"Yun ay… Kasi…”Nahirapan magsalita si Marcus habang hawak niya ang phone niya, hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. Hindi siya tinuruan ni Yale tungkol dito!“Zephyr, anong problema?” Nagpatuloy si Cordelia sa pag pressure sa kabilang linya at tinanong niya ng sinasadya, “May iba ka bang kasama sa tabi mo?”Narinig ito ni Michelle, sinubukan niyang agawin ang phone, ngunit tumingin ng masama si Marcus sa kanya.“Wala, wala!” Ang mabilis na sagot ni Marcus, “Uh… Ibababa ko na ang phone kung wala nang problema. Hindi ako makakauwi nitong dalawang araw. Mag ingat ka.”Gusto tumawa ni Cordelia nang marinig niya ito.Huminga siya ng malalim. “Naiintindihan ko na nagiging boring sa pagitan ng dalawang tao kapag magkasama sila ng masyadong matagal. Hindi ako makikialam sa inyo ni ms. Carmichael, pero Zephyr, hindi ba’t dapat ay may pride ka pa rin? Mag asawa pa rin tayo, at nakasalalay ang pride ng mga Hamerton! Alam mo ba kung gaano kasama ang balita tungkol sa iskandalo ngayon
Nanghina si Marcus nang sabihin niya ang salitang iyon at sumalampak siya sa kama.Ibinaba ni Cordelia ang tawag at natawa.Noong ibinaba niya ang kanyang phone, naramdaman niya ang isang pares ng malalakas na mga braso na yumakap sa kanya mula sa likod. Bago siya makalingon, lumapit ang lalaki, at isang pares ng mainit na mga labi ang sumalubong sa kanya.Nagpumiglas sandali si Cordelia at sumuko, kusa niyang ipinulupot ang kanyang mga braso sa leeg ni Zephyr at hinalikan niya siya…Tumigil si Zephyr bago siya tuluyang nahumaling at nabaliw sa sobrang sarap. Tahimik lang si Cordelia noon, ngunit tila nagbago na iyon mula noong naging asawa niya siya… Gustong-gusto niya ito. Nakangising binitawan ni Zephyr si Cordelia pagkatapos niya siyang halikan at tumingin siya sa kanyang malalalim na mga mata. Ito ang babaeng mag-isa niyang sinanay. Mapaglaro siya at maganda—kaakit-akit siya—at hindi niya mapigilan ang sarili niya. “Bakit bigla mo akong niyakap ng mahigpit?” Ngumuso ang na
Binitbit ni Zephyr si Cordelia pabalik sa kwarto at inibabawan siya bilang kabayaran… Binitawan lamang niya si Cordelia pagkatapos ng isang mahabang halik noong hindi na niya ito kaya at nagmamakaawa siyang nagreklamo. “Darling.” Hindi niya binitawan si Cordelia at kinuskos niya ang kanyang mga tainga. “Sa tingin ko hindi ka gaanong interesado nitong mga nakaraan…”“Ako?” Medyo antok si Cordelia habang nagsasalita siya. “Siguro mas pagod lang ako nitong nakaraan. Lagi akong antok at gutom…”Nakonsensya si Zephyr. Mula nang si Cordelia na ang nag-aasikaso sa mga gastusin at gawain ng pamilya nila, naging abalang-abala siya. Sa halip, naging mas malaya si Zephyr—isang araw ang lumipas ng may meeting sa opisina, nakipagmeeting siya sa mga business partner, at pumirma ng ilang mga dokumento. Hindi niya inakala na talagang tatayo siya sa likod ng kanyang asawa ngayon kahit na nasanay siya noon na siya ang humaharap sa lahat.Napangiti si Zephyr dahil dito. Naisip niya na dapat niyang
Iyon ang nangyari bago naganap ang eksenang ito ngayon. Dinala ni Yale ang lahat ng mga dokumento upang kwestyunin si Cordelia tungkol sa karapatan niyang baguhin ang mga patakaran.“Yale, hindi ako ang may gawa nito,” kalmadong nagsalita si Cordelia ng nakangiti. “Pumayag din si Lolo na baguhin ito. Isang malaking pamilya ang mga Hamerton, at habang mas lumalaki ang isang pamilya, mas dapat na maging maingat sila sa paggamit ng pera.“Kaya naman, walang mali na baguhin ko ang patakarang ito!”“Sino ka ba sa akala mo!?” Dinuro ni Yale si Cordelia. “Tinanguan ka lang ni Lolo, tapos iniisip mo na may karapatan ka na?“Pinirmahan ni Zephyr ang mga dokumento. Patayin niyo na lang ako kung hindi ko makukuha ang pera ngayon!”“Hindi pinirmahan ni Zephyr ang mga ito.” Tumingin sa kanya si Cordelia ng may malamig na ngisi.“Sinungaling!” Winasiwas ni Yale ang mga dokumento. “Tingnan mong maigi ang mga ‘to! Nasa mga huling pahina ang pirma ni Zephyr!”“Pero nawawala si Zephyr.” Gumalaw a
”H-Hindi… Lolo…”Lalong namutla ang mukha ni Yale. Tumingin siya kay Cordelia nang may mabagsik na ekspresyon sa kanyang mga mata.Ngumisi si Cordelia. “Yale, napakalinaw ng sinabi mo kanina. Narinig ito mismo ni Lolo. Kapag nakipagtalo ka ngayon, sinasabi mo ba na may problema na ang mga tainga ni Lolo, at hindi ka na niya maintindihan?“O…” Nagtaas ng kilay si Cordelia at tinitigan din niya ng masama si Yale. “O hindi talaga makatao ang sinabi mo, kaya hindi ito maintindihan ng iba?”“P*ta ka!”Mukhang galit na galit si Yale nang itinaas niya ang kanyang kamao at sinugod niya si Cordelia.Umubo si Liam, dahilan upang kumilos ang mga bodyguard sa likod niya at hinawakan si Yale.“Paano mo nagagawang kumilos ng masama sa harap ko?”Matanda na si Liam, ngunit siniguro ng kanyang mapagmataas na presensya na ang lahat ay hindi mangangahas na kumilos ng masama sa harap niya.Hindi na nagsalita pa si Yale, hindi dahil sa kaya niya. Idiniin ng mga bodyguard ang magkabilang braso niy
”Masyado akong nagtiwala sa'yo noon. Iyon ang dahilan kung bakit muntik na akong makagawa ng malaking pagkakamali!”Hinampas ni Liam ng malakas ang lupa. as Mula noon ay inisip ni Liam na kahit na limitado ang mga kakayahan ni Matthew at hindi siya gaanong matalino, at minsan ay may problema siya sa sa pag-uugali niya, ayos lang ito—basta't wala siyang gagawing masama. Higit pa rito, si Matthew lamang ang mahusay gumamit ng mga salita sa mga anak niya at madalas nagpapasaya sa kanya. Iyon ang dahilan kung bakit nagbulag-bulagan siya sa mga ginawa ni Matthew. Kahit na noong paulit-ulit na sinabi sa kanya ni Zephyr na may mga problema kay Matthew, pakiramdam niya ay masyadong manhid ang kanyang apo at sinabihan niya siya na miyembro ng pamilya nila ang kanyang tiyuhin. Dapat ay subukan niyang makipagkasundo sa kanya. Pinagsisisihan na niya ito nang husto ngayon! Tumingin siya ng masama sa kanila Matthew at Yale. “Hindi ito ang unang pagkakataon na gumawa kayo ng masamang baga
Hindi nagsalita si Liam. Tumingin siya ng malamig sa kanila Matthew at Yale. Para bang napunta sa isang vacuum ang study room sa sobrang tahimik ng lugar. Napakabigat ng pakiramdam nila habang nanginginig ang kanilang mga labi, at nanatili silang tahimik. Biglang dinampot ni Liam ang babasaging ashtray sa mesa at ihinagis niya ito sa kanila. “Mga hayop kayo!”“Ah!” Si Yale, na mabilis kumilos, ay yumuko, at tinakpan ang kanyang ulo. Hindi man tinamaan sa ulo si Matthew, hindi pa rin niya ito naiwasan, at bumagsak sa paa niya ang ashtray. Galit na galit si Liam. “Ikaw… Hah, ang mahal kong anak at apo! Paano nagkaroon ng mga basurang gaya niyo sa pamilya ng mga Hamerton!?”Hindi lang sila mga basura! Mga hangal sila! Salamat na lang sa hindi inaasahang pag-amin nila. Tahimik na pinanood ni Cordelia ang lahat. “Dalhin mo ang anak mo at umalis na kayo!” Dinampot ni Liam ang kanyang tungkod at hinampas ang binti ni Matthew. Napasigaw si Matthew sa sakit. Para bang may sumpa
Sinabihan ni Cordelia si Clark na tawagin ang family doctor upang matingnan agad si Liam, pagkatapos ay nilapitan niya si Yale at sinabi ng nakangiti na, “Ituro mo ang daan, Yale!”“Ano?” Nagkunwari si Yale na wala siyang alam. Ngumiti si Cordelia, at sumagot, “Para hulihin sa akto ang pangangaliwa nila!”Hindi makatanggi si Yale. Siya at si Matthew ay parang mga ligaw na damo sa mga Hamerton—pwede silang tapaktapakan ng lahat. Hinawakan siyang maigi ng mga bodyguard habang ginagabayan niya si Cordelia patungo sa Yale Residence. Nilalagyan ni Michelle ng gamot ang mga sugat ni Marcus sa may guest room habang nagkukunwari siyang lumuluha. Gusto niyang yakapin si Marcus, ngunit sumigaw ang lalaki, “Huwag kang lalapit!”Nagulat si Michelle sa pagbabago ng kanyang tono.Sumakit ang mga sugat ni Marcus nang mabanat ang mga ito, dahilan upang mamilipit siya. “Zephyr…” Ang marahang sinabi sa kanya ni Michelle, “Ilang araw kitang sinamahan dito mula nang masugatan ka!”“Hmm? Oh…”