Share

Kabanata 0003

Author: Yenoh Smile
last update Last Updated: 2024-03-16 14:16:51

FIVE YEARS LATER

Para siyang pinutulan ng pakpak dahil sa nangyaring iyon sa buhay niya. Wala siyang choice noon kun'di tumigil sa pag-aaral at magpokus sa trabaho para may pera pagkapanganak niya.

Sinubukan naman niyang hanapin ang lalaki, pati nga si Alicia ay ginulo niya ngunit bigla na lang itong naglaho na parang bula. Pati ang kaibigan niyang si Nica ay bigla ring nawala at hindi alam kung saan napunta kaya natakot siyang maghaluglog pa ng impormasyon. Ang tanging nalaman niya ay leader ng Alpha Omega Fraternity ang lalaking nakakuha sa pagkabirhen niya.

Limang taon na ang lumipas ngunit hindi niya talaga makakalimutan ang nangyaring iyon lalo't dalawang supling ang pabaon sa kanya ng lalaki.

"Mama, wait ka namin mamaya. Promise mo bibili po tayo ng toys?" Kumurap-kurap pa sa kanya ang biluging mga mata ng anak niyang babaeng si Odessy.

Marahan siyang lumuhod at inayos ang pagkaka-pigtail ng buhok nito.

"Promise! Huwag kang lalayo kay Achi ah? Makinig kay teacher," habilin niya dito bago marahang hinila din palapit ang anak niyang lalaking si Achilles.

"Mama, iyong book. Isa na lang bilhin mo po, share na lang kami ni Ody," marahang paalala sa kanya ni Achilles.

Pilit siyang ngumiti sa mga ito. Parehong nasa daycare ang dalawa. Pinipilit niyang maibigay lahat ng pangangailangan nila pero sobrang hirap lalo't hindi siya tapos ng kolehiyo at hindi makahanap ng trabahong mataas ang pasahod.

"Hindi pwede, Achi. Kailangan tig-isa kayo. Doon kayo sasagot. Ako ng bahala. Bantayan mo ang kapatid mo. Baka makipag-away." Ginulo niya pa ang buhok ito at marahang kinurot ang hindi kalakihang pisngi.

"Pwede naman ako sa papel lang sasagot, Mama," pilit nito na inilingan niya.

Ayaw niya ng ganoon. Hindi niya ipagkakait ang magandang edukasyon sa mga anak niya. Hindi hangga't nabubuhay siya.

"Si Mama na bahala. Ubusin niyo baon niyo. Okii?"

Malawak na ngumiti si Ody sa kanya at humawak sa braso ng kapatid. Si Achi man ay pilit na ngumiti.

"Mama, ingat!" sabay pang sigaw ng dalawa bago maglakad papasok sa classroom.

Pinigilan niya ang naninikip na d*bdib matapos tumama sa liwanag ng araw ang mga mata ng mga ito at masilayan kung paanong naging kayumanggi ang mga itim na mga mata ng mga ito.

Ilang beses na niyang hinanap sa mga lalaki ang ganoong klase ng mata. Maitim kapag walang araw ngunit kulay kayumanggi kapag nasinagan. Hindi ganoon ang mga mata niya kaya sigurado siyang namana ng dalawa iyon sa mga ama ng mga ito.

Hindi rin siya naniniwalang sinadya siyang buntisin ng lalaking iyon dahil hanggang ngayon, walang nagpapakilala para akuin ang mga anak niya.

Bumuga siya ng hangin at agad na nagtungo sa opisina ng abogadong amo niya. Ngunit masamang balita ang bumungad sa kanya.

"I'm really sorry, Lei. Ipapasara na ang firm. Sa bahay na muna magtatrabaho ang asawa ko at ako na muna ang sekretarya niya. Pasensya ka na. Huling sahod mo na 'to." Nilapit pa ni Misis Alvarez ang sobre sa kanya.

Napalunok siya at napatitig doon. Dalawang taon na siyang sekretarya ni Mr. Alvarez at hindi naman lingid sa kaalamam niyang pabagsak na ang firm nito.

Nilunok na lang niya ang bikig sa lalamunan niya. Sigurado siyang mahihirapan na naman siyang maghanap ng trabaho. Nakagat niya ang ibabang labi. Umikot na rin sa isip niya ang mga bayarin niya. Simula sa renta sa bahay, sa kuryente, allowance ng kambal, at mga bayarin sa eskwela.

"W-ala po ba kayong kilala na... pwede kong lipatan, Misis Alvarez?"

Bumuntong hininga ang Ginang, "Tatawagan ko ang kakilala ko, Hija. Itatanong ko kung may alam siyang naghahanap ng sekretarya pero hindi ako nangangako. Tatawagan na lang kita."

Bagsak ang balikat na umalis siya doon. Halos hindi siya makalunok matapos bilangin ang iilang libong sahod niya para sa buwan na iyon. Tubig nga lang ang binili niya sa convenience store habang nagtitingin - tingin sa diyaryo. Kahit ano'ng trabaho papatusin na niya kaysa walang trabaho sa loob ng ilang buwan.

"Tanggal na naman?! Pang ilan na 'yan ngayong buwan. Ano bang gusto niya? Single? Walang single na babae ang papatol sa gusto ni Mr. Montanier —Fine, Eman. Ako na ang maghahanap ng bago niyang sekretarya. Kainis!"

Nagpantig ang tainga niya sa narinig at mabilis na napaangat ng tingin sa Ginang na aburidong binaba ang hawak na cellphone.

Mabilis siyang tumayo noong akma itong lalabas sa convenience store. Nagulat ito noong pigilan niya sa braso.

"Bakit, Hija?" Kumunot ang noo nito sa kanya.

Sa tantiya niya ay nasa edad forty-five na ito base na rin sa iilang litaw na puting buhok.

"N-aghahanap po kayo ng sekretarya?" kabadong tanong niya.

Literal na pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Sa kaba niya ay nabitiwan niya ang braso nito.

"May asawa ka?"

Mabilis siyang umiling, "Wala po!"

Tumango ito at nilahad ang kamay kaya mabilis niyang nilagay doon ang resume niya. Mabilis nitong pinasadahan ang papel bago pinasok sa bag nito.

"Tanggap ka na. Sumama ka sa'kin."

Walang pagdadalawang isip siyang sumama sa Ginang. Imbis na sa kumpanya ay sa malaki at modernong bahay siya dinala. Sa isang exclusive subdivision iyon. Babasagin ang dingding at kumikinang ang mga mamahaling mwebles ng bahay. Kulay abo at puti ang bahay kaya sigurado siyang lalaki ang magiging amo niya.

"Ako si Melia, Hija. Pinaka-sekretarya ni Sir Hector. Bukod sa'kin, may isa pa siyang sekretarya, si Eman. Pareho kaming sa kumpanya at kailangan pa ng isa pang sekretarya ni Sir Hector. On-call at kung pwede ay stay-in."

Natigilan siya sa sinabi nito, "Stay-in po?"

Hindi pwede sa kanya ang trabahong ganoon lalo na kung hindi pwedeng dalhin ang mga anak niya.

"Bawal ba, Hija? Kaya tinanong kita kung may asawa ka. Madalas na magtrabaho sa bahay si Hector. Workholic at umaabot ng madaling araw. Kailangan na may magremind sa kanya sa schedule at dapat niyang pirmahan. Hindi naman madalas na stay-in pero paglalaanan na kita ng kwarto dito. Wala ka naman din sigurong anak di ba? Gusto niya ay single, walang extra baggage at kaya ang trabaho. Sana naman ikaw na ang huli at magtatagal dito sa bahay niya," patuloy na paliwanag nito.

Nakagat niya ang ibabang labi. Kung ganoon hindi niya pwedeng sabihin na may kambal siyang anak.

"Maglipat ka na ng iilang gamit mo. Pwede kang bumalik bukas ng umaga para pag-usapan ang sahod mo. Nasa event pa si Sir Hector at madaling araw pa babalik. Lahat ng gamit dito pwede mong gamitin. Kung masipag ka, linisin mo na rin, may dagdag sahod naman. Isabay mo na rin ang kwarto niya."

"Hindi po ba nakakatakot si Sir Hector?"

Natigil ito sa tanong niya. Pagkaraan ay tinuro ang malaking portrait sa sala. Sinundan niya iyon ng tingin. Nagtaasaan ang mga balahibo niya sa klase ng tingin nito sa camera. Galit maging ang magkasalubong nitong makapal na kilay. Walang ngiti ang manipis na labi at mabalbas na panga. Halata ring matigas ang panga nito. At ang ilong, sobrang tangos! Maging ang buhok nitong nakasuklay palikod ay kumikinang sa larawan. Higit sa lahat, litaw ang matipunong d*bdib nitong may makapal na balahibo. Sa larawan ay seryoso itong nag-aayos sa relong pambisig.

"He's Hector Montanier and he's a perfectionist. So please, beware. Huwag kang gumawa ng bagay na ikakagalit niya kung ayaw mong mawalan agad ng trabaho, Hija," madiing paalala nito kaya napalunok siya.

Kaya niya ba? Kaya niya bang pagsilbihan ang lalaking sa larawan pa lang ay mukhang pap*tay na? Paano pa sa personal? Baka hindi na siya makahinga kapag nakaharap ito.

"Gusto ka niyang makausap." Gulat pa siya noong ilahad ni Miss Melia ang cellphone sa kanya.

Nanginginig ang kamay niyang tinanggap iyon at nilagay sa tainga niya. Dinig niya ang mahinang musika sa background ngunit mas dinig niya ang mabibigat nitong paghinga.

"Your name?" swabe at malamig ang boses nito kaya nahigit niya ang paghinga.

"L-orelei Carpio po, Sir."

Mahina ngunit marahas na paghinga ang narinig niya mula dito.

"Lorelei, hmm," namamaos na sambit nito sa pangalan niya at hindi niya alam kung bakit naghatid iyon ng kakaibang init sa kaibuturan niya.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Annie Nicolas
nice story meant for each other
goodnovel comment avatar
Jonalyn Bacacat
pin agtagpo sila
goodnovel comment avatar
Guillen, Sophia Alliyah Nicole M.
Greek mythology fan?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Mga Anak ng Bilyonaryo   Kabanata 0004

    Mabilis niyang binalik ang cellphone kay Miss Melia. Tumatahip ang d*bdib niya at hindi kayang kausapin ang bagong boss niya. "B-abalik na lang po ako bukas," tarantang paalam niya. Kahit hindi pa ito um-oo ay lumabas na siya ng bahay na iyon. May mali sa pakiramdam niya. Bakit ganoon? Bakit pakir

    Last Updated : 2024-03-18
  • Mga Anak ng Bilyonaryo   Kabanata 0005

    Hindi niya alam na kanina pa niya pigil ang paghinga kung hindi lang ito lumayo. "Ikukuha kita ng dress. We'll attend an event," pinal na sambit nito kaya namilog ang mga mata niya. "Po? Sir, hindi po pwede—" Mas namilog ang mga niya noong tumama sa mga labi niya ang hintuturo nito upang patigila

    Last Updated : 2024-03-30
  • Mga Anak ng Bilyonaryo   Kabanata 0006

    Hindi siya makasabay sa h*lik nito. Naliliyo siya maging sa pagh*god ng mga daliri nito sa pagkabab*e niya. Nanigas ang mga tuhod niya sa kiliti sa puson niya at pamamasa. Hindi siya makahinga nang maayos. Inayos ng isang palad nito ang mga hita niya at pinwesto sa bawat gilid nito. Marahan itong d

    Last Updated : 2024-04-01
  • Mga Anak ng Bilyonaryo   Kabanata 0007

    HECTOR'S POV Kumibot ang labi niya habang nakatitig sa kanyang sekretarya. He wouldn't deny that he enjoyed the night. What makes him mad right now is the fact that she lied to him. And yet, he felt so thirsty. Tinago niya sa pag-inom ng alak ang naramdamang init mula dito. No. He will never have

    Last Updated : 2024-04-02
  • Mga Anak ng Bilyonaryo   Kabanata 0008

    Tinikom nito ang bibig at umatras kahit nakaharap pa sa kanya. Noong makalapit sa pinto ay mabilis itong lumabas. Marahas siyang napabuga ng hangin. Wala siyang choice kung hindi kunin muli si Lorelei, ito ang pinakilala niyang girlfriend. Talo siya kung haharap siya kay Crizaa na wala pang bago at

    Last Updated : 2024-04-02
  • Mga Anak ng Bilyonaryo   Kabanata 0009

    LORELEI'S POV Mabilis niyang naitulak si Sir Hector noong marinig ang malakas na tikhim. "It's broad daylight. Have some dencency. It's my baby's party," madiing parinig pa ni Crizaa kaya namula ang mga pisngi niya sa hiya. Sabit na nga lang siya sa party nito ay gumawa pa siya ng milagro. Gusto

    Last Updated : 2024-04-03
  • Mga Anak ng Bilyonaryo   Kabanata 0010

    "Stop being a brat, Crizaa," madiing bulong ng tinawag na Phoenix ni Crizaa bago siya lapitan at ilahad ang kamay sa kanya. Nagdalawang isip siya kung tatanggapin iyon lalo't nanlilisik ang titig sa kanya ni Crizaa. Nagkusa na lang tuloy siyang tumayo pero nanlamig noong hawakan siya sa bewang ni

    Last Updated : 2024-04-04
  • Mga Anak ng Bilyonaryo   Kabanata 0011

    "Alam ba ni Hector na may anak ka? Hindi siya nag-girlfriend ng hindi virgin at ayaw niya ng may sabit." Nilingon pa siya nito. "H-indi niya ako girlfriend. Sekretarya niya ako at hindi niya alam na may anak ako pero... alam niyang hindi na ako virgin," bumikig ang lalamunan niya. Paanong hindi mal

    Last Updated : 2024-04-04

Latest chapter

  • Mga Anak ng Bilyonaryo   Kabanata 253

    Hola!Thank you so much po kung nakarating man kayo dito sa note na ito. Pasensya na lagi akong missing in action, sobrang tagal pala eheh. Sobrang busy lang po.Thank you so much po sa pagsubaybay sa kwento ni Ody at Gael, salamat sa walang sawang paghihintay ng update kahit matagal. Dahil diyan, m

  • Mga Anak ng Bilyonaryo   Kabanata 252

    Tumango na lang siya dito bago binalikan ang mga bata sa baba. Namewang siya sa harap ng lima bago kumuha ng basurahan at nagsimulang magpulot ng kalat. Tinitingnan pa siya ng mga ito pero napangiti siya noong magsimulang magpulot ang mga ito. Si Grant nga ay hinila pa ang walis tambo at walang dir

  • Mga Anak ng Bilyonaryo   Kabanata 251

    Nagmadali siyang buhatin ito dahil sigurado siyang sunod na gigising ay ang tatlo na trip yatang magsabayang pagbigkas este sabayang pag-iyak.Nangiwi na siya noong marinig na ang boses ni Grant, Ozzie, at Gil.Lalo tuloy siyang nataranta at sinabay na ang pagtimpla ng gatas ng mga ito. Masasabi niy

  • Mga Anak ng Bilyonaryo   Kabanata 250

    AFTER TWO YEARS"Mabuhay ang bagong kasal!""Kiss! Kiss! Kiss!""Mabuhay ang mga Montanier!""Mabuhay ka, Kuya Gael Aguinaldo! Salamat sa limang pamangkin!" boses iyon ni Tres na kinatawa ng marami.Malaking napangiti si Ody habang pinapanood ang Same Day Video ng kasal nila ni Gael. Matapos niya ka

  • Mga Anak ng Bilyonaryo   Kabanata 249

    "Madam, bakit—"Siniksik niya ang mga damit nito sa d*bdib nito. Bumagsak pa ang itim nitong brief sa sahig ngunit wala siyang pakialam."Umuwi ka sa talyer mo, ayaw muna kitang makita! Kainis ka!" Tinulak - tulak niya pa ito palabas ng pinto.Litong lito naman si Gael at hindi maintindihan ang kina

  • Mga Anak ng Bilyonaryo   Kabanata 248

    Nakahalukipkip si Ody at hindi makangiti. Kanina pa rin hinahagod ni Gael ang braso niya't bewang pero ang simangot sa mukha niya ay hindi maalis."So, hanggang kailan niyo isusuot 'yan?" mataray niyang tanong sa pamilya, tinutukoy ay ang maskara na mukha ni Gael."Hanggang sa manganak ka, Ate," si

  • Mga Anak ng Bilyonaryo   Kabanata 0247

    Niyakap naman siya nito muli, "Iyon sana ang sasabihin ko kaso sabi mo alam mo na," nang-aasar na sagot nito.Inirapan niya tuloy ito sa inis, "Hinayaan mo pa akong umiyak, hmp!"Mahina itong tumawa at kinurot ang tingin niya'y namumula na niyang ilong."Natutuwa ako kapag nagtataray at nagagalit ka

  • Mga Anak ng Bilyonaryo   Kabanata 0246

    "She will be shock," boses iyon ni Oli."Sino bang hindi? Baka mahimatay siya ulit kapag nalaman niya," boses naman iyon ni Amber."Enough, Guys. Uhm, si Kuya Gael na lang ang magsasabi para hindi magulat si Ate Ody," pagpapakalma ni Taki.Dinig na dinig ni Ody ang usapan ng tatlo at ramdam niya rin

  • Mga Anak ng Bilyonaryo   Kabanata 0245

    Kahit noong makauwi sila ay masama ang pakiramdam niya pero ramdam niya ang pagiging desperada niya. Kung hindi na siya dadatnan ng menstruation ay baka lalong hindi siya mabuntis.Hinintay niya lang si Gael na makalabas ng banyo. Agad niya itong sinugod ng h*lik ngunit umiwas ang asawa niya."Masam

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status