Share

5: CASSY

Author: Lavenderous
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Tinignan ko lang ng taimtim ang lalaki habang nakatingin pa rin ito sa akin. "Uhm, yes," sagot ko sa katanungan niya.

"Great! Can I have an autograph? If you don't mind," saad pa nito at inaabot ang libro malapit sa akin.

"Ah, well, sure," sagot ko muli at saka naghanap ng bench na p'wedeng ilapag ang mga gamit ko. Umupo ako rito at saka kinuha ang libro na inabot niya sa akin at saka nag pirma. "Here, thank you for reading my book," sambit ko muli at tumingin ng naka ngiti sa kanya.

Kinuha ko na ang aking mga gamit at nagbabalak na umalis nang mag-salita ang lalaki dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. "It's really nice to meet you," sambit niya. Nginitian ko na lamang siya at umalis nang tuluyan.

I don't know why but his words are kinda feel so comfortable as if he's talking to me like a long lost friend. Iniiling-iling ko nalang muli ang aking ulo at saka tumungo papunta sa sasakyan. Paandarin ko na sana ang sasakyan nang biglang tumawag sa akin si Cael dahilan para mainis muli ako.

"Ano na naman ang kailangan ng lalaking ito sa akin?" bulong ko sa aking sarili at tinanggap din ang tawag niya. "Bakit?" tanong ko sa kanya sa telepono.

"I'm just asking if you're free tomorrow? I want you to come with me–" Napatigil na siya sa kanyang pagsasalit nang pinutol ko ito dahilan para tumahimik siya.

"Ay hindi, busy ako. Huwag mo akong guluhin, pahinga ko bukas," sagot ko sa kanya.

"But this is important, I just wanted to ask for your help about the design of our new product–" Tinigil ko muli siya sa pagsasalita.

"Marami kang designers hindi ba? Sa kanila ka manghingi ng tulong. Para saan pa na binabayaran mo sila at wala silang alam diyan? Don't ruin my day, Cael Mendez," sagot ko at saka binabaan na siya ng tawag. Naiinis akong marinig ang boses ng taong 'yon, sa akin pa raw manghingi ng tulong. Para saan pa na nag hire siya ng mga designer, hindi ba?

Pinaandar ko na ang sasakyan para umuwi at magpahinga na. Nakarating na rin naman ako sa bahay at agad nang tumungo sa kuwarto ko. Pinagsabihan pa ako ni Yaya Melda na kumain muna bago umakyat dahil alas sais na rin ng gabi nang makauwi ako ngunit tinanggihan ko na.

Pagkadating ko sa kuwarto ay agad na akong tumalon sa kama para matulog. Tinatamad akong magbihis kaya't kung ano ang suot ko kanina ay ganoon din ang damit ko ngayon. Tinanggal ko muna ang ipit ko sa aking buhok at saka natulog na ng maayos.

.

Umaga na at nakaligo at nakabihis na rin ako. Tinitirintas ko na lamang ang aking buhok para maka alis na rin. Sakto namang tinawagan din ako ni Venice kanina para yayain akong gumala kasama siya. Mabuti naman at wala siyang trabaho ngayon kaya makakapag gala rin kaming dalawa ni Venice.

Ang balita ko ay ikakasal na sila ng kanyang nobyo next month. At syempre, dadalo ako sa wedding ng kaibigan, alangan namang hindi 'diba?

Tumayo na ako at kinuha ang sling bag nang matapos na akong mag tirintas ng aking buhok. Bubuksan ko na sana ang pintuan nang biglang pumasok si Cael dahilan para umusok na naman ang ulo ko.

"Saan ka naman pupunta ngayon?" tanong niya sa akin habang nakasandal ang kanyang likod sa pintuan para harangin ang dinadaanan ko.

"Sa kaibigan ko, siguro naman hindi mo ako pagbabawalan dito ano?" sagot ko sa kanya. Tumayo lamang ito ng matuwid at nagsalita muli.

"Tinawagan kita kahapon but why did you bring down your phone? Importante 'yon at kaya ako nanghihingi ng tulong sa'yo dahil alam kong mas magaling ka tumingin ng mga designs kaysa sa akin," tugon nito. Seryoso ba ito?

"Edi sana ginawa mo nalang akong tauhan at hindi asawa, hindi ba?" naiirita kong sagot sa mga sinabi niya. Kita ko rin namang biglang kumunot ang noo niya sa sagot ko. "Aalis na ako, hayaan mo nalang ako sa kung anong gagawin ko ngayon. Tutal, hinahayaan din naman kitang gawin kung ano ang gusto mo," dagdag ko pa at saka umalis ng tuluyan sa kanya.

Agad-agad naman akong pumunta sa parking lot ng bahay namin at biglang huminto nang marinig ko na naman ang boses niya. "I already called your grandpa earlier, you don't want to get scolded by your grandpa, right?" Nang blackmail pa nga!

"Alam mo, ang kapal talaga ng mukha mo. Eh kung sabihin ko rin kaya sa mga magulang mo na may relasyon pa rin kayo ni Cassy?" Bigla namang naging seryoso ang mukha nito nang inopen ko ang about sa kanilang dalawa.

"Don't you dare do that, hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin, Hazel. Huwag mong siraan si Cassy," banta nito sa akin.

"So anong gusto mo? matakot ako sa'yo? Kung ayaw mong magkagulo tayo rito, hayaan mo nalang ako," sabi ko at agad nang pumasok sa sasakyan at agad itong pinaandar para umalis. Sinilip ko muna siya sa salamin ng sasakyan bago ako tuluyang umalis ng bahay. Ako pa talaga bantaan mo.

Napag desisyunan muna namin ni Venice na huminto sa isang milktea shop para uminom at magpalamig. Nag kuwento naman ito agad sa relasyon nilang dalawa ng kanyang nobyo. Nakikinig lang ako at nakikisabay sa kanya but actually I'm kinda jealous. Gusto kong maranasan kung ano man ang nararanasan ni Venice ngayon sa kanyang boyfriend.

Her boyfriend is an engineer na kasalukuyang may ginagawang proyekto. Gwapo, matangkad, mabait, matipuno ewan halos lahat na rin ata sa kanya. I'm happy na nakakita rin si Venice na may magmamahal sa kanya ng buo dahil noong high school pa kasi siya ay madalas siyang niloloko ng mga naging nobyo nito.

"So, ikaw naman? Kamusta relasyon niyo ni Cael?" tanong niya dahilan para magulat ako. Ininom ko muna ang milktea ko saka ako sumagot.

"Mas lalong lumalala, balak ko na ngang humiwalay ng bahay. Madalas niya ring dinadala si Cassy sa bahay na puro landian lang naman ang ginagawa. Ewan ko ba, ano kaya ang nagustuhan ni Cael doon sa babaeng 'yon, ang harot naman," sagot ko sa katanungan niya dahilan para mapatawa si Venice.

"Eh ganoon naman talaga ugali non, ang dami ngang lalaki niyan noon. Balita ko nga nakipaglandian na naman 'yon sa ibang lalaki, nahagilap ko sa dating kaklase natin noong college. Hindi ko alam kung totoo, basta nalaman daw 'yon ni Cael kaya nagalit siya kaso marupok 'yang asawa mo," saad ni Venice.

"Paano naman niya nalaman? Patago nga ang relasyon nang dalawang 'yon," tanong ko sa kanya.

"Eh kasi, kaibigan niya 'yung isa sa mga kaibigan ni Cassy. Ayon lang naman ang nabalitaan ko," sagot nito at bigla naman akong napatawa.

"Napaka chismosa mo rin talaga," sambit ko at nagtawanan lang kaming dalawa. Habang umiinom ako ay nagulantang akong mahagilap si Cassy kasama ang dalawa niyang kaibigan dito sa milktea shop na pinuntahan namin ni Venice. Agad ko namang sinenyasan si Venice dahilan para mapatingin siya sa likuran niya.

"Alis na tayo," sambit ko at balak na sanang tumayo kaso biglang sumigaw si Cassy at tinawag ang pangalan ko.

"Hazel! You're here as well," sambit niya at naglakad papunta sa amin. Nakasuot ito ng above the knees na yellow dress at naka itim na high heels. It's true that Cassy is beautiful, she looks stunning in her clothes right now.

"Cassy, ikaw pala," sagot ko at tumawa ng peke habang nakatingin sa kanya. Tumayo rin naman si Venice at tumingin sa akin. "Aalis na pala kami, masaya akong makita ka," dagdag ko at ngumiti ng peke.

"I see," sambit niya lang at ngumiti rin ng peke sa akin. Tinignan naman ako nito simula ulo hanggang paa, mukhang nilalait na naman ako ng bruhang 'to sa isip niya. "Stupid," bulong niya bago umalis ngunit rinig na rinig ko kung ano ang sinabi niya.

Naka alis na siya sa kinatatayuan ko at nagtatawanan silang tatlo ng mga kasama niya. Ewan, pero naiirita talaga ako sa sinabi niya. Tumungo naman ako papunta sa kanya at kinuha ang braso niya dahilan para mapatingin siya sa akin. "Akala ko ba aalis–" hindi na niya naituloy kung ano man ang sinabi niya nang bigla kong ibuhos sa kanga ang milktea na hawak ko.

Lahat ng tao ay napunta na sa amin ang kanilang mga atensyon. Lahat sila ay gulat na gulat sa kanilang nakita. "Better," sambit ko at ngumiti muli ng peke sa kanya. Tumalikod na ako at umalis, sinundan naman ako ni Venice palabas. Stupid? Bagay nga kayo ni Cael, halos magkasing ugali kayong dalawa. Lagi niyong sinisira araw ko.

Kaugnay na kabanata

  • Married to a Handsome CEO    6: OPEN UP

    Natapos ang araw ng paggala ko kasama si Venice ayon nga lang nag text bigla si Cael. Sa text palang niya ay alam ko na agad ang nais niyang ipahiwatig sa akin, panigurado ay galit na galit ito dahil sa ginawa ko sa girl friend niya kanina. Ako nalang mag-isa ngayon dahil naihatid ko na rin si Venice sa bahay nila. Nagpumilit pa nga na sa bahay nalang namin daw siya matulog dahil baka mamaya kung ano raw ang gagawin ni Cael kung sakali. Well, as if he can do something una palang naman si Cassy na talaga gumawa ng bagay na ikinagalit ko. Nakarating na ako sa bahay at agad nang pinarke ang sasakyan at lumabas. Habang papasok ako sa bahay ay nakita ko si Cael na nakatayo sa pintuan kasama nito ang kanyang butler na si David. Anong ginagawa niya rito? "Mag-usap tayo," Cael said while fixing his gaze in my eyes. Si David naman ay nakatayo lamang sa likuran nito at nakatingin din sa akin. He smiled faintly looking at me, iniiling-iling ko na lamang ang aking ulo at saka nagsimulang humakb

  • Married to a Handsome CEO    7: CAEL IS DRUNK

    Tinignan ko lamang siya ng taimtim at nakikipag titigan din ito sa akin. Gusto ko mang magsungit sa kanya pero bakas sa mukha nitong nasasaktan siya, hindi ko alam kung trip lang ba niya ito o hindi. Parang kailan lang ay binantaan pa ako nito tapos ngayon sa akin lalapit. "It's okay if you don't want to listen," he said at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa kanina. I just let out a heavy sigh at umupo sa upuan. "No, it's okay. Makikinig ako," saad ko ngunit hindi ako nito pinakinggan bagkus ay nagpatuloy lang siya sa pagt-type sa laptop niya. Madalas talagang hindi ko maintindihan ang lalaking ito. I just rolled my eyes before speaking. "Fine, I guess I need to walk away now," dagdag ko at saka tumayo. Tuluyan na akong nakaalis sa office niya at nagsimulang maglakad papunta sa elevator. Tinignan ko muli ang papel at may pirma pa ito ng dad ni Cael. Napasampal nalang ako sa aking noo dahil hindi ko alam kung anong klaseng business ba magandang ipatayo. "Nakakainis naman, hindi pa b

  • Married to a Handsome CEO    8: WHERE IT STARTS

    Pagkarating naman namin sa bahay ay agad kaming inalalayan ni Yaya Melda at dinala si Cael sa kanyang kuwarto. Nahulog pa nga ang phone ko dahil nakalimutan ko palang isara ang sling bag ko, laking tang* ko rin talaga. Bago pa man kami makarating sa kuwarto ni Cael ay parehas pa kami ni David na sinukahan nito. Amoy suka pa nga tuloy ang damit ko. Pinaalis naman agad ako ni Yaya Melda nang makita niyang may suka ang damit ko at sinabihan akong maligo at magbihis agad baka pa raw ay dumikit ang amoy sa katawan ko. Sinabihan ko naman siyang tulungan si David sa pag aasikaso kay Cael habang ako ay maliligo. Pagkatapos kong maligo't magbihis ay agad akong tumungo sa kuwarto ni Cael at nakita ko si David na pinupunasan ang katawan ni Cael. Kinausap ko naman si David na magbihis muna bago umalis ngunit nagpupumilit itong huwag na raw at uuwi nalang agad. Wala naman akong magawa kung kaya't hinayaan ko siyang gamitin niya ang sasakyan ni Cael para makauwi rin siya agad. Umakyat na ako sa

  • Married to a Handsome CEO    9: AT THE GARDEN OF EDEN

    — Hazel's POV "Saan mo ba ako balak dadalhin? You keep on pushing me to go with you," Cael said habang nakatingin sa bintana ng sasakyan. I was the one driving the car, baka kasi mamaya may tama pa rin ang lalaking ito at madisgrasya kami kung siya ang magmamaneho. "Easy, I just want you to bring to a peaceful place. And aside from that, your mom calls me before we leave and she knows what happens to you. Someone video you at the bar and she asks me for a favor," sagot ko sa katanungan niya. "And what is it?" he responded without looking at me. "To keep you calm, sabi raw. Ayaw niyang malaman ng dad mo kaya ako nalang, she said to me about a place where you always go whenever you wanted a piece of mind, sa pagka alala ko it was called the Garden of Eden?" sagot ko naman sa kanya. "I didn't think mom would mention that," he murmured softly but enough for me to hear it. I just rolled my eyes and didn't bother to speak. I look at my phone when I receive an email to an anonymous per

  • Married to a Handsome CEO    10: I SAW HIM SMILED

    Lumapit ako sa kanya at saka tinapik ang kanyang braso. "Kain nalang tayo, ano ba gusto mo, libre ko," saad ko nang may ngiti sa aking labi. Lumingon naman ito sa akin at tinititigan ako ng masama. "Aysus, tara kain tayo libre ko na," dagdag ko pa at hinila siya palabas sa garden. "Saan na naman ba tayo pupunta?" tanong niya sa akin. Tumingin ako sa kanya habang kami ay naglalakad. "Saan pa ba? edi sa kainan. Pero, huwag kang masyadong mag expect ha? Mahirap lang ako, wala akong pera," sagot ko sa katanungan niya dahilan para tumaas ang mga kilay niya at kumunot ang kanyang noo. Nakasakay na kami sa sasakyan at syempre ako pa rin ang nagmamaneho at nasa likuran lamang siya na nakapangalumbabang nakatingin sa labas ng sasakyan. Dumating na kami sa paborito naming kainan ni Venice noong college kami, agad ko namang pinarke ang sasakyan at sinabihan siyang bumaba na. "Are you sure na ligtas ang kakainin natin dito?" tanong niya sa akin habang nililibot ang tingin sa paligid. "Ang ar

  • Married to a Handsome CEO    11: LONG-TIME FRIEND

    Lumipas ang ilang araw simula nung nangyari iyon, mas lalong naging busy si Cael sa kanilang kompanya at wala na akong narinig pang balita na nagkabalikan silang dalawa ni Cassy. Pero, ang sabi sa akin ni David ay madalas daw pumupunta si Cassy doon at nagmamakaawang kausapin siya. I stretch my arms matapos akong magsulat ng aking nobela. Ngayong araw din kaming magkikita ng misteryosong tao na panay email sa akin dahilan para bigyan ako ng inis araw-araw. Nawala na nga ang inis ko kay Cael, siya naman ang pumalit. Nakakatapag taka lang din dahil madalas niya akong tinatawag sa nickname ko. Iniiling-iling ko na lamang ang aking ulo at saka tumayo para magbihis. Hapon na rin kasi at napagkasunduan namin na magkita sa isang sikat na cafe malapit lang dito. Hindi naman delikado since matao rin doon at kung may balak man siyang gawin sa akin ay mag panangga naman ako, ano pa ba? edi kamao ko! Nakapagbihis na rin ako at gaya ng dati, simple pa rin ang damit na pinili ko. Napagdesisyunan

  • Married to a Handsome CEO    12: CAFETERIA

    Naandito ako ngayon sa office ni Cael, naka upo siya sa kanyang mesa habang nag t-type sa laptop. Pinapunta niya ako rito para planuhin ang business eme raw kuno. Isinampal ko nalang ang aking ulo sa mesa dahil tinatamad ako, ewan ko ba hanggang ngayon wala pa rin akong maisip na business. "Can't decide yet?" tanong sa akin ni Cael. Siguro ay napansin niyang kanina pa ako ritong nakatitig sa papel ngunit wala paring maisip. Anong sasabihin ko ngayon sa dad niya about this? Should I ask him for help? or to grandpa nalang? "Yeah," tamad kong sagot sa kanya habang nakasandal ang aking ulo sa mesa. Agad naman akong lumingon sa kanya at nakita kong nakatingin ito sa akin. "Ikaw ba? May ma aadvice ka?" tanong ko sa kanya. "Bakit hindi mo i try tumayo ng cafe? and display your books there. Or a restaurant? I heard you love cooking, right?" sagot niya sa katanungan ko. Hindi rin masama ang cafe kaso hindi ako marunong sa kape-kape na 'yan. Ang restaurant naman wala akong confidence sa lasa

  • Married to a Handsome CEO    13: AT HIS OFFICE WITH HIM

    Nagsimula ang mga bulong-bulongan sa paligid. Rinig na rinig namin ang mga sinasabi nila, agad namang pumunta ang guard at pinipilit na paalisin si Cassy. "Let me go! Ano ba!" sigaw ni Cassy. Sa sobrang inis ay bigla nalang sinampal ni Cael ang mesa dahilan para mapatahimik silang lahat at ikinagulat ko. "Don't make a ruckus in my company, Cassy. Let her out," seryosong saad ni Cael. Rinig ko namang mangiyak si Cassy nang marinig niya ang sinabi ni Cael kaya agad itong kumaripas ng takbo at niyaka siya habang umiiyak. "Babe, please. Don't do this, I just want to talk to you. Nagselos lang ako dahil kasama mo si Hazel na dapat ako ang kasama mo ngayon, please, forgive me. Ayusin natin ang relasyon natin. I know I made a mistake sana mapatawad mo ako at gumawa tayo ng paraan para bumalik ang lahat, please. I miss you," iyak na sabi nito habang yakap yakap ang katawan ni Cael habang ito ay nakaluhod. Seryoso pa rin ang mukha ni Cael at agad na inalis ang mga kamay ni Cassy sa kanyang

Pinakabagong kabanata

  • Married to a Handsome CEO    73: SIDE STORY

    10 years have passed, their babies were born. Yes! Nanganak si Hazel ng kambal na ang kanilang mga pangalan ay sina Chaz and Caile Mendez. Si Chaz ay nagmana sa kanyang tatay na bihira lamang maging showy sa kanyang expression ngunit mahilig magbasa at mapag-isa. Tanging kagustuhang gawin ni Chaz ay mag paint at mag bake ng kung ano-ano kung saan nakuha niya naman ang hobbies na iyon sa kanyang nanay. Ang tanging taong palagi niya lang kinakaibigan ay ang kanyang kapatid na si Caile. Si Caile naman ay ubod ng kakulitan at mahilig maglaro ng kahit anong sports. Siya rin ay matalino ngunit hindi niya mahihigitan ang katalinuhan ni Chaz sa kahit anong larangan. Palakaibigan si Caile at palaban na babae, isa siyang matuso at walang kahit sinong kayang makipag-away sa kanya sa taglay nitong katapangan. Kahit nasa elementarya pa lamang sila ay nakikita na ang kanilang mga kagalingan kahusayan sa kahit anong larangan. Hindi nga naman makakaila dahil parehong matatalino

  • Married to a Handsome CEO    72: LAST CHAPTER

    Bumalik ang dalawa sa kung saan nagkamabutihan ang dalawang tao. Nagpasya silang pumunta sa garden nila at ito ay ang Garden of Eden. Magaganda at masarap pa rin sa mata tignan ang nakapaligid sa kanila. Limang buwang buntis na si Hazel at hindi pa rin malaki ang umbok ng kanyang tiyan. Mukha pa rin siyang maliit dahil hindi lumalaki ang tiyan nito. Tumakbo si Hazel papunta sa kung saan sila nag-usap dalawa na siya namang ikinagalak ni Hazel. "Hey, ingat! Baka madapa ka, okay?" sigaw ni Cael habang bitbit ang basket na naglalaman ng mga pagkain. Napagdesisyunan nilang magkaroon ng bonding time na dalawa dito sa Garden nila. Maraming mga bulaklak, mahangin at tahimim ang paligid which is nakakatulong din para maiwasan ang stress kay Hazel. Sa limang buwan ng kanyang pagbubuntis, walang araw na hindi hinahayaang ma stress si Hazel. "Tanda mo ba nung unang punta natin dito?" tanong ni Hazel at inaalala ang nangyari. Napailing na lamang si Cael dahil alam n

  • Married to a Handsome CEO    71: SHE'S PREGNANT

    Two months have passed and Hazel continues to do her work in her business. Madalas ay pumupunta siya sa kompanya ng kanyang grandpa dahil mayroon siyang mataas na posisyon doon. At malapit na niyang makuha muli ang title na CEO ng kanilang company. Isn't it interesting? Na ang dalawang mag-asawa ay parehas CEO sa kanya-kanya nilang mga kompanya. Hazel was born to be a strong independent woman at ayaw mag rely sa pera ng asawa. Cael let her be as he also proud of his wife. Habang nag t-trabaho siya ay may nararamdaman na naman siyang kakaiba at tingin niya ay alam na niya kung anong nangyayari sa kanya. "W-wait, I’ll go to the restroom muna," saad ni Hazel saka dali-daling pumunta ng restroom. Nagsusuka siya ngunit wala na naman siyang masuka. Dito napangiti si Hazel dahil alam na niya kung anong meron. Pagkauwi niya sa kanilang bahay, she did the Pregnancy test and she was right! Hazel is pregnant with another baby. Agad niyang pinaalam ito sa kanyang Yaya Melda

  • Married to a Handsome CEO    70: PEACE

    Unti-unti nang gumagaling ang kalagayan ni Hazel matapos ang ilang mga linggo. Nanumbalik ang lakas nu Hazel at nagsimula na siyang asikasuhin ang kanyang business. Nang hindi niya ito maasikaso ay si Cael pala ang nagmanage nito kasabay ang pag manage niya sa kanyang kompanya. Hanga si Hazel sa taglay na galing ni Cael dahil nagagawa niya pa rin ito ng maayos sa kabila ng maraming mga pagsubok. Mabuti na lamang din ay magaling na manager sina Anjo at Marin at hindi niya akalain na sa kabila ng kanyang issue ay marami pa ring pumupuntang mga customer. Nasa office siya ngayon ng kanyang itinayong cafe at tinitignan ang mga papeles. Madali na lamang ito sa kanya matapos ang ilang araw sa pag mamanage sa isang malaking company. Sinabihan na rin niya ang kanyang grandpa na siya na ang mag m-manage ng kompanya nila upang makapagpahinga na ito. Hindi siya pinahintulutan ng kanyang grandpa hanggang sa hindi pa siya tuluyang gumaling sa kanyang mga sugat. Pero nangako it

  • Married to a Handsome CEO    69: I’LL BE HERE

    Lumipas ang dalawang linggo at nagpapahinga lamang si Hazel sa kanilang bahay. Since nakabalik na ang kanilang grandpa, siya na ang nagmamanage ng kanilang kumpanya. Hindi siya pinagawa ng kung ano at hinayaan lamang siya magpahinga. Nag start na rin kumilos si Cael sa kanyang office at inasikaso ang mga tambak-tambak na mga gawain at mga attendan na meetings. Nalaman din nila na nakatakas si Cassy at hindi na naman nila mahanap ganoon din ang kanyang mga magulang. Tripleng ingat na naman ang ginawa ni Cael lalo na sa kanyang security. Napagdesisyunan din nilang kuhanin si Ren bilang main butler ng mansion nila. Ang magiging permanente niyang trabaho. Wala namang kaso ito kay Ren dahil nagagalak siyang pagsilbihan ang pamilya Mendez. Naging kaibigan na rin ni Cassy ang girlfriend ni Ren kaya siya na rin ang madalas niyang nakakasama everytime na nag-iisa siya sa mansion nila lalo na at magka vibes din ang dalawa. Walang magawa si Hazel kundi ang magbasa ng libro,

  • Married to a Handsome CEO    68: THINGS WILL GET BETTER

    Dahan-dahang iniangat ni Hazel ang kanyang mga daliri at dahan-dahan din niyang iminulat ang kanyang mga mata. Nakikiramdam siya sa paligid saka niya inilibot ang kanyang paningin sa kwarto kung nasaan siya nakahiga ngayon. Base pa lamang sa design ng kwarto ay halatang nasa hospital siya. Unti-unti siyang bumangon at sakit sa ulo ang kanyang naramdaman. Napansin niya rin ang mga pagkain na nakalagay sa mesa pati ang mga prutas at mga bulaklak. Walang katao-tao sa loob at nag iisa lamang siya. May isang basong tubig ang nakalagay na mukhang kakaubos lamang ng isang taong uminom nito. Sinusubukan niyang inaalala ang mga pangyayaring nangyari sa kanya hanggang sa naalala niya bigla na nasak.sak siya sa kanyang tiyan dahilan ng muling pagnginig at pag iyak niya. "D.amn," mahinang sambit niya at humikbi ng tahimik. Tinakpan niya ang kanyang bunganga habang umiiyak sa ayaw niyang may maka alam na umiiyak siya. Maya-maya ay may bumukas ng pinto at bumungad di

  • Married to a Handsome CEO    67: GRANDPA IS HERE

    It’s been two days nang ma confine si Hazel at hanggang ngayon ay natutulog pa rin siya. Tungkol naman kay Joel, kasama rin siya sa mga nakulong pati ang kanyang iba. Nakuha rin sa impormasyon na sila rin ang kumidnap jay Mr. Mendez which is nalaman ni Tita Paye nang ma check niya ang phone ng ate niya na hindi namamalayan. Dito niya nakuha ang ebidensiya at walang pag aatubili na binigay ito sa mga pulisya. Sa ngayon ang taong nagmamanage ng kanilang kompanya ay si Xyen habang wala pa ang kanyang ate. Tinanggal niya rin sa trabaho ang iilang mga trabahante na nagbigay ng mga impormasyon tungkol sa kanila kay Joel lalo na si Alice. Nalaman din kasi niya na pati siya ay kumakampi na rin kay Joel dahil sa pera. Si Ren naman ay unti-unti ng nakaka recover at nagising na rin matapos mag aagaw buhay. Ang dami rin niyang natamong mga sugat ngunit mabuti na lamang ay naka survive siya. Nais niya mang puntahan si Hazel ngayon ay hindi niya magawa dahil hindi pa siya maka

  • Married to a Handsome CEO    66: I CAN'T LIVE WITHOUT YOU

    Habang nasa ambulansya ay nanginginig at nanlalamig ang mga kamay ni Cael, hawak-hawak ang mga kamay ni Hazel na punong-puno rin ng du.go. "P-please, wake up. I am here, Hazel. Please, I am begging you. Wake up, please, please," iyak na sabi ni Cael habang pinipisil ang mga kamay ni Hazel. Nagulat din siya nang may dugo ang kanyang mga paa nito na siyang pinagtataka niya.Gulat at sakit ang nararamdaman ni Cael ngayon lalo na nung makita niya si Hazel na nasak.sak ng kutsil.yo at maraming dugo ang lumabas sa kanyang bibig. Nagagalit man siya ngunit mas nangingibabaw ang pag-aalala at sakit na nararamdaman niya sa kalagayan ni Hazel kaya hindi na niya napansin or pinansin kung ano na ang nangyari kay Cassy. Hindi na alam kung anong gagawin ni Cael at that time. Mabuti na lamang ay nakapag tawag sila ng bagong ambulansya na mag reresponde kung sakaling may critical na mangyayari muli. Dumating na rin sila sa hospital at dali-daling tinakbo si Hazel papasok

  • Married to a Handsome CEO    65: LOVE IS DANGEROUS

    (Warning: Simula rito ay magiging third person POV na bawat chapters hanggang sa ending ng story, thank you so much for reading sa pag-abot sa chap na ito! Maramimg salamat sa suporta! — Third Person POV Umiiyak si Cael habang yakap-yakap ang walang malay na si Hazel. Duguan na ang katawan ng dalawa. Hindi makapaniwala si Cassy sa nangyayari, tinignan niya ang kanyang mga kamay na nanginginig habang hawak-hawak ang ba.ril kung saan gamit niya para barilin si Cael kanina na tumatakbo palapit sa kanyang minamahal. Napaupo siya at tinitignan ang dalawa sa kanyang harapan. Napaluha si Cassy sa kanyang nasaksihan. Kailanman ay hindi niya nakita si Cael na ganyan sa ilang taon na pagsasama nila. Na maging vulnerable sa harap ng isang tao dahil tanging dalawa lamang ang kanyang ipinapakita. Ang panlalamig nito pati ang pagiging sweetness niya kay Cassy. Sa ilang taong pagsasama nila, nung una ay tanging si Cassy lamang ang madalas na nag effort

DMCA.com Protection Status