Lumingon si Zuko sa dalaga sa tabi niya at pakiramdam niya ay para siyang isang cherry blossom na marikit at kaakit-akit. Sa sandaling iyon, biglang may boses na nagtanong sa kanya, ‘Naaalala mo pa ba si Pammy?’Nanginig sandali ang mga kamay ni Zuko, pagkatapos ay mabilis siyang sumubo ng pagkain para itago ang pagkatulala niya. ‘Pammy…’Kung nandito pa si Pammy, matagal na kaya niyang natupad ang marriage agreement sa mga Thompsons, unti-unting nakuha ang Hamerton Group, at naging isang mabuting asawa at ama?Samantala, nasa Jangasas siya ngayon bilang si Zeke Hamerton. Tinanggal niya ang maskara ni Zuko, pero alam niyang habangbuhay siyang mabubuhay sa anino ni Pammy. Ang totoo, maraming beses na niyang sinabihan ang sarili niya na limang taon pa lang si Pammy nang nawala siya at bata pa rin siya noon. Paanong magkakaroon ng malalim na damdamin ang isang bata? Wala dapat siyang masyadong pakialam. Sa kung anong dahilan, sa tuwing nakikita niya si Lina, and inosente niyang n
Nabigla si Zuko. Mahapdi sa mata ang malaswang pag-uusap at bastos na mga salita roon. Suminghal si Zuko. “Ano to!?”Tapat itong sinabi sa kanya ni Jacob, “Ito ang chat records sa pagitan nina Violet at ng isang male escort.”Nabigla si Zuko at nagbago ang ekspresyon niya. “Isang male escort?”“Oo.” Tumawa si Jacob. “Yung mga klase ng lalaking nasa nightclubs na gwapo at may magagandang katawan na espesyal na nagpapasaya sa mga mayayamang babae.”Para bang masusuka si Zuko. “Mahilig si Violet sa ganun?”“Hindi rin ako naniwala sa umpisa.” Umiling si Jacob nang may kumplikadong ekspresyon. “Hindi maganda ang reputasyon niya sa circle, pero di ako makapaniwalang ibababa niya ang sarili niya at aarkila ng mga male escort. Pagkatapos, ako naman…”“Sinubukan mo?” Nakita kaagad ng matatalas na mata ni Zuko ang sasabihin niya. Napahinto si Jacob. Kumplikado ang ekspresyon niya nang tumango siya. Pagkatapos ay pinaliwanag niya kay Zuko ang buong proseso, “Narinig kong mahilig siyang
Hindi lang sila narinig ni Lina. Malinaw na nagkamali rin siya ng pagkakaintindi—malinaw ito sa titig niya kay Jacob!Hindi napigilan ni Zuko na matawa nang malakas. Nataranta si Jacob at magpapaliwanag na sana, ngunit pinutol siya ni Zuko. “Tama, Jacob, wag mo na kong hanapin! Hindi ko talaga kayang gawin ang sinasabi mo!”Walang nasabi si Jacob. ‘Bwisit!’ Nanlaki ang mga mata ni Jacob. Nagdududa siya at napapagod. Uminit ang puso ni Lina at hinigpitan niya ang hawak niya sa braso ni Zuko. Nginitian siya ni Zuko, pagkatapos ay tinitigan nang seryoso si Jacob. “Alam ko gusto mo kong sumama sa'yo sa trabahong to noong naroon pa tayo sa loob. Pero Jacob, tama ang sinabi ni Lina. Hindi pangmatagalan ang pagiging male escort!”"Zu—"“Siguro dapat isipin mo rin ang hinaharap mo!”Nanlaki ang butas ng ilong ni Jacob habang huminga siya nang mabilis. Pinilit ni Zuko na pigilan ang tawa niya at naramdaman niyang sumakit ang tiyan niya sa kakapigil. Kampante niyang hinila si Lina
Huminto si Zuko at tinawagan si Jacob. “Anong nangyari sa bahay?”“Hindi ang pamilya mo,” sagot ni Jacob nang pabulong. “Ang mga Thompson.”“Ang mga Thompson?”“Mukhang… tungkol ito sa batang babae na ipinangako sa'yo noong bata ka pa,” mabilis na sabi ni Jacob. “Hindi ako pwedeng magtanong masyado tungkol sa usapin ng pamilya mo. Umuwi ka na lang.” “Sige, naiintindihan ko,” sagot ni Zuko. Pumayag siya at tinapos ang tawag. Nauunang naglakad si Lina at di niya narinig na tumawag siya. Binalot ng gabi ang masaya niyang anyo habang paminsan-minsan siyang lumilingon at kumakaway sa kanya. Binuhos ni Zuko ang sumunod na dalawang araw sa pag-iisip kung paano “magbabakasyon” mula sa mga Jenner. Pagkatapos mag-isip, nagpasya siyang maging tapat. “Tumawag ang nakababata kong kapatid at sabi niya may nangyayari sa bahay. Gusto niya kong umuwi sandali. Hindi naman ako matatagalan, dalawa o tatlong araw lang, at siguradong babalik ako kaagad.”Pagtatapos magsabi, direktang tumingin si Z
Tinitigan nang masama ni Zuko si Toph. Bago siya nakapagsabi ng kahit na ano, nakangiting lumapit ang katulong na nag-aalaga sa kanila simula noong mga bata pa sila. “Mr. Toph, maganda na rin ang brand na'to. Mura ito at marami ang laman. Sulit ito! Gagamitin ko to para magprito ng pagkain para sa inyo mamayang gabi!”“Wag mong unahing gamitin to!” Sabi ni Zuko nang seryoso. "Huh?"“Uh, ibig kong sabihin…” Hinimas ni Zuko ang ilong niya habang umiiwas ng tingin. “Wag mo tong ubusin kaagad!”Nagtaka si Wendy. Hindi naman sa hindi kayang bumili ng peanut oil ang mga Hamerton, pero tumango pa rin siya. Pinanood ni Zuko ang mga katulong na itabi ang mga gamit at malinis na iniligpit ang mga ito sa mga kabinet ayon sa utos niya nang para bang nakatingin siya sa isang kayamanan, pagkatapos ay ngumiti siya nang kuntento. “Pupuntahan ko na ang mga magulang natin,” sabi niya at umalis habang naiwang nakatulala sina Toph at Wendy. Nagtanong si Wendy, “Mr. Toph, anong nangyari sa kanya
Tinatamad na sumandal si Zuko sa sheepskin sofa.Inihanda na ng katulong ang kadalasan niyang iniinom na hand-brewed Yirgacheffe coffee at pumasok sa ilong niya ang bango nito. Para ba siyang nasa isang panaginip dahil dito. Sa panaginip niya, nasa Jangasas siya. Ngayong nagising siya sa panaginip, bumalik siya sa Centrolis. “Kumusta, Zuko?” Nagtanong si Cordelia nang nakangiti, “Masarap ba yung cake?”Tumango si Zuko at nagpanggap na masarap ito. Ang totoo, hindi siya masyadong kumain dahil hindi siya mahilig sa matatamis. Narinig niya na hindi rin mahilig ang tatay niya sa matatamis, pero paborito ito ng nanay niya kaya sumunod siya. Pagkatapos, sinimulan siyang tawaging “Kalbong Meatball” ng nanay niya. Tumawa si Zuko. Hindi masyadong tumanda ang tatay niya kumpara sa mga kaedad niya. Maganda ang lahi ng mga Hamerton pagdating dito. Kahit nasa higit limampung taong gulang na siya, si Zephyr ay matangkad at gwapong lalaking may mature na karisma. Umupo si Zuko at nagtanon
“Zuko? Zuko!” Ilang beses tinawag ni Cordelia si Zuko bago siya nawala sa pagkakatulala. Bago siya nakapagsalita, mahinang sinipa ni Zephyr ang binti niya. “Anong iniisip mo?” Umalingawngaw ang malalim at striktong boses ng tatay niya. “Kinakausap ka ng nanay mo, tapos nakatulala ka lang diyan!?”Nanlumo si Zuko at tumingin sa nanay niya para manghingi ng tulong. “Kakauwi lang ng anak natin. Wag mo siyang masyadong bungangaan!” Mukhang pinapagalitan ni Cordelia si Zephyr, pero niyakap niya ang braso niya at ngumiti. “Wag kang palaging galit, baka dumami ang wrinkles mo!”Ngumiti rin si Zephyr habang marahan niyang hinawakan ang kamay ni Cordelia. Pakiramdam ni Zuko ay di siya kailangan rito. “Dad, mom, uh, a—”“Hindi ka pwedeng umalis! Hindi pa tapos ang nanay mo!” Tinitigan siya ulit nang masama ni Zephyr. Masunuring umupo si Zuko. “Zuko, napag-usapan na namin to ng tatay mo,” mahinang sabi ni Cordelia. “Manatili ka pa ng ilang araw sa Centrolis at bisitahin natin ang m
Ang ikaapat na palapag ay ang “observatory deck” ni Zuko. Noong bata pa siya, mahilig siyang tumingin sa mga bituin, kaya ginawan siya ng tatay niya ng observatory para sa kanya. Isang malaking globo ang nasa gitna ng kwarto at isang Hubble telescope ang nakatayo sa tabi ng bintana. Ito ang pribadong santuwaryo ni Zuko. Mayroon rin siyang maramdamin at mahinang panahon noong binatilyo pa siya, at tuwing hindi niya maayos ang mga problema niya, pupunta siya sa observatory na ito at ilalaan niya ang mga alalahanin niya sa mga bituin sa malayo. Nakatayo na naman siya sa harapan ng telescope. Narinig niyang totoo ang mga wormhole sa kalawakan at kaya nitong magdugtong ng dalawang magkalayong punto sa oras at espasyo. Kung ganun, kaya ba niyang maglakbay sa wormhole at bumalik sa araw na naglaho si Pammy? Gusto niya talagang makita kung sinong kumuha sa kanya. ...Katapusan na ng linggo. Umaambon sa Centrolis habang maaliwalas ang langit sa Jangasas. Nag-inat si Lina na nakas
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala