling tumingin sakan'ya.
Chapter 27: You can't hide and run from me"LET us all welcome, Attorney Mikaela Perez!"Napangiti ako ng malaki nang mabanggit na ang pangalan ko ng emcee at kaagad na tumayo. Ito na ang pagkakataon upang maipaliwanag ko ang sarili ko. Napalibot ang mata ko sa mga tao sa harapan. Naroon sina ate, Shzane, Galand, Sean at katabi nila ang ilang-daang tao na naghihintay din ng sasabihin ko.Kapansin-pansin din ang pagliwanag ng paligid dahil sa sunod-sunod na flash mula sa camera ng media. At ngayon, sigurado akong naka-ere ang pangyayaring ito sa buong bansa.Bukod pa rito, nakakatuwa na umattend ang Presidente upang personal akong pasalamatan sa harap ng mga tao. Kasama ko s'yang nakaupo sa stage.
Chapter 26: Knotty President"IKAW, ikaw ang mas gwapo sa paningin ko."Ramdam ko ang paninigas ng katawan ni Galand sa ginawa at sinabi ko pero nanatili akong nakatanaw da direksyon na tinakbuhan ng lalaki.Hindi ko alam pero nang makita ko ang lalaking iyon ay nakaramdam ako ng panganib. Para bang kailangan ko s'yang iwasan. Sa paraan ng pagngisi nito sa akin ay talaga namang kikilabutan ka. Parang hindi gagawa ng tama."Ops! Ano yan ha?"Kaagad akong naitulak ng bahagya ni Galand nan