"Salamat. Wala na sila," sabi ni Angge sabay tingala sa binatang kasama niya at sa hindi niya inaasahan ay ang walang babalang pagdampi ng mg labi ni Rhodly sa kanyang bibig!
Sobra siyang nabigla sa ginawa sa kanya ni Rhodly habang si Rhodly naman ay naghihintay na sampalin siya ng dalaga pero hindi iyon nangyari kaya ramdam niyang nagustuhan na rin nito ang ginawa niyang paghalik kaya walang ano-ano'y muli niyang nilakasan ang kanyang loob upang muling angkinin ang mga labi ng dalaga na siyang kusa namang tinugunan ng dalaga.
"Kailangan ko nang bumalik ng hospital dahil baka hinahanap na ako ni Lola."
Biglang nagising ang binata sa kanyang imahinasyong kahalikan niya ang dalaga nang marinig niya ang boses nito sabay bahagyang patulak sa kanyang dibdib para makalayo ito at mak
"Salamat. Wala na sila," sabi ni Angge sabay tingala sa binatang kasama niya at sa hindi niya inaasahan ay ang walang babalang pagdampi ng mg labi ni Rhodly sa kanyang bibig!Sobra siyang nabigla sa ginawa sa kanya ni Rhodly habang si Rhodly naman ay naghihintay na sampalin siya ng dalaga pero hindi iyon nangyari kaya ramdam niyang nagustuhan na rin nito ang ginawa niyang paghalik kaya walang ano-ano'y muli niyang nilakasan ang kanyang loob upang muling angkinin ang mga labi ng dalaga na siyang kusa namang tinugunan ng dalaga."Kailangan ko nang bumalik ng hospital dahil baka hinahanap na ako ni Lola."Biglang nagising ang binata sa kanyang imahinasyong kahalikan niya ang dalaga nang marinig niya ang boses nito sabay bahagyang patulak sa kanyang dibdib para makalayo ito at mak
"Rhod?"Napatigil sa paglalakad si Rhodly sa ginawang pagtawag sa kanya ni Daphne. Matapos kasi ang conference ay agad ding nagsialisan ang mga reporters at pati na rin ang binata aya agad ding umalis pero bago pa man siya tuluyang nakalabas ng conference room ay dali-dali naman siyang hinabol ni Daphne."Let's talk first," sabi nito."About what?""About us," maagap na sagot ng dalaga. "Rhodly, I know you don't-----"You know that I don't love you as a woman." Napayuko ang dalaga sa maagap na pagsingit ni Rhodly sa iba pa sana nitong sasabihin."Daphne, I don't want to hurt you but I don't want to fool myself. Everything that happened to us was just an agreement. Agreement that was s
Nang tatawag na sana siya ng taxi ay naaalala niya ang kanyang phone na kanyang naiwan sa condo unit ng binata kaya mas minabuti na lamang niya ang balikan uli ito kahit pa nasa 15th floor iyon.Nang magsasara na sana ang pintuan ng elevator paakyat ay biglang may dumating na dalawang lalaki na agad namang nagsipasukan ang mga ito.Hindi napigilan ni Angge ang magtaka habang pinagmamasdan niya ang likuran ng dalawang lalaki habang pareho itong nakatayo sa kanyang harapan.Napaawang na lamang bigla ang kanyang mga labi nang lumitaw ang 45 na kalibre ng baril sa bulsa na nasa likuran ng suot na pantalon ng isa sa mga ito nang hindi sinasadya nahawi ang suot nitong t-shirt.Nang bumukas ang pintuan ng elevator sa 10th floor ay n
"Did you kill them?""Sorry, boss. Nakatakas po sila," takot na sagot ng lalaki sa kanilang boss nang tumawag ito sa kanila para alamin kung ano na ang nangyari."That's bullshit! Ilang kapalpakan pa ba ang mangyayari before you can kill them?!" bulyaw nito mula sa kabilang linya."Sorry, boss-----"Sorry is not enough!" muli nitong bulyaw, "...find them and kill them!"Nagkatinginan ang dalawang lalaki pati na ang dalawa pang nasa loob ng sasakyan."Sugatan po ang babae at sigurado po kami na pupunta rin ang mga iyon sa hospital.""I don't care about that fucking woman! Ang gusto kong mangyari ay ang mapatay niyo ang Rhodly na 'yan!"Agad pinatay ng kanilang boss ang tawag nito at galit na binalibag nito ang hawak phone matapos malaman na hindi pa rin napatay ng kanyang mga tauhan ang taong naging malaking tinik sa kanyang daan sa pagiging CEO ng kompanya.
Pakiramdam ng binata, biglang tumigil ang kanyang mundo sa pag-ikot nang maramdaman niya ang malambot na mga labi ni Angge sa kanyang bibig.Nag-uunahan sa pagpintig ang kanyang puso at ang kanyang pulso. Halos hindi niya maintindihan ang kanyang sarili.Napatitig na lamang siya sa mukha ni Angge nang biglang lumungayngay ang ulo nito at bumagsak ang kamay nitong nakahawak sa kanyang pisngi.Tulog na tulog na ito!Dahan-dahan niya itong muling inihiga sa higaan saka niya pinahiran ang mga luha nito."Sino ka ba talaga, Angge?" naguguluhang tanong niya habang pinagmamasdan niya ang mukha nito at walang anu-ano'y hinalikan niya ito sa noo at saka niya ito niyakap.Hindi niya maintindihan kung bakit everytime na sanay na sanay siyang magkadikit ang kanilang mga balat. Ni hindi man lang siya nakaramdaman ng pagiging awkward at para bang komportable pa siya kapag nasa
"Dahan-dahan baka mapa'no ka," sabi ni Rhodly habang inaalalayan niya si Angge para makapunta nang maayos sa tabi ng beach.Ang bahay na napuntahan nila ay nasa tabi lamang ng isang beach kaya mas lalong naging malamig ang klima du'n."Okay lang naman ako. Ang balikat ko naman ang may sugat hindi ang paa ko," sabi niya dahil sa totoo lang kahit na sobrang lamig na ng Baguio, naiinitan pa rin ang dalaga sa ginagawang paghawak sa kanya ni Rhodly."Hayaan mo muna ako. I just want to see the beach, too," sabi nito kaya wala na siyang nagawa para kontrahin ito.Habang tahimik silang naglalakad sa gilid ng beach ay biglang napatigil si Rhodly sa paglalakad."Anong nangyari sa'yo?"Nag-aalalang nilapitan ng dalaga si Rhodly na nakahawak sa ulo nito na para bang nasasaktan."Rhodly, anong nangyayari sa'yo?" takot na takot niyang tanong."I s
Nagkautal-utal ang dalaga kung ano ang kanyang sasabihin habang tumatambol naman ang kanyang puso sa kaba.Napatingin siya kay Daphne at nakikita niya sa mga mata nito ang sakit dahil sa katotohanang siya ang fiancee pero hindi niya alam na allergy pala ang binata sa lobster. Matagal kasi siya sa abroad kaya hindi na niya nasusubaybayan pa si Rhodly."Ms. Ramirez?" tawag ni Rhodly sa dalaga na naguguluhan pa rin sa kung ano ang dapat na isasagot."Ano kasi..." Hindi niya alam kung ano ang dapat sasabihin kaya nagpalipat-lipat ang kanyang paningin sa tatlong kasalo niya ng hapunan."I told her," pagsisinungaling ni Gilbert at kahit papaano nakahinga nang malalim si Angge sa ginawa nitong pagligtas sa kanya.Pero ang kagaya ni Rhodly ay hindi basta-basta naluluko at dahil ilang taon na niyang nakasama si Gilbert, hindi na mahirap para sa kanya ang suriin kung nagsasabi ba ang kaibigan ng katotohanan o nagsisinungaling lamang ito sa kanila ngayo
"I met him at my workplace before, sa isang department store," pagtatapat niya rito, "...pero hindi ko pa alam na siya pala si Rhodly. Ang Rhodly na kilala ng lahat sa pangalan lang at hindi sa mukha," dagdag pa niya.Naaalala niya ang unang araw na nakilala niya ito. Unang araw na nakita niya ito doon sa mismong pinagtatrabahuan niyang department store."What is your name by the way?"Naaalala rin niyang tanong ng kanyang manager sa binata noon nang sabihin niyang mag-aapply ito ng trabaho sa kompanya."M-my name?" "Yes, your name.""Don't tell me, nakalimutan mo rin ang pangalan mo.""Ahmmm, I'm..." "I'm RJ," "RJ? What?" "RJ..." "RJ Paligsahan po."Napangiti pa siya nang marinig niya an
"Ganito pala talaga ang love story nina Angge at Rhodly?" tanong ng isang babae sa mga kasama nito habang nakatingin ito sa hawak na phone. "Ang sweet talaga," sabi naman ng isa. "Hindi ko talaga inakala na ganito pala ang love story nila," segunda rin ng isa pa. Matapos ang engagement party nina Daphne at Gilbert ay nagpalabas naman ng article ang ilang publishing company tungkol sa love story nina Angge at Rhodly, ayon na rin sa kagustuhang mangyari ng binata. They let the whole world know about their love story. From the start that Angge claimed him as her boyfriend para lang mapansin ng madla kahit hindi naman pala totoo at kahit hindi pa siya nito nakikita. Alam na rin ng lahat ang ginawa niyang pagpanggap bilang isang empleyado sa kompanya kung saan nagtatrabaho ang dalaga just to see her everyday whenever he wants, just to be with her every single day of his life hanggang sa naaksidente siya na siyang dahilan upang makalimutan niy
"Yes! I will marry you!" luhaan niyang sabi.Kaylaki-laki ng ngiti ni Rhodly nang marinig niya ang sagot ng dalaga at wala na siyang inaksaya pang sandali. Agad na niyang isinuot sa daliri ni Angge ang hawak niyang singsing saka mabilis na umupo siya sa tabi nito."I love you," nakangiting sabi ni Rhodly habang hawak nito ang kanyang kamay."I love you, too," maagap ding sagot ng dalaga at walang anu-ano'y inangkin ni Rhodly ang mga labi ng babaeng pangarap niyang makasama habang-buhay!Napamaang si Daphne nang may nakita siyang kapo-post lang ni Rhodly sa social media account nito kung saan makikita ang magkasalikop na dalawang kamay at ang isa ay may suot na singsing sa daliri tapos ang nakalagay ay ang siyang muling nag
"Bakit ka nakangiti?" kunot-noong tanong ni Angge sa katabi niyang si Rhodly habang abala ito sa pagmamaneho."Natutuwa lang akong isipin na ang Mommy ko saka ang girlfriend ko, eh okay na," sagot naman nito habang pasimple lang siya nitong nililingon.Napangiti na lang din siya dahil kahit siya mismo ay hindi rin makapaniwala."What did you do to her?" Napaisip ang dalaga kung ano nga ba ang ginawa niya kaya ganu'n na lamang ang naging pagtrato sa kanya ng ginang."Wala naman! Nag-usap lang kami tungkol sa pamilya namin. 'Yon lang.""Did she tell you that she was an orphan?" hindi makapaniwalang tanong ng binata at marahan naman siyang tumango bilang sagot.
"Daph, don't focus yourself on me dahil hindi mo alam may isang taong mahal na mahal ka."Napatingin ang dalaga kay Rhodly saka niya naalala ang huling sinabi sa kanya ni Gilbert."Why don't you try to look around you. Daphne, hindi mo lang alam that there's someone who has been in love with you secretly, kaya lang hindi mo napansin 'yon dahil bulag ka na sa pag-ibig mo sa isang tao na hindi ka naman kayang mahalin kagaya ng hinahangad mo!""I do love you not as my sister but as a woman.""Minahal kita ever since from the first time I met you.""Sa tingin mo, pakakasalan kita just because of what had happened between us during that night? No, Daphne! I'
"No!" tanggi niya na siya namang lihim na kumurot sa puso ng binatang katabi niya."And what do you want? Do you want others to talk behind your back if how disgusting you are as a woman?!"Muling napadaloy ang mga luha ni Daphne. Pangarap niya ang ikasal balang-araw sa taong mahal niya at hindi sa taong hindi niya minahal."You already slept together and the whole world knew it tapos ayaw mong magpakasal?""I want to get married but with Rhodly and not with him!" matapang niyang sagot habang ang binata naman ay punit na punit na ang puso."Para sa'n pa? You want Rhodly to take the responsibility he never done? Do you think he can accept you after knowing about the immoral thin
"Stop drinking," agad na awat ni Gilbert kay Daphne nang maabutan niya itong panay ang tungga sa harap ng isang bartender."Hey! You are here. Join me," nakangiti nitong sabi sabay abot sa kanya ng hawak nitong maliit na basong may lamang alak."Let's go home," aniya saka niya kinuha ang basong hawak nito saka niya ito inilapag sa mesa at kanyang itinaas ang isa nitong kamay saka niya inakbay sa kanyang batok pero biglang napabitaw ang dalaga saka ito muling binalikan ang basong inilapag niya at walang anu-ano'y tinungga nito ang laman bago pa man niya ito napigilan."Stop it, Daphne," muli niyang awat sa dalagang wala namang balak na magpaawat sa kanya at muli pa itong nagsalin ng alak sa basong hawak-hawak.Nang tutunggain na sana n
Naitapon ni Daphne ang kanyang hawak na phone matapos niyang mapanood ang live na interview nina Angge at Rhodly sa harap mismo ng hospital kung saan naka-confine ang dalaga.Kasalukuyan siyang nasa loob ng opisina ni Rhodly dahil hinihintay niya ang pagdating nito galing sa appointment nito sa isang investor dahil na rin nakailang tawag na siya rito ay hindi talaga siya nito sinasagot.Ramdam na ramdam niya ang ginagawa nitong pag-iwas sa kanya.Napasigaw siya sa galit habang dahan-dahan na umagos ang kanyang mga luha sa magkabila niyang pisngi.Sa galit na kanyang naramdaman ay pinagtatabig niya ang mga documents na nasa ibabaw ng mesa ng binata.Ilang taon na rin niyang minahal si Rhodly pero bakit ganito pa ang magiging kapalit ng kanyang nararamdaman para rito? Wala na ba talagang pag-asa para sa kanila? Kaibigan lang ba talaga ang tingin nito sa kanya.Papaano
"Reah!" tawag ni Angge sa dalaga sabay ngiti nang sapilitan."Sa tingin ko, dapat muna akong bumalik na lamang sa ibang araw," saad ng dalaga na siya namang pagsulpot ni Lola Apolinaria mula sa likuran nito kasabay si Gilbert."Bakit, naistorbo mo ba ang ginagawa nila?" Nanlaki ang mga mata nina Rhodly at Angge sa naging tanong ng matanda kay Reah.Napaawang ang mga labi ni Reah at nang sasagot na sana ito ay agad naman itong inunahan ni Angge."W-wala po, Lola," pagsisinungaling ng dalaga pero imbes na magsalita ang matanda ay mas pinili na lamang nito ang ngumiti at alam ni Angge na hindi naniniwala sa kanyang sinabi ang kanyang Lola pero wala naman siyang magagawa para du'n kundi ang manahimik na lamang."Heto, pinadala ng Mommy mo," singit ni Gilbert sa mga ito sabay lapag sa mesa ng dala nitong bulaklak at prutas.Napatingin naman si Angge sa nobyo na para bang humihingi ng paliwanag pero kibit-balikat lamang ang naging tugon nito
"Lola, inumin niyo muna 'to," sabi ni Gilbert kay Lola Apolinaria nang iabot niya rito ang isang malamig na inumin."Salamat, apo."Binalingan naman ng tingin ng binata ang kanyang kaibigan na kanina pa hindi mapakali. Si Ronald, bumalik na ng kompanya habang inaasikaso ang tungkol kay Mr. Wong.Hindi nila hahayaang hindi nito mapagbayaran ang mga nagawa nitong kasalanan. Makukulong ito at dapat itong magdusa."Here," sabi niya sabay abot sa inumin na kanyang binili at bago pa man tinanggap iyon ni Rhodly ay biglang bumukas ang pintuan ng emergency room at iniluwa iyon ng doktor na siyang nag-aasikaso sa dalaga.Agad namang napatayo si Lola Apolinaria at mabilis na lumapit sa doktor."Doc, ang apo ko?" mangiyak-ngiyak na tanong ni Lola Apolinaria."How is she?" nag-aalala ring tanong ni Rhodl."She's okay and she's resting right now dahil 'yon ang pinaka-kailangan niya sa ngayon," nakangiting sagot ng do