"Saan ka nagpunta? Anong oras na."I almost screamed. Halos napahawak ako pa nga ako sa dibdib ko nang makita si Sandara sa harap ko. May nakalagay sa mukha niya at para siyang ewan ngayon dahil kaunting ilaw lang ang nagbibigay liwanag sa sala.Para siyang multo."Bakit ka ba nanggugulat!" Nakasimangot na sambit ko.Hinawakan nito ang mukha. "Saan ka nga nagpunta?" Tanong ulit nito bago lumapit sa may switch ng ilaw."Diyan lang," sambit ko habang nag-iiwas nang tingin."Fine. If you don't want to say anything, it's okay." She said, so I looked at her. She sat on the couch and turned on the TV. Mukhang wala pa itong planong matulog.Bumuntong hininga ako. Lumapit ako sa kanya. Naupo ako sa tabi niya at niyakap siya. Kahit hindi ko tanungin at kahit sabihin niya na ayos lang, alam kung gusto niyang malaman. Alam ko na nag-aalala siya sa'kin kaya gusto niyang malaman.She's my bestfriend. Sinasabi ko lahat sa kanya, pero ngayon, napagtanto ko na hindi na ako nagsasabi sa kanya. Okupad
Kinabukasan ay inaantok ako. Kahit anong pilit kong matulog ay hindi ko magawa kagabi. PPar tuloy ako ngayong lantang gulay.Busy ako sa paghalungkat ng bag ko nang masulyapan ko ang pamilyar na kotse. Umawang ang labi ko nang makita si Miguel na palabas doon."Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko."Hatid na kita? Nalaman ko kay Sandara na mag co-commute ka ngayon," sambit nito.Sandara!Bumuntong hininga ako. "Miguel, kaya ko naman mag commute, at baka kung anong isipin nang mga nakakakilala sayo at ng kapatid ko-----" "Zari," natigilan ako nang marinig ang boses ni Sebastian. Sabay pa kaming napasulyap ni Miguel sa kanya.Napapikit ako. "Haist! Tara na nga," sambit ko kay Miguel at hinila na ang kamay niya. Mabilis ang lakad ko habang hila hila siya papunta sa sasakyan niya.Pagkasakay namin ay ramdam ko ang titig niya. "Don't look at me like that." "At least hindi lang pala ako ang iniiwasan mo," rinig kong sambit niya.Gusto kong magsalita at sabihing hindi ko siya iniiwasan, per
"Wait! Tatapusin ko lang 'to!" Malakas na sambit ko kila Danica. Napag-usapan kasi namin na sabay sabay kami kakain ngayon ng lunch. Pinag halfday kami ngayon ni Ms. Zoler dahil mabilis na naaprobahan ang designed na pinasa ko sa Sarmiento Company.Ang sabi ni Sebastian kahapon ay sasabihin pa siya ang iba, pero kanina ay may email na ang secretary ni Sebastian kay Ms. Zoler at pinakita kung anong designed ang napili.Napatayo ako nang matuwid at pinatay ang computer sa harap ko. Nang mapatay ay kinuha ko na ang mga gamit ko at sumunod na sa kanila. Sa malapit na restaurant lang kami kakain dahil may gagawin pa raw ang iba."Ang gwapo pala ng CEO ng Sarmiento Company no?"Halos maubo ako ng marinig iyon sa isa sa mga kasamahan namin. Buti na lang at walang nakapansin. Napanguso ako at ibinaba ang hawak na inumin. Sa lahat naman ng pwedeng pag-usapan ay iyon pa."May picture na siya sa internet. Ano kayang nangyare. Sa pagkakaalam ng marami ay mailap ang CEO ng Sarmiento Company, kaya
"Let's go," sambit ng taong nasa harap ko. Napasulyap ako kay Sebastian at tinaasan siya ng kilay. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Ano 'yun? Bakit-" "Kasama mo na nga siya sa condo noong tumawag ako, pati ba naman kanina? Bilang asawa mo, that's insulting. What if your dad saw you? You are cheating on me," umiigting ang pangang sambit niya. Cheating? Talaga lang ah! "What are you talking about?" Tanong ko kahit na alam ko naman ang tinitukoy nito. Akala niya kasama ko si Miguel kagabi. Sa tingin ba talaga niya ay nagbalikan kami ni Miguel? Naniniwala ba talaga siya doon? "I'm jealous! Oo at nagmumukha akong kabit dahil sa arrangement natin, kahit na alam kong may boyfriend ka, but can you please give me some of your time? I want to be with you. I fucking miss you!" Jealous? Sa tingin ba niya maniniwala ako? Kahit mag tatambling siya diyan hindi ako maniniwalang nagseselos siya. "Ano ban-- Hoy! Ano ba!" Mabilis nitong hinawakan ang palapulsuan ko at pinatayo. Hinila niya a
"Let's go to the pool." Daddy said. He turned around and started walking, but he stopped and faced Sebastian and me. "Nakalimutan ko. Mauna na kayo roon and I'll just get some wine." Daddy said while smiling.Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita kong inaakto ni Daddy. This is not him. Never niya akong inasikaso nang ganito. Never siyang ngumiti sa harap ko. Tuwing kasama ko siya at kaharap ay seryoso lamang siya, na para bang ang kaharap niya ay hindi niya anak.Para saan ang ngiti na 'yun?Nandito kami? Bakit? Para sa family dinner? Noon nga kahit may family dinner sila hindi nila ako sinasama. When Daddy turned around, I quickly pulled Sebastian towards the pool, hoping to tell him to think of an excuse to get out of there, but I was stunned when I saw who was waiting there."Miguel? Anong ginagawa mo rito?" Taka kung tanong at nabitawan ang kamay ni Sebastian."I invite him? Bawal?" Si Trixie habang nakahalukipkip. Nilagpasan niya kami ni Sebastian at naupo sa tabi ni Miguel.
"Tell your Mom and Dad na lumabas naman tayo bilang pamilya sa susunod, Iho." Panimula ni Daddy nang tuluyan na niyang mabuksan ang wine."Don't worry, Papa. Sasabihan ko sila."sagot naman ni Sebastian."Sige at balitaan mo ako." Si Daddy habang nakangiti."Sayang nga at hindi ka nakapunta sa kasal namin ng anak mo, Pa. Wala man lang sa inyo ang nakapunta sa pinaka importanteng araw ni Zariah."Hindi ko alam kong ako lang ba? Rinig ko ang diin sa boses niya nang sabihin niya iyon."Oh, I'm sorry, Iho. We were only doing some really important things at the time, and I know Zariah understands why we aren't at her wedding, right, Zari? Alam kong naiintindihan mo, anak." Daddy said as he poured wine into his glass.Anak. Ilan taon na ba ako? This is the first time he called me anak. Kung pwede lang humalakhak ay humalakhak na ako. Hindi ako sumagot at alam ko na mas gugustuhin iyon ni daddy, ang huwag akong sumagot.Tumango tango si Sebastian. Napanguso ako. Ang tanging magagawa ko lang a
Para akong binagsakan ng langit at lupa sa narinig ko mula sa mismong ama ko. "Dad!" Sigaw ko na para bang kapag sinigawan ko siya ay magbabago ang isip niya. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Paano niya nasasabi iyon? "Si Trixie ang magmamana ng lahat ng ari-arian ko. Walang makukuha ni piso si Zariah. Mag-isip ka, Iho. Make Trixie as your wife and make her happy-" Make her happy. Nangilid ang luha sa mata ko. This js bullshit! Iniisip nanaman niya ang paborito niyang anak! "Dad, ano ba! Why are you always like this? I am also your daughter! Ilang ulit kong pinapaalala sayo na anak mo rin ako at hindi lang si Trixie ang anak mo!" Bulyaw ko. Wala na akong pake kong mas magalit pa siya sa pagsabat ko. Hindi lang ako makapaniwala sa sinabi niya. "Kung papayag ako, anong makukuha ko?" Mas lalo akong nanghina sa tanong ni Sebastian kay Daddy. "Nababaliw ka na ba? Anong klaseng tanong yan!" Sigaw ko kay Sebastian. Inis kong tinanggal ang hawak niya sa kamay ko. Tumayo ako at
"Kukunin ko ang kotse ko," sambit ko kay Sebastian dahil hawak hawak niya pa rin ang kamay ko papalapit sa kotse niya.Sumulyap siya sa'kin. "Huwag na. Sabay ka na sa'kin. Kapag wala kang masakyan at kailangan mo ng sasakyan, you can always call me," sambit nito."Nag-aapply ka ba bilang driver ko? Kung oo ay wala akong maisusweldo sayo. Just like what my dad said, wala ako ni pisong makukuha sa kanya. Hindi kasya ang sahod ko para isahod sayo." Sunod-sunod kong sambit."Come on, Zari-""Kukunin ko ang kotse ko. Mauna ka na at magkita na lang tayo sa condo mo," sambit ko at tinalikuran siya.Dahil nandito sa parking lot ang kotse niya ay malapit lang ang nakastock na kotse ko. Buti na lang at hindi ko nilalagay sa kwarto ko ang susi, kung nasa kwarto ay papasok pa ako at pupunta sa kwarto at dahil ayaw ko nang bumalik sa loob, ang ending hindi ko ulit makukuha ang kotse ko.Lumapit ako sa malaking paso ng halaman at binuhat. Dahil mabigat ay hindi ko gaanong nabuhat. Napanguso na lang
"Mr. Fuente, thank you for coming. Zariah will be happy because you are here," I said to Mr. Fuente and sat next to him.Sinabi nito na hindi siya pupunta, pero nandito siya ngayon. Tinapik nito ang balikat ko."Sana lang ay masaya ito na nandito ako," sambit nito.Busy ang iba sa pag-aayos pa ng kailangang ayusin. This place is a perfect place to marry her again. Hindi na ako makapaghintay."Huwag mong sasaktan ang anak ko. Buong buhay niya ay nagkulang ako bilang ama niya. Gusto ko na ngayon ay maging masaya siya," sambit nito.Natahimik ako at pumasok sa isip ko ang sinabi ni Papa kanina. Nakita raw ni Papa si Mr. Fuente noong kinasal kami sa tabing dagat ni Zariah. Hindi ito sigurado kong siya nga iyon kaya hindi niya nasabi agad, kaya ngayon gusto kong tanong 'yun. "Noong kasal namin sa tabing dagat, pumunta ka po ba? My dad saw you," ani ko. Ramdam ko ang pagkatigil niya."Gusto kong dumalo, pero nauunahan ako nang hiya kay Zariah. I hurt my daughter many times. Hindi ko deserv
Sebastian's POV"What? Can you repeat what you said, Sebastian!" Mula sa gilid ni Papa ay dumungay si Mama.I called Papa through video call to say that I wanted to marry Zariah. I am alone here in my room because she still prefers to sleep in the guest room. Kanina pa ako tingin ng tingin sa pinto ko na baka magbago ang isip niya at matulog ngayon dito sa tabi ko. Sinabi ko naman sa kanya na hindi ko ila-lock ang pinto, pero wala ata siguro siyang balak.When she showed me the marriage certificate, I went straight to the house to ask my dad and get the mayor's number. I'll call and ask the mayor that night, and there I'll learn what really happened."Ma, can you all come here tomorrow? Can you help me surprise my wife?" Umayos ng upo si mama nang marinig iyon. Iniharap pa niyang mabuti ang camera sa kanya."Surprise? Can kind of surpris--""I want to marry her again in the hidden garden." Ang hidden garden kung nasaan ang treehouse na pinuntahan namin ni Zariah ay binili noon ni lol
I sat next to Trixie and handed her the jacket I was holding. It's cold here, especially tonight, and she didn't bring a jacket. I had extra, so I gave it to her."Salamat," sambit nito at kinuha ang jacket na iniaabot ko. Nang masuot niya ito ay muli siyang tumitig sa dagat.Nagpaiwan kami rito nila Sebastian. Sila Mama Lani kasama sila engineer ay umuwi sa bahay dahil kukulangin talaga kami ng tutulugan kapag nanatili kaming lahat dito.Ako, si Sebastian, Miguel at Trixie lang ang naiwan dito ngayon."I still can't believe that this day will come. I'll hear you say thank you and we'll be able to talk like this," I couldn't help but say that. I was smiling and just staring at the sea."Nag-uusap naman tayo noong mga bata tayo," sambit nito.Tumawa ako. "Bata pa tayo non, pero bigla kang nagsungit na lang bigla," sambit ko."Kasi naiinggit ako sayo," sambit nito na ikinatigil ko, sumulyap ako sa kanya. Seryoso lang ito habang nakatitig sa harapan niya."Ako dapat yung naiinggit sa'tin
"Hintayin mo ako," sambit ni Sebastian nang mas nauna akong sumulong sa dagat.Hindi ko siya pinansin at nagsimula nang lumangoy. Subrang linaw ng tubig. Kahit walang suot na goggles ay nakikita ko ng malinaw ang ilalim ng dagat. Ilang buwan akong namalagi rito, pero hindi pa rin ako nagsasawa sa ganda nitong lugar.Lagpas na sa ulo ang tubig nang umahon ako. I immediately looked around to look for Sebastian, but I couldn't find where he was.. Kanina lang ay nasa likod ko ito. Nang sulyapan ko sila Engineer ay abala sila. Medyo malayo sila sa'min dahil mas gusto ko nang malayo sa kanila. Kilala ko si Sebastian, mahilig mag PDA 'yun.Kung makapal ang mukha niya at walang pake sa sasabihin ng iba, ako hindi. "Ahh!" Sigaw ko nang may humawak sa paa ko. Mabilis ang kilos ko na lumangoy palayo roon, pero mas mabilis ang kamay na humawak sa bewang ko."Relax, Baby. It's me," sambit ni Sebastian. Dumako agad ang masamang titig ko sa kanya. Inihilamos ko ang palad ko sa mukha ko para matan
I am busy arranging our food on the table. Nasa tabing dagat na kami. Si Danica ay busy sa pagkuha ng letrato kaya hinayaan ko na. Kanina pa ito namamangha rito. Hindi na ako nagulat, subrang linis ng tubig dagat at ang buhangin ah subrang puti at maninipis.Natigilan lang ako sa ginagawa nang may tumayo sa tabi ko."Engineer? Architect? May kailangan kayo?" Tanong ko kila Engineer nang makita ko silang nakatayo sa tabi ko na animo'y may gustong sabihinNasa loob ng bahay pa si Sebastian. Sinabi ko kasi na maglabas siya ng mga upuan. "I'm sorry. Naging insensitive kami," paunang sabi ni Engineer."Don't mind that, Engineer. Kasalanan ko rin naman at hindi ko pinaalam sa inyo. Ayos na 'yun. Kalimutan niyo na," sambit ko sabay ngiti. Binalik ko ang tingin sa inaayos na mga pagkain."I'm sorry talaga. Please. Can you tell Sir Sebastian na huwag akong tanggalin sa trabaho? I'm the breadwinner of my family, kailangan ko ang trabahong 'to," pagmamakaawa ni Architect. Muli ay napasulyap ako
"I just can't get it. We all know that Sir Sebastian and Miss Sandara have something, pero bakit noong umalis si Miss Sandara ay naging malapit 'yung dalawa?" Natigilan ako sa pagkatok nang marinig iyon galing sa loob.Nakagat ko ang labi ko. Tatawagin ko sana sila kasi aalis na kami para pumunta sa pupuntahan namin, kailangan pa namin pumunta sa site para sa picture. Hindi ko alam kung tutuloy ba ako sa pagkatok o hindi pagkatapos kong marinig 'yun."Hindi pa ba malinaw? Sir Sebastian is a cheater, and Miss Sandara is a kind of you know... ahas. Balita ko nga ay mag bestfriend pa sila ni Miss Sandara."Sa ibang pagkakataon ay kaya kong ipagtanggol ang sarili ko, pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang ipagtanggol ngayon ang sarili. "Haist! Naiinis na talaga ako sa kanila. May pinag-aralan nga, pero kung makapag chismiss wagas." Gulat akong napasulyap kay Danica. Nakasandal ito sa kwarto na tinutulugan niya. Mag-isa na lang roon si Danica dahil ang isa sa Engineer ay umuwi da
"Galit ka?" Tanong ko nang hindi pa rin niya ako kinakausap. Malapit na kami sa site, pero hindi pa rin ito nagsasalita. "I'm not," sambit nito gamit ang seryosong boses. I'm not daw, pero wala man lang itong ka rea-reaksyon. Blanco lang ang titig nito habang nag dadrive."Galit ka nga," sambit ko sa kanya at napasimangot."I'm not," sambit niya ulit."You are," mabilis ulit na sambit ko."I'm not, Zariah," sambit pa nito."Stop the car," seryosong sambit ko. Doon na siya napasulyap sa'kin. Naging malambot ang tingin niya nang makita ang seryoso kong tingin sa kanya."Hindi nga ako galit," sambit niya ulit.Inirapan ko siya. "I said, stop the car, Sebastian," sambit ko. He sighs and stops the car, just like I said."Hindi talaga ako gali--" Mabilis ko siyang hinalikan."You are," nakasimangot na sambit ko pagkatapos ng isang halik.He bit his lower lip and stared at my lips. "Yes, baby. Galit nga ako," sambit nito at tinanggal ang seatbelt niya. Pagkatanggal na pagkatanggal niya ay h
:Sandara, naman," sambit ko.Alam ko kasi na hindi pa dapat ito uuwi, pero kinabukasan ay sinabi na niya na uuwi na siya. Inaayos nito ang buhok at nakaharap sa salamin. Humarap ito sa'kin."Wala naman akong gagawin rito, Zari. Beside, I'm not part of this project," sambit nito."Per-" When she took my hand in hers, I was taken aback. She locked her gaze on my ring finger, which held both my wedding ring and the engagement ring Sebastian had given me.She smiled as she examined my ring. I slowly took her hand in mine and tucked it behind my back. I bit my lower lip. Hindi ko matagalan ang tignan siya. "I'm sorry. I just love him," mahinang sambit ko, hindi ako makatingin sa kanya. Hindi ko siya magawang tignan sa mata dahil alam ko nasasaktan ko siya."Don't be sorry. If you love him, then it's a nice thing. Kasal kayo. Asawa ka niya. I'm happy for the both of you. Yes, I'm inlove with Sebastian and to be honest I am really hurting right now, but I'm not lying when I say that I'm rea
Zariah's POV"Kailan nagsimula na nagustuhan mo si Sebastian?" Wala sa sarili kong tanong sa kanya.Natapos na niyang gamutin ang mga sugat ko at mabuti na lang at walang naiwan na bubog. We are just both silent while still sitting here.Akala ko ay hindi niya sasagutin, pero mali ako."I don't know, but maybe when I saw that he really cares about you. One day, I said to myself, I want to feel that. I want to feel his care and thoughtfulness towards you, and when you said that you don't have feelings for him, I'm determined to get his attention," sambit nito habang tulala.Hindi ako nagsalita at napatitig na lang sa paa ko. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko pagkatapos kong marinig iyon mula sa kanya. Muling namayani ang katahimikan."Ngayon malinaw na sa'kin ang lahat. You really avoid me. Akala ko guni-guni ko lang 'yun at sadyang busy ka lang sa trabaho mo," sa pagkakataong iyon ay siya ang pumutol sa katahimikan."I'm sorry," sambit ko.Tumingin ito sa'kin at sumimangot. "Do