MATAPOS ang ilang oras na pang-aabuso ni Stefan sa katawan ng kanyang asawang si Eunice ay nakatulog na lamang ito bigla sa sofa.Nanliliit man sa kanyang sarili ay isa-isang dinampot ni Eunice ang kanyang damit at sinubukang itakip sa kanyang katawan kahit na ito’y punit-punit. Nang sandaling iyon habang pinagmamasdan niya ang kanyang asawa na mahimbing na natutulog dahil sa kanyang kalasingan ay muling nanariwa sa kanyang isipan ang ginawa nito sa kanya sa mga araw na nagdaan. Hindi pa rin niya lubos na maisip na ang sinasapit niya ngayon ay magagawa sa kanya ni Stefan. Alam niyang may pagkamatigas ang ulo nito ngunit hindi niya aakalain na pagbubuhatan siya ng kamay nito.“Stefan…” mahina niyang usal sa pangalan nito. Kasunod noon ay ang pag-agos ng kanyang mga luha sa kanyang mga mata. “Kailan mo ba ako magagawang pagkatiwalaan muli? Kailan mo magagawang maniwala sa akin?”Dahil sa hindi na makayanan ni Eunice ang kanyang pag-iyak at sakit na nararamdaman ay nagtungo siya sa maid’
HABANG abala sa pamimili si Eunice ay wala silang kalam-alam na pumuslit sina Astolfo at Greta sa bahay ng mag-asawa.“I really have nothing to say to you, Gretta! Ikaw lang talaga ang nag-iisang Gretta de Bunco!” pagpupuring saad ni Astolfo na manghang-mangha sa kanyang kapatid.“Kuya Astolfo, hindi ko makukuha ang pangalang ‘yan kung hindi ako magaling,” pagmamalaking tugon ni Gretta.“Woah!” manghang reaksyon ni Astolfo nang napapailing habang napapalakpak. “Ikaw na talaga.” At patuloy pa rin sa kanyang pagpalakpak.Ngumisi lang si Gretta bilang tugon. “Tara na sa loob bago pa makabalik ang babaeng basurang iyon.”“Let’s go!” masayang saad ni Astolfo.Mabilis na pumasok sa kabahayan ang magkapatid at dali-daling dumiretso sa dating k’warto ng kanilang kapatid na si Divina. Nang sandaling makapasok ang mga ito sa k’warto ay agad nilang iginala a
“FUCK!”Isang malutong na mura ang lumabas sa bibig ni Stefan nang sandaling makapasok siya sa k’warto. Hindi pa ito nakuntento at naghagis pa ng vase sa pader na siyang ikinabasag nito at nagkalat ang mga bubog sa sahig.“Fuck!” Muli niyang mura na labis ang panggigigil.You’re such a slut! You weren’t satisfied with killing my Lola, and now you’re having an affair with another man? Eunice, how many times are you going to disappoint me? How many times?Nang manariwa sa alaala ni Stefan ang kanyang binitawang mga salita kay Eunice. Hindi niya maunawaan ang kanyang sarili kung bakit niya nasabi ang lahat ng iyon kay Eunice.“You really disappoint me!”Napasapo si Stefan sa kanyang noo. Naiinis at hindi maipaliwanag na emosyon ang kumakain sa kanyang buong pagkatao. Nadidismaya siya sa lahat na nangyayari. Hindi niya ito gusto at sa tuwing nakikita niya si Eunice ay
Chapter 37: Office AffairsWALA ng nagbago sa rotation ni Eunice sa bawat araw na darating para sa kanya—gigising, pagsisilbihan si Stefan, tatanggapin lahat na masasakit na salita, pananakit, pang-aabuso, sapilitan na pakikipagtalik, iiyak at matutulog. Sa bawat araw na iyon ay pinipilit niyang mabuhay kahit sobrang nahihirapan na siya—kahit na sobrang naaawa na siya sa kanyang sarili at sobrang nasasakal na sa kanyang dinaranas na halos umabot sa puntong gusto niya nang mamahinga ng tuluyan. Ngunit, takot at ang batang nasa kanyang sinapupunan ang tanging pumipigil sa kanya.Tulad ng dati, naiwan na naman siya sa bahay at ang tanging karamay at ang nakakausap ay ang telebisyon at radyo. At dahil tapos na siya sa kanyang mga gawain ay napagpasyahan niyang buksan ang telebisyon para malibang at mapawi ang kanyang pagod na nararamdaman. Nagsimula siyang maghanap ng palabas sa tv hanggang sa nakita niya ang isang medical drama na ‘The R
ISANG MALAKAS na busina ang umagaw sa atensyon ni Eunice dahilan para bitawan niya ang medical book na hawak niya at mapatayo sa kanyang pagkakaupo. Dali-dali itong naglakad palabas ng mansyon para pagbuksan ng gate ang nagwawala niya na namang asawa.“Fucking bitch! I’ve been waiting here for ages yet you’re too slow to open the fucking gate!” nagwawalang sigaw ni Stefan nang sandaling pagbuksan siya ng gate ni Eunice.“Pasens’ya na, Stefan, may—”Hindi pa man natatapos magsalita si Eunice ay binara kaagad ito ng kanyang asawa.“Is what you are doing more important than opening the gate for your tired husband?” gigil na tanong ni Stefan.“Pasens’ya—”“I don’t need your explanation, you, bitch! What I want is to do what’s more important and that is to make me satisfied! You, idiot!” sigaw ni Stefan.Matapos nito sigawan at laiti
KINAGABIHAN,Hindi mapakali at hindi makatulog si Eunice panay ikot siya sa kama. Hindi siya mapalagay at patuloy pa rin siyang binabagabag kung may babae ba talaga ang asawa niya o baka nagkakamali lang siya ng hinala.“Pero ano ba ang dapat kong gawin para malaman kung nambabae ba siya o hindi?”Nagpatuloy sa pag-iisip si Eunice hanggang sa lumipas ang mga oras sa labis niyang pag-iisip.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Eunice. “Anong gagawin ko?” At muli siyang nagpakawala nang malalim na paghinga.Habang nakatingin sa kisame ay narinig niya ang makina ng sasakyan ni Stefan kung kaya dali-dali siyang tumayo para salubungin ito. At tulad ng dati, lango na naman ito sa alak.“Stefan—”“I’m hungry. I want to eat,” wika ni Stefan sabay abot ng suot niyang suit kay Eunice.“Sandali, ipaghahanda kita ng makakain,” wika ni Eunice habang pasim
HINDI MAPAKALI si Eunice at hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang natuklasan niya kanina at kahit na pilit niyang iwaglit sa kanyang isipan ang kanyang nalaman ay hindi nito pinapatahimik ang kanyang isipan.“Pull yourself together, Eunice. Hindi mo kailangan magpaapekto sa nalaman mo. Hindi dapat makita ni Stefan na pinagdududahan mo siya kung ‘di magkakaroon na naman kayo ng gulo,” saad niya sa kanyang sarili sabay iling nang mariin para ikumpas ang kanyang sarili bago hinain ang pagkain ng kanyang asawa.Ngunit sa hindi sinasadya ay nahulog ni Eunice ang kutsara dahilan para mabulyawan siya ni Stefan.“What the hell are you doing?” bulyaw na tanong ni Stefan na magkasalubong ang mga kilay.“Pasens’ya na, dumulas sa kamay ko,” paghingi ng despensa ni Eunice na agad pinulot ang nahulog na kutsara.“You’re such a stupid!”Muli, nakatanggap na naman nang masakit na salita s
MULING tinignan ni Eunice ang kanyang sarili sa harap ng salamin, hindi niya na maalala kung kailan niya huling nakita ang sarili na makapag-ayos. Nang sandaling iyon hindi niya mapigilan na titigan ang kanyang sarili dahil hindi niya maitatago sa kanyang sarili na kahit siya ay namamangha sa kanyang kagandahan kahit na siya’y nagdadalang-tao.“Tama na ba ito?” tanong niya sa kanyang sarili habang pinagmamasdan niya ang kanyang sarili.Napagdesisyunan ni Eunice na puntahan si Stefan sa kompanya nito para alamin kung talagang may babae talaga ito. Alam niyang may posibilidad na may babae ito at maisip pa lang iyon ay masakit sa kanya pero gusto pa rin niya makasiguro at makita mismo ng dalawa niyang mga mata na may babae nga talaga ang kanyang asawa. Ayaw niya na paghinalaan ito nang dahil lang sa naamuyan niya ito ng pambabaeng pabango dahil magiging unfair iyon sa parte ng kanyang asawa nang dahil lang sa mali niyang hinala. At kahit masakit ang kany
“WE are all here to witness the murder, fraud, and documentary falsification cases against Astolfo and Gretta Salvatore vs Stefan Salvatore,” panimula ni Judge Lopez. Ramdam sa buong paligid ang mabigat na hangin sa loob ng korte kung saan naroon si Stefan at ang magkapatid na puno’t dulo ng lahat ng pagdurusa at pag-iisa ng binata. Bagamat nakaposas ang mga ito ay hindi nawawala sa puso ng binata ang galit at poot na kanyang nararamdaman matapos ang lahat ng mga ginawa nito sa kanyang pamilya. Napakuyom ng kanyang mga kamay si Stefan nang sandaling magkrus ang mga mata nila Astolfo at Gretta na hindi niya man lang makakitaan ng pagsisisi bagkus ay tila nanlalaban pa ito na sila ay inosente dahilan para lalong humigpit ang pagkakakuyom niya sa kanyang mga kamay. “Defense Attorney, please proceed to your opening statement.” Puno nang galit ay binigyan niya ng mga tingin ang mga ito na may tahimik na mensaheng, “I will make you pay. You will pay everything!” At matapos noon ay itinuo
MAGKAHALONG tuwa, kaba at pag-aalala ang naramdaman ni Stefan nang marinig niya ang sinabi ni Dr. Kith.“For the time being, we’ll take her to the labor and delivery room and wait until the baby is ready to be delivered,” wika ni Dr. Kith. “I have to go and prepare what she needs.”Matapos noon ay iniwan na ng doktora sina Stefan.“Ahh…ang sakit,” daing ni Eunice habang namimilipit sa nararamdamang sakit.Hindi alam ni Stefan ang kanyang gagawin dahil iyon ang unang beses na makaranas ng ganoon dahilan para ‘di siya makagalaw sa kanyang kinakatayuan.“What should I do to help her to ease the pain that she’s having?” tanong niya sa kanyang sarili na may desperasyon sa kanyang tono.Hindi niya maatim na makita ang kanyang asawa na nasasaktan kung kaya hindi niya man alam ang kanyang kinuha niya ang kamay ng kanyang asawa at marahan na hinawakan iyon.“Calm down, Mahal. You need to relax,” marahan niyang saad na nakatuon ang mga tingin sa kanyang asawa na kagat-kagat ang labi para pigila
NAPATINGIN si Stefan sa kanyang relo at pasado ala sais na ng gabi kung kaya inimpis niya na ang kanyang mga folders na kanyang binabasa at saka tumayo sa kanyang pagkakaupo. Kinuha niya ang kanyang car keys at agad naglakad paalis.“What should I buy for her?” tanong ni Stefan sa kanyang sarili habang nag-i-scroll sa kanyang cellphone naghahanap ng restaurant na pagbibilhan niya ng makakain nilang dalawa ni Eunice.Nang makahanap siya ay agad siyang nagtungo sa restaurant na iyon at um-order ng kanilang makakain pagkatapos noon ay dumiretso na siya ng ospital. Wala pa kalahating oras ay nakarating na siya ng ospital.“I’m just in time,” wika ni Stefan nang i-check ang kanyang relo.Gumuhit sa mga labi ni Stefan ang ngiti habang naglalakad papunta sa k’warto ng kanyang asawa ngunit nang sandaling makarating siya tapat ng pinto ay nakarinig siya ng ibang boses sa k’warto nito—nagtatawanan ang mga ito na tila ang saya-saya sa kanilang mga pinag-uusapan. Nang silipin niya ay nakita niya
NANG makita ni Eduardo ang tila kamukha ng kanyang anak na si Stefan sa ospital ay walang araw na ginagalugad niya ang ospital nagbabakasakaling makita niyang muli ito at makumpirma kung anak niya ba talaga ito.“Where are you going, Dad?” tanong ni Damon na tila napapansin ang palaging pag-alis ng kanyang ama sa kanilang k’warto sa mga nakalipas na mga araw.“Diyan lang, anak. Magpapahangin-hangin lang ako,” tugon ni Eduardo at kinuha ang crutches nito.“Are you not going to use your wheelchair, Dad?”“Hindi, mas makakabuti kung ito ang gagamitin para mapadali ang rehabilitation ng mga binti at paa ako nang sa gayon ay makapaglakad na ako ng hindi gumagamit ng wheelchair at crutches,” nakangiting saad nito.“But don’t you think you shouldn't put too much pressure on yourself?”“Damon, I’m not pushing myself. All I want to do is walk like I used to.” At
NAPABUGA ng hangin si Eduardo sa labis na pagkabagot. Ilang linggo na rin ang nakalipas ng siya ay magising at wala siyang ibang ginawa kung ‘di ang manatili sa k’wartong iyon at lalabas lang kapag schedule ng kanyang therapy. Muli napabuga siya ng hangin at napatingin sa labas ng bintana ng kanyang k’warto kung saan binalot na ng kadiliman at ang liwanag sa bawat k’warto ng ospital na iyon. Habang nakatingin sa munting liwanag na nilalamong kadiliman ay nanariwa sa kanyang isipan ang mga sandali na magkakasama sila ng kanyang buong pamilya, ang aksidente, ang pagkawala ng kanyang asawa at mga taong lumipas na hindi nila namalayan ay tila isang pangyayari na hindi nila lahat inaasahan. Para sa kanya, ang lahat ay tila isang panaginip—panaginip na hindi niya kailanman ginusto.Muling napabuga ng hangin si Eduardo dahil sa mabigat na emosyon na kanyang nararamdaman.“Bakit nangyari ang lahat ng ito sa amin?” tanong niya sa kanyang sarili.Binalot nang matinding katahimikan ang buong k’w
A WEEK AGO…Hindi maalis ni Eunice ang kanyang tingin sa kanyang cellphone na kanyang hawak. Kanina niya pa ito hawak at pinag-iisipan kung tatawagan niya ba ang kanyang ina o hindi. Labis siyang kinakain ng kanyang mga agam-agam at gusto niyang malaman ang buong katotohanan kung ano ba talaga ang tunay na relasyon ng kanyang ina at ni Eduardo at kung anak ba talaga siya ni Eduardo—kung magkapatid ba talaga sila ni Stefan. Wala siyang ibang alam na makakasagot ng kanyang katanungan at makakapagsabi ng katotohanan ay sina Doña Divina at ang kanyang ina. At dahil wala na si Doña Divina, walang ibang nakakaalam ng katotohanan kung ‘di ang kanyang ina.Napahugot siya nang malalim na paghinga at ipinikit ang kanyang mga mata para ikalma ang kanyang sarili at alisin ang mga gumugulo sa kanyang isipan para makapag-isip siya sa kung ano bang dapat niyang itanong sa kanyang ina sa sandaling tanungin niya ito sa totoong pagkatao niya.“Kung ito lang ang paraan para malaman ko ang katotohanan…”
Kumawala si Stefan sa pagkakayakap ni Eunice at tinignan ito sa mga mata.“You should feel sorry,” seryosong saad nito. “And you should be held accountable for your actions!” At sa isang iglap ay inangkin ni Stefan ang labi ni Eunice bagamat ito’y may kagaspangan dahil sa panunuyo dahil sa ilang araw na hindi ito nabasa ay hindi iyon naging alintana sa kanya para manabik na mahagkan muli ang kanyang asawa.Nabigla man sa ginawa ng kanyang asawa ay tinugunan niya rin ang mga halik ni Stefan. Nang sandaling iyon hindi niya maikakaila na na-miss niya din ang mga halik ng kanyang asawa sa mga araw na nawalan siya ng malay. Ngunit sa kabila ng pagpapalitan at pagtanggap ng halik na puno ng pagmamahal sa isa’t isa ay muling sumagi sa kanyang isipan ang agam-agam…o isang katotohanan na siya niyang natuklasan ng nakaraan.Stefan…***SINUBUKAN ni Eunice na baliwalain ang kanyang nalaman ngunit kahit anong pilit niyang alisin iyon sa kanyang isipan ay paulit-ulit pa ring nanariwa sa kanyang al
ITINULAK ni Damon ang kanyang wheelchair papalapit sa higaan ng kanyang ama at saka hinawakan ang kamay nito.“Dad…” mahinang sambit nito na halatang pinipigilan ang kanyang pagluha.Pilit na bumangon si Eduardo sa kanyang pagkakahiga at inabot ang pisngi ng kanyang anak na bakas ang pagbabago sa mukha nito noong huli niya itong makita.“You’ve already grown up a lot, Damon,” wika ni Eduardo habang hinahaplos ang pisngi ng anak.“Same goes to you, Dad,” wika ni Damon na tumawa nang mahina.Habang pinagmamasdang maigi ni Eduardo ang kanyang anak ay biglang sumagi sa kanyang isipan si Amanda, ang kanyang asawa.“Damon, where’s your mom? How is she?” Sunod-sunod na tanong ni Eduardo sa kanyang anak na may halong pananabik at pag-aalala ngunit biglang naglaho ang kanyang pananabik nang mapansin niya ang pagbabago sa reaksyon ng kanyang anak nang banggitin niya ang kanyang asawa.“Damon, why? Is there something wrong with your mom? What happened to her?”Hindi nakasagot si Damon.“Damon?”
SABIK na umuwi si Stefan sa kanilang bahay para ibalita kay Eunice ang magandang balita na kanyang dala. Nang sandaling maiparada niya na ang kanyang kotse ay dali-dali itong naglakad papasok ng mansyon at agad na hinanap ang kanyang asawa.“Mahal? I’m home!” masaya saad ni Stefan na agad ginala ang kanyang mga mata para makita ang kanyang asawa ngunit wala sa sala ang kanyang asawa dahilan para pumunta ito ng kusina ngunit wala rin doon si Eunice. “Where is she?” kunot noong tanong niya sa kanyang sarili.Umakyat si Stefan sa kanilang k’warto para tignan kung naroon si Eunice.“Mahal, are you—”Hindi nagawang matapos ni Stefan ang kanyang sasabihin nang makita niya ang kanyang asawang nakahandusay sa sahig.“Eunice!” bulalas na sambit ni Stefan sa pangalan ng kanyang asawa at mabilis itong nilapitan. “Mahal, mahal! Wake up! What happened?” Sunod-sunod na tanong nito nang