"Gosh," hindi makapaniwalang bulalas niya matapos makita ang dalawang pulang linya sa hawak niyang pregnancy test kit.Napasandal siya sa sink at napatakip sa kanyang bibig. Iyon kasi ang inasikaso niya pagdating sa opisina. Hindi siya mapakali at excited siya simula kagabi. Pero ngayong hawak ang ebidensiya na buntis siya, kinakabahan naman siya.Gusto niyang maiyak. Alam niyang ang baby niya ang susi upang tuluyan ng hiwalayan ni Royce ang Ate Courtney niya. Kagabi nga ay ayaw pa nitong umalis agad pero pinagtabuyan niya lalo pa't baka masabi niya agad ang hinala niya.Inalis niya ang pagkakatakip sa bibig at dinantay ang palad sa impis niyang tiyan. Napangiti siya dahil sa buhay na naroon. Mamaya ay papatingin siya sa doktor para naman maging healthy ang pregnancy niya."Hold on, Baby. Sisiguraduhin kong paglabas mo, buo ang pamilya mo," bulong na pangako niya.Sisiguraduhin niya talagang mapapasakanya si Royce. Pipiliin siya nito at pakakasalan bago pa man lumaki ang tiyan niya. P
Napalunok siya at literal na kumabog ang d*bdib niya sa kaba. Umawang ang mga labi niya at hindi makahanap ng sagot sa ate niya. Pero muntik na siyang mapaungol muli matapos dumiin ang mga labi ni Royce sa ibaba niya."Ah—nag-papahangin lang ako. Buti gising ka pa, Ate?"Kahit bumigat ang paghinga niya sa ginagawa ni Royce ay pasimple niyang inayos ang upuan upang matakpan ang katawan nito sa ibaba niya. Nangunot ang noo ng kapatid niya, "Akala ko ay nasasaktan ka. Hindi rin kasi ako makatulog."Kinagat niya ang labi at mas binigay ang bigat ng katawan sa railings."Uh—na-untog kasi ako kanina. Malamig sa labas. Pumasok ka na sa loob," pagtataboy niya rito.Napapikit siya at napasinghap matapos maramdaman ang pagsabog niya."I-na-antok na ako," pagtatakip niya sa ginawang reaksyon."Ganoon ba? Gusto ko pa naman sanang makipagkwentuhan. Malalim na kasi ang tulog ng Kuya Royce mo. Sige, matulog ka na rin, Crystal. May sasabihin din pala ako bukas."Napamulat siya ng mga mata. Sa dami n
Bumagsak ang luha niya, "Paano naman ang baby ko, Royce? Paano ang anak natin?" diretsong tanong niya rito na alam niyang kinagulat ng pamilya niya."A-nong sinasabi mo, Crystal? A-nong baby niyo ni Royce?" tigalgal na tanong ng ate niya.Kita niyang nanghina ito at napasinghap. Nangilid din ang mga luha nito."What the hell are you saying, Crystal?" nalilito namang baling sa kanya ni Royce habang pilit na pinapakalma ang ate niya."Shh, love. Don't cry, it's bad for the baby," bulong nito sa Ate niya.Lalo siyang napaiyak doon. Siya dapat ang inaalagaan nito dahil siya naman ang unang nabuntis! Two months na ang tiyan niya!Nilakasan niya ang loob at humarap sa mga magulang niya ngunit malakas na sampal ang sinalubong ng Daddy niya sa kanya.Nanlalaki ang mga mata niyang napahawak sa namanhid niyang pisngi."Dad?" hindi makapaniwalang tanong niya rito.Kita niyang nanggagalaiti ito sa galit kahit pa hawak-hawak ng Mommy niya ang braso nito."Hindi ko lubos maisip na aabot ka sa ganit
Masakit sa kanyang matawag siyang baliw kahit hindi. Hindi siya makaisip ng paraan para patunayan ang sinasabi niya, idagdag pang ilang araw na siyang hindi dinalaw ni Royce. Mukhang wala na siyang halaga sa lalaki ngayong buntis na ang ate nitya.Tahimik siyang lumuha habang haplos ang impis niyang tiyan. Mas naaawa siya sa baby niya kumpara sa sarili niya. Paano na lang kapag lumabas na sa mundo ang anak niya at wala siyang mapakilalang ama?Pumikit siya nang mariin kasabay ng masaganang luha. Masyado siyang nagpaniwala kay Royce, masyado siyang nagpadala sa bugso ng damdamin niya at sa init. Hindi naman siya bulag at alam niyang malabo siyang piliin ni Royce pero pinipilit niya ang sarili para lang makuha ang gusto niya, pero ano? Iba ang nakuha niya, ang masakit, mag-isa lang siyang lalaban para sa baby niya."Sasaktan ko talaga iyang batang iyan at hindi na tayo binigyan ng kahihiyan!"Napabalikwas siya ng bangon sa kama matapos marinig ang sigaw ng Daddy niya. Mabilis niyang pin
"A-no? B-akit ako aalis ng bansa, Mommy? Paano ang baby ko?" histerya niya.Pinagpawisan na siya ng malamig. Kita niyang desidido ang Mommy niya na paalisin siya ng bansa."This is the best for you, Crystal. Doon ka muna hangga't hindi pa malamig ang ulo ng Daddy mo," pagpapatuloy nito habang pilit sinisiksik lahat ng gamit niya sa maleta.Kinakabahan man at natatakot ay pilit niyang pinigilan ang kamay nito."Mommy, don't do this to me—""Ano bang gusto mong gawin ko para sa'yo, ah?! Hayaan ka na mapunta sa mental at pagpiyestahan ng mga tao sa labas? Crystal, para din sa'yo ito. Kung alam mo lang kung ano'ng tingin sa atin ng mga tao ngayon, ikaw mismo ang lalayas!" galit na nitong turan.Natigalgal siya, "M-ommy, please, hindi ako lalabas ng bahay. Huwag po ganito—"Pumikit ito nang mariin bago siya hinarap. Mahigpit nitong hinawakan ang mga balikat niya."Listen to me, Crystal. Pansamantala lang naman, hindi ka magtatagal doon. Hayaan mo munang maayos namin ito ng Daddy mo. Hindi
SOMEONE'S POV"Mayaman ka?" pang-aasar sa kanya ni Philip.Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan, "You knew me even before."Ngumisi ito, "Naman! Pupunta ka roon? Makikita ka ni Courtney."Sandali siyang natigilan, "I don't care about her."Tanging si Crystal lang ang nasa pokus niya. Kung hindi niya ito mababawi baka kung ano'ng magawa niya sa pamilya nito."Kahit na magpunta ka pa ngayon doon. Huli na, kahapon pa yata nasa airport si Crystal at malamang na nakaalis—""F*ck! You should have told me that earlier!" Galit niyang kinuwelyuhan ang kaibigan na nagtaas lamang ng mga kamay."Easy. Hindi ko naman alam na maghahabol ka pa. Isa pa, may access ka naman sa mansyon. Sana ay pinigilan mo," rason nito.Mabagsik niya itong binitiwan at iniwan na roon. Kumukulo ang dugo niya at tingin niya makakasapak siya ngayon. Paanong basta na lang pinaalis ng bansa?!Wala siyang sinayang na oras at gigil na pinagana ang pick-up niya. Hindi niya alam kung aabot siya pero dapat lang na umabot siya.
Hindi alam ni Crystal kung paanong mag-u-umpisa sa banyagang lugar na iyon. Walang kahit sino sa tabi niya, ayaw niya ring tumawag sa mga magulang, hindi rin naman kasi tumawag ang Mommy niya para kamustahin kung nakarating siya ng ligtas.Pakiramdam niya ay inabandona na siya. Mabuti nga at hindi siya sa lansangan napadpad kaya lang sobrang lungkot ng bahay lalo pa't siya lang mag-isa.Gusto niyang magsimula muli, maghanap ng trabaho dahil duda siya kung padadalhan ba siya ng pera.Tahimik siyang nag-scroll sa cellphone para sana humanap ng online job ngunit iba ang nahanap niya. Latest news iyon sa doon—interview sa pamilya niya. Ngiting-ngiti sa camera ang Mommy niya habang seryoso lang ang Daddy niya."Himala po at bumalik kayo sa kumpanya? Senyales po ba ito na totoo ang balita na buntis ang dalawang anak ninyo sa isang lalaki?" pangahas na tanong ng reporter.Napataas ang kilay ng Mommy niya ngunit mabilis na umiling."That is just a rumor. Yes, Courtney is pregnant, but Crystal
Mabilis niyang nilukot ang papel na hawak. Paglingon niya sa katulong ay halatang kinakabahan ito sa reaksyon niya."M-a'am—""Sino po bang amo ninyo?!" mababa ngunit madiin niyang tanong.Napalunok ito, "Hija, huwag mo na lang intindihan iyan—""Kaligtasan ko po at ng anak ko ang nakasalalay dito kaya paanong hindi ko iisipin?!" hindi niya mapigilang magtaas ng boses.Pumikit siya nang mariin, pakiramdam niya talaga ay hindi siya ligtas at hindi siya kumportableng may nagmamatiyag sa kanya."Please, Yaya Lilit. Sabihin niyo na po sa akin. Hindi po normal lahat ng ito," pagmamakaawa niya.Pagmulat niya pa ng mga mata ay naiiyak na rin ang matanda."Aminin niyo nga po kung ang amo rin ba ninyo ang nagpapadala sa akin ng pera?""Hija, magpahinga ka na muna—""I'm right?" Natawa siya nang mapakla, "Bakit hindi niyo masabi sa akin kung sino?"Ngunit wala siyang nakuhang sagot kay Yaya Lilit. Nainis lang siya kung kaya't iniwan niya ito sa ibaba. Si Royce lang ang kilala niyang Consunji at
RAPHAEL'S POV"Wake up, Baby," mabining paggising niya sa asawa.Umingit ito at mas siniksik ang sarili sa kanya. Napangiti siya at inayos ang buhok nito. Hinanap niya rin ang kamay nito pinagsalikop ang mga kamay nila. Dinama niya rin ang singsing doon. Pagkatapos kasi nilang makabalik sa bansa ay pinakasalan niya muli ito. Pinagbigyan niya rin ang hiling nitong pabayaan na ang kapatid nito kahit pa hindi siya pabor doon."Wake up, Baby. Ngayon na babalik si Royce at Amethyst. Baka nasa bahay na sila ng mga magulang mo," muling bulong niya rito.Isa pa iyon sa kinasasaya niya. Royce won his fight against cancer. Unti-unti ay umaayos na ang lahat. Isa na nga lang ang panalangin niya at iyon ang maalala na siya ni Serenity. Nalulungkot siyang hindi pa rin siya nito tinatawag na daddy pero alam niyang balang araw ay maalala rin siya nito."Nandoon na rin ba sila Anton?" inaantok na tanong nito.Nagsalubong ang mga kilay niya, "I don't care about that bastard—"Mabilis nitong tinakpan an
"Magpapahanap ako ng magaling na doktor," desididong saad ni Raphael matapos niyang ikwento lahat ng nangyari kay Serenity.Tinitigan niya ito. Nakaupo ito sa dulo ng kama, nakayuko, at ang kamay ay nakahawak sa batok. Kanina ay umiiyak ito pero ngayon ay kalmado na. Naiintindihan naman niya. Gusto nga niyang isumbat na kasalanan nito ang nangyari kay Serenity ngunit alam naman niyang hindi rin nito ginustong mangyari iyon. Katulad niya ay biktima lang din ito."Magaling na siya. Kusa rin daw babalik ang mga alaala niya," pagpapagaan niya sa loob nito.Naroon pa rin nga sila sa bahay ng Mama ni Anton. Ayaw pa kasing umuwi ni Serenity. Ayaw nitong sumama sila kay Raphael. Ayaw din nitong tumabing matulog sa kanila kaya't naroon pa ang magkapatid, sa talagang kwarto para sa mga ito."Will it take time?" Nagsusumamo pa itong nag-angat ng tingin sa kanya.Bumuntong hininga siya. Sa totoo lang ay ayaw niyang makitang mahina ito."Maybe? I don't want to force Serenity to remember you. Let h
Mahigpit siyang kumapit sa braso ni Raphael pagkababa nila sa eroplano. Niyakap siya ng lamig at kahit yata tumira siya noon sa ibang bansa ay hindi pa rin sanay ang katawan niya."Gaano ba kadelikado si Philip at kailangan na magmadali tayong pumunta dito?" naguguluhang tanong niya kay Raphael.Tumiim bagang ito habang inaalalayan siya palabas ng airport."Courtney threatened to hurt our children, and we both know Philip was his lover," madiing sagot nito.Nagsalubong ang mga kilay niya, "Plano ba nilang dalawa iyon? Baka naman ginamit lang din ni Courtney si Philip?"Bumaba ang tingin nito sa kanya, "Kinakampihan mo siya?" malamig na tanong nito.Napaikot ang mga mata niya at napabuntong hininga, "Ayaw kong basta mag-isip ng masama lalo pa't si Philip ang nagdonate ng dugo para kay Serenity."Tumahimik ito pero kita niya ang bahid ng inis sa mukha nito."He is not a clean man. Pinsan siya ni Anton? Baka pati iyang si Anton ay may masamang balak—""Shut up, Raphael. Iba si Anton. Hig
CRYSTAL'S POV"What happened to Serenity?" malamig na bungad sa kanya ni Raphael kinagabihan noong makabalik ito.Kunot noo siyang nag-angat dito ng tingin at binitawan sa mesa ang hawak na ice cream."I'm not yet ready to show them to you—""F*ck that I'm not ready of yours, Crystal. Pinadala mo sila sa States kasama ang Mama ni Anton? Do you have any idea how dangerous that is?!" bahagyang tumaas ang boses nito kaya't tinaasan niya ng kilay."What are you talking about, Raphael? Mabait ang Mama ni Anton."Pumikit ito nang mariin na tila pinipigilan ang galit. Salubong lang ang kilay niyang tumitig dito. Noong magmulat ito ng mga mata ay mahinahon na ito."Tawagan mo at sabihin mong ibalik na dito ang mga bata kun'di ay ako ang pupunta doon—""Huwag ka namang mag-eskandalo ng ganyan, Raphael. Mabait ang Mama ni Anton at hindi niya pababayaan ang mga anak ko," matatag niyang laban dito.Tumiim bagang ito, "Then call her. I want my kids here beside me. Dapat ay hindi ka nagtitiwala kun
RAPHAEL'S POVMabining h*lik sa buhok ang binigay niya kay Crystal bago maingat na inalis ang pagkakayakap nito aa kanyang bewang habang mahimbing ang tulog nito. Naka-ilang hampas pa ito sa kanya bago niya nasuyo. Pinagsabihan pa siyang huwag maging masamang damo at sinermunan. Kun'di niya pa ito hin*likan ay baka hindi na tumigil kakasalita.Sandali siyang natigilan noong umingit ito at gumalaw. Noong masiguradong tulog pa ito ay maingat siyang bumaba sa kama. Agad siyang kumuha ng stick ng sigarilyo, sinindihan iyon bago kinuha ang kanyang cellphone at lumabas sa veranda ng condo.Isang hithit mula sa sigarilyo ay ni-dial niya ang numero ng kaibigan."F*ck you, Raphael! I'm in the middle of love making—d*mn, Baby!" reklamo sa kanya ni Martin mula sa kabilang linya.Napangisi siya, "Fine. I'll give you five minutes to finish that—""What the h*ll, man? Five minutes is not enough—""And I'm not your Baby, Martin. Hurry up!" putol niya pa sa pagrereklamo nito bago pinatay ang tawag.H
"Y-our condo?"Muli itong umirap at balewalang hinila ang maleta nito papasok ngunit maagap siyang lumapit at sinapa iyon palayo."What the h*ll, Crystal?!"Galit siya nitong tiningnan bago sinubukang kunin muli ang maleta ngunit muli niya rin iyong pinigilan."As far as I know kay Raphael 'to—""Na regalo niya sa akin, Crystal. Like duh, makakapasok ba ako dito kung hindi sa akin 'to?"Tinaas pa muli nito ang hawak na key card. Mariin siyang tumitig doon. Hindi niya alam kung nagsasabi ito ng totoo pero mas gusto niyang paalisin ito sa condo... at sa buhay nila ni Raphael."Really? Regalo niya 'to sa'yo, Courtney? Then why am I here wearing his shirt?" Ngumisi siya ngunit malamig lang siya nitong pinasadahan ng tingin."Obviously, past time ka niya ulit. Naniwala ka naman. Can't you see? Katawan lang ang habol sa'yo ni Raphael. Baka nga isang linggo lang at paaalisin ka na niya."Ito naman ang ngumisi. Bahagya siyang nainsulto doon pero naaalala niya ang sinabi ni Raphael. Dapat na m
Malalakas na singhap at mahahabang ungol ang nagawa niya sa bawat galaw ni Raphael sa loob niya. Bumaon ang kuko niya sa likod nito noong muli itong gumalaw ng marahas at malalim."D*mn, Baby. You'll making me crazy," parang baliw na bulong nito sa kanya.Napangisi siya at sinalubong ang galaw nito. Ramdam niya ring malapit na siya kaya't malugod niyang tinatanggap ang rahas nito.Humigpit ang hawak nito sa kanyang bewang. Sumasabay sa mabibilis nitong galaw ang kama. Halos napapaliyad siya at talagang mahigpit ang yakap niya sa likod nito."Don't get me pregnant yet, Raphael. Ayaw ko munang magbuntis," paalala niya rito lalo pa't ang plano niya ay makilala muna ito nang lubusan.Hindi ito umimik. Umangat lang ang gilid ng labi nito at mariing humawak sa hita niya. Sabay silang napaungol noong dumiin ito. Dinig na dinig nga niya ang tunog ng pag-iisa ng kanilang katawan. Kagaya dati, marahas pa rin ito sa kama at... magaling.Lalong dumiin ang mga kuko niya sa likod nito at halos muli
Hindi niya alam ngunit napahikbi siya. Instead of feeling hot, she felt disappointed in herself.Tahimik siyang humikbi kahit pa ramdam niya ang paghinga nito roon. Ngunit kusang umawang ang mga labi niya noong lumayo ito at ipagdikit muli ang kanyang mga hita."Why stop now, Raphael? Bakit? Hindi ba't iyan lang ang habol mo?" hinanakit niya sa kabila ng pagpatak ng kanyang mga luha.Mabilis itong tumalikod at namewang. Kitang-kita niya ang matipuno nitong likod."Do not f*cking cry," mariing bigkas nito.Alam niyang umiigting na ang panga nito kahit pa nakatalikod ito sa kanya. Lalo lang siyang naiyak. Niyakap niya ang mga tuhod at sinubsob doon ang mukha."I didn't mean to be harsh. Makulit ka lang at ayaw mong makipag-ayos," dagdag pa nito.Nag-angat siya ng tingin. Kita niyang kumuha ito ng isang stick ng sigarilyo, sinindihan ngunit agad ding nilukumos sa ash try upang mamatay."Just tell me where the kids are to end this discussion. Ibabalik ko kayong lahat sa bahay ko. You want
"Your lies will be the death of you," nang-uuyam na bigkas nito pagkatago sa hawak na cellphone.Umirap siya, "I'm not lying, Raphael. Three years kaming nagsama ni Anton, malamang hindi lang jack en' poy ang ginawa namin. This baby inside me is our love child," patuloy na pagsisinungaling niya.Imbis na mainis ay umangat ang gilid ng labi nito, "We'll see about that. You better be pregnant, because once I prove you are not—""Anong gagawin mo? F*ck me senseless and get me pregnant? Wala ka na bang ibang alam na gawin kun'di paganahin iyang ulo mo sa baba? Kaya nga ba ayaw ko ng bumalik sa'yo kahit hindi ka pa nagloko. I want a man who has a sense of direction, not a man who only knows s*x!"Halos hingalin siya sa sinabi niyang iyon samantalang nawala naman ang ngisi ni Raphael. Kumibot ang labi nito at nanliit ang mga mata pagkaraan ay bigla na lang itong ngumisi."That won't work for me, but thanks for the idea, baby. I won't change my mind about getting you pregnant again if that m