Tinawagan si Camilla ng kaibigan niya na si Mika ng mga pasado alas singko ng hapon na hindi niya inaasahan na gagawin nito. Naghahanda siya sa kusina ng kanyang kakainin para mamayang dinner. Tumigil muna siya sa hinihiwa niya na karne at dali-daling naghugas ng kanyang mga kamay para sagutin ang tawag ng kaibigan niya. Inunahan na siya ng kaibigan niya na tumawag. Plano na niya na tumawag mamaya ngunit naunahan na siya ng kaibigan niya na si Mika. Wala namang problema 'yon kung naunahan siya. Mabuti nga na tumawag na sa kanya ang kaibigan niya na si Mika para magkausap na silang dalawa sa kabilang linya."Hello, bessie. Kumusta? Kumusta pala ang pagpapakilala sa 'yo ni Hector sa mga magulang niya noong isang gabi, huh?" tanong kaagad ni Mika sa kanya pagkasagot niya sa tawag nito.Lumunok muna si Camilla ng sunod-sunod ng kanyang laway at pagkatapos ay bumuntong-hininga bago sinagot ang katanungan na 'yon ng kaibigan niya na si Mika na naghihintay lang sa kabilang linya ng kanyang
"Kumusta ang pagpapakilala ni Hector sa 'yo sa mga magulang niya, huh?" tanong muli ni Mika sa kanya sa pangalawang pagkakataon. Unang tinanong siya nito sa kabilang linya kanina. Ang pangalawa naman ay ang ngayon kung saan magkaharap na silang dalawa. "Maayos naman ang pagpapakilala niya sa akin sa mga magulang niya, bessie," malumanay na sagot ni Camilla kay Mika bilang sagot niya sa katanungan nito sa kanya. "O, talaga ba, bessie?" paniniguradong tanong ni Mika sa kanya na mabilis naman nga niyang tinanguan bago nagsalita."Oo, bessie. Maayos naman nga ang pagpapakilala niya sa akin sa mga magulang niya," sabi pa ni Camilla sa kanya."Hindi ka ba tinarayan o pinakitaan ng hindi kanais-nais ng mga magulang ni Hector lalo na ang mommy niya, huh?" tanong ni Mika sa kanya. Camilla sighed and replied, "Wala naman silang pinakitang hindi kanais-nais sa akin lalo na ang mommy ni Hector, bessie. Hindi naman ako niya tinarayan kagaya ng inaasahan natin. Kabaliktaran ang nangyari, bessie.
Mahigit tatlong oras na namalagi si Mika sa bahay ng kaibigan niya na si Camilla bago siya umuwi sa kanila. Marami silang dalawa na pinag-usapan, hindi lang tungkol kay Camilla. May alam na nga si Mika kahit papaano tungkol sa nangyaring pagpakilala ni Hector kay Camilla sa mga magulang nito. Hindi nga lang sinabi lahat-lahat ni Camilla ang nangyari sa kanila lalo na ang nangyaring pagse-sex nila ng gabing 'yon kung saan sinurrender niya ang kanyang pagkababae kaya hindi na siya virgin ngayon. Sasabihin naman ni Camilla 'yon kay Mika na kaibigan niya ngunit hindi muna sa ngayon. Hinatid ni Camilla sa labas ng bahay nila ang kaibigan niya na si Mika na niyakap pa nga niya. Saka lang siya pumasok sa loob ng bahay nila nang makaalis na ito. Kanina habang nasa loob ng bahay nila ng papa niya ang kaibigan niya na si Mika ay nagkaroon ng ingay doon ngunit nang mawala ito ay naging tahimik muli ito. Nakaramdam ulit siya ng lungkot pagkapasok niya. Wala naman siyang magagawa kundi ang tangg
Habang nagmamaneho si Hector ng kanyang dalang sasakyan pauwi sa mansion nila ay walang ibang laman ang isipan niya kundi ang sinabing 'yon ni Georgia na girlfriend niya sa kanya tungkol sa nais nitong mangyari na magpakasal na lang sila. Wala siyang pakialam kahit magalit pa ang lahat sa kanila kahit buong mundo pa kung gawin nilang dalawa 'yon ni Hector. Ilang oras din siya doon sa condo unit ni Georgia bago siya nagdesisyon na umuwi. Ayaw sana niyang umuwi sa mansion nila ngunit umuwi pa rin siya dahil magtataka o magdududa ang mga magulang niya kung hindi siya uuwi. Baka isipin pa ng mga magulang niya na may babae siya. Malaman pa nito ang totoo tungkol sa kanilang dalawa ni Georgia.Gusto naman niyang gawin 'yon ngunit ayaw naman niya na suwayin ang mga magulang niya sa nais nito. Ayaw niya na magalit sa kanya ang mga magulang niya kapag hindi niya sinunod ang nais nilang mangyari. Bahala na talaga. Sinundo niya si Camilla sa bahay nito sumunod na araw para sa magiging pag-uus
"Ano ang nakita mo? Full moon ba ngayong gabi na 'to, huh?" malumanay na tanong ni Camilla kay Hector na nagpakawala muna nang malalim na buntong-hininga bago nagsalita sa kanya."Oo. Full moon nga ngayon, Camilla. Kaya bilog na bilog ang buwan ngayong gabi na 'to ay dahil full moon, eh," sabi ni Hector kay Camilla bilang pangungumpirma na full moon nga talaga ngayong gabi na 'to. Nakumpirma na nga niyang full moon talaga dahil chineck na 'yon niya sa phone niya. Para makasigurado pa siya ay tiningnan pa niya sa online. Tumango-tango si Camilla pagkasabi ni Hector na full moon nga talaga ngayong gabi na 'to. "Sinasabi ko na nga, 'di ba? Hindi tayo nagkamali, Hector," sabi ni Camilla sa kanya na nakangiti. Hector smiled at her too. "Ang ganda-ganda talaga ng langit kapag ganitong full moon. Ang liwa-liwanag, 'di ba? Tapos ang sarap pa ng simoy ng hangin." "I know that, Camilla. Kaya dito muna tayong dalawa sa balkonahe habang hindi pa tayo natutulog at umiinom ng wine," malumanay n
Pagkauwi ni Camilla sa bahay nila ay tinawagan kaagad niya ang kanyang kaibigan na si Mika para ipaalam ang tungkol sa magiging kasal nila ni Hector sa susunod na buwan. Hinatid naman nga siya ni Hector sa bahay nila at umalis naman kaagad ito para pumunta kay Max na kaibigan nito. He wants to talked to him. Lahat-lahat na nga sinabi ni Camilla sa kaibigan niya na si Mika ang tungkol sa magiging kasal nila at pag-uusap kagabi kasama ang mga magulang ni Hector. Ang pino-problema lang niya ay ang papa niya. Kailangan nito na dumating sa kasal nilang dalawa ni Hector. Hindi puwedeng hindi sapagkat magtataka ang mga magulang ni Hector kung wala ito. Kahit galit siya o ano dito ay kailangan na magpakita ito sa araw ng kasal nila lalo na sa mga magulang ni Hector na gusto pa naman itong makita. Hector's dad wants to see him too. "You need to be there, bessie," sabi ni Camilla sa kanyang kaibigan sa kabilang linya. "Ikaw ang magiging bridesmaid ko.""Talaga ba, bessie?" paniniguradong tano
Sumunod na araw ay lumabas sina Hector at Georgia para kumain ng dinner. Sa isang exclusive na restaurant sila kumain na dalawa. Hindi sila kumain kung saan-saan na restaurant d'yan dahil mahirap na kung may makakita sa kanila lalo na ang mga magulang niya. Wala silang kaalam-alam na dalawa na may nakakita sa kanila na magkasama na kumakain sa restaurant na 'yon. Isa sa mga kaibigan ng mommy ni Hector na si Agnes ang nakakita sa kanila na kumakain na dalawa. Nagtataka ito pagkakita sa kanila na magkasama. Ang alam kasi nito ay hiwalay na ang dalawa ngunit magkasama pa rin ito. Gustong malaman ni Cassandra na kaibigan ng mommy niya kung bakit magkasama silang dalawa kaya pinadala kaagad nito ang nakunan na larawan sa kanila kay Agnes na ikinabigla nito. Napamura pa nga ito pagkakita ng larawan kung saan magkasamang kumakain ng dinner ang anak niya at si Georgia na ang alam nito ay hiniwalayan na ng anak niya. Pinakita kaagad niya ang larawan na 'yon kay Alejandro na asawa niya. Kaila
Umaga na nga si Hector nakauwi sa mansion nila. Wala naman sa kanyang nakakita na umaga na umuwi kahit ang mga kasambahay nila. Doon siya natulog sa condo unit ni Georgia na girlfriend niya.Hindi naman na siya natulog pagkapasok niya sa loob ng kuwarto niya. Sapat naman ang naging tulog niya, eh. Ang ginawa na lang niya ay tumungo siya sa banyo para maligo. Bumaba naman siya pagkatapos na maligo sa dining room. Tamang-tama ay nandoon na ang mga magulang niya. Sa kanya kaagad natuon ang buong atensiyon nito. Binati naman niya kaagad ang mga magulang niya ng magandang umaga. Sabay silang kumain na tatlo ng breakfast. Tahimik lang sila habang kumakain. Hindi rin masyadong nagsasalita ang mommy niya na si Agnes. Siguro ay nire-reserve niya ang kanyang boses mamaya kapag kinausap na niya ang kanyang anak na si Hector tungkol sa nakita at nalaman nila kagabi."Puwede ba tayong mag-usap mamaya pagkatapos natin na kumain ng breakfast?" tanong ni Agnes sa anak niya na si Hector habang kumaka
Bitin ba ang kuwento na 'to guys? 'Wag po kayong mag-alala dahil may "Book 2" po ito. Puputulin ko muna po dito. Marami pa po ang kailangan kayong abangan. I never thought na magkakaroon ito ng book 2. Akala ko ay matatapos kaagad ang book na 'to ngunit hindi pala. Sana po ay basahin at suportahan n'yo pa rin 'yon. Ang title po ng book 2 ay "Marrying Mr. Billionaire Again." Maraming salamat po talaga sa pagbabasa ng kuwento na 'to. Sana po ay suportahan n'yo pa rin ang ibang mga kuwento ko. 'Wag po sana kayong magsawa sa pagbabasa at pagsuporta sa aking mga kuwento. Salamat po! Ingat po kayong lahat palagi. 💚💜
"Hello, bessie. Kumusta ka ngayon?" pangungumusta ni Mika sa kanya pagkasagot nga niya ng tawag nito.Camilla took a very deep breath before she speaks to her friend."Okay pa naman ako kahit ganoon ang nangyari, bessie," sabi ni Camilla sa kaibigan niya na si Mika. "E, ikaw, bessie? Kumusta ka? Mabuti nakatawag ka ngayong gabi sa akin. Hindi ka na siguro busy.""Okay lang rin naman ako, bessie. Hindi naman ako busy ngayon kaya tinawagan kita. Wala akong ibang iniisip kundi ikaw lang kahit kanina na may trabaho ako kasi nag-aalala ako sa 'yo," sabi ni Camilla sa kanya. "Wala ka namang kailangan na ipag-alala sa akin dahil okay lang ako kahit may pinagdaraanan ako, eh. Okay pa naman ako, bessie. 'Wag mo na akong isipin pa, okay? Maayos naman ako," sabi ni Camilla sa kanya."Kahit na, bessie. Hindi pa rin naman maiwasan na mag-alala ako para sa 'yo dahil kaibigan niya at alam ko kung ano ang nangyari kahapon," sabi ni Mika sa kanya. "Anyway, nasaan ka ngayon? Nand'yan ka ba sa mansion
"Good morning, Hector..." nakangising bati ni Camilla sa asawa niya na si Hector pagkagising nila kinabukasan. Sabay silang nagising kaya. Ngumiti rin sa kanya si Hector pagkabati niya at binati rin siya nito. "Good morning din sa 'yo, Camilla," bati rin ni Hector sa kanya. Nagkatitigan silang dalawa matapos 'yon. Nakaramdam ng pagbilis ng kanyang puso si Camilla matapos 'yon.Hindi muna siya nagsalita. Umiwas siya ng tingin sa asawa niya. Walang nagsalita sa kanila matapos 'yon kaya natahimik ang buong kuwarto nila. Makaraan ang ilang minuto ay dahan-dahan na ibinuka ni Camilla ang kanyang mga labi para magtanong muli kay Hector na asawa niya."May lakad ka ba ngayong araw na 'to, Hector? Aalis ka pa ba ng mansion, huh?" tanong ni Camilla sa asawa niya. Malumanay nga lang ang pagkakatanong niya dito. Hindi muna sumagot si Hector sa kanya. Umiwas muna ito ng tingin sa kanya at muli namang humarap sa kanya para magsalita. Hector needs to speak to her."Sa tingin mo ba ay may lakad p
"Oo, Camilla. Nagkita kaming dalawa ng papa mo kanina. I wasn't expecting that we would see each other but it happened. Maybe it's time for us to see and talk with each kaya kami nagkasalubong kanina nang hindi namin inaasahan," sagot ni Hector sa kanya.Camilla let out a deep sigh and slowly opened her mouth to speak to him again."Syempre nagkita na kayong dalawa, expected na may pinag-usapan kayong dalawa n'yan ni papa, Hector. Ano ba ang pinag-usapan n'yong dalawa, huh?" tanong ni Camilla sa kanya."Marami, Camilla. Marami kaming pinag-usapan kanina ngunit ang isa sa mga sasabihin ko talaga sa 'yo na dapat mong malaman ay...""Ano, Hector? Ano'ng dapat kong malaman, huh?" tanong ni Camilla sa kanya. Hector took a deep breath and said, "Humingi siya ng tawad sa akin sa hindi niya pagbayad ng utang niyang 'yon na fifty million pesos.""Talaga? Ginawa niya 'yon na humingi ng tawad sa 'yo sa hindi niya pagbayad ng utang na fifty million pesos? May pahingi-hingi pa siya ng tawad sa 'y
Tumungo si Hector pagkaalis sa condo unit ni Georgia sa kaibigan niya na si Max na isang tawag lang niya ay handa siyang samahan o makipag-usap sa kanya sa kahit anong bagay. Ang bigat-bigat ng kanyang nararamdaman habang nagmamaneho siya ng kanyang kotse patungo sa kaibigan niya kung saan sila magkikitang dalawa. Sinabi kaagad niya kay Max na kaibigan niya ang nangyaring 'yon na hindi naman nito inaasahan na mangyayari. Hindi siya makapaniwala sa nalaman niyang 'yon.Ang ginawa na lang ni Max ay damayan ang kanyang kaibigan na si Hector. Hindi biro ang pinagdaraanan nito kaya bilang kaibigan ay kailangan niya na damayan ito para gumaan ang pakiramdam nito. Maluha-luha nga si Hector na kaibigan niya habang nagkukuwento ito sa kanya. Naawa siya sa sinapit na 'yon ng kaibigan niya. Wala naman silang magagawa pa. "Hindi ko talaga sila mapapatawad sa ginawa nilang 'yon sa akin lalo na si Georgia, bro. Pinagkatiwalaan ko siya. Binigay ko ang lahat sa kanya. Kahit anong hingiin niya ay bin
Marahas na bumuntong-hininga si Georgia bago nagsalita muli kay Hector na hinihintay ang sasabihin niya. Tumahimik na rin si Andrew. Hinihintay rin niya na magsalita si Georgia ng totoo kay Hector."May relasyon kaming dalawa ni Andrew kaya mo kami nakikita na naghahalikan. Boyfriend ko siya, Hector..." malumanay na pagkakasabi ni Georgia sa harapan ni Hector na kulang na lang ay himatayin sa sinabing 'yon nito sa kanya. Kinumpirma na nga ni Georgia sa kanya ang totoo na may relasyon silang dalawa ni Andrew. Pakiramdam ni Hector ay pinagsakluban siya ng langit at lupa sa nalaman niyang 'yon. He expected that but it was so painful to hear it directly from her. Umawang muli ang mga labi niya at nagsalita, "A-Ano? May relasyon kayong dalawa ng lalaking 'yan? Are you telling me the truth, huh?"Georgia nods her head and said, "Yes, Hector. Wala naman akong choice kundi ang sabihin sa 'yo ang totoo. You caught us already. Wala na akong maisasabi pang iba. Nagsinungaling man nga ako kanin
Naghiwalay na sina Hector at Mariano na ama ng asawa niya na si Camilla matapos nilang magkausap ng mahigit isang oras sa loob ng cafe na 'yon. Nagkaayos na silang dalawa. Actually, wala naman silang away na dalawa para magkaayos sila. Naging malinaw lang sa kanilang dalawa na wala na ang mga nangyaring 'yon na pangungutang ng fifty million pesos. Humingi pa rin naman ng tawad si Mariano sa asawa ng anak niya na si Hector na pinatawad naman kaagad siya. Bumalik na si Hector sa condo unit ni Georgia ngunit laking gulat niya nang maabutan niya sa loob na may kahalikan ito na isang lalaki. Namilog ang mga mata niya sa kanyang nakita at nabitawan niya ang hawak-hawak na binili niya na pinabibili ni Georgia sa kanya. Uminit kaagad ang ulo niya at dali-daling ibinuka ang mga labi para magsalita dito. Napansin siguro ng dalawa ang presensiya ni Hector kaya tumigil ito sa paghahalikan sa may couch. Biglang napatayo si Georgia pagkakita kay Hector. Umawang ang mga labi niya at kinabahan s
May pinabili kay Hector si Georgia sa labas kaya lumabas muna siya sa condo unit nito para bilhin 'yon. Hindi niya inaasahan na makakasalubong niya sa daan ang ama ng asawa niya na si Camilla. Parehas silang dalawa nagulat nang magkasalubong sila. Huli na para umiwas sila sa isa't isa. Dahil nagkita naman na sila ay nag-usap na lang silang dalawa. Niyaya ni Hector si Mariano na ama ng asawa niya sa isang cafe para magkaayos silang dalawa nang maayos. Hapon na rin naman. He texted Georgia that he needs to talk to someone kaya medyo matatagalan siya bago makabalik sa condo unit nito. Wala namang problema raw 'yon kay Georgia. Um-order muna silang dalawa ng makakain nila sa cafe na 'yon. Nakakahiya naman na papasok silang dalawa doon na walang o-order-in kahit isa at basta na lang mag-uusap doon. Nahihiya si Mariano na um-order ng makakain niya ngunit wala naman siyang magagawa pa dahil 'yon ang sinasabi ni Hector. Their orders were served quickly. Magkaharap nga silang dalawa na nakaup
"Bessie, kahit ano'ng gawin mo na paninisi sa papa mo ay wala naman na tayong magagawa pa, 'di ba? Tapos na. Nangyari na. Hindi na natin maibabalik pa ang mga nangyaring 'yon. Hindi na rin niya maitatama pa ang pagkakamaling nagawa niya. Wala na tayong magagawa pa, bessie," sabi ni Mika sa kanya."Alam ko naman 'yon, bessie. Hindi na maibabalik ang lahat at hindi na rin niya maitatama ang maling nagawa niya. Ang sakit-sakit lang talaga na nagawa niya 'yon sa amin. Naglihim siya sa amin kahit noong buhay pa si mama. Kaya pala hindi niya masabi-sabi sa akin kung bakit nagawa niyang mang-utang kay Hector na asawa ko at sabihin kung saan siya namalagi ng isang buwan na hindi magawa-gawa na magpakita o magparamdam sa akin ay dahil nandoon siya sa anak niyang 'yon na may sakit na cancer," sabi ni Camilla kay Mika na kaibigan niya. "Napakawalang hiya talaga ng aking ama dahil nagawa niya 'yon sa amin ng mama ko. Hindi ko talaga siya mapapatawad, bessie. Hindi ko na siya gusto na makita pa ka