Akmang susundan ko sila nang hilain ni Sierra ang dulo ng t-shirt ko. “Tita Tianna, tawag po kayo noong old lady.” Turo niya kay Aling Gina na nasa harap namin. Kahit gusto kong komprontahin si Lev noong mga oras na iyon ay mas pinili kong unahin muna si nanay. Lumapit kami ni Sierra kay Aling Gina. "Magandang tanghali po." Ngumiti si Aling Gina. "Magandang tanghali rin." “Bless ka, baby.” Agad namang nagmano si Sierra at ngumiti kay Aling Gina. “Hello po.”“Sino itong batang ito, Tianna?” Hindi mawala ang tingin niya kay Sierra.Tumingin ako kay Aling Gina. “Anak po ni Lev,” tipid kong sagot at nagpatiuna na sa paglalakad habang kinakausap naman ni Sierra si Aling Gina.“Teka, Tianna!”Mabilis akong naglakad. Ayaw kong makasabay si Aling Gina dahil alam kong uusisain niya ang tungkol kay Sierra. Hindi pa ako handang mapag-usapan iyon lalo na at si Lev ang dapat magpaliwanag dahil kahit ako mismo ay marami pa rin siyang hindi sinasabi.Nang pumasok ako sa private room ni nanay n
Wala akong ginawa kundi alagaan si nanay sa buong maghapon na iyon. Habang abala naman si Sierra at Aling Gina sa paglalaro.Rinig na rinig ko ang hagikhik niya sa tuwing hinahabol siya kunwari o kinakagat siya ni Aling Gina. Eh, walang ngipin si Aling Gina kaya nakikiliti lang siya roon.Habang pinapanood namin sila ni nanay ay hindi namin maiwasang hindi matawa. Napatitig ako kay nanay habang wala siyang tigil sa pagtawa. Her wrinkles are showing but her face looked brighter and lively unlike the first time we entered the room. Masyado siyang maputla at walang buhay ang mata.Tumingin sa akin si nanay. “Papayagan kaya ni Lev na pumunta ulit si Sierra rito? Gusto ko pa ulit siyang makita.” Ngumiti ako. “Oo naman po, nay. Pupunta po ulit kami ni Sierra rito.”Hinawakan ni nanay ang kamay ko. “Sana sa susunod ay kasama na ninyo si Lev. Madalas man siyang pumunta rito ay mas maganda kung kayong tatlo ang dadalaw sa akin.” Napaawang ang bibig ko. “Ho?” Hindi ko alam na pumupunta si Le
Kunot ang noo ni Lev nang tumingin siya ulit sa akin. “What the hell, Tianna?” bakas ang gulat sa mukha ni Lev.He cupped my cheeks gently. “I would never cheat on you. I love you beyond words.”Napatawa ako nang pagak. “I saw you… at the h-hospital, Lev.” Tinignan niya ang braso ko kung may sugat at dinama niya ang noo ko. “Anong ginagawa mo sa ospital? May sakit ka ba?” bakas ang pag-aalala sa boses niya.Tinabig ko ang kamay niya. “Wala akong sakit. Huwag mong ibahin ang usapan. Sino iyong kasama mo?” mariin kong tanong.“She was just a friend. Wala ka dapat ikabahala o selos,” marahan niyang sagot at pinunasan ang luha ko.“Kung kaibigan mo lang siya, bakit hindi mo agad sinabi sa akin?” Bakit inilihim mo?” mahina ngunit mariin kong sabi.“Because I thought it wasn't important as I only had my eyes on you.”Huminga ako nang malalim. “Of course! Asawa mo ako tapos may kasama kang babae. Sa tingin mo ba ay hindi ako magagalit?” hindi ko napigilan ang sarili kong magtaas ng boses.
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may lumulundag sa kama.Medyo ibinuka ko ang mata ko at sinilip iyon. Nakita ko si Sierra na nakasuot na ng pink flowy dress. “Mommy! Please wake up na po. You promise po na pupuntahan po natin si Lola Trina,” ungot ni Sierra.My heart feel full.Halos ilang linggo na rin ang nakakalipas nang simulan niya akong tawaging mommy. Unti-unti na rin akong nasasanay pero parang tumatalon pa rin ang puso ko sa says kapag naririnig ko iyon sa kanya.Nang lingunin ko ang tabi ko ay wala na si Lev. Siguro ay pumasok na… hindi ko alam pero nitong mga nakaraang araw ay maaga siyang umaalis at late naman umuwi… pero siguro ay abala lang sa trabaho.Naiintindihan mo naman ang trabaho niya kaya pilit kong iniintindi…Mahina akong natawa at hinila siya pahiga sa tabi ko. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. “Good morning, baby.”Natatawang iniwas ni Sierra ang pisngi niya. “Mommy, nakikiliti po ako.”Pero imbes na tigilan ay mas lalo ko lang siyang pinangigi
Halos malapit ng magtakipsilim nang makauwi kami ni Sierra galing sa ospital. Buhat ko si Sierra na inaantok na at nakasandal ang ulo niya sa balikat ko. Natanaw ko ang main door na nag-aabang si Sandra, panay ang papunta’t parito nito at kagat-kagat ang daliri. Kunot ang noo ko siyang nilapitan. “Anong nangyayari, Sandra? Okay ka lang ba?” Napapitlag si Sandra at tila hindi pa inaasahan na makikita niya ako. “M-ma'am”“Anong problema?” mahinahon kong tanong.Napakamot si Sandra sa ulo niya. “K-kasi po, m-ma'am…”Natawa ako nang mahina at tinapik ang balikat niya. “Sige na. Sabihin mo na. Hindi ako magagalit.”“K-kasi po—”“Yaya! I told you, I want a 40 degrees Celsius of a black coffee!” maarteng wika ng babaeng hindi ko kilala. Agad lumipat ang tingin ko sa pinto. Nakadungaw doon ang babaeng nakita ko kanina sa ospital…! Iyong kaibigan ni Lev… Nakasuot siya ng red sweetheart neckline dress na hanggang sa kalahati ng hita ang haba. Ngayon ko lang siya natitigan nang mabuti. Ma
Halos hindi na ako makahinga sa pag-iyak. Nabarahan na rin ang aking ilong at tuloy-tuloy ang pagsinga ko.Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Halo-halo iyon, may galit, lungkot, pagkalito… hindi ko na alam. Wala na akong maintindihan. Sino ba si Megan sa buhay ng mag-ama?B-bakit nilihim ni Lev sa akin ang tungkol sa kanya?Napahinto ako sa pag-iyak nang maramdaman kong may humaplos sa balikat ko. “Babe…” mahinang tawag ni Lev sa akin.Hindi ako nag-angat nang tingin at nanatiling nakatulala sa pader habang tuloy pa rin ang pag-agos ng luha sa mga mata ko.Hindi ko siya kayang tignan. Nakita ko sa peripheral vision ko na lumuhod siya sa gilid ko at marahang pinunasan ang luha ko gamit ang thumb niya..“B-babe, why are you crying?” Hindi ako nagsalita at tinabig ang kamay niya.He held my hand. “Please, tell me. Huwag namang ganito. Pag-usapan natin nang maayos,” he almost sounds begging. Marahas ko siyang nilingon. “Pag-usapan nang maayos?! Ang kapal naman n
Agad kaming napalingon kay Sierra. “B-baby.” Halos takasan ako ng hangin habang nakatingin ako sa mga mata niyang puno ng kuryosidad at kainosentehan.My heart breaks. Sunod-sunod na dumaloy ang luha sa mga mata ko na parang ulan na hindi nauubos. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya na nandito na ang kanyang tunay na ina na palagi niya noong pinaglalaban sa akin… saan na ako lulugar ngayon?I've been here in her position before. Alam ko kung gaano kasakit at nakakalito. Noong bata ako ako ay naging domestic helper si nanay sa abroad kaya hindi ko siya kinagisnan. Tapos ang magaling kong ama ay nag-uwi ng ibang babae at sabi niya ay iyon ang nanay ko. Hindi ko alam na ganoon ang nangyari hanggang sa umuwi si nanay noon at nalaman ang kolokohan niya. Kinuha ako ni nanay ngunit… pinagtabuyan ko siya noong una dahil hindi ko siya kilala. Never kaming nakapag-usap o makita ko man lang siya sa larawan. Kahit na palagi akong sinasaktan noon ni tatay at palagi siyang umiinom
“Babe, please kumain ka na. Sabi ni Nanay Flor ay hindi ka pa kumakain ng almusal at tanghalian. Baka magkasakit ka na n’yan. Alam kong galit ka sa akin pero huwag mo namang idamay ang sarili mo.” I heard the knocks on the door. Nagtalukbong ako at tinakpan ang tainga ko. Tatlong araw na rin ang nakakalipas simula noong nag-away kami at dito ako tumuloy sa guest room na malayo sa kwarto namin.Hindi ako umalis dahil una sa lahat ay ayaw akong paalisin ni Lev at pangalawa ay iniisip ko si Sierra, baka maguluhan siya sa mga nangyayari kung bigla akong aalis.Kumatok siyang muli sa pinto. “Babe, please. Miss na kita,” nagmamakaawang tawag niya. “May dala akong sisig at chocolate cake, your favorites.” Umirap ako sa hangin. Alam na alam talaga niya kung paano ako susuyuin, eh… parang dati lang…Araw-araw niya iyong ginagawa pero palihim ko lang itong kinukuha kapag tulog na sila.Ayaw ko pa rin siyang makita. Hindi ko alam pero naiirita ako sa mukha ni Lev.Hindi pa rin siya tumigil s
Habang bumabiyahe kami patungong school ni Mang Pio ay halos walang patid ang pagpatak ng mga luha ko. “Ma'am, okay lang po ba kayo?”Pinunasan ko ang luha ko at tumango.Nakatulala lang ako sa bintana sa buong duration ng biyahe. Laking pasasalamat ko at hindi na muling nagsalita si Mang Pio dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ko pa siya kakausapin. Sobrang gulo ng isp ko ngayon. Ni hindi ko nga namalayan na dumating na pala kami sa school kung hindi pa kumatok sa bintana ang guard.Hindi kasi sila basta-basta nagpapasok para sa security na rin ng mga bata ay authorized person lang ang puwede, lalo na ang sasakyan. Nang ibaba ko ang bintana. Agad na ngumiti ang guard.“Good morning po, Ma'am Tianna.”I smiled. “Good morning po.”Pagkababa ko pa lang ng sasakyan ay agad na akong sinalubong nina Teacher Heidi at Teacher Ruth. Sinuotan nila ako ng headband na may nakasulat na ‘queen’Natawa pa nga ako dahil may suot din sila na may nakasulat naman na ‘princess’ “Hi, Tea
Medyo maaga akong gumising ngayon kumpara sa mga nakaraang araw dahil kailangan kong pumunta ng school para ayusin iyong resignation ko at may pa-farewell party sila para sa akin.Habang nagsusuklay ako ng buhok ay hindi ko maiwasang titigan ang sarili ko sa salamin.Medyo nanaba na ako lalo na sa may bandang tiyan… mas nahihilig kasi ako sa pagkain nitong nakaraan, lalo na sa madaling araw. Minsan nga ay ginigising ko pa si Lev para bumili kami ng pagkain kagaya ng streetfoods, cake o manga.Dapat talagang mag-gym na ako at mag-diet… Malaki na rin ang eye bags ko at maputla ang mga labi ko. Pakiramdam ko tuloy ang hindi na ako maganda.Hindi ko maiwasang hindi mainis sa hitsura ko at baka hindi na ako magustuhan ni Lev… Baka ipagpalit na niya ako?Nanunubig ang mata ko na kinuha ang concealer at tinakpan ang mga imperfections sa mukha ko. Pilit ko namang pinipigilan na pumatak iyon… naglagay rin ako ng lipstick at blush para magkakulay naman ang mukha ko.Nasa puno pa lang ako ng
“What?” Tila nagpantig ang tainga ni Lev sa sinabi ko.“You heard what I've said,” walang gana kong sagot.“Megan, pwede bang umuwi ka na?” malamig na sabi ni Lev.“But–”“Go home,” madiin niyang sabi nang hindi man lang tumingin dito. Titig na titig lang sa akin si Lev, madilim iyon na tila may malakas na bagyong nagbabadyang pumatak.Bumaling ang tingin niya kay Sierra. “Sierra, go upstairs.”Mabilis na umiling si Sierra at yumakap sa binti ng ina. “No! I want to be with my mommy.”Pumikit nang mariin si Lev. “Sandra!” pasigaw niyang tawag.Kumaripas ng takbo si Sandra palapit sa amin. “Y-yes, sir,” kabadong respons ni Sandra. “Iakyat mo na si Sierra. Papasukin mo na rin ang lahat ng maids sa quarters ninyo,” utos nito.“O-opo.” Nagmamadaling binuhat ni Sandra si Sierra ngunit nagpupumiglas ito. “No!” “Sierra!” galit na sigaw ni Lev.Umiiyak na tumingin si Sierra kay Lev ngunit hindi na siya binalingan ni Lev. Rinig ko pa rin ang iyak ni Sierra habang papaakyat sila ni Sandra.“
Pagkarating ko sa bahay ay agad na akong dumiretso sa kwarto. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na natulog basta paggising ko ay madilim na sa labas. Kinuha ko ang cellphone ko para sana mag-check ng messages. Pagka-check nito ay puro lang iyon pangangamusta mula sa mga co-teachers ko dahil maaga nga akong umalis kanina at mayroon ring galing kay Lev. May 47 missed calls rin siya sa akin. Lev: Babe, where are you? I can't find you. Lev: Babe, I'm worried. Lev: I already called home. Nanay Flor said you came back early because you're not feeling well? Why didn't you tell me?” Hindi ko na siya ni-reply-an. Sobrang late naman na, kaninang umaga pa iyon. Baka nga nakauwi na sila. I-e-exit ko na sana pero biglang may nag-notification sa social media account ko. Megan Nicole Aquino has a new post. Check it out. May caption iyong “My daughter's graduation and kulitan with my family. I love you both. Napairap ako. Feeling. Nang pindutin ko iyon ay agad nag-play
“Teacher Tianna, pwede bang ikaw na lang ang mag-MC? Wala kasing partner si Teacher Sander, eh. Biglang nagka-emergency si Teacher Fiona. Tutal ay ikaw naman ang kasa-kasama nilang dalawa sa pag-pra-practice,” ani principal.Lumilipad ang isip ko habang nagsasalita siya. Paggalaw lang ng labi niya ang nakikita ko pero wala iyong tunog. “Teacher Tianna?” Tinapik niya ako sa balikat. “Po?” Napatalon ako.“Nakikinig ka ba?” Tumingin ako kay principal. “Pasensya na po pero pwede bang pakiulit?” nahihiya kong pakiusap.Napa-facepalm siya. “Hay nako! Salita ako ng salita, hindi ka pala nakikinig.”“Pasensya na po.* Awkward akong ngumiti at nag-peace sign.Umirap siya sa akin. Lumalabas na naman tuloy iyong pagiging masungit niya.“O, siya. Ikaw na ang mag-MC. Samahan mo si Teacher Sander.”Sina Teacher Sander at Teacher Fiona kasi ang master of ceremonies ngayon. Silang pareho ay teacher sa Grade 6.Kumunot ang noo ko. “Ho?! Bakit ako?”“Ikaw ang kasama nila ni Teacher Fiona, ‘di ba? Ts
(Tianna POV)“Teacher Tianna, Teacher Heidi, okay na ba iyong mga students? Naka-alphabetically arranged na ba sila?” ani ng Kindergarten department head.“Yes, ma'am. Okay na po sila.”“Ready for march na po,” Teacher Heidi replied.“Thank you.”Ngumiti ako. “Puntahan ko lang po saglit ang mga bata.”Halos ilang araw na rin ang nakakalipas simula ng nangyari sa opisina ni Lev. Naging masugid si Lev sa pagsuyo sa akin at hindi siya nagkulang ng assurance sa akin kaya nakampante ako. Isa pa ay hindi ko naman talaga masisi si Megan kung bakit niya nagustuhan ang asawa ko pero ang kinainis ko lang sa kanya ay iyong gumawa siya ng ganoong hakbang kahit na alam niyang may asawa na si Lev. Gusto ko siyang komprontahin pero hindi ako makakuha ng tamang tiyempo dahil palagi nitong kasama si Sierra.Pagkarating ko sa labas ng auditorium kung saan nakapila ang mga bata para sa graduation march nila mamaya. Kita ko na nagkakanya-kanyang picture na ang mga magulang sa kanilang mga anak. Naghih
(Tianna POV)Nasa kalagitnaan ako nang paggawa ng mga certificates na ibibigay sa mga estudyante ko sa araw ng recognition nila nang tumawag sa akin si Nanay Flor. “Hello, Tianna?”“Hello po, nay. Bakit po kayo napatawag?”“Itatanong ko lang sana kung kasama mo pa ba si Lev at hindi na siya sumasagot sa tawag ko. Naiwan niya kasi iyong papeles na ibinilin niya sa akin kagabi. Importante raw iyon para sa meeting niya mamayang hapon.” “Hindi ko na po siya kasama, eh. Nasa school na po ako ngayon.”“Nako! Paano ito?” nag-aalalang tanong ni Nanay Flor.Binasa ko ang labi ko. Problema nga iyon. “Uhm… ganito na lang po. Ipahatid niyo po kay Manong Pio iyong mga papeles at ako na po ang magbibigay kay Lev.”“Sige. Salamat, anak.”Napangiti ako. “Wala pong anuman, nay.”Natutuwa pa rin talaga ako sa tuwing tinatawag ako nang ganoon ni Nanay Flor. Nagpatuloy na ako sa ginagawa kong mga certificates at kailangan ko ng tapusin iyon dahil next week na ang graduation. Baka i-bash na naman ako ng
(Lev POV)Pagkatapos ko ihatid ang mag-ina ko sa school ay agad akong dumiretso sa opisina.I have a meeting with Mr. Pineda for the official contract signing because the previous meeting has too many revisions again… If I just don't really like strengthening the newly built company that focuses in education sector. I wouldn't even make adjustments. I would like to establish this new business venture for my wife. Since we were in senior high school, she was deeply devoted to teaching kids. She likes kids so much that I still remember that she always participated in an activity of their barangay youth council in teaching the street children that couldn't afford to go to school as volunteers.Matagal ko na itong plano at unti-unting binubuo nang palihim dahil ayaw kong malaman ng mga relatives namin at baka pagdiskitahan na naman nila. When Tianna and I got married I officially transferred the Tianna Soleil Education (TS Education) to her. Pagkarating ko sa opisina ay agad akong sin
(Lev POV)Maaga akong gumising dahil gusto kong maipaghanda ang mag-ina ko ng almusal. Sa tagal naming pagsasama ni Tianna, even before. Alam kong ang pinakaimportanteng meal para sa kanya ay almusal.When I looked into my wife, who was peacefully sleeping beside me, I couldn't help but to smile. Parang dati lang ay pangarap ko ito. Iyong tipong pagmulat pa lang ng mga mata ko ay siya na agad ang makikita ko.I remember when we were young. I always wished on my birthdays, or in the shooting star and the craziest thing that I did was to pray every sunday in the church that I could marry her someday. I gently ki***d her on her forehead, cheeks, and lips. “Good morning, my Soleil, my sun, my love,” malambing kong bulong.Palagi akong unang nagigising sa aming dalawa at ito na ang routine ko simula nang magtabi kami.I used to call her Soleil when we were in senior high but she didn't like it because she said it reminded her of the bad childhood experience with her dad. Her dad used t