Share

11. Courting.

Author: NetsNoona
last update Last Updated: 2021-08-03 23:47:12

Pero dun nagkakamali si Skyler.

"Welcome Ma'am and Sir!"-ngiting bati ni Skyler sa mga bagong dating na costumers pero nawala din ang ngiti nya sa mga labi at nanigas sa kinatatayuan ng makita nya kung sino yung isa sa mga pumasok sa Samgyupsal shop na pinag pa-part time job nya. Walang iba kundi si Scott at may mga kasama pa ito na hula nya ay mga kaklase nito.

"Teka... Tama ba yung nakikita ko o malabo na ang mga mata ko? Si Scott Dela Vega yung kakapasok lang na costumer diba?"-rinig ni Skyler sa katabi nya sa counter na si Kurt. Hindi makapaniwala na isang sikat na model at sobrang mayaman na tao ang magiging costumer nila ngayong gabi.

Naalala bigla ni Skyler na hindi pa alam ni Kurt ang nangyari sakanya kaninang umaga dahil wala itong klase. Sa malamang kapag nalaman na ni Kurt ang pagkalat ni Scott na fiance daw sya nito ay baka asarin din sya ng bestfriend nya. Mas malakas pa naman mang-asar si Kurt kaysa kay Lester.<

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Marry Me, Skyler Perez. [ BL | Tagalog ]   12. Angry Morning.

    Pabalibag na sinara ni Scott ang pintuan ng condo na pagmamay-ari nya at kung saan eto ang hangout place nila ni PJ. Ang dahilan kung bakit sya bumili ng condo ay para kapag gusto nya mapag-isa ay pupunta lang sya dito o kaya kapag napag tripan nila mag party sila ng kanyang Bestfriend ay dito ginaganap."Ano ba yun Scott? Ginulat mo ko!"-gulat na gulat na sabi ni PJ na nakaupo sa sofa at may babae pa itong kasama. Walang emosyon na tumingin si Scott sa babaeng kasama ni PJ."Get out."-utos ni Scott sa babaeng kasama ni PJ. Nagulat naman yung babae sa biglaang pagpapaalis nya dito."Hey, Scott she's my visitor. Hindi naman pwede na paalisin mo lang basta kung sino man ang bisita ko."-kunot noong saway sakanya ni PJ. Napahimas na lang si Scott sakanyang mukha at mataman na tumingin sa bestfriend nya."Really? Then get out here too. Hindi mo ba natatandaan na ako ang may-ari ng condo na to?"

    Last Updated : 2021-08-05
  • Marry Me, Skyler Perez. [ BL | Tagalog ]   Author Notice.

    Hello guys! I'm NetsNoona~ Gusto ko lang mag pasalamat sa pag support nyo sa story ko. ^_^ And I just wanna know kung anong masasabi nyo about sa flow ng kwento? Hindi ako sure kung nagandahan ba kayo o panget ba? Help me please~ T_T Lol. I'm really new sa pag sulat ng BoyLove story kaya naman nangangapa pa ako. Btw, Sana mahalin nyo pa lalo si Skyler and Scott. Hindi pa tayo nakakalayo sa story nila pero nag iisip na ako kung ano pwede nilang couple name. Hahaha! I hope one day makaisip ako. Again thank you! Stay safe lagi everyone~ -NetsNoona.

    Last Updated : 2021-08-05
  • Marry Me, Skyler Perez. [ BL | Tagalog ]   13. Flowers & Chocolate.

    Humihikab na lumabas si Skyler sa building ng tinitirahan nyang dorm. Napuyat kasi kagabi si Skyler dahil inumpisahan nya ng gawin ang final project nya. Ang ginawa lang naman nya ay plinano kung anong mga tela ang kakailanganin nya. Saka wala pa syang makinang pantahi para mag umpisa sakanyang project. Ang plano din ni Skyler baka sa bahay nila Kurt nya gawin ang project nya dahil may sariling makina ang Nanay ni Kurt na si Mrs.Katrina. Kung bibili kasi sya ng sariling makina ay hindi kakasya sa dorm at sa malamang makakaistorbo pa sya ng mga ka dormmate nya kapag dun sya gumawa. Nung nakaraang araw naman ay nag paalam sya kay Mrs. Katrina na kung pwede makigamit ng makina nito. Pumayag naman si Mrs. Katrina at sinabi pa nito sakanya na gamitin nya lang kahit kailan nya gusto. Na sobrang pinasasalamatan ni Skyler swerte talaga sya sa kaibigan. At ngayon ay papasok sya dahil may morning class sya sa T University. Kahit minsan ay sumusuko

    Last Updated : 2021-08-06
  • Marry Me, Skyler Perez. [ BL | Tagalog ]   14. Wet Locker.

    | Scott's Condo | 10:20 AM | Mahigpit na hinawakan ni Scott ang baso na hawak nya at napatigil sa pag inom ng tubig. Kakabalik nya lang galing sa T University kung saan sinundo nya si Skyler at naalala nanaman nya ang ginawa nito sakanya. Ang lakas ng loob nitong ibigay kung kanino lang ang pinaghirapan nya kaninang umaga lang. Kahit na bad mood pa sya simula kanina dahil sa pag-aaway nila ng kanyang Ama ay talagang ginawa nya pa rin ang pangungulit kay Skyler. Inorder nya pa talaga galing Italy yung chocolate na nasa sampung libo pa ang presyo wala naman ng pakielam si Scott dun dahil barya lang naman sakanya yung sampung libong piso saka pumunta pa sya sa flower shop ng Auntie nya para lang bumili ng bulaklak para kay Skyler. Na hot seat pa nga sya ng kanyang Auntie kung kanino daw ba nya ibibigay yung mga bulaklak. Syempre sinagot ni Scott ay para sa nililigawan nya na di naman makapaniwala ang kanyang Auntie na isang

    Last Updated : 2021-08-09
  • Marry Me, Skyler Perez. [ BL | Tagalog ]   15. Date him.

    Nandito ngayon si Skyler sa extra room ng kanilang Department nakiusap pa sya sakanilang President na kung pwedeng makihiram muna ng kwartong walang tao at saka hair blower na din para patuyuin isa-isa ang mga kawawa nyang libro.At buti na lang mabait ang kanilang President at agad naman na pinahiram ng extra na room si Skyler na sobrang pinapasalamat nya.Ang nakakalungkot lang ay hindi sya nakapasok sa klase nila kanina dahil sa nangyari sakanya. Gusto pa nga syang tulungan ni Lester pero hindi sya pumayag dahil pati ito ay madadamay pa sa pag absent nya kaya inutos na lang ni Skyler kay Lester na ipagpaalam na lang sya nito sakanilang Professor at wala ng nagawa si Lester kundi sundin na lang ang gusto nya.Sobrang bad trip na bad trip na si Skyler ng dahil kasi sa Scott na yun ay na bu-bully na sya.Gigil na nilipat nya sa next page ang lahat ng libro nya at tinapat ang hawak nyang blower. Kanina pa asar na asar si Skyler dahil sinisisi nya lang naman si Sco

    Last Updated : 2021-09-10
  • Marry Me, Skyler Perez. [ BL | Tagalog ]   16. Danger.

    "Date him!""Date him!"Tuloy pa rin ang sigawan ng mga estudyante sakanilang paligid. Hindi makabuo ng sasabihin si Skyler. Sa totoo lang ay sobrang nahihiya na sya nakikita nya pa na maraming kumukuha ng litrato at videos sakanila ni Scott."Please, Skyler?"-bumalik ang atensyon ni Skyler kay Scott na kanina pa naghihintay ng kanyang sagot."Sorry pero ayoko."-sa wakas ay nakakuha ng nang lakas si Skyler para makasagot. Nakita naman ni Skyler ang paglungkot sa mga mata ni Scott.Sa hindi naman malamang dahilan bigla syang nakaramdam ng awa dito.Teka...Sya makakaramdam ng awa kay Scott?!Impossible.Pero hindi pwedeng mag padala si Skyler sa paawa effect nito ni Scott."Sorry."-madaling paghingi ulit ni Skyler ng sorry

    Last Updated : 2021-09-11
  • Marry Me, Skyler Perez. [ BL | Tagalog ]   17. The Mafia Boss.

    "Bakit nyo sya sinuntok ha? Inutos ko ba sainyo na saktan nyo sya? Diba hindi?" "Kinagat nya kasi ako Boss kaya hindi ko sinasadyang masuntok sya." "Paguntugin ko kaya ang mga ulo nyo ano?" "Sorry Boss, Di na po mauulit." Nagising si Skyler sa ingay na naririnig nya. Unti-unting dumilat ang kanyang mga mata. Agad din syang napapikit ng masilaw sya sa liwanag na nanggaling sa kisame. Nasa langit na ba sya? Napadaing si Skyler ng maramdaman nya ang kirot sa sikmura nya. Bigla nyang naalala yung dalawang malalaking lalaki na humabol sakanya kanina tapos bigla syang sinuntok sa tyan nung isa sa mga lalaki.

    Last Updated : 2021-09-12
  • Marry Me, Skyler Perez. [ BL | Tagalog ]   18. Substitute.

    "Nasaan na ba yung Skyler na yun?"-takang tanong ni Kurt sakanyang sarili. Anong oras na kasi at wala pa ito. Lalong nagtataka si Kurt dahil ni minsan hindi naman nale-late si Skyler. Ngayon lang kung sakaling pumasok ito ngayon.Minsan nga nauuna pa si Skyler pumasok sakanya sa trabaho.Tinext at tinawagan nya na rin si Skyler pero hindi naman ito sumasagot. Medyo nakaramdam na ng kaba si Kurt para kay Skyler baka kung ano na kasi mangyari dun ng di nya alam."Hi."Umangat ang tingin ni Kurt ng may magsalita sa harapan nya."Hindi pa po kami bukas Sir. Pwede po muna kayo mag hintay sa waiting area."-ngiting sabi ni Kurt sa lalaking dumating."Sorry. Pero di ako costumer."-sabi nung lalaki na ikinakunot ng noo ni Kurt. Bigla tuloy may sumulpot na tanong sa isip ni Kurt. Ang alam ni Kurt wala pang buk

    Last Updated : 2021-09-13

Latest chapter

  • Marry Me, Skyler Perez. [ BL | Tagalog ]   29. The Start.

    KINABUKASANMagaling na agad si Skyler. Sinunod lang ni Skyler lahat nung bilin sakanya ni Scott dahil nga ayon kay Scott ayun ang sinabi nung Private Doctor nito.Ngayon ay nakauwi na si Skyler sakanyang dorm. Buti nga at matinong kausap si Scott dahil hinatid lang sya nito sa dorm nya at umalis din agad eto. Lihim naman na pinasalamatan ni Skyler na hindi sya kinulit o pinagtripan pa ni Scott.Hula ni Skyler ay dahil iniisip ni Scott na may sakit pa sya kaya hindi sya nito kinulit pa.*Bzzt... Bzzt...*Nagulat si Skyler dahil sa malakas na pag vibrate nung cellphone sa bulsa ng kanyang suot na pants.Kinuha nya yung brand new cellphone na binigay sakanya ni Scott. Hanggang ngayon nga parang panaginip lang kay Skyler yung pag bigay sakanya ni Scott nung mamahaling cellphone.Hindi maimagine ni Skyler na dadating pala yung panahon na magkakaroon sya ng isang cellphone na akala nya hanggang pangarap nya na lang mahahawakan.Binuksan nya yung cellphone at may nag text sakanya.My Hubby:

  • Marry Me, Skyler Perez. [ BL | Tagalog ]   28. Speed Dial One.

    Scott's Condo | 3:00 PMNatapos na kumain si Skyler at nakainom na rin sya ng gamot.Tinignan ni Skyler yung dextrose bag na nasa tabi nya. Malapit na rin etong maubos.Medyo okay-okay na rin ang pakeramdam nya. Lalo na nakakain na at nakabawi na sya ng tulog."Tinawagan ko na yung papalit sayo sa shift mo."- lumingon si Skyler sa kakapasok lang na Scott sa kwarto nito.Oo nga pala, Tama nga ang hula ni Skyler na bestfriend na naman ni Scott ang ipapalit sa shift nya. Sabi yun ni Scott sakanya bago eto lumabas sa kwarto nito kanina. Pipigilan sana nya si Scott pero nanghihina pa din si Skyler."Hindi mo na dapat ginawa yun. Pwede naman ako magpaalam na may sakit ako ngayon. Maiintindihan naman siguro yun ni Boss Kim."- saka sobrang nahihiya na rin si Skyler sa bestfriend nito ni Scott. Hindi pa nga nakikita at nakikilala ng personal ni Skyler ang bestfriend ni Scott pero ang dami na nitong naitulong sakanya."Hayaan mo yun. Para naman paminsan-minsan may magawang mabuti ang mokong na

  • Marry Me, Skyler Perez. [ BL | Tagalog ]   27.Saturday.

    "Cheers!"Masayang nakipag cheers si PJ sa mga kababaihan na nakilala nya sa T University.Kung ano man ang pinasasalamatan ni PJ sa pag enroll sakanya sa T University ng kanyang Bestfriend na si Scott ay iyon ay marami syang nakikilalang iba't-ibang klase ng mga babae sa University.Party sa umaga.Party sa gabi.Ganito lagi ang ganap ni PJ tuwing may klase sya sa Campus. Hindi naman na kailangan ni PJ magpanggap na masipag na estudyante. Ang dahilan lang naman kung bakit sya pumapasok ay dahil sa may sayad nyang bestfriend.Saka ayos na rin para kay PJ ang set up nya ngayon at least nalalayo sya sa pag aasikaso ng kanilang Company.Ayun nga lang wag syang magpapahuli sa Tatay nya na nagbubulakbol lang sya. Kundi baka pabalikin sya sa Company nila."Hi, PJ~"- tawag nung isang sexy na babaeng dumaan sa harapan nya. Malagkit na mga tingin ang pinupukol nito sakanya. Lumaki ang ngisi sa mga labi ni PJ.Iba talaga charisma nya sa mga babae.Parang mga magnet ito kung lumapit sakanya.Wel

  • Marry Me, Skyler Perez. [ BL | Tagalog ]   26. Care.

    "Kamusta na sya?"- tanong ni Scott sa private at family doctor ng mga Dela Vega. Nung nahimatay si Skyler ay nagmamadali nya agad etong binuhat at dinala sa condo nya.Hindi na naisip ni Scott na dalhin si Skyler sa hospital o clinic ng campus. Basta nag desisyon syang dalhin si Skyler sa condo nya.Pinapunta ni Scott ang private doctor na si Doctor Chad Rodriguez. Matagal na etong Family Doctor nila kaya naman si Doc.Chad ang naisip ni Scott na tawagan para tulungan si Skyler."Kailangan nya mag pahinga Mr. Dela Vega. Nakita ko rin na kulang sa tulog etong kaibigan mo at kulang din sa kain."- seryosong sagot ni Doc. Chad kay Scott. Napatingin naman si Scott sa mahimbing na natutulog na Skyler.Kaya pala ang gaan ni Skyler nung binuhat eto ni Scott yun pala ay kulang eto sa kain. Masyado atang busy si Skyler sa mga ginagawa nito kaya pati pagkain at pagtulog ay hindi na nito magawa."Sino ba etong kaibigan mo Mr.Dela Vega? At mukhang mahalaga etong binata na to saiyo? Ngayon ko lang k

  • Marry Me, Skyler Perez. [ BL | Tagalog ]   25. Sick.

    Hindi mawala ang ngiti ni Skyler sa mga labi kahit ramdam parin nya ang bigat ng pakeramdam nya.Akala nya kasi ay magmamakaawa sya ngayon sa Professor nila dahil wala syang mahanap na model para sa project nya.Pero parang narinig ni Lord ang kanyang hiling at sa wakas dumating na ang model na tutulong sakanya para matuloy ang kanyang pangarap."Salamat talaga Joseph. At pumayag kang maging model ko." -paulit-ulit na pasasalamat ni Skyler kay Joseph. Nakasakay na sila sa bus papuntang T University. Sakto naman kasing walang klase si Joseph kaya makakaattend ito ng Model presentation nila Skyler para sa project."Ano ka ba Skyler, Ako nga dapat ang mag pasalamat sayo. Di ba sinabi ko kahapon kakausapin mo si Scott Dela Vega para di nya ituloy yung pag bili nung lupa namin? Ano nga pala ginawa mo at nag bago ang isip nya?"- takang tanong ni Joseph. "Wala naman. Kinausap ko lang sya. Hindi ko nga akalain na hindi nya na tinuloy yung pagbili nung lupa nyo."- simpleng sagot ni Skyler ka

  • Marry Me, Skyler Perez. [ BL | Tagalog ]   24. Kind.

    Nandito pa din si Skyler sa mansion ng mga Dela Vega.Nakapag palit na rin sya ng damit na binigay sakanya ni Scott. Di lang sanay si Skyler sa t-shirt na suot nya. Habang nag papalit kasi sya kanina ay nakita nya may tag price pa yung damit.Sobrang gulat si Skyler sa nabasa nya sa tag price ay 200,000 pesos lang naman yung presyo nung shirt na binigay sakanya ni Scott. White shirt lang na ang laki nung logo sa gitna pero sobrang mahal.Pikit mata na lang sinuot ni Skyler lahat nung nasa paper bags. Wala naman na syang choice at ayaw na rin nyang mag inarte. Paglabas ni Skyler sa bathroom ay hinanap ni Skyler yung Butler na kasama nya kanina. Nawala eto bigla kaya napakamot sa ulo si Skyler."Nasaan na kaya yun?"- kamot sa ulong tanong ni Skyler sa kanyang sarili habang hinahanap parin yung Butler nila Scott.Itatanong lang kasi ni Skyler kung saan ba sya pwede mag patuyo nung mga nabasa nyang damit.Nung hindi nya mahanap yung butler ay kinuha na lang ni Skyler yung cellphone na na

  • Marry Me, Skyler Perez. [ BL | Tagalog ]   23. Hug.

    Hindi alam ni Skyler kung bakit dinala sya ng kanyang mga paa sa harapan ng mansion ng mga Dela Vega.Basta nung narinig nya yung pangalan na binanggit nung Tatay ni Joseph ang dahilan kung bakit nawalan eto ng bahay ay dali-dali syang umalis at gusto nyang harapin si Scott.Nagpaalam naman sya kay Joseph nung hinabol sya nito. Bigla kasi na lang syang tumakbo paalis. Sinabi nya kay Joseph na sya ang kakausap kay Scott Dela Vega.Eto ba yung sinasabi nito sakanya kanina? Kung paano magalit si Scott? At talaga idadamay nya yung mga nanahimik na tao.*Ding Dong Ding Dong*Paulit-ulit na pinindot ni Skyler ang doorbell ng napakalaking gate na nasa harapan nya.Nagulat si Skyler nung biglang bumukas automatic yung gate.Huminga ng malalim si Skyler saka pumasok na sa loob. Hindi na nagulat si Skyler sa nakita nyang mansion sa harapan nya.Nakita nya na eto sa picture. Di ba nga sumali sya sa private group ng mga fans ni Scott. Eh di nakita nya yung mga litrato ni Scott at kasama etong man

  • Marry Me, Skyler Perez. [ BL | Tagalog ]   22. Mad.

    "Good Morning everyone!"Lahat ng maid at butlers na nakarinig ng masayang bati ni Scott ay napalingon dito. Malaking mga ngiting bumaba si Scott sa napakalaki at napakahabang hagdan ng kanilang mansion."Good morning, Young master."- yukong bati ni Butler Brian."Good morning, Butler Brian."- di parin nawawalang ngiting bati ni Scott. Kumunot tuloy ang noo ni Butler Brian na ngayon nya lang nakita na sobrang ganda ng ngiti ni Scott. At himalang bumati din sakanya eto. Hindi naman kasi ganito ang kanilang Young master lalo na kapag umaga.Kung hindi kasi seryoso ito ay laging naka busangot ang mukha. Pero ngayon ay ibang-iba ito.At sa malamang ang ganda ng gising nito o kaya may nangyaring maganda sakanilang Young master."Ano ang almusal?"- tanong ni Scott sakanyang Butler Brian."Egg, ba--""What the hell?!"- biglang bulaslas ni Scott. Nagulat si Butler Brian kung bakit biglang sumigaw si Scott.Malayo ang tingin ni Scott kaya lumingon si Butler Brian para tignan din kung ano ba ang

  • Marry Me, Skyler Perez. [ BL | Tagalog ]   21.Model.

    Huminga ng malalim si Skyler. Ano na ang gagawin nya sa mga Appliances na to? Sigurado naman si Skyler na hindi magkakasya sa loob ng dorm nya yung mga gamit na ito. Eh kung iiwan nya naman lang ito sa labas ng dorm nya sa malamang wala na to kinabukasan. "Scott Dela Vega..."- gigil na sabi ni Skyler sakanyang sarili. Kailangan nyang maalis ang mga Appliances na ito bago pa makita ng may-ari ng building ng tinutulyan nya. At baka pati sya mawalan ng matutuluyan. Bahala na! Ayun na lang ang nasabi ni Skyler sakanyang sarili. Binaba nya muna ang bag nya. "Skyler?"- lumingon agad si Skyler ng may tumawag sa pangalan nya. Handa nya ng itulak yung mamahaling ref. "Wow. Madami kang binili na bagong gamit?"- manghang dutong pang tanong ng tumawag kay Skyler na walang iba

DMCA.com Protection Status