MARI“A-Ano’ng ginagawa natin dito? And… why did you bring me here?”Iyon lang ang mga kataga na tanging lumabas sa bibig ko nang makababa na ako sa sasakyan at nang tuluyan ko nang makita ang kabuuan ng lugar na pinagdalhan sa akin ni SJ.It was a complete vacant lot. Malawak iyon, maluwang. Medyo liblib na rin at tanging mangilan-ngilang mga puno at halaman lang ang natatanaw ko. Walang mga kabahayan.Dahil doon ay nahinuha ko na malamang ay malayo na kami sa siyudad. Maybe, it is a gateway to some province or such remote area. Hindi ko alam. At wala na akong balak alamin eventually. Dahil ang tanging tanong na nasa isip ko sa mga oras na iyon na gusto kong mabigyan ng kasagutan ay ang dahilan ni SJ kung bakit niya ako dinala sa lugar na ito. Like, is this place somewhat special to us? Kung ganoon nga, paano? At bakit?Naputol ang kaguluhang iyon sa isip ko nang sa halip na sumagot ay naramdaman ko ay may kahigpitang pagyakap ni SJ sa bewang ko. It was gentle yet… possessive? Ipina
MARI“Really? You managed to take us away to Paris, France, nang ikaw lang ang nagdadala ng eroplano?”Hindi makapaniwalang saad ko matapos ang maikling pagkukwento ni SJ.Ayon sa kanya, ang lugar palang ito kung nasaan kami ngayon ay ang bakanteng lote kung saan kami pumunta noon bago kami lumipad pa-Paris para sa aming honeymoon. At ayon din sa kanya, siya lang mag isa ang nagpalipad ng sinakyan namin noong nangibang bansa kami!“Uh-uh. You heard it right. Actually, that’s a private jet. Not just an ordinary plane.” natatawa at tila proud namang saad ni SJ.Napanganga ako.“Grabe! I never thought you could do that!” bulalas ko ulit.Nagkibit balikat lang siya at tumingin sa akin.“Yeah, I know. You already said that exact words before. Noong kakakilala pa lang natin at nasabi ko sa iyo na piloto ako. You seemed suddenly drown in disbelief. I mean, hindi ba talaga ganoon kapani paniwala na piloto ako?” natatawa niya ulit na sambit.Dahil doon ay napatawa na rin maging ako.“Hindi nam
MARIPagkatapos ng magulong tagpo na iyon sa pagitan namin ni SJ ay muli kaming binalot ng katahimikan.Ramdam ko rin kung paanong biglang naging seryoso at bahagya ring tensiyonado ang paligid namin.No one dare to speak. And seconds felt like forever.Hanggang sa napagdesisyunan kong ipunin ang lahat ng natitira kong lakas ng loob. I would risk it to start a fresh, new conversation with him.Iyon nga lang, nang banggitin ko ang pangalan niya ay bigla na rin siyang nagsalita. At kung ako, sinabi ko ang pangalan niya, siya naman ay tinawag ako sa pangalan ko. Literally in unison.Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng awkwardness.“Uhm… May… sasabihin ka?” mahinang tanong ko na lang para kahit papaano ay mabawi ko ang composure.Nagkibit balikat lang siya.“Ikaw? May sasabihin ka rin ba?” balik tanong niya imbis na sagutin ang nauna kong tanong.“Ako ang naunang magtanong. Sagutin mo muna bago ko sabihin ang sagot sa tanong mo.” sabi ko.“What? It doesn’t matter kung sino ang naunang
MARIHindi ko na alam kung gaano katagal na ang lumipas mula nang umalis kami ni SJ sa malawak na bakanteng lote na iyon, at nang makarating kami sa bahay at bumaba ng sasakyan.Basta ang alam ko, namalayan ko na lang ang sarili ko na nasa loob na ng isang malawak na kwarto. Nakaupo sa isang malawak din at malambot na kama, habang banayad na sinusuklay ang may kahabaan kong buhok.I was left alone. Well, not until I heard the opening sound of the door. At nang lingunin ko iyon, nakita ko na ang nagbukas pala niyon ay walang iba kundi si SJ.Nakangiti ito habang naglalakad palapit sa akin.Hindi ko naman maiwasan na pasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. I also can’t help not to notice his obviously strong physique. Wala itong suot na pang itaas. At sa pangbaba nito ay tanging shorts na pambahay lang na umabot sa gitna ng mga hita. May nakasabit pang tuwalya sa leeg niya, mamasa-masa ang bahagyang magulo niyang buhok. Halatang katatapos lang niyang maligo. At ewan ko ba, pero
MARITime really flies so fast. It does.Parang kahapon lang nang magising ako at matagpuan ang sarili ko sa isang puting puting kwarto. Mag isa. Walang maalalang kahit ano, ni maliit na detalye tungkol sa sarili ko. I felt alone. Not until SJ came to me and introduced himself as my… husband. Then her mom, Mama Helena came to me as well. Isang napakabuting babae na walang ginawa kundi ang paulit ulit na iparamdam sa akin na parte ako ng maliit nilang pamilya. The woman who looks at me and takes care of me as if I am her own daughter. Itinuring niya ako at ipinaramdam niya sa akin na hindi ako iba. Na para bang sa kanya rin ako nanggaling at magkakonekta kaming talaga.And now, Ayesha. Three weeks after I got discharged from the hospital at ngayon lang maipapakilala sa akin ang isa pang tao na ayon kay Mama Helena ay malapit din sa akin. She was SJ’s younger sister. Ayon pa kay Mama Helena, noong bago raw ang aksidente ay malapit na malapit kami ni Ayesha sa isa’t isa. Mas mukha pa n
MARI“I can’t do this anymore. If you won’t say the entire truth to her, ako na ang gagawa.”“Oh, really? Baka nakakalimutan mo, ikaw ang dahilan kung bakit siya nasangkot sa aksidenteng iyon.”“Kahit ano pang sabihin mo, that won’t change my mind. At least ako, handa akong panagutan ang mga maling nagawa ko. Unlike you, who did nothing but to hide every truth just to protect your own fvcking interest.”Isang oras na rin ang marahil lumipas pero ang mga narinig kong iyon na pag uusap nina Mama Helena at ni SJ ay hindi pa rin maalis alis sa isip ko.Hindi ko alam kung tamang hinala lang ba ako o… ako talaga ang pinag uusapan nilang dalawa?Hindi ko na rin alam kung ano ang mararamdaman ko. Pero isang bagay lang ang alam ko— hindi ko man gusto ay unti unti nang natatanim sa loob ko ang pagdududa sa mismong asawa ko at sa ina nito.Sa ngayon, naiisip ko na rin tuloy kung totoo nga ba ang mga detalye at impormasyon na sinabi nila sa akin, at kung dapat ko pa bang paniwalaan ang mga iyon.
MARIWala na akong nagawa kundi ang tumigil sa pagpoprotesta at sumuko na lang lalo na nang maramadman kong wala nang saplot ang buo kong katawan.So, yeah, even my underwear, my crazy husband ripped them all just to take them off my body.Pagkatapos noon ay binuhat niya ako tsaka niya tinungo ang banyo na nasa loob lang din ng kwarto. Too bad, we’re at the master’s bedroom.“SJ, ano bang gagawin natin dito—”“Didn’t I tell you never call me by that again, hm, Mari?” putol niya sa akin. He even stressed out my name as if to give emphasis.“I—”“In these times of our relationship, we are not just married couples, you understand? I am the boss here and you have to make me feel like one.”Napakagat labi ako.“What do you mean—”“I hate you calling me by my bare name.”“Eh, anong gusto mong itawag ko sa iyo, ha? Love, honey, sweetheart, sugar plum, baby—”“Baby is for you. That doesn’t suit me… baby.”“Eh, ano pala? Daddy—”“Much better. Now, call me that with expression.”Napakunot noo a
MARIIt was raining. My heart is pounding so fast as if I am in some kind of marathon or just tired of running after someone or something. I was drenched in my own pool of sweat.Napasigaw ako, tsaka bumalikwas ng bangon.Oh, my gosh…Lumingon ako sa paligid at doon ko napagtanto na nandito pa rin ako sa kwarto namin ni SJ. It was only darker. Probably, because it was… night time?Napatingin ako sa alarm clock na nakapatong sa bedside table. It is just one o’clock a.m., says there.Isinubsob ko ang mukha ko sa dalawang palad ko. Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko at doon kusang bumalik sa isip ko ang mga bagay na lumitaw sa panaginip ko kanina.Everything was so random. May lalaki na ang edad ay hindi bababa sa singkuwenta, may babae na ang edad ay hindi rin halos nalalayo sa lalaki, at may isa pang babae na halos kaedad ko lang din. All of those faces and even the whole scenario was blurred. But I can recall myself calling the old man ‘Dad’, the old lady ‘Auntie’, and the girl… sh
MARIFortunately, Dad went home just in time. Pero hindi ko na siya pinababa pa ng sasakyan at sumakay na lang kami ni Nina sa dala niyang sasakyan.We then went straight to the church where SJ organized our wedding.Ipinaliwanag ko na rin kay Daddy ang sitwasyon at nagpaliwanagan na rin kami roon. But little did he know that I have something in store for him.Sa kabila ng mahabang traffic ay nagawa pa rin naming makarating sa lugar na pagdarausan ng kasal.Pagbaba ko pa lang ng sasakyan ay hindi ko na agad maiwasang mamangha. Sa labas pa lang ay halatang halata na na pinaghandaan ang mangyayaring kaganapan ngayon.Napaiyak ako.I immediately run inside the church carrying the flower bouquet we just bought on our way here.Sa gitna ng aisle ay nakita ko ang isang lalaking hindi ko inakalang haharapin ko ulit. Si SJ.Tinawag ko ang pangalan niya, lumingon siya sa akin. And seconds later, we are hugging each other.“D-Dumating ka.” halata ang saya sa boses na saad niya.Tumango ako, umi
MARIOne month later…Pagkatapos ng naging disaster na engagement party ay umuwi na ulit ako sa amin.Of course, I have a lot of explaining to do with dad. Maging kay Aunt Melissa na umuwi na rin pala ng Pilipinas at nasaksihan din ang magulong party na iyon.Dad explained everything to me as well. Noong una, wala sana akong balak makinig but when he said a sentence that felt like a slap, I gave in.“You still didn’t tell me that you are going out with someone. Anak mo ako kaya karapatan ko ring malaman ang mga nangyayari sa iyo.”“That was just dating, anak. Ikaw nga, nagpakasal ka nang wala sinuman sa amin ang nakakaalam. Marriage is not a joke, Mari. Ama mo ako kaya may karapatan din akong malaman kung ano ang mga nangyayari rin sa iyo.”And so as that, we agreed to forgive each other. Iyon nga lang, hindi ko pa rin maiwasan minsan na magtampo sa kanya lalo na kapag naaalala ko na ang babaeng nakarelasyon niya ang siya ring ina ng naging asawa ko. Especially knowing that I treated
MARIDahil sa narinig kong mga sinabi ni SJ sa kausap niya ay mas lalo pa akong nabuhayan ng loob na gantihan siya. And tonight, in this engagement party, mangyayari na lahat ng pinaplano at dati ko pang ini imagine na mangyari.Isang oras bago ang nakatakdang event ay nasa venue na kami. I have to act like I care for everything. Nagkunwari akong chine check ang mga bagay bagay mula sa decorations, pagkain, at kung anu ano pa.Like I’ve said, masquerade ang theme ng party. Sinadya ko iyon nang sa ganoon ay hindi basta bastang magkakila-kilala ang mga taong sadya kong inimbita sa gabing ito. Lalung lalo na ang pamilya ni SJ at si Daddy. Maging sila Riya at Zequiel. Sa oras kasi na makilala ni SJ o ni Helena ang mga taong malapit sa akin na nandito ay malamang na maudlot ang mga nakalatag ko nang plano. Which I don’t want to happen of course.Paikot ikot lang ako sa event place, pretending to inspect every details of our party. Natahimik lang ako at napirmi sa isang lugar nang akayin na
MARIAnd so did we. It was finally happening.I couldn’t contain my happiness as I stared at the white dress that I was supposed to wear later that night. Our engagement night.Ilang oras na lang, mangyayari na lahat ng pinlano ko.People will finally know how cruel SJ and his mom are. Malalaman na rin ng mga ito sa wakas kung gaano kawalang hiya at kawalang awa ang mga ito. They will finally know how I suffered. How they played with me, and how I got involved with this mess just because of them.Sa kalagitnaan ng pagmumuni muni ko ay biglang tumunog ang cell phone ko. Tanda iyon na may tumatawag sa akin.Dali dali kong kinuha iyon para sagutin. It was Riya. Napangiti ako agad.“What’s up? Are you ready for tonight’s fun?” bungad ko agad.I am expecting her to have the same energy as I have. Pero hindi nangyari ang inaasahan kong iyon.“Are you… really sure of ruining this special night of yours? Sigurado ka na ba talaga sa mga gusto mong gawin?” instead, in a worried voice, she said
MARIMatapos naming mamili ng kung anu ano lang ay umuwi na rin kami. Nagluto, kumain, at ngayon ay magkatai na kaming nagpapahinga sa kama.It’s been a long and tiring day, somehow. And as much as I hate to admit it but… having SJ beside me takes a lot of frustration somehow.Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang pakiramdam ko. Basta isa lang ang alam ko at ang paulit ulit na sinasabi ko sa sarili ko tuwing nakakaramdam ako ng ganitong pakiramdam— hayaan na lang at sulitin dahil pagkatapos naman ng plano ko, kapag naisagawa ko na ang paghihiganti ko ay hindi ko na mararanasan ulit ang ganitong kakaibang pakiramdam at pagkalito.“I am so sorry for frantically calling you earlier. I guess, I made myself look like a pathetic paranoid husband who’s afraid to lose his wife.” mahinang saad ni SJ pero sapat na iyon para makarating sa pandinig ko.“No need to be sorry. Naiintindihan ko. In fact, natutuwa nga ako, eh. Looking for me like that is just an indication that you really love m
MARIGaya ng pangako ko kay Riya nang araw na magkita kami ng hindi inaasahan ay nasundan pa nga iyon ng marami pang pagkikita.It’s already been a month, too. At lahat ng pagkikita na ginagawa namin ay palihim. Nasabi ko na rin sa kanya ang lahat ng nangyari maging ang mga nalaman ko. And as expected, she was shocked. Hindi rin daw niya maiwasan na makaramdam ng galit kay Helena at maging kay SJ mismo.And speaking of SJ, I hate him.I hate him not just because of what he did to me. Naiinis na rin ako sa kanya dahil… kahit malalim na ang galit ko sa kanya ay hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng kilig at kasiyahan tuwing may mangyayari o magagawa si SJ para sa akin na sa tingin ko ay genuine naman at hindi bunga lang ng pagkukunwari.“So, you’re saying that you’re already falling for him.” Awtomatiko akong napatingin kay Riya nang marinig ko ang mga sinabi niyang iyon.As I said, matapos ang naging unang pagkikita namin ay nasundan pa iyon ng mga patagong pagkikita. At isa sa mga
MARI Magkasama naming tinunton ni Nina ang daan patungo sa palikuran ng restaurant. Sinabihan ko siya na humanap ng ibang daan na hindi kami masusulyapan o magagawang lapitan ni Riya. I acted as if there is nothing going on. But when I and Nina reached the bathroom, I set off the composure. Especially when Nina said a thing. "You know that woman, don't you? I can see it in your eyes.” Napahilamos ako sa sarili ko at napasabunot din tsaka ako napaupo sa sahig. "She's… She's my best friend. Riya.” pag amin ko. Hindi ko naman na siya kinabakasan ng pagkagulat. Marahil dahil sabi nga niya ay alam niya nang magkakilala kami ni Riya sa unang tingin niya pa lang. "You don't expect to see her here, don't you?” tanong niya ulit. Tumango ako. "Halata nga.” sabi niya na naman. Sinundan niya pa iyon ng mahinang tawa. "If I were you, I'll make a move. Mahirap na dahil habang nandiyan siya, sigurado akong gagawin niya lahat para lang malapitang ka. And her, begging you? I'm sure hindi m
MARIIt is exactly a week after I had that medical test from Nina.Isang linggo na rin mula nang bumalik ang alaala ko. At isang linggo na rin mula nang magkunwari akong amnesiac pa rin sa harapan ni SJ at ng pamilya niya nang sa ganoon ay hindi niya mahalata ang mga pinaplano ko.But as for Riya, hindi pa rin ako nakakapag reach out sa kanya. I am still hesitant at nag iisip pa ako ng posibleng hakbang na hindi makakasira sa mga nakabinbin ko nang plano.By the way, nandito ako ngayon sa labas ng isang high end restaurant. Napag usapan kasi namin nina SJ at Nina na magkita rito. At first, I don’t want to. But after Nina said to me na sasama rin ang mga barkada ni SJ na malamang ay sila ring kasama nito nang gabing narinig ko ang usapan nila, bigla na akong nabuhayan at nagkainteres na sumama. Like, why not nga? Besides, naniniwala ako sa kasabihang “keep your friends close, but keep your enemies closer”.Nasa loob na ng restaurant si SJ at ang mga barkada nito samantalang ako ay nagp
MARI“That I can’t tell you now. Kung mayroon man, I suggest na huwag tayong masyadong mag expect dahil sa ngayon, mas lumiit pa ang tsansa ng pagbalik agad ng memorya niya. And if that would happen which I am hoping too, expect na natin na matatagalan talaga. And we’re not talking about just months in here. Mahaba habang proseso ang kakailanganing pagdaanan ni Mari para roon. And she’ll need a lot of support, of course. Lalung lalo na sa iyo na asawa niya.”Hindi lang iyon ang paulit ulit na ttumatakbo sa isip ko habang naglalakad kami ni SJ pabalik sa sasakyan.Lahat ng sinabi ni Nina kanina, lahat ng iyon ay sabay sabay na bumabalik sa isip ko.“As you can see, hindi na natagal ang examinations na ginawa ko kay Mari. Her case is too common already. Kinailangan ko lang na magtanong sa kanya ng ilang mga katanungan and of course, nag run pa rin ako ng tests para masiguro ang kalagayan niya.”“I know. But what we have to worry is that… sa nangyaring pagkakauntog niya, mas lumala pa an