Nakaramdam ng pananakit ng ulo si Zarina. Kinapa niya ang kanyang noo at pilit na kumawala sa bisig ng kayakap. Dahil parang binabarena ang kanyang ulo dagdag pa ang kakaibang pagkirot ng kanyang balakang at pagitan ng kanyang hita. Bumalikwas siya ng higa at unti unti niyang minulat ang kanyang mga mata. Naramdaman niya ang kamay ng katabing kinakapa ang kanyang dibdib. At sinilip niya iyon sa ilalim ng kumot at sinundan ang kamay na iyon kung saan ng gagaling. Wala siyang saplot at halos mapanganga siya ng mabungaran ang nakapikit na lalaki at walang iba kundi si Rayne. Pinilit niyang tumayo at hatakin ang kumot na tumatakip din sa lalaki."Ayyy naloko na..anong katangahan ang ginawa ko?" Sambit niya habang kitang kita niya ang kahubadan ng kanyang amo. Gusto niyang maiyak sa nangyari at napaupo siya sa sahig habang yakap yakap ang sarili. Hindi siya maaring humantong sa ganito. May nangyari sa kanila ni Rayne yun lang nagiisang may kasiguruhan. Muli niyang sinilip ang lalaki sa k
Nakapagayos na siya ng kanyang sarili at bino blowdry niya ang kanyang buhok ng may katulong na kumatok sa kanyang silid."Mam ipinapatawag po kayo ni Seniorito Rayne. Ngayon na raw po." May otorisado sa pagkakautos kaya ang katulong ay nakapinid ang mata sa sahig."Sige po manang susunod na ako. Nagwawala nanaman ba siya?"Biglang kumunot ang kanyang noo sa narinig. Mukhang may ginawa nanaman ang amo niya para ipatawag siya at hindi makapaghintay na puntahan niya. Binilisan niya ang paglakad at nakita niyang nakahubad parin ito habang nakaupo sa kama nito. Nakapalupot ang kumot sa bahaging ibaba ng katawan nito."Seniorito ipinatatawag nyo raw po ako.?" Balik accent nanaman ang mapagpanggap na si Zarina."Of course Jane..because you are my caregiver so it's your duty to give me a bath. Napanganga nalang ang dalaga dahil sa inaasal nito. Mukhang mahirap nanaman itong spelengin ngayong araw. Napalunok nalang siya dahil sa kainosentihang pinakikita nito ngunit sinakyan nalang niya ang
ZarinaAnu pa ang silbi ko dito kung ipupush narin naman ang divorce? De bale pag nakahanap na ng bagong mapapangasawa si Rayne makakalaya na ako at matatapos na ang pagpapanggap ko. It'll be okay..I will be okay..Hindi ko napansing palakad lakad nanaman ako at bakit ba ako nagiging balisa ng ganito. Dapat maging masaya ako dahil he is doing okay at kailangan na niyang makabalik sa kanilang negosyo. Naalala ko si Mamy Pie siguradong ikakatuwa niya ang ibabalita ko. Para naman mapahupa ko na ang galit niyang puso. "I have goodnews..""Kanina lang badnews ang natanggap ko..anu naman yun..in love kana ulit sa kanya.?""Wag kana magalala dyan dahil pumayag na si Rayne na ipush ang divorce at soon to be married to someone dahil kailangan na niyang makapagproduce ng taga pagmana.""Baka naman ikalungkot mo yan..Zarina bago ka pa maattached dyan sa lalaki na yan bumalik kana.""Don't worry malayo na ang narating natin para mahulog pa sa kanya ulit. Isang pagkakamali lang yun at hindi na mau
Hindi na inabala pa ni Carlos ang kaibigan ng makitang nagpapahinga ito. Sapat ng nakita niyang okay naman ito at hindi na katulad nung mga unang buwan na nagwawala ito. Mas malaki na ang in-improve nito dahil bumabalik na ito sa dating pangangatawan at regular na ang paginom ng gamot. Subalit ang galit niya kay Zarina ay ngayon lang niya nasambit. He hates her that much. Tinungo ni Zarina ang ginang na nuo'y umiinom ng kanyang tsaa. "Ayusin na natin ang divorce. He needs to find a good woman who can help him everyday. Lalo lang hihirap kung magiging malapit pa kami sa isat isa. At siguro naman ay hindi nyo na ako matatawag na ingrata sa pagtitiyaga ko sa kanya.""Are you afraid that one day you don't want to leave anymore?.""I have a career to take care of. And living with him is not in my priority list. In the end magkakasakitan lang kami. Hindi ko siya kayang patawarin sa nakaraan namin.""Salamat parin at inalagaan mo siya sa maikling panahon. Sa wakas pumayag na siyang magmove
Makatapos na umalis si Zarina ay nagpatawag si Rayne ng ibang katulong para makapagprepare siya ng kanyang sarili para sa pakikipagusap sa kanyang ina. Nais niya itong makausap para sa natuklasan tungkol kay Zarina at pati narin ang naiisip niyang plano. Ayaw niyang marinig ito ni Zarina kaya hindi niya ito ipinatawag. Tulak tulak ng wheelchair ng isang katulong siya ay dinala nito sa dating office ng ama. At dali dali namang pumunta ang kanyang ina. Masaya rin ito at may dala dala din balita na mababakas sa kanyang mukha. Sayang lang at hindi ito nakikita ni Rayne."Anak..nakausap ko ang doktor mo. Alam mo bang may chance kapang makakita. Pero hindi parin ito sure but we can still try diba.." damang dama niya ang ligayang nararamdaman ng ina habang binabalita ito sa kanya. Ngunit may mas mahalaga siyang katanungan sa ina na ngayon lang niya nakasarilinan."Mom..paano mo siya napapayag?" Mga salitang lumabas sa bibig ni Rayne habang sila ay nasa office ng dating ama.Nakaupo ito sa ma
Natahimik si Zarina ng bigkasin ni Rayne ang rancho. Parang may malaking kaning nakabara sa lalamunan niya. Hindi niya magawang malunok kahit ang sariling laway. Natigilan siya dahil ang unang pumasok sa isip niya ay si Sally. The woman beneath him.'Ano ba to..selos ba ito? Gusto kong makaramdam ng galit ng banggitin niya ang rancho. O baka naman si Sally ang nasa isip nila para ipalit sa akin??.eh anu naman. Diba pinupursue ko ang divorce. Pull yourself together..Zarina Wala ka na dapat pakielam.'"What do you think..I was there last year. Maganda roon hmmm presko ang hangin..sabi mo galing ka sa probinsya diba. Magugustuhan mo dun." Paliwanag ni Rayne"Ah S-seniorito presko din naman ang hangin dito..""Gusto ko din bisitahin ang mga taga rancho. Nabalitaan nila ang kalagayan ko gusto ko naman suklian ang mga ginagawa nila sa rancho. Magdadaos tayo ng konting salo salo roon. Don't worry Sally will be a help."Sumimangot siya kay Rayne buti nalang at biglang may tumawag sa telepono
Nagising si Rayne na masakit ang kanyang ulo dahil sa pagkakainom niya kagabi. Naramdaman niyang may mabigat na nakadagan sa kanya. Nakaunan siya sa hita nito at nakadagan naman ang katawan nito sa kanyang pang-ibabang parte. Nadadaganan nito ang alaga niya kaya napalunok siya ng maramdaman ang mga kamay nitong naroon. Unti unti niyang tinanggal ito pero binalik ito kaya hindi na niya napigilan na gisingin ito."J-jane..Hoyy..." tawag niya.Kumislot ito at umungol ng kaunti pero hindi parin nagising."Hmmn..""J-jane..ang alaga ko. Masakit.." sabi niya habang pilit tinatanggal ang mga kamay nito.Kinapa niya ang mukha nito at pilit na kinukurot ang pisngi nito. Akalain ba niyang mala mantika matulog ang babaeng ito."Aray..B-bakit ba kasi.." sagot ni Zarina"Y-yung anu ko dinaganan mo.." sigaw niya. Nang maintindihan ni Zarina ang posisyon nila ay agad siyang umayos ng upo at tinulungang makaupo ang kanyang amo."P-pasensya na..hindi ko na po kayo iniayos kagabi kasi ang laki nyo at a
Inalalayan ni Zarina si Rayne makababa ng sasakyan at namangha siya dahil sa hindi na ito ang ancestral house. Hindi na ito ang luma at nakakatakot na bahay sa alaala ni Zarina."I bet you are amaze right now, Aren't you?" bungad ni Rayne."Hmmm Ang ganda naman ng glass house na ito." Mangha ni Zarina.Sinalubong sila ni Manang Lumeng. Nakatingin ito kay Zarina na nuo'y nakaalalay kay Rayne. At inilipat kay Rayne."S-Seniorito...kamusta ho kayo. Kami pong mga taga-rancho ay nagaalala sa kalagayan ninyo. Halika po kayo sa loob at naghanda po ako ng hapunan.""Salamat Manang..Wag kayong magalala. In a few days magpapahanda ako kay Sally ng salo salo kasama ang mga taga - rancho."Halos magtatalon sa tuwa ang matanda dahil sa salo salo na gagawin sa Rancho. "Sige po at sasabihan ko si Sally para naman magkausap kayo."Medyo sumimangot naman si Zarina sa narinig dahil sa paguusap na mangyayari sa pagitan ni Rayne at Sally. 'Baka di usapan kundi land***an' bulong niya.Inakay na ni Zarina
“Any plans?” sabi ni Zarina habang tinutulak niya ang wheelchair ni Rayne. “I’m blind at hindi ako makalakad para makapag-isip ng plans for this coming weekend,” sarkastikong sabi ni Rayne sa asawa. “Alam ko. Sumama na naman ang loob mo?” sabi ni Zarina. Umupo siya sa harap ni Rayne at hinaplos ang mukha nito. “No, I can’t do things on my own, Zarina,” muling sabi ni Rayne. “Hmm.. I’m sorry. Hindi lang ako makapaniwalang magkasama na tayo. Na nandito kana sa tabi ko at sa buhay namin ni Regina. Aalagaan kita, Babe,” paglalambing ni Zarina. Nakaupo sila sa may garden set at parehas silang nagpapaaraw ng mga oras na iyon. “Hindi ka nagsisisi na ganito na ako?” ng mga oras na iyon ay muling umagos ang luha ni Rayne. At pinunasan ni Zarina ang luha nito. “Hindi. Hindi nagbago ang pagmamahal ko sa iyo noon at hanggang-ngayon. Natatandaan ko ang lahat ng nangyari. Lalo na noong---” hindi na naituloy pa ni Zarina ang sasabihin ng biglang kapain ni Rayne ang kaniyang labi. “Babe, ako
Rayne’s POVNgayon lang ako naramdam ng matinding takot hindi para sa sarili ko kundi sa buhay ng magina ko. Hindi ko sila kayang protekhan laban kay Aurora. Ilang beses na akong muntikang mamatay at hindi ko alam kung bakit ako nanatiling buhay magpahanggang-ngayon. Noong bata pa ako miyembro ako ng isang grupo ng loan shark. Gulo at pananakit ang hatid namin sa ibang tao. At ng makita ang aking potensyal ay kinaha ako ng isang organisasyon para maging boy nila sa loob pero nangarap ako para sa nanay ko at isang araw hihigitan ko ang ama kong iniwan kami para sa babae niya. Umakyat ako sa pinakamataas na posisyon hanggang maging kanang kamay ako ng organisasyon. Gumaling sa paggamit ng ibat-ibang klase ng armas at nakasama sa lahat ng misyon pero muli ko ulit iniwan dahil sa ama kong biglang pumasok sa buhay namin. Nagbayad ako ng malaki para makaalis sa organisasyon at nangakong makikipagtulungan ngunit traydor ang oras. Bumaliktad ang lahat at sa unang pagkakataon ay kinailangan k
DUMATING sila sa unit ni Rayne ngunit walang bakas na nagpunta ito roon. Ang ayos ng unit ay nanatili sa ganoon simula ng umalis siya sa poder nito. Binuksan niya ang bawat ilaw roon. Binisita niya ang bawat sulok ‘non lalo na ang kanyang kuwarto.Naupo siya sa maliit niyang kama. At inalala ang unang beses niyang magising sa kuwartong ito. Gayundin ang gabi na nais na niyang tapusin ang kanyang buhay dahil sa sinisi pa siya ni Rayne sa nangyari. Hindi niya napigilan ang mapaluha at yakapin ang kanilang anak.“A-Anak bumalik na tayo kila Tita Sally mo, wala dito ang Daddy mo…” sabi niya sa anak.“Eh nasaan po ba talaga si Daddy? Sa bahay nila or sa sinasabi ni Anty Sally na rancho..baka naroon po si Daddy?” sabi ni Regina. Hindi parin sumusuko si Regina dahil sa kagustuhan nitong makita ang kaniyang ama.Nagsimulang makaramdam ng pagkainis si Zarina. “Uuwi na tayo. Regina! Mukhang ayaw na muna ni Daddy mo na makita tayo…hindi tayo maaaring magtagal dito at puntahan siya sa lugar na gu
Zarina POV His lies and his love para sa amin ng anak niya ang nangibabaw at importante sa kanya. Hindi ko na tiis na hindi siya yakapin at bulungan.“Come back to me, when its over. Maghihintay kami ni Regina,” sabi ko at tuluyan na nga kaming umalis ni Regina. Hindi ko alam kung paano niya ise-settle kay Aurora ang lahat. Pero naniniwala akong magiging ayos lang lahat. Isang tapik ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Oo, isang taon na ang nakararaan matapos ang pagsama namin kay Sergio. Halip na ibalik kami sa San Fabian ay hiniling ko sa kanyang dalhin kami sa isang lugar na makakapagsimula kami ni Regina. Dinala niya kami sa lugar na kung saan siya ipinanganak hindi ko lubusang kilala ang lalaking ito pero sa kanya kami ipinagkatiwala ni Rayne kaya binigay ko sa kanya ang tiwalang iyon. Nagulat nalang ako ng makita ang babaeng iyon na pinagselosan ko. Si Sally kasama ang kaniyang ina.Hindi nagkukuwento si Sergio tungkol sa nangyari ng araw na iyon. Hindi na rin siya bumisita
ZARINA POV Ang mga sinabi niya kagabi. Ang mga ipinagtapat niya at ang katotohanang ikinasal na siya. Oo kinasal kay Aurora. Inaasahan ko naman na ito, hindi ba?. Alam kong mag-aasawa siya balang-araw pero hindi ko inaasahang kukurot iyon sa puso ko. Galit dapat ang nararamdaman ko dahil sa kaniya nawala si Mommy Pie at babalik kami sa San Fabian para tuluyan ng putulin ang anumang koneksyon namin sa kanya. Ano ba ang balak niyang gawin? Papatayin niya ba ang babaeng iyon at tatapusin narin niya ang kanyang buhay? Iyon na ba ang naiisip niyang solusyon? Hindi parin siya nagbabago. Ang Rayne Madrigal na kilala ko noon at magpahanggang-ngayon ay nais parin ang mga solusyon na alam niyang lilikha ng pangit na katapusan. Pero hindi na ba talaga namin siya makikita ulit pagkatapos nito? Paulit-ulit kong tanong sa aking isip. Hanggang sa makita ko siyang nagluluto ng pagkain namin. Paano kaya kung hindi siya umalis ng gabing iyon? Kung hindi niya ako iniwan? Isang pamilya parin kaya kami?
“I think isa ako sa nais mong kalimutan. I’m sorry, Zarina sa mga nangyari sa buhay mo ng dahil sa akin,” sabi ni Rayne.“Ano ang totoong nangyayari? Kaya mo ba nais na maisama kami malayo sa San Fabian dahil alam mong mangyayari ito? Alam kong alam mo ang nangyayari!” sabi ni Zarina.“I want you and Regina safe… because---. I’m already married to Aurora!” sabi ni Rayne.Hindi niya nais na sabihin kay Zarina ang totoo pero hanggang kailan niya ito itatago.“To Aurora!” sabi ni Zarina.“Nagpakasal ako dahil kay Mama. Sinagip niya ang nalulugi naming kumpaniya at sa pagpapagamot ko. Nang malaman ko na nagkaanak tayo nais kong mabuo ang pamilyang minsan ko ng iniwan at sinira. Hindi ko akalaing aabot sa ganito. Nalaman niya na nagkaanak tayo. Gagawin niya ang lahat para mawala ka lang at si Regina. Hindi ako papayag na ganon ang mangyari..” salaysay ni Rayne.“So, si Aurora pala ang may kagagawan ng lahat. R-Rayne.. hindi na tayo mabubuo kahit pa iwanan mo na si Aurora. May sari-sarili
"ZARINA! Z-Zarina!” bulong ni Rayne kay Zarina. Napabalikwas ng bangon si Zarina ng mabalik sa kanya ang kasalukuyang sitwasyon na nasa Santa Inez sila at nagtatago mula sa mga taong walang habas na namaril sa kanilang bahay.“R-Rayne?” usal niya.“Tulog pa si Regina. Pupunta ako sa bayan para makabili ng mga stocks natin dito. Medyo malayo pero promise me na hindi kayo aalis ni Regina dito,” sabi ni Rayne.“At saan naman kami pupunta?” sabi niya ng may pagsusungit.Napabuntong hininga na lamang si Rayne sa inaasal ni Zarina. Alam niyang nagluluksa parin ito sa pagkamatay ni Pie. Bago siya umalis ay kinintalan muna niya ng halik si Regina sa noo.Niyakap niya ang sarili ng marinig na lumabas na si Rayne.Nilibot niya ang kabuuan ng bahay at naisip niyang ayusin ang buong bahay anong mangyayari sa kanila kung patuloy siyang magmumukmok. Isa lang ang ipagpapasalamat niya, iyon ay ligtas sila ni Regina. Niligpit niya ang mga gamit na kalat-kalat. Isang beses ay naikuwento si Rayne sa ka
Nakarating sila sa School na pinapasukan ni Regina. Napatingin si Zarina sa kanyang suot. May mga bahid ito ng dugo kaya ibinigay ni Rayne ang suot niyang suit.“Isuot mo muna ito,” sabi ni Rayne. At pinunasan niya ang luha ni Zarina na walang tigil sa pag-agos.“Si Mommy Pie? Iiwan nalang ba natin na ganon? Kailangan ko siyang Balika---” sabi ni Zarina.“Hindi ko alam kung bakit nila tayo gustong patayin kung babalik lang tayo ‘don parang hinarap nalang natin ang kamatayan natin. Kailangan ko kayong madala ni Regina sa safe na lugar. Kaya ngayon, pigilin mo ang luha mo at sunduin mo ang anak natin, please Zarina. Dito lang ako sa labas hihintayin ko kayo..” sabi ni Rayne.Pumasok si Zarina sa school ni Regina. Ilang sandali pa ay tumawag sa kanya. Napuno siya ng galit ng mabosesan ang nasa kabilang linya.“My beloved husband? Umaagos na ba ang dugo ng mag-ina mo?” sabi ng babae.“A-Aurora? Ikaw ba ang may pakana ng pamamaril sa bahay nila Zarina? Wala kana talaga sa tamang pagiisip?
Hindi umalis ng San Fabian si Rayne dahil nais niyang makagawa ng paraan na maisama ang kanyang mag-ina sa syudad. Labag man sa kalooban ng kanyang ina ay nais niyang bawiin si Zarina para mabuo ang pamilya ni Regina.Hindi naman makapapayag si Pie na hayaan na lamang si Rayne sa nais nito. Kaya ng makaalis si Zarina at Regina ay sinamantala niya ang pagkakataon na kausapin si Rayne ng sarilinan.“Hindi ka parin pala umaaalis, Mr. Madrigal,” paglabas ni Pie ng silid nito.“Hindi ko po basta nalang iiwan sila tulad ng dati,” sabi ni Rayne sa matanda.“Maayos na ang buhay ng alaga ko. Ngayon babalik ka at guguluhin mo na naman? Mr. Madrigal hindi lingid sa akin ang dinanas ni Zarina sa mga kamay mo. Pinahirapan mo siya at dinivorce na lang kahit alam mong ginahasa siya ng sarili mong kapatid. Si Zarina ay nagsimulang tumayo sa kaniyang mga paa ng wala ka. Ang kapal ng mukha mong bumalik?” hindi na napigilan ni Pie ang sarili.“Alam ko ang dinanas niya pero may dahilan ako kung bakit ko