CLAIRE's EYEBOWS furrowed at the commotion in front of the orphanage. May pinagkakaguluhan na naman sa kalsada at hindi na siya nagtaka doon. Kung hindi iyon nagsalpukan na sasakyan ay tiyak na isang sikat na artista ang pinagkakaguluhan. Palagi niya na iyon nakikita sa daan ng Quezon City kaya kahit papaano ay hindi na siya nagtaka.
Ipinagpatuloy ni Claire ang paglalakad at nakita niya si Carol sa entrada ng bahay-ampunan. Pakuyakuyakoy ang paa nito at halata na nababalisa.
"Carol, bakit nasa labas ka? May problema ba?" tanong ni Claire at tiningnan ang entrada.
Bago pa man siya makasulyap sa loob ng bahay-ampunan ay pinigilan siya ni Carol sa pamamagitan ng paghawak sa kanya sa braso at pagdala sa kanya sa maliit na hardin. Pinaupo siya nito sa maliit na bangko.
"What? What happened?" muling tanong ni Claire, hindi na napigilan ang pag-aalala.
"Kakauwi mo lang sa trabaho kaya magpahinga ka muna," ani Carol at pilit na ngumiti sa kanya. Nang makita nito ang nagkakagulong paparazi ay napailing-iling ito. "May nagkakagulo na naman. Walang nagbaganggan kaya baka artista..."
Tumango si Claire at tumingin sa kalsada. "Malamang. Dito sa kalye natin ang daanan ng mga artista na umiiwas sa gulo kahit minsan ma-traffic."
"Sabagay, kahit ako rin dito dadaan kung artista ako, maganda ang daanan at may mga matatayog na puno," wika ni Carol at mangha na tumingin sa paligid. "Hindi man tayo mayaman pero may maganda tayong kapaligiran."
"Well, it's not so good when those artist treat this street of ours as their safe haven," pagbibigay-diin ni Claire at itinuro ang mga nagkakagulo na paparazi. "It's not the same as before anymore."
"Hindi ba sabi ko sa iyo ay huwag mo akong ini-Ingles?" natatawang puna ni Carol at tumabi sa kanya habang nakasimangot. "Hindi ako katulad mo na magaling doon."
Claire scooped Carol's face and kissed her cheek. "Carol, hindi mo naman kailangan maging magaling mag-Ingles, basta ba at nandito ka lang lagi sa tabi ko, ayos na ako."
Napangiti si Carol at hinawi nito ang kanyang buhok. "Ang suwerte ko talaga sa iyo, alam mo ba 'yon?"
"Masuwerte din ako sa iyo," tugon ni Claire at nginitian ito. "How was the orphanage by the way?"
Nakita niya kung paano tinuptop ni Carol ang labi kaya nagkakutob na agad siya na may problema na naman sa bahay-ampunan.
"Don't lie, Carol. I know there's a problem," dugtong ni Claire nang bumuntong-hininga si Carol.
"Kakapunta lang ng nagmamay-ari ng lupa sa bahay-ampunan, Claire," pagbibigay-alam ni Carol at sumimangot. "Bayaran na naman ng lupa ngayong araw at wala tayong pera na ipambabayad."
Ngumiti si Claire at napabuntong-hininga. "May natira pa akong ipon, Carol. Puwede natin iyon gamitin."
"Pero para iyon sa tela na gusto mong bilhin," ani Carol at umiling. "Ako na maghahanap nang paraan. Magtatrabaho ako ng gabi."
"No, Carol. I got it," pagtitiyak ni Claire at hinaplos ang pisngi nito. "I want you here in the orphanage. Sakto na ang pag-aalalaga mo sa mga bata."
"But this is the second time—"
"Second time, third time, fourth time, I don't care, Carol. As long as we have the orphanage and the kids is okay, it's okay to me," pagtitiyak ni Claire at inilabas ang kanyang pera natitirang ipon mula sa kanyang sahod.
Inabot niya ang limang daang libo kay Carol kaya napayuko ito.
"Patawad, Claire. Ikaw na lang lagi ang nagsustento sa mga gastusin natin," ani Carol habang nakayuko.
Nakangiti na inangat niya ang baba ni Carol at nginitian ito. "You don't have to say sorry, it's my responsibility."
"Pero lagi na lang ikaw at wala akong magawa dahil hindi ako nakapagtapos ng kolehiyo," wika ni Carol at malamlam na tumingin sa kanya.
"Carol, believe me when I say we can solve everything as long we are together because we do, okay?" pagtitiyak ni Claire at pinisil ang pisngi nito. "Marami na tayong pinagdaanan, ngayon pa ba tayo sususko, hmm? We are Clairol. We are in this together."
Ngumiti si Carol at tumango. "Balang araw makakabawi rin ako sa iyo, Claire."
"You don't need to, Carol, it's fine with me as long as your by my side," pagtitiyak ni Claire at pinakatitigan ito. "Ibayad mo na lang iyan kay Mr. Jimenez at titingnan ko kung magkano na lang ang natitirang bayarin natin sa kanya. Sa pagkakaalala ko, ngayong taon na mapapasaatin ang lupa na ito."
"Sige, Claire. Maraming salamat," ani Carol at tumalima na gaya ng kanyang utos.
Naiwan si Claire sa hardin na isang libo na lamang ang natitira niyang pera sa pitaka. Tumingin siya mga tao na nagkakagulo sa daan at husto ang pag-aliwalas ng kalsada ng tumayo siya sa kinauupuan.
"Finally, some peace," ani Claire at pumalatak bago pumasok sa bahay-ampunan.
Sa sala ay naroon ang mga bata na engganyo na sinalubong siya ng makita siyang papasok sa entrada. Isa-isa itong nagmano at h*****k sa kanyang pisngi. Kung kanina ay mabigat ang kanyang dibdib dahil sa pagkabahala, ngayon ay gumaan ang kanyang dinadamdam dahil sa mga bata.
"Kumusta kayo? Kumusta ang mga assignment ninyo? Nagawa na ba? Lunes na bukas..." pagpapaalala ni Claire.
Sabay-sabay na sumagot ang mga bata na nagawa na nila ang kanilang araling-pambahay sa tulong ni Carol.
Tumango-tango siya sa mga bata at hinayaan na ito na maglaro sa sala gamit ang mga kanya-kanyang laruan na regalo niya noong pasko. They were twelve of them and seeing them smile is all it takes to cast her worries away. She would do everything she can to keep them loved and pampered since most of them are abandoned by their parents. Iilan lang ang ulila sa magulang ngunit parehas lamang ang mga ito na wala ng magulang na malalapitan. Bahala na kung maubusan siya ng pera basta makita itong masaya ay ayos na sa kanya.
Tumungo si Claire sa kusina at sinuri ang pagkain. Base sa tantiya niya ay hindi na aabutin ang kanilang pagkain sa kanyang suweldo. Kung bibili din siya ng pagkain ay hindi rin aabutin ang isang-libo para sa kanilang lahat nang matagal. Kung mangungutang lamang siya ay hindi niya rin iyon mababayaran sa nalalapit na kinsenas dahil sakto lamang ang kanyang kinikita sa gastusin at bayarin katulad ng kuryente, tubig, at pagkain.
Napabuntong-hininga si Claire st nag-isip ng kanyang gagawin. Dalawang linggo pa ang kailangan lumipas bago niya makuha ang sahod at tiyak na hindi iyon aabot para sa kanila. Nang makita niya ang kinse anyos na si Sherry na papalapit sa kanyang direksyon ay pinawi niya ang simangot sa kanyang labi at pinalitan nang malaking ngiti.
"Ayos lang po ba kayo, Ate?" tanong ni Sherry.
Pinigilan ni Claire na huwag magpakita ng kahinaan sa pamamagitan ng pagtango-tango at pagngiti. "Oo naman, Sherry. Ikaw, kumusta ka? Si Carlos? Kumusta ang pag-aaral ninyo?"
"Ayos lang po kami ni Carlos, maraming salamat po sa inyo," sagot ni Sherry. "Gumagawa po kami ng araling-bahay na ipapasa bukas. Kumuha lang po ako ng tubig para sa amin ni Carlos."
Ipinagsalin ni Claire si Sherry ng dalawang basong tubig at ibinigay dito. "Sige na, magpatuloy kayo sa pagawa ng araling-bahay."
"Maraming salamat po, Ate," ani Sherry at dinala na ang dalawang basong tubig sa silid-aklatan.
Claire went to her studio and sighed. Hindi niya alam kung saan siya kukuha ng pagkain nila para sa isang linggo.
"Damn, I need a lot of money and I don't have one," wika ni Claire sa sarili at napapikit habang nag-iisip ng solusyon.
Nang masipat ang singsing sa daliri ay napabuntong-hininga si Claire. Ang singsing ang regalo ng yumaong nagmamay-ari ng bahay-ampunan sa kanya noong siya nakapagtapos sa kolehiyo. Mahalaga iyon sa kanya, ngunit mas mahalaga ang kapakanan ng mga bata.
Claire took the ring from her hands and pout. The ring is their only chance. Kung isasanla niya ito ay mahuhulog ito sa halaga na mahigit-kumulang anim na libo. Hindi lamang siya makakabili ng pagkain kundi makakabili din siya ng tela gaya ng kanyang plano para sa mga bata.
Nang marinig ang ingay mula sa kanyang likuran ay ganoon na lamang ang pagkagulat ni Claire nang makita ang lalaki na nakikita niya lamang sa telebisyon, ang dakilang si Leon S. Manuel III, ang isa sa mga tanyag at kinakakatautan na designer ng Pilipinas.
"Uhm, forgive me for intruding inside your studio, but will you perhaps marry me?" tanong nito na nagpapanting sa kanyang tainga at nagpalaglag ng kanyang panga.
"What?!" Hindi na napigilan ni Claire ang pagsigaw.
"You heard me, I need a bride," ani Leon at mayabang na sinuri ang kuko.
"Yeah, I heard you, Mr. Leon. The question is why... me?" tanong ni Claire at napapantastikuhan na itinuro ang sarili.
"Why not you? You needed money," giit ni Leon at ikiniling ang ulo. "I heard you. I can help you."
Napatitig si Claire at hindi makapaniwala na natawa. "Wait, why are you here anyway, Mr. Leon?"
Sandali itong natahimik at naalala niya ang kaguluhan sa labas kanina.
"Oh, you're hiding from the paparazzi," sagot ni Claire sa sarili at napailing-iling. "You cause the commotion outside, didn't you?"
Leon never said a word but did a heavy sigh.
"Don't worry, you can't get out now. They're gone," dugtong ni Claire para umaliwalas ang mukha ng binata.
Napatitig sa kanya si Leon at hindi makapaniwala na naikiling nito ang ulo. "For someone who is broke, you are fluent in English."
"Well, this broke is a college graduate from a fashion school, Mr. Leon," mayabang na sagot ni Claire at nanunukat na nginitian ito. "And, yeah. You're welcome. This orphanage saves you from the paparazzi."
"Oh, my bad. Where's my manner? Thank you for that and forgive me, I was fixated on you and your skill." Hinudyat nito ang ulo sa kanyang mga disenyo sa kuwaderno. "You can be a good fashion designer one day."
"Thank you, but may I know why do you suddenly need a bride, Mr. Leon?" tanong ni Claire para mapaismid si Leon.
"I needed it to have my family business," sagot nito at seryoso na tumingin sa kanya bago lumapit. "Will you help me? Will you marry me?"
"ARE YOU kidding me?" tanong ni Claire para kumunot ang noo ni Leon."Do you think I'm a jester?" balik-tanong ni Leon at seryoso na tumitig sa kanya. "Do you think that the great Leon S. Manuel would casually ask some stranger to marry him?"Pagak na natawa si Claire at napapantastikuhan na itinuro ang sarili. "I think you just asked me just now, Mr. Leon."Marahil napahiya, binasa ni Leon ang pang-ibabang labi at huminga nang malalim. "Look, Ms...""Claire," sagot ni Claire at inismiran ito. "Claire Rivera.""Ms, Claire Rivera," dugtong ni Leon sa pormal na tono sabay tikhim. "I really need to find a wife for the sake of our family business. So, can you help me?"Kumunot ang noo ni Claire at naikiling niya ang ulo sa pagkalito. "Wait, wait, wait, Mr. Leon. Are you really serious? Me? Take a look at me.""I already did ask you, so I wouldn't need to look at you twice," agap na sagot nito para maitikom niya ang bibig. "And you could be a good contract wife.""Wait, what?" tanong ni Cla
PARANG sinabuyan nang malamig na tubig si Claire nang marinig niya ang mga kataga ni Carlos. Nanlaki ang kanyang mga mata at dali-dali siyang napalapit sa binatilyo. “Ano? Bakit, Carlos? Anong nangyari?”Kahit na si Carol na nagbubunyi dahil sa natamo nitong kaalaman sa salitang English ay biglang nabahala at napawi ang ngiti sa labi.“Abala lang po kami sa paggawa ng araling bahay nang bigla na lang po mawalan ng malay si Sherry, Ate Claire,” pagbibigay-alam ni Carlos para tumalima na si Claire patungo sa silid ni Sherry.Doon ay agad niyang niyukod si Sherry at binuhat. Tiningnan niya si Carol na halatang natataranta at hinudyatan ito. “Tumawag ka ng ambulansya...” Nang hindi pa rin kumilos si Carol marahil sa pagkabigla ay hindi niy
HINDI na napigilan ni Claire ang pamimilog ng mga mata. Sobrang lapit ng mukha ni Leon sa kanya pakiramdam niya ay hindi na siya makahinga. He looked so good on his suite and his hair was perfectly slicked back. Maski ang kilay nito ay perpektong nakahanay na tila para bang sinuklay isa-isa. Naamoy niya rin ang panglalaking pabango nito na hindi nakatulong para masupil niya ang pagkabigla at ang biglaang pagkahumaling dito.Naniniwala siya sa salitang walang perpektong tao pero habang tinitititigan niya si Leon na ngayon ay nasa kanyang harap at napakalapit habang nakangisi ay para bang binago nito ang kanyang paniniwala. He was so perfect standing and leaning closer to her. Handsome. Rich. Manly aromatic. High sense of fashion. Successful. He has that positive quality that a man should have and women have always desired to be with. Sa mga oras na iyon ay parang may isang perpekto
NAPANGITI si Leon nang makapasok na si Claire sa banyo. He usually doesn't tease but seeing Claire’s comical reaction with her nose flaring seem to give him the enjoyment and satisfaction on doing such childish act. Kahit na manlisik ang mga mata nito o hindi ba kaya ay bumuka ang ilong dahil sa sobrang galit o inis ay hindi iyon naging dahilan para mabawasan ang akin nitong kagandahan. Mahina siyang natawa habang iniling-iling pa ang ulo bago bumaling sa nakangiti na si Klaus. Nang mapagtanto ang kanyang nagawa ay pinawi niya ang ngiti sa labi at tumikhim siya sabay hawi sa kanyang buhok.He glanced at Klaus with a somber expression. “What? What are you smiling at?”“That's the first time I saw you playfully conversed with a girl after you know...” wika nito at binigyan siya nang makabuluhan na
NAPANGIWI si Claire sa ginawa ni Leon bago ito inilingan bilang pagpahiwatig na hindi bagay sa pagkatao nito ang pagiging maginoo at ang pagbibiro. “Nah, it doesn't suit you to be frisky, Mr. Leon,” sambit ni Claire sa walang ganang tono.Binawi ni Leon ang kamay sabay tumikhim. “I know. I’m just practicing myself to be one. When we face my parents, we should call each other that.”Huminga nang malalim si Claire bago tumango. “Fine, but bring me to the hospital now. I want to see them before doing this scheme with you.”“Acknowledged,” wika nito at pinagbuksan siya ng pinto.Nagtangka siya na maglakad patungo kay Leon ngunit agad siyang tumagilid dahil hindi siya sanay sa suot na takong at nakalimutan niya na iyon ang kanyang suot. Hinay-hinay lamang ang kanyang ginawa na paglakad at halos abutin siya ng limang minuto bago makalabas sa opisina. She saw how Leon looked at his wrist watch before striding towards her to carry her.Napasinghap si Claire at napakapit kay Leon. “Ano bang gin
“NAGMAMAHALAN po ba kayo?” tanong ni Carlos para manlaki ang mga mata ni Claire. Nang makita niya ang pagkunot ng noo ni Leon ay mas lalo siyang nahiya sa ginawa ni Carlos.“Say it again?” tanong ni Leon at inilapit pa ang tainga kay Carlos.“Sabi po ninyo na papakasalan ninyo po si Ate Claire, hindi ba? Ang mga taong ikakasal ay dapat nagmamahalan,” ani Carlos para mapasipat sa kanya si Leon. “Mahal ninyo po ba si Ate Claire?”Pilit na natawa si Claire nang hindi niya na natiis ang matiim na pagtitig mula kay Leon. “Ah, Carlos, mas mabuti pa na—”“Oo,” sagot ni Leon habang hindi inaalis ang mga mata sa kanya bago muling bumaling kay Carlo
NAKAPIKIT si Claire habang tinitiis ang pananakit ng kanyang likod. Nang bahagya siyang nawala sa balanse ay tumilapon ang libro na nanakapatong sa kanyang ulo dahilam para muli na naman siyang makatikim ng isang palo sa likod mula sa kanyang guro sa etiquette class, si Mrs. Pizaña.“Another two hours,” wika ng ginang at seryoso siya na tiningnan.Nang aalma pa siya ay bigla siya nitong pinatigil sa pagtutok sa kanya ng manipis na stick o ang pamalo nito kaya naman naitikom niya ang bibig sa pamamaraan ng pagtuptob sa labi nang marahas Kahit pa man labag na sa kanyang loob ang pinapagawa ng ginang ay hindi niya magawang makaalama, hindi lang sa dahilan na takot siya sa guro kundi iniisip niya rin ang utang na loob niya kay Leon. If Leon believe that doing this... learning this gestures and stuff will
“NOPE,” tipid na sagot ni Leon at nag-iwas ng tingin. “I'm busy approving all the apparel that needs to be released by the end of the month, Claire. Teaching you will exhaust me for sure. ”Sumimangot si Claire at matampuhing napaismid. “I’m a fast learner, Mr. Leon. You can teach me in the company or wherever you want. I bet you can be a good teacher knowing how perfect you are.”Masamang sumipat sa kanya si Leon. “Stop with the flattery, Claire. I know that you only said it for your own good.”“What? No. How can I do that? It's for the both of us, that’s why...” ani Claire at tumingala sa kanya. “I’m not selfish, you know, unlike—”“Me?” dugtong ni Leon pagkatapos ay nag-igtingan ang panga. Mayamaya ay humugot ito nang malalim na paghinga at tumitig sa papalubog na araw.Habang nakatingin kay Leon ay hindi na naiwasan ni Claire na magtaka. Leon’s eyes flashes a glimpse of sadness and regret as he stared at the beautiful and calming view. It was such a beauty but
“Can't we go any faster, Butler Lem?” tanong ni Leon habang nakatingin sa relong pambisig. “I really need for us to sprint to go home.”“This is the average speed that your mother has required me to use, Young Master. Forgive me but I cannot grant your wish this time,” wika nito at patuloy na nagmaneho sa madalang lamang na takbo.“But Claire...” nag-aalalang wika ni Leon, hindi mapakali sa kanyang kinauupuan. “She's... she's—”“Are you worried about your wife, Young Master?” sansala na tanong ng butler habang pahapyaw na sumipat sa rear mirror.“Yes, I am worried about my wife,” diretsahang sagot ni Leon habang nanguyakoy ang kanyang tuhod.When his butler grinned from the mirror, that's when he realized what he said. So, he looked away, fixed his hair on one side before clearing his throat to regain his composure.“I am worried, yes. But not in
“OF COURSE, you can!” Pilit na natawa si Claire para mapantastikuhan si Isabella sa kinatatayuan sa kanyang inakto. Nang tumikwas ang kilay nito ay pinagbuksan niya ito ng pinto.“Come in,” wika niya at sinikap na huwag ipahayag ang kaba.Nilampasan siya ni Isabella at nanatili siyang nakatalikod dito, nagdasal na sana ay walang mangyaring masama sa kanya o wala siyang masabi na kung ano para paghinalaan nito ang relasyon niya kay Leon. Hinanda niya ang matamis na ngiti bago hinarap si Isabella na ngayom ay seryoso na nakatitig sa kanya.“Oh, spare me with that smile. No matter how much you and Leon hides it, I know that you're just pretending,” wika nito para kumunot ang kanyang noo.
“SHE’S avoiding me,” pag-uulit ni Leon habang pinapaikot-ikot niya ang ball pen sa pagitan ng kanyang mga daliri. Nang hindi nakinig si Klaus ay binato niya ito ng binilog niyang maliit na papel. “Can't you hear me? I said she's avoiding me.”“You've been saying that for seven days now, what do you expect me to react?” sarkastiko na tanong ni Klaus sabay walang gana na humarap sa kanya. “You know what, if she's avoiding you, so what? Who gives a fuck? That's what you wanted, right? Why don't you just get the hell on with it just like you always do? Claire is not that special, isn't she?”Seryoso na napatitig siya dito nang sandali bago naningkit ang kanyang mga mata. “I know what you're doing. You are using the reverse pychology to me. You are smart, Klaus. But I am
NAGBAWI ng tingin si Claire nang sandaling magtama ang kanilang mga mata ni Leon. Mas isiniksik niya ang sarili kay Carol habang hinihintay nila ang yate na kanilang gagamitin para sa lakad sa araw na iyon. Kasalukuyan silang nakatayo sa boat ramp at simula nang dumating si Carol ay hindi siya humiwalay dito. As for her fight with Leon, she prefer to receive cold treatment from him rather than to be close to each other and with invalidated feelings.Nang huminto ang engrandeng yate sa tapat nila ni Carol ay sabay silang napahanga. Nalaglag ang kanilang panga at nanatili lamang silang nakatayo at nakatanaw sa mamahalin na yate. Sabay silang nagkatinginan ni Carol at nag-usap gamit ang mga mata. Kung kina Leon at Klaus ay ordinary bagay lang iyon, sa kanila ni Carol ay napalaking bagay na makasakay sila sa isang yate na tanging nakikita lamang nila sa pelikula.
WALANG ingay na maririnig mula sa kanilang dalawa kundi ang tunog ng kanilang mahinang pagnguya at ang ingay ng plato sa tuwing sumasalimbay ang kubyertos sa pagitan ng kanilang pagkain. Sabay nilang inlapag ang kubyertos at nagkatinginan sa isa’t isa. Si Claire ang unang nagbawi ng tingin at itinuon ang atensyon sa tabing-dagat.Nanatili siyang nakatitig sa magandang tanawin hanggang sa narinig niya ang pagtikhim ni Leon. Nakuha nito ang kanyang atensyon kaya napatingin siya dito.“I’m sorry about last night,” wika nito para pilit siyang mapangiti.“No, Leon, you don't have to. You’re right about keeping my reputation unsullied. Forgive me about that, rest assured that you're family name remains clean,” wika ni Claire para mag-igtingan ang panga ni Leon.Nagbawi siya ng tingin at muling tumitig sa magandang tanawin kahit pa man tumatak sa kanyang isipan kung gaano umigting ang panga ni Leon. Sa mga oras na iyon ay nakita niya ang pagkabahala sa mata nito ngunit hind
NAGPATUMBA si Claire sa kama at napatakip ng mukha. Her mind is fuzzy, she couldn't breathe properly, and she couldn't think of something else besides Leon's intense long stare and his scorching touch.What is she doing? Why did she make that inappropriate sound? Hell, she never even thought that she was capable of moaning because of someone's touch. Is that her fault though? Pinipigilan niya na huwag magpakita ng kung anong kaluguran sa kanilang ginagawa sa mga oras na iyon. She was on top of him with an erratic heart. It was normal for her to get anxious since it was her first time. However, she knew that Leon was supposed to grip her waist but what she didn't anticipate is how hard it is as if he was longing for something to happen.It can't help but arouse her. His touch didn't help her to stay still but did the opposite instead. Hindi niya na napagilan ang biglang pag-ungol at magulat sa ginawa nito. Parang nililiyaban ang kanyang katawan sa oras na iyon... kahit hang
NAPAIGTAD si Claire nang marinig niya ang pagtawag ni Leon sa kanyang pangalan mula sa labas ng banyo.“Saglit lang. Naghahanda pa,” pagbibigay-alam ni Claire at nag-aalalang tiningnan ang sarili sa salamin. Hinawi niya ang kanyang buhok at nag-isip kung anong mas mababagay sa kanyang suot na bikini. Nakatali ang buhok o nakalugay?Abala sa pagtali ng buhok nang maalala niya ang nang-aasar na pagngisi ni Leon. Sa halip na tuluyan nang itali ang buhok ay hinawi niya ang panali at hinayaan ang buhok na ilugay na lamang. Bakit ba bigla siyang nakaramdaman ng pagka-concious para sa sarili? It’s not like she likes to appear good while wearing a bikini for Leon. Nag-aalala lamang siya na baka punain siya ni Leon na gusto lahat ay perpekto. Oo, iyon ang dahilan at dapat wala ng iba. She was determined and with that
NAPANGANGA si Leon nang makita kung gaano karami ang in-order ni Claire na pagkain para sa hapunan na iyon. May isang bucket na pritong manok. May isang sixteen inches na all meat pizza. Isang malaking order na french fries, dalawang malaki na burger, dalawang order na lazaña, at dalawang large pineapple juice bilang inumin.Hindi makapaniwalang napatitig kay Claire na ngayon ay hawak ang burger sa isang kamay at fried chicken thighs habang nginunguya ang pagkain ng sabay. Sa sobrang dami niyon ay sa halip na kumain siya kasama nito ay napatitig na lamang siya kay Claire kung gaano ito kasaya habang kumakain. And the fact that all of the foods shw ordered are unhealty processed foods made him wince on his seat. Gusto niya itong supilin sa nais ngunit pagkatapos na makita kung gaano ito kasaya habang kumakain ay hindi niya na siya nag-abala pa.“Sorry, naparami ang order ko,” ani Claire sabay mahinang natawa habang ngumunguya. “Gutom na gutom talaga kasi ako. Hindi ako naka
“I NOW pronounce you husband and wife...” wika ng pare na nasa kanilang harapan para magkatinginan sila ni Leon at mapangiti sa isa't isa.Sinikap ni Calire na huwag makaramdam ng pagkasaliwa sa kasalukuyan gayong pinapanood sila nang maraming tao. Leon looked at him assuringly before smiling at her and acted like he loved her very ardently. Napangiti siya dito at tiningnan ito ng parehas na reaksyon. Si Leon ang lumapit sa kanya at binigyan siya nang mabilis na halik sa labi pero puno ng emosyon dahil nasa harap sila ng magagarbong tao na halos lahat ay hindi niya kilala.Naghiyawan ang mga madla at pilit na ngumiti siya sa mga ito nang humiwalay na si Leon at binigyan ang kanilang labi ng distansya. It happened so fast and it overwhelmed her. Ibang-iba ang kasal na mayayaman sa ordinaryong kasal na nakikita niya