Home / All / Memories with you / Let us live with Harmony (Part 1)

Share

Memories with you
Memories with you
Author: KATHA

Let us live with Harmony (Part 1)

Author: KATHA
last update Last Updated: 2020-11-10 14:13:10

Let us live with Harmony - Part 1

Lahat naman siguro nararamdaman ang ganito. Magkahalong kaba at excitement dahil sa first day of school. The thing is college na ako pero kinakabahan pa rin ako sa panibagong environment. Ganon yata talaga kapag introvert ka. Nasaan na ba kase ang best friend ko? Pati ba naman sa college late pa rin siya?


Kinuha ni Nathan ang phone niya at tinawagan si Skyler. Ang bestfriend niya since senior high school. Mas magiging malakas sana ang loob niya kung magkasama sila.

"Hoy! Saan kana?? Huwag mong sabihing magpapalate ka?"

"Hindi hah. Nasa may bungad na ko ng gate. Hintayin mo nalang ako diyan sa classroom." sagot ng nasa kabilang linya.

"Bilisan mo. Naiilang ako. Wala akong kasama dito"

Pagkababa naman ni Skyler sa phone niya ay patakbong sana ito papasok ng gate ng matamaan niya ang isang lalake na may hawak na kape. Natapon ang kape sa damit nito.

"I'm sorry."

"Hindi ka kase tumitingin sa dinadaanan mo!" sigaw ng lalake.

"Wait lang hah. Ikaw kaya ang pakalat-kalat. Nasa may daanan ka, try mo kayang tumabi" pagsusungit din ni Sky.

"Aba! Ang lakas ng loob mong sigawan ako hah. Kilala mo ba kung sino ko? Teka bago ka ba dito?"

"Wala akong pakealam kung sino ka. Tumabi ka nga" at tumakbo ulit ito.

Badtrip naman. First day palang may nakaaway na kaagad ako. Buti nalang hindi pa kailangang mag-uniform ngayon, hindi niya malalaman kung anong course ko.

Habang naghihintay si Nathan may isang lalake na lumapit sa kanya. "Hi. Wala ka bang kasama?"

Medyo kinabahan si Nathan dahil hindi siya sanay makipag-usap sa ibang tao. "M-meron. Pero padating palang"

"Hah atleast pala may kakilala ka. Wala ako kakilala sa mga kaklase naten kaya nakakailang. Okay lang ba na dito muna ko habang wala pa yung kasama mo?" nahihiyang tanong nito.

"Okay lang naman. Kung gusto mo diyan ka nalang umupo muna" bahagyang naging okay si Nathan ng mapansin na mabait naman ang lalake. Atleast magaan ang aura niya.

"Ako pala si Mark Ivan. Anong pangalan mo?"

"Nathan."

"Yung kasama mo anong pangalan?"

"Skyler."

"Uhm. Why you choose psychology?"

"I want to know more about myself"

Bahagyang nalito si Mark Ivan sa sagot nito. "How could you say that? Of course you know yourself. Ikaw ang higit na nakakakilala  ng sarili mo"

"Usually oo at sana applicable din saken yun" malungkot na tugon nito. Nararamdaman yun ni Ivan and somehow he feel sorry for him.

Magtatanong pa sana si Ivan ng biglang pumasok na si Skyler. Mukhang wala ito sa mood.

"Oh? Napano ka?" tanong ni Nathan sa kanya.

"Nakakainis. Nung papunta ako dito may nakabangga akong lalake, nagsorry naman ako pero sinungitan pa din ako kaya ayun. Nagkasagutan kami. Bwiset yun. Panira siya ng araw ko" sabay bagsak ng bag nito sa upuan. Nang medyo makalma siya napansin nito ang lalakeng nasa kabilang side ni Nathan. "Sino siya?"

"Siya si Mark Ivan kakakilala palang namen ngayon"

Bahagyang ngumiti si Skyler "Wow improving. Marunong kana makipagkilala ngayon hah. Alam mo Ivan mahiyain kase yan kaya mabuti nalang nakilala ka niya. May makakasama siya bukod saken. Ako pala si Skyler"

Nginitian siya ni Ivan "I know. Sinabi na niya kanina yung name mo. Pareho lang kaming may pagkamahiyain kaya lang mag-isa lang siya kanina dito kaya feeling ko madali siyang i-approach."

Tumango ito. "You are free to join us. Nice to meet you"

"hah. Maiba ako." singit ni Nathan "Kailan ka lilipat ng tutuluyan? Yung sinasabi ng mama mo na inaanak niya?"

"Hah yun ba. Baka bukas nalang nag-aayos pa ako ng gamit eh."

"Magiging okay ka lang ba?"

"Oo naman ako pa ba. Madali naman ako makapag-adapt" sanay naman makisalamuha sa kahit sino si Skyler pero kahit papano kinakabahan din siya sa kung anong klaseng ugali meron ang inaanak ng mama niya.

Hindi nagtagal ang pag-uusapan nila dahil pumasok na ang kanilang professor. Nagulat si Skyler ng makita ang mukha ng kanilang professor. Mabilis niyang tinakpan ang kanyang mukha ng hawak niyang notebook.
Shit! Seryoso ba to?!

Nagtaka ang bestfriend nito. "Anong ginagawa mo?"

"Shit. Siya yun. Yung inaway ko kanina"

"Ano?!" medyo napalakas ang boses nito dahilan para mapansin sila ng kanilang professor. Mabilis niyang nakita si Skyler.

I found you.

"Keep quiet please" nagwalang bahala nalang ang professor nila, na kunwari ay hindi niya nakikilala si Skyler. "I'm sorry if I'm a little bit late. May bumangga kase saken kanina at natapon ang iniinom kong kape sa damit ko. After ng ginawang yun ay tinarayan pa ko. Kinailangan ko tuloy magpalit muna" tumingin ito kay Skyler na medyo naiilang naman. "By the way, I'm Zidane Cortez. I am your professor in Child and Adolescence Development."

Hindi maiwasang kiligin ng mga babae nilang mga kaklase dahil medyo bata pa at gwapo ang kanilang professor.

"Whoa. He is quiet popular" bulong ni Ivan na inirap naman ni Skyler.

Naging

gwapo lang tinitilian na. Hindi nga

nila alam kung mabait ba siya o strict eh. Gay ako pero hindi ako kinilig

sa

kanya nung una kaming nagkita.

Nagsimula ng mag-introduce ng subject ang professor nila ng may pumasok na isa pang lalake. Gwapo ito, matangkad at may pagkamoreno. "Prof. sorry po nalate ako"

Parang tumigil ang mundo ng mga kababaihan dahil sa gwapo ng bagong dating. Bahagya ding natigilan si Nathan sa kanya.

"You are?"

"Jaspher Arceo po" Parang automatic na ngsave sa memory ni Nathan ang pangalan niya.

"Okay. Next time don't be late. Pagbibigyan kita ngayon dahil first day palang. Maghanap ka na ng mauupuan"

Habang naghahanap ng upuan ay napatingin ito kay Nathan na nakatingin pa rin sa kanya. Ang cute niya. Napakakinis at puti ng balat niya compare sa iba. Mas makinis pa nga ata siya kaysa sa mga kaklase nameng babae. Bakiy parang pamilyar siya? Nagkita na ba kami sa kung saan?

"Dito ka nalang" alok ni Skyler. "Wala naman nakaupo dyan" gumanti ito ngiti sa kanya. "I'm Skyler. Nice to meet you"

"Ako si Ivan" singit naman ni Ivan. "ito si Nathan" sabay turo sa bagong kaibigan na tahimik lang na nakatingin kay Jaspher.

This kind of feeling. It's weird. How come you met a stranger but it feels like you already know him a long time ago. Para bang kilala siya ng puso niya.

"Nagkita na ba tayo before?" nagulat si Nathan ng marinig ang tanong na yun sa kanya. Gusto din niya kaseng itanong yung bagay na yun.

"Hindi ko din alam. Pero mukhang pamilyar ka saken"

Ngumiti ito na nagpa skip ng heartbeat ni Nathan. Why do I have this kind of feeling?

"Actually, akala ko nakita na din kita before."

"Ehem." interrupt ni Sky. "Kayo nalang kaya ang tabi? You seems like flirting habang nakagitna ako sainyo"

"Ano bang sinasabi mo." sabay kurot ni sa braso nf best friend niya. Nahihiya siya sa mga sinabi ni Sky. Natatawa nalang si Skyler sa kanya.

"Joke lang."

First day palang may crush na agad

yata ang best friend ko.

*****

Pagkatapos ng klase. Isa-isang nagsilabasan ang mga estudyante. Nang palabas na ng classroom ang grupo nina Nathan humarang ang kanilang professor. Halatang ang target nito ay si Skyler.

How unprofessional. Sabay irap ni Sky.

"Skyler Sanchez. Now I remember your name" he said with an evil smile.

Anong

pinaplano niya? Baka nakakalimutan niyang teacher siya? Huwag mong sabihin

papatulan niya ang isang

estudyante

dahil lang sa

isang

maliit na pagkakamali?

Naiinis si Skyler pero pinilit niyang ngumiti. "Yes sir Cortez"

"I just found it interesting. Your name seems familiar." lumapit ito kay Sky. "Hindi pa ko tapos sayo. Mukhang matagal tagal pa tayong magkakasama. Let us enjoy the company of each other Mr. Sky" at nauna itong lumabas.

Akala ni Zidane kagaya ng last year ay magiging boring ang school year na ito. Pero mukhang nakahanap siya ng dahilan para mag-enjoy.

"Pinagbabantaan ka ba niya? Bawal yun hah" si Ivan iyun.

"walang bawal dun dahil technically wala naman siyang pangit na sinabi....... so far" sagot ni Nathan sa kanya. "pero tingin ko kailangan mo magready lagi. Baka pag-initan ka niya especially sa klase. Bakit mo ba naman kase siya inaway" alam naman ni Nathan na may pagka matapang ang best friend niya. Kaya minsan nakakalimutan niyang kilalanin kung sino ang inaaway niya.

"Malay ko bang prof pala naten siya. Saka nagsorry ako nung una sa kanya hah." Porket teacher siya magmamatigas siya. Tsk!

"Mukhang may problema kayo sa prof naten hah" concern ni Jaspher sa kanila. Lumapit ito sa kanila. "Ano bang nangyari?"

"As you can see. Medyo nagkaengkwentro itong si Sky saka si sir Cortez kaya ayan ang special niya tuloy kay sir. Pinakauna niyang tinandaan ang pangalan niya" may halong pang-aasar ang pagkakasabi nito.

"Hayaan niyo na. It's not that a big deal. Kumain nalang tayo ng mawala ang stress ko" yaya ni Sky sa kanila.

***

Habang papunta sila sa canteen. Meron isang babae na lumapit sa kanila na mukhang natatakot at nanginginig pa ang mga kamay "tulungan niyo ko. Tulungan niyo kami. Yung mga kasama ko. Binubugbog sila"

Mabilis na pumunta ang apat sa kung saan ang itinuturo ng babae. Nadatnan nila ang sitwasyon kung saan binubugbog ang isang lalake ng mga lima pa. Habang pinipilit niyang i-cover ang babae na kasama niya. Mukhang taga-ibang school ang limang lalake.

"Hoy! Itigil niyo nga yan" sigaw ni Jaspher. "Hindi kayo nahihiya. Pinagkakaisahan niyo sila knowing mas marami yung bilang niyo".

Jaspher may seems gentle. Pero ready siyang ipagtanggol ang isang tao kapag alam niyang mali ang ginagawa sa kanya.

"In short, gusto niyong sumali?" sagot ng isa sa kanila.

"Wala kaming planong sumali. Pero mali yung ginagawa niyo. Saka trespassing kayo sa school namen"

"Wala kayong pakealam. Oh baka gusto niyo ding masaktan kagaya nila?"

"I-rereport namen kayo sa guidance" banta ni Nathan. Hindi naman kase niya feel makipag-away. Jusko sa ganda kung to makikipagsuntukan ako?

Natawa lang ang mga lalake. "Sumbungero lang pala eh. Bakit hindi na lang kayo umalis at magtago sa saya ng mga nanay niyo" at nagtawanan pa sila.

Nainsulto si Nathan sa sinabi ng mga lalake. Sa sobrang inis ni niya ay kumuha siya ng bato at ibinato sa isa sa kanila.

Ilang segundo pa ay narealize nalang nila na nakikipagsuntukan na din sila sa mga lalakeng yun. Ito ang unang pagkakataon na makipag-away si Nathan. Hindi siya pamilyar sa sakit ng katawan na nararamdaman niya ngayon pero wala siyang pakealam. Mas naiinis siya sa idea na may mga tao na basta nalang nananakit ng iba dahil lang sa yun ang satisfaction nila. Naiinis siya sa mga taong hindi man lang kayang magpakatao sa mga kapwa nila.

Hindi nila napansin na may mga guard na pala na umaawat sa kanila.

"awat na!" sigaw ng isang guard. "Bawal yang ginagawa niyo."

"Pero sir pinagtatanggol lang namen ang mga sarili namen dahil sa mga bully na yan" reason out ni Sky.

"Sa guidance niyo nalang ipaliwanag ang lahat. Sumama kayo saken"

***

Pagdating sa guidance. Wala pa ang guidance councillor kaya kinailangan muna nilang maghintay.

"Pasensya na nadamay kayo" nahihiyang bulong ng lalake na tinulungan nila.

"Huwag mong isipin yun. Konsensya nalang namen kung hindi namen kayo tinulungan" sagot ni Nathan.

Napangiti ang lalake. "Pero bilib ako sayo" complement ni Ivan "pinilit mo talagang protektahan yang kasama mo"

"Syempre, magkaibigan kami kaya proprotektahan ko siya." napansin ni Sky na medyo nag-iba ang facial expression ng babae sa sinabi nito. Napailing ito. Akala niya nung una ay magkasintahan sila. Maybe it is one sided.

"pamilyar kayo saken. Kaklase ba namen kayo?"

Tumango sila. "Ako si Anthony. Ito si Daniella" turo nito sa babaeng pinagtanggol niya kanina. "Siya naman si Cassandra. Cassey for short" sabay turo sa babaeng humingi ng tulong kanina sa kanila.

"Maraming salamat sa pagtulong samen. Pero ito tuloy yung kinahinatnan naten" tugon ni Cassey sa kanila. Hindi niya gustong madamay ang kung sino man sa gulo nila. Pero hindi din kase niya alam kung ano ba ang gagawin nung mga oras na yun.

"Okay lang naman. Alam ko naman na nasa tama tayo. Kaysa naman pabayaan namen kayo"

Ilang sandali pa ay dumating si Ma'am Lily. Ang guidance ng school nila kasama niya ang kanilang professor.

Are they couple? Pare-pareho ang iniisip nilang lahat.

"Anong problema?" tanong nito sa mga guard habang isa-isang silang tinitignan.

........

Related chapters

  • Memories with you   Let us live with Harmony (Part 2)

    "Nahuli po silang nag-aaway sa loob ng school"Tumango si Miss Lily. "Unang araw palang nagawa niyo ng makipag-away? Masyado ding malalakas ang mga loob niyo no.""Mr. Sanchez. Kasama ka sa away?" puna ni Sir Zidane sa kanya. "Kaya naman pala. Walang duda na mapapaaway talaga kayo" pagmock niya

    Last Updated : 2020-11-10
  • Memories with you   Let us live with Harmony (Part 3)

    "Sir Zidane?!" gulat na nasabi nalang nito. "Anong ginagawa mo dito?!"Shit!Huwagmongsabihinsiyayung may-ari ngbahay. How can I survive with this?!

    Last Updated : 2020-11-10
  • Memories with you   Let us live with Harmony (Part 4)

    Papasok na ng gate ang magkapatid ng mapansin na papasok na din si Skyler. Mukhang wala siyang energy ngayong araw na ito. Nagtinginan ang dalawang magkapatid dahil pareho silang nagtataka."Sky. Umagang-umaga ang tamlay mo? Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya sa best friend."Okay lang a

    Last Updated : 2020-11-10
  • Memories with you   Something New (Part 1)

    Pauwi na sana si Nathan ng biglang bumagsak ang malakas na ulan. Hindi naman dahil sa wala siyang dalang payong. Pero nakakaramdam siya ng takot kapag umuulan. Pakiramdam niya ay laging may mangyayaring masama. Kaya nakatunganga lang siya sa labas ang pinagmamasdan ang ulan. Hindi siya naglalakas ng loob na humakbang."Ui bakit nandyan ka pa?" puna ni Jaspher na kakatapos lang ng meeting nila.

    Last Updated : 2020-11-10
  • Memories with you   Something New (Part2)

    Hanggang ngayon ay nagtatampo pa din si Cassey dahil pakiramdam niya ay napagkaisahan siya ng mga kasama niya. Pinagtatawanan lang siya nina Anthony at Daniella. Pero seryoso sina Nathan at Skyler sa pagsuyo sa kanya."Kahit kailan hindi ko kayo mapapatawad" pagsusungit nito sa mga kasama niya.

    Last Updated : 2020-11-10
  • Memories with you   Something New (Part 3)

    Pagkatapos ng klase ay tumuloy sa shabu-shabu ang grupo nina Nathan. Nagspark ang mga mata ni Cassey dahil favorite niya doon.Mabilis silang nakahanap ng pwesto nila."Oh. Dahan-dahan lang ang kain hah Cassey baka wala ng magkasya sa mga damit mo" puna ni Skyler sa kanya.

    Last Updated : 2020-11-10
  • Memories with you   Missing Piece (Part 1)

    Pagkagising ni Zidane nakaready na ang almusal at hindi kagaya dati na nakasimangot si Sky habang nagpe-prepare, ngayon ngiti ang salubong niya dito.Anong nangyari sa kanya? Sinasapian ba siya? O baka fake Skyler yung kasama ko ngayon?"Mukhang maganda a

    Last Updated : 2020-11-10
  • Memories with you   Missing Piece (Part 2)

    Pagdating sa coffee shop ni Sky nakita niyang nakaupo sa sulok si Nathan. Medyo kalmado na ito pero mababakas pa rin sa mga mata niya ang pagkalito."Napano ka?" nag-aalalang tanong nito.Mabilis itong yumakap kay Sky "Hindi ko na alam ang gagawin ko."

    Last Updated : 2020-11-10

Latest chapter

  • Memories with you   Our Love (Finale)

    Chapter 38Dumating na din ang graduation. Napuno ng ingay ang buong school dahil sa excitement ng mga graduates pati na rin ng mga magulang."Gosh! I can't believe it. Graduate na din tayo" sigaw ni Daniella na yumakap sa boyfriend niya. Pero si Anthony tahimik lang. Napatingin ang lahat sa kan

  • Memories with you   Our Love (Part 3)

    Chapter 37Although hindi lahat. Karamihan sa mga kaklase nina Skyler ay natanggap na ang relasyon nila ni Zidane. Naging okay ang lahat sa loob ng classroom pero hindi sa buong school.Pagkalipas ng ilang araw ipinatawag si Zidane ng Director para i-transfer siya.

  • Memories with you   Our Love (Part 2)

    Chapter 36Pagkalipas ng ilang araw nakapasok na din ng school si Nathan. Kasabay niyang pumasok sina Skyler ngayon at si Alvin. Nasa bungad palang sila ng gate ng daanan sila ng isang classmate nila."Ibang klase ka din pala no Skyler" natatawang comment niya dito.

  • Memories with you   Our Love (Part 1)

    Bago umuwi galing ng ospital sina Zidane ay dumaan muna sila sa 7/11 store. "Mas mabuti pang magpahinga muna tayo dito para marelax ka. Stress ka kase kaninang papunta ng ospital. Buti nalang hindi ganon kaseryoso ang nangyari" inabutan niya ito ng juice."Oo nga eh. Nakahinga ako ng maluwag ng malaman kong okay lang si Nathan."

  • Memories with you   Emotion (Part 5)

    Paulit-ulit nagfla-flashback sa utak ni Jenny ang aksidenteng nangyari kay Nathan. Paulit-ulit niyang sinisisi ang sarili sa nangyari. Lumapit sa kanya si Jane."Sinisisi mong sarili mo tama? Hindi ka pa din talaga nagbabago" natatawang sabi nito. "Okay na ang anak mo. Nagrerecover nalang siya. Ilang oras lang magigising na din siya. Kaya wag mo ng masyado i-stress ang sarili mo."

  • Memories with you   Emotion (Part 4)

    Pagkalabas ng gate ni Jenny ay nasalubong niyang papasok sina Jaspher at Nathan sa bahay nina Jaspher."Anong ginagawa mo dito?" galit na tanong nito sa anak niya."Ano bang sinasabi mo ma? Bahay ito ng boyfriend ko. Natural lang na pumunta ko dito. Ikaw? Anong ginagawa mo dito" may pagdududang

  • Memories with you   Emotion (Part 3)

    Gumagawa ng project sina Alvin at Arianey sa bahay nina Alvin pero palaging buntong-hininga si Arianey."Itigil mo nga yan. Pati ako naiistress sayo. Ano bang iniisip mo?" naiinis na tanong nito. Hindi siya pinansin nito at muling nagcheck ng phone niya. "Isa pa yan. Check ka ng check ng phone mo"

  • Memories with you   Emotion (Part 2)

    Kakatapos lang ng klase ng mga senior high kaya pauwi na sila palabas na ng gate si Arianey ng marealize na pauwi na din ang mga first year psychology. Naisip niyang sumabay kay Cassey at yayain ito sa bagong bukas na coffee shop. Pero ng malapit na siya sa classroom nila napansin niyang may kausap ito. Yun yung Catherine na naencounter nila nung minsan. Matagal niyang pinagmasdan ang mga ito. Mukhang enjoy na enjoy din kase sila mag-usap kaya nahihiya siyang mag-interrupt."Ui andyan ka pala" puna ni Anthony sa kanya. "Bakit

  • Memories with you   Emotion (Part 1)

    Kakauwi lang galing sa group study si Nathan. Nasa bungad na siya ng pinto para tanggalin ang sapatos niya at palitan ng tsinelas ng marinig niya na parang nag-uusap si Alvin at ang mama niya sa sala."Tignan mo tong picture na ito Alvin. Ang ganda niya diba" sa tono ng boses ng mama niya halatang excited ito. "Tingin mo bagay siya sa kuya mo?""Mama? Huwag mong sabihin na i-mamatch make mo si kuya sa babaeng yan?" ngayon palang niya narini

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status