Share

Chapter 5

last update Huling Na-update: 2021-11-27 00:26:40

(Reese's POV)

            SATURDAY. The day to meet my future husband like my father had told me. I received a text message from his secretary last night, telling me that I should be there before 8 PM because my future husband hates wasting his time. As if namang siya lang ang nasasayang ang oras. Pati rin naman ako ay nasasayang ang oras dahil kung sinabi na nila sa'kin ang susunod na mangyayari, hindi na sana ako nag-a-abalang maging presentable ngayon. Hindi ko nga maintindihan  si Daddy kung bakit niya pinasabi na dapat maging presentable ako.

            I'm not the kind of girl who loves wearing dresses and heels. I'm a jeans-and-shirts-kind of girl. Minsan nga ay pinagkakamalan akong tomboy dahil sa ayos ko pero pakialam nila? The most important thing for me when it comes to what I wear is comfortability. Aanhin ko naman ang magandang kasuotan kung hindi naman ako kumportable, 'di ba?

            "You look sad."

            A soft gasp escaped from my lips when I heard Olive's voice behind me. Masyado yatang malalim ang iniisip ko kaya hindi ko naramdamang pumasok siya sa kwarto ko. Hindi ko naman kasi isinara ang pinto kanina dahil sa banyo naman ako nagbihis.

            Mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama habang nakatalikod kay Olive ay tumayo ako at naglakad palapit sa kanya. My forehead wrinkled when she eyed me from head to toe before smiling big and wide. Confused with her reaction, I faced the whole body mirror beside the bathroom's door and checked myself.

            I'm wearing a white halter top inside my denim jacket, paired with a high waist stretch jeans and a 4-inches crystal-strap metallic block heel sandals. I'm wearing a decent outfit so her reaction's confusing me. Alam naman nilang hindi ako mahilig magsuot ng mga dress kaya hindi nila ako p'wedeng sisihin na ganito ang suot ko.

            "How to be you, Rose Destiny Lincoln?" Mula sa salamin ay nakita ko siyang may nakakalokong ngiti. "Kukulo ang dugo ng pudrabels mo kapag nakita ang ayos mo."

            I rolled my eyes before walking towards my bed to get my sling bag. "Ihatid mo na ako." She nodded at nauna ng lumabas ng silid ko. Sumunod agad ako sa kanya  at naabbutan ko siyang palabas na ng apartment. I made sure to lock the door before walking towards her car.

            Hindi  naman masyadong traffic kaya mabilis lang kaming nakarating. I removed my seatbelt, leaned towards her and kissed her cheeks. "No need to fetch me  later, babe." I gave her a smile and she smiled.

            I got out from the car and walked straight into the MT Corporal's building. Hindi ko na inabala pa ang sarili kong pagmasdan ang matayog na gusali. Bukod sa wala akong pakialam sa anyo nito, gusto ko na talagang mattapos agad ang dahilan kung bakit ako nagpunta dito para makauwi na ako. Dapat ay natutulog na ako ngayon pero dahil sa bwisit na hininging kondisyon ng Daddy ko, narito ako ngayon.

            "Excuse me. Where's the office of Mr. Joseph Coz Taylor?" I asked the receptionist who's smiling warmly at me.

            "Do you have an appointment, Miss?" I smiled at her when I heard her  voice. She's not like those bitchy receptionist I watched from movies or read on books. Dapat ganito lahat ng receptionist.

            "Uhm..." I trailed off then tucked the hair falling on my face to my right ear. "He's expecting me. You can ask his secretary to confirm it."

            She dialed on the telephone. "Can I get your name, Ma'am?"

            "Reese Lincoln." She smiled at me before talking to the person on the other line. I'm amazed by her voice. It's very angelic.

            "Top floor, Miss," she said upon putting down the phone. "Mr. Taylor's Secretary is waiting for you."

            "Thank you!" Muli pa akong ngumiti sa kanya bago tinungo ang elevator. Sakto namang ako lang ang gagamit. I pushed the top floor button before walking towards the corner. Isinandal ko ang katawan ko bago pumikit at bumuntong hininga. Hindi ko na naman napigilan ang sarili kong mag-isip ng malalim.

            Through my whole life, I have this stupid habit of torturing myself with my own thoughts. Kahit hindi ko gustong gawin, hindi ko pa rin maiwasan. Minsan, kahit simpleng bagay, nagiging big deal dahil sa pagiging over thinker ko.

            Minsan, tinatanong ko ang sarili ko ng kung ano-ano. Kung deserved ko ba talaga ang buhay ko ngayon. Kung sapat ba ako para sa ibang tao. Kung tama ba ang mga naging desisyon ko. Ang dami kong tanong pero hanggang ngayon, wala pa ring kasagutan. Saan ko ba hahanapin ang mga sagot? O kung mahahanap ko pa ba?

            But then I realized that everything happens for a reason. We should never question our worth because even if other people call us worthless, always remember that we always deserve the best and not settle for less. We know ourselves better than other people. We should never let other people drag us down.

            These past few years made me realized lots of things. The wounds that hurt me, made me bleed, made me feel worthless, are the very same wounds that made me better, braver and stronger. Those struggles I faced pushed me to survived each day. Those hardships shaped me to be who I am today.

            Napamulagat ako ng tumunog ang elevator, hudyat na narating ko na ang top floor at bubukas na ang pinto. Umayos ako ng tayo at inayos ang buhok ko dahil nakakahiya naman kung haharap ako sa kanilang magulo ang buhok ko. Baka sabihin pa nilang pugad ng ibon ang buhok ko.

            True to the receptionist's words, hinihintay nga ako ng Secretary ng sadya ko. Pagkabukas ng elevator ay tumayo agad ito at nagtungo sa harapan ng lamesa niya. She's smiling at me warmly as I walked closer to her.

            "May board meeting pa po siya, Ma'am." I stopped from rolling my eyes. Bigla akong nakaramdam ng inis pero pinilit kong ngumiti sa kanya. "Hintayin niyo na lang po siya sa loob ng opisina niya." She assisted me towards his office's door. She even opened the door for me.

            "Thank you!" I gave her a smile before entering pero napalingon ulit ako sa kanya ng magsalita ito.

            "Do you want something to drink while you wait for him?" I shook my head. Hindi naman ako nauuhaw. "Tawagin niyo na lang ako kung may kailangan kayo." I nodded. She smiled before closing the door.

            I took a deep breath before roaming my eyes around the spacious and opulent office. There was a  big glass table in the middle and at the back of it, there's also a glass wall where you can clearly see the buildings outside. I'm also 100% sure that if you look down on that wall, you'll  see the busy street and sidewalks.

            On one side of the office hung some paintings and proofs of awards received by the owner of this office. Below them, on the glass-paneled shelf, were different kinds of books. I smiled when I saw fiction books. And on the right shelf was a photo of three men, looking dashingly handsome in their 3-piece suit without a smile but with a serious look. Kilala ko kung sino sila dahil sa mga nakalkal kong articles tungkol sa lalaking nasa gitna. They are the most sought bachelors in the country.

            I wasn't shocked to see that the room spoke of boyish dreams and manly conquest because the owner is manly after all. It screamed power and luxury—the things that Joseph  Coz Taylor had.

            For the nth time today, I took a deep breath before dragging myself to the couch. Uupo na sana ako nang mapadako sa book shelf ang mga mata ko. I put my bag down on the couch, walked towards the shelf and just grabbed one fiction book without looking at the title. Hindi naman niya siguro i-di-display dito kung hindi maganda ang kwento. But truth to be told, all book stories are beautiful. It's just that some people doesn't know how to appreciate  it that's why they called it ugly, not appealing or boring.

            After I sat down, I leaned my back at the back of the sofa and crossed my legs before started reading the book. Bakit ngayon ko lang nadiskubre ang 'Lily of Love Lane' ni Carol Rivers? Makabili nga ng iba pa niyang libro.

            I was so into what I'm reading that I didn't even realized that someone's already watching me intently until that someone cleared throat. Nang mag-angat ako ng tingin sa kinaroroonan niya, dahil sa pagkabigla ay nabitawan ko pa ang hawak kong libro. With heart beating fast and shaking hands, I uncrossed my legs and leaned down to picked the book. Inilagay  ko ito sa tabi ko at dahan-dahang nag-angat ng ulo at lakas-loob na tumingin sa taong sadya ko.

            Joseph Coz Taylor is standing by the closed door, looking intently at me. I bravely raked my eyes on him. He's wearing a  3-piece suit. Muling bumalik sa mukha niya angg mga mata ko. I can't really tell if he's tired or not because of his serious face. He's more handsome in person than those pictures, no doubt about that.

            Naputol ang pagmumuni-muni ko nang bahagya siyang tumikhim. "Done checking me out?" wika niya na tumaas and isang sulok ng mga labi. Nanunuya ito, 'yon ang sigurado ko.

            Nang maglakad ito patungo sa gawi ko ay napatayo ako bigla. I am fidgeting the end of my denim jacket. All of a sudden, I started feeling nervous. My heart's beating faster than normal and my knees felt wobbly like jelly but I tried to stand still.

            When he got closer, even a few feet away from me, I can already smelled his perfume—an earthy scent like patchouli and  rosewood that are associated with masculinity. Sakto lang ang tapang ng amoy kaya hindi masakit sa ilong. Even this late, he still looks and smells fresh. Where's the justice in that?

            "Where's your father?" He broke the silence after some minutes of just staring at each other's face and observing each other's move.

            "U-Uhm..." I swallowed the lump in my throat. "I-In his office?" Yumuko ako para itago ang pagngiwi ko.  He asked me a question and I answered it with a question. Seriously, Reese?

            Napa-kagat ako sa labi ko. Bakit ba ako kinakabahan? Dapat ipakita kong hindi ako takot o kinakabahan sa presensya niya. This is the guy I'm set to marry kaya dapat masanay na ako sa presensya niya.

            "Look at me, Lincoln!"ma-awtoridad na utos niya. Lakas-loob na sinunod ko ang utos niya at  matapang na sinalubongg ang seryoso niyang mga mata. Hindi ko  kaya ang intensidad ng tingin niya pero hindi ko  magawang umiwas ng tingin. Parang nauulit lang ang nangyari no'ng unang beses ko siyang nakaharap. Hindi ko rin magawang umiwas no'n ng tingin. What's with his eyes that I can't take away my eyes on them?

            "I came here because my father told me." I mentally congratulated myself  for not stumbling over words. I need to finish my business here ASAP because I really want to sleep already. "At sigurado akong alam mo kung ano ang sadya  ko dito, Mr. Taylor," I added. Awtomatikong tumaas ang kaliwang kilay ko ng makita kong bahagyang tumaas ang isang sulok ng labi niya. "What?"

            Bahagya itong tumawa na ikinakunot ng noo ko. Problema ng taong ito? Wala namang nakakatawa. "What did your father exactly told you?"

            "To come here. That's all." Wala naman talagang ibang sinabi ang matandang 'yon. Nagtitipid yata sa salita at ayaw magsayang ng laway. As if namang mababawasan ang yaman niya kung didiretsuhin niya ako sa kung ano ba talaga ang dapat kong gawin kapalit ng pagtulong niya.

            Akala ko ay may itatanong pa siya bago ibigay ang sadya ko para makauwi na ako at ng hindi na masayang pa ang oras naming dalawa. Pero ang sumunod na lumabas sa bibig niya ay halos ikalaglag ng panga ko sa sahig.

            "Have dinner with me, future wife."

Kaugnay na kabanata

  • Marrying The Multi-Billionaire CEO   Chapter 6

    (Reese's POV) I was silently chewing my food. I remained looking down at my plate because I felt suffocated. I could barely swallow the food because of his presence. The intimidating aura from him is so much. Kagat ang ibabang labi ng hiwain ko ang steak dahil hindi ko maiwasang alalahanin ang nangyari bago kami nagpunta dito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang magkaharap kami ngayon habang kumakain. Every time I try to open up the reason why I'm here, he's just raising his eyebrows at me. Wala akong ibang magawa kung hindi yumuko na lang at tumahimik. "Have dinner with me, future wife." Kulang tala

    Huling Na-update : 2021-11-27
  • Marrying The Multi-Billionaire CEO   Chapter 7

    (Reese's POV) THE wind blew gently and danced with my hair. Squinting my eyes against the harsh rays of sunlight, I ran faster towards Tiara who's holding an umbrella. We are here at the soccer field to get Gavin's car key. Na sa loob kasi ng kotse niya ang laptop niya na kailangan namin ngayon dahil itutuloy namin ang Lab Work namin. Gavin's part of our college's soccer team since freshman year and they're having a practice now for the upcoming University Games. "Anong sabi ni CEO?" Tiara asked when I got near her. Ngumisi ako. "Mahal ka pa rin daw." Umismid ito kaya natawa ako. "Comeback na kasi," pang-a-asar ko pa. "I love you but someti

    Huling Na-update : 2021-11-28
  • Marrying The Multi-Billionaire CEO   Chapter 8

    (Reese's POV) I'm someone who wouldn't mind spending all day alone. Mas gusto ko pang magkulong na lang sa kwarto kaysa gumala sa labas. Mas gusto kong kasama ang mga libro ko kaysa makihalubilo sa mga taong mabait lang kapag nakaharap ka pero sanga-sanga ang sungay kapag nakatalikod ka na. I heaved a sigh and put down the fork on my plate. I felt the one in front of me looked at me. I looked at him and gave him a glare. But him being the annoying creature, he just smirked at me before leaning his back on his chair. "Ang yaman-yaman mo pero nagtitipid ka sa pagkain," komento ko. "Mabubusog ka ba sa mga ito?" Iminuhestra ko ang mga pagkain sa harapan namin. It's expensive but it's so small. Hindi ako mabubusog sa mga ito. Ilang kilo ng karne na ba ang mabibili? Aabot na siguro sa tatlo. "You should had told me earlier—" "Nagtanong ka ba kung saan ko gustong kumain?"panunumbat ko

    Huling Na-update : 2021-12-03
  • Marrying The Multi-Billionaire CEO   Chapter 9

    (Reese's POV)Ang tunog ng alarm clock ko sa side table ang nagpagising sa akin. Kaagad ko itong inabot at pinatahimik. Istorbo talaga sa tulog kahit kailan. Nag-unat ako ng katawan bago bagsak ang dalawang balikat na bumaba ng kama. Inayos ko ang manggas ng suot kong oversized shirt habang naglalakad patungo sa banyo para gawin ang morning routine ko.Nagpupunas ako ng mukha gamit ang towel ko nang palabas ako ng banyo. Linggo ngayon at kahit gusto kong magsimba, hindi na p'wede dahil tapos na ang misa. Nakalimutan kong agahan ang alarm ko kagabi dahil na rin sa inis.Bigla na lang bumalik ang inis sa kattawan ko. Parang gusto kong manampal, manabunot at manuntok dahil sa inis. Basta parang gusto kong manakit. Nangangati ang mga palad ko. Kapag nakita ko talaga ang lalaking 'yon, mapagbubuhatan ko siya ng kamay. Wala akong pakialam kung mayaman at makapangyarihan siya."What? I'm asking you, wife."

    Huling Na-update : 2021-12-03
  • Marrying The Multi-Billionaire CEO   Chapter 10

    (Reese's POV) "Reese!" I halted on my steps and looked where the voice came from. I had already an idea who called me based from the gentle voice. Kahit medyo may kalakasan ang boses niya kanina ay halata pa rin ang pagiging malambot nito. And I was right because descending from the stair was none other than Akxianne Vielle Dellacroce. I already knew her name because I searched it. She's a graduating student taking up Business Management course. She's close to Coz because they're parents are best friends. Ang nakapagtataka lang, bakit siya narito sa CAS? Ang layo ng CBEA mula dito. Umalis ako sa entrance ng lobby dahil marami ang dumadaan at nakaharang ako. I gave her a smile the moment she's already in front of me. Just like the first time I met her, she also had this sweet smile. "Hey there, Rosie!" masiglang bati niya. Tumaas ang kaliwang kilay ko dahil sa itinawag niya sa'kin. She gave me an a

    Huling Na-update : 2021-12-03
  • Marrying The Multi-Billionaire CEO   Chapter 11

    (Reese's POV)PADABOG na inilalagay ko sa maleta ang mga damit na dadalhin ko sa bahay ng kumag na prenteng naka-upo ngayon sa study chair ko. Nakahalukipkip pa ito at matamang nakatutok ang mga mata sa'kin. Kahit hindi ko siya lingunin ay ramdam ko ang tingin niya. I'm gritting my teeth because of annoyance. Akala mo siya ang may-ari ng apartment."Hindi ka pa ba tapos?" Basag niya sa katahimikan. I rolled my eyes. Kita naman niyang hindi pa ako tapos, magtatanong pa. "I'm asking you, Destiny."Inis na nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. "Kita mo namang hindi pa, 'di ba?" asik ko sa kanya. "And don't call me by my second name. Hindi tayo close!" Mula sa pagkakasalampak sa sahig ay tumayo ako at tinungo ang banyo para kunin ang iba ko pang gamit.Pagkatapos niyang sabihin sa'kin na mas makapangyarihan siya, itinulak ko siya palayo sa'kin at padabog na pumasok dito sa apartment. At ang kumag, ang kapal ng mukha na sumunod

    Huling Na-update : 2021-12-03
  • Marrying The Multi-Billionaire CEO   Chapter 12

    (Reese's POV) MAAGA akong nagising kinabukasan kahit na alas-onse na akong nakatulog. Nawili ako sa ginagawang floorplan dahil na rin sa magandang musika na pinapakinggan ko. Pati si Tiara ay napilitan ding magpuyat dahil assignment namin sa HUM 01. Mamaya na ang deadline kaya naman nasermonan ko siya kagabi. No'ng isang araw ko pa sinasabi na tapusin na niya para hindi siya ma-ruttle pero mas pinili pang magpuyat dahil sa ML. "Magandang umaga!" bati ni Alice pagkapasok ko sa kusina. Siya lang ang naabutan kong naghahanda ng agahan. Baka nasa kanya-kanyyang trabaho na ang mga kasama niya. "Umupo ka na. Kape o gatas?" I walked towards one of the seats. "Kape na lang." There's scrambled and over easy egg, waffles, hotdogs, bacon and fried rice. Parang gusto kong magtanong kung wala bang noodles pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Noodles kasi ang madalas naming ulam ni Olive. Healthy living's not in

    Huling Na-update : 2021-12-05
  • Marrying The Multi-Billionaire CEO   Chapter 13

    (Reese's POV) "TANG*NA talaga!" muli na namang mura ni Olive. "Lalo na 'yang tatay mo!" gigil na sabi niya bago uminom sa kanyang iced coffee. Pagkatapos kong sabihin ang totoo sa kanya kanina ay ilang minuto kaming walang imik. Mahina akong humihikbi at kahit anong punas ko sa luha ko ay tuloy-tuloy lang ang pag-agos nito. Tumayo siya para yakapin ako. Binalewala namin ang tingin mula sa ibang mga customer. Nang tumahan ako ay bumalik na ito sa upuan niya. Ilang minuto pa kaming nanahimik bago siya tumayo at nag-order. "Papakulam ko 'yang tatay mo!" I laughed in a soft, quiet manner. "Seryoso ako, Reese. Papakulam ko ang tatay mo." "Minus 10 ka sa langit n'yan." Natawa na ako ng tuluyan nang umirap ito. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ako tinatalo ng mga problema ko. Sa t'wing problemado ako, hindi siya sumusukong pagaanin ang loob ko. She will always motivate me to never g

    Huling Na-update : 2021-12-07

Pinakabagong kabanata

  • Marrying The Multi-Billionaire CEO   EPILOGUE

    (Coz's POV)PINANOOD kong unti-unting nawawala sa paningin ko ang kabaong ng kapatid ko. Just the thought of not going to see her again smiling made me clenched my fist. Bakit siya pa? What did she do wrong for her to suffer these things? She don't deserved to be in this position. Whoever the reason behind this will pay...big time.Dumiretso kaagad ako sa opisina pagkaalis ko sa sementeryo. I have lots to do and I want to know who did that to my sister. I'll make that person's life a living hell. Hindi siya makakatakas sa ginawa niya.After some minutes, my Secretary entered together with someone I really know. Kaagad itong may inilapag na envelope sa lamesa ko. Sinenyasan ko ang Secretary ko na iwanan muna kami na kaagad namang sumunod."Nand'yan na po lahat ng gusto niyong malaman sa pinapaimbestigahan niyo, Sir," aniya.With gritted teeth, I opened the envelope and pulled out the documents. My eyes squinted at the words I'm reading. He's right. Narito na lahat ng kailangan kong m

  • Marrying The Multi-Billionaire CEO   Chapter 110

    (Reese's POV)WE'RE ENGAGED. It was an epic engagement but it's worth it. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa pinili kong desisyon. Sumugal ulit ako kahit walang kasiguraduhan na hindi na ako matatalo. Pero gano'n naman talaga kapag sumugal ka, hindi mo alam ang magiging resulta. Sana lang ay mapunta sa akin ang swerte at hindi ako matalo bandang huli.We're not perfect. Be both have our own red flag. But we're both working on that. He never ffailed to tell me how much he loves me every single day. At sa bawat hindi ko pagsagot, kita ko ang sakit sa mga mata niya pero agad din namang nawawala at napapalitan ng pagmamahal. Hindi ko intensyon na iparamdam sa kanya ang gano'n at hindi rin ako naghihiganti sa ginawa niya.I was back to my reverie when someone snapped in front of my face."Kanina ka pa tulala habang nakatingin sa singsing mo, marecakes," nakangising saad ni Audrina. "Nang-iinggit lang ang peg?"I chuckled as I caressed it. "Hindi pa tuluyang nagsi-sinc in

  • Marrying The Multi-Billionaire CEO   Chapter 109

    (Reese's POV)THE night of the surprise came. He told me to wear something comfortable. Kahit hindi naman niya sabihin, talagang 'yon ang gagawin ko. I'm into jeans, not dresses. Shoes and not heels. Ni hindi na nga rin ako naglagay ng make-up at basta na lang sinuklay ang buhok ko.When I went out of the room and walked down the stairs, his attention went to me. May kausap ito sa cellphone pero ang atensyon niya ay na sa'kin. That made me smile. I believe him.I talked to his mother last night. She explained what happened after I left. She made me realized lots of things. And I was shock that their love story was almost similar to ours. Tito also fooled her—her words, not mine. Hindi raw niya ako pipiliting paniwalaan lahat ng sinasabi ni Coz. Ang tanging gusto lang daw niya ay subuan kong intindihin ang mga rason niya. After this night, kung hindi ko pa rin daw kayang tanggapin muli si Coz, desisyon ko na raw 'yon at wala na siyang magagawa.Ilang oras akong nag-isp kung ano ang da

  • Marrying The Multi-Billionaire CEO   Chapter 108

    (Reese's POV)PIGIL NA PIGIL ko ang sarili kong matawa sa itsura ni Coz. He looks confused but he still managed to nod his head. That made me smile. Tumayo ako ng maayos bago kinuha ang cellphone sa bulsa ko at may tinawagan."Where the fuck are you?!" kaagad na bungad nito pagkasagot sa tawag ko. "Matinong sagot ang kailangan ko, Rose Destiny. Bigla-bigla ka na lang aalis ng walang pasabi kung saan ka pupunta. Letse ka talaga!""Relax, Olivia!" I said with a smile on my face as I stare at Coz who's still confused as to this moment. "I'm with him." There's no need to tell who I'm talking about. Alam niya kung sino ang tinutukoy ko. "I'll stay here for awhile. Don't worry about me.""Loudspeaker this phone right now!" she demanded like she's the boss of me. "Right now, Reese!""Chill. I'll do it," I said then did what she wants and put the phone above Coz's table. "She wants to talk to you." I mouthed to Coz and he just nodded."I know we're not that close, Taylor, but I want you to

  • Marrying The Multi-Billionaire CEO   Chapter 107

    (Reese's POV)WHAT he said caught me off guard. My eyes almost popped out as I stare at him looking at me softly. I can't believe that I'm seeing fondness in his usual cold eyes. Is this for real?Mapakla akong natawa. Mahina sa umpisa hanggang sa unti-unting medyo naging malakas. Hinila ko ang kamay kong hawak niya at tumayo. "Y-You..." Napa-iling ako habang natatawa pa rin. "T-That's a good joke," sabi ko.He pressed his lips as he stared at me. "I'm serious."Pinahupa ko muna ang pagtawa ko bago siya sinagot. "It didn't look as a joke to me." Seryoso siya? Mahal niya ako? Hindi ko alam kung nagpapatawa ba siya o nanggagago na naman para utuhin ako.I know it's not right to judge a person pero iba kasi pagdating sa kanya. I should be happy right now hearing him say those 3 words and 8 letters to me pero hindi. Sino ba naman ang hindi matutuwa kapag narinig mo mismo sa taong mahal mo na mahal ka rin niya? That your love for that person isn't unrequited after all?Every woman deserve

  • Marrying The Multi-Billionaire CEO   Chapter 106

    (Reese's POV)GULAT ako sa nakikita ko at hindi ko napigilang umawang ang mga labi ko. Pero pagkaraan ng ilang segundo, nakabawi ako at naging blangko ang ekspresyon ng mukha ko."What are you doing here, Mr. Taylor?" I asked in a business tone like he always do every time he's talking to someone. "What's the visit for?"And the brute just smirked at me. I gritted my teeth and stopped myself from smacking his face. Wala akong pakialam kung gwapo pa rin ito kahit na basa na siya ng ulan. Alam na ngang malakas ang ulan, naglakas-loob pang lusungin ito. Akala mo naman ay waterproof ang hudyo."I'm here to pick up my wife," he simply said like he's just asking for a water."Maling lugar ang pinuntahan mo kung asawa mo ang hinahanap mo," walang emosyon na sagot ko. "Wala dito ang hinahanap mo, Mr. Taylor," dagdag ko pa. Bakit ba kasi ito nandito?"Wala?" Mapakla siyang natawa. "Why don't you let me in—""Gago ka ba?!" hindi ko napigilang isinghal sa kanya. "Let you in? Bakit, aber? Sino

  • Marrying The Multi-Billionaire CEO   Chapter 105

    (Reese's POV)MY MIND tried to processed what she said but it's declining everything. Naguguluhan ako dahil bakit ako ang dahilan? Ano ang kinalaman ko sa kanya? Ilang buwan na kaming walang communication kaya bakit ako damay?"H-Hospitalized?... L-Last week?... B-Because of m-me?" putol-putol na paninigurado. I can't formulate the exact words that I want to say because my mind was in chaos. "Narinig mo naman ang sinabi ko, 'di ba?" medyo iritang sagot niya pero binalewala ko na lang."W-What happened? Is he okay? Na-discharge na ba siya?" Sunod-sunod na tanong ko. Wala na dapat akong pakialam sa kanya, kung ano ang kalagayan niya, pero hindi ko maiwasan. Dapat kinakalimutan ko na siya pero hindi ko magawa.What happened? Ano na naman ang dahilan kung bakit siya naospital? Ano ang kinalaman ko? Okay lang ba siya?"Bakit ka nagtatanong ng gan'yan? Dapat kinakalimutan mo na siya, 'di ba? Bakit may pakialam ka pa sa kanya?""May pinagsamahan naman kami—""Pero niloko ka niya!" inis na p

  • Marrying The Multi-Billionaire CEO   Chapter 104

    (Reese's POV)"KANINO galing?" I asked Audrina after she handed me a box of doughnuts from Autumn's."Sa'kin malamang. Ako nagbigay, 'di ba?" She rolled her eyes."Kung isampal ko kaya sa'yo 'to?" I countered and acted like I was about to slapped the box to her. "Ano?" hamon ko pa.Instead of answering, she turned her back at me and even flipped her hair."Pikon ka talaga kahit kailan, Aurora." pang-aasar ko pa gamit ang nickname na ibinigay ko sa kanya."Tangina mo! Audrina ang pangalan ko, hindi Aurora, gago!" sigaw niya mula sa kusina na ikinatawa ko.Sa mga nakalipas na panahon, mas naging close pa kami. Minsan nga ay nagseselos na si Olive dahil mas madalas kong kasama si Audrina. Sabi nga ni Desiree, malapit na raw kaming magkamukha dahil halos kung nasaan ang isa, nando'n din ang isa."Tumanda ka sanang dalaga." aniya ng bumalik ito sa sala habang may hawak na tasa na sigurado akong kape na naman ang laman."Kape now, palpitate later." sabi ko nang maka-upo ito sa kaharap kong

  • Marrying The Multi-Billionaire CEO   Chapter 103

    (Reese's POV)AFTER knowing the news, hindi ko alam kung paano ko kinayang makauwi ng ligtas. I was shaking and nervous. Umiiyak ako dahil sa labis na pag-aalala.The news said it was not his fault but he was injured. At hindi nakatulong na hindi man lang binanggit kung ano ang tinamo niya. Nabalian ba siya? Nauntog ba? Wala. Walang nabanggit.The last thing I remembered before I fell asleep was that I cried so hard upon reaching my bed. Gusto ko siyang puntahan. Gusto kong malaman ang kalagayan niya. Pero wala akong ibang magawa kung hindi umiyak na LANG. Umaasa akong maayos ang kalagayan niya. That he's not severely injured or something.When I woke up, I found Desiree peacefully sleeping beside me and holding my left hand. Dahan-dahan akong umalis sa kama para hindi siya magising. When I checked the time, it was already 9 in the morning.I went to the kitchen as I scrolled through my social media accounts, trying to find some news about him. Medyo nakahinga ako ng maluwag nang may

DMCA.com Protection Status