Share

one

Author: Sshayela
last update Last Updated: 2023-06-01 09:30:20

Typo's and Grammatical Error's ahead! You have been warned!

Kindly do Votes and Comments <3

Summer's POV

"You may now kiss the bride"

Kahit na kinakabahan ay pinilit ni Summer na humarap sa kanyang asawa. Kung sakali ay hindi naman ito ang first kiss n'ya.

Nahigit ni Summer ang kanyang hininga, ng unti-unti ng itaas ng kanyang asawa ang suot na belo. Unti-unting lumapit ang mukha ng kanyang asawa sa kanya na mas lalong nakapag pakabog ng kanyang dibdib.

Tuluyan na s'yang nawala sa ulirat ng mag dampi na Ang kanilang mga labi. Magaan lamang ang pag kakalapat nito sa labi ni Summer ngunit ramdam na ramdam n'ya ang kalambutan nito.

Bago mag hiwalay ang kanilang mga labi ay kinagat muna ito ng kanyang asawa. Na umani ng hiyawan sa mga taong naruon para sa kanilang kasal.

Hindi nag tagal ay nag umpisa na silang mag picture taking. Nakahawak sa bewang ni Summer ang kanyang asawa at mag kadikit na mag kadikit sila habang kinukunan ng litrato. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang bilis ng tibok ng kanyang puso, para na s'yang aatakihin dahil sa bilis ng pintig nito. At isa lamang ang may kasalanan nito, ang lalaking kanyang katabi.

Hindi nag tagal ay natapos rin ang kanilang picture taking. Pagkatapos nila sa simbahan ay sa isang hotel sila tumuloy kung saan gaganapin ang kanilang wedding reception. Tahimik lamang silang dalawa habang nasa byahe. Hind naman masyadong malayo ang hotel sa simbahan kaya naka rating agad sila. Pinagbuksan s'ya ng pinto ng kanyang asawa at inakay papasok sa Maximux Hotel.

Kilala ang Maximus Hotel sa bansa maging sa ibang bansa dahil isa ito sa pinaka marangya na hotel. May pagka mahal ang bayad, pero masasabi mo namang worth the price ito.

Nasa 17th floor ang kanilang hall para sa reception. Actually, nagulat pa nga s'ya at hindi s'ya sang ayon rito dahil buong 17th floor ang nirentahan ng asawa. Hindi lang 'yon, halos sagot rin ng kanyang asawa ang kwarto na tutuluyan ng kanilang mga guests.

Kilala ang mga Madriagga dahil sa iba't-ibang successful business nito. Although mayaman rin naman ang pamilya namin ay mas nakaka angat pa sa amin ang mga Madriagga. They topped the list of most powerful and successful business tycoon in the country. While them, they are in the 5th place.

Sa totoo lang hanggang ngayon ay hindi pa rin s'ya makapaniwala. May mas maka pangyarihan pa kaysa sa kanilang pamilya ngunit ang pamilya nila ang napili para sa fix marriage.

Sa una ay hindi s'ya pumayag sa fix marriage na ito. Dahil sa bukod na nag aaral pa sya, ay hindi naman n'ya ito mahal. Gusto n'ya sana ay maikasal s'ya sa taong mahal n'ya. Pero ano nga ba ang magagawa n'ya? Eh, nangyari na diba?

•••

Mabilis na lumipas ang oras at natapos na ang kanilang wedding reception. Nandito na sila sa hotel room nila para mag bihis at mag ayos ng gamit. Dahil kinagabihan ay may flight pa sila pauwi. Tumanggi kasi s'ya na sa ibang bansa mag honeymoon, rason n'ya ay hindi n'ya kanyang mag byahe ng matagal. Hindi rin kasi s'ya nasanay dahil buong buhay n'ya ay nasa bahay lang s'ya, kung wala sa bahay ay nasa school naman.

Pinapayaga naman s'ya ng kanyang parents na mag liwaliw ngunit s'ya na ang tumatanggi. Rason n'ya a graduating student na s'ya kaya dapat mas lalo pa s'yang mag seryoso sa pag aaral.

Nakatapis ng tuwalya na lumabas ang kanyang asawa sa banyo. Agad s'yang nag iwas ng tingin rito.

"Are you tired?" Her husband ask her while walking towards the closet.

"Medyo, ahm..." nag dadalawang isip kong saad.

"You can rest first, I'll just follow you to bed"

Pagkatapos non ay narinig ko na ang pagsara ng pinto sa banyo, nag bibihis na ata. Nagpakawala s'ya ng isang malalim na bunting hininga bago tinapos ang kanyang ginagawa. Nag iwan lang s'ya ng mga gamit at damit na gagamitim n'ya bukas. Itinabi n'ya ang kanyang mga gamit bago sumampa sa left side ng king size bed. Pinatay n'ya rin pala ang ilaw at hinayaan n'yang naka bukas ang lampshade.

Agad s'yang pumikit dahil nakakaramdam na s'ya ng antok. Pero bago pa sya tuluyang makatulog ay narinig n'ya ang pagbukas sara ng pinto. Naramdaman n'ya rin ang pag galaw ng right side ng kama.

May dumampi na kung ano sa kanyang labi, ngunit inaantok na talaga s'ya para pansinin pa ito.

"Good night, wifey"

Hiking narinig n'ya bago s'ya tuluyang makatulog.

•••

"Hmm.."

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Dahil inaantok pa ay padapa nalang akong nahiga. Nakarinig ako ng mahinang tawa bago ko naramdaman ang kamay na pumalibot sa akin.

Parang doon lang nag sink in sa akin ang lahat. Dali dali akong tumayo at tinignan ang aking katabi. It's Trevan, my husband.

Nakatingin s'ya sa akin habang bahagyang naka ngisi. Habang ako naman ay pasimpleng yumuko para mag tanggal na kung ano man ang maaring nasa aking mukha. Dahil sa aking ginawa ay narinig ko nanaman ang kanyang munting tawa.

"Don't worry, you still look beautiful. C'mon, breakfast is ready" Ani nito bago tumayo at tumungo sa veranda ng hotel kung saan naka ayos ang kanilang agahan.

Dahil sa kanyang sinabi ay nag umpisa nanamang bumilis ang tibok ng aking puso. Pasimple ko itong hinawakan.

"Calm down, heart"

Nag umpisa na kaming kumain ng maka ayos na ako sa aking pwesto.

Fried rice, bacon and sunny side up egg, ham, hotdog at bread ang breakfast namin. Medyo madami ito kung para sa amin lamang dalawa since hindi naman ako nag he-heavy breakfast.

"Is that all?" Trevan ask.

Tumango lamang ako nag umpisa ng kumain. Bread, bacon at ham lang ang nasa aking plato. Natigil lamang ako sa pag kain dahil ramdam na ramdam ko pa rin ang kanyang paninitig.

"I don't want our marriage to be awkward. I want this marriage to work. I'm not forcing you, you can take your time."

"Don't worry, I'm not afraid giving it a chance. We'll make this marriage work." Ani ko bago nag patuloy sa pagkain. Nakita ko rin na nag simula na ulit s'yang kumain.

Pagkatapos naming kumain ay agad naman kaming umalis sa hotel. Mas maganda na yung maaga kaming Maka punta sa bahay n'ya para makapag ayos na ako agad ng mga gamit. Pagkarating namin sa labas ay mag nag aabang na sa aming kotse. Kinuha ng kanyang bodyguard ang aming mga gamit. Pinagbuksan n'ya ako ng pinto sa backseat, at agad naman s'yang tumabi sa akin ng maka ayos na ako ng puwesto. Tahimik lang kami habang nasa byahe, mahigit isang oras na rin pala ang tinagal ng aming byahe.

"Ilang oras pa ang byahe natin?" Dala ng aking curiosity ay hindi ko na napigilan na mag tanong sa kanya. Bahagya pa akong tumingin sa kanya.

"Normally it takes 3-4 hours. But it will still depend kung gaano kabilis ang takbo ng sasakyan"

Tumango-tango lang ako sakanya bilang sagot. Nangibabaw ang ulit sa amin ang katahimikan. Nakapan dekwatro ako ng upo habang ang kaliwang kamay ni Trevan ay nasa aking hita. Kahit kinakabahan ay hinayaan ko lang ang kanyang kamay roon kahit na nag u-umpisa na namang bumilis ang tibok ng aking puso.

Noong nalaman ko na ika-kasal ako sa kanya ay agad ko s'yang pina imbistigahan. Wala naman akong masamang nakalap na impormasyon tungkol sakanya. Well in fact, puro pa nga kabutihan ang nakalap ko.

Marami s'yang orphanage na sinusuportahan. Medyo mailap rin s'ya sa mga babae kahit na ang daming nag kakagusto sa kanya. Hindi rin ako maniniwala kapag sinabi nilang bakla ito dahil nag karoon naman ito ng karelasyon. Actually, nag tataka pa nga ako eh. Bakit hindi na lang yung girlfriend n'ya ang pinakasalan n'ya diba? Pero 'di natin masasabi, dahil baka matagal na silang hiwalay kaya tinanggap n'ya ang fix marriage na ito.

Mabilis lang na lumipas ang tagal ng aming byahe. Basta namalayan ko na lang na papasok na ang kotseng sinasakyan namin sa isang subdivision. Medyo nag tagal kami sa security bahagya ko ring ibinaba ang bintana ng sasakyan. Bumaba rin pala si Trevan sa sasakyan para maka usap ang guard. Hindi nag tagal ay sumakay na ulit sila.

"Let's fix our visitor's list later."

"Visitor's list?" Pagtatanong ko habang tinatanaw ang aming dinadaanan. Maraming puno sa paligid at medyo mag kakahiwalay ang mga bahay, mansyon rather.

"They have a tight security here. Hindi sila nag papapasok ng wala sa visitor's list natin, pwede rin naman kapag na confirm ng isa sa atin."

Tumango lang ako kasabay ng pag tigil ng aming sasakyan sa garahe ng kanyang mansyon. Inalalayan n'ya ako pababa ng sasakyan at pati pag pasok sa loob ng mansyon. Pagpasok mo palang ay bubungad na sayo ang malaking sala. Sa likod nito ay naroon ang hagdan. White and Gold ang theme ng mansyon.

"Are you hungry?"

"Yes"

Sumunod lang ako sakanya ng tinungo n'ya ang isang hallway sa kaliwa. Doon ay nakita ko ang 6 seater na lamesa. May mga naka handa na ring pagkain.

May adobong manok, mayroon ring Lechon manok, may fried chicken, tilapya at may pinakbet rin.

"Isn't the food to much? Dalawa lang tayo pero ang rami-raming pagkain."  Pagtatanong ko habang nilalagyan n'ya ng kanin ang aking plato. Luminga-linga rin ako para maghanap ng katulong para pasabayin sa amin sa pagkain.

"Don't worry about it. Lahat naman ng sobra ay nilalagay sa ref para may maiuwi ang mga katulong sa pamilya nila dahil ang iba ay hindi naman stay in dito." Sagot ni Trevan sa tanong ko.

Tumango ako at pinigilan s'ya pag dagdag ng pagkain sa aking plato. Tahimik lamang kami habang kumakain, pero panaka naka ay nag uusap naman kami habang kumakain.

Pagkatapos naming kumain ay nag tungo na kami sa third floor ng bahay. May sampong kwarto rito sa third floor at ang pinaka huling kwarto ang tinungo namin. Muntik pa akong mapa nga-nga sa laki ng aming kwarto. White and black ang theme ng kwarto. Halos kulay black ang mga gamit habang ang pader at kisame ay kulay puti. Puti rin ang kama at vanity table. Mayroon ring sofa, bean bag at 74 inches na flat screen television. Carpeted floor rin ang kwarto, ang kulay nito ay black. Mayroon ring veranda at may dalawang pinto.

"That's the comfort room and walk-in closet. Habang kumakain tayo ay inaayos na rito ang mga gamit natin."  Ani Trevan habang hinuhubad ang kanyang sapatos, nakabukas na rin ang botones ng kanyang polo.

Umupo lamang ako sa kama habang naka tingin sakanya.

"Medyo malayo itong bahay sa university mo pero pwede naman kitang i-transfer."

"No it's okay. I can manage naman."

"Simula bukas ay may pasok kana right?"

Tumango naman ako.

"If you need anything just tell me. That's my responsibility as your husband. And you, being my wife I want you to stay away from men." Ani Trevan bago pumasok sa walk-in closet. Ngunit bago n'ya isara ang pinto ay humarap s'yang muli sa akin.

"I am selfish. I don't like sharing what is mine. What is mine, is mine only. Including you."

Tuluyan na n'yang sinara ang pinto kasabay ng pagbilis ng pintig ng aking puso.

Ilang beses na n'ya bang pinabilis ang pintig ng aking puso? Pero bakit natutuwa pa ako sa kanyang sinabi? Ayaw n'ya ng may kahati?. Don't worry. Sayong-sayo lang ako. Sana ganon ka rin

We'll make this marriage work.

•••

Kindly do Votes and Comments .

About the tightness of the security dun sa village nila ay hinango ko sa

Possessive Series ni Inang C.C, sana okay lang?

Thankyou!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status