Farris’ POVMatapos akong maglinis sa sala ay agad kong binuksan ang gate. Pati na rin ang main door ay binuksan ko na. Ngayon ay umupo ako sa sofa habang hinihintay ang aking bisita. I really can’t elucidate the feeling I have right now. I am in a severe uptight. Para akong katorse anyos na makikipagkita sa kaniyang ka pen pal. The door invented a sound that conformed my attention. Lumingon ako at hindi ko mapigilan ang katawan ko sa aksiyong ginawa nito. Tumayo ako ng bahagya nang makita ang isang babaeng nakasuot ng long dress na lumalakad papunta sa aking gawi. She’s walking to my way seductively. Napalunok ako habang papalapit siya ng papalapit sa akin. She’s a goddess. I missed her smell. Halimuyak niya pa lang ay kumakalma na ang utak ko mula sa pag-iisip ng kung ano-ano. I gazed at her face. Nakasuot siya ng maskara na para bang isang masquerade ang dadaluhan niya. Kahit na nakatabon ang kaniyang kalahating mukha mula sa noo patungo sa kaniyang ilong ay tiyak ako na ang ga
Albana’s POVNakasandal ako ngayon sa front seat ng sasakyan ko. Ano na kaya ang nangyari sa loob? “Naku, Carli!”Nagmadali akong gumalaw upang pagbuksan ng pintuan si Carli dahil nakita ko na nagmamadali siya at halos hindi na maipinta ang kaniyang mukha. Lecheng Farris na iyon. Ano na naman kaya ang kahayupang ginawa niya? “What happened?” tanong ko. Hingal na hingal siya habang inaayos ang kaniyang buhok. Ang gulo ng buhok niya at pati ang kaniyang suot na damit ay puno na ng gusot. Napailing na lang ako. Binigyan ko ng tubig si Carli bago ako nagmaneho papalayo sa bahay ni Farris. Nang matiyak na hindi sumusunod si Farris ay hininto ko sa tabi ang sasakyan. Kalmado kong nilingon si Carli na nananatili pa ring nasa tensiyon. Nanginginig ang mga kamay niya at may mga luha sa kaniyang mga mata.“Carli, come with your senses! Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko!” sabi ko. “Ano ang nangyari? Nakita ba ni Farris ang mukha mo?”“H-Hindi. Madali akong nakalabas kaya hindi niya ako nak
Farris’ POV Dalawang araw na akong hindi nirereplyan ni Albana. Mas lalo ko tuloy namiss si Jenissa. Akala ko nang dumating si Albana ay maiibsan na ang lungkot sa puso ko pero hindi pala. Pagkakamali ko naman ang dahilan bakit ako ginoghost ni Albana ngayon. Baka nagpalit na rin iyon ng simcard. This is all my fault! Naligaw ang aking titig sa malapad na screen ng TV nang biglang lumabas dito ang mukha ng lalaking humarang sa akin noong araw na namatay si Daddy. “Akala talaga namin ay hindi ka na muling babalik pa, Mister Morris. Good to know that you are running for the position of congressman,” sabi ng isang reporter. Napatayo ako sa gulat nang makita sa malapitan ang mukha ng lalaki. Bahagya kasing nilapit ang camera sa kaniyang mukha. “Damn it!” May kung anong umudyok sa mga paa ko upang lumapit sa TV. “Why not, hindi ba? Masyado akong nasaktan noong nawala sa akin ang anak ko. Now that I am slowly getting better, I will make sure to win this position. Kitang-kita naman sig
Albana’s POVKinaumagahan nang pagkikita ni Carli at Farris ay agad akong tumungo sa Canada kasama si Carli. Wala na akong sinuot pa na malalaking headdress upang takpan ang aking mukha. I am ready to make them foolish and sick about the facts they want to know. I have this beautiful face of Jenissa and the bold and indestructible character of Albana. Ako pa rin naman ito, si Jenissa. Wala ring nagbago, ginawa lang akong demonyo ng nakaraan ko. Nandito ako ngayon sa isang mall ng Armano Corps. Marami talagang dumadayo rito araw-araw. Kaya hindi talaga maubos-ubos ang pera ni Abuela marahil maraming mga tao ang gumagastos para lang sa mga negosyo niya. Nanatiling normal ang aking ekspresyon kahit na ang totoo ay kinakabahan ako. Ngayon ko lamang ginawa ang lantarang paglalakad sa gitna ng maraming tao na lantad sa mga mata nila ang aking mukha. Walang masyadong nakakakilala sa akin rito pero ang tindi ng tibok ng puso ko. Pinakalma ko ang sarili at huminga ako ng malalim sa ilang ul
Albana’s POVI’m walking in the middle of the hallway and my long-black-dress is sweeping the floor. Kung may alikabok lang talaga ang sahig sa hallway ay nadala na ito malamang ng aking kamison. Lahat ng mga taong nakatayo sa gilid ng hallway patungo sa conference room ng BGC ay nakatingin sa aking gawi. Tiyak ako na ako ang sentro ng atraksiyon sa espasyong ito. Kahit na bihira akong pumunta noon sa kompanyang ito ay alam ko na kilala ako ng mga impleyadong tumagal dito noon. Kaya rin sila nakatunganga habang nakatitig sa akin ay dahil sa aking mukha. “Namamalik mata ba ako?” tanong ng isang impleyado. Bakas sa mga mukha nila ang pagkagulat nang makita nila ako. Itim ang kolorete sa aking labi at ang mga mata ko ay napalibutan din ng itim na eyeliner. Gayunpaman ay hindi ko maikaila na namumukhaan pa rin nila ako. Sino rin kasi ang hindi makakakilala kay Jenissa? Si Jenissa na kawawang asawa ni Farris Bennett. “Multo ba ang nakikita ko o totoong si Jenissa ito?” Tanong ang tinug
Albana’s POVBeing misfortune drives you to a life you never imagined would come to happen. Kaso, hindi natin alam ang maaring dumating kinabukasan. Masaya ang pamilya ko noong mga araw pero dumating ang araw na ang lahat ng saya ay nauwi sa pagluha. I was once a lucky daughter of the richest couple in town but I ended up becoming a battered and disrespected wife of the man I don’t even know. I was dumped by people whom I invested trust and love. I treated Jackie as my very best friend but she betrayed me. I hoped that Farris will change and he will love me along our unhealthy relationship but I only wasted my hope. Walang naging magandang nangyari sa buhay ko matapos akong pinambayad sa malaking halaga nang pagkakautang ni Daddy.I am driving to get home now. Inalala ko pa rin ang nangyari sa loob ng Conference Room kanina. I was stunned and that kiss is the mere reason why I am still shaking right now. Tumingin ako sa aking smartphone na nakalapag lang sa ibabaw ng katabing upuan
Albana’s POVNagulat ako sa bagay na ginawa ni Farris. Nakita ko paano niya sinuntok si Rev na naging dahilan upang matilapon ang isa sa sahig. Namuo ang mga tanong sa isipan ko. Bakit siya napunta rito? Sinundan niya ba ako? “Monsieur! Stop this!” awat ko kay Farris. Susugod sana si Rev pero pumagitna ako. Hingal na hingal ako dahil napagod ako sa ginawa namin ni Rev kanina at dumagdag itong pagpapagitna ko sa kanilang dalawa. “Don’t you ever kiss her, Morris! She is mine!” sigaw ni Farris. Insultong ngiti ang ginawad ni Rev. He wiped the blood in the side of his lips. “Isn’t it you killed someone who definitely looks like her? Baka kinakain ka lang ng konsensiya mo kasi nakikita mo sa kaniya si Jen!” Tinuro pa ni Rev si Farris. “Stop, Farris!” sigaw ko pero hindi siya nagpaawat. He pushed Rev so hard. Natilapon muli si Rev sa sahig. Pinatungan siya ni Farris at sinuntok ng ilang beses. “Hindi mo alam kung ano ang sinasabi mo, Morris! Wala lang alam! Hindi ko pinatay ang asa
Albana's POVHalos ikamatay ni Jackielou ang pinagawa ko sa kaniya. Magaling talagang mag-tago ng baho niya ang babaeng ito noong magkasama kami sa Center. Akala mo talaga ay napakabait niyang kaibigan at walang arte sa katawan. But, then, here she is, isa pala siyang spoiled brat na puno ng kaselanan. Akala niya siguro na siya na ang pinaka-maldita sa lahat. Little did she know, nandito na ako. Puputulin ko ang sungay niya. Habang bumihis si Jackie ay dinala naman ako ni Farris sa hindi ma-taong bahagi ng event hall. “Ano ang ginagawa mo?” tanong niya sa akin. Ngumiti ako sa kaniya. Ang sarap talaga makitang nagkakanda-sira-sira ang mukha ni Farris dahil sa pag-aalala na mahuli siya sa kalokohan niya. “Don’t you see?” Umirap ako. “Tinuruan ko lang naman ng leksiyon ang asawa mo. That’s it and nothing more!” Huminga siya ng malalim. “Please, Albana, huwag ka namang gumawa ng eksena rito sa event na ito. Akala ko ba ay inaalagaan mo ang pangalan mo? Why are you acting like this?
Paisa-isang hakbang ang ginawa ko patungo sa sala. Nakita ko na nakaupo si Jen sa ibabaw ng sofa. Tumingin siya sa akin at agad na sumimangot. “Hi, Wifey!” bati ko sa kaniya. Sa halip na batiin ako ay umirap siya nang malagkit. Pinaghahampas niya ang kamay kong humawak sa maputi niyang braso. Galit na naman ang asawa ko. “Palagi ka na lang lasing kung umuwi, Farris! Nakakainis ka! Napatulog mo nga si Varris pero ginising mo naman ang lasinggero mong katauhan,” galit na sabi niya at agad na tumayo. Humawak ako sa sandalan ng sofa at marahang umupo, hindi ko alam kung marahan pa ba iyon, halos matumba kasi ako. “Dumalaw ako kay Doctora Riz, Wifey—”“Huwag mong marason-rason sa akin si Doctora Riz! Nagkita kami kanina at ang sabi niya, around 10 AM ka pang umalis. Kung mag-rarason ka, iyong matino naman at acceptable, hindi ‘yong rarasunin mo ako ng mga walang kuwentang rason,” galit pa rin niyang sabi. Inabot ko ang kamay niya pero binawi niya ito mula sa pagkakahawak ko. Masama si
Apat na taon na ang lumipas mula noong namalagi kami ni Abuela rito sa France. Mahirap magsimula pero nakayanan ko. Dalawang buwan na lang ay makakalaya na si Carli. Matayog na rin ang mga kompanyang pinamunuan ni Daddy. Ang BGC ay magkatuwang na inalagaan nina Maitha at Shiva. Umaangat na rin ang sales ng BGC kahit papaano. Ako naman ay bumalik sa pagiging volunteer-teacher sa France. Masaya ako sa ginagawa kong ito lalo na kasi ay anak ng mga kababayan ko ang tinuturuan ko. Isang lingggo akong magpapahinga at ito ang ika-lawang araw. Ayaw ko sanang mag-leave sa pagtuturo pero ang paaralan na ang pumilit sa akin. Sabi nila, kailangan ko raw magpahinga at hanapin ang lalaking para sa akin. Tinawanan ko lang ang sabi nila. Pumasok ako sa bahay. Wala na naman si Abuela. Palagi na lang siyang pumupunta sa bahay ng mga kaibigan niya. Tumungo ako sa ikalawang palapag ng bahay at agad akong humiga sa kama kong napakalambot nang makapasok na ako sa aking kuwarto. Kinuha ko ang smartpho
Jenissa’s POVLumunok na lamang ako habang tinitigan ko ang keychain na nasa palad ng isang pulis. Nagsidatingan ang iba pang mga pulis at agad na binuhat palabas ang bangkay ng kambal ni Farris. Ang dami ng mga nangyari sa gabing ito. Hindi ko kayang ipasok sa utak ko ang lahat ng mga nangyari. Lumalabas na mali ang ginagawa kong paghihiganti kay Farris dahil unang-una ay hindi pala niya kagustuhan ang pag-aalipusta niya sa akin noon. Nasa ilalim siya ng impluwensiya ng kambal niyang si Jarris. “Dalhin niyo na iyan,” utos ng kataas-taasang pulis. “Stop!”Tumingin ako kay Carli na kumaripas sa pagtakbo. Malakas niyang tinulak ang mga pulis upang malayo sila sa akin. “Carli,” tawag ko sa kaniya. She opened her arms to protect me from the men. Lumingon siya sa akin at ngumiti. Alam ko na kung ano ang binabalak niya. “Carl–”“Ako ang pumatay kay Henry Bennett. Ang keychain na iyan ay pag-mamay-ari ko. Ang tunay kong pangalan ay Aena Carlisse Antacio. AA ang ginagamit ko kapag ma
Farris’ POVNasa tabi lang ako habang nakatanod sa paligid. Nilalaro ko ang kupitang hawak ko habang binato ang sulyap ko sa isang sulok. Kinabahan ako sa aking nakita. Jarris is looking at Aki. Sinabi niya sa akin na wala na siyang pakialam kay Aki pero alam ko na gusto niya pa rin ito. Basang-basa ko sa mga mata ni Jarris na mahal niya pa si Aki. Nagmadali akong tumayo upang dumako sa kinaroroonan ni Jarris. Lumakad siya papalayo kaya ay sinundan ko siya. Tumigil siya sa likod ng bahay kaya ay tumigil na rin ako sa paglalakad. “Huwag kang mang-gulo rito, Jarris.”Lumingon siya sabay ngiti. Tinitigan niya ako sa aking mga mata. Kumunot ang noo ko at halos mag-abot ang mga kilay ko. “Bakit hindi, kung kaya ko naman? Ayaw mo noon? Malalaman ni Aki na ako pala ang may gusto sa kaniya at ako ang nakabiyak sa kaniya.”“Hindi kita hahayaan na sisirain mo ang gabing ito, Jarris.” Kung hindi lamang buntis si Aki ay hahayaan ko na lang si Jarris upang magka-alaman na. Kaso, inaalala ko an
Farris’ POVNasa labas ako ng clinic ni Doctora Riz Monreal. Ilang taon na rin akong hindi bumabalik dito dahil akala ko ay kaya kong kontrolin ang sakit ko. Nagkamali ako nang inakala. Hindi ko pala kaya. Lumala pa ang karamdaman ko nang hindi na ako bumabalik para magpatingin sa kaniya. No one knows that I am crying alone. No one knows how scared I am. Wala akong mapagsabihan. No one knows that I am fighting against this battle alone.Wala akong mapagkakatiwalaan. Natatakot akong matawag na baliw. Natatakot na baka ay magalit lang si Daddy sa akin kapag nalamam niya itong karamdaman ko. I discovered my disorder when I was young. Nasa labas si Jarris noon at naglalaro habang ako ay nasa loob naman kasi nga ay bagong gising pa lang ako. Umahon ako mula sa pagkakahiga sa malambot na kama namin ni Jarris. Narinig ko na may taong kumakatok kaya ay pinagbuksan ko ito. “F-Farris, fix your things! Umalis na tayo rito!” iyak na sabi ni Mommy sa akin. Hinahabol ko ang hininga ko habang
Farris’ POVIlang beses akong bumabalik sa Saint Jude Hospital para lang tingnan ang kalagayan ng Abuela ni Jenissa. I disguised behind my grey cop and black mask. Pinalalim ko pa ang boses ko para lang hindi nila ako makilala. Kahit na alam kong magiging ka-boses ko si Jarris ay ginawa ko pa rin iyon para hindi ako makilala ni Jen. Nang magkabanggaan kami malapit sa entrance ay iba ang tingin ko sa kaniya noon. I saw worries in her eyes. Hindi ko inisip na aabot pala sa ganito si Jen. Hindi ko siya masisisi kung bakit napuno siya ng galit at puro paghihiganti ang layon niya. She took my company. Nadala ako ng aking emosyon kanina kaya ko siya nasakal. Now, I am blaming myself because I was unable to control my anger. Nag-sisisi ako sa ginawa ko kanina. Sana humingi na lang ako ng tawad sa kaniya kahit na hindi niya ako patatawarin. Nandito ako ngayon sa rooftop ng BGC. Humihinga ako nang malalim bago at pagkatapos kong lagukin ang bawat laman ng lata ng alak. Napatayo ako nang b
Albana’s POVIlang araw na akong balisa dahil sa nalaman kong kalagayan ni Rev. Gayunpaman ay hindi ko pinahahalata sa kaniya na nalaman ko na ang tungkol sa sakit niya. Sa halip na ipakita sa kaniya na balisa ako ay pinagsilbihan ko na lang siya nang maayos at pinaramdam ko sa kaniya na inaalagaan ko siya. “Wow, Sweety! Ang bango naman!” aniya at agad akong niyakap. Hinalikan niya ang leeg ko habang nakayakap ang mga kamay niya sa aking baiwang. Abala ako sa pagluluto habang siya naman ay abalang-abala sa ginagawa niyang pagyakap sa akin. Para tuloy kaming sumasayaw at ang kulo ng Bulalo ang aming musika. Hindi ko napigilan ang luha ko na pumatak. Alam ko na isang araw ay magigising ako na alaala na lang ang mga ginagawa ni Rev sa akin ngayon. Humiwalay siya sa akin at agad niya akong pinaharap sa kaniya. "Umiiyak ka ba, Sweety?” tanong niya sa akin. Umiling ako at pumeke ng tawa. Ngumiti ako patingin sa kaniya. Inaral ko ang bawat detalye ng kaniyang mukha mula sa kaniyang mga
Albana’s POVTumungo ako sa restroom at agad kong tinitigan ang sarili kong repleksyon sa malaking salamin na kaharap ko. My eyes burst into tears. Hindi ko alam kung paano ko pa aalisin ang sumpang ito sa akin. Kahit na naging kami ni Rev at alam ko na hindi ako kayang ipaglaban ni Farris ay palagi pa rin akong nasasaktan. Before, I was tortured physically. Now, the fact that he can’t even choose me even once makes my mind and my heart tortured. And his decision fueled my desire to take revenge on them. Lumabas ako sa banyo at agad kong hinanap si Rev. Magkasama kasi kami kanina pero iniwan niya ako dahil may importante raw siyang gagawin. Naningkit ang mga mata ko nang makita ko na nagmadaling lumabas nang mall si Rev. Sinundan ko siya pero nang nakalabas na ako ay siya namang pag-alis niya. Agad akong humanap ng masasakyan at pinahabol ko ang kaniyang sasakyan. “Saan ka pupunta, Rev?” tanong ko sa sarili. Lumapit ako sa driver at kinalabit ko siya sa kaniyang balikat. Tumingi
Farris’ POVLumapit ako nang marahan sa kinatatayuan ni Aki. Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at agad kong piniring ang kaniyang mga mata. “Farris, ano ba? This is crazy,” aniya. Niyakap ko siya matapos kong piniring ang mga mata niya. Huminga ako nang malalim. Naisip ko ang mga sakripisyo ni Aki para lang mahalin ako. Inaamin ko na sa una ay nakipagrelasyon ako kay Aki dahil utos iyon ni Jarris pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na unti-unti na palang nahuhulog sa kaniya. Nahirapan siya lalo na noong dumating si Jen sa buhay namin. Pumagitna si Jen kaya ay nahirapan kami ni Aki sa pagtaguyod ng aming relasyon. Siya ang nagdesisyon noon na kaibiganin niya si Jen upang hindi kami mahalata na may relasyon kami. Mahabang panahon ang tiniis ko at ni Aki upang maging matiwasay ang pagsasama namin. Kung kailan naman naging matiwasay ang pagsasama namin ay doon na naman kami ginulo ng mga taong bahagi ng nakaraan namin. Si Rev. Tinatalo niya ako dahil sa pinaglalaban niyang kat