"IS IT YOUR EX AGAIN?" he asked coldly. Umatras ako pero sa huli, tumigil. He stopped walking. We are very close now. Nakadungaw siya sa akin samantalang matalim ko siyang tinitingala, may ngisi sa labi. "Stop making fun of this. I am doing this for you. I don't want your name on fire again. Sabihin mo sa akin ang totoo at tigilan mo na ang pagsisinungaling-" I can very well take care of myself, Damon. Kaya nga sinabi ko sa'yo na wala namang tsismis tungkol sa akin, 'di ba?" "Really? Wala pa sa ngayon. But if you keep this up, you really think the people who saw you will not talk?" Iritado, lumayo ako at nilagpasan siya para magkaroon muli ng distansiya sa amin. Sinundan niya ako ng tingin. "At ano 'tong sinabi ni Fiona sa akin? Why did you hurt her?" Umirap ako at naging agresibo nang nasali si Fiona sa usapan namin. Nilingon ko si Damon, naalala ko ulit ang lahat ng nangyari kagabi. "Hindi ba close kayo? Ba't 'di mo siya tanungin kung anong problema?!" Ako naman ngayon ang
IT WAS AWKWARD at home. Kung kailan mas makakatulong sana kung may katawagan siya o may ibang ginagawa, saka naman wala. We were both silent as we stayed in the dining area of the condo. Binaba niya ang hinanda niyang pagkain para sundan ako. Wala nga lang akong ganang kumain kaya gumawa lang ng kape at tinitingnan sa harap ko ang hinanda niyang breakfast. Damon remained silent. Nakatanaw sa akin, busangot ang mukha, at medyo namumula ang mga mata sa galit. He glanced at the food he prepared. I'm waiting for my mother's reply. She asked me to come back last night. But this time, I had to inform her that I'm going with Damon. Tumunog ang cellphone ko dahilan ng sabay naming pagbaling doon. Alam niyang hinihintay namin ang reply ni Mama pero imbes na reply ni Mama ang bumungad, isang text galing kay Mr. Vera iyon. "What's the reply?" his voice was hoarse. Umiling ako habang nagtitipa ng reply para kay Mr. Vera. Gusto niyang makipagkita para sa mga bagong naimbesitgahan pero tumangg
LALO LANG nagbadya ang pagbuhos ng luha ko. Siguro dahil sa lakas ng sigaw niya at sa kaba ko sa sinabi niya."Hindi ko anak si Fiona Suarez. We'll talk about this again once the DNA test comes out! I no longer have the patience to listen to you accusing me of having another daughter!""Nikolo..." pigil ni Mama.Nagmartsa si Papa papunta sa kanyang lamesa. He rummaged on his files. Nakabawi na ako ng kaunti sa gulat sa sigaw niya kaya nagsalita ulit ako."Then I want out of this stupid thing! Attorney Suarez has prepared our papers. We can just use it to make everything fast."Sa gilid ng mga mata ko, kitang kita ko ang pagbaling ni Damon sa akin.Padabog na binaba ni Papa ang mga dokumento sa kanyang lamesa. Bumaba ang mata ko roon pero dahil medyo may distansya, hindi ko nakita ng husto iyon"And no need for a divorce. Your marriage was a lie. I didn't file it in the end."My lips parted. Matagal bago ako nakabawi sa sinabi ni Papa. Pakiramdam ko nga hindi ko narinig iyon.Tumingin
TAHIMIK akong nakaupo na sa sala. I was pacing back and forth a while ago until I've grown tired. Dalawang oras na siguro ang lumipas sa pag-uusap ni Damon, Mama, at Papa sa study. Pinalabas nila ako dahil pag-uusapan ang leave ni Damon.I know it will the a tedious process. Hindi ordinaryong empleyado si Damon. He is an executive, and more than that, my father trusts him with many projects.Hindi siya pakakawalan ni Papa, hindi ba? Imposible 'yon. At isa pa... he climbed to where he is now. How can he just resign like that in a blink of an eye? Baka gusto pa ni Papa na pag-isipan ni Damon iyon at huwag na munang mabilis na magdesisyon?I don't know. But I guess what really bothered me is that unexpected... confession. In front of my parents. Was he for real?Ngumuso ako at pilit na iniisip na baka pakulo lang 'yon. But then he's giving up his position... pakulo pa ba 'yon? Then where will he work? IHG? Malamang. He had offers there so he must have plans to work there. Thinking about
I REALLY thought that it would be the same. Nakita ko siya sa linggong iyon na pumunta sa opisina niya, so I expected that I'll see him every now and then despite him resigning but I didn't see him the rest of the week.May mga damit at ibang gamit pa naman ako sa bahay kaya iyon ang dinala ko papuntang bagong condo ko. I am still contemplating on whether I should get my things from his condo or not. I mean, I should. Those are my things but... how?Ipapadala ko na lang ba? I should get Damon's offer. Ipapadala niya raw sa bahay. Kaya sabihin ko na lang ang address ng condo ko rito para mapadala niya rito. But then I remember I have clothes and things in his cabinet and even in the gym. Alam niya kaya? O pinalinis niya iyon sa kasambahay? I should be the one getting them since I don't think he knew where I put all of my things.Tulala akong nakatingin sa inumin habang kinikuwento ni Mr. Vera ang mga nalaman niya. It's been two weeks and this is the only time I saw him again. Naging ab
LUMIPAS ang dalawang buwan, hindi pa rin kami nagkita ni Damob. I go home and go to work like a robot the past few weeks."Pressure her!" I said annoyed at our family dinner.Kaming tatlo ni Mama at Papa ang kumakain ng hapunan sa bahay ngayon. Hindi pa rin ako gaanong kumbinsido kay Papa at bumibisita lang talaga para makibalita para sa DNA test.Naging abala si Papa sa mga kapatid ko nitong nakaraang linggo. May iilang trip din sila ni Mama sa ibang bansa, resulta ng pag-alis ni Damon sa kompanya. At nag di-dinner kami ngayon dahil aalis na naman sila bukas para roon."She's coming back next week and I won't be there, Ysa," si Papa.Aniya'y may pinuntahang trip si Fiona para sa trabaho kaya hindi pa sila nagkakausap. Hindi pa rin daw nagsasabi si Fiona kung papayag ba siya sa test at nangako siyang pag-uusapan sa susunod na pagkikita, kaya lang dahil busy na si Papa ngayon... hindi na sila makakapag-usap.I closed my eyes frustratingly when I realized that the truth is elusive."Bak
"WALA NGA SIYA RITO..." sabi ko sabay sunod ng tingin sa kanya, bukas pa rin ang pintuan dahil gusto ko na siyang umalis."Ba't ka nandito kung wala siya?" nagtaas siya ng kilay at binalingan ako.I realized that I wanted to confront him the past few months. Wala nga lang akong alam kung saan ko siya makikita bukod sa workplace niya. Kaya naman, imbes na makipag-away tungkol kay Damon, gusto ko nang samantalahin ang pagkakataong iyon para malaman ang dahilan niya."Kinukuha ko ang mga gamit ko. Aalis din ako, huwag kang mag-alala.""Hm. Tagal mong kinuha, ah? llang buwan na ba-" she smirked but I cut her off,"Ikaw? Ang tagal mong pumayag sa DNA test, ah? Ilang buwan na ba ang lumipas nang pumayag ang Papa ko?"She looked annoyed at the emphasis of my last words."You really think you can fool me? I know why he's agreed. Cuz he will tamper it."I cannot believe her."He will tamper it?" Natawa ako. "Are you out of your mind?""I know these things more than you, Ysa. Of course he'd wan
PAULIT-ULIT kong pinindot ang elevator para lang magsarado. When the doors move to close, my tears fell. I cursed under my breath. Nang kaunti na lang magsasarado na, nakita kong pumagitna si Damon. Nagkatinginan kami bago sumarado.I frantically searched for my keys. I know it's impossible that he'll run after me hanggang basement pero sinigurado kong nakaalis agad ako roomI successfully got away. O baka hindi naman siya sumunod. I gritted my teeth as I drove on the road. I parked in a crowded place near malls and restaurants. My tears kept falling as I harshly pulled more and more tissue for myself.What the hell?Alam kong dati pa man sinasabi ko lang na niloloko lang ako. Kaya dapat hindi ko na iniisip iyon. Na dapat hindi ako nagpapadala. Pero ang totoo, sa likod ng isipan ko tumatak iyon. A part of me believed his confession. He confessed in front of my parents! He resigned after that confession!Kahit anong isip ko na may binabalak siya, pero sa nagdaang ilang buwan na wala na