Mabilis niyang nilukot ang papel na hawak. Paglingon niya sa katulong ay halatang kinakabahan ito sa reaksyon niya."M-a'am—""Sino po bang amo ninyo?!" mababa ngunit madiin niyang tanong.Napalunok ito, "Hija, huwag mo na lang intindihan iyan—""Kaligtasan ko po at ng anak ko ang nakasalalay dito kaya paanong hindi ko iisipin?!" hindi niya mapigilang magtaas ng boses.Pumikit siya nang mariin, pakiramdam niya talaga ay hindi siya ligtas at hindi siya kumportableng may nagmamatiyag sa kanya."Please, Yaya Lilit. Sabihin niyo na po sa akin. Hindi po normal lahat ng ito," pagmamakaawa niya.Pagmulat niya pa ng mga mata ay naiiyak na rin ang matanda."Aminin niyo nga po kung ang amo rin ba ninyo ang nagpapadala sa akin ng pera?""Hija, magpahinga ka na muna—""I'm right?" Natawa siya nang mapakla, "Bakit hindi niyo masabi sa akin kung sino?"Ngunit wala siyang nakuhang sagot kay Yaya Lilit. Nainis lang siya kung kaya't iniwan niya ito sa ibaba. Si Royce lang ang kilala niyang Consunji at
AFTER SEVEN YEARS"Well, if you want that part removed, then I will. Perhaps it will give you more space for your kitchen," nakangiting pagkausap niya sa kanyang client."I guess that would be. You've been a big help, Miss Fuentes," natutuwang papuri nito.Muli siyang ngumiti bago nagpaalam dito. Sinisigurado niya na lahat ng client niya ay nasusunod lalo na pagdating sa disenyo ng bahay. Limang taon na rin niyang trabaho iyon, mas convenient lalo pa't nasa bahay lang siya at walang kumpanyang sinusundan."Tapos ka na, Anak? Pinaghanda na kita ng hapunan mo," ani Yaya Lilit na sumilip sa kwarto niya.Ngumiti siya rito. Mabuti nga at nanatili ito sa kanya sa kabila ng kagaspangan niya sa ugali. Kung wala siguro ito noon ay baka namatay na rin siya sa gitna ng daan. Ito pa ang nagmakaawa sa kanyang manatili sa tabi niya sa malaking pagsubok na iyon ng buhay niya.Nangako naman itong hindi na tatawagin pa ang amo nito at hindi na makikipagkomunikasyon dito. Iyon din ang dahilan kung baki
"Hija, sigurado ka na ba rito? Ako ang kinakabahan sa'yo," hindi mapigilang bulalas ni Yaya Lilit noong makarating na sila sa bansa.Buhat nito si Serenity na mahimbing ang tulog. Sinalubong sila ng init paglabas sa Airport pero mas mainit ang galit na nararamdaman niya ngayon. Hindi siya papayag na walang mapunta ni pisong kusing sa anak niya!"Nay, kung kinakabahan ka, kaya na namin ni Serenity 'to. Isa pa, bukas pa lang ako pupunta roon, sakto sa birthday ni... mommy."Umangat ang gilid ng labi niya. Sinadya niya talaga na marami ang tao. Hindi siya mamamahiya, gusto niya lang ipakilala sa madla ang anak niya. Hindi rin siya nahihiya kahit pa malaman ng lahat na iisa ang tatay ng anak niya at ng anak ng Ate Courtney niya. Sa dami na ng pinagdaanan niya, aatras pa ba siya?"Susmaryosep! Ikaw na bata ka talaga, baka atakehin sa puso ang Mommy mo."Napailing siya at kinuha sa bisig nito si Serenity, "Akala ko oh ba ay uuwi kayo sa probinsya?" balik na tanong niya dahil iyon ang balak
Lumakas ang bulungan sa paligid noong mas matitigan nila si Serenity. May narinig pa siyang nagsabi na totoo ang chismiss sa kanya, na totoo na anak ni din Royce ang anak niya.Nanatili siyang nakataas ang noo kahit pa alam niyang hinuhusgahan na siya. Hinawakan niya rin nang mahigpit sa kamay si Serenity noong makalapit sa kanya.Hinarap niya ang ina na nanlalaki pa rin ang mga mata."Mommy, this is Serenity Consunji, your first granddaughter," malakas na pagdidiin niya na kinasinghap ng mga naroon."Gosh, anak din ba ni Royce ang bata?" tanong ng isang Ginang.Sasagutin sana niya iyon kun'di lang namutla ang Mommy niya. Nangunot ang noo niya noong hawakan nito ang d*bdib na tila hindi makahinga. Lalapit na sana siya ngunit kita na niya ang Ate Courtney niya na patakbong lumapit."What is this commotion?!" galit na sigaw nito ngunit natigilan matapos siyang makita."C-rystal?" hindi makapaniwalang tanong nito.Umismid siya at hindi ito sinagot. Linapitan niya ang ina na naghahabol ng
"Hmp!" Pilit niyang inalis ang pagkakatakip ng kamay nito sa bibig niya ngunit hindi siya nagwagi."Where is she? I will get my daughter—F*ck!" mahina itong napahiyaw sa sakit noong kagatin niya ang palad niyo.Mabilis siyang kumawala sa hawak nito. Galit niya itong tiningnan ngunit sandaling natigilan sa itsura nito. Kahit ang buwan lang ang nagpapaliwanag sa paligid, kitang-kita niya ang itsura nito. Tingin niya nga ay bumagay ang pagdagdag ng edad nito. Ang lakas ding makahatak ng maruming panga nito dahil sa papatubong balbas.Pinilig niya ang ulo upang bumalik siya sa huwisyo. Mabilis niyang sinara ang pinto ng veranda upang hindi nito makita si Serenity."A-nong ginagawa mo rito?! Ngayon ka magpapakita kung kailan hindi na kita kailangan?!" mahinang angil niya.Umigting ang panga nito at halos muntik na siya muling mapasigaw noong hilahin siya nito sa braso."I have all rights to my daughter! Ano'ng karapatan mong ipagkait siya sa akin?!" gigil ngunit mababang angil din nito.Na
Abo't-abot ang kaba niya habang nakatitig sa lalaking nagmamaneho. Yakap niya rin si Serenity. Ewan ba niya pero ang sama ng pakiramdam niya sa lalaki. Kahawig ito ni Royce base suot na kupya. Napahiya pa siya kanina noong tawagin itong Royce."Sa harap na lang ng building—"Natameme siya at bahagyang nanlaki ang mga mata noong idiretso nito ang taxi sa parking space sa basement."Uy! Hindi pwede ang taxi dito!" sita niya rito ngunit hindi ito nakinig, nagmaneho lang ito na para bang pag-aari nito ang building na iyon.Napapikit siya nang mariin at gustong magmura kung hindi lang nakatingin si Serenity. Malayo pa lang sa guard na nagbabantay sa parkingan ay hiyang-hiya na siya. Hinanda na niya ang sarili na masermunan sa pagpapapasok ng taxi."May driver license ka? Kapag ikaw pinakulong, huwag mo kaming idamay," inis niyang litanya.Tamad lang itong sumandal sa driver seat, binaba ang bintana noong makalapit sa pwesto ng guwardya. Akala niya ay sisitahin sila pero laking gulat niya n
"Bakit mo tinatawag na Daddy ang Daddy ko, Serenity?" nalilitong tanong din ni Amethyst.Liningon siya ng anak niya. Nangingilid ang luha sa mga mata nito at tila nanghihingi ng tulong sa kanya."Come here, Baby."Lumapit ito sa kanya kahit pa alam niyang gustong-gusto na nitong yakapin si Royce."Mommy, he's my D-addy right?"Huminga siya nang malalim, "Okay lang ba na hanapin mo muna ang Lolo mo? Kakausapin ko lang ang... Daddy mo."Halatang nagdalawang isip ito pero tumango rin. Humakbang ito patungo sa kusina. Kita pa niyang sumunod dito si Amethyst. Bahagya siyang kinabahan na baka awayin ni Amethyst ang anak niya pero naalala niyang kaugali niya ito at hindi magpapatalo."She looks exactly like... Amethyst. How come?" nalilitong tanong muli ni Royce noong wala na ang dalawang bata.Kumuyom ang kamao niya at pinaliit ang mga mata. Sinuri niyang mabuti kung uma-acting ito. Imposible talagang hindi nito alam. Imposible din na ang bilis magbago ng itsura nito."Hanggang ngayon ba ma
Mababaliw yata talaga si Crystal sa sobrang pagkalito. Naiiyak na nga siya na hindi pa rin nila makita si Serenity tapos ay hindi pa rin umaamin si Royce na ito ang nagtago sa anak niya."Hindi naman ako maghahabol sa'yo basta ipakita mo lang ang anak ko! Ano ba ang hindi malinaw sa sinabi ng katulong na sumama sa Daddy niya si Serenity? Ikaw lang naman ang alam niyang Daddy niya!" Frustrated na niyang sigaw.Sobrang naguguluhan na siya. Kaunti na lang ay mawawala na siya sa sarili sa sobrang pagkagulo."Uminahon ka muna, Crystal. Himayin nating mabuti ang mga pangyayari," mahinahong pakiusap ng Daddy niya."Dad, how can I calm down kung hindi mahanap ang anak ko?!""Tumahimik ka nga! Hinahanap na ng mga pulis ang anak mo. Kung hindi ka kakalma riyan ay lalong hindi mahahanap ang anak mo!" hindi makatiis na sermon ng Mommy niya.Napirmi ang mga labi niya at nasaktan doon. Matalim siyang umiwas ng tingin kasabay ng pagbagsak ng luha niya."Shall we start?" maingat na tanong ng Daddy ni
RAPHAEL'S POV"Wake up, Baby," mabining paggising niya sa asawa.Umingit ito at mas siniksik ang sarili sa kanya. Napangiti siya at inayos ang buhok nito. Hinanap niya rin ang kamay nito pinagsalikop ang mga kamay nila. Dinama niya rin ang singsing doon. Pagkatapos kasi nilang makabalik sa bansa ay pinakasalan niya muli ito. Pinagbigyan niya rin ang hiling nitong pabayaan na ang kapatid nito kahit pa hindi siya pabor doon."Wake up, Baby. Ngayon na babalik si Royce at Amethyst. Baka nasa bahay na sila ng mga magulang mo," muling bulong niya rito.Isa pa iyon sa kinasasaya niya. Royce won his fight against cancer. Unti-unti ay umaayos na ang lahat. Isa na nga lang ang panalangin niya at iyon ang maalala na siya ni Serenity. Nalulungkot siyang hindi pa rin siya nito tinatawag na daddy pero alam niyang balang araw ay maalala rin siya nito."Nandoon na rin ba sila Anton?" inaantok na tanong nito.Nagsalubong ang mga kilay niya, "I don't care about that bastard—"Mabilis nitong tinakpan an
"Magpapahanap ako ng magaling na doktor," desididong saad ni Raphael matapos niyang ikwento lahat ng nangyari kay Serenity.Tinitigan niya ito. Nakaupo ito sa dulo ng kama, nakayuko, at ang kamay ay nakahawak sa batok. Kanina ay umiiyak ito pero ngayon ay kalmado na. Naiintindihan naman niya. Gusto nga niyang isumbat na kasalanan nito ang nangyari kay Serenity ngunit alam naman niyang hindi rin nito ginustong mangyari iyon. Katulad niya ay biktima lang din ito."Magaling na siya. Kusa rin daw babalik ang mga alaala niya," pagpapagaan niya sa loob nito.Naroon pa rin nga sila sa bahay ng Mama ni Anton. Ayaw pa kasing umuwi ni Serenity. Ayaw nitong sumama sila kay Raphael. Ayaw din nitong tumabing matulog sa kanila kaya't naroon pa ang magkapatid, sa talagang kwarto para sa mga ito."Will it take time?" Nagsusumamo pa itong nag-angat ng tingin sa kanya.Bumuntong hininga siya. Sa totoo lang ay ayaw niyang makitang mahina ito."Maybe? I don't want to force Serenity to remember you. Let h
Mahigpit siyang kumapit sa braso ni Raphael pagkababa nila sa eroplano. Niyakap siya ng lamig at kahit yata tumira siya noon sa ibang bansa ay hindi pa rin sanay ang katawan niya."Gaano ba kadelikado si Philip at kailangan na magmadali tayong pumunta dito?" naguguluhang tanong niya kay Raphael.Tumiim bagang ito habang inaalalayan siya palabas ng airport."Courtney threatened to hurt our children, and we both know Philip was his lover," madiing sagot nito.Nagsalubong ang mga kilay niya, "Plano ba nilang dalawa iyon? Baka naman ginamit lang din ni Courtney si Philip?"Bumaba ang tingin nito sa kanya, "Kinakampihan mo siya?" malamig na tanong nito.Napaikot ang mga mata niya at napabuntong hininga, "Ayaw kong basta mag-isip ng masama lalo pa't si Philip ang nagdonate ng dugo para kay Serenity."Tumahimik ito pero kita niya ang bahid ng inis sa mukha nito."He is not a clean man. Pinsan siya ni Anton? Baka pati iyang si Anton ay may masamang balak—""Shut up, Raphael. Iba si Anton. Hig
CRYSTAL'S POV"What happened to Serenity?" malamig na bungad sa kanya ni Raphael kinagabihan noong makabalik ito.Kunot noo siyang nag-angat dito ng tingin at binitawan sa mesa ang hawak na ice cream."I'm not yet ready to show them to you—""F*ck that I'm not ready of yours, Crystal. Pinadala mo sila sa States kasama ang Mama ni Anton? Do you have any idea how dangerous that is?!" bahagyang tumaas ang boses nito kaya't tinaasan niya ng kilay."What are you talking about, Raphael? Mabait ang Mama ni Anton."Pumikit ito nang mariin na tila pinipigilan ang galit. Salubong lang ang kilay niyang tumitig dito. Noong magmulat ito ng mga mata ay mahinahon na ito."Tawagan mo at sabihin mong ibalik na dito ang mga bata kun'di ay ako ang pupunta doon—""Huwag ka namang mag-eskandalo ng ganyan, Raphael. Mabait ang Mama ni Anton at hindi niya pababayaan ang mga anak ko," matatag niyang laban dito.Tumiim bagang ito, "Then call her. I want my kids here beside me. Dapat ay hindi ka nagtitiwala kun
RAPHAEL'S POVMabining h*lik sa buhok ang binigay niya kay Crystal bago maingat na inalis ang pagkakayakap nito aa kanyang bewang habang mahimbing ang tulog nito. Naka-ilang hampas pa ito sa kanya bago niya nasuyo. Pinagsabihan pa siyang huwag maging masamang damo at sinermunan. Kun'di niya pa ito hin*likan ay baka hindi na tumigil kakasalita.Sandali siyang natigilan noong umingit ito at gumalaw. Noong masiguradong tulog pa ito ay maingat siyang bumaba sa kama. Agad siyang kumuha ng stick ng sigarilyo, sinindihan iyon bago kinuha ang kanyang cellphone at lumabas sa veranda ng condo.Isang hithit mula sa sigarilyo ay ni-dial niya ang numero ng kaibigan."F*ck you, Raphael! I'm in the middle of love making—d*mn, Baby!" reklamo sa kanya ni Martin mula sa kabilang linya.Napangisi siya, "Fine. I'll give you five minutes to finish that—""What the h*ll, man? Five minutes is not enough—""And I'm not your Baby, Martin. Hurry up!" putol niya pa sa pagrereklamo nito bago pinatay ang tawag.H
"Y-our condo?"Muli itong umirap at balewalang hinila ang maleta nito papasok ngunit maagap siyang lumapit at sinapa iyon palayo."What the h*ll, Crystal?!"Galit siya nitong tiningnan bago sinubukang kunin muli ang maleta ngunit muli niya rin iyong pinigilan."As far as I know kay Raphael 'to—""Na regalo niya sa akin, Crystal. Like duh, makakapasok ba ako dito kung hindi sa akin 'to?"Tinaas pa muli nito ang hawak na key card. Mariin siyang tumitig doon. Hindi niya alam kung nagsasabi ito ng totoo pero mas gusto niyang paalisin ito sa condo... at sa buhay nila ni Raphael."Really? Regalo niya 'to sa'yo, Courtney? Then why am I here wearing his shirt?" Ngumisi siya ngunit malamig lang siya nitong pinasadahan ng tingin."Obviously, past time ka niya ulit. Naniwala ka naman. Can't you see? Katawan lang ang habol sa'yo ni Raphael. Baka nga isang linggo lang at paaalisin ka na niya."Ito naman ang ngumisi. Bahagya siyang nainsulto doon pero naaalala niya ang sinabi ni Raphael. Dapat na m
Malalakas na singhap at mahahabang ungol ang nagawa niya sa bawat galaw ni Raphael sa loob niya. Bumaon ang kuko niya sa likod nito noong muli itong gumalaw ng marahas at malalim."D*mn, Baby. You'll making me crazy," parang baliw na bulong nito sa kanya.Napangisi siya at sinalubong ang galaw nito. Ramdam niya ring malapit na siya kaya't malugod niyang tinatanggap ang rahas nito.Humigpit ang hawak nito sa kanyang bewang. Sumasabay sa mabibilis nitong galaw ang kama. Halos napapaliyad siya at talagang mahigpit ang yakap niya sa likod nito."Don't get me pregnant yet, Raphael. Ayaw ko munang magbuntis," paalala niya rito lalo pa't ang plano niya ay makilala muna ito nang lubusan.Hindi ito umimik. Umangat lang ang gilid ng labi nito at mariing humawak sa hita niya. Sabay silang napaungol noong dumiin ito. Dinig na dinig nga niya ang tunog ng pag-iisa ng kanilang katawan. Kagaya dati, marahas pa rin ito sa kama at... magaling.Lalong dumiin ang mga kuko niya sa likod nito at halos muli
Hindi niya alam ngunit napahikbi siya. Instead of feeling hot, she felt disappointed in herself.Tahimik siyang humikbi kahit pa ramdam niya ang paghinga nito roon. Ngunit kusang umawang ang mga labi niya noong lumayo ito at ipagdikit muli ang kanyang mga hita."Why stop now, Raphael? Bakit? Hindi ba't iyan lang ang habol mo?" hinanakit niya sa kabila ng pagpatak ng kanyang mga luha.Mabilis itong tumalikod at namewang. Kitang-kita niya ang matipuno nitong likod."Do not f*cking cry," mariing bigkas nito.Alam niyang umiigting na ang panga nito kahit pa nakatalikod ito sa kanya. Lalo lang siyang naiyak. Niyakap niya ang mga tuhod at sinubsob doon ang mukha."I didn't mean to be harsh. Makulit ka lang at ayaw mong makipag-ayos," dagdag pa nito.Nag-angat siya ng tingin. Kita niyang kumuha ito ng isang stick ng sigarilyo, sinindihan ngunit agad ding nilukumos sa ash try upang mamatay."Just tell me where the kids are to end this discussion. Ibabalik ko kayong lahat sa bahay ko. You want
"Your lies will be the death of you," nang-uuyam na bigkas nito pagkatago sa hawak na cellphone.Umirap siya, "I'm not lying, Raphael. Three years kaming nagsama ni Anton, malamang hindi lang jack en' poy ang ginawa namin. This baby inside me is our love child," patuloy na pagsisinungaling niya.Imbis na mainis ay umangat ang gilid ng labi nito, "We'll see about that. You better be pregnant, because once I prove you are not—""Anong gagawin mo? F*ck me senseless and get me pregnant? Wala ka na bang ibang alam na gawin kun'di paganahin iyang ulo mo sa baba? Kaya nga ba ayaw ko ng bumalik sa'yo kahit hindi ka pa nagloko. I want a man who has a sense of direction, not a man who only knows s*x!"Halos hingalin siya sa sinabi niyang iyon samantalang nawala naman ang ngisi ni Raphael. Kumibot ang labi nito at nanliit ang mga mata pagkaraan ay bigla na lang itong ngumisi."That won't work for me, but thanks for the idea, baby. I won't change my mind about getting you pregnant again if that m