Abo't-abot ang kaba niya habang nakatitig sa lalaking nagmamaneho. Yakap niya rin si Serenity. Ewan ba niya pero ang sama ng pakiramdam niya sa lalaki. Kahawig ito ni Royce base suot na kupya. Napahiya pa siya kanina noong tawagin itong Royce."Sa harap na lang ng building—"Natameme siya at bahagyang nanlaki ang mga mata noong idiretso nito ang taxi sa parking space sa basement."Uy! Hindi pwede ang taxi dito!" sita niya rito ngunit hindi ito nakinig, nagmaneho lang ito na para bang pag-aari nito ang building na iyon.Napapikit siya nang mariin at gustong magmura kung hindi lang nakatingin si Serenity. Malayo pa lang sa guard na nagbabantay sa parkingan ay hiyang-hiya na siya. Hinanda na niya ang sarili na masermunan sa pagpapapasok ng taxi."May driver license ka? Kapag ikaw pinakulong, huwag mo kaming idamay," inis niyang litanya.Tamad lang itong sumandal sa driver seat, binaba ang bintana noong makalapit sa pwesto ng guwardya. Akala niya ay sisitahin sila pero laking gulat niya n
"Bakit mo tinatawag na Daddy ang Daddy ko, Serenity?" nalilitong tanong din ni Amethyst.Liningon siya ng anak niya. Nangingilid ang luha sa mga mata nito at tila nanghihingi ng tulong sa kanya."Come here, Baby."Lumapit ito sa kanya kahit pa alam niyang gustong-gusto na nitong yakapin si Royce."Mommy, he's my D-addy right?"Huminga siya nang malalim, "Okay lang ba na hanapin mo muna ang Lolo mo? Kakausapin ko lang ang... Daddy mo."Halatang nagdalawang isip ito pero tumango rin. Humakbang ito patungo sa kusina. Kita pa niyang sumunod dito si Amethyst. Bahagya siyang kinabahan na baka awayin ni Amethyst ang anak niya pero naalala niyang kaugali niya ito at hindi magpapatalo."She looks exactly like... Amethyst. How come?" nalilitong tanong muli ni Royce noong wala na ang dalawang bata.Kumuyom ang kamao niya at pinaliit ang mga mata. Sinuri niyang mabuti kung uma-acting ito. Imposible talagang hindi nito alam. Imposible din na ang bilis magbago ng itsura nito."Hanggang ngayon ba ma
Mababaliw yata talaga si Crystal sa sobrang pagkalito. Naiiyak na nga siya na hindi pa rin nila makita si Serenity tapos ay hindi pa rin umaamin si Royce na ito ang nagtago sa anak niya."Hindi naman ako maghahabol sa'yo basta ipakita mo lang ang anak ko! Ano ba ang hindi malinaw sa sinabi ng katulong na sumama sa Daddy niya si Serenity? Ikaw lang naman ang alam niyang Daddy niya!" Frustrated na niyang sigaw.Sobrang naguguluhan na siya. Kaunti na lang ay mawawala na siya sa sarili sa sobrang pagkagulo."Uminahon ka muna, Crystal. Himayin nating mabuti ang mga pangyayari," mahinahong pakiusap ng Daddy niya."Dad, how can I calm down kung hindi mahanap ang anak ko?!""Tumahimik ka nga! Hinahanap na ng mga pulis ang anak mo. Kung hindi ka kakalma riyan ay lalong hindi mahahanap ang anak mo!" hindi makatiis na sermon ng Mommy niya.Napirmi ang mga labi niya at nasaktan doon. Matalim siyang umiwas ng tingin kasabay ng pagbagsak ng luha niya."Shall we start?" maingat na tanong ng Daddy ni
RAPHAEL'S POVHindi niya maialis ang mga mata niya sa batang babaeng nasa sasakyan niya. Binilhan niya ito ng ice cream kanina at ngayon ay enjoy na enjoy sa pagkain noon.Napangisi siya. Hindi niya alam na ganoon lang kadali na kunin ang anak niya. Ito pa mismo ang sumama sa kanya. Ang balak niya ay sulyapan lang ito sa malayo pero heto at sumama sa kanya."So aren't we going to call my Mommy, Daddy?" Tumikwas ang kilay nito.Maliit siyang napanguso at na-ku-cute-an dito. Hindi niya lubos maisip na ganito kagandang bata ang magagawa niya. Sabagay ay maganda ang Mama nito. Gusto nga niyang yakapin ito pero baka magulat sa kanya."Alam mong ako ang Daddy mo?" maingat niyang tanong.Nilingon siya nito na para bang may tatlo siyang ulo. Namewang pa ito."Of course! You are Royce Consunji. Ikaw ang Daddy ko."Nawala ang ngisi niya at naigalaw ang panga. Kumuyom ang kamao niya. Gusto niyang magalit na hindi siya nito kilala sa pangalan at sa itsura pero alam niyang kasalanan niya rin kung
"It has been five days, Royce. Saang lupalop ba nakatago iyang kapatid mo?!" angil agad ni Crystal kay Royce.Hindi na siya mapakali at hindi na rin makatulog kakahanap kay Serenity. Tingin niya nga ay siya lang ang nag-aalala lalo."Tss. Bakit ka pa ba kinakabahan diyan? Kasama naman niya ang tatay niya," pasaring ng Ate niya bago kumapit kay Royce.Matalim niya itong tiningnan. Hindi man lang ba nito naisip ang posibilidad na pupwedeng mapahamak si Serenity?"I will ask my father. Siguradong alam niya kung nasaan si Kuya—""Or much better, ask the policeman. Hanapin niyo ang record niya sa polisya. Baka naroon ang recent address niya? Pinoproblema niyo ang bagay na hindi naman problema," muling singit ng Ate niya.Nagtagis ang mga ngipin niya. Sa inis niya ay nahila niya ang buhok nito."Bitiwan mo ko! Sh*t! Ouch!" Pilit nitong inalis ang kamay niyang nasa buhok nito ngunit mas lalo lang humigpit ang hawak niya roon."Calm down, Crystal. Bitiwan mo si Courtney," pakiusap ni Royce ka
"Bastos!" malakas niyang sigaw at mabilis itong tinulak.Agad siyang bumalik sa passenger seat at masama itong tiningnan. Nakapikit ito at may ngisi sa labi na tila hindi makapaniwala sa bintang niya.Pagmulat ng mga mata nito ay namumungay ang mga iyon, "Tinawag mo kong bastos pero noon ay napapa-ungol kita—"Pinanlakihan niya ito ng mga mata at mabilis na mahinang sinampal ang bibig nito. Napaatras siya matapos mapagtanto ang nagawa. Nakagat niya ang ibabang labi noong umigting ang panga nito."Since when did you become violent?" lumamig ang boses nito.Hindi makayanang tingnan ang mga mata nito. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya at hindi rin makapaniwala na ang kasama niyang lalaki ngayon ay ang lalaking nakasama niya noon gabi-gabi."S-orry. Dalhin mo na lang ako kay Serenity," mahinang sambit niya.Nakain niya ang sariling tapang. Hindi niya kasi kayang tapatan ang titig ng mga mata nito.Hindi ito umimik o nagsabi ng kung ano. Nagulat na lang siya noong dumukwang ito."A-no na
RAPHAEL'S POV"Wala akong pakialam kahit teritoryo mo 'to. I am not your f*cking puppet, Raphael," lakas loob na sagot ni Crystal sa kanya ngunit hindi iyon ang pumukaw sa kanyang atensyon.Napapikit siya matapos marinig ang pagbigkas nito sa kanyang pangalan.Pakiramdam niya ay nabuhay ang init sa kanyang katawan kahit na pagbigkas pa lang ng pangalan niya ang ginawa nito. Paano pa kung marinig niyang inuungol nito iyon habang sila ay nagsasalo sa mainit na gabi.Ang sarap noong pakinggan sa kanyang tainga. Ang tagal niyang nagtiis sa pagtawag-tawag nitong Royce sa kanya noon."Say that again, please," paos niyang sambit.Ramdam niyang lumayo ito at gusto pa siyang tinulak upang makaalis sa hawak niya ngunit mas lalo niyang hinapit ang bewang nito at bahagyang inamoy ang mabangong leeg nito."Say it again, please," muling pagsusumamo niya."Pwede ba, huwag kang sumiksik sa akin!" imbis ay reklamo nito ngunit hindi siya nakinig.Muli niyang dinikit ang sarili dito at paunti-unting sin
CRYSTAL'S POVMabilis siyang tumakbo palapit kay Serenity na noon ay kalong ni Yaya Lilit. Agad niya itonv kinuha at kinalong noong umupo sa sofa. Nawala lahat ng pag-aalala niya at pangungulila matapos makita ang anak. Nakalimutan nga niyang nasa bahay pa rin sila ni Raphael kung hindi lang muling humikbi si Serenity."Mommy, let's go back h-ome," iyak na sumamo nito.Mabilis niya itong niyakap at pinunasan ang mga luha. Namamaga ang mga mata nito na siyang nagpabalik ng inis niya para kay Raphael."Shh, baby. Aalis din tayo dito. Don't cry na, hm."Humigpit ang yakap nito sa kanya at siniksik ang ulo sa kanyang d*bdib. Hinalikan niya ito sa ulo at marahang hinagod ang likod nito.Dinig niyang napabuntong hininga si Yaya Lilit kaya't napalingon siya rito. Di pa rin siya makapaniwala na amo nito si Raphael."Pasensya ka na, Hija. Hindi ko mababali ang desisyon ni Raphael," mabigat na panimula nito kahit na wala pa naman siyang sinasabi.Ngayon niya napagtanto na simula't sapul ay si
RAPHAEL'S POV"Wake up, Baby," mabining paggising niya sa asawa.Umingit ito at mas siniksik ang sarili sa kanya. Napangiti siya at inayos ang buhok nito. Hinanap niya rin ang kamay nito pinagsalikop ang mga kamay nila. Dinama niya rin ang singsing doon. Pagkatapos kasi nilang makabalik sa bansa ay pinakasalan niya muli ito. Pinagbigyan niya rin ang hiling nitong pabayaan na ang kapatid nito kahit pa hindi siya pabor doon."Wake up, Baby. Ngayon na babalik si Royce at Amethyst. Baka nasa bahay na sila ng mga magulang mo," muling bulong niya rito.Isa pa iyon sa kinasasaya niya. Royce won his fight against cancer. Unti-unti ay umaayos na ang lahat. Isa na nga lang ang panalangin niya at iyon ang maalala na siya ni Serenity. Nalulungkot siyang hindi pa rin siya nito tinatawag na daddy pero alam niyang balang araw ay maalala rin siya nito."Nandoon na rin ba sila Anton?" inaantok na tanong nito.Nagsalubong ang mga kilay niya, "I don't care about that bastard—"Mabilis nitong tinakpan an
"Magpapahanap ako ng magaling na doktor," desididong saad ni Raphael matapos niyang ikwento lahat ng nangyari kay Serenity.Tinitigan niya ito. Nakaupo ito sa dulo ng kama, nakayuko, at ang kamay ay nakahawak sa batok. Kanina ay umiiyak ito pero ngayon ay kalmado na. Naiintindihan naman niya. Gusto nga niyang isumbat na kasalanan nito ang nangyari kay Serenity ngunit alam naman niyang hindi rin nito ginustong mangyari iyon. Katulad niya ay biktima lang din ito."Magaling na siya. Kusa rin daw babalik ang mga alaala niya," pagpapagaan niya sa loob nito.Naroon pa rin nga sila sa bahay ng Mama ni Anton. Ayaw pa kasing umuwi ni Serenity. Ayaw nitong sumama sila kay Raphael. Ayaw din nitong tumabing matulog sa kanila kaya't naroon pa ang magkapatid, sa talagang kwarto para sa mga ito."Will it take time?" Nagsusumamo pa itong nag-angat ng tingin sa kanya.Bumuntong hininga siya. Sa totoo lang ay ayaw niyang makitang mahina ito."Maybe? I don't want to force Serenity to remember you. Let h
Mahigpit siyang kumapit sa braso ni Raphael pagkababa nila sa eroplano. Niyakap siya ng lamig at kahit yata tumira siya noon sa ibang bansa ay hindi pa rin sanay ang katawan niya."Gaano ba kadelikado si Philip at kailangan na magmadali tayong pumunta dito?" naguguluhang tanong niya kay Raphael.Tumiim bagang ito habang inaalalayan siya palabas ng airport."Courtney threatened to hurt our children, and we both know Philip was his lover," madiing sagot nito.Nagsalubong ang mga kilay niya, "Plano ba nilang dalawa iyon? Baka naman ginamit lang din ni Courtney si Philip?"Bumaba ang tingin nito sa kanya, "Kinakampihan mo siya?" malamig na tanong nito.Napaikot ang mga mata niya at napabuntong hininga, "Ayaw kong basta mag-isip ng masama lalo pa't si Philip ang nagdonate ng dugo para kay Serenity."Tumahimik ito pero kita niya ang bahid ng inis sa mukha nito."He is not a clean man. Pinsan siya ni Anton? Baka pati iyang si Anton ay may masamang balak—""Shut up, Raphael. Iba si Anton. Hig
CRYSTAL'S POV"What happened to Serenity?" malamig na bungad sa kanya ni Raphael kinagabihan noong makabalik ito.Kunot noo siyang nag-angat dito ng tingin at binitawan sa mesa ang hawak na ice cream."I'm not yet ready to show them to you—""F*ck that I'm not ready of yours, Crystal. Pinadala mo sila sa States kasama ang Mama ni Anton? Do you have any idea how dangerous that is?!" bahagyang tumaas ang boses nito kaya't tinaasan niya ng kilay."What are you talking about, Raphael? Mabait ang Mama ni Anton."Pumikit ito nang mariin na tila pinipigilan ang galit. Salubong lang ang kilay niyang tumitig dito. Noong magmulat ito ng mga mata ay mahinahon na ito."Tawagan mo at sabihin mong ibalik na dito ang mga bata kun'di ay ako ang pupunta doon—""Huwag ka namang mag-eskandalo ng ganyan, Raphael. Mabait ang Mama ni Anton at hindi niya pababayaan ang mga anak ko," matatag niyang laban dito.Tumiim bagang ito, "Then call her. I want my kids here beside me. Dapat ay hindi ka nagtitiwala kun
RAPHAEL'S POVMabining h*lik sa buhok ang binigay niya kay Crystal bago maingat na inalis ang pagkakayakap nito aa kanyang bewang habang mahimbing ang tulog nito. Naka-ilang hampas pa ito sa kanya bago niya nasuyo. Pinagsabihan pa siyang huwag maging masamang damo at sinermunan. Kun'di niya pa ito hin*likan ay baka hindi na tumigil kakasalita.Sandali siyang natigilan noong umingit ito at gumalaw. Noong masiguradong tulog pa ito ay maingat siyang bumaba sa kama. Agad siyang kumuha ng stick ng sigarilyo, sinindihan iyon bago kinuha ang kanyang cellphone at lumabas sa veranda ng condo.Isang hithit mula sa sigarilyo ay ni-dial niya ang numero ng kaibigan."F*ck you, Raphael! I'm in the middle of love making—d*mn, Baby!" reklamo sa kanya ni Martin mula sa kabilang linya.Napangisi siya, "Fine. I'll give you five minutes to finish that—""What the h*ll, man? Five minutes is not enough—""And I'm not your Baby, Martin. Hurry up!" putol niya pa sa pagrereklamo nito bago pinatay ang tawag.H
"Y-our condo?"Muli itong umirap at balewalang hinila ang maleta nito papasok ngunit maagap siyang lumapit at sinapa iyon palayo."What the h*ll, Crystal?!"Galit siya nitong tiningnan bago sinubukang kunin muli ang maleta ngunit muli niya rin iyong pinigilan."As far as I know kay Raphael 'to—""Na regalo niya sa akin, Crystal. Like duh, makakapasok ba ako dito kung hindi sa akin 'to?"Tinaas pa muli nito ang hawak na key card. Mariin siyang tumitig doon. Hindi niya alam kung nagsasabi ito ng totoo pero mas gusto niyang paalisin ito sa condo... at sa buhay nila ni Raphael."Really? Regalo niya 'to sa'yo, Courtney? Then why am I here wearing his shirt?" Ngumisi siya ngunit malamig lang siya nitong pinasadahan ng tingin."Obviously, past time ka niya ulit. Naniwala ka naman. Can't you see? Katawan lang ang habol sa'yo ni Raphael. Baka nga isang linggo lang at paaalisin ka na niya."Ito naman ang ngumisi. Bahagya siyang nainsulto doon pero naaalala niya ang sinabi ni Raphael. Dapat na m
Malalakas na singhap at mahahabang ungol ang nagawa niya sa bawat galaw ni Raphael sa loob niya. Bumaon ang kuko niya sa likod nito noong muli itong gumalaw ng marahas at malalim."D*mn, Baby. You'll making me crazy," parang baliw na bulong nito sa kanya.Napangisi siya at sinalubong ang galaw nito. Ramdam niya ring malapit na siya kaya't malugod niyang tinatanggap ang rahas nito.Humigpit ang hawak nito sa kanyang bewang. Sumasabay sa mabibilis nitong galaw ang kama. Halos napapaliyad siya at talagang mahigpit ang yakap niya sa likod nito."Don't get me pregnant yet, Raphael. Ayaw ko munang magbuntis," paalala niya rito lalo pa't ang plano niya ay makilala muna ito nang lubusan.Hindi ito umimik. Umangat lang ang gilid ng labi nito at mariing humawak sa hita niya. Sabay silang napaungol noong dumiin ito. Dinig na dinig nga niya ang tunog ng pag-iisa ng kanilang katawan. Kagaya dati, marahas pa rin ito sa kama at... magaling.Lalong dumiin ang mga kuko niya sa likod nito at halos muli
Hindi niya alam ngunit napahikbi siya. Instead of feeling hot, she felt disappointed in herself.Tahimik siyang humikbi kahit pa ramdam niya ang paghinga nito roon. Ngunit kusang umawang ang mga labi niya noong lumayo ito at ipagdikit muli ang kanyang mga hita."Why stop now, Raphael? Bakit? Hindi ba't iyan lang ang habol mo?" hinanakit niya sa kabila ng pagpatak ng kanyang mga luha.Mabilis itong tumalikod at namewang. Kitang-kita niya ang matipuno nitong likod."Do not f*cking cry," mariing bigkas nito.Alam niyang umiigting na ang panga nito kahit pa nakatalikod ito sa kanya. Lalo lang siyang naiyak. Niyakap niya ang mga tuhod at sinubsob doon ang mukha."I didn't mean to be harsh. Makulit ka lang at ayaw mong makipag-ayos," dagdag pa nito.Nag-angat siya ng tingin. Kita niyang kumuha ito ng isang stick ng sigarilyo, sinindihan ngunit agad ding nilukumos sa ash try upang mamatay."Just tell me where the kids are to end this discussion. Ibabalik ko kayong lahat sa bahay ko. You want
"Your lies will be the death of you," nang-uuyam na bigkas nito pagkatago sa hawak na cellphone.Umirap siya, "I'm not lying, Raphael. Three years kaming nagsama ni Anton, malamang hindi lang jack en' poy ang ginawa namin. This baby inside me is our love child," patuloy na pagsisinungaling niya.Imbis na mainis ay umangat ang gilid ng labi nito, "We'll see about that. You better be pregnant, because once I prove you are not—""Anong gagawin mo? F*ck me senseless and get me pregnant? Wala ka na bang ibang alam na gawin kun'di paganahin iyang ulo mo sa baba? Kaya nga ba ayaw ko ng bumalik sa'yo kahit hindi ka pa nagloko. I want a man who has a sense of direction, not a man who only knows s*x!"Halos hingalin siya sa sinabi niyang iyon samantalang nawala naman ang ngisi ni Raphael. Kumibot ang labi nito at nanliit ang mga mata pagkaraan ay bigla na lang itong ngumisi."That won't work for me, but thanks for the idea, baby. I won't change my mind about getting you pregnant again if that m